Road to your Heart: Starting...

Door Kristinoink

2.2K 75 2

It is never easy to live in a house with strangers. Sinanay lang ni Jessica ang sarili niya dahil alam niyang... Meer

Road to your heart
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Wakas

Kabanata 9

33 2 0
Door Kristinoink

Kabanata 9

Insecurity

"Ayaw mo bang tumakbo kahit representative lang ng grade 12?" tanong ko kay Evan habang naglalakad papunta sa canteen.

Umiling siya. "Nakakapagod. Lalakad lang ako," sagot niya at hindi ako nilingon.

Agad na umikot ang mata ko sa sagot niya. Siraulo talaga.

"Makakalaban ko nun si Mica 'e. Pag iisipan ko pa," sagot niya.

Napaka layo ng canteen sa building ng senior high kaya bago pa man din makabilpi kahit na tubig lang 'e ubos na talaga yung energy namin. Ala singko na ng hapon. Isang subject na lang at uwian. May bakante kaming 30 minutes kaya nag aya si Evan na bumili raw ng tubig. Ang totoo gusto lang niya na mapadpad sa basketball court at manuod sa mga taga engineering at Polsci students habang nag lalaro. Isa na roon sina Deo at Kuya Ken.

Nang nasa bukana na kami ng court ay huminto na siya tulad ng inaasahan ko. Dadaanan namin ang court bago makarating sa canteen. Sabi na nga ba't dito lang 'to e.

"Hey man," may isang lalaki ang lumapit kay Evan at nakaipag high five. May iilan na rin na lumapit sa kanya kaya umatras na ako.

"Go Kuya! Go Deo!" sigaw ko nang nakita si Kuya Ken na hawak ang bola at mabilsi na pinasa kay Deo.

Nakashoot si Deo. May iilang college din ang nanunuod dito. Yung iba pa nga kakilala ko sa mukha. Meron ding kumaway sa akin kaya ningitian ko na lang.

Nilingon ko ulit si Evan at nakitang nakikipag usap parin doon sa mga lumapit sa kanya. Naka ekis ang dalawang braso sa dibdib. Mukhang nakalimutan ng baklang ito na kasama niya ako ah.

Tatawagin ko sana siya pero nahiya naman na akong maki elam. Malapit na lang ang canteen. Naisip kong ako na lang mag isa ang bumili ng maiinom doon tapos babalikan ko na lang siya dito.

Yun nga ang ginawa ko. Mag isa na lang ako na nag tungo sa canteen at nagpunta sa isang stall doon para bumili ng bottled water. May iilang tao sa canteen. Puro college student lang dahil sa oras na to ay may klase ang senior at junior highschool.

Dalawa ang binili ko dahil baka magreklamo pa si Evan kung di ko siya bibilan. Iaabot ko na sana ang isang daan sa nag titindi ng may humawak sa kamay ko nag at hinawi iyon. Isang kamay na may hawak ng kulay dilaw na pera ang lumitaw sa paningin ko.

"Eto ate,"

Walang pasabing inabot ni Vaughn ang pera niya sa nagtitinda. Nagtagal pa ang tingin ng ale sa amin bago kunin ang pera ni Vaughn.

"Papabaryahan ko lang," ani ng ale at umalis sa harap namin.

"Vaughn," sabi ko.

"Hi," ngumiti siya sa akin.

Naka suot siya ngayon ng polo, itim na slacks at black leather shoes. Mau suot din siya na kulang itim na sling bag na may maliit na tatak na check sa harap.

Binawi ko ng marahan ang kamay ko sa hawak niya.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Well, I was about to watch your brother and your cousin when I saw passed by the court." aniya.

Tumango ako. "Kasama ko si Evan pero naiwan siya sa court," paliwanag ko.

"Nakita ko nga siya. Hindi ka niya dapat iniiwan ng mag isa...."

Hindi ko na nasundan ang sinasabi niya ng may nahagip ang mata ko na papasok sa food court. Gumegewang gewang ang mahabang buhok ni Dianne habang naglalakad kasabay si Xander. Nag uusap sila at parehong nakangisi. Sa malayong stall sila pumunta at huminto sa harap nun.

"Tara na,"

Nun ko lang narinig ulit na nagsasalita pala si Vaughn ng hawakan na niya ako sa kamay. Medyo nagulat pa ako sa hawak niya kaya napaiwas ako ng kamay.

"Ito na yung sukli. Tara na?" aniya at pinagnamasdan ako ng mabuti.

