Once A Love Story - #Wattys20...

By MicxRanjo

78.3K 2.7K 697

Can a moment of love last forever? Hindi kailanman kasalanan ang magmahal. Sabik si Erina De Dios na mahalin... More

Once A Love Story
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Wattys2018 Shortlist!
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
We got it! WATTYS2018 WINNER!
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-One
Chapter Twenty-Two
Chapter Twenty-Three
Chapter Twenty-Four
Chapter Twenty-Five
Chapter Twenty-Six
Chapter Twenty-Seven
Chapter Twenty-Eight
Chapter Twenty-Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-One
Chapter Thirty-Two
Chapter Thirty-Three
Chapter Thirty-Four
Chapter Thirty-Five
Chapter Thirty-Six
Chapter Thirty-Seven
Good news to share
Chapter Thirty-Eight
Chapter Thirty-Nine

Chapter Eighteen

1.2K 48 3
By MicxRanjo

"ARE you sure?" Napatayo si Erina sa kinauupuang kama ni Caleb sa silid nito.

Maluwang ang mga ngiting niyakap siya nito pagkatapos sabihin ang sinabi. "Oo Mahal, buntis ka raw. Magkaka-baby na tayo."

Mahigpit din siyang yumakap pabalik sa kasintahan. Hindi niya mapangalanan ang nararamdaman ngayon, halo-halo kasi. Bumalong ang luha sa kanyang mga mata. Kumalas siya kay Caleb at muling umupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang tiyan, ngumiti kasabay nang pagpatak ng luha sa kanyang mga pisngi.

"Erina?" Umupo si Caleb sa kanyang tabi. "Okay ka lang?"

"Leb, I'm going to be a mom." Her eyes sparkled with tears.

Hinawakan nito ang kanyang kamay habang ang isang palad ay humaplos sa kanyang pisngi. "Oo, at ako ang magiging daddy." Kumislap din ang mga mata nito sa mga luhang nagbanta sa pagbalong.

"Oh Leb!" Muli siyang yumakap dito.

"I love you, Erina. Hindi ko alam kung paano, pero alam ko kung gaano," Humugot ito ng malalim na hininga, "lalo pa't nagbunga ang ating ginawa, mas lalo kitang minahal."

She didn't think happiness would be possible, and she had it right at this moment, with Caleb, and with their unborn baby in her stomach. She couldn't wait to meet her, yes, it will be a she. She will give her child all the love that she didn't get from her own parents. She will not let her live in loneliness and sadness. She will make sure of that.



"TIA KATE!" Mabilis na sumalubong si Erina sa tiyahin.

"Erina, love." Matamis na ngiti nito. Kabababa lamang nito ng jeep ng kanyang ama na siyang sumundo rito sa airport. "How are you?" Kumalas ito sa pagyakap saka pinagmasdan ang kanyang mukha. "Oh, how much I missed you!" Pinisil nito ang kanyang baba.

"Ouch, Tia! I'm not a baby anymore. How was your flight?" Iginiya niya itong papasok ng bahay.

"Okay naman, medyo pagod. Look at you, looks like the foods here did you good. Hiyang na hiyang ka rito a."

Hindi niya napigilang mapahagikgik na para bang kiniliti siya. "I will tell you later. It's a surprise." Kumindat pa siya.

"Hm?" Tumaas ang isa nitong kilay, katulad ng kung paano rin niyang itaas ang kanyang kilay.

"Hmm!" she gruntled back after giggling.



ENRIQUE watched as Katerina and Erina chatted happily. May kumurot sa kanyang puso, kaalinsabay ng galit at lungkot para sa dalawa. Hanggang kailan niya maitatago ang isang lihim tungkol sa mga ito? Tama nga ba ang desisyong kanyang ginawa noon? Ngunit sa nakikita niya ngayon, gusto niyang isipin na tama lang, at makabubuting ibaon na lamang niya sa limot ang lahat.



MARAHAN ang mga hakbang na pumasok si Katerina sa kanyang dating silid. Inilibot niya ang paningin sa mga puting kurtina na may ruffles sa laylayan; kulay kremang pintura ng bawat dingding; ang body sized white teddy bear na nakaupo sa rocking chair na gawa sa rattan; ang kamang sinasapinan ng puti na may mga burdang bulaklak...iyon pa rin, walang nabago magmula ng lisanin niya ang bahay na ito.

