Reincarnation of Lucifer

By Alesana_Marie

2.2M 74.2K 13.8K

Isang kontrobersyal na istorya na tumatalakay sa buhay ni Lucifer at ng kanyang walang hanggang pag-ibig. Ano... More

Reincarnation of Lucifer
II
III
IV
V
VI
VIII
IX
X
XI
XII
XIII

VII

141K 4.8K 1K
By Alesana_Marie

VII

Wala akong ginawa sa bahay kundi ang umiyak. Hindi ako lumabas sa kwarto ko nang makabalik ako. Sa tuwing papasok si Mama sasabihin ko lang sa kanya na masama ang pakiramdam ko. Nahihiya ako na harapin sya. Nahihiya ako sa ginawa ko. Nahihiya ako na nagsisinungaling ako sa kanya.

Nagpasalamat ako nang umulan nang malakas kinabukasan. Agad na sinuspinde ang mga klase sa mga paaralan. Kahit papaano may oras ako para makapag-isip. Hindi ko pa sya mahaharap agad. Nagmukmok lang ako sa loob ng kwarto ko.

May mga bagay akong hindi masagot. Ako ba talaga ang Aura na sinasabi ni Lucci na mahal nya? Hindi kaya kamukha ko lang sya? Pero kung hindi ako, bakit ko sya napapanaginipan? Bakit parang totoong totoo na ang mga panaginip ko kung saan namatay ako?

Namatay nga kaya ako noon? Muli akong nabuhay bilang isang mortal?

Kung totoo yon, isa akong anghel? Ganoon din sina Kuya at Miguel..? Natatandaan ko na nakita ko sila sa panaginip ko. Sila ang dalawang anghel na tumutulong sa iba pang nasugatan habang nakikipaglaban.

Isang reincarnation.

Napaupo ako sa kama ko. Namatay din kaya sila kaya naman nabuhay silang muli bilang mortal naman?

Higit sa lahat na ipinagtataka ko. Magkaibang demonyo si Satanas at Lucifer. Hindi katulad ng sinasabi ng iba na iisa sila.

Pero sa pagkakatanda ko, isang anghel si Lucci sa panaginip ko. Bakit naging demonyo na sya ngayon?

***

"Bunso," tawag sa akin ni kuya bago ako lumabas ng bahay "may sakit ka ba?"

Umiling ako. "Wala naman kuya."

"Hay nako Gabriel yang kapatid mo mukhang masyadong natututok sa pag-aaral kaya nagkakasakit," sabi ni Mama habang inaayos ang pagkain sa mesa.

Kakatapos ko lang mag-almusal. Ngayon palang kakain si kuya. Mamaya pa ang pasok nya kaya naman hindi kami sabay.

Nagtaka ako nang hindi inaalis ni kuya ang tingin nya sa akin. Nakakunot ang noo nya at tinitignan ako na parang may nagbago sa akin.

"Aura magsabi ka ng totoo, may boyfriend ka na ba?" tanong nya.

"H-Huh?"

"Para kasing..." ibinulong nya ang kasunod na salita kaya naman hindi ko narinig.

"Ano 'yon kuya?"

"Wala, ingat ka sa pag-pasok. Gusto mo bang sumabay sa pag-uwi?"

"Hindi na kuya. Bye Ma! Alis na po ako."

"Sige Aura, yung payong mo nilagay ko sa bag mo. Hwag kang magpapa-ulan."

"Opo Mama."

Medyo madilim parin ang langit paglabas ko ng bahay. Mukhang uulan ulit mamaya.

***

Mga nakatayo at nagke-kwentuhan ang mga kaklase ko nang pumasok ako sa loob ng room. Wala pa ang GenPsy instructor namin.

"Kyaah! Lucci hwag dyan, nakikiliti ako," may narinig akong tumili.

Agad na napadako roon ang tingin ko. Pakiramdam ko sinampal ako nang malakas sa mukha. Doon sa dulo ng room, si Lucci may kasamang babae na nakakandong sa hita nya.

Mukha silang normal na magkasintahan na naglalambingan.

Hindi ako makahinga, parang may bumara sa dibdib ko at bigla iyong sumakit. Hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit sila magkasama?

Gusto na ba ni Lucci ang babaaeng 'yon?

