Road to your Heart: Starting...

By Kristinoink

2.3K 75 2

It is never easy to live in a house with strangers. Sinanay lang ni Jessica ang sarili niya dahil alam niyang... More

Road to your heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 10

33 1 0
By Kristinoink

Kabanata 10

Realization

2 mistakes.

That's it.

I got 28 over 30 as my score. I should be happy yes dahil marami ang mababa pero I'm not satisfied yet. Perfect si Dianne syempre. She's the highest while I am the second.

Siguro malaking tulong rin ang pag tutor ni Kuya Marcus kahapon. I appreciated it so much. Kahapon ay tinatawagan siya sa talyer dahil sa pag kundisyon ng sasakyan niya. Hindi siya umalis para lang maturuan ako. Nag silbi ring bonding moment namin yon pero hindi ako kuntento sa nakuha ko'ng marka.

"Mataas naman grades mo ha? Ako nga naka 15 lang 'e. Pasang awa pero masaya," si Evan ng naglalakad na kami papunta sa sasakyan niya.

Madilim na halos sa buong campus. Hindi gaanong malakas ang tanglaw ng mga ilaw sa poste kaya kahit pakembot kembot maglakad si Evan ngayon ay walang makakakita.

"Tss. Nakalimutan ko kasing lagyan ng symbol," parang sa sarili ko lang iyon sinabi.

Nang malapit na kami sa sasakyan ni Evan ay nakita ko si Vaughn. Kausap si Dianne. Naroon sila sa tapat ng Admin's office at mukhang masinsinan ang pag uusal nila.

"Hmm. Mukhang may iba nang gusto si Papa V ha," si Evan nang nakita rin silang dalawa.

At one point gusto ko nang sabunutan si Dianne. Nakakuyom na ang kamao ko dahil sa selos na nararamdaman ko. Pero hindi ako nag seselos sa kanila ni Vaughn. I don't like him. Kaya kanino ako nagseselos?

Wala akong valid na sagot na maikatwiran sa sarili ko kung sabunutan ko man siya kaya inipon ko lahat ng lakas sa katawan ko para pigilan ang sarili. In the end I smiled at Evan.

"Jealous?" He mocked me.

"Nope." at nagpatuloy ako sa paglalakad.

Tumawa si Evan at hinabol ang paglalakad ko.

"Hay naku. I know you hate Dianne,"

Napakunot ang noo ko sa statement niya kaya binalingan ko siya. Was I too obvious?

"Hate, Van?" natatawa kong sinabi.

Natatawa ako hindi dahil hindi totoo yon. Natatawa ako kasi masyado ma pala akong halata at umiisip na lang ako ng paraan para itanggi.

"Hindi mo ako maloloko, Jessica Loise Javier. Kahit pilantik ng daliri mo alam ko ang ibig sabihin," nanliit pa ang nata niya sa akin. "So why do you hate her?"

Natameme ako sa sinabi niya. Oo kilalang kilala niya ako. Ganon kahirap magtago sa kanya ng sikreto pero paano ko namang maaamin? Ano magiging rason ko sa hatred ko kay Dianne?

"I... I don't hate her," I smiled innocently.

"Uh-huh," nagtaas siya ng kilay at pinag krus ang braso sa dibdib.

"I just don't like her vibe. Yun lang yun, Evan

Hindi ko na hinintay kung ano pa ang sasabihin niya at naglakad na ulit ako.

"Okay," sagot niya pero parang taliwas sa naiimagine ko'ng reaction niya.

Si Evan ang nag hatid sa akin pauwi. Kwento lang siya ng kwento sa akin pero hindi ako sumasagot. Iniisip ko parin talaga yung lecheng quiz na yun. Kung sana naalala ko lang yung sa symbol 'e tama na ako. Perfect pa sana.

Nakabukas ang gate ng itulak ko iyon kaya pumasok na ako. Tamad na tamad ako sa paglalakad. Si Kuya Marcus ang agad kong nakita pag pasok ko. Puro grasa ang kamay niya at wala siyang pang itaas na damit. Nakataas ang hood ng sasakyan niya at may kinakalikot siya doon.