Dumiretso siya sa matayog na built-in cabinet na kulay tsokolate, binuksan ang dalawang pinto. Mula sa papag ay iniangat niya ang isa sa mga shelf na nakapatong doon, may hinugot na isang brown envelope. Napangiti siya, ngiting hindi umabot sa mga mata. "You're still here..." she whispered to herself and finger-brushed the olden texture of the paper.

Umupo siya sa gilid ng kama, dahan-dahang binuksan ang envelope at hinugot ang nasa loob niyon. Pictures, little notes, love letters—things that she had tried to buried but couldn't let go so she hid them, and now...looking at the pictures again brought all the memories back from the past.

Dinampot niya ang isa sa mga sulat, binuklat at binasa.

"Mahal,

Kahihiwalay lamang natin ngunit heto't nasasabik akong muli kang makita. Hindi sapat ang kalahating araw upang makasama ka, gusto kong matulog at magising na ang maamo mong mga mata at maganda mong mukha ang aking nakikita. Hanggang bukas muli sa ating dating tagpuan, hihintayin kita.

Nagmamahal,

Alvie

Tinakpan ni Katerina ang bibig upang pigilin ang pagsinghap, kasabay ng sunod-sunod na pagtulo ng mga luha na bumasa sa kanyang mukha't kamay. Mahapdi ang bawat pagtibok ng kanyang puso, ramdam niya ang bawat kirot na hindi pinaglaho ng maraming taon na lumipas.

"Alvie? Pambabae naman 'yan mahal e, Al na lang."

Umiling si Katerina sabay ngiti. "Mas gusto ko ang Alvie kasi walang ibang tatawag sa iyo niyan kundi ako. So don't forget, okay?" Pinapungay niya pang lalo ang mga mata na alam niyang hindi kailanman mahihindian ng kasintahan.

Ngumisi lamang ito, nagkamot ng batok at nagpakawala ng hininga tanda ng pagsuko. "Sa isang kundisyon." Ito naman ang nang-akit.

Naitaas ni Katerina ang isang kilay, alam din kasi nito na mahina siya pagdating sa pilyo nitong mga ngiti.

"Ayoko." Dinilaan niya ito.

"Aba, hindi iyan tama, Kat." Tumayo ito mula sa kinauupuang malaking bato sa may gilid ng sapa, pinuntahan kung saan siya nakatayo sa gitna ng tubig.

Naalarma siya sa paglapit nito kaya naman mabilis siyang humakbang papunta sa kabilang gilid.

"Hindi ka makakatakas sa akin." Paalala ng kasintahan.

Lalo pa niyang binilisan ang paghakbang subalit medyo maagos sa gitna ng tubig kaya naman nahirapan siyang iangat ang mga binti.

"Huli ka!" Pumulupot ang mga braso nito sa kanyang baywang at sapilitan siyang iniharap dito. "You can't run away from me, Mahal." At isang halik sa labi ang ibinigay nito sa kanya.

Humigpit ang paghawak ni Katerina sa papel, tahimik siyang umiyak. Ilang taon na ang lumipas ngunit heto't nanatili pa rin siya sa alaala ng kahapon. Hinapit niya ang dibdib, hindi sapat ang mga panahong nagdaan upang siya'y makalimot. Naroon pa rin ang sakit; ang panghihinayang; ang mga pangakong hindi nagkaroon ng katuparan.



"PREGNANCY test?" Naitaas ni Erina ang kilay.

"Binili ko sa bayan." Ngiti ng nobyo, larawan sa mukha nito ang pagkasabik.

"You did? By yourself?" Nanlaki ang kanyang mga mata.

Tumango ito, nangunot ang noo. "Bakit?"

Hindi niya pinigilan ang pagtawa. Hindi pa rin makapaniwalang ito mismo ang bumili niyon.

"Bakit nga?" Naging alanganin na ang reaksiyon nito.

"Hmm, nothing. You're just too adorable. Come here, give me a hug." She opened her arms to welcome him.

Humakbang naman ito palapit sa kutson kung saan siya nakaupo. Nang mayakap ay idinampi niya ang ilong sa gilid ng leeg nito, suminghot.

