A/n : Ahum . Support my PALABAN Girl meet PALABAN Boy - kimXi fanfic . 7 chapter to go . Thanks sa lahat ng nagbasa at sumupurta . God bless .
Enjoy everyone :)
Kimberly Sue Yap Chiu Lim P.O.V
This is the right day to tell him the good news . Pagbalik na pagbalik niya I will tell him . Am so sure he will be happy for the good news . Kaya lang bakit nakaramdam ako ng kaba , sana wala naman mangyaring masama .
Hindi ko alam pero bakit bigla nakaramdam ako ng kaba , parang tinutusok ang dibdib ko . Ang tibok ng puso ko walang humpay ang pagtibok . Wala sanang masamang mangyari . Bakit ba kasi ganito na lang ang lahat ? Bakit sa tuwing mag-aatemp ako magsabi ng kung ano kay Xander ay siya namang dating ng kung ano man . Sana this time wala lang to . Sana excited lang ako at masyado lang akong natuwa para hindi masira ang mga pinaplano ko .
I cook for our perfect and romantic dinner . I fix things , sa garden Set up our simple but romantic dinner . I hope he will like it . Ngayon ko rin sasabihin ang feelings ko for him . Na hindi nawala ang alala niya sa akin . Na hindi ako nagka-amnesia at hindi siya nakalimutan . Miss na miss ko siya noon pa at kaya ko siya pinahihirapan ay para makita talaga kung gaano niya ako kamahal .
Time check 9:30 pm . Teka , saan ba pumunta ang lalaking to ? Nagpaalam kaninang umaga na may pupuntahan lang tapos , hanggang ngayon hindi pa bumabalik . Wala naman praktis o laro ng basketball kaya hindi ko alam kung saan siya pupunta at sino ang mga kasama niya . Hindi na ako nagtanong dahil may tiwala ako sa kanya . Alam kung hindi siya gagawa ng ikakasama ng loob ko at ikagagalit ko .
Tinawagan ko naman sina Enchong , pero hindi daw sila ang kasama nito . Wala naman akong ibang kakilala na kaibigan niya . O wala naman nabanggit na bago niyang kakilala o kaibigan kaya mas lalo akong kinkabahan knowing that my husband is missing . Sounds over acting but where is he ?? Wala naman akong alam na kikitain niya o pupuntahan . Hindi ko nga alam kung saan yun pupunta . Tuwing may lakad kasi yun laging mabilis lang , bibili lang ng flower para akin at kung ano-ano pang pag-kain para amuin ako . Pero bakit ngayon ??
The last time na umuwi siya ng late may larung tinapos at may farewell parting dinaluhan . The first time na umuwi siya noong nasa Singapore kami lasing siya kaya nga nadingwit niya ako sa sobrang kalasingan . Then this time ano na naman ang ginawa niya . Bakit ba napapansin ko ang pagbabago sa kanya . Kaninang umaga nagpaalam nga pero hindi nakatingin sa mata ko , at heto pa wala man lang kiss . Hindi yun ang asawa ko , kasi kung siya yun . Galit man ako o hindi laging may kiss ako sa kanya aalis man o babalik pero . Laking gulat ko ng umalis na parang wala lang .
I called him again and again but his phone is keep on ringing . He didn't pick up to answer me . What's wrong with this man . Pinag-aalala niya ako .
Alexander Xian Uy Lim P.O.V
Mag-aalauna na pero hindi parin ako umuuwi . She keep on calling me but I refused to answer her calls . I don't wanna be rude to her but this is the only way . Nag-aalala kaya to sa akin kaya tumatawag ? O baka naman wala na siyang masigawan sa bahay at mapagalitan ? Baka naman narealized na mahal ako at ayaw niyang nawawala ako sa paningin niya ? Pero malabo eh ? Baka naman natatakot sa bahay mag-isa ? Will magpraktis na siya mag-isa mula ngayon .
Andito nga pala ako sa bar . Umiinom at nagpapakasaya . Sayaw dito at sayaw dun . Halik dito halik dun . Bawat babae na lumalapit ay nakikita ko bilang ang asawa ko . Kaya hindi ko na mapigilan ang temtasyon , hindi na ako nagpapatumpik-tumpik pa at sinusunggaban ang mga labi nila . Kahit saan ko ituon ang paningin ko mukha ni Sue ang palaging nakikita ko . Kakiwa't kanan kaya halos masiraan ako ng bait .