Nang nakita niya ako ay agad siyang ngumiti. Pilit na lang din akong ngumiti.

"Kamusta yung quiz mo?" tanong niya.

"Two mistakes. 28 over 30."

"Wow. That's good." It's not enough to top the class. Hay naku!

Akala ko si kuya lang ang andon kaya nagulat ako ng lumitaw rin doon si Xander. Puro itim din ang kamay katulad ni kuya. Galing siya sa gilid ng bahay kung saan naroon ang ibang tools ni kuya. Wala rin siyang pantaas at pawisan rin.

Parang hindi naman siya nagulat ng makita ako pero nang magtama ang tingin namin ay di na naalis ang mata niya sa akin. Inilapag niya ang hawak na malaking tool box sa paanan ni Kuya habang nakatingin parin sa akin.

"Kumain ka na ba?" tanong ni kuya kaya napatingin ako sa kanya.

Hindi na siya nakatingin sa akin. Nag umpisa ulit magkalikod sa sasakyan niya.

Sumulyap ako kay Xander. Nakahawak ang isa niyang kamay sa bubong ng sasakyan ni kuya. Ang isang kamay ay nasa baywang. Showing off his almost perfect abdominal muscles along with his tattoo. Ang mga mata'y nasa akin lamang.

"Hm?" Nilingon ako ni kuya dahil sa tagal kong sumagot.

"H-Hindi pa," sabi ko.

Sumulyap ulit ako kay Xander na nakatingin parin sa akin.

"Sige. May pagkain sa loob. Initin mo na lang," si kuya at bumalik na sa ginagawa niya.

Bumaling ulit ako kay Xander. Nakatingin parin talaga siya sakin. Habang tumatagal kinikilabutan ako sa titig niya sa akin kaya nag iwas na ako ng tingin.

"Magbibihis muna ako," sabi ko at halos patakbong pumasok sa bahay.

Iyon nga ang ginawa ko. Naligo at nag bihis ako para tuloy tulog na ako pagkatapos ko ng kumain. Wala pala si mommy at daddy at isinama si Brent sa pag bisita sa mga lola ko sa side ni mommy kaya sila kuya lang ang andito. Wala rin si manang na sa pagkaka alam ko ay umuwi sa probinsya niya. At si Kuya Ken? No idea.

Bumaba ako pagkatapos kong magbihis. Gumaan naman ang mood ko pagka ligo ko. Babawi na lamang ako sa mga susunod na quiz. Andon parin naman ang pagkaka inis ko pero nangyari na at babawi na lang talaga ako.

Pababa pa lang sa hagdan ay may naaamoy na akong pagkain. Akala ko ba ako na lang ang mag iinit? Bakit si kuya pa ang gumawa?

Nag tungo ako sa kusina dahil sa nakaka enganyong amoy bg pagkain. Hindi ako nag lunch kanina at tinapay lang ang kinain ko kakareview ko para sa quiz kaya gutom na gutom talaga ako.

"Kuya, akala ko ba ako na lang-"

Halos ipakat ko sa pader ang katawan ko ng makitang hindi si kuya ang nag kukumpuna sa kusina. Hindi pa ako tuluyang nakakaliko papasok sa pasilyo ng kusina kaya nagtago ako sa pader pero alam kong nakita na ako ni Xander.

Bakit ba siya na naman? Paniguradong maiinis na naman ako sa kumag na 'to 'e. Napakalakas na naman ng tibok ng puso ko. Lagi na lang d'yos ko. Baka sa susunod na kita ko kay Xander atakihin na ako sa puso 'e.

Nagdalawang isip ako na wag na lang kumain at bumalik na sa taas. O di kaya ay antayin na lamang siya na umalis bago kumain pero hinahatak na ako ng sikmura ko na kumain na. Wala na rin akong nagawa ng biglang sumilip si Xander.

"What are you doing?"

Napatalon ako sa biglaan niyang pag silip sa akin. Puno ng pagtataka ang mukha niya habang pinag mamasdan akong dikit na dikit ang katawan sa pader. Nakasuot na siya ng sleeveless shirt ngayon at malinis na rin ang kamay.