"Saglit love, amoy pawis ako, naglaro ako ng basketball sa school kanina e." Akmang lalayo ito ngunit pumigil siya.

"I like your smell." Lalo pa niya itong sininghot. "I like your sweat-cologne combination."

Pinaglilihian mo na ba ang amoy ko?" Mahinang tawa nito.

"Hmm...maybe?"

Bumuwelo ito't inihiga siya sa kutson, Tumukod ang braso roon habang ang isang kamay ay nasa kanyang batok.

"Nasabi ko na ba sa iyo kung gaano ka kaganda?"

Nalangahap niya ang masarap nitong hininga, nasabik na mahalikan ang mga labing nasa kanyang harapan. "Oo, pero hindi ako magsasawa na marinig nang maraming beses."

Natawa ito. "Sige, kasi hindi rin ako mapapagod na ulit-ulitin." He gave her a quick kiss on the lips.

"More."

"How much more?" he whispered.

"Forever more."

Tumaas ang gilid ng labi nito. "'Yan ang ini-expect kong sagot." Saka dumikit ang labi nito sa kanya.



"ANO naman ang gagawin mo sa loteng iyon, kuya?" Iginala ni Katerina ang paningin sa loob ng pribadong silid ng kakambal, ganoon pa rin at walang nabago sa mga ayos.

"Ibebenta ko para pambayad utang." Diretsong sagot ni Enrique.

Natigil siya sa paghakbang, hindi tuminag. Ilang minuto ang lumipas bago niya nakuhang kumilos, lumapit sa may bintana na gawa sa salamin at tumingin sa labas, tanaw niya ang hardin mula roon. "Utang? Bakit ang lupang ipinamana sa akin ang gagawin mong pambayad utang?"

"I'm broke, Katerina. Kahit man lang itong Villa ay kailangan kong maisalba."

"I will give you everything I have...except for that place."

"Malaki-laki rin ang presyong makukuha natin sa burol na iyon, bakit hindi na lang natin ibenta kaysa naman nakatiwangwang lang doon?"

"At sinabi kong hindi nga, Kuya." Hinarap niya ito. Naramdaman niya ang pagragasa ng dugo sa kanyang katawan. "That hill is mine. Everything about it is mine. How much do you need?" Huminga siya nang malalim upang kalmahin ang sarili. Hinawakan niya ang sariling mga kamay upang pigilan ang mga iyon sa panginginig.

Hindi ito kumibo, nanatili lamang na nakatingin sa kanya.

"I have stocks and other properties that will be useful. Ibibigay ko sa iyo lahat, tulong ko na, pero sa isang kundisyon, Kuya."

Hindi pa rin ito tuminag o umimik.

"It's about Erina, she grew up all by herself and lonely even with me by her side. Hindi ko kailanman napunan ang espasyong ipinagkait ninyo sa kanya. That child just wanted to be loved by her own parents and I just don't understand why you can't give that to her. Gusto niyang dito manatili, kaya titira siya rito sa inyo."

She heard him make a low, guttural sound. Nilingon niya ito.

"You don't know what you are talking about, Katerina."

"Iyan ang kundisyon ko, Kuya." Tinalikuran niya ang kakambal upang umiwas sa mga gusto pa nitong sabihin. Anuman ang dahilan ng pagkakalugmok ng mga negosyo nito, hindi siya makapapayag na gamitin nito ang kapirasong lupa na kanyang minana mula sa kanilang mga magulang.



CALEB rushed to the cottage hill right after school. Miyerkules pa lang at hindi pa tapos ang kanilang pagsusulit sa linggong ito ngunit nasasabik siyang muling makita ang kasintahan. Binigyan siya ni Erina ng isang linggong pahinga upang makapag-concentrate siya sa pag-aaral ngunit heto't hindi siya nakatiis at nagpumilit pa ring pumunta ng Del Rio.

"Ano 'yan?" Sinalubong siya ni Erina sa may bukana ng kubo, matamis ang mga ngiti.

"Kiss muna." Inginuso niya ang mga labi, tumingkayad ito upang maidampi ang mga labi nito sa kanya.

