ALL OF ME (Completed)

By mercy_jhigz

11.9M 178K 10.3K

S*X SLAVE for THREE YEARS! Hanggang kailan ba ako AASA na MAMAHALIN din ako ng MASTER ko? ALL of ME? More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue
Mark Ethan
Chapter 1 (POV ni ME)
Chapter 2 (HIS POV)
Chapter 3 (HIS POV)
Chapter 5 (HIS POV)
His POV

Chapter 12

242K 3.5K 160
By mercy_jhigz

Inihatid lang ako ni Mark Ethan pagkatapos ng "Date" namin. Tinawagan kasi siya ng daddy niya kanina. Baka dahil sa ginawa niyang pagpapasara ng Mall kaya kakausapin siya. Ang adik lang naman kasi. Simpleng oras lang naman ang kailangan niyang ibigay. Hindi na kailangang gumawa ng ganung eksena. Bawas tuloy yung kilig na dapat kong maramdaman kasi nag aalala ako sa kanya.

Itinago ko lang din yung cellphone na bigay niya. Ayaw ko talaga yung idea na bibigyan niya ako ng mamahaling bagay. Para kasing kabit na ewan ang dating. Saka sinabi naman niya na graduation gift niya yun kaya pagkagraduate ko na lang siguro gagamitin. Dalawang buwan na lang naman yun.

Ano nga kayang mangyayari pagkatapos ng dalawang buwan na yun? Papakawalan na kaya niya ako? O mananatili kami sa sitwasyon na ganito. Neighbors With Benefits.

Hindi na siya dumating nung gabing yun. Kahit kinabukasan hindi din siya nagpakita sa akin. Hindi ko alam kung nasa unit niya ba siya. Ayaw ko siyang puntahan. Ayaw ko ding magtext sa kanya kung nasaan ba siya. Kasi ano niya ba ako?

Halos dalawang linggong hindi siya nagpakita sa akin o nagparamdam man lang. Kahit simpleng text lang wala. Pinilit kong balewalain ang pambabalewala niya. Kasi sa tingin ko wala akong ginawang kasalanan. Maayos naman yung huling nakasama ko siya kaya hindi ko alam kung bakit ginaganito niya ako. Yung sobra sobrang sinasaktan. Pero akala ko kaya ko. Pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na nasa tapat ng building kung nasaan ang opisina niya. Ang adik ko lang din ano? Pwedeng pwede naman kasi na sa unit ko na lang niya ko siya hintayin pero andito ako. Nagmamasid na parang ewan. Nagtatago kung saan. Kasi ayaw ko na makita niya ako. Sisilip lang ako. Gusto ko lang siyang makita. Kasi kahit sobra sobra akong nasasaktan ngayon mas nangingibabaw na namimiss ko siya.

Hindi naman nagtagal ang paghihintay ko nakita ko siya na palabas ng building. May kasamang babae. Ang sweet nila. Magkaholding hands. Kaya siguro hindi siya nagparamdam ng ilang linggo kasi nakahanap na siya ng ipapalit sa akin. Nakahanap na siya ng mamahalin niya. Ang ganda nung babae. Mukhang kagalang galang. Sabagay sinong lalaki ang hindi siya mamahalin? At sinong lalaki ang pipiliin ako para sa kanya? Siya na mukhang may napatunayan na. At bagay na bagay sila ni Mark Ethan. Iiwan talaga ako ni Mark Ethan para sa kanya. Sino ba ako? Isang babaeng nakuha niya sa halagang sampung libo?

Pero ang tanga tanga ko din kasi. Kinuha ko ang cellphone ko at nagsend ng message kay Mark Ethan. Simpleng "Hi" lang yun. Titingnan ko lang ang reaction niya. Pero gaya ng inaasahan. Kinuha niya lang phone niya sa bulsa, tiningnan kung sino yun at itinago ulit ang cellphone niya. Ni walang naglarawan sa mukha niya na masaya siya sa nabasa niya. Parang kumunot pa nga ang noo niya. Parang abala na ba talaga ako?

Umalis ako sa harap ng building nila. Hindi ko din alam kung saan ba ako pupunta. Kung siguro hindi kasagsagan ng pag aasikaso ng thesis namin siguro uuwi muna ako sa amin sa probinsya. Gusto ko munang lumayo sa kanya. Yung literal na malayo.

Pero kailangang unahin ko ang pag aaral ko. Ngayon pa ba ako susuko? Kaya kahit masakit na humarap sa laptop para asikasuhin ko ang thesis ko na si Mark Ethan ang gumawa wala akong choice. Kahit paulit ulit bumabalik yung eksenang nakita ko sa harap ng building niya kailangan kong tiisin yung sakit na nararamdaman ko.

Defense day. Dahil nga wala akong kagroup sobrang kinakabahan ako. Pero iniisip ko na lang na kaya ko to, MATALINO naman ako. Naging TANGA lang sa PAG IBIG. Kaya nung pumasok ako sa room kung saan ako magprepresent. Kahit papano narelax na ako. Hindi ako running for cum laude para kabahan. Pero nabalewala lahat ng pag aangat ko sa sarili ko nung makita ko si Mark Ethan na nakaupo kasama ng ibang panelist. Seryoso lang siya. Bakit hindi ko alam na isa siya sa magpapanel? sabagay ano nga bang alam ko sa kanya?

Pinilit kong balewalain ang presensya nung nagsimula na akong magpresent. Naging maayos naman lahat. Nakakatakot lang pag siya na yung magtatanong sa akin kasi siya naman ang gumawa ng thesis ko. Kaya alam na alam niya ito. Pero hindi siya nagtanong. O siguro iniiwasan din niya na magtama ng mga mata namin. Iniiwasan niya din na mag usap kami. Iniiwasan niya kahit anong interaction na pwedeng mangyari. Iniiwasan niya ako na para bang may sakit ako. Oo may sakit ako. Sakit sa puso na ikaw din ang may gawa Mark Ethan.

Wala naman masyadong revision sa thesis ko. Yung mga tanong nila na hindi ko maipaliwanag masyado si Mark Ethan ang dumedepensa.Siya ang sumasagot. Ako ang huling nagpresent kaya halos hapon na nung matapos ako. Pagkalabas ko ng room dali dali umalis na ako. Ni hindi ko na nalapitan ang mga classmate ko na naghihintay sa akin. Usapan kasi namin yun na walang iwanan. Para paglabas ng room na yun may mayayakap ka kung sakaling redefense pero nakalimutan ko ang usapan na yun. Lahat na lang ng bagay nakakalimutan ko pag andyan lang sa paligid si Mark Ethan. Kahit sana simpleng ngiti lang ang binigay niya kanina baka sakaling mabalewala yung sakit na idinulot ng pag iwas niya ng ilang linggo.

"Tara na magcelebrate"

Nagulat ako sa biglaang pag akbay at sa pamilyar na boses na yun. Naghihintay kasi ako ng masasakyan sa may labas ng gate. Hindi ko alam na sumunod siya. Pag angat ko ng mukha ko. Nakangiti na siya. Ang totoo? Pinaglalaruan mo ba ako Mark Ethan Valero?

_casper_

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 45.8K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
4.5M 189K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy
25.2M 903K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
184K 3.5K 55
The Teenager Mommy into Aimer La Maman Célibataire. SYPNOSIS Carisha was sixteen when she decided to go in a Bar. She was so careless at that time th...