Fools in Love [COMPLETED]

By mysehuniverse

316K 13.9K 3K

Ano na lang ang gagawin mo kapag ikaw at ang best friend mo ay parehas na may gusto sa iisang lalaki? Aaminin... More

P R O L O G U E
Mr. Geeky
BASTED
First Score
Plans
Avoiding Audrey
NEW LOOK
Misunderstandings
Do I Make You Nervous?
Besties
Like a Date?
Flirting Lessons
Doubts
Confrontations
Romeo and Juliet
Friends?
Change
Loving Boyfriend or Loyal Friend?
Key and Chace
STORM
Prism vs. STORM ; First round
Confusion
The Conclusion
Cinderella and the Evil Stepsisters
Damn it Chace
Curse the Hiccups
Why Now?!
Admit It
Beach
Scared
True or Not?
I'm Jealous
Bonfire
Mistakes
Torn
Sorry
Past is Past
I Wish
Key Puso Mo
I Can't Ask Her
Hopeless Romantic
Hulog
Get Well Soon
Selos Ka?
Wala Na
Heart
Too Late
My Hero
Till We Meet Again
Waiting
E P I L O G U E
AUTHOR'S NOTE + PLAYLIST

Fireflies and A Sunrise

4.5K 228 41
By mysehuniverse

Key's POV

Wrong move rin ako, bakit ko ba kasi niyaya si Chace eh medyo gabi na? Ngayon ang dilim na tapos mukhang naliligaw pa kami. Halos wala rin kaming makita dahil sobrang dilim na eh."Ano nang gagawin natin? Di kaya lalo tayong malayo kapag naglakad lakad pa tayo?" tanong ni Chace sa akin.

"Di yan, di naman tayo nagtagal na maglakad gaano eh. Subukan lang natin" sabi ko sa kanya.

Naalala ko kasi yung sabi sa akin ni mommy at daddy eh, di pa naman ako nakakapag-text ngayong gabi eh. Baka mag-alala sila, si Hero ang malalagot! At tsaka si Hero pa! Nako, isa pa yung mag-aalala! Tapos naiwan siya doon sa party, sino ang nasa party? Sila Audrey!

"Eh tara, baka sakali naman na makabalik pa tayo" tinulungan niya akong makatayo saka kami nagsimulang maglakad. "Humawak ka sa braso ko Key, baka matisod ka pa" sabi niya sa akin.

"Okay lang ako no" pagmamatigas ko.

"Wag ka ng makulit, kapag napahamak ka pa o kung ano ako tiyak ang kakagalitan ni Hero kaya gawin mo na lang" hala, medyo bossy ha.

"Masyado kang trying hard maging manly alam mo yun?" pang-iinis ko sa kanya habang humawak ako sa braso niya.

Para lang kaming mga bulag na nangangapa, nakikita naman namin kahit papaano yung anino ng mga puno pero wala talaga kaming ibang naririnig o nakikita na liwanag.

"Aray!" napahinto na lang ako bigla dahil kay Chace. Naaninag ko na para bang hinihilot niya yung ulo niya. "Nauntog ako sa sanga ng puno" ungol niya.

Tinawanan ko naman siya. "Kung makapagsabi kang ako ang umalalay sayo parang mas kailangan ko eh, mukhang mas kailangan mo pala" ininis ko siya ulit.

"Matangkad kasi ako" sagot naman niya. Agad ko naman siyang sinundot sa tagiliran dahil doon. Pagdating sa usapang height, alis ako diyan kasi matangkad naman talaga si Chace.

Mga ten minutes mahigit na kaming naglalakad pero wala pa ring nangyayari. Para bang endless lang etong gubat na ito at hindi talaga kami makabalik sa beach. "Ano ba yan, mukhang wala tayong pag-asa na makabalik ah" sabi ni Chace.

"Hala, ano gagawin natin?" tanong ko sa kanya. Siguro naman may plano siya di ba? Wala akong kaalam alam tungkol sa mga ganitong bagay. Tapos medyo gutom na rin ako, ano ba yan. Survivor ba ito?!

"Eh di maghintay na magliwanag. No choice naman tayo, baka lalo lang tayong malayo kapag nagpumilit pa tayong maghanap ng daan pabalik" sabi ni Chace sabay upo.