Napa awang pa ang labi sa gulat sa kanya pero agad din akong nakabawi. tinulak ko ang sarili ko mula sa pag kakadikit sa pader at umayos ng tayo.

"Uh.." luminga linga ako sa paligid para humanap ng palusot.

"May nakita kasi akong ipis," yun lang ang nasabi ko at nilagpasan siya.

Pumasok ako sa loob ng kusina at pilit na umaastang normal lang ang nangyayari kahit gusto ko nang batukan ang sarili sa naisip na palusot.

"Uh-huh," nahimigan ko ang pagkaka aliw sa tono niya pero di ko na siya pinansin. Nakakahiya!

Lumalit ako sa
counter table. Nakalimutan ko agad ang kahihiyan ko ng nakita ang nakakatakam na lasagna na naka handa doon.

Umikot si Xander at ngayon ay nasa harap ko na siya. Kumuha siya ng plato at utensils sa mga drawer doon. Kabisa na niya ata 'tong bahay ah.

Nilapag niya iyong plato, kutsara at tinidor.

"Diyan ka na lang," aniya at itinuro yung high chair sa tabi ko.

Ginawa ko kung anong sinabi niya. Doon ako umupo. Umikot rin siya at umupo sa tabi ko. Aaminin kong kinabahan ako nang marealize na katabi ko siya. Nanlalamig ang kamay ko at tingin ko'y pinag papawisan na ang kamay ko pero hindi ko iyon ipinahalata.

"Hindi ka gutom?" tanong ni Xander.

Nag tagal ata ang pakikiramdam ko sa sarili ko at hindi ko iyon napansin. Dahil doon siya na ang nag lagay ng pagkain sa plato ko.

"Ako na," sabi ko pero nakapag lagay na rin siya ng tama sa plato ko at yung kanya naman ang binigay niya.

We began to eat in silence. Awkward silence, may I say. Tunog lamang ng spoon at fork na tumatama sa plato ang tumutunog. I don't know if I should start a conversation.

E' ano nga bang pwede kong sabihin? O tanungin? Hindi naman kami close kaya ang hirap mag pasok ng kahit anong topic 'e.

Habang kumakain ay sumusulyap ako sa kanya. Seryoso lang siya habang kumakain. Ni hindi niya napapansin ang pag sulyap sulyap ko sa kanya. Kahit gustuhin kong kausapin siya hindi ko alam kung papaano.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Isip ng isip kung anong pwedeng itanong dahil napatahimik namin. Nabitin na lamang ang pag subo ko sa nasa kutsara nang marinig siyang magtanong.

"Kamusta yung quiz mo?"

Hindi ko tuloy alam kung isusubo ko muna ung lasagna o sasagutin siya. And yun pa talaga ang tinanong niya? Ano? Si Dianne na naman ba ang topic?

Muntikan ko ng isagot iyon kaya mas pinili kong isubo ang pagkain para mapigilan ang sarili ko sa pag sabi nun. Mag aaway na naman kami pag nasabi ko iyon at mawawalan ako ng gana sa pagkain.

"Okay lang," sagot ko kahit hindi ko pa halos nailululon ang pagkain.

"You got 28 over 30?" sumulyap siya sa akin.

Paano niya nalaman? Sinabi ni Dianne? Did they meet? Paano sa kanya sinabi? Damn it!

"I heard it earlier," parang nabasa niya ang nasa utak ko ng wala sa sarili niyang isinambit iyon bago tumingin sa akin.

"Ahhhh" I meantally said to myself. Naroon na nga pala siya kanina sa garahe nang tanungin ako ni kuya. Masyado ba ako mag overthink?

Huling subo at tsaka ako tumango.

Wala naman siya agad na naitanong sakin pagka tapos nun. At dahil wala na nga siyang kibo ay tumayo na ako at kinuha na ang plato pero naunahan na niya ako. Hawak ang akin at kanya ay umikot siya para ilagay sa sink iyon.

"Ako na ang mag huhugas," sabi ko at humakbang papalapit sa kanya.

Nilapag niya nga ang plato namin pareho don. Naghugas siya ng kamay. Nagpunas. Tumingin sa akin at tsaka ngumiti.

