Falling Game โžน RPW

By KyeoptaZaezae

67.4K 2.2K 365

- ๐‚๐Ž๐Œ๐๐‹๐„๐“๐„๐ƒ โŒŒโ”ˆโ”ˆโ”ˆโ”ˆโ”ˆโ”ˆโ”ˆ โ”Š .หš๐Ÿ’Œ เผ˜โ”Šอ™ โ ๐—ž๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ต๐—ถ๐—ป๐—ฑ๐—ถ ๐—ฑ๐—ฎ๐—ต๐—ถ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐—ณ๐—ฎ๐—น๐—น๐—ถ๐—ป๐—ด โ”Š ๐—ด๐—ฎ๐—บ๐—ฒ, ๐—ต... More

FALLING GAME
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
Epilogue
Epilogue pt. 2
๏ผณ๏ผฐ๏ผฅ๏ผฃ๏ผฉ๏ผก๏ผฌ ๏ผฃ๏ผจ๏ผก๏ผฐ๏ผด๏ผฅ๏ผฒ
๏ผณ๏ผฐ๏ผฅ๏ผฃ๏ผฉ๏ผก๏ผฌ ๏ผฃ๏ผจ๏ผก๏ผฐ๏ผด๏ผฅ๏ผฒ (2)

Epilogue pt. 3

1K 41 12
By KyeoptaZaezae

KLYE'S POV

“CONGRATULATIONS JHAY, ACE, AND ASH FROM WANE SH/BH!” Sigaw ni Dion. “KAYO ANG NANALO SA TALENT SHOW!” Kaagad nagsitayuan ang mga ka-sh/bh niya. Nagmamadali silang umakyat ng stage and jumped as if they had won the lottery. Nagpalakpakan naman kami.

Sa huli, sila pa rin ang nagchampion. Pinagpilitan talaga ni Nay Jang. Kung judge lang din ako, sila talaga ang panalo para sa 'kin. Ang galing kaya nilang sumayaw.

Natanggap nila ang grand prize which is Honda City 1.5L S pero isa lang kaya bahala na sila dyan. Nakatanggap din sila ng TRIP TO JAPAN at 35k cash prize.

Si Klent Fumihiro ang nag-1st place, siya ang nagbeatbox. Play Station 4, 500gb Black ang prize niya, may Apple Watch 3 at 25k cash prize. Si Daughn Silvinia ang nag-2nd place. Branded laptop ang natanggap niya at Xiaomi Band 3 plus 15k cash prize. Sina Xaevus Lauv at Czarina Lauveé ang naging 3rd place, nagduet sila at Rewrite the star ang kinanta. iPhone XS MAX ang prize nila. Since dalawa sila, dalawang iPhone nalang din ang binigay at 5k cash prize. Binigyan din sila ng chocolate bouquet.

May consolation prize rin para sa mga hindi nanalo para naman hindi masayang yung effort nila sa pagsali. 2k ang consolation prize.

Nagsimula nanamang magsayawan pero this time, hindi na mabagal ang music. Pang-party na talaga.

I went to my friend's table. I saw them eating namaman. Umusog si Zairon at pinaupo ako sa tabi niya. Dito ko nalang ilalagay ang bag ko since may tiwala naman ako sa mga kaibigan ko.

“Dabi, ang sarap ng mga pagkain. Kami na nga ata ang nakakaubos doon.” I laughed at what Nathan said. Katabi niya si Cyrene at kumakain din.

“Di kayo iinom?” Pasigaw na tanong ni Xenon kasi ang lakas ng tugtog ng music. Kakabalik lang niya sa table. Evonn was behind him at may dalang baso.

“Ngayon lang ako naka-inom ng soju, hayop.” Evonn sat down next to Cyrene. “Ang sarap pala.”

“Mas masarap ako.” Sabi ni Nathan. Siniko naman siya ni Cyrene.

“Let's get some donuts, laham.” Yaya sa 'kin ni Zairon. Tumayo kami para kumuha ng donut sa long table.

“Try mo 'tong muchkins, sobrang sarap.” Kumuha siya ng muchkins at sinubo sa 'kin. Naramdaman kong may nakatingin sa amin pero hindi ko na pinansin 'yon.

Kung hindi lang kami talo ni Zairon, siguro jinowa ko na 'to HAHAHA. He's my cousin sa mother side. Nireveal kasi namin ang surname naming dalawa noong mga bored kami so ayon, we're cousins.