Sinulyapan ko pa ulit si Xander at Dianne na mukhang di naman kami nakikita dahil nag uusap pa rin sila hanggang ngayon.

"Ah. Oo tara na," sabi ko at nauna nang maglakad.

Halos dalawang linggo na ang nakakalipas mula nung first day. And I think this is the worst semester for me. I'm not an achiever like my cousins Ayana, Chinky, Chantal o ni Travis. Pero hindi rin ako mababa. I'm not a grade concious either pero simula nang dumating si Dianne ay parang nabago rin ata iyon. I'm on the average. Kung hindi, mas mataas pa sa average but Dianne? She's on top.

She's smart. Kaya hindi siya nahirapan na pakisamahan ang mga kaklase namin kahit na bago siya. She excells in everything. Everything but sports and physical activities. Kaya naging paborito ko na rin ang P.E dahil doon ko lang siya nakikita na wala talagang binatbat. I've never been this insecure with anyone my whole life kaya hindi ko alam kung bakit ganito nung dumating si Dianne.

"Jessica!"

Kanina pa may kumakatok sa pinto. Alam ko rin kung sino iyon pero hindi ko pinag bubuksan. Papalit palit sila na tumatawag sa akin sa nakalipas na tatlumpong minuto pero hindi ko iyon pinapansin dahil busy ako sa pag gawa ng assignment ko pati na rin sa pag rereview.

"Jessica! Buhay ka pa?" narinig kong tawag ni Chloe mula sa kabilang dulo ng pinto.

"Busy ako! Di ako sasama!" sigaw ko.

Inaaya nila akong lumabas ngayong gabi. Pumayag na raw si mommy kahit na hindi pa ako nag papaalam pero ayoko. It's saturday night at oo wala akong pasok bukas. For a normal night sasama talaga ako pero sadyang nahihirapan ako sa General mathematics at kailangan kong magreview ng maigi dito para sa quiz sa monday.

Nakadapa ako dito sa kama ko habang pilit na isinasaulo ang process ng pag sosolve ng lesson namin at napansing wala nang kumakatok. Nilingon ko pa ang pinto at talagang wala na kaya mas nabawasan ang pagka stress ko.

Binalik ko ulit ang pansin ko sa nirereview ko. Wala pang dalawang minuto na nag mememorize ako ay narinig ko ang kaluskos ng door knob. Bago ko pa malingon iyon ay sumabog na sa pag bukas at sunod sunod na pumasok ang mga pinsan ko.

"On earth to Jessica Javier!"

Nakapamaywang na pumasok si Chloe habang nakatingin sa akin.

Sunod sunod namang humiga sa kama ko si Ayana at Kelsey. Umupo sa swivel chair si Margou at tinatanaw kami. Naroon din sa hamba ng pinto si Kier na kumakain ng Mansanas.

Tumayo ako mula sa pagkaka dapa at tsaka umupo sa kama ko.

"Ayokong sumama," sabi ko.

"That's a no no." Umiling si Chloe.

"Nag rereview ka? Sunday naman bukas ha," si Kelsey at nag simula nang sumilip sa mga libro at notebook na naka kalat sa kama ko. Ganon din si Ayana.

"Nahihirapan ako sa Gen. Math kaya inaaral ko mg mabuti. Wala ako sa mood na umalis," sabi ko at inabot yung notebook na nirereview ko kanina pero inagaw yun ni Chloe.

"Hindi ka naman ganito ka-grade concious ha?" aniya.

Ngumuso lang ako. Oo, hindi nga. Hindi ko lang alam kung bakit ngayon ganito na.

"Baka naman ayaw niya talaga, Chlo." si Margou.

"Shh." tinaas ni Chloe ang daliri sa ere para bawalin si Margou.

"Napilit niyo na?" narinig ko si Kuya Marcus na nagsalita mula sa labas.

Nilingon siya ni Kier pero hindi siya sumagot hanggang sa dumungaw na si Kuya Marcus
sa loob ng kwarto ko.

"Wala talaga ako sa mood," sabi ko.

"Bakit?" nag aalalang tanong ni Kuya Marcus.

Hindi naman ako sumagot. Hay nako. E kung idahilam ko na lang kaya ulit na meron ako? Kaya lang kahit nung meron ako napilit pa rin nila ako 'e.

"Hindi pa ba nakabihis si Jessica?"

Tinapik ni Chantal ang balikat ni Kuya Marcus at Kier na parehong nakaharang sa pinto. Tumabi ang dalawa para papasukin si Chantal.

