When Forever Ends [SOON TO BE...

By JustCallMeUno

11.5K 389 32

Nailigtas ko ang buhay ng babaeng pinakamamahal ko na si Sabrina. Pero kapalit nito ay ang digmaan ng iba't-i... More

COPYRIGHT © 2014 by LARCAN
* * *
Chapter | One
Chapter | Two
Chapter | Three
Chapter | Four
Chapter | Five
Chapter | Six
Chapter | Seven
Chapter | Nine
Chapter | Ten
Chapter | Eleven
Chapter | Twelve
Chapter | Thirteen
Chapter | Fourteen
Chapter | Fifteen
Chapter | Sixteen
Chapter | Seventeen
Chapter | Eighteen
Chapter | Nineteen
Chapter | Twenty
EPILOGUE
ACKNOWLEDGEMENTS

Chapter | Eight

312 17 1
By JustCallMeUno

Emerson | Isang linggo pa ang nakalipas bago pinalabas ng hospital si Sabrina. Magaling na ang kanyang mga sugat pero makirot pa rin ito kapag natatamaan. Nagkasya na lang kami ni Smoke mula sa malayo habang pinagmamasdan ang pamilya ni Sabrina, kasama na siya, na lulan ng sasakyan habang papalayo sa hospital.

        Sumakay kami ni Smoke sa sasakyan at sumunod sa kanila. Sa loob ng sasakyan habang nakaupo ako sa may passenger seat ay napansin kong may baril na nakasuksok sa kanyang tagiliran habang ang mga mata niya ay nakatuon sa daan.

        "Mukhang handang-handa ka buddy ah," untag ko sa kanya.

Mabilis lang niya akong sinulyapan pagkuwa'y ibinalik ang tuon sa daan. "Aba syempre, budds, lalo na ngayong hindi na natin alam kung anong pwedeng mangyari," sagot niya sa'kin at alam na niya kung anong tinutukoy ko.

        "E alam mo naman bang gamitin 'yan?" tutsa ko sa kanya.

Ngumiti siya saka suminghal, "syempre naman," sagot niya na may pagmamalaki.

        "Kung sabagay mas mabuti nang may panlaban ka keysa naman sa wala," sabi ko na lang.

        "Oo." Kumaliwa siya, nakabuntot pa rin sa kotse nila Sabrina. "Bakit nga kaya pinagtangkaan ng hunyango na 'yon si Sabrina?" tanong niya, pag-iiba niya ng paksa.

        "Hindi ko nga rin alam. Pero alam ko kailangan ko nang bantayan simula ngayon si Sabrina. Kahit anuman ang mangyari kailangan nasa tabi niya 'ko anumang oras."

Tiningnan lang ako ni Smoke at wala na pang sinabing iba.

        Alas-siyete na ang oras sa may digital clock ng sasakyan. Kanina pa kami nag-aabang dito ni Smoke sa paglabas ni Sabrina pero mukhang nahihirapan siyang kumawala sa mga mata ng magulang niya dahil sa nangyari. Sabi niya sa text message niya kanina ay ayaw pumayag ni Tita Dana na lumabas siya dahil sa kalagayan ng sugat niya kahit naman magaling na ito.

        Gustong makita ni Sabrina sina Lavinia at Peige at Aldrin dahil matagal na niyang hindi nakikita ang mga ito atsaka pag-uusapan din namin kung ano nga ba ang pakay ng hunyango na iyon. Hindi na kasi ako nagkaroon pa ng tsansang interogahin kung ano nga ba talaga ang gusto niya dahil napatay ko siya ng hindi sinasadya at naglaho lang ang katawan nito ng parang bula. Isa na naman ba ito sa plano ni Ergott? O baka may iba pang nasa likod ng pagtatangkang ito?

        Sa pagdaan ng ilang sandali mas lalong dumilim ang langit at sunod-sunod ang pagkulog at ang pagguhit ng kidlat sa nangangalit na kalangitan. At 'di kalaunan ay bumuhos na ang malakas na ulan at umihip ang malakas na hangin. Isang kisap pa ng aking mga mata at wala na ako sa loob ng sasakyan. Nasa ibang lugar na ako kung saan maraming instraktura ang nasira at nakahamba sa mahabang daan ang mga nagtumbahang matataas na building. Ang amoy ng hangin ay hindi ko kayang ilarawan pero hindi ito mapanghalina bagkus ay masakit sa ilong at parang sa unang pagkakataon ay naamoy ko ang dugo. Maraming sugatan na tao sa paligid or at least ay akala kong tao bago lumabas at lumapag ang lalaking may napakalapad na pakpak na walang suot na pang-itaas at ang hugis ng katawan ay mas malaki pa keysa sa'kin.

        Angel.

Sa kabilang banda naman ay may dumadaing na isang babae. Mayroon siyang mahahaba pero pakurbang sungay at duguan siya.

        Demons.

At samu't-saring nilala na ang nakita ko sa'king kapaligiran. Aswang. Hunyango. Kapre. Manananggal. Dwede. Diwata. Mangkukulam. Mambabarang. Bampira. At marami pang nilalang na hindi ko na alam ang tawag. Pero sa dami ng sugatan na mga nilalang na nagkalat sa paligid ko ay isa lang ang nakilala ko na humihingi ng tulong habang nakahandusay sa sahig at nakadagan sa kanyang paa ang malaking bato na napaka-imposible sa'kin para mabuhat ito. Sa kanyang dibdib ay nakabaon na mahabang patalim at alam ko sa mga sandaling iyon na maaring ito na ang huling pagkakataon na magkikita kami ni Axon.

