You're My HOPE, I'm Your ANGE...

By queenEyJ13

6.7K 218 508

"You're my Hope, I'm your hope, I'm JHOPE" - "Yes you're my Hope, but I'm not your hope because I'm your Ang... More

*DISCLAIMER*
Oh my God my hearteu (1)
I love hamburger (2)
And SPRITE (3)
Only Englisheu (4)
A big sufrise (5)
You Dirty water (6)
Don't touch my faceu (7)
I hate snakeu (8)
Very no fun (9)
Important businesseu (10)
JHOPEEEEEEEEE (11)
JHOPEEEEEEE (12)
JHOPEEEEEEEEE (13)
JHOPEEEEEEEEEE (14)
JHOPEEEEEEEEEE (15)
JHOPEEEEEEEEEEE (16)
JHOPEEEEEEEEEE (17)
JHOPEEEEEEEEEE (18)
JHOPEEEEEEEEEE (19)
JHOPEEEEEEEEEE (20)
JHOPEEEEEEEEEE (21)
JHOPEEEEEEEEEE (22)
JHOPEEEEEEEEEE (23)
JHOPEEEEEEEEEE (24)
JHOPEEEEEEEEEE (25)
JHOPEEEEEEEEEE (26)
JHOPEEEEEEEEEE (27)
JHOPEEEEEEEEEE (28)
JHOPEEEEEEEEEE (29)
JHOPEEEEEEEEEE (30)
JHOPEEEEEEEEEE (31)
JHOPEEEEEEEEEE (32)
JHOPEEEEEEEEEE (33)
JHOPEEEEEEEEEE (34)
JHOPEEEEEEEEEE (35)
JHOPEEEEEEEEEE (36)
JHOPEEEEEEEEEE (37)
JHOPEEEEEEEEEE (38)
JHOPEEEEEEEEEE (39)
ANGEL
JHOPEEEEEEEEEE (40)
JHOPEEEEEEEEEE (41)
JHOPEEEEEEEEEE (42)
JHOPEEEEEEEEEE (43)
JHOPEEEEEEEEEE (44)
JHOPEEEEEEEEEE (45)
JHOPEEEEEEEEEE (46)
JHOPEEEEEEEEEE (47)
JHOPEEEEEEEEEE (48)
JHOPEEEEEEEEEE (49)
JHOPEEEEEEEEEE (50)
JHOPEEEEEEEEEE (52)
JHOPEEEEEEEEEE (53)
JHOPEEEEEEEEEE (54)
JHOPEEEEEEEEEE (55)
JHOPEEEEEEEEEE (56)
JHOPEEEEEEEEEE (57)
JHOPEEEEEEEEEE (58)
JHOPEEEEEEEEEE (59)
JHOPEEEEEEEEEE (60)
JHOPEEEEEEEEEE (61)
JHOPEEEEEEEEEE (62)
JHOPEEEEEEEEEE (63)
JHOPEEEEEEEEEE (64)
JHOPEEEEEEEEEE (65)
JHOPEEEEEEEEEE (66)
JHOPEEEEEEEEEE (67)
JHOPEEEEEEEEEE (68)
JHOPEEEEEEEEEE (69)
JHOPEEEEEEEEEE (70)
Special Chapter Pt. 1
Special Chapter Pt. 2
EPILOGUE
ANGEL 🖤

JHOPEEEEEEEEEE (51)

67 2 6
By queenEyJ13

(End of your oppa's POV)
-

"Papa!", umiiyak na habol ni Janeah,

"Yah Jaja he'll be back", saway ko at sinundan ko siya para pigilan sa paghabol,

"Don't cry darling, paano ako makakaalis nyan?" bumalik siya at hinawakan sa pisngi ang bata,

"Paano ka nga makakaalis nyan eh pabalik balik ka! Mark sige na malilate ka na, baka may naghihintay na sayong pasyente!", sabi ko saka ko binuhat si Jaja para hindi na to makahabol pa,

"Oo na mal aalis na, bye!", humalik siya sa pisngi ni Janeah at tumalikod na ulit,

"Sweetie, stop crying na okay? Babalik naman si papa mamaya eh, may kailangan lang siyang gamutin", sabi ko kay Jaja kaya nakanguso siyang tatango tango,

"Oh iha bakit umiiyak nanaman si Jaja?", tanong ni tita na kalalabas lang ng kwarto niya,

"Humahabol po kay Mark tita", sagot ko sakanya,

"Ah ganon ba osige, ikaw mag ayos ka na at bibisita ka pa sa Angel's Haven hindi ba?", tanong ni tita,

"Opo tita, madaming tourist ngayon kaya baka hindi magkandatuto tuto yung mga staffs ko sa lodge", nakangiting sagot ko at tumalikod na para makapag ayos.