"Hindi ko naman sinabing huhugasan ko,"

Hindi ako nagdalawang isip na irapan siya. Lalo pa siyang nangiti nang makita ang reaction ko.

"Ha Ha Ha," inirapan ko ulit siya.

Pumunta ako sa sink at sinimulang mag hugas ng plato. Iniligpit niya ata ang natira pang lasagna dahil narinig ko ang pag bukas at pag sara ng ref.

Mabilis lang ako natapos dahil dalawang plato at apat na utensils lang ang hinugasan ko. Akala ko ay umalis na siya dahil wala na akong narinig na ingay pero nakita ko siyang naka halukipkip sa gilid ng counter top at nakatingin sa akin.

"Hindi ka ba babalik kay Kuya?" tanong ko. Sa dami ng iniisip kong itanong yun lang ata ang hindi pag mumulan ng inis.

"Can I ask you something?" yun ang isinagot niya.

I reached for a kitchen tissue to dry my hands. Sumulyap ako sa kanya. Seryoso ang expression niya.

"Nagtatanong ka na," I said as I walk past him.

"Why do you hate Dianne?"

Agad ko siyang nilingon dahil sa tanong niya. It's like a deja vu. Ganyan din ang tanong sa akin ni Evan kanina pero iba ang naramdaman ko. Hindi ako nakaramdam ng inis kanina pero ngayon naiinis ako nang si Xander na ang nagtanong.

"Don't be mad!" tinaas niya agad ang kamay niya dahil sa biglaang pag harap ko.

He's serious okay. Gusto ko siyang itulak ngayon. Puta naiinis na naman ako. Nilason na ba siya ni Dianne na puro na lang si Dianne ang bukambibig niya?

"Saan mo nakuha 'yang tanong na yan?" I raised an eyebrow as I try to control my irritation.

"I just want to know why."

Inhale. Exhale. Relax. Smile.

"Ikaw? Why do you like her?" I forced a smile.

Nanatili siyang nakatingin sa akin. Palipat lipat pa ang mata niya sa mga mata ko at tila binabasa ang iniisip ko. Bakit hindi ka sumasagot Xander? Tell me why you like her so I could tell you exactly why I hate her. Is it about her knowledge? Her physical appearance. Ano? Kumirot bigla ang puso ko sa mga naisip.

Hindi siya nagsalita kahit ba hinintay ko siyang sumagot. Tumalikod ako ng wala akong napala. Hindi ko alam kung maganda nga bang hindinsiya sumagot.

"Wait, Jes." aniya at sumunod parin sa akin.

Tuloy tuloy akong umakyat sa hagdan. Bawat pag hakbang ko ay kasabay ng lakas ng tibok ng puso ko na hindi ko naman alam kung para saan. Basta ang alam ko'y kumikirot ito ngayon. Ganon rin ang ginawa niya. Okay na sana 'tong gabi na 'to 'e. Bakit niya pa kailangang singitan ng ganong tanong?

"Jessica," pagtawag ulit ni Xander.

Agad ko'ng diniretso ang pintuan ng kwarto ko at binuksan iyon pero hinarap ko parin si Xander.

"I don't hate her, Xander," nagpilit ulit ako ng ngiti.

Huminto siya sa harap ko sa labas ng kwarto ko.

"Ngayon answer me. Why do you like her?" Umiinit na ang tenga at gilid ng mata ko pero pinigilan ko. Ito na namang mga puñetang luha na 'to.

"Hindi ko siya gusto." diretso niyang sinabi.

Hindi? Hindi niya gusto? E' bakit lagi kayong magkasama? Sa school? O sa kahit anong gala? Gusto ko ring itanong iyon pero kinagat ko na ang dila ko. I thing I don't need to know the answers for those questions.

"Ah." tumango ako. Yun lamang ang nasabi.

"May... May iba akong gusto,"

Ang kumikirot na puso ko'y lalo pang kumirot dahil sa sinasabi niya. Sino? May iba pa? Kilala ko ba? Si Krisha ba? The fuck. Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi na ata ito tama ah?

