My Last Wish (Short Story)

By TheLostWitch

6.9K 191 93

Si LA ay matagal ng may gusto kay Reese, pero isang pangayayari ang nagbigay daan para sakanya para makasama... More

My Last Wish
Chapter One: Brown-out
Chapter Two: Reese
Chapter Three: Throwback!
Chapter Four: Weird
Chapter Five: Finding Clues
Chapter Six: Epic Plans
Chapter Eight: Ghost
Epilogue

Chapter Seven: Bistado

467 17 15
By TheLostWitch

Chapter Seven: Bistado

-------

LA's POV

'Reese asan ka na ba?'

Ang tanga tanga ko! Bakit kasi iniwan ko pa si Reese?! Badtrip naman oh!

Hinanap ko na siya sa lahat ng classroom pero wala! Nababaliw na ko sa kakahanap sakanya pati puso ko mababaliw na rin pag hindi ko pa siya nakita!

'Reese, magpakita ka na please? Nag-aalala na ko sayo'

Hindi ko mapigilang hindi mainis sa sarili ko alam ko namang may kakaibang nangyayare dito pero iniwan ko parin si Reese

Napatigil ako sa paghahanap ng may napansin akong arrow na nakaturo papunta sa 1st floor

Ng makita ko yun agad akong tumakbo pababa papuntang first floor

Nagsimula akong maghanap sa music room pero wala papunta na sana ko theater room ng may rinig akong mga boses kaya napahinto ako

"Bilis baka dumating na si LA!"

"Oo teka lang!"

Napakunot noo ako sino ang mga nagmamay-ari ng boses na yun? At bakit alam nila ang pangalan ko?

Pumasok na ko sa theater room pero wala na kong naabutang tao dun o narinig na ano pa man sobrang dilim sa loob kasi kulob yung theater room dahan dahan akong naglalakad sa aisle ng hagdan

Napatinggin naman ako sa harap ng biglang bumukas yung screen at may nagplay

Mayroong babaeng nakabigti at may mga dugo sa buong katawan maya maya biglang may dumating na tatlo pang mga babae

"Ano sasabihin mo na ba kung saan nagtatago yang kapatid mong si Eulo?!"

Ngumiti  ng mapangasar yung babaeng nakabigti "H-hindi ko sasabihin sainyo kung nasaan siya"

Napatanong ako sa sarili ko nakabigti na nga nakakapagsalita pa?

"Sabihin mo na kasi para hindi ka na masaktan!"

"Malaki yung atraso ng kapatid mo samin! Ni rape niyo yung kapatid namin!"

paalis na sana ako ng theater room ng biglang may narinig ako kung iba kaya tumingin ako sa screen

"Tae, yung camera nalaglag!"

Nung nalaglag yung camera nakita ko yung babaeng nakabigti na nakapatong lang pala sa upuan

"Ang epic naman natin!" rinig kong sabi ng isang babae at saka pinulot yung camera

Pero nahagip ng camera si Reese bakit nandoon siya? Live ba to?

----

Third person POV

Napasapo naman ng ulo ang ilan dahil sa nangyare

Hindi nila aakalaing mahahagip pala si Reese sa Camera kaya mas lalo silang napailing

Kaya agad nilang pinatay yung camera

"Tara na, baka maabutan pa tayo ni LA!" Charlene

"Lahat na lang ng plano natin palpak!" Paula

"Leche! wala ng matinong nangyare satin!" Erhica

"Tae naman! tara na!" Pat

Paalis na sana sila ng makarinig sila ng yabag dahilan para magkatinginan sila

"Lumabas na kayo jan, alam kong kayo yan...Aire"

Napanganga sila sa sinabi ni LA

"Nabisto na tayo?" bulong ni hya

"Pero pano?" tanong ni Aire

Nalaman ni LA na si Aire at ang mga kaibigan pala nito ang nananakot sakanila

FLASHBACK

Nililibot ni LA ang buong theater room ng may natapakan siyang kung ano pinulot niya ito at saka tinignan

"Kwintas to ni Aire a? Panong napunta to dito?" Nakakunot noo niyang sabi

Napaisip naman siya sa lahat ng nangyari "Sinasabi ko nga ba siya yung babaeng nasipa ko sa mukha! Ibig sabihin siya yung nagpapanggap na multo? At sinama pa niya ang mga kaibigan niya sa kalokohan niya!" Napailing na lang si LA dahil sa pinag gagagawa ng kaibigan niya

END OF FLASHBACK

Nagunti unti ng lumalakas ang mga yabag ni LA nagtakbuhan na ang magkakaibigan habang tangay tangay si Reese

"Kuya LA, Andito ako! Tulong!" sigaw ni Reese narinig namab ni LA ang sigaw niya kaya sinundan niya kung saan nanggagaling ang boses ni Reese

Hindi alam ni Reese na kaibigan pala ni LA ang mga tumatanggay sakanya

"Reese asan ka?!" sigaw ni LA

"Kuya LA!"

