Angel's Cry

By Stoutheart

5.6M 24.5K 1.4K

-- "Hindi kita papakawalan Angelica hangga't Hindi bumabalik ang kapatid mo." Ginawa ni Angelica ang lahat pa... More

Angel's cry
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
Chapter 9:

Chapter 3:

122K 2.3K 109
By Stoutheart

Hopes.

Habang pinagmamasdan ko ang paglayo ni Darren kasama ang babaeng iyon ay hindi ko maiwasang balikan kung bakit ako nagpakasal sa kanya. Bakit kami nandito sa ganitong sitwasyon. Kung bakit kami parehas na nasasaktan sa isang bagay na hindi namin parehas gusto. Isang bagay na alam kong hanggang ngayon ay parehas naming pinagsisihan. Isang bagay na nagpabago sa aming dalawa.

Napabuntong hininga ako at pumikit. Pilit kong pinapakalma ang malalim kong paghinga upang 'di makagawa ng ingay. Ingay na alam kong magiging dahilan ng pag iyak ko na naman. Ingay na ayoko na sanang marinig dahil hindi naman ako ganito dati.

Sa pag yakap ng dilim sa aking paningin ay nabuo ang mukha aking kapatid na malayang lumuluha. Mahigpit nitong hawak ang kamay ko kasabay ng mahihinang paghikbi.

Paulit-ulit nitong sinasabi na ako ang dapat magpakasal kay Darren. Ako dapat ang humarap sa altar. Ako dapat ang magiging kasama ni Darren. Ako dapat ang mag-aalaga sa kanya. At ako dapat ang magiging asawa n'ya dahil hindi n'ya ito kayang gampanan. Naalala ko rin ang sinabi nitong hindi dapat ako mangamba dahil alam nitong mamahalin ako ni Darren. Mamahalin ako ni Darren nang higit sa pagiging kaibigan. Higit sa pagiging bestfriend.

Hindi ko alam kung anong tunay na dahilan kung bakit iniwan ng kapatid ko si Darren. Wala akong ideya sa lahat ng naging desisyon n'ya, ang tanging naintindihan ko lang ay dapat kong sagipin si Darren sa mas masakit na katotohanan. Ang tanging alam ko lang ay dapat ko s'yang samahan sa kung anuman sakit ang kayang ibigay ng kapatid ko hanggang mangyari ang aming kasal.

Kasal na dapat ay ang kapatid ko ang haharap sa panginoon kasama s'ya--- ngunit nang dumating ang araw na iyon ay nakita ko ang sarili kong nakasuot ng kulay puting damit at naglalakad sa altar habang hinihintay ako ni Darren sa tabi ng Judge na magkakasal sa amin. Tandang tanda ko ang pagrehistro ng pagkagulat sa mga mata ni Darren--

tandang tanda ko ang araw na iyon dahil kitang kita ko kung paano napalitan ang ekspresyon nito ng  galit at poot-- kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pait at pagkalungkot habang nakatingin sa aking kapatid. Kita ko ang mga namuong luha sa kanyang mga mata ngunit nang araw pa ring iyon natuloy ang kasal naming dalawa.

Ang pinakamasayang araw sana nila, ay naging pinakamalungkot at pinakamasakit na araw para sa aming dalawa.

Wala akong magagawa.
Wala akong ginawa.
Dahil alam ko, may bahagi sa puso ko na sumang ayon sa plano.

May kasalanan din ako.

Ngayon naintindihan ko na kung bakit ako ang naging asawa ni Darren. Naintindihan ko na kung bakit kailangang kong magsakripisyo. Alam ko na kung bakit kailangan kong pagbayaran ang ginawa ni ate. Kailangan kong gawin ito para maisalba si Darren sa mas masakit na parte. 

"Lock the door Angelica!" Mariing bulyaw ni Darren sa akin ng hindi ako tumitag sa kinatatayuan ko. Nang dumilat ako ay nakita ko ang seryosong tingin ni Darren. Nakaikot pa rin ang braso nito sa kasama nitong babae. Nakaakbay naman ang huli sa kanya.