"Nandyan na si Maam!" sigaw ni Sandy na nagmamadaling umupo sa pwesto nya.

Pinilit kong lumakad papunta sa upuan ko. Napahinga ako nang malalim nang maabot ko ang pwesto ko. Naririnig ko parin sila.

"Okay class settle down" sabi ng ni Ms Corpuz habang inilalapag sa teacher's table ang gamit nya. "May faculty meeting kaya naman ang gusto ko gumawa muna kayo ng essay tungkol sa last topic natin habang wala ako. I want five hundred words okay?"

"Yes Maam"

Umalis na rin si Maam agad. Ni hindi man lang nya sinaway sina Lucci na patuloy sa ginagawa.

Wala sa sarili na kumuha ako ng yellow pad at isinulat ang essay. Hindi ako mapakali dahil sa ginagawa ni Lucci sa likod ko. Ang sabi nya mahal nya ako? Naghintay pa nga sya ng libong taon para sakin. Kasinungalingan lang ba ang mga 'yon?

Dahil ba nakuha na nya ang gusto nya sakin? Dahil naibigay ko na sa kanya ang katawan ko?

O naghanap sya ng iba dahil hindi ko hinayaan na may mangyari ulit samin?

"Gosh Lucci ang hot mo talaga. You're hot as hell."

"Gusto mo bang isama kita sa impyerno?" narinig ko ang boses ni Lucci.

"Sure baby, basta kasama kita," tumawa ang babae.

Isasama nya ang babaeng 'yon sa impyerno?

Naalala ko na naman ang panaginip ko kung saan isinama nya ako sa mundo nya. Ipinakita nya sa akin ang kaharian na ginawa nya para sakin.

"But before tayo pumunta sa impyerno dadalhin muna kita sa langit," mapang-akit ang boses ng babae.

"Kaya mong gawin 'yon?"

"Oo naman"

Nagsimulang magkagulo ang mga kaklase namin.

"Whooo!! Ang hot nyo!"

"Dun na kayo sa labas! PDA!"

"Ayos yan! Di na magiging boring ang sex education natin!"

"Pre! Astig mo!"

"Danna! Ako naman isunod mo!"

"Gusto ko rin makapunta sa langit!"

Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman ang ginagawa nila. Napatingin ako sa isinusulat ko. May mga tulo ng tubig doon.

Pinunasan ko agad ang pisngi ko. Nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko at patakbo na lumabas ng classroom.

Isa nga pala syang demonyo. Bakit ba ako naniwala sa mga sinabi nya? Isa syang manloloko. Sinungaling. Sasabihin nya ang lahat para lang makuha ang gusto nya.

Saktong paglabas ko sa pinto bigla akong napatigil. Imbes na hallway ang mapuntahan ko, nakita ko ang sarili ko na nakatayo sa loob ng classroom. Nakatayo ang mga kaklase ko at nagku-kwentuhan. Hindi katulad kanina na nagsisigawan at humihiyaw, nasa tahimik na pwesto lang ang mga lalaki at naglalaro ng PSP.

Napatingin ako sa pwesto ni Lucci.

Nakatingin lang sya sakin na parang pinag-aaralan akong mabuti.

Walang babae sa kandungan nya.

"Nandyan na si Maam!" sigaw ni Sandy na nagmamadaling umupo sa pwesto nya.

Umayos ng upo ang mga kaklase ko. Naguguluhan parin na pumunta na ako sa pwesto ko.

"Okay class settle down" sabi ng ni Ms Corpuz habang inilalapag sa teacher's table ang gamit nya. "May faculty meeting kaya naman ang gusto ko gumawa muna kayo ng essay tungkol sa last topic natin habang wala ako. I want five hundred words okay?"

"Yes Maam."

Tila isang replay ang nangyari. Isang edited na replay kung saan walang Danna na kasama si Lucci. Hindi ko rin tanda na may Danna kaming kaklase.

Umalis ang instructor namin pero hindi parin ako nagsimulang isulat ang essay.

Imahinasyon ko lang ba 'yon?

Lumapit si Lucci at umupo sa tabi ko. Nagtatanong ang mga mata na tinignan ko sya.

"Hindi totoo ang mga nangyari kanina," sabi nya habang diretso ang tingin sa harap nya.

Nakumpirma ko na sya ang nagmanipula sa isip ko. Kung hindi sya, paano nya nalaman?