Nagthumbs up ako hudyat na masarap nga. Kumuha pa kami ng ube jam at mango float before returning to our table.

Nagkwentuhan kaming magtotropa habang kumakain at umiinom naman ang iba. Nakisiksik na rin sina Ryle at Kuya Kelby sa amin. Nalaman ko na rin ang mga pangalan nila.

Hazel Celada- Maxine
Kiara Sy- Hershey
Zoe Blaire Castillo- Cyrene/Shranyel
Glenn Gonzales- Ace
Laurenze Tyrone Figueroa- Zairon
Earl Gabriel Fernandez- Evonn
Wayne Genesis Santiago- Xenon
Rafael Valdez- Ryle
Miguel Salazar- Nathan

Ayan, ang gaganda ng mga name lalo na 'tong si Zairon at Xenon. Maganda rin ang name ni Kuya. Kaleb Eizer Rosales.

May dumaang photographer kaya nagpapicture kaming magkakaibigan.

Tinawag kaming tatlong admins ni Nay Jang kaya lumipat nanaman kami ng table. Binigay ni Sky ang listahan ng 10 candidates for BEST IN ATTIRE. Dalawa lang ang pwedeng manalo. Isang girl at isang boy.

Tinotoo nga ni Nay Jang, nilista niya talaga ako sa 10 candidates. Hindi naman masyadong bongga 'tong suot ko.

Umakyat nanaman sa stage sina Kheira at Dion. Humina na ang pang-party na music.

“HELLO GUYS! NAG-EENJOY BA KAYO?” Sigaw ni Kheira na siyang dahilan ng sigawan.

“Now, we will announce the TOP 10 BEST SISTERHOOD/BROTHERHOOD OF RPW.” Nagsisigawan nanaman ang mga tao, may ibang nagchecheer kung anong sh/bh ang gusto nilang manalo.

“Top 10.” Sambit ni Kheira. “Congratulations.. KANEFORD BH!” Nagsigawan at nagpalakpakan ang mga tao. The boys hugged each other bago umakyat sa stage ang founder nila at kinuha ang glass trophy na may nakasulat na BEST BROTHERHOOD OF RPW. Nagspeech pa siya bago bumaba sa stage.

“Top 9.” Si Dion naman ang nagsalita. “Congratulations.. RANTXAS SH!” Napatingin kami sa tinutukan ng spotlight. Hindi pa rin makapaniwala ang leader nila habang umaakyat sa stage. Nakatakip pa rin ang kamay sa bibig niya. Nagspeech muna siya bago bumaba ng stage.

“Top 8. Congratulations.. LUHMEH BH!” Kapag ina-announce kung sino ang nanalo, tinututukan ito ng spotlight kaya nakikita naman kung ano ang ginagawa nila. Nakita ko pang napatayo rin si Cyan. Their leader stepped up to the stage and received the glass trophy. Katulad ng ginawa ng nauna, nagspeech din siya pero maikli lang.

“Top 7. Congratulations.. FUJI SH!” Kaagad napatayo si Sabrina habang nakatakip ang kamay sa bibig niya, hindi makapaniwala sa nangyayari. Wala ang leader nila kaya siya ang umakyat ng stage at tumanggap sa glass trophy. Naiyak siya habang nags-speech kasi hindi raw nila ini-expect na mananalo sila. Nagmessage pa siya leader nila na may sakit bagi bumaba ng stage.

I actually put their surname on Nay Jang's list hehe.

“Top 6. Congratulations.. LAUVEÉ SH!” Umakyat sa stage ang leader nila na may ngiti sa labi. Tinanggap niya ang glass trophy at bumaba ng stage pagkatapos magspeech.

“Top 5. Congratulations.. FORTALEJO BH!” Tinuro pa ako ni Xenon at nagthumbs up pa sa 'kin. He told me to write their bh in the list so nilista ko. Hindi siya ang founder kaya hindi siya ang umakyat ng stage. Tinanggap na ng leader nila ang glass trophy at nagspeech bago bumaba ng stage.

“Top 4. Congratulations.. TOXICA SH!” Kaagad nagsigawan ang grupo ng mga babae nang banggitin ang sh nila. Tuwang-tuwa pa ang founder nila habang umaakyat ng stage. Tinanggap nila ang glass trophy at bumaba ng stage pagkatapos ng maikling speech.

