Chapter 42 Gian’s Side
Gian’s POV
Nakatingin lang siya sa akin habang nag drive ako. Huminto kami sa may hide out namin. Dito malapit sa lawa.
Pinagbuksan ko siya ng pinto which Is lagi ko namang ginagawa.
“Felicity” hindi pa ko tapos magsalita niyakap na niya ako.
“Miss na miss na kita Gian ko” umiiyak siya,
“Miss na miss din kita. Tama na ang iyak”
“hindi ko mapigilan e”
NP: Kung akin ang mundo
Kung ako ang may-ari ng mundo,
Ibibigay ang lahat ng gusto mo,
Araw-araw pasisikatin ang araw,
Buwan-buwan pabibilugin ko ang buwan
Para sa'yo, para sa'yo
“sorry.”
‘bakit ka nagsosorry kasalanan ko naman yung lahat”
“Sorry kasi nasigawan kita noon sa Japan. Alam ko naman na hindi ka mapipilit sa taong ayaw mo’
“ha?” hindi ko siya maintindihan
“kasi basta. Basta sorry”
“Ako dapat ang mag sorry sayo. Kung hindi lang ako tatanga tanga noon edi sana tayo yung kinasal”
“teka anong sinasabi mo?” napabitiw siya sa pagkakayakap sa akin.
“Makinig ka muna sa lahat ng sasabihin ko” niyakap ko ulit siya.
Susungkitin mga bituin, para lang makahiling,
Na sana'y maging akin,
Puso mo at damdamin,
Kung pwede lang, kung kaya lang,
Kung akin ang mundo,
Ang lahat ng ito'y iaalay ko sa'yo...
“Natatandaan mo ba nung nakulong ka sa server room?”
“oo. Niligtas mo ko nun e.”
“nang araw na yun. May nabanggit sila Mommy about sa arranged marriage. That time sobrang taranta ako kasi takot na takot akong mawala ka sa akin na hindi ko nasasabing mahal kita”
“teka”
“Mamaya na ang reactions. Patapusin mo muna ako.”
“okay sorry”
Kung ako ang hari ng puso
Lagi kitang pababantay kay kupido,
Hindi na luluha ang 'yong mga mata,
Mananatiling may ngiti sa 'yong labi,
Para sa'yo, para sa'yo,
“hindi ko naman alam na ikaw pala yung ipapakasal sa akin noon. Hindi ko pinansin. Tingin mo ba kung alam kong ikaw yung tatanggihan ba kita? Kaya nga nagtataka ako nung sa Japan ng sinabi mong tinanggihan kita. Alam mo naman na ikaw ang pinaka una sa priority ko di ba"
Felicity’s POV
“hindi ko naman alam na ikaw pala yung ipapakasal sa akin noon. Hindi ko pinansin. Tingin mo ba kung alam kong ikaw yung tatanggihan ba kita? Kaya nga nagtataka ako nung sa Japan ng sinabi mong tinanggihan kita. Alam mo naman na ikaw ang pinaka una sa priority ko di ba"
I knew it I should never doubted Gian. Di ko alam kung anong gagawin ko.
“Natatandaan ko pa yung sinabi mo noon na hindi ka mag bo~boyfriend hanggat hindi ka pa 18. Kaya nag hintay ako ng ilang taon para maligawan ka”
“ng debut mo pagkatapos sana ng party dadalhin sana kita dito. Nakaready na kasi lahat lahat pati ako. Ready na akong ligawan ka. Pero gumuho buong mundo ko ng nalaman ko na ikakasal ka na”
“ikakasal ka tapos hindi mo pa kilala kung sino yung lalaki. Ng gabing yun gustong gusto kitang itanan. Pero alam ko na hindi ka papayag kasi ayaw mong mapahiya ang mga magulang mo”
“Lalo pa ng nalaman ko na kay Kuya ka ikakasal. Lalong nag init dugo ko kasi alam kong Matagal ng may gusto sayo si Kuya. Hindi niya lang masabi”
“Matagal ko nadin alam yung tungkol sa sakit mo kahit di mo sabihin sa akin. Matagal ko ng alam”
“Marami pa akong alam at dapat sabihin sayo pero yun lang muna yung pwede kong sabihin sa ngayon. Kasi alam kong gagawa ka nanaman ng bagay na pwedeng ikapahamak mo”
“Trust me prinsesa. Okay?”
Information overload. Para sasabog ulo ko sa mga nalaman ko ngayon.
“Alam lahat ng eto ni Kuya Francis. Nang mga panahon na nawala siya sa Japan andito siya noon. May ginawa lang kami”
“Kelan pa kayo naging close ni Kuya?”
“Matagal na ^_^”
“Bakit parang ang gulo?” naguguluhan talaga ako.
“Basta ang magagawa mo lang ngayon ay ang mag ingat.”
“Okay?”
“Kaw ah Matagal mo na pala ako pinagnanasaaan!”
“Ansama mo! Parang ikaw hindi >//////<”
“Mas nauna ka naman yata e!”
“Hindi noh! >////<”
“My Princess is blushing” kinurot niya cheeks ko.
“Maiinit kasi! Alam mo namang allergic ako sa maiinit di ba"
“Whew! Palusot! Hahahah”
“nakakamiss yung ganito. Yung tipong tayong dalawa lang. Yung walang problema”
“oo nga e. Pwede ba kitang itanan ngayon?”
“ha? Anong tanan?!”
“Lika na at ng makapag tanan tayo” hinatak niya ako pabalik ng kotse. Ano nanaman ba iniisip ni Gian >___<