Nakatitig lang siya sa akin. Para bang tinatantya ang magiging reaksyon ko. Hindi ko rin alam kung anong mukha ang nagawa ko nang marinig ang sinabi niya kaya agad akong ngumiti. Should I smile? Puta.

"Okay." sabi ko.

Hindi siya kumibo. Ganon parin at nakatingin parin sa akin. Ano pa bang sasabihin niya? Ano pa bang masasabi niya na magpapalala pa sa nararamdaman ko ngayon?

Sa mga nakaraang araw ay hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Alam ko'ng may nagbabago sa akin pero hindi ko alam kung bakit. Pero ngayon tingin ko lumilinaw na. At kinakabahan na ako. Hindi man tama kung ano man ito. Sana mali ako. Sana akala ko lang ito dahil maling mali ito.

Hindi ko alam kung paano ko natagalang titigan siya pabalik. Tingin ko kasi kinakausap ko parin siya kahit nakatingin lang ako sa mga mata niya. Tingin ko doon ko nasasabi lahat ng gumugulo sa utak ko ngayon. Ganon rin siya. Nakatingin lang sakin. Pero hindi ko maisip kung anong iniisip niya sa akin. Ang alam ko lang, hindi kami pareho.

I almost drown from my realizations as I stare into his eyes. Naputol na lamang ang pag tititigan namin ng tumawag si Kuya Marcus mula sa baba.

"Xander?"

Hindi sumagot si Xander at nanatiling nakatingin sa akin. Ako naman itong nilingoj ang hagdan kahit na wala naman doon si kuya.

"Xander hinahanap ka na," sabi ko dahil wala naman ata siyang balak na umalis.

Wala na naman siyang kibo habang pinagmamasdan ako.

"Goodnight na," sabi ko.

Akala ko hindi parin siya gagalaw pero nang tumango siya ay nagpasya na akong isarado ang pinto.

"Goodnight, Xander," sabi ko at dahan dahang sinarado ang pinto pero hindi pinutol ang pagtingin sa kanya.

"Goodnight, Jessica," aniya.

Nasa mata ko ang mata niya. Ganon rin ang akin hanggang sa maisarado ko na ng tuluyan ang pintuan. Kasabay ng pagsarado nun ang pag buhos ng mga luhang parang kanina ay wala naman.

From my irritation to my insecurities. Ngayon lumilinaw na. Ngayon naiintindihan ko na. Pero ngayon mas masakit. Masama. Nakakakaba. Alam ko'ng ni isang patak ng dugo ng Javier wala ako pero hindi enough reason yun na nangyayari sa akin ngayon. And I'm sure Xander don't feel the same way.

Kaya pala may iba akong nararamdaman sa tuwing nakikita ko silang magkasama ni Dianne. O ibang babae. Kaya pala todo na lang kung patunayan ko ang sarili ko na kaya kong taasan si Dianne kahit na hindi ko naman gawain yun. Kaya pala ganito.

Hindi ako nakatulog ng gabing iyon. Umiiyak ako pero hindi naman nagtagal iyon. Lungkot at takot lamang ang bumagabag sa akin. Kinatok ako nila mommy ng dumating sila pero hindi ko na pinag buksan. Nakita ko pa siyang umalis ng bandang alas dos ng madaling araw.

Kung ano mang itong narealize ko na ito. Itong nabubuo, dapat tong mawala. Kasi hindi ito tama. Hinding hindi.

Continue Reading

You'll Also Like

135K 1K 11
LOVING ETHAN WADe Shaira is secretly inlove with Ethan Wade long time boyfriend ng ate Sheenna niya,nanahimik lang siya sa isang tabi at kontento na...
2.5K 318 43
Sabrianna Dela Cuesta Contreras, was so blessed enough. She have all the things she wanted. She have a perfect family that loves her even her flaws...
Ocean Eyes By smy

Fanfiction

3.3K 102 10
But maybe, just maybe, there could be something more in an entirely different story in a different life. | Ogie Alcasid and Regine Velasquez Fanficti...
4.3K 237 22
Jendra's Menphis mission maybe dangerous, but her job was simple enough. Bilang si JC ay kailangan niyang makipaglapit, protektahan at iligtas mula...