UPDATEEEEEEEEEEEEEEEE! HIHIHIH. BYE PRINCESS AND I NA GUUUUUUUUUYS!!!!!!!
Enjoy :3
-------------------------------------------
Mikay's POV
"Gino. Wag ka makulit." kanina niya pa kasi ako kinukulit at kinililiti.
"Sus. Naglalambing lang naman." sabi niya sabay pout. Nakakatawa kasi para siyang bata.
"Dali na kasi. Bumangon na tayo. Ipapasyal pa kita remember?"
Nakahiga pa kasi pareho pero nakatalikod ako sakanya at nakayakap siya sa bewang ko tapos ung paa niya nakapulupot sa paa ko.
"Aish. Sige na nga. Pero teka.. magbibihis muna ko." sabi niya.
Tumayo na siya at umupo naman ako sa kama.
Nagulat ako ng bigla niyang hubarin ung pants niya kaya napatakip ako ng mata ko.
"Babe. Muka kang ewan." pangaasar nya.
Nakaboxers naman siya pero ang sagwa hahaaha
"Umayos ka nga! Maghuhubad ka na lang kelangan sa harap ko pa?" sigaw ko.
"Babe. Mag-asawa na tayo no. Okay lang na gawin ko to kahit kelan." sabi niya.
"Haynako. Ang kulit ng asawa ko." napailing na lang ako. P
umunta na ko ng cr pero nakatakip pa din ung kamay ko sa mata ko.
"Ops. San ka pupunta!?" bigla niyang hinila ung bewang ko at hinarap ako sakanya.
Tumambad sakin ung 'ehem' katawan niyang HOT? Chos.
"Eh ah eh. S-sa cr!" tumawa siya.
"Eh bat ka ganyan makareact?" asar niya.
"Babe.. wag ka makulit." pinipilit kong wag ibaba ung tingin kasi aasarin lang ako ni Gino.
"Oo na. Sasabay lang ako." nanlaki ung mata ko.
"Ayoko nga!" sigaw ko.
"Eh sus." nagpout sya.
"Heh. Wag ka makulit. Bitiw na." bumitaw naman siya.
"HMP." parinig nya pa.
"Good. Magbihis ka na. Ipapasyal na kita." pumasok na ko sa cr at nilock agad dahil baka ano pa maisipan gawin ng magaling pero MANYAK kong asawa.
-----------------------------
"Ang sarap dito." manghang-mangha agad si Gino.
Dinala ko lang naman siya sa ilog. Tsk. Halatang taong siyudad.
"Syempre naman no." pagmamalaki ko pa.
"Hay. Dito na lang kaya tayo?" tanong nya habang nakatingin sa sunset.
"Ano?"
"Wag na tayo bumalik sa Manila. Nakakapagod." dagdag pa niya.
"Seryoso?"
"Oo."
"Eh kahit na gusto ko din, alam ko namang hindi pwede." napabuntong hininga na lang kami pareho.
Nagulat ako ng tumabi sya sakin tapos niyakap nya ko. Binaon nya ung ulo nya sa leeg ko.
"Babe. Sundan na kaya natin si Mikki" seryoso nyang sabi.
O///O
"ANONG?"
"Ano ka ba. Matanda na si Mikki. Pwedeng-pwede na natin sya sundan. Lalaki naman." sabi nya ng nakangiti.
"Wag ka nga magbiro ng ganyan." sagot ko.
"Eh sino ba nagsabi na nagbibiro ako?" seryoso na naman sya.
Natahimik ako.
"Babe. Di naman kta pinepressure." sabi nya sabay halik sa shoulder ko.
"Hay." sagot ko na lang.
"Sorry.." bulong nya.
"Tara na nga! We have a dinner with lolo and Mikki is looking forward to it." yaya ko.
Tinulungan ko siyang tumayo at magkahawak kamay kaming bumalik sa bahay.
-----------------------------------------
"Lo.. Si Mikki po. Anak ko." nandito na kami lahat sa dining.
Si Mama, Andoy, Gino, Ako, si Mikki at si Lolo.
"Hi grand grand pa. I am Mikki Giselle M. Dela Rosa." masiglang sabi ni Mikki.
Nakatitig lang si Lolo kay Mikki ng matagal kaya kinabahan ako.
Bigla namang hinawakan ni Gino ung kamay ko.
"Mikki.." biglang sabi ni Lolo.
"Ah o-opo. Ako po.." sagot ni Mikki.
"Apo.." nagulat kami ng biglang hilahin at yakapin ni Lolo si Mikki.
"Masaya ako na, ikaw Mikay ay may anak na." napangiti ako at nawala na ung kaba ko.
"Ah hehe.." sagot ko.
"Mikki.. Gusto mo bang ipasyal kita dito?" tanong ni Lolo kay Mikki.
"Pero Lo.." nag-aalalang sabi ni Mama.
"Ayos lang. Kaya ko. Ano Mikki?" tumango naman si Mikki.
"Sige bukas ay ipapasyal kita.." nkangiting sabi ni Lolo.
Tumingin ako kay Gino na tahimik lang at nakangiti din
Ewan ko kung anong meron kay Mikki basta masaya ako na nakangiti na si Lolo ngayon.
Buong dinner yata, sila lang nag-usap. Buti nga masaya si Mikki na kausapin si Lolo ganun din naman si Lolo. Bumalik na din ung sigla nya ngayon na lang ulit namin nakita.
Tumayo na si Mama tapos kinuha ung pinagkainan namin.
"Ma. Ako na po." sabay na sabi namin ni Gino.
"Ha? Eh sino ba talaga?" nagkatinginan kami ni Gino tapos..
"Kami na po." ngumiti siya kay Mama tapos kinuha na nya ung plato.
HAAAAAAAAAAAAY. Akala ko naman ano mangyayari. Basta ako masaya ako. ;p Ewan ko na lang sainyo.