"O' bakit hindi ka pa nakabihis Jessica? Bihis na!" aniya at nilapitan ako.

Hinanap niya ang kamay ko at tsaka hinatak patayo. Itinulak pa ako ni Kelsey para tuluyang maka tayo.

Umiling iling naman ako habang ginagawa nila iyon.

"Nahihirapan nga ako sa Gen. Math kaya kailangan ko'ng mag review."

Gusto ko nang bumitaw kay Chantal ng nagsalita si Kuya Marcus.

"I'll help you. Bukas. Sa ngayon sumama ka muna," sabi niya.

Tumawa si Kier at sabay iling. Lumabas siya ng kwarto at tsaka tinapik si Kuya Marcus.

"Nice idea!" si Chantal.

"Mag bihis ka na. Aantayin ka namin. Don't be too long," si Chloe.

"Tara," Tumayo si Ayana kasabay su Kelsey at sunod sunod na silang lumabas. Kasama si Margou.

Lumabas din si Chloe at Chantal na nakipag high five pa kay Kuya Marcus.

"Kuya," ngumuso ako sa kuya ko nang nawala na si Chloe at Chantal.

"Sige na. I'll help you tomorrow. Alam mo naman si Chloe at Chantal. Ayaw ng hindi kumpleto kaya mag bihis ka na. We'll wait for you downstairs." at tsaka niya sinaradk ang pinto.

They left me with no choice but to get ready. Simpleng with shirt at maong jumper shorts lang ang sinuot ko para mabilis maka gayak. Hindi ko alam kung saan na naman ang gusto nilang puntahan pero paniguradong di mawawalan ng iinumin.

Totoo ngang nag hihintay silang lahat sa baba. And when I say lahat then that means andon din si Xander. For Chloe, this set up is complete because they never really count Chinky as one of us. She has her own group of friends at hindi namin siya lagi kasama.

"Sa wakas!" si Deo at tsaka tumayo na nang nakitang bumababa ako sa hagdan.

"Let's go, people," tumayo rin si Kier.

Lahat tumayo na. 8 palang naman ng gabi pero late na kami makakauwi mamaya. Sa Shooters kami nag punta. Naroon na ang mga kaibigan ng mga pinsan at kapatid ko ng dumating kami. Wala nga lang si Vaughn dahil umuwi raw ito sa Balanga City kasama ang kuya niya.

Nag hiwa hiwalay rin kami pag dating namin doon. Buti na lang at naroon si Evan at agad akong nakakita ng makakausap ko.

"Akala ko hindi ka sasama?" si Evan at inabutan agad ako ng beer.

Umupo ako sa isang high chair. Ganon din ang ginawa ni Evan bago namin hinarap ang di kalayuang billard table sa amin at tinanaw na maglaro sil Kier, Deo, at Xander. Syempre naroon sila Jelina Krisha kasama ang mga pinsan ko'ng babae. Hindi lumalapit si Krisha kay Xander dahil pinapagitnaan ito ng mga lalaki pero halos tunawin na niya ito kakatitig. Tss.

"Hindi nga. Nag rereview ako pero napilit ako,"

Binungo ni Evan ang bote ng beer ko gamit ang kanya bago tumango.

"Tama lang no! OA ka naman kasi. Sa monday pa ang quiz kaya okay lang na umalis," aniya.

Hindi ako ulit kumibo. Hindi ko din naman gawain iyon todo review pero ugh! Di ko rin gets!

Walang masyadong ganap sa party. Nanatili lang ako dito sa high chair. Minsan umaalis si Evan dahil sa mga kakilala niya. Ako naman ang naiiwan dito sa high chair at pag walang kaumakausap e nag rereview ako gamit ang cellphone ko. I managed to take pictures of my lectures para kung sakaling walang kausap ay magagawa ko ito.

Tutok na tutok ako sa cellphone ko ng maramdaman ko ang pag balik ni Evan sa katabing upuan ko. Hindi ko na siya nilingom at patuloy ako sa pag sasaulo ng mga nasa picture sa cellphone ko ng biglang may humablot sa kamay ko nun.

"Evan ano ba-" naputol ang sasabihin ko at naiwan sa ere ang kamay kong aabot sana sa cellphone ko ng nakita kung sino ang katabi.

"What's this?" tanong niya at tinitigan ang cellphone ko.