“Okay, so, tatlo na lang.” Sabi ni Kheira. “Top 3! Congratulations.. NYX BH!” Zairon stood up when Kheira mentioned their bh. May mga nagsisigawan na fans nila.

“Thank you, laham!” Sigaw ni Zairon na nasa table ng ka-bh niya. Ngumiti lang ako at nagthumbs up. Hindi ako sinabihan ni Zairon na ilista ang bh nila pero nilista ko pa rin kasi laham ko siya hehe, mahal ko sila ni Xenon as a fren. Umakyat na sa stage ang founder nila na si Zaiden. I know him because Zairon introduced him to me earlier.

Tinanggap ni Zaiden ang glass trophy habang nakangiti. Nagsigawan ang mga fangirls niya/nila nang matapos siyang magspeech. Bumaba siya ng stage nang hindi inaalis ang ngiti sa labi.

“Top 2! Congratulations.. WRITES SH!” Super galing din nila, nababasa ko minsan ang mga works nila. Umakyat sa stage ang leader nila at tinanggap ang glass trophy. Todo cheer naman ang members sa kanya habang nags-speech siya. Bumaba na siya ng stage pagkatapos niyang magspeech.

“Top 1! Congratulations.. tenenenentenen.. CONGRATULATIONS WANE BROTHERHOOD!” Super dami ng nagsigawan nang banggitin ang bh nila. Super dami ng fangirls, grabe. Tumayo na ang leader nila na si Ash at umakyat ng stage. Tinanggap niya ang glass trophy at nagspeech. Pagkatapos niyang magspeech, nagsigawan nanaman ang mga fangirls nila.

“We are done announcing the TOP 10 BEST SH AND BH. So, we will now reveal the 10 candidates for BEST IN ATTIRE.”

“Remove me from the list, please.” Bulong ko kay Nay Jang pero umilang lang siya.

“Please? Ilagay niyo na lang si Kuya dyan.” Pagmamakaawa ko. Gusto kong magpaubaya.

“Ayaw mo talaga?” Admin Sky asked. Tumango ako.

“Fine,” Nay Jang sighed. “Pero i-nonominate kita as MS. RPW.” Nanlaki ang mga mata ko. No way, nagpapaubaya nga ako.

“No. Don't do that, Nay!”

“Bahala ka.” Tumayo siya at binigay ang listahan kay Kheira.

“Paano manalo? Simple lang. Kung sino ang may pinakamalakas na cheer, siya ang panalo.” Sabi ni Dion. Kheira looked at the list. She looked at us when she noticed that my name wasn't there.

Tinuro niya ang listahan at tinuro ako tapos umiling. Tumango ako sa kanya. Alam ko ang ibig sabihin niya, 'wala ka dito?' tapos nakita ko pang nagsalita siya ng 'bakit' pero hindi namin rinig.

Nginitian ko lang siya bilang sagot.

Nagsimula na silang magtawag. Pina-akyat nila ang mga candidates sa stage. Napangiti ako nang banggitin ang pangalan ni Kuya. Shookt na shookt siya eh.

“Ang daya niyo, maganda naman outfit ko, bakit wala ako doon?” Nagtatampong sabi ni Ryle. Maganda naman talaga ang outfit niya kaso hindi siya nilagay ni Nay Jang.

“Pangit nga sabi.” Nagreact kaagad si Nay Jang. Natawa nalang ako kasi palagi niyang inaaway si Ryle.

“Mas pangit ka.” Hindi na ako nakinig sa mga asaran nila.

The people started to cheer for the candidates that they wanted to win. Apat lang ang chineer ko. Si Kuya, Cyan, Xenon at Aurelie.

Sa huli, si Cyan at ang isang babae galing sa Lauveé pa rin ang nanalo. Sayang kasi hindi nanalo si Sabrina. I really like her outfit.

It's already 10 PM, party music started playing again. Halos lahat na ata ng mga tao dito umiinom na ng alak. May iba naman na nagsasayaw sa dance floor.

May mga nagbibigay na ng maliliit na remote para sa votings mamaya sa MR. AND MS. RPW.

Nang mabigyan na ako ng remote, lumipat na naman ako ng table kung nasaan ang mga kaibigan namin. Naramdaman ko ulit na may nakatingin sa 'kin kaya napatingin ako sa table nina Klein pero hindi siya nakatingin. Weird naman.

Marami na ang naiinom nina Evonn at Kuya nang tuluyan akong makalapit sa table nila.