"Baliw ka ba?! Dito tayo matutulog?! Paano pag nalaman ng teachers na nawawala tayo? Ano ng gagawin natin?" Bakit ba kasi parang okay lang sa kanya ang maligaw dito? Di man nga lang siya nag-aalala eh.

"Key, ano man ang gawin natin eh naliligaw pa rin tayo. No choice tayo kundi maghintay na mag-umaga. Maupo ka na nga lang dito, wag ka ng mag-panic at baka makasama pa sayo" hinawakan niya yung braso ko saka niya yun hinila ng kaunti.

Nagbuntong-hininga na lang ako saka ako naupo sa tabi niya. Patay kami bukas, sana na lang di eto malaman ng teachers. Kung hindi lagot talaga kami ni Chace. Takte, pag minamalas nga naman. Nagkataon pa na naka-shorts lang ako at manipis na t-shirt. Ramdam ko na 'yung lamig tapos baka magkapantal pa ako dahil mukhang maraming lamok dito.

"Di ka ba nilalamig? Mukhang ayos ka lang ah" tanong ko kay Chace. Siya kasi naka-relax lang, siguro boy scout eto dati kaya mukhang ayos lang.

Umiling lang siya saka siya humarap sa akin. "Ikaw ba?" tanong niya. Tumango ako saka ko niyakap yung binti ko, nilalamig na talaga ako eh. Nagkataon naman na humangin ng malakas kaya lalo akong kinilabutan ng dahil sa lamig.

"Hay nako" mahina niyang sinabi habang lumapit siya sa akin. Inakbayan niya ako saka niya ako hinila palapit sa kanya.

Nagulat naman ako sa ginawa niya. Di naman niya yun kailangang gawin eh, okay lang sa akin kung bibigyan na lang ako ng jacket... kaso nga lang nasa beach kami kaya sinong timang ang magsusuot ng jacket?! Hindi ko alam kung bakit pero parang bumilis ang tibok ng puso ko, ang lapit ko kasi kay Chace ngayon.

Nakasandal ako sa kanya at ramdam ko rin na mabilis ang tibok ng puso niya. Siguro parehas lang kami, we're both nervous. Ginagawa lang siguro niya eto dahil kailangan niya. After all, kakasabi ko lang naman sa kanya na may sakit ako kaya tiyak na hindi ako papabayaan nitong lalaking eto.

I guess dapat ko na naman siyang pasalamatan like always.

"Key" tinawag niya ako. "Tingnan mo yun oh" may tinuro siya sa harapan namin. Medyo hirap akong aninagin yun pero nung nakita ko ay di ko mapigilan ang sarili kong ngumiti.

Fireflies.

"Wow" Ngayon lang ako nakakita ng ganito eh, sa urban area kasi ako nakatira kaya never pa talaga akong nakakita ng alitaptap.

Pangarap kong makakita ng ganito eh. "Ang ganda nila no?" sabi ko.

"Hmmm?" nakita kong humarap sa akin si Chace sa peripheral vision ko. Masyado akong humanga sa ganda ng fireflies eh. "Oo nga, ang ganda" ngumiti siya.

Ako lang ba yun o talagang sa akin nakatingin si Chace?

"Sayang lang na wala si Hero dito, mas masaya siguro kung kasama natin siya" sabi ko sa kanya.

Umiwas na ng tingin sa akin si Chace at humarap na lang siya doon sa mga fireflies. "You mean, bakit hindi na lang si Hero ang nakasama mo dito" sabi niya.

Napakunot naman yung noo ko saka ako tumingin sa kanya. "Hindi yun ang ibig sabihin ko no, bakit naman yun ang naisip mo?" tanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat lang siya. "Ewan, probably because you're thinking of Hero right now? Don't worry I understand" sabi niya.

Ano naman ang problema nito? "Chace, ikaw ang kasama ko ngayon. Ang sinabi ko lang mas masaya siguro kung tayong tatlo ang magkakasama ngayon, pero ikaw ang kasama ko ngayon at ayos lang ako" sabi ko sa kanya. Ang gara naman niya kasi eh.