Nang nakita niyang pictures iyon ay agad siyang nag swipe ng nag swipe. Agad na kumabog ang dibdib ko sa di ko alam na rason pero hindi ko na iyon inisip. Sinubukan kong abutin ang cellphone ko kay Xander pero hinarang niya ang isang kamay niya sa akin habang ang isang kamay ay nakahawak sa cellphone ko. Binasa niya ang ilan doon habang ako naman itong pilit na inaabot ang kamay niya.

"General Mathematics," aniya at binalingan ako.

"Nahihirapan ka?"

Ngumuso na lang ako at umupong muli sa high chair. Whatever. Nabasa na niya so bakit pa kailangang kunin.

"Hindi naman. Nagrereview lang para hindi na ako mag review bukas," pagsisinungaling ko. Medyo nahihirapan kasi talaga ako ngayon sa subject na iyan.

"Madali lang iyan," aniya at binaba sa harap niya ang cellphone ko pero hindi ko kinuha.

"Alam ko. Pero tuturuan na lang daw ako ni Kuya Marcus bukas dahil hindi ako nakapag review ngayon," sabi ko.

Hindi siya sumagot kaya nilingon ko siya. Nakatingin lang siya sa akin at nakasimangot na naman. Galit na naman? Wala naman akong sinabing mali ah.

"Try to ask Dianne. Nakikita kong inaaral niya iyan at mukhang nadadalian siya. She's nice. She might help you," nag kibit siya ng balikat.

What? Ayoko nga! She's the main reason why I'm trying this hard tapos sa kanya pa ako hihingi ng tulong? No fucking way. Kalmado na ako pero nang narinig kong bigkasin niya ang pangalan ni Dianne ay nainis ulit ako.

Sa school puro si Xander ang bukang-bibig ni Dianne. Xander dito, Xander doon. People are already asking if they are together and that really irritates me. Tapos ngayon na si Xander ang kasama ko puro Dianne naman siya? Oh c'mon!

Dahil sa iritasyon ay agad kong napangalahatian ang beer na kanina ay di ko binibigyan ng pansin. Pinagmasdan akong gawin iyon ni Xander. Nagtataka pa siya sa pagkaka irita ko at ambang aagawin ang bote pero nilayo ko iyon sa kanya. Kung ako sa'yo Xander hindi ako lalapit sa akin dahil baka sa bwisit ko basagin ko na lang sa mukha mo 'tong bote na 'to.

"Hindi ka makakapag review kung maglalasing ka," sabi niya.

Pake alam mo ba? 'E kung hindi mo ako binwisit edi sana hindi ako iinom!

Sasabihin ko sana sa kaniya na wala siyang pake sa gusto ko ng maligaya siyang tinawag ni Kuya Ken.

"Xander!"

Sabay kaming napalingon sa Kuya ko'ng ngiting ngiti. Ngumuso siya sa entrance ng The Shooters kaya doon din ako tumingin. Kung naiirita lang ako kanina, tingin ko sasabog na ko sa iritasyon ng nakitang papasok si Keight, iilang kaibigan nila Chloe at si Dianne na agad nakatuon kay Xander ang mata.

Argh! Ngayon andito na siya. Kaya talagang tama yung desisyon ko'ng hindi sumama 'e. Kung hindi lang talaga mapilit sila Chloe.

Nakatingin doon si Xander kaya kinuha ko ang pagkakataon na iyon para kunin mula sa kamay niya ang cellphone ko. Nakapatong lang ang kamay niya doon kaya nabilis ko ring nakuha.

"Wala kang pake," sabi ko bago tumayo sa pagkakaupo.

Agad niya akong binalingan ng nakitang paalis na ako pero tinalikuran ko an siya bago pa may masabi sa akin.

He called me. He called my name pero nagpanggap akong hindi narinig lalo na ng dumaan ako sa kung saan malakas ang sounds. People greeted me. Tanging hilaw na ngiti lang ang naibigay ko.

Dumiretso ako sa comfort room dito. Naghilamos ako para kahit papaano'y mawala ang pagka irita ko. It's half past 10 pm. Naka isang bote lang ako dahil nga nag rereview ako kanina until Xander came into the view. Tapos ngayon nandito na rin si Dianne. Great! Now I'm not the only senior high student in here.

Ilang minuto ang inubos ko sa banyo. Buti nga at walang pumasok na iba. Or worst si Dianne pa. Mga pinsan ko'ng naglalaro ng beerpong ang sumalubong sa akin. They were loud. Louder than the sounds I think. Malayo pa lang kasi ako ay naririnig ko na sila.