“Hey guys. Gusto niyo matulog sa bahay namin?” Sabi ko. I sat down next to Zairon. Inilagay ni Zairon ang braso niya sa sandalan ko. Nakita kong naglalandian sina Cyrene at Nathan sa kaharap naming sofa.

“Sure, sa kwarto mo ba kami matutulog?” Natatawang tanong ni Zairon. Tinaasan ko siya ng kilay kahit alam kong hindi niya makikita 'yon dahil sa mask ko.

“Sa guest room.”

“Diba kami na yung matutulog doon?” Tanong ni Cyrene. Naka-akbay si Nathan dito.

“Nope, we have 3 guest rooms. Nakalimutan mo na?”

“Oo nga pala.” Nakipagharutan na ulit siya kay Nathan.

“Sige, doon kami matutulog later.” Maxine said. Nasa tabi siya ni Evonn at Ace. Mukhang nalalasing na siya.

“Para saan yung remote?” Tanong ni Xenon.

“Para mamaya sa votings.” Sagot ni Kuya.

“Tara, let's try drinking some drinks in 'AROUND THE WORLD IN 80 DRINKS'.” Yaya nanaman sa 'kin ni Zairon. Tumayo ako
para magtry.

Nang makarating kami doon, sobrang dami ng tao.

“Ang daming tao, laham.”

“Evonn told me na pinapauna nila ang vips. Kaya let's go.” Hinatak ako ni Zairon papunta sa loob para magtry ng drinks. He raised his vip ticket kaya nauna kami sa pila.

We tried vodka. It tastes like spicy, briny water. Next naman naming triny is soju. Just like what Evonn said earlier, masarap siya. Parang vodka na pinatamis lang.

“Try this palm wine, laham. Sweet siya.” Binigay sa 'kin ni Zairon ang isang baso ng palm wine. Ininom ko 'yon at yes, sweet siya.

“Balik na tayo, naiinitan ako dito.” He said tapos nagdala ng isang baso ng sake. We went back to our table. Nasa table namin si Ashenti na jowa na ngayon ni Evonn. Tumayo siya para makipagkamay sa 'kin.

“Trisha.” Pakilala niya.

“Klye.” Pinaupo ko na ulit siya. Tumabi ako kay Kuya, umusog naman siya para makaupo rin si Zairon sa tabi ko.

Pansin kong palaging si Zairon ang katabi ko. Siguro dahil pareho kaming walang jowa kaya kami nalang ang magkasama HAHAHA.

“Hello! Time check, it's already 10:49 in the evening. We still have 11 minutes bago tanggalin ang mask. Are you excited to see your jowa's face?” Ani Nay Jang.

“Paano kapag walang jowa?!” May sumigaw galing sa kabilang vip table.

“Edi friends.” Natatawang sabi ni Nay Jang.

“Wag niyo tatanggalin mask niyo, di ako ready makakita ng pangit.” Sabi ni Nathan kaya binatukan siya ni Ace na nasa tabi niya. Laging nasa ibang table 'tong si Ace kaya hindi namin masyadong nakakasama dito.

“Baka ikaw yung pangit sa 'tin dito.”

“Duh, legit taehyung 'to.”

Nataranta ako nang namatay ang ilaw. Nagsigawan ang mga tao.

“Please calm down, it's already 11 PM. We turned the lights off so we can remove our mask.” I removed my mask and fixed my hair.

“Kapag maibalik na ang ilaw, please look at the screen on the stage at makikita niyo doon ang mga nominated MR. AND MS. RPW.”

Nagulat ako nang magka-ilaw. Napatakip ako sa bibig ko nang makitang may nakatutok na camera sa 'kin. I saw my face on the screen. Sa ilalim ng mukha ko, nakasulat doon ang pangalan ko. Napahaplos tuloy ako sa buhok ko.

Nagsigawan ang mga tao. Rinig ko pa ang iba na napapasabi ng 'sana all'. Tiningnan ko ang mga kaibigan ko. Sht, ang ganda ni Maxine. Super gwapo ni Zairon. Sunod na gwapo ay si Xenon tas nasunod si Ryle tas Ace tas Nathan tas Evonn.

“Ang 10 candidates kanina for BEST IN ATTIRE ay hindi na pwedeng manominate sa MR. AND MS. RPW. Give chance to others, ika nga nila.” Sabi ni Nay Jang.

I looked at the screen again. May 10 nominees for MR. AND MS. RPW. 5 sa boys, at 5 sa girls.