Ang bilis ng panahon no? Akalain mong dalawang taon na ang nakalipas,

Dalawang taon na nung tinalikuran ko siya at wala na akong balak pang harapin siya ulit,

Dalawang taon na rin akong walang balita sakaniya, sakanila.

Dalawang taon na nung makaya kong alagaan at palakihin si Janeah sa tulong ng mga taong hindi ako iniwan at patuloy akong sinuportahan,

Dalawang taon na kaming malayo sakanya, we're living here in Basco, Batanes,

Pinili ko yung malayo sa syudad para kung sakaling hanapin niya kami ay hindi niya kami mahanap, pero asa namang hahanapin ako nun diba?

Dalawang taon na ring nasa tabi ko si Mark, siya ang tumulong sakin nung panahong hirap na hirap ako, nung panahong durog na durog ako, siya rin ang nagdala samin dito sa Batanes dahil may mga pag-aari sila dito,

Malaki ang pasasalamat ko kay Mark dahil kung hindi dahil sakanya ay baka patuloy pa rin akong binabalot ng sakit,

Kasama ko siyang magpalaki kay Janeah kaya parang siya na ang kinikilala nitong ama,

Nakabili nga pala kami ng space dito sa Batanes na ginawa naming tourist lodge, yun ang Angel's Haven, since marami ang nagtutour dito at may kalayuan pa ang mga hotel kaya naisipan kong magtayo nito,

Nakakatuwa nga at nakisama yung car business namin sa Bulacan dahil sa tulong ng kinikita nun ay naipatayo ko agad tong lodge and it's been 6 months since I started to operate it.

"Ouch!", nagulat ako nung paglabas ko ng kwarto ay may bumunggo sakin,

"Sorry sis, nahihilo na kase ako kakahanap kay Vern eh, nakita mo ba?", tanong nito,

Aba himala at siya na tong hanap ng hanap kay Vern ah parang dati lang halos ayaw niyang makikita to, at halos ipagtabuyan niya pag dumidikit sakanya,

"Hindi ko siya nakita sis nag aayos ako sa kwarto eh, baka pumunta sa Swynth", sabi ko sakanya,

Ang Swynth ay 2 shops na itinayo ni Cynth dito sa Batanes, ang isa ay bilihan ng mga sweet delicacies, at isa naman ay accessories na siya mismo ang nagdesign, madalas na nandun si Vern para samahan siya, kaya naisip ko na baka nauna na to dun,

Nagtataka siguro kayong kasama ko si Cynth dito sa Batanes noh? Simula kase nung malaman niyang dito na ako magsstay ay sumama siya dahil baka makatulong daw ang sariwang hangin dito sa pagtalikod niya sa sakit na dulot ng hiwalayan nila ni Jin,

Simula ng umapak kami dito sa Batanes ay ayaw niya na ulit maririnig ang pangalang Jin, dahil paano daw siya makakamove on kung lagi nalang niyang naririnig yon, at maski siya nga ay hindi na binabanggit pa ang pangalang yon,

Siya ang unang nakamove on saming dalawa, tumatanggap siya ng manliligaw para malibang siya pero sa huli ay babastedin niya lang ito, or worst ay sasagutin at sasaktan lang,

Si Vern lang yung tumagal na nanuyo sakanya na kahit ilang beses niyang bastedin ay manliligaw at maliligaw ulit,

Bestfriend ni Mark si Vern kaya nagkakilala sila ni Cynth, lagi siyang tinataboy ni sis dahil napakakulit niya at palaging nakasunod dito,

Vern is half American, ang gwapo niya, medyo may pag ka tan ang kutis niya at medyo curly ang buhok niyang nagsisilbing asset niya, almost 5 years na siyang nagsstay dito sa Pilipinas kaya wag na kayong magtaka kung fluent na siyang magtagalog,

"Galing na kong Swynth pero wala siya dun, Oh my God hindi kaya tinotoo niya yung sinasabi niya?", sabi niya na napatakip pa ng bibig,

"What do you mean?", nagtatakang tanong ko,

"Inaway ko siya kagabe at sinabi kong tigilan niya ko at bumalik na siyang America! Tapos sabi niya kahit di ko daw sabihin ay yun talaga ang gagawin niya ang tigilan na ako at bumalik na sa America", kwento nito,

"Sus! Nagsawa na siguro sa pang-aaway mo kaya baka nga bumalik ng America, ikaw kase eh tsk", iiling iling na sabi ko,