"Jessy!"

Kinawayan ako ni Margou na ngayon ay nakaupo na sa kinauupuan ko kanina. May kasama siyang lalaki na isa sa mga kaibigan ni Kier pero may ibinulong ito kay Margou bago umalis. Nagtungo ako doon at umupo sa tabi niya.

"C.R?" tanong niya.

Tumango ako. May ibinaba ang bartender sa harap namin. Agad niyang nilagok ang kulay asul na inumin. That's tequila I think.

Nagmuwestra na lamang ako sa bartender ng isang beer. Ayokong uminom at unti unti nang nawawala ang inis sa sistema ko pero kung nandito si Dianne paniguradong babalik ang iritasyon ko.

"Kaklase mo raw si Dianne?" paunang tanong ni Margou.

Margou is the silent one. Tahimik siya pero hindi introvert. She knows how to socialize and party but she's quiet. Of course close kami. May mga bagay kasi na agad niyang napapansin. She's quite an oberver.

"Yep." simpleng sagot bago sumimsim sa beer na hawak ko.

Nakatingin siya sakin. I know this. She's observing my expression. Everyone have been asking me about Dianne. Hindi lang siya. I came from a family that's into social parties so they expect me to be friends with friend's friends. Obviously kahit kaibigan ng mga pinsan ko dapat kaibigan din. That's how it runs in this city. When you know someone and that someone knows someone then you should probably know someone until you know everyone.

And yes I'm used to that kind of way pero pag dating kay Dianne naiirita ako. She's pretty famous dahil hindi maikakaila ang ganda. Kaya kung tinatanong ako ng mga kakilala ko about kay Dianne, simpleng sagot lang ang binibigay ko. Kaklase ko. Kaklase ko naman talaga diba?

"Is she nice?" sunod na tanong.

Nag iwas na ako ng tingin. Is she nice? Yes, she's nice. Ako lang naman yung maldita.

Tumango ako. Alam kong nakatingin siya sakin. Kung sasabihin ko bang naiinis ako kay Dianne magtatanong ba siya kung bakit? Malamang. May maisasagot ba ako kung bakit? Wala.

"Marami akong naririnig na kwento about sa kanya," aniya at uminom sa beer na kakalapag lang sa harap niya.

Mabilis ko siyang binalingan. Anong klaseng kwento kaya? Sa mga naririnig kong kwento at feed back tungkol kay Dianne wala pa akong narinig na hindi maganda. Puro papuri na lang ang naririnig ko sa kanya.

"Anong mga kwento?" medyo lumapit pa ako dahil lumalakas na ang sounds.

"Hm." sumimsim lang siya sa beer habang nakatingin sa akin.

"Nevermind. Hindi rin ako interisado," sabi ko at lumayo na. Hinuhuli lang ata ako nito.

"You don't like her?"

Kasabay ng tanong niya ang pag lapat ng mata ko kay Xander at kay Dianne na ngayon ay magkasama na. Naka high waist jeans at white crop top lang si Dianne na ngayon ay dikit na dikit na kay Xander na naka light blue maong jeans at black shirt. They are chatting. Katabi lang nila sila Deo na naglalaro ng billard pero hindi sila pinapansin.

Ganito na nga sila sa school tapos pati sa ganitong night out sila parin ang makikita ko?

Nag init ang buong katawan ko sa iritang umuusbong sa akin. Isang lagok at naubos ko ang laman ng beer na hawak ko. Alam kong tinatanaw ako ni Margou pero hindi ko na pinansin dahil pagkatapos kong ibaba ang boteng hawak ay agad rin akong tumayo.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Margou.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi naman ganon kalaki tong Shooters para makapag tago ako sa iisang sulok pero nag tuloy tuloy akong maglakad palabas. Hindi naman ako sinundan ni Margou.

Hindi ako nakuntento ng nasa balkonahe na ako ng shooters. Wala naman nakakita sa akin kaya mas mainam. Wala sa sarili akong bumaba. Wala halos tao dito sa baba dahil open subdivision ang katabi nito. Mahigpit ang curfew kaya itong shooters lang ang maingay.

Anong gagawin ko rito sa labas? Hindi malamig pero may konting hangin naman akong nararamdaman. Hindi naman siguro ako mapapano dito kung magtatagal ako dito diba.

Doon ako sa bench umupo. Mas okay na dito. Nakakairita sa loob 'e. Nag sasawa na akong makita yung mukha ni Denise. Kanina sa school magkasama na kami. Hanggang gabi nakikita ko parin siya.