I was shookt nang makita ang pangalan ni Klein doon. Sht, super gwapo pala ng ex ko.

➊ Klein
➋ Zairon
➌ Cyphrix
➍ Ryle
➎ Zaiden

Nominees for MR. RPW.

➀ Diavian
➁ Zyra
➂ Solace
➃ Hershey
➄ Azhea

Nominees for MS. RPW.

Nakatingin lang ako sa screen. Paminsan-minsan nakatingin sa camera. Nakaka-ilang naman kapag ganito.

Napatingin ako sa table nila Klein. Napatingin din siya sa direksyon ko kaya nagkatitigan kami pero siya ang unang umiwas ng tingin.

“Naks, sana ikaw manalo, laham.” Wait bakit sobrang gwapo naman ni Zairon?

“Hindi 'yan, hindi naman ako maganda.”

“Tampalin kaya kita, 'usto mo? Ikaw nga pinakamaganda doon oh.” Turo niya pa sa screen.

“Sana pala hindi na ako pumayag kanina maging candidate sa best in attire.” Rinig kong sabi ni Xenon.

“Okay, votings for MR. AND MS. RPW is now open. As you can see in your remote, there are shaded numbers, right? That shaded numbers are for MR. RPW at yung isa namang hindi shaded ay para sa MS. RPW.” Si Kheira na ang nagsasalita.

➊➋➌➍➎
ⓝⓔⓧⓣ
➀➁➂➃➄
ⓄⓀ

Ganyan ang format ng remote.

They started voting. Nahihirapan akong pumili. I want to vote for Zairon pero ang pinili kong i-vote ay si Klein. I'm sorry, laham.

Sa MS. RPW naman, I voted Ate Hershey.

“5..4..3..2..1 TIME'S UP! The votings for MR. AND MS. RPW is now closed.” Ani Dion.

“Wala na akong chance manalo.” Rinig kong sabi ni Ate Hershey kaya napatingin ako sa kanya. Kuya held Ate hershey's hand.

Nawala na ang nakatutok sa amin na camera kaya hindi na ma-ilang.

“Sino binoto mong MR. RPW?” Zairon asked. Napalunok naman ako. I'm sorry, laham.

“Hindi na kita binoto, marami ka namang fangirls.” Pagdadahilan ko. Totoo naman, baka nga siya pa ang manalo bilang MR. RPW.

“We will now reveal the results sa botohan. Kung sino man ang may maraming votes, sila ang panalo. So, here's the results. Are you readyyy?” Nagsigawan ulit ang mga tao.

3...2...1...”

Diavian Kailēn Deltran
  ▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃ 98%
Solace Writes
  ▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃ 96.8%
Hershéy Støne
  ▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃ 96.6%
Zyra Lauveé
  ▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃ 94.1%
Azhea Fuji
  ▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃ 92.9%

“Wow, anlaki ng agwat.” Sabi ni Cyrene at tumawa.

“MS. RPW is DIAVIAN KAILEN DELTRAN! Congratulations!” Nagsigawan ang mga tao, nangunguna na 'tong si Kuya. Umakyat na ako ng stage at sinuotan ng color black at golden sash. They removed the golden wreath I had on my hair and replaced it with a crown. They also gave me a bouquet.

I looked at Klein. Nagthumbs up siya sa 'kin. Super lapit lang ng table nila sa stage.

"You're so gorgeous." Pagkabasa ko sa sinabi niya. Hindi 'yon na rinig ng iba.

“So now, we will reveal the votings for MR. RPW.” Kheira said.

“In 3... 2... 1...”

Zairon Nyx
  ▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃  97.8%
Klein Xàiden
  ▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃ 96.7%
Ryle Spencēr
  ▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃ 94.4%
Zaiden Nyx
  ▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃ 94.2%
Cyphrix
  ▃▃▃▃▃▃▃▃▃▃ 92.6%

“MR. RPW is ZAIRON NYX! Congratulations!” Nagtilian ang mga fangirls niya nang tanghalin siyang MR. RPW. Zairon is really handsome so he deserves it. Gwapo silang lahat, actually. Nasasayangan nga lang ako kasi hindi si Klein ang nanalo.

Nakangiting umakyat ng stage si Zairon. Sinuotan siya ng color black at golden sash at may pang-king pa na crown.

“A round of applause for our MR. AND MS. RPW.” Nagpalakpakan ang mga tao na may kasama pang sigawan. Napadako ulit ang tingin ko kay Klein. Seryoso na ang mukha nito pero napalakpak pa rin.

