Ashswon PoV
"Alam mo Visha may na aksidente daw na mga maharlika, Ang iba naman sinasabing sinasadya" Sabi ni Meyo sa akin, isa sa mga kaibigan Kong Prinsipe ng mga Hayop.
"Ay oo nga nabalitaan ko din yun" Sabi naman ni Mento na isa ring Prinsipe ng Instrumento.
Ayyyy nako balita nga naman, Ang daling kumalat.
Ang pangalan ko nga pala Ay VISHA ASHSWON FAYRA MISTIKA Ang pinakapangyarihan at pinakamalakas sa buong TIERRA DEL AKADEMYA at Ang Anak ng Dyosang si Tierra.
"Kailan Kaya sila uuwi?" Sabi ni Dawna na palaging umaasa sa wala. Prinsesa ng Oras yan.
"Dawna wag kanang masyadong Umaasa dun sa Teem na yun" Sabi ni Shin na isa sa kaniyang pinsan.
"Visha ano ba ang iniisip mo ba't sobrang lalim?" Tanong sa akin ni Mento. Nakikinig Lang ako sa kanila. Alam ko naman kung sino Ang may gawa nun..
"Oo nga, nakikinig ka ba?" Tanong ni Dawna sa akin.
"Oo naman naririnig ko kayo" Sabi ko at nakangiti pa ako, para naman di nila mapansin na may sekreto ako.
"Kailan Kaya sila dadating?" Tanong na naman ni Dawna.
"Bakit mo naman sila hihintayin?" Tanong ko sa kaniya. Umaasa siya sa pagmamahal ni Teem subalit May pagsinatang labis Si Teem at Seberia.
"Wala lang, gusto ko lang makita mukha ni Teem" Sabi nya naman at ngumiti sa akin.
Hayy nako wag ka ng umasa masasaktan ka lang. Ganyan naman talaga..
May isa pa talagang bumabagabag sa isip ko. Bakit kaya?
"May itatanong lang ako sa inyo, Hindi ba kayo nagtataka na.nakahuli tayo ng alagad ni Tiyrra?" Sabi ko kanina kasi may nagbalak manggulo dito kanina sa Akademya ehh naubos na sila dati ni Ina.
"Bakit may Hindi ba tama doon?" Tanong na sagot ni Dawna sa akin.
"Iniisip ko lang kasi Bakit nakarating sa Tierra del akademya Ang mga alagad ng kadiliman kung nawawala nag Ang kanilang mundo, edi Dapat Wala silang lagusan Diba?" Sabi ko, kanina pa kasi ako nalilituhan dagdagan mo pa Yung problema ko kay Seberia.
"May punto ka naman" tumango tango nyang Sabi sa akin.
"Nakakasiguro ka ba talaga na taga kadiliman yung nahuli natin?" Sabi ni Mento sabagay may punto din sya. Marami din kasing mararahas na nakatira rito sa Tierra del Mundo.
"Iba Ang kanyang dating, mas malakas Ang kanyang presensiya na nakakahimatay" Sabi ni Shin, pansin niya rin pala iyon?
"Hindi natin yan masasagot ng Hindi natin naiimbestigahan" Sabi naman ni Meyo. Tama, mag-imbestiga para naman May malaman kaming mga Dapat malaman.
"Kung Totoo nga syang kampon ng kadiliman, may digmaan bang dadating?" Nangangambang Sabi ni Shin. Malakas Ang kadiliman hanggang Hindi pa namin nahahanap Ang mga kapatid ko na dalawa.
"Tiyak akong maraming masasaktan kung gayon" sambit naman ni Mento. Tama siya.
"Ilang taon na din Ang nakalipas ng sinakop tayo ng kadiliman" Sabi ni Meyo. Naging mahirap Ang kalagayan nang mga katulad namin nung sumapit Ang Panahon na iyon.
"Ano kaya Ang kahulugan nun?" Sabi ni Dawna na parang nag-iisip.
"Pupunta mo na ako sa aking silid, may tatanungin lang ako" Sabi ko at nagdiretso deretso papunta sa Silid ko. Kailangan Kong malaman Ang lahat sa lalaking madaling panahon.
"Sino?" Nagtatakang tanong ni Mento
"Kung Sino Ang nakaka-alam ng Lahat ng to" Sabi ko na parang naguguluhan pa sila. Wala kasi silang alam kung sino Ang tatanungin ko..
"Sino nga?" Pangungulit nilang tanong. Walang gamit, di ko naman din sasabihin.
"Hindi nyo na Dapat alamin yun" Sabi ko at pumunta na sa silid Hindi ko na hinintay Ang sasabihin nila.
Ang dami nang nangyari sa araw na to.
Hayy nako gusto ko tuloy magpahinga. Alam nyo ba na kalapit lang ang dormitoryo nang mga prinsesa at malalaki kaysa sa iba?
