Endless Reality (SERIES 2) [...

By PecheaL

257K 7.7K 817

[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone... More

Authors Note:
Prologue
Endless~[01]
Endless~[02]
Endless~[03]
Endless~[04]
Endless~[05]
Endless~[06]
Endless~[07]
Endless~[08]
Endless~[09]
Endless~[10]
Endless~[11]
Endless~[12]
Endless~[13]
Endless~[14]
Endless~[15]
Endless~[16]
Endless~[17]
Endless~[18]
Endless~[19]
Endless~[20]
Endless~[21]
Endless~[22]
Endless~[23]
Endless~[24]
Endless~[25]
Endless~[27]
Endless~[28]
Endless~[29]
Endless~[30]
Endless~[31]
Endless~[32]
Endless~[33]
Endless~[34]
Endless~[35]
Endless~[36]
Endless~[37]
Endless~[38]
Endless~[39]
Endless~[40]
Endless~[41]
Endless~[42]
Endless~[43]
Endless~[44]
Endless~[45]
Endless~[46]
Endless~[47]
Endless~[48]
Endless~[49]
Endless~[50]
Endless~[51]
Endless~[52]
Endless~[53]
Endless~[54]
Endless~[55]
Endless~[56]
Endless~[57]
Endless~[58]
Endless~[59]
Endless~[60]
WAKAS?
OUR ENDLESS HAPPY ENDING
OUR FOREVER REALITY ENDING
EPILOGUE
Authors Note: [MUST READ]
Series 3

Endless~[26]

3.4K 97 5
By PecheaL


◇STONE OF EVIDENCE◇

Lincoln's POV,

Nandito na ko sa harap ng bahay ni Hazelle. Ilang minuto ang lumipas ay may isang babae na na nakaputing long gown at naka gold na masskara ang bumungad sa harap ko.

Habang naglalakad sya papalapit sakin, bigla din bumibilis ang tibok ng puso ko. Anong nangyayari sakin? Abnormal na ba ko? Hindi naman ganto ang puso ko sa tuwing maglalapit kami?

Si Hazelle ang kaharap mo Lincoln Hondeval. Stick that to your f*cking mind!

Bat ba kasi uminom pa ko bago umalis? Kung ano ano tuloy pumapasok sa isip ko ngayon.

"U..uy Lincoln, aalis pa ba tayo, o titigan mo nalang ako dito buong gabi?" Bigla nyang salita kaya natauhan na ang diwa ko.

F*ck pati tuloy yung boses nya naririnig ko sa tenga ko. Damn that alcohol!

"S..sorry. Let's go?" Alok ko sakanya at linahad ko na ang kamay ko. Nakita ko naman na ngumiti sya at tinanggap ang kamay ko.

F*cking stop beating so fast!

Inalalayan ko na sya pasakay ng kotse ko at agad naman ako umikot papunta sa drivers seat.

Tahimik kaming dalawa sa buong byahe. Hindi ko alam kung bakit ang tahimik nya ngayon pero I thank God for that. Nag hy-hysterical yung dibdib ko sa tuwing naririnig ko ang boses nya.

Ng makarating na kami ay pinark ko na ang kotse ko. Agad naman akong bumaba sa kotse at pinagbuksan sya ng pinto. Ng pababa na sya ay aksidente nyang natapakan ang dulo ng gown nya, dahilan para mawalan sya ng balanse kaya agad ko naman syang sinalo.

Ang t*nga mo naman kasi Lincoln! Kita mong naka gown yung tao hindi mo pa inalalayan pababa.

Kahit naka masskara kaming dalawa, nagtama parin ang mga mata naming dalawa. Dahil sa ang lapit ng mukha naming dalawa sa isa't isa, mas natitigan ko ang buong mukha nya. Bakit parang, bawat detalye ng mukha nya ay pamilyar sakin? Her eyes that causes my heart to skip a beat the moment I stare at it? Her lips that I want to kiss so badly until were out of breath?