“Should we dance or something?” Bulong ni Zairon.

“Tara, let's dance.” Inalalayan niya akong bumaba ng stage. I put my bouquet on the table before heading to the dance floor. Mabagal lang ang sayaw namin.

People are looking at us. May nakisabay ding makisayaw sa amin pero kami ang nasa gitna ng dance floor.

“Nararamdaman kong may matalim na nakatingin sa 'kin kanina pa. Hindi ko alam kung sino.” Sumbong sa 'kin ni Zairon. Hindi ako umimik. May hula ako kung sino pero ayokong mag-assume.

When the music ended, bumalik na kami sa table namin. I took off my crown at sinuot ulit ang golden wreath.

*POSHHOOOOYYYY BOOM BOOM!!*

“Fireworks display!” Nagtilian ang mga tao at nagsilabasan. Tumayo na rin ako at nakisama sa mga kaibigan ko palabas ng MOA to watch the fireworks display.

Nang makalabas ako, kaagad kong nakita si Klein. Lumapit ako sa kanya.

“Hey.” Bati ko. Parang wala siyang narinig, nakatingin pa rin siya sa itaas.

“Heyy.” Mas nilakasan ko pa ang boses ko. Ayaw niya talaga akong pansinin. Bingi ba siya? Ano bang problema niya?

“Ya.” Hindi pa rin niya ako pinapansin. “Snob.” Aalis na sana ako nang hilahin niya ng malakas ang kamay ko kaya napasubsob ako sa dibdib niya. Dahan-dahan niya akong niyakap.

“Let's stay like this for five minutes.”

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I can feel his heartbeat, too. Sobrang bilis din nito.

“Sure kang hindi mo jowa yung Zairon? Kanina ko pa kayo tinitingnan. Ang sweet niyo sa isa't-isa. Laham pa ang tawagan niyo.” Kumalas ako ng yakap kahit hindi pa 5 minutes.

“Are you jealous?” I raised my eyebrow.

“Yeah.” He sighed. Nakatingin nanaman siya sa itaas kaya tumingin din ako roon. “I'm jealous.”

“We're just friends. Hindi kami talo.”

“Are you sure?”

“Oo nga.”

“Hindi mo siya gusto?”

“Hindi nga.”

“Good, dapat ako lang gusto mo.”

“Ha?”

“Sabi ko, dapat ako la—”

“Hakdog.” Tiningnan niya ako ng masama kaya natawa ako.

“When I got here earlier, ikaw agad ang hinanap ko. Kung hindi dahil sa ticket, hindi kita mahahanap.” Sabi niya.

“Kung hindi dahil sa rpw, hindi kita makikilala.”

“Kung hindi dahil sa falling game, hindi ako maiinlove sa 'yo.” Hindi na ako nakasagot. Pinanood ko nalang ang fireworks. Hindi na rin siya umimik.

Kaagad kinalabit ni Klein ang dumaang
photographer sa harapan namin.

“Can you take us a picture?” Request niya. Nag-ok sign ang photographer at kinuhanan kami ng picture. Nagpeace-sign kaming dalawa ni Klein. Kinuhanan niya pa kami ng dalawang pic bago siya magpaalam sa amin.

“Saan makikita ang pics?” Klein asked.

“Ipopost ata 'yan mamaya sa page nila. Mag-abang ka nalang.” 5 minutes na lang bago matapos ang fireworks display.

“Diavian..” Tawag ni Klein sa pangalan ko.

“Please give me another chance, promise hindi ko sasayangin. I'll make you the happiest girl in the earth.”

.

.

.

.

.

T H E  E N D

Continue Reading

You'll Also Like

TOO LATE By eyynis

Short Story

118K 2.1K 16
"I DON'T LOVE YOU AND I WILL NEVER LOVE YOU!" Bakit naman nya mamahalin ang babaeng gumulo at naging dahilan ng paghihiwalay nila ng taong mahal nya...
12.1K 225 60
Bestfriend series #1 Professorxstudent Started: April 8, 2024 End: May 16, 2024
89.8K 4.4K 53
"Revenge is lethal, it destroys, manipulate and control you." Sa laro ng buhay, kailangan mong maging wais upang manalo but how can she control the g...
877 119 15
Si Shine ay isang evil witch na sinumsumpa ang lahat, tao, hayop o kahit halaman pa. Satingin niya ay siya ang pinskapowerful sa lahat, ewan ko kung...