Nandito ako para bigyan ng pagkakataon makapag-isip isip ang asawa ko . Para timbangin ang nararamdaman niya para sa akin . Kung may puwang ba ako sa puso niya o wala . Ang akin lang naman pakitaan lang niya ako ng maayos ayos at mabuti-buti hindi hindi ko siya susukuan . Hindi yung ganito , para kaming mga bata na naglalaro . Tagu-taguan , at patentero ng nararamdaman. Ang hirap kasi sa kanya minsan mabait minsan masungit . Minsan natutuwa minsan naiinis . Bakit ba kasi hindi ako diretsuhin kung gusto ba niya na magsama pa kami o gusto na niyang maging malaya mula sa pagkakatali sa akin . Kung hihilingin naman talaga niya na palayain ko siya ibibigay ko yun eh . Kung saan siya masaya gagawin ko at ibibigay ko yun sa kanya . Ganun ko siya kamahal , sa hindi niya kasi sinasabi pinahihirapan niya masyado ang kalooban ko eh .
Almost 4am in the morning . Ganun na ba ako katagal sa bar ? Paano ba naman sobrang dami ng mga babae na lumalapit . Nakikipag kilala at nakikipag sayaw , pagkatapos ng sayawan . Halikan , pero hindi pa naman kaya ng konsensya ko makipag s*x sa iba't ibang babae . Sapat ng makakilala ng kaibigan . Yung makakausap mabuti . Tulad nitong si Venus . Morena , matanggkad , mabait at napakalawak ng pag-iisip . She's adorable , napakagaan kausap . At siya lang ang katangi-tanging babaeng nakilala ko na okay-okay pa kausap dahil ang iba ? Puro landi ang meron sila . Sila pa mismo nag-iinvite ng s*x kaya lang nasa tama pa naman pag-iisip ko at hindi pa masyadong kinakain ng kalasingan .
Your phone is ringing , hindi mo ba sasagutin ?? - turo ni Venus sa phone ko kanina pang nagriring . So it means gising pa si Sue . Bakit hindi pa siya natutulog .? Alam na man na hindi na ako darating .
Hahah , that's nothing . Let's drink . - pagsasawalang bahala ko pa sa tumatawag . Well , mahirap sakin to pero nakapagdisesyon na ako . I will give her space , she need . Kaya ko magtiis at kaya ko iwasan siya .
Oh , come on . Pinahihirapan mo pa sarili mo . Why don't you answer the phone and tell her na hindi ka makakauwi kasi busy ka . Kung ayaw mo talagang makatanggap ng phone galing sa kanya you will turn off your phone . But in your case , you still want her to call you kaya sagutin muna . - sabi pa ni Venus . Yeah , she's right I still want to recieve text message and calls from my wife . It's good to know that she's also looking for me . Kaya lang ito pa lang ang simula , hindi ako dapat sumuko agad . Ngayon ko malalaman ang totoong feelings niya sa akin .
Ganun ba yun ? Di , sige I will turn off my phone . Okay na ? - ngumiti pa ako ng peke at saka pinatay ang phone ko . Alam kung nanggagalaiti na sa galit si Sue kaya lang kailangan ko talaga gawin to . Kailangan . Nasimulan ko na to kaya wala ng urungan .
You can't fool me . Oh , come on Alex . Lets just go home . You to your wife and me to my condo . Or if you want , I can offer you a ride . Hatid na kita sa inyo baka kasi hindi mo na kaya mag drive eh . - suhestyon pa ni Venus . Napaisip ako , sa sinabi niya . Ride with her . Uhm . Nice , kung gising pa nga si Sue at makikita niyang umuwi ako at hinatid pa ng babae magseselos na yun . Kaya naman hindi na ako tumanggi sa alok niya .
Then if that what you want . I'll go with you . - nakangiti ko pang sabi .
Bakit niyo ba kasi ginagawa ang lahat ng ito . Maglalasing , mambabae para ano ? Patunayan na lalaki kayo ? Na kaya ninyo paglaruan ang mga damdamin naming mga babae ? - sabi pa niya ng naglalakad kami papuntang kotse niya . Yun na muna gagamitin namin , at ang aking kotse ay ipapahatid na lang daw niya sa bahay .
Hindi naman sa ganun ! Minsan kailangan namin huminga mula sa mga obstancle sa buhay . Hindi kasi kami mga super hero na kinakaya lahat ng mga sakit na binibigay niyong mga babae . - sagot ko naman bago ko buksan ang driver door para pagbuksan ng pintuan . Okay pa naman ako , pero siya na daw mag dadrive . Hindi na ako kumontra pa .