Katulad ng dati, nalanghap niya ang pamilyar at masarap na halimuyak ng balat at buhok nito, lalo tuloy siyang nasabik. Binitiwan niya ang hawak at agad itong hinapit, niyakap ng mahigpit at idiniin ang mga labi rito.

Erina moaned trying to gasp for breaths, he gave way.

"I miss you so much!" Muli niya itong niyakap, dinama ang wala pang umbok nitong tiyan.

"Mukhang si baby naman ang na-mis mo e." may paghihinampo sa tinig nito.

"Siyempre pareho kayo." Humaplos ang kanyang mga daliri sa pisngi at baba nito. "And I love you both so much, always."

Hindi siya makapaniwala sa sariling magiging kaligayahan niya na makita ang matamis na mga ngiti ng kasintahan. Na ang mapasaya ito ang kanyang magiging hangarin sa buhay. Dinampot niya ang parihaba at kulay puting kahon, binuksan at kinuha ang nasa loob niyon. Iniabot niya iyon sa nobya.

"Oh! White roses, my favorite!" Kumislap ang mga mata nito sa sobrang kasiyahan. "How did you know?" Saka tumingin sa kanya.

"Hula lang, mabuti naman at tumama ako. Napansin ko lang kasing mahilig ka sa puti."

Natigilan ito nang may masilip sa isa sa mga stemmed roses. Her eyes widened and breath halted. Kinagat nito ang ibabang labi, nagbadya ang luha sa mga mata.

"L-Leb..." A tear escaped her eye.

Inalis niya sa pagkakatali sa rosas ang isang singsing, may maliit na diyamante sa gitna niyon, kumislap sa aninag ng ilaw sa kubo. Lumuhod siya sa isang binti, tumingala sa kasintahan at inilahad ang singsing rito.

"Ngayon, bukas, at magpakailanman, ikaw lamang ang mamahalin at nanaisin kong makasama habambuhay. Erina De Dios...will you marry me?"

Nagkasunod-sunod sa pagpatak ang mga luha nito, ngunit nanatili pa rin ang angkin nitong kagandahan. At alam niya, kaligayahan ang dahilan ng mga pagluha nito.

At katulad ng ibang mga nagmamahalan, sinunod nila ang idinikta ng kanilang mga puso at muling tinikman ang init na hatid ng kanilang mga katawan, ninamnam ang kaligayahang tanging sila lamang ang makapaghahatid.

"L-Leb, don't stop." Erina begged while ecstasy still lingers all over her mind, body and soul.

Bawat daing at pagtawag ng kasintahan sa kanya'y naghahatid ng walang katapusang kaligayahan sa kanyang damdamin at isipan, nakalulunod at halos mapugtuan siya ng hininga subalit ayaw rin naman niyang matapos.

Kaykinis ng balat ni Erina, kaydulas at napakasarap damhin, gustong mahiya ng magaspang niyang mga palad sa tuwing hahaplusin niya ito subalit kabaligtaran ang hatid niyon sa kasintahan—she loved his touch, and everything about him.

Pumatong si Erina sa kanya nang maihiga niya ang katawan sa kutson, larawan sa mga mata nito ang kaparehong pagnanasang kanyang nararamdaman. At katulad ng dati, kahit sapat ang oras upang sila'y magtalik, hindi pa rin nila mapigilan ang matinding pagnanasang kanilang nararamdaman para sa isa't isa.

"Oh, Leb...I love you. I love you!" She rocked herself riding on top him, while his mouth and hand took pleasure on her breasts.

Humigpit ang kanyang pagpisil sa dibdib ng kasintahan nang halos magkasabay nilang nakamit ang kaligayahan. Kahit pareho pa ring naghahabol ng hininga, muling nagdikit ang kanilang mga labi, matamis na naghalikan bago inilatag ang mga katawan sa higaan.

"I love you more, Erina."


A/N:

Thank you for reading. Please vote and comment, if you like the story, share it.

MicxRanjo

Written on: 12.18.18

Continue Reading

You'll Also Like

14.5M 747K 72
He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming high school boy who taught Sussie's young...
760K 26.9K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
97.4K 2.4K 52
What will you do if you end up in someone else body?
9.4M 286K 37
OLD SUMMER TRILOGY #1 Estella and Yori have always been rivals ever since high school because of debate competitions. They would always switch places...