Sinubukan kong mag review ulit. I swear mukha akong ewan dito. Nag mumukha tuloy akong introvert dito.

Katulad ng kanina pilit ko iniintindi ang nasa cellphone ko. 'E kung umuwi na lang kaya ako mag isa?

At katulad din ng kanina, bigla na lang may humatak sa cellphone ko habang nag rereview ako. Alam ko na kung sino iyon kaya hindi na ako nag huromentado. Umupo si Xander sa tabi ko. Pinindot niya ang cellphone ko para mamatay iyon at tsaka niya ibinulsa.

"We're here to party. Kelan ka pa naging nerd?" biro niya.

Umirap ako.

Bakit andito siya ngayon? Asan si Dianne? Pag yun sumunod din dito sa labas pag bubuhulin ko na talaga sila.

"Are you failing this subject? Line of 7?" tanong niya pa ulit kasi di ako sumagot.

Kumunot ang noo ko. Hell no! Hindi naman ako ganon kababa. Mas tinataasan ko pang naman yung grades ko.

"Hindi," sagot ko.

"Then bakit napaka seryoso mo ngayon?"

'E kasi nga nakakainis 'yang Dianne mo! She's so great in all our subject aside from P.E kaya gusto ko ngayon taasan yung grades ko. Gusto ko 'yang sabihin sa kanya pero syempre di ko gagawin. Ano namang irarason ko kung bakit ganyan ang katwiran ko?

"Wala lang." nilingon ko siya at hinablot ang cellphone sa kamay niya.

"Magpaturo ka nga kay Dianne-"

"Ayoko magpaturo sa kanya, okay? Mahihirapan ako pero hindi ako mang hihingi ng tulong lalo na sa kanya!" hindi ko na napigilan na tumayo at sipatin siya.

He looks taken aback with my response. Napa awang ang labi niya sa biglaang pagsabog ng emosyon ko. Mabigat ang pag hinga ko ngayon at nanginginig pa ang kamay ko. Gusto kong manapak pero hindi ko alam kung sino.

"Okay chill. I'm just offering you something better. She's good at-"

Sinubukan niyang abutin ang kamay ko pero umatras ako.

"Oo na nga! Oo magaling siya! Kaya nga ginagalingan ko rin diba? How can I prove myself if I will ask for her assistance?" Puro ka kasi Dianne 'e. Puro na ata siya magaling sa paningin mo 'e.

Tumayo siya at lumapit sa akin pero umatras ulit ako. Pag dumapo pa sakin kamay niya lilipad talaga kamao ko sa mukha niya sa sobrang irita ko sa kanya.

"Sige sorry-"

"Wag mo 'kong hawakan," sabi ko dahil sinubukan niya ulit abutin ang kamay ko.

"Okay. Don't be mad," aniya at tinaas ang magkabilang kamay.

Hindi na ako kumibo. Halos hindi na ako makahinga sa lakas ng tibok ng puso ko.

"Jes," namamaos niyang tawag.

"Bumalik ka na lang sa taas. Mag rereview pa ako," sabi ko at bumalik ulit sa bench na parang walang nangyari.

"Hey. Why are you even mad? Dianne is-"

Putanginang Dianne na naman!

"Wala nga akong pake kay Dianne! Mukha kang Dianne! 'E pag buhulin ko na lang kaya kayo? Kung Dianne ka ng Dianne edi bumalik ka sa taas. She's good at Gen. math? Pumunta ka don! She's nice? Magsama kayo! Puñeta,"

And with that I walked away and left him. Hindi ko na inantay pa kung may sasabihin siya o ano dahil nararamdaman ko nang umiinit ang gilid ng mga mata ko para sa paparating na luha. Bakit may luha na? Damn it!

Padabog akong umakyat pabalik sa Shooters. Nakasalubong ko pa si Margou pero hindi ko siya pinansin. Iniwas ko ang mukha ko para hindi niya makita ang mga luhang tumutulo. This isn't look like a simple insecurity.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

190K 6.9K 13
2 tom dylogii ,,Agony"
25.9K 328 11
A Sequel to the Jenry Oneshots book. This consists of mainly fluffy oneshots.
335K 19.3K 41
You live in a different time zone Think I know what this is It's just the time's wrong
135K 1K 11
LOVING ETHAN WADe Shaira is secretly inlove with Ethan Wade long time boyfriend ng ate Sheenna niya,nanahimik lang siya sa isang tabi at kontento na...