F*ck it Lincoln! You can't fall for her! She's different, and she'll never be like her. She'll never be her.

"S..salamat. pwede na ba tayo pumasok sa loob?" Salita nya kaya binitawan ko na sya at tumango nalang.

Humawak na sya sa braso ko at naglakad na kami papasok ng eskwelahan. Bumungad agad samin ang iba't ibang flash ng mga camera at mga reporters na nagtutulakan, makakuha lang ng konting salita samin.

Ang okasyon na 'to ay buong pilipinas din at ilang ibang bansa ang makakapanood. Ganon ka sakim sa pangalan at popularidad ang demonyong yon.

Dumaretso kami sa buffet kung nasaan ang lahat ng pagkain at drinks. Agad naman akong kumuha ng isang basong wine para makalma ang sarili ko.

Nakita ko naman na kukuha din sya ng wine kaya agad ko syang pinigilan.

"Gusto mo ba na dito ka magwala? Delikado ka malasing diba?" Sabi ko sakanya.

"Konti lang naman. Tsaka wine lang naman to ah, hindi naman 'to nakakalasing" sagot nya.

"What th-" nagulat ako ng kunin nya sa kamay ko ang wine na ininom ko at deretsong ininom yon.

"Thanks. Hintayin mo lang ako dyan, ako na kukuha ng pagkain natin" aniya at nagsimula ng ikutin ang buffet area at kumuha ng iba't ibang pagkain.

Nahagip naman ng mata ko si Dylan, may kasama din syang isang babae. Sino naman kaya yun?

"Oh, eto na pagkain mo. Saan ba tayo uupo?" Biglang salita nya at inabot na sakin ang plato na may pagkain.

Sinenyasan ko sya na sundan ako tsaka kami naglakad at umupo sa isang bakanteng table.

Katulad kanina sa byahe, tahimik lang din kami kumain. Tsk, saan ba napunta ang kadaldalan nya?

Sabagay, tahimik din naman dati si.... F*ck Lincoln are you out of your mind?

Bigla naman na napaltan na ng slow music ang sound system. Magsisimula na ang sayawan, ang madugong pagsasayaw ng masasaksihan ng lahat.

Tumayo na ko at linahad ang kamay ko sa harap nya. Tinanggap nya naman ang kamay ko at tumayo narin. Pumwesto na kami sa gitna ng venue kung saan nagsasayaw ang ibang mga estudyante.

Habang nagsasayaw kaming dalawa, hindi ko maiwasan na muling magtama ang mga mata namin. Hindi ganito ang nararamdaman ko sa tuwing tinititigan ko ang mga mata nya. Ngayon, bakit parang nakakaramdam ako ng pagmamahal?

Sa hindi ko malamang dahilan, dahan dahan ko linapit ang mukha ko sakanya. Ng malapit ng maglapat ang mga labi namin ay kasabay non ang pagdilim ng buong paligid. Agad nagkagulo ang mga tao sa buong paligid.

"Good evening students. Enjoying the night?"

Biglang salita ng isang pamilyar na boses. Agad ko naman hinawakan na ang kamay nya ng mahigpit.

"Don't ever let go of my hand. You'll die if you do" banta ko sakanya.

"You'll die if I don't" sagot nya kaya agad kumunot ang noo ko. Muling nagsalita ang lalaki mula sa mikropono.

"You may all be wondering what this is all about right? Relax people, I assure you, this night is a night that you'll never forget"

Agad nagsigawan ang tao ng may nagpaputok ng isang baril. May nagbukas ng isang ilaw at nakatapat ito sa tao na ngayon ay naka higa na sa sarili nyang dugo. Mas lalong nagsigawan ang mga tao dahil sa takot.

"If you don't want to soak in your own blood, then do as hard as you can to leave in this room in ten... nine"

Agad nagtakbuhan at nagtulakan ang mga tao para makalabas ng venue.
Tumigil sa pagtutulakan ang mga tao ng makitang sarado ang lahat ng pinto palabas.