"Psh okay lang, kala naman niya mamimiss ko siya? Hmm never!", nakangusong sabi nito,

Sus kunwari pa siya eh halatang nahuhulog na din siya dito, wag nga ako,

"Hoy anong nginingiti ngiti mo jan? Pupunta kang Haven diba? Tara na sama ko!", sabi niya saka hinila na ko,

Nagpaalam ako kay tita at ibinilin ko muna si Janeah sakanya,

Walking distance lang yung Haven from our house kaya nilakad lang namin, saka ang sarap maglakad dito dahil langhap na langhap mo ang sariwang hangin,

Isa sa nakatulong sakin ang sariwang hangin dito, at sa ganda ng lugar na to ay talagang mapapawi nito ang bigat  na dinadala mo. Kaya salamat at dito kami napadpad.

"Goodmorning Miss A and Ma'am Cynth", bati samin ni Jean, siya yung kanang kamay ko dito sa Angel's Haven,

"Goodmorning Jean!", bati ko,

"Kailan mo balak magpalit ng pangalan?", napataas yung kilay ko sa tanong ni Cynth,

"Ma'am?", nagtatakang tanong ni Jean sakanya,

"Para kasing may katunog yung pangalan mo eh, parang umiinit yung ulo ko pag naririnig ko", mataray na sagot nito,

"Di ko po kayo maintindihan-" pinutol ko ang pagsasalita ni Jean,

"Diba Nicole ang second name mo, would you mind if we're calling you that name from now on?", tanong ko sakanya,

"Kayo po ang bahala", nakangiting sagot nito,

Lagi nalang kasing kinikwestyon ni Cynth ang pangalan niya pag naririnig niya to, at alam niyo na kung bakit,

"Bakit ang daming tao ngayon?", tanong ko,

"Malamang summer!", singit ni Cynth,

Oo nga naman Angel bakit ba nagtatanong ka pa tss,

"May vacant rooms pa ba?", tanong ko ulit,

"Sa katunayan po niyan Miss A wala na, tanging yung 7 rooms nalang po sa 2nd floor", sagot nito,

"Okay? So pwede pang mag accommodate dun?", napataas yung kilay ko nung umiling siya,

"Nakareserve na po yung rooms na yun Miss A", sagot niya,

"Lah mga VIP ba yan at kailangan pang ipagreserve ng rooms?", mataray na sabi ni Cynth kaya sinaway ko siya,

Ang laki ng pinagbago ng ugali niya sa totoo lang, kung dati mabait siya ngayon napakamaldita na,

"Ah ganon ba? Kailan iooccupied yung room na yun?", tanong ko,

"Sa makalawa po", tinanguan ko nalang siya at inutusan na sabihin sa mga staffs na ayusin ang pag entertain sa mga guests,

"Okay- shocks si Vern yon diba?", sabi ko habang nakaturo sa may dalampasigan nagulat ako kay Cynth nung bigla siyang magtatakbo papalapit dun,

Sumunod ako sakanya at tama si Vern nga ang nakita ko,

"Hoy babae! Wala ka bang kamay at kailangang siya pa ang maglagay ng lotion dyan sa balat mo?", mataray na tanong ni Cynth kaya napabalikwas yung babaeng nakadapa,

"Cynth stop it! Nagvolunteer ako okay?-", natigil sa pag sasalita si Vern ng agawin sakanya ni Cynth yung hawak niyang lotion,

"Wala akong pake kung nagvolunteer ka or ano! May kamay naman tong babaeng to kaya hindi mo kailangang gawin yon!", sigaw nito at saka ibinato yung lotion,

May naaamoy talaga ko, nagseselos siya, sabi na eh di malabong mahulog din siya kay Vern, sa gwapo ba naman neto,

"Is she your girlfriend?", tanong nung babae,

Magsasalita palang si Vern nang sumingit si Cynth,

"Yes I am!", taas noong sabi ni Cynth sakanya,

Gulat akong napatingin sakanya at pati si Vern ay napanganga sa narinig niya,

"Oh I'm sorry I thought he's single", sabi nung babae at tumayo na,

Sana lahat ng babae ganon, na pag nalamang may girlfriend na magbaback off na hindi yung makikipag-agawan pa.

Ooops enough baka malayo nanaman ang marating ng isip ko.
-

"Really Cynth tayo na talaga?", tuwang tuwang tanong ni Vern ng makabalik kami sa bahay,

"Oo kingina ka nakakasampong tanong ka na!", iritang sagot ni Cynth,

"Hindi kase ako makapaniwala", sabi nito saka yumakap kay Cynth at she really mean it, hindi man lang niya hinawi si Vern bagkus ay ibinalik niya ang yakap dito,

Kahit ako ay hindi makapaniwala. Pero masaya akong after ng napagdaanan niya from her past relationship ay nakahanap ulit siya ng lalaking mamahalin,

Lalaking mas deserving mahalin kaysa kay Jin.