Mabilis at pasimple kong pinunasan ang luhang kumawala sa magkabila kong mga mata nang hindi namamalayan. Bahagya pa akong  ngumiti upang ipakitang ayos lang ang lahat. Hindi ako nasasaktan at hindi ako masasaktan dahil I deserved every pain just to save him for more heartache. I deserved this life from the moment I married him. I deserved this treatment the moment I've learned that I'm inlove with him.

"Leave." muling saad nito. Napatda ako doon at hindi nakakilos. Halos hindi ako makapaniwala sa binitiwan nitong salita. Bumaigat ang bawat paghinga ko. Animoy, sa bawat sulok ng mga mata ko ay nagbabadya ang mas marami pang luha. Para akong namanhid. Para akong hindi makahinga sa sakit. Yong sakit na parang pinipigilan kang umiyak, ngunit ramdam mong kailangan mong gawin ang bagay na iyon.

"Just leave." Ulit nitong saad. Nakita kong kumalas ang braso nito sa babae. Napapikit rin ito na tila ba nahihirapan. Mahina akong napahikbi at dahan-dahang tumalikod. Kung gusto n'ya akong paalisin ay aalis ako, ngunit hindi ibig sabihin noon ay susuko nalang ako basta. Aalis lang ako pero babalikan ko ulit s'ya.

"Fucking leave Angelica. Go to your room o gusto mong manuod sa gagawin namin dito?" Ngisi nito sa akin. Nanginginig naman akong humakbang palayo sa kanila. Tiningnan pa ako ng masama noong babaeng kasama n'ya bago nito hapitin ang asawa ko at hinalikan ang leeg. Sa ligid ng mga mata ko ay nakita ko pa kung paano hapitin ni Darren ang bewang noong babae.

Nagdiretso ako sa aking kwarto. Malakas na malakas ang pagkabog ng dibdib ko sa pinaghalong sakit, pait at galit. Napasandal ako sa likod ng pintuan matapos ko iyong malakas na ibinagsak pasara.

Akala ko sapat na 'yong pisikal na sakit na pinaparamdam n'ya sa akin. Mas masakit pala 'yong saktan ako ng emosyonal na hindi ko kayang labanan. Mas masakit pala 'yong harapan n'yang ipakmukha na kahit kailan hindi ako magiging sapat bilang asawa. Na hindi ako sasapat para sa kanya.

Unti-unti naramdaman ko ang paghikbi hanggang ang hikbing iyon ay naging hagulgol. Kasabay nang iyak ko ay ang ingay na nanggagaling sa labas. Mga kalabog na animoy nagmamadali. Mga ungol na tila ba nasasarapan. Sa bawat boses na naririnig ko na papalakas nang papalakas ay parang nauupos ako.

Hindi ako makapaniwalang kayang babuyin ni Darren ang sarili naming pamamahay. Pamamahay kung saan akala ko kaya n'yang irespeto. Pamamahay na akala ko na dapat sa aming dalawa. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang pananakit ni Darren. Sapat na sa akin ang masaktan ng pisikal, ngunit ang sakit na ginagawa n'ya ngayon ay parang hindi ko kayang sikmurain. Ni hindi ko kayang tanggapin.

Pilit kong iwinawaksi ang bawat ingay na nanggagaling sa baba. Pilit kong iwinawaksi ang bawat kalabog. Lalo ang isang ingay na
parang may tumama sa pinto ng kwarto ko kasabay ng mahihinang daing na galing kay Darren. Kilalang-kilala ko ang boses nito. Hindi ako pwedeng magkamali, sa kanya ang ungol na iyon.

"Fuck! Ahh." Muling ungol nito. They doing it outside my room. They doing it just to fucking hurt me more, at hindi nabigo si Darren, dahil sobrang sakit na pinamumukha nilang hindi ko kayang ibigay sa asawa ko ang gusto n'ya. Gusto kong lumabas, gusto kong ipakitang may karapatan ako sa asawa ko, ngunit nanatili akong nakaupo doon na hindi makakilos habang lumalakas ang mga kalabog at ungol sa labas. Habang ang mga luha ko'y walang patid sa pag tulo. Habang parang tumigil ang pagtibok ng puso.