Humarap siya sa akin, nakita kong nagrereflect sa mga mata niya yung buwan. Parang anytime pwede akong higupin nung mga mata niya. "Sorry, naisip ko lang kasi na baka ayaw mo akong makasama eh. Lalo na at ganito ang sitwasyon" sabi niya.

Mahina akong tumawa saka ako lumayo ng kaunti sa kanya. "Alam mo, masyado kang mapag-alala. Kasalanan ko naman na nasa ganito tayong sitwasyon eh, at Chace... anong sitwasyon man yan mapa-life or death man, basta isa sa inyo ni Hero ang kasama ko eh ayos lang sa akin yun"

"Eh di okay ka lang ngayon?" tanong niya.

"Oo naman" sagot ko.

"Kahit na sobrang madilim, malamok, maginaw at naliligaw tayo sa gitna ng gubat?" tanong pa niya ulit.

"Wala namang mas lalala pa dito di ba?" tumawa ako ng mahina.

As if on cue ay bigla namang humangin na naman. Life decided to play a joke on me again, at least hindi umuulan. "Ang lamig!" sabi ko.

"Kasi naman lumalayo pa" sabi ni Chace saka niya ako hinila ulit papunta sa kanya.

"Eh baka kasi napipilitan ka lang" sabi ko sa kanya.

"Key, ilang beses na ba kitang nayakap? Never akong napilitan, not even once." Sabi naman niya. Medyo nagulat naman ako sa sinabi niya, he never fails to surprise me.

Nawala na yung mga fireflies ngayon, pero at least kita naman namin yung buwan. Full moon ngayon at medyo maraming stars rin kaya ayos lang. "Chace, paano pag lumala yung sakit ko? Paano pag nawala ako, ano ng gagawin niyo?" mahina kong tanong sa kanya.

Ewan ko ba, nakakabaliw kasi yung katahimikan eh. Kung anu-ano lang ang pumapasok sa isip ko ngayon.

"Wag mo nga yang isipin, you're going to be okay. Gagaling ka di ba?" sabi naman niya.

"Oo nga pala" ngumiti ako saka ako sumandal sa kanya.

Pinikit ko yung mga mata ko, nakangiti pa rin ako hanggang ngayon. Ano man ang mangyari, thankful na lang ako na mayroon akong kaibigan na katulad ni Chace. He's the type to never leave you behind no matter what happens.

"I like you Key"

"Ha?" nanlaki yung mata ko saka ako tumingin sa kanya. Tama ba yung rinig ko o nagha-hallucinate lang ako?

"I said I like you. May gusto ako sayo, alam kong ang pangit ng timing ko pero parang sasabog ako kapag nanatili lang akong tahimik eh" I can tell that he's smiling.

Lumayo ako sa kanya bigla saka ako umiling. "Di pwede, magkaibigan tayo di ba?" tanong ko sa kanya. Bakit naman? Hindi pwede... hindi talaga.

"Sorry, alam kong hindi dapat pero" umiwas siya ng tingin. "Di ba ikaw rin mismo ang nagsabi na lahat ng love story ay nagsisimula sa friendship? Somewhere along the way, I ended up liking you" bakit ang straightforward niya?!

Di ba dapat siya yung mahiyain na di kayang sabihin 'yung mga ganitong bagay! Pero wait, hindi talaga eto pwede. Ayoko, ayokong masira 'yung friendship namin.

Umiling lang ulit ako saka ako tumayo. "Sorry" sabi ko saka ko siya tinakbuhan. I'm sorry Chace, I need to be alone. Ang hirap nung paniwalaan. Narinig kong tinawag niya ako pero tumakbo pa rin ako.

Ngayon alam ko na yung confusion na naramdaman ni Chace at Hero nung sinabi ko sa kanila na may sakit ako. Tumakbo lang ako, hindi ko pinansin na naninikip na yung dibdib ko. Wala rin ako halos makita at lalong hindi nakakatulong na nagiging blurry yung vision ko.

Then nangyari ang huling bagay na inaasahan kong mangyayari. Nadapa ako, hindi lang ordinary na dapa, mali yung bagsak ko at napalipit pa yung paa ko. Ang sakit, tapos halos di na ako makahinga.