"Bakit mo 'yon ginawa? Bakit mo pinaglaruan ang isip ko?"

Humarap sya sa akin nang galit.

"Ano pa ba ang gusto mo na gawin ko Aura? Napapagod na ako sa pag-tanggi mo sakin na mahal mo rin ako."

Natigilan ako.

"Ginawa mo 'yon para saktan ako?" hindi makapaniwalang tanong ko.

Saglit syang ngumiti.

"Kung ganon nasaktan ka mahal ko? Alam mo ba ang ibig sabihin ng naramdaman mo?"

Na mahal ko sya? Gusto nya na aminin ko 'yon? Yun ba ang ibig sabihin non? Nasaktan ako dahil mahal ko sya?

"Pinaglalaruan mo ba ako?"

"Hindi mahal ko," mariin nyang tanggi "Ginawa ko yon para malaman mo na mahal mo ako."

"Ilang beses ko ba na sasabihin sa'yo Lucci? Hindi kita--"

"Ituloy mo ang sasabihin mong yan Aura, sa susunod hindi ko na yon gagawin sa isip mo lang. Tototohanin ko na ang lahat," nag-aalab ang mata na banta nya.

Tinutukoy nya ang pakikipaghalikan sa ibang babae.

Sa gulat ko ay nakaramdam ako ng matinding galit at sakit. Natakot ako sa sarili ko dahil kaya ko palang magalit nang ganon.

Ayoko syang makita na may kasamang iba. Ang gusto ko akin lang sya. Ayoko na may ibang babae na hahawak o hahalik sa kanya, ako lang ang may karapatan sa kanya.

Naitikom ko ang bibig ko. Hindi ko magawang tumanggi. Hindi ko masabi na hindi ko sya mahal. Natatakot ba ako sa gagawin nya sa susunod?

Kumuha na ako ng yellow paper at nag-sulat nang tahimik. Buong oras ay nakatingin lang sa akin si Lucci. Pinagmamasdan ako.

Hinawakan nya ang ilang hibla ng buhok ko at pinaglaruan iyon sa daliri nya.

"Mahal ko," mahinang tawag nya.

Tumigil ako sa pagsusulat at tumingin ako sa kanya. Mahinahon na sya ulit. Napakabilis magbago ng emosyon nya.

"Kung naging mortal ba ako, magagawa mo ba akong mahalin?"

Nagulat ako sa tanong nya. Magsisinungaling ba ako o hindi?

"Hindi ko alam.." bulong ko "Siguro.."

"Pero hindi ako mortal. Kaya ba hindi mo ako mamahalin?"

Kumunot ang noo ko. Hindi ko sya gustong mahalin dahil isa syang demonyo. Pero kung tao syang katulad ko mamahalin ko sya?

Mahal ko na ba si Lucci?

Itinatanggi ko ba na mahal ko sya dahil isa syang demonyo na pumapatay?

Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya?

"Lucci. Bakit mo ako mahal?"

"Dahil nilikha ka para sa akin. Ikaw ang kalahati ko Aura."

"Pero paano ka nakakasiguro na ako nga ang mahal mo? Iba na ako."

"Ikaw parin si Aura. Nakikita ko ang kulay ng kaluluwa mo. Hindi ako maaaring magkamali."

"Mahal mo ba talaga ako o ang anghel na Aura noon?"

"Pinagdududahan mo ba ang pagmamahal ko sa'yo?" hinawakan nya ang pisngi ko "Paano mo nalaman na isang anghel si Aura?"

"S-Sinabi mo sakin.." hindi ko matandaan kung sinabi nga nya iyon sakin. Pero ayokong sabihin na dahil napanaginipan ko ang tungkol don.

"Mahal ko, may itinatago ka ba sa'kin?"

Hindi ko sya sinagot. Nagsulat nalang ako katulad ng bilin ng instructor. Dapat ko bang sabihin?

***

May babaeng nakatayo sa tapat ng bahay namin pag-uwi ko. May ginto syang buhok at katamtamang kulay ng balat. Mukhang kasing edad ko sya. Nakasuot sya ng kulay itim na damit, itim na jacket at pantalon.

Ngumiti sya sa akin nang makalapit ako.

"Ikaw na siguro si Aura," bati nya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa.