"Reese wag kang sumigaw! malilintikan kami kay LA!" bulong ni Aire kay Reese pero hindi nakinig si Reese at sumigaw lang ito ng sumigaw at nagpupumiglas makatakas sa paghawak sakanya ni Hya at Jera

"Tumigil kayo!" sigaw ni LA

"Takboooooo!" sabay sabay nilang sabi

Nagtakbuhan at naghabulan sila sa Hallway ng malapit na silang maabutan ni LA tinapon ni Erhica at Paula yung mga jolens na nakalagay sa garapon

Nadulas at napasubsob naman si LA dahil hindi niya alam na may mga jolens pala sa sahig

Sandaling napahinto ang pito at nagtawanan dahil sa nasaksihan nila na pagsubsob ni LA

"Hahahahahahaha!"

"Epic!" Charlene

"Laughtrip! Hahahaha" Jera

Hindi namalayan ng iba na nabitawan pala nila si reese at iyon ang chance para makatakas tumakbo siya kung nasan si LA

"Si Reese!" sabay sabay nilang sigaw umalingawngaw ang boses nila sa hallway

pero gaya ni LA sumubsob din si Reese kaya napapikit siya at pagkadilat niya ng kanyang mga mata magkaharap na sila ni LA at sobrang lapit ng mukha nila sa isat'isa

"R-reese a-ayos ka lang?" tanong ni LA tumango lang si Reese

Tumayo na si LA at inalalayang makatayo si Reese pero dahil nakatapak si Reese ng jolens tumumba sila

Nakapaibabaw si L.A kay Reese habang ang kamay niya ay nakatukod sa gilid ni Reese na sumusporta sakanya para hindi matumba

Kung kanina sobrang lapit ng mukha nila sa isat'isa ngayon sobrang sobrang lapit na! Nagkatitigan lang ang dalawa

Pero dahil nawala sa sarili si LA, hinalikan niya si Reese

Napapikit naman si Reese ilang minuto silang ganon baka humiwalay si LA sa paghalik kay Reese

tumayo na si LA at inilahad ang kamay niya "Tara, hanapin na natin sila" Nakangiting sabi ni LA

Hinawakan naman ni Reese ang kamay ni LA at saka tumayo

Kanina pa umalis ang magkakaibigan kaya hindi nila nasaksihan ang nangyare

Tahimik lang na naglalakad ang dalawa pero hindi alam ni LA kung anong pumasok sa isip niya at hinawakan niya ang kamay ni Reese napatinggin naman si reese sa kamay nilang magkahawak ngayon at tumingin din siya kay LA na nakangiti lang ngumiti din si Reese sakanya

Sa mga oras na yun sobrang bilis ng pagpintig ng mga puso nila

Napahawak naman si Reese sa kanang pisngi na hinalikan ni LA at saka ngumiti ng sobrang tamis

Sa kabilang dako....

"Hiningal na ko pahinga muna tayo!" sigaw ni Aire

"Ang taba mo kasi!" Sigaw naman ni Charlene

huminto sila sa pagtakbo at nasa loob sila ng canteen ngayon

"Pagod na pagod na ko" sabi ni Hya

"Kami rin!" pagsasangayon ng ilan

Napaupo sila sa sahig at nagpapahinga

"Hindi pa rin tumitila ang ulan" sabi ni Pat habang nakatingin sa bintana

"Baka hinahanap na ko samin" sabi naman ni Paula

"Ako din, uwi na tayo!" sabi naman ni Erhica "11:45 na rin" 

Sumangayon na rin ang iba na umuwi na sila patayo na sana sila ng biglang bumukas ang pintuan ng canteen

"Lumabas na kayo jan" sabi ni LA

Napaupo sila bigla at nagtago sa ilalim ng lamesa nagkukurutan pa sila dahil pare parehas silang kinakabahan

"Pag hindi kayo lumabas jan, ilolock ko kaya dito" sabi ulit ni LA

"Labas na daw!" bulong ni Jera

Nagtulakan naman ang magkakaibigan at saka nagpakita na kay LA at sabay na sabay na sinabing habang nakapose pa "PEACE!"

---------

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 102K 33
Sampu silang umalis, sampu rin silang bumalik. Ang hindi nila alam, isa sa kanila ang naiwan. Sino ang nagbabalatkayo? Sino ang hunyango? (Watty Awar...
391K 26.1K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...
1.4M 33.5K 32
HIGHEST RANKING: #1 Vampire [Published under Bookware's Pink & Purple] Rica Allona Nicolas Sevilla had a dream that she was lost into a strange place...
637K 46.1K 69
During the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old...