At kami pa ang nagbibigay ng sakit ng ulo ninyong mga lalaki . Bakit ba kasi hindi ninyo ibaba ang mga ego niyo . Kung nagkamali then accept it , humingi ka ng tawad at ayusin mo . Hindi naman lahat ng bagay kayang intindihin naming mga babae . Ang hirap sa inyo hindi niyo tinitignan ng mas malim ang bawat galiw o kilos namin . Maaring iba ang kinikilos namin pero may pinahihiwatig paren kami . Hirap kasi sa inyo hindi kayo logic kung mag-isip kung ano na lang ang pinapakita sa inyo ay yun na ang tinatanggap ninyo . Hindi niyo alam may iba pa lang ibig sabihin yun . - sabi pa ni Venus . Ito ang gusto ko sa kanya nakikipagsabayan sa hiritan . Mukhang may pinagdadaanan rin kaya maraming alam .
Yan ang hirap sa inyong mga babae . Masyado niyong ginagawang komplekado ang lahat ng bagay . Masyado kayong matatalinghaga at masyado kayo mahirap spillingin . - hirit ko pa .
Yan ang hirap sa inyong mga lalaki . Hindi niyo makuha-kuha ang timpla naming mga babae . Familiar ka ba sa romantic ? Siguro hindi ka ganun ? Hindi ka ren corny ? Sa aming mga babae pag sinabi naming ang corny mo pasado ka sa taste namin . Maaring nakakatawa ang sinabi mo pero sa puso namin nakakatatak ang ligaya at ngiti . Kinikilig din kami sa mga ganung tao , hindi yung seryoso lang . At walang ka enjoy enjoy . Kuha mo ba ? - paliwanag pa ni Venus . Kahangangang babae . Sa lahat ng nakilala ko siya ang pinaka prangka sa lahat sasabihin kung anong maisip .
Madalas na akong nagpapaka corny . Pero hindi siya natutuwa , nagagalit pwede pa . - natatawang sagot ko pa .
Asus ! Tignan mo kasi kung tugma ang kilos , kung tugma ba sa sinasabi at kung tugma ba ang pinapakita ng mata niya . Alam mo kasi may mga babae na expert sa pagtatago ng real feelings pero mahuhuli mo sila kung sa mata mo titignan . Kapag ang mata parihas ang sinasabi sa sinabi ng bibig at ikinilos totoo ang reaksyon niya . Kaya kung ako sayo , pagdating sabahay ay luluhod at magmamaka-awa sa asawa mo . Pinag-alala mo siya ng husto kaya . Dpat lang sayo yan . - payo pa ni Venus sa akin . Kataka-taka ngang babae ?
Salamat hah ! Marami akong natutunan sayo . Kung hindi pa kita nakilala ay hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko para maintindihan ang asawa ko . - pasasalamat ko pa kay Venus .
Wala yun . Pag-iintindi lang naman at pang-unawa ang kailangan naming mga babae . At ikaw ibigay mo yun sa asawa mo . Wag mong hayaan masira kayo at ipaglaban mo ang pagmamahal mo sa kanya . Wag sa ganitong paraan kasi mas mapapalayo ang loob niya sayo . - payo pa niya sa akin .
Alam mo maswerte ang lalaking makakatuluyan mo . Napaka maunawain mo at napaka open minded . naiintindihan mo mga kahinaan naming lalaki at tinatanggap mo rin ito . Kaya alam ko na magiging maganda ang pagsasama niyo . Maramng salamat talaga . - sabi ko pa sa kanya .
Oh , your wrong . Nasaktan ko na ren siya . Noon , at hindi ko alam kung magkakabalikan pa kami . Tulad mo siya noon , mahal na mahal ako pero ang tanga-tanga ko at pinakawalan ko ang isang tulad niya . Kaya ikaw ipaintindi mo ng mabuti sa asawa mo ang dapat na ipakita at ipaintindi wag niyo gawing mahuhula ang isa't isa . Makaka-asa ba ako sayo ? - sabi pa niya sabay pakawala ng pilit na ngiti .
I'm sorry . Hindi ko alam . Pero Isa lang ang alam ko mahal ka niya at naghihintay lang siya ng right time para sa inyong dalawa . Pinalilipas lang muna niya ang sama ng loob , babalik yan sayo . Dahil pagkami nagmahal ng tunay hindi namin basta-basta pakakawalan ito at hayaang maglaho na lang . Oo nga't nasakatan kami pero hindi yun sapat para kalimutan na lang namin ng basta basta ang minamahal namin . Babalik-at babalik din kami kung saan nandun ang minamahal namin . - pagpapaliwanag ko pa sa kanya . Sana maging okay , ren sila . Ang bait niya para maranasan ang heart break tulad ng nararanasan niya ngayon .