But may time na nagdadoubt ako kung nakalimutan na nga ba niya si Jin, pero hindi ko na iniisip pa yun basta masaya akong masaya na siya.

Ako kaya kailan?

"Ikaw ah tinakot mo ko! Akala ko bumalik ka na talaga sa America yun pala andun ka lang at humaharot", biglang sabi ni Cynth kaya napatingin ako sakanya,

"Nagselos ka lang eh! Natiis ko yung ugali mo ng dalawang taon tingin mo iiwan lang kita ng basta basta?", sabi ni Vern habang hawak hawak yung kamay ni Cynth,

"Wag niyo namang inggitin si ate A", napatingin ako sa nagsalita,

"Tine, kailan ka pa nakabalik?", tumayo ako at yumakap sakanya,

Sa liit ng mundo ay biruin niyong kapatid pala ni Mark si Tine, ang tagal naming magkaibigan pero di niya nabanggit na may kapatid pala siyang babae,

Dito din nagsstay si Tine, umalis lang siya ng 1 year para asikasuhin yung business nila sa Palawan,

"Ngayon lang ate A, and I'm with Bob", sagot niya at ngumiti nung magkalas kami sa pagkakayakap,

"Really?", gulat kong tanong,

Dinala niya dito si Bob kahit na tutol ang kuya niya sa relasyon nila,

"Yes! Baby come here", tinawag ni Tine si Bob at tumambad samin ang gwapong gwapo at chinitong lalaki,

"Hello", bati niya samin at ngumiti na halos hindi na kita ang mata,

Ang cute niya, bagay na bagay sila ni Tine,

Nakakatuwa naman at ang tagal na din nila, the key is hindi sila nagpapatinag sa kahit anong problemang hinaharap ng magkarelasyon to think na he's an idol and having an ordinary girlfriend, well hindi naman kase basta basta si Tine, ang yaman kaya nila kaya hindi siya pwedeng maliitin.

Pero tanging yung kuya niya lang ang humahadlang, dahil yun sa nakita niyang naranasan ko nung magmahal din ako ng isang idol,

Psh hindi naman siguro katulad ni Bob si Ho- nevermind.

Sana hindi magaya samin yung kahinatnan ng relasyon nila.

"Take a sit Bob", sabi ko saka ako nagpaalam para makakuha ng meryenda.

Pagbalik ko ay nagkekwentuhan sila at si Cynth ang bumibida,

"Alam mo Bob bilib ako sayo, buti hindi mo iniiwan si Tine sa kabila ng estado niyo sa buhay, coz you know I do believe that idols only belongs to an idol", seryosong sabi ni Cynth, kahit itago niya at nababakas ko ang pagkabitter sakanya,

"Parang may pinaghuhugutan ka ah?", nagulat ako sa pambibiro ni Bob,

"A-Ah wala no! Saka may boyfriend ako oh hindi ko kailangang humugot", sabi ni Cynth saka nakipagharutan nalang kay Vern,

"Ikaw Angel, nakekwento ka sakin ni Tine is it true na may ex-lover kang idol and you have a kid?", saktong umiinom ako ng juice nung magtanong siya kaya nasamid ako,

Daldal naman ni Tine,

"Ate A, are you okay? Bob I told that it is only between the two of us eh you might offend her", saway ni Tine kay Bob,

"Ahm no it's okay, yes may ex-lover nga akong idol and yes may anak kami", sagot ko habang pilit na ngumiti,

"He knows na may anak kayo right? Bakit kayo naghiwalay?- Aww baby!", tanong ulit nito kaya siniko siya ni Tine,

Ang dali ng tanong pero parang ang hirap sagutin.

Hindi kami official na naghiwalay pero ganon na rin yun, simula ng lumayo ako ay tinapos ko na ang lahat ng namamagitan samin.

Wala eh we're destined to part ways and wala kaming magagawa pag tadhana na yung nagdikta.

Continue Reading

You'll Also Like

73.1K 2K 70
One school. Two groups. Eight students. Eight personalities. Different attitudes. And... Eight different pains. But got to live in ONE HOUSE. This is...
3.3K 68 6
Its a story about wanting to save someone you love with the help of the magical payphone called LOVE 119. One twisted fate, one chance and one more...
3.4K 238 33
Breakups are just their thing. It loops them again, and again, and again.
8.6K 187 61
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)