Narinig namin ang malakas nyang halakhak, kasabay non ang tatlong pagputok ng baril. May nagbukas muli na tatlong ilaw na nakatapat sa tatlong tao na ngayon ay nakabulagta narin at ang mga puti nilang kasuotan ay naging kulay pula na.

"Do you really think, that I would let you all escape? This event is the most memorable, bloody, and wild celebration in the history of all universities. One kill, double amount of money, and triple amount of hatred. A hatred that you'll forever regret. I know all of you have been already killing me deep inside, but sorry to say, I'm stronger than demon's weeds. So just better enjoy the night, and see you all in your next life"

Nagsigawan muli ang mga tao ng tuloy tuloy na ang pagputok ng baril. Bawat putok ng baril, isang ilaw ang bumubukas.

Your really a f*cking demon, Felix.

Bigla naman nagbukas ang mga pinto papalabas ng venue kaya agad nag si takbuhan ang mga tao palabas.

"Looks like your already joining forces together huh? For what? Sa dami ng pinagsamahan natin, ipagpapalit nyo rin pala ako sa kapwa nyong mga daga?" Salita ni Felix.

Nakatayo sya sa gitna ng stage at ngayon ay tinututukan sya ng baril nila Handrix, Riley, Cole at Khenz. Sa kabila naman nya ay sila Levi, Kyle, Jonathan.

"Pinagsisisihan namin na nagpaloko kami sayo g*go. Ang t*nga namin para maniwala sayo na magkakampi tayo. Pero ano palang ginagawa mo? Dinadaga mo na pala ang mga yaman at pera namin para palaguin nyo ang ilegal nyong negosyo ng tatay mo?" Sagot sakanya ni Riley.

Muling tumawa ng malakas si Felix.

"Kung meron man daga dito ay kayo yun. Dahil dinaga nyo din ang kapangyarihan ko para mapabagsak ang BX5, tama ako diba? Sakim kayo sa popularidad na tinatamasa nila. Wag na tayo mag g*guhan dito dahil aminin nyo ng pare parehas lang tayo ng gusto na mawala sa mundong 'to ang mga lalaking yon"

"Oo. Inaamin namin na kinain kami ng inggit at selos sakanila. Pero ng malaman namin ang lahat ng ka g*guhan na ginagawa mo samin, duon namin nakita kung gaano kami ka t*nga at ka b*bo para makipag tulungan sa isang mamamatay tao na katulad mo para lang sa isang walang kwentang dahilan. Masyado ka ng kinain ng inggit at ka sakiman mo sa pera kaya ni pagpatay ng tao, wala nalang sayo" sagot ni Handrix.

"Sa tingin nyo ba, may maniniwala sa inyo na mamamatay tao ako kung wala naman kayong ibidensya? Gaya nga ng tawag nyo sakin, isa akong demonyo. Nakatira ako sa lumiliyab na impyerno kaya bawat krimen na ginagawa ko, sinisiguro ko na walang matitirang bakas na ebidensya laban sakin. Magagamit nyo bang ebidensya ang mga sinunog ko na at mga tira tirang abo nalang ang makikita?"

"Dyan ka nagkakamali. May isang tao kang nagkamali ka na pinagkatiwalaan mo pa. Sinunog mo man ang lahat ng ebidensya, may kopya naman ako ng bawat krimen ng ginawa mo. Maaaring metal, papel o plastik ang mga prowebang sinunog mo. Pero anong magagawa mo? Gawa sa bato at semento ang hawak kong ebidensya laban sayo" Biglang salita ng isang babae.


Continue Reading

You'll Also Like

11.2K 555 83
Rebecca Allison Brandt, a young fashion model and writer who suffered from an ultimate heartbreak when she broke up with her long time boyfriend. She...
46.6K 985 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...
392K 17.7K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
54.1M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...