Pinark niya sa harap ng gate namin ang kotse niya . Pagkatapos ay niyakap niya ako at humago-gol . Totoo ba ? Ganyan ang ga-gawin niya . Babalik siya ? Babalikan niya ako ? Magdilang-anghel ka sana . Sana magkatotoo ang lahat ng sinabi mo . Maraming maraming salamat . Dahil sa sinabi mo nagkaroon ako ng lakas ng loob para umasa na magkakabalikan pa kaming dalawa . - hagol-gol pa niya sa balikat ko . Sa kabila ng pagkamatapang pala niya ay hindi mo aakalain iiyak siya ng ganito . Hindi kaya halata na may pinagdadaanan siya . Siguro yun ang sinasabi niya kanina na dapat naiintindihan ng mas malalim . Nagkalas kami sa pagyayakapan at tinignan ko siya sa mata . Doon nga ay nakita ko at ramdam ko mga lungkot na nararamdamn niya . Yun ang nagkulang sa akin . Ang tanga ko naman at hindi naisip ang bagay na'to .
Sssh . Tahana , babalik siya . Maniwala ka . Sige ma una muna ako . Mag-iingat ka . - paalam ko pa bago ako tuluyang bumaba sa kotse niya .
Nagmadali naman akong pmasok ng gate . I see that there are some light in the garden which is not usually have some . Hindi muna ako pumasok ng bahay at pumunta sa garden . I see petals of red and pink roses . And a table for two full of candle and a special presentation .
Again she cooked for me but I keep her waiting for me . Again I'm stupid . Again I made my wife cried and tired of waiting . Again I dissapointed her . Nadadagdagan na ang bad image ko sa kanya , baka mamaya hindi na niya ko pagkatiwalaan . At yun ang ayaw kung mangyari . Ayaw kung hindi na niya ako paniwalaan . Baka hindi rin niya paniwalaan ang pag-ibig ko sa kaya .
Unti-unti na uupos na ang kandila . Kasabay nun ang unti-unti kung paglapit sa circle table . Ang saklap naman pinaghintay ko na naman si Sue . Hindi ko na naman nadatnang mainit pa ang mga niloto . Umaga na kaya . 4:20am . Tingin ko nasa loob na siya galit na galit na naman sa akin .
Tumalikod ako at agad na pumasok ng bahay . Pagbukas ng pintuan ay niluwa nito ang asawa ko . She's so worry and looked pale . Agad siyang lumapit sa akin , at nagbabadyang bumagsak ang mga luha sa kanyang mata . Niyakap niya ako habang humahagul-gol .
Ba-bakit hindi ka sumasagot huh ? A-a-alam mo ba halos mabaliw na ako sa kaiisip kung nasaan ka na ? Ba-ba-bakit mo ba ako pinag-aalala gusto mo ba ako ma-mamatay dahil sa sobrang pag-aalala . - pahikbi-hikbi niya sabi habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakayakap sa akin .
Ssh . So-sorry kung napag-alala kita . I'm so sorry for not answering your called . I'm so sorry , stop crying na . Hindi na maganda ang paghinga mo . Please calm down . - pagpapakalma ko pa sa kanya . Hindi kasi nakakahinga ng maayos sa sobrang pa-iyak niya . Siguro kanina pa'to umiiyak . Ang tanga tanga ko kasi eh . pinag-alala ko na nanaman siya . Pinaiyak bakit ba kasi hindi ko siya mapangiti at mapatawa .
Akala ko kung ano na ang nangyari sayo . Saan ka nagpunta ? - tanong pa niya habang nakayakap paren . Anong sasabihin ko , uminom at mambabae ? Ganun ? Idi mas masasaktan ko siya .
W-wala . Wag kana mag-alala . Andito na naman ako eh . - palusot ko pa .
Bakit hindi ka sumasagot ? - follow up question pa niya .
Kasi nakasilent ang phone ko . Naiwan ko pa sa kotse ko . Sorry for that . - makalusot sana . Gusto ko mang sagutin ang lahat ng tanong niya ng buong katapatan pero paano pag mas lalo ko lang siya masaktan .