Bawat antas Ay may sariling palapag. Sa unang palapag makikita mo Ang mga alipin na swerting nakapasok sa akademya. Pangalawang palapag naman Ay para sa mga Malaya. Ikatlong palapag Ay mga Maharlika. Ika-apat na palapag naman ang mga prinsesa at prinsipe.
Balik muna tayo sa Problema ko. Oo nga pala nasa Misyon sila. Kaya kinuha ko Ang Salamante para makausap siya.
"Sa kapangyarihan ng salamante tinatawag ko si Prinsipe Thieyo" Sabi ko at iwinagayway Ang mahiwagang salamante at tinutok sa buwan.
"Fayra, Bakit ka tumawag?" Sabi nya naman sa akin ng Makita niya na ako.
"Thieyo may itatanong lang ako sayo" Sabi ko naman sa kaniya. Siya kasi Ang Prinsipe ng Propesiya kaya alam niya Ang mga bagay na to.
"Ano ba iyon at mukhang hindi ka makatulog?" Sabi nya sa akin na may pag-aalala.
"Kakagaling lang kami sa misyon" panimula Kong balita sa kaniya.
"Mabuti at Hindi ka nasaktan" Sabi nya tapos ngingiti ngiti pang nalalaman.
"Kasi Thieyo Hindi ako Sigurado Kong isa ba talaga yung hangal na kampon ng liwanag o isang kampon ng kadiliman" Sabi ko na sobrang seryoso. Pakiramdam ko kasi puputok na yung utak ko kakaisip nun.
"Hangal lang naman siguro na kampon ng liwanag, imposible namang kadiliman yun" Sabi nya na parang nag-iisip din.
"Hindi parin tayo magpasiguro, malay natin sa tagal nilang hindi nagpapakita may hinahanda silang laban para sa atin" Sabi mo na mas lalong napa-isip si Thieyo. Alam Kong malalaman mo rin Kong bakit..
"May punto ka naman pero masyadong mabilis ang iyong pag-iisip" Sabi nya naman sa akin. Tama sobrang bilis ng pag-iisip ko. Dahil kong mautak Ang kalaban Hindi siya aatake Kong wala siyang mapapala.
"Ano pa ba Ang inaasahan sa isang prinsesa diba?" Tanong ko sa kanya. Isa akong prinsesa kaya naman tungkulin ko na pangalagaan Ang iniwan Mundo ng aking Inang Dyosa.
"Sabagay dahil isa kang prinsesa" Sabi nya na tumango tango pa.
"Kailan ang uwi nyo?" Bigla Kong Sabi sa kaniya. Ang tagal na kaya nila sa Misyon nila.
"Bakit mo naman naitanong yan, sabik ka na ba na makita ako?" Sabi nya at tumatawa pa. Kung Nandito to kanina pa to tustado. Pero sabayan na natin.
"Kahit kailan talaga palabiro ka talaga" Sabi ko at sinabayan sya nang tawa, mukha na talaga kaming tanga.
"Hindi ko pa alam, hindi pa kasi namin nakukuha Ang mensahing pinabibigay para sa atin" Sabi nya na malungkot Ang mukha. Tumatawa lang Kami Pero May malaki kaming Problema.
"Mabuti pa at magpahinga kana" Sabi ko naman sa kaniya. Mahaba haba pa Ang kaniyang gagawing Misyon.
"Ikaw din magpahinga kana, at wag mo Nang isipin Ang mga bagay na yun huh?" Sabi nya sa akin.
"Oo, Hindi ko na iisipin. Ikaw nalang" Sabi ko na pabiro baka umuwi yan bukas. Hahha..
"Totoo iisipin mo ako?" kumikinang kinang Ang kayang mata.
"Hoyt.. Theiyo wag ka ngang maingay" saway sa kanya ni fortu, Ang Prinsipe ng Hinaharap.
"Sige. Paalam baka Hindi ka makatulog sa sinabi ko ahh" pabiro Kong sabi sa kaniya.
"Dadalhin ko yun hanggang pagtulog, paalam" Sabi nya at Nawala na nag mukha nya sa salamante. Hayss, napabuntong hininga nalang ako.
Paano kayo kung kampon nga yun ng kadiliman may magagawa ba ako para mapadali ang paghahanap sa dalawa Kong kapatid?
Mabubuo pa ba ang pamilya namin bago magdigmaan?
Matutupad ko pa ba Ang pangako ko kay ina?
Paano kung Mawala Ang lahat lahat sa akin?
Paano kung hindi ko magawa Ang pangako na yun?
Mawawala na ba sa akin Ang lahat lahat sa akin bago kami magkikita kita?
Ang daming Tanong ng Utak ko....
✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂
SALAMANTE- isang salamin na pwede kang tumawag kung kailan mo gusto sa ating gusto mong makausap. Kung ikokompara sa mundo natin isa iyong telepono.
✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂✂
A/N: What do you think for Visha Ashwon Fayra?