Ganito pala kasakit mahalin ang isang taong kinamumuhian ka. Ganito pala kasakit magmahal ng isang taong hindi ka mahal.

Nang medyo kumalma ang ingay sa labas ay pilit ko ring pinakalma ang sarili ko. Walang mangyayari kung mananatili akong ganito. Walang mangyayari kung iiyak lang ako sa Isang tabi.

Dahan dahan ay inayos ko ang aking sarili. Naramdaman ko ang paghapdi ng aking tyan kaya kahit aala na halos akong lakas ay lumabas ako ng aking kwarto. Dahan dahan ang pagbaba ko sa hagdan at mabilis na tinungo ang kusina kung saan naghihintay ang hapunan sana naming dalawa.

Iniligpit ko ang plato sana ni Darren. Umupo ako sa pwesto at nagsimula nang kumain.

Hindi ko na matandaan kung kailan kami huling nagsabay. Hindi ko nga alam kung nagsabay nga ba kami dahil wala na akong matandaan na interaksyong namin dalawa na maganda.

Sa kalagitnaan ng pagkain ko ay nakarinig ako ng pagbukas sara ng pinto. Napatigil ako saglit nang marinig ko ang papalapit na paghakbang.

Napabuntong hininga ako nang maaninag ko ang anino na mabilis na pumasok sa kusina. Napaangat ako nang tingin at sumalubong sakin ang nakangising si Darren. Wala itong suot na pang itaas. Magulo ang buhok at tanging sweat pants lang ang suot.

Dumiretso ito sa ref at nagsalin ng tubig sa baso habang nakatalikod sakin. Pinagmasdan ko lang ang kanyang ginagawa. Ilang minuto kami sa ganoong ayos.

Nakatalikod sya. Ang kamay ay nakapahinga sa ibabaw nang sink. Ang kanyang basong ginamit ay nasa tabi lang. Habang ako? Pinagmamasdan ko ang kanyang likod. Inaaninaw ang mapupulang marka.

Walang kibong namutawi sa aming dalawa. Tumayo ako at inayos ang pinggang ginamit ko.

"K--Kumain kana?" Pag aalinlangan kong tanong bago tumayo. Hinintay ko itong sumagot ngunit tanging iling lang ang ginawa nito.

"G--Gusto mo bang kumain?" Muli kong tanong. Nagbabakasakali na marinig ko ang boses nya.

Palihim kong tinitigan ang kanyang braso, pababa sa kanyang mga kamay at duon ko napansin ang mahigpit na pagkakahawak nito sa sink.

"A--Anong gusto mo?" Dagdag ko pa. Tuluyan na akong tumayo bitbit ang plato. Handa na syang pagsilbihan.

"Gusto kong mawala ka Angelica at bumalik ang kapatid mo." Mariin nitong saad at nagmamadaling iniwan ako doon.

Kasabay nang pag-alis niya ay ang malayang pagdulas ng plato sa aking kamay na syang gumawa ng ingay sa silid na iyon.

Napangiti ako ng mapait.

Kung pwede lang Darren. Kung pwede lang.

••

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 200K 61
Vanna Lei is shrewd and strong. Nobody can tear her down. Not even love? ***** Vanna Lei is one of the best agents in the International Forces. She w...
18.8K 627 20
Muse and Bench were the best of friends since birth. Buong buhay ni Muse ay si Bench ang kasama niya at hindi na yata sila mabubuhay kung wala sa pil...
1.9M 46.6K 52
(blame me once side story) si Luke Castro na inlove din sa kanyang bestfriend mula pagkabata na si PJ, pero wait lalake rin pala si PJ........handa n...
130K 6K 74
"OH MY GOSH SINO KA?! Bakit mo ko ginagaya! Hoy!" Gulong gulo ang isip ko habang nakatingin sa lalakeng nasa harapan ko. Bawat buka ng bibig ko ay na...