Akala ko magtatanong pa siya pero ang sunod niyang sinabi ang hindi ko ma take , nakakapanghina ng buto , para akong lumutang sa sobrang kaligayahan .
Mabuti naman at walang masamang nangyari sayo . Kasi kung meron man , ikamamatay ko . Mahal na mahal kita and I can't afford to lose you . - yan ang matagal ko ng pinapangarap na sabihin niya . Ngayon para akong natutunaw na kandila sa sobrang kaligayahan . Ang saya saya ko sobra .
Really , sinabi mo ba talaga na mahal mo ako ? - di makapaniwalang tanong ko .
Bakit ayaw mo ba ? Oh , sige binabawi ko na ang sinabi ko . - *pout* sabi pa niya sabay kalas sa pagkakayakap sa akin at tulalikod para umalis . Pero syempre pinigilan ko at niyakap ulit siya .
Gusto-gustong gusto ko . Alam mo ba kung gaano ko hinintay na sabihin mo sa akin yan ? Mahal na mahal na mahal kita . Sobra , sobra . Kaya bakit ko naman hindi gugustuhin na mahalin mo ? - sagot ko habang yakap ko siya . Bali nakatalikod siya ng yakapin ko .
Tsh . Maniwala ako . Teka nga pla . Ba't amoy alak ka . Naglasing ka ? - medyo may tono niyang tanong sakin sabay alis sa pagkaka akap ko .
H-hindi ah . Hehe :) Konti lang . - sagot ko naman .
Konti lang , ganyan ba ang isang mabuting asawa at mabuting ama ? Hoy , pwede ba tigil-tigilan mo ang paglalasing at pag-uwi ng gabi kundi lagot ka sa akin . - sigaw pa sa akin sabay palu ng braso ko .
Ama ? - gulat kung tanong .
Ama , oo . Magiging daddy ka n ... - hindi pa niya natatapos ay nagsalita ako ulit .
Talaga . WHoaaah . Daddy na ako . Whoaa . - pasigaw sigaw ko pang sabi . Tapos binuhat ko siya at pinaghahalikan sa pisngi at sa labi . Ang saya lang alam kung hindi maganda ang history kung paano namin yun ginawa . Hindi ko aakalain na magbubunga yun ganun pa man ang saya-saya ko . Magiging family na ren kami , sa wakas .
Uy , teka-teka . Wag ka nga nagsisisigaw jan . Baka may makarinig sayo akalaing minamaltrato kita . - hapas hampas pa sa akin ng asawa ko .
Wala na akong paki-alam dun . Basta ako masaya ako at gusto kung sumigaw paki-alam ba nila . Whoa ... daddy na ako . I love you , Sue . I love you , You make me so happy . I promise to be the best husband and father to our coming baby . - masayang masaya kung sabi at hinalik halikan sa pisngi si Sue . Wala masaya lang ako . Masayang masaya .
Ibaba mo ko . Magpalit ka nga ng suot mo . Promise ang baho muna . Amoy alak ka . Nakakasuka . - sabi pa ni Sue . Now I know bakit siya nagsuka kahapon . Diba syntoms yun ng pagbubuntis ? Ibinaba ko naman siya tulad ng sinabi niya .
Mabaho ka jan ? Hindi ah , ang bango ko kaya . - pagtanggol ko pa sa sarili ko . Haha XD Wala lang gusto ko lang makipagkulitan sa asawa ko . Ang kulit niya kasi eh . Ang kyot kyot pa niya .
Oo , maligo ka . na dali . Go , go , go . Naamoy kita sobra talaga to . - tinutulak tulak pa ako . Syempre hindi na ako sumunod at humirit pa .
Ayaw ko pa maligo at magbihis gusto ko muna kumain . Nagugutom ako . Gusto kita makasama at makasabay kumain . - pangungulit ko pa sa kanya .
Aba , maligo ka muna . Alalahanin mong may kasalanan ka pa . Pinaghintay mo ako dito at halos mamatay sa sobrang pag-aalala sayo tapos ganyan ka pa . Aba , hindi dahil mahal kita ay pwede mo na akong ganyan-ganyanin . Isa pa , ayaw ko ng sinungaling huh ? Galing ka sa bar tapos hindi mo sasabihin . Nakipaghalikan ka pa sa ibang babae tapos ihahalik mo sa akin yan . Aba , ang kapal naman . Wag ka ng magdeny , kasi nakakalat sa lips mo ang lipstick ng mga babaeng kahalikan mo . Hambalusin kita jan eh . Lulukuhin mo pa ako , eh , halatang halata naman . Isa pa sino yung naghatid sayo ? May pa hug-hug pa kayong nalalaman hah ! Kunwari pang mahal ako . Pero may iba ng niyayakap at hinahalikan . Hanip ka magmahal hah ! SIge na matutulog na ako . - malumanay niyang sabi . Nakita niya kami ni Venus ? Tapos walang ka rea-reaksyon ? Ganun lang ??