"Ako nga, kilala ba kita?" nagtatakang tanong ko.

May kamaganak ba kaming umuwi galing sa ibang bansa?

"Magkakilala tayo," sabi nya.

"Pasensya na pero hindi kasi kita maalala. Kamaganak ka ba namin?" tanong ko.

Ngumiti lang sya.

"Ang pangalan ko ay Hecate. Pwede ba tayong mag-usap?"

Hecate.. Parang pamilyar ang pangalan nya pero sigurado ako na ngayon ko lang iyon narinig.

"S-Sige.." binuksan ko ang gate at pinapasok sya.

"Mabuti naman. Marami tayong dapat na pag-usapan Aura."

May kinuha syang pulang bote. Inalis nya ang takip nito at may lumabas na pulang usok.

"A-Ano'ng ginagawa mo?"

Pinanood ko ang pulang usok na lumibot sa buong bahay namin. Umikot yon sa paligid ng bahay namin at tumaas sa langit. Nagkaron ng pulang ulap na syang dahilan para maging madilim ang paligid.

"Sinisigurado ko lang na hindi makakagambala sa usapan natin si Lucifer pati na rin ang dalawang anghel na nagbabantay sa'yo."

Ibinalik nya ang maliit na bote sa itim nyang jacket.

"K-Kilala mo si Lucci?"

"Lucci? Yan na pala ang pangalan nya ngayon. Kung sabagay, masyadong halata kung gagamitin nya ang totoo nyang pangalan," nagkibit balikat sya.

"Isa ka rin bang demonyo?" kinakabahan na tanong ko.

Tumawa sya.

"Mukha ba akong demonyo?" tumatawang tanong nya.

Lumakad sya papasok sa bahay. Kung hindi sya demonyo.. anghel ba sya?

"Masyado naman yatang maliit ang bahay mo," puna nya.

Hindi maliit ang bahay namin para sa akin. Simple lang iyon pero sapat sa aming pamilya ang espasyo ng bahay.

"Ano ba ang kailangan mo sakin?"

"May pagkakamali akong nagawa noon. Gusto ko sana iyong itama," tumitingin tingin parin sya sa loob ng bahay namin.

Tumigil ang mga mata nya sa The Last Supper na litrato. Nakasabit iyon sa sala.

"Ano naman ang kinalaman ko don?"

"Ikaw ang pagkakamali na tinutukoy ko Aura. Hindi ka dapat nabuhay muli," tumingin sya sa akin.

"Hindi ko maintindihan.."

"Hindi ko dapat sinabi kay Lucifer kung paano ka bubuhayin muli. Hindi ko dapat sya tinulungan. Hindi ko dapat sinuway ang kagustuhan ng Dyos. At ngayon napakalaking kaguluhan ang magiging epekto nito sa mga tao."

"Ikaw.. ang bumuhay sa akin?"

Umiling sya.

"Tinulungan ko lang si Lucifer. Sinabi ko sa kanya ang isang bagay na mahigpit na ipinagbabawal  at ngayon pagdurusahan iyon ng mga mortal. Hindi ka dapat bumalik Aura."

"Hindi ko.. maintindihan. Papatayin mo ba ako?"

"Patawad Aura. Nagkamali ako. Hindi ko dapat ginawa 'yon," kumuha sya ng isang patalim mula sa likod nya.

Napasinghap ako nang makita kung gaano katalas 'yon.

Papatayin nya nga ako.

"Ito lang ang tanging paraan na nakikita ko para mabago ang hinaharap ng mga tao."

Napaatras ako nang lumapit sya.

Ano'ng gagawin ko?

"Hwag kang mag-alala. Hindi mo mararamdaman ang sakit nito."

***<(@0@)>***

Ow hindee!! Ano na ang mangyayari? Si Hecate ay ginagampanan ni Lee Chaerin or CL. XD The Leaders! LOL. Kulang si Teddy pa. Sino ang naiimagine nyo bilang Aura maliban sa 2NE1 members? Ayoko. Hindi bagay kay Dara at Bom lalo na kay Minzy. Trolololo. Dapat yung Angelic ang beauty. Ayoko rin sa SNSD o T-ARA o Sistar o Wonder Girls. Yung iba naman. XD

Wala talaga akong maimagine na Aura. Speaking.. may AURA