Nanatili na lang akong nakadapa sa lupa, pinatong ko na lang yung ulo ko sa braso ko saka ko hinabol yung hininga ko. I feel like I'm going to pass out. Gusto kong umiyak kaso makakasama lang lalo sa akin yun, lalo lang akong mahihirapan na huminga.

Di nagtagal at naramdaman kong may nakahawak na sa balikat ko. "Key!" halatang nag-aalala 'yung tumatawag sa akin. "Sorry, I'm really sorry" paulit-ulit niyang sinabi habang tinulungan niya akong makaupo.

"Okay lang ako Chace" mahina kong sinabi sa kanya. Paulit-ulit pa siyang nag-sorry, niyakap ko na lang siya para tumigil siya. "Ako 'yung dapat mag-sorry" sabi ko sa kanya.

Niyakap lang niya ako pabalik. Exhaustion got the better of me, I ended up falling asleep.

Nagising lang ako dahil parang nakaramdam ako ng ginaw. Pagkadilat ko ay naalala ko ulit yung mga nangyari kagabi, naligaw nga pala kami ni Chace. Madaling araw pa lang siguro, mukhang di pa sumisikat yung araw. Napansin ko naman na nakasandal pala ako kay Chace, nakahawak rin siya sa kamay ko.

"Chace, gising na" Sabi ko habang ginalaw ko yung kamay niya. Ang lamig ng kamay niya, kunyari pang di giniginaw eh. Dahan-dahan siyang dumilat saka siya naghikab.

"Good morning" bati pa niya. Aware ba siya sa mga nangyari kagabi? Para lang siyang bata ngayon eh. Nung nakita niya ako ay agad namang nanlaki yung mata niya saka siya umiwas ng tingin. So he just remembered.

"Tara na, balik na tayo" pagyaya niya. Nauna na siyang tumayo, tatayo na rin sana ako kaso nakaramdam ako kaagad ng sakit at napaupo ako ulit. Shit, nakalimutan kong na-sprain nga pala ako kagabi.

"Di ako makakalakad" nahihiya kong sinabi.

Tumango lang siya saka siya nag-crouch sa tabi ko. "Angkas na" sabi niya. Tiningnan ko naman siya na para bang nagtataka. "Ano pa tinitingin mo diyan? Mas gusto mo ba kung bridal style?" ngumisi naman siya.

"Loko" sabi ko sa kanya. Nakukuha pa niyang magbiro ah.

Tahimik lang ako habang buhat buhat ako ni Chace sa likuran niya. Medyo maliwanag na ngayon kaya after ng konting lakad ay nakita namin yung beach. Tuloy tuloy na lang na naglakad si Chace hanggang sa makarating kami sa beach.

Grabe! Bakit parang ang lapit lang pala noon eh ni hindi man lang namin nahanap kagabi!? "Bakit ka huminto?" tanong ko kay Chace. Huminto na lang kasi siya bigla noong makatungtong kami sa beach.

Dumerecho ako ng tingin at once again I found myself amazed. Sakto pala na sunrise ngayon, at sobrang ganda ng view dito sa beach. Di ko mapigilan na ngumiti, para bang after ng paghihirap namin kagabi ay narewardan kami ng magandang scenery tulad nito.

"Thanks Chace" sabi ko sa kanya.

Nakita kong ngumiti lang si Chace bilang sagot. Everything was going fine when something caught my eye. Damn, nakalimutan ko.

Nakita kong mukhang iritado at pagod si Hero na papalakad papunta sa amin.


Continue Reading

You'll Also Like

5K 107 8
"Ikaw ay aking obra, Yoseff. Hindi-hindi ko hahayaang maangkin ka ng iba..." Koleksiyon Series 1: Victoria Avila (Necrophiliac) ©Mysterious Eyes | Xe...
1.8M 7.5K 11
Anyone can do anything for the sake of love. But how far can a person go in order to surpass all the dares in love? How about you? Can you dare for...
2.8M 53.2K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
The Savage Woman By soju

Mystery / Thriller

71.1K 2.1K 12
Babaguhin si TISAY ng isang pangyayari sa kanyang buhay. Handa na siyang pumatay para sa kanyang paghihiganting sagad sa buto! Pagbabayarin niya ang...