Nakita mo pala kami . Wala yun , teka yan lang reaksyon mo ? Hindi ka man lang nagseselos ? - kulit ko pa sa kanya .
Hindi , bat ako magseselos . Sino ka ba ? Hah ! Nakakadiri ka , nagpahatid ka pa sa babae . At kung magsisinungaling ka pwede ba galingan mo ng hindi kita nahuhuli . - mahina pa niyang sabi . Teka , napaka kalma naman ng asawa ko . Siguro may tiwala lang sa akin 'to kaya nagkakaganito .
Hindi ba talaga nagseselos ang misis ko ? So it means pwede mambabae ? - biro ko pa .
Subukan mo , lang ! Makikita mo . Sige na bukas na tayo mag-usap . Lasing kana . eh . - sabi pa niya saka umakyat .
Joke , lang naman yun . Honey , hindi kita ipagpapalit kahit masungit ka . Ikaw paren ang mahal ko . I love you good night . - sigaw ko pa sa kanya . Hindi na siya lumingon pero alam ko natuwa siya sa sinigaw ko . Though hindi naman talaga nakakatawa na gawing biro ang pambabae .
Kimberly Sue yap Chiu P.O.V
Magkahalong saya at lungkot ang nadarama ko ngayon . Kanina nag-aalala ako sobra . Kanina pa ako naiiyak iniisip kung nasaan na ang asawa ko . Yun pala nambabae lang at naglasing . Ito pa mas malala babae pa naghatid sa kanya dito sa bahay . May pa hug-hug pang nalalaman sila . Buti na lang at hindi ko nahuli na naghahalikan sila sa loob ng kotse . Dahil kundi susugurin ko sila .
Gusto ko magalit pero nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya . Heto na nga ba ang sinasabi ko eh . Mahal na mahal ko siya at hindi ko kaya mawala siya . Though hindi pa ren siya ligtas sa nagawang kalokokan . He can't do that to me . Kakalbuhin ko siya . This time pagbibigyan ko siya . Pasalamat siya at natuto ako magkontrol ng galit . Kung hindi sa anak namin ay hindi ko palalampasin to . Makaka recieved siya ng matamis na sigaw at hampas .
Pero dahil sabi ng doktor kailangan mag-ingat para sa bata kaya hindi ko na hinahayaan na lamunin ako ng galit . Kaya mas pinili kung maging kalmado . Kailangan ko alagaan ang sarili ko at wag hayaan na ma stress ako . Kailangan ko mapanatiling kalmado at hindi magtanim ng sama ng loob baka maging dahilan pa kasi ng pagkawala ng baby ko . Wag naman sana . Sana talaga maging okay lang si Baby sa tiyan ko . Sana kumapit siya ng mahigpit . Kailangan ko talaga ng maibayong pag-iingat at pagpapasensya .
Kalma , kalma lang . Cool , cool lang . Nasasaktan ako pero hindi ko pwede pairalin ang galit at depresyon lalo na hindi lang basta sarili ko ang dapat kung isipin . May bata sa sinapupunan ko na dapat pangalagaan .
Para kay baby gagawin ko ang lahat para hindi magpa apekto sa mga bad vibes sa paligid . Now I decided not to go to school , hindi ako magpapapagod at hindi dapat . Kaya hindi na muna ako papasok sa school . Kaya lang boring dito sa house . Tsh , bahala na nga .
I should sleep na bawal sa akin mapuyat pero dahil sa asawa ko , napuyat ako kakahintay sa kanya .
Whoa , ang saya makita na masang-masaya siya sa nalaman niya . Magkaka-anak na kami at tuwang-tuwa siya . Lalo tuloy ako nalulunod sa pagmamahal sa kanya . Chos ! Ang corny ko . Haha XD
A/N :Whoa , another long update . Hope you enjoy it . See you guy's on the next update . 7 Chapters to go .... Please vote , vote and comments po .
Do read also , PALABAN Girl meet PALABAN Boy - kimxi fanfic
THANKS ^_^
H A P P Y H O L I D A Y -____-
VOTE and COMMENTS :))