        Agad akong tumakbo sa kanyang gawi at sa mga sandaling iyon ay hindi ko alam kung anong gagawin. Kung huhugutin ko ba ang patalim o hahayaan na lang o uunahin ko muna ang bataong nakadagan sa mga paa niya.

        "Axon," anas ko habang nagpalinga-linga sa paligid para humingin ng tulong.

        "Wag mo nang tangkain humingi ng tulong E-Emerson," wika niya saka hinigpitan ang hawak sa may braso ko marahil ay sumisiid na ang sakit sa sugat kugn saan nakabaon ang patalim.

        "May pag-asa pa Axon."

        "Wala na." Huminga siya ng malalim and sinusubukan niyang pakalmahin ang kanyang nalalantang katawan. "I-ito na 'yung k-kamatayan ko."

        "'Wag mong sabihin 'yan."

Sinubukan niyang ngumiti kahit papaano. "E-Emerson... wala na akong oras. K-kailangan mong patayin si Sabrina para bumalik ang lahat sa normal. Kailangan maibalik ang balanse ng mundo para matapos ang lahat ng ito."

        "H-hindi," iling ko, "hindi ko p-pwedeng mangyari 'yon Axon. Hindi pwede!"

Ang dugo ay nag-uumpisa nang umakyat sa kanyang lalamunan. "I-iyon lang ang tanging paraan Emerson."

        Bago pa 'ko makasagot ay nawalan na ng buhay si Axon. Mabilis na nanlamig ang kanyang katawan at 'di kalaunan ay naging yelo ang kabuuan niya at unti-unti natunaw pero hindi naging tubig kundi naging balahibo siya at tinangay ito ng hangin.

        Naiwan akong natutula at sa muling pagdilat ng aking mga mata ay nasa apartelle na kami kasama si Sabrina. Nakaupo ako sa sofa at katabi ko si Aldrin na nanunuod ng balita. Hindi na ako nagtaka kung papaano nangyari iyon. Ibig sabihin kagagawan iyon lahat ni Axon para magkita kaming muli kahit sa huling sandali ng buhay niya. He was been a good friend and a great guide. At alam ko na kahit hindi ako ang pumatay sa kanya ay ako pa rin ang may kasalanan ng lahat. It will always be my fault. Wala sanang kaguluhan at wala sanang mga buhay na nadadamay kung hindi sa kagagawan ko.

        I'm a monster. Worst than a predator.

        "Parang wala ka sa sarili mo," ani ni Aldrin nang mapansing may pagtataka sa'king mga mata.

        "Huh?" untag ko na parang hindi ko narinig ang sinabi niya.

        "Sabi ko parang ngayon ka lang dumating dito sa bahay. Kanina ka pa kaya namin kinakausap parang wala ka sa sarili mo. Para kang naka-autopilot."

        "Ahh," iyon lang ang nasabi ko. "M-masama lang ang pakiramdam ko," pagkuwa'y pagdadahilan ko atsaka tumayo at nagtungo sa maliit na terasa kung nasaan naroon din si Peige habang may hawak na baso ng juice at nakatanaw sa malayo.

        Tumingin muna ako sa'king likuran at siniguradong walang makakarinig ng sasabihin ko. "You knew all along," nag-aakusang sabi ko. Dahil alam kong alam na ni Peige na mangyayari ito noong isang gabing nag-uusap kami. Na ito ang solusyon para matapos ang lahat at bumalik ang katahimikan: Kamatayan ni Sabrina.

        "Anong ibig mong sabihin?" humarap siya sa'kin.

        "You knew all along na kailangan kong patayin si," humina ang tinig ko bago ko binaggit ang kanyang pangalana, "si S-Sabrina. Iyon hindi ba? Iyon ang nakita mong solusyon para pigilan ang plano ni Ergott, hindi ba?"

        Nag-iwas ng tingin si Peige at ibinalik ang tingin sa malayo. Feeling relieved. "Yes," pagkukumpirma niya. "H-how did you know? A-ayaw ko muna sanang sabihin ito dahil hindi ko alam kung tama ang hinala ko o nag-iimbento lang ako ng solusyon."

        "Tama ka dahil iyon ang solusyon na sinabi sa'kin ni Axon. B-bakit kailangan ko siyang patayin?" tanong ko kahit alam ko na rin ang isasagot niya sa'kin.

        "Dahil siya ang sumira ng balanse ng lahat ng mundo. Kungbaga virus na kinuha mo sa hukay at binuhay mo siya sa kasalukuyan. Kaya para bumalik sa normal ang lahat ay kailangan mo siyang..."

        "Patayin."

        "I'm sorry," mahinang sabi niya.

Ngayon pa lang nag-fully sinked-in sa'kin ang katotohanang totoo nga ang sinasabi ni Axon. At sa pananaw ko kugn ako ang magdedesisyon ng solusyon base sa mga nagaganap ay ito rin ang nakikita kong nag-iisang pag-asa ng lahat. Pero ang isipin ko pa lang na papatayin ko si Sabrina ay tila kinikitil ko na rin ang sarili ko at parang sinasakmal ko na rin ang aking tumitibok na puso.

___________________

NOTE:         Hi po Reader :) Nagpapasalamat ako sa patuloy mong pagbabasa at hindi ko mailarawan kung gaano ako ka-blessing dahil may sumusuportang gaya mo. Kung may time ka, iwan ka naman ng comment hihi. Salamat ulit at God bless :)

Continue Reading

You'll Also Like

56.2M 2.3M 81
Most women fall for engineers, doctors, lawyers, architects and businessmen but in my case? I fell in love with an astronaut. Highest rank: 1 Cover...
440K 39.3K 139
Rogue Wars Online (RWO) is an all-out action-adventure game that invites the top streamers, pro-gamers, and even newbies in their official beta-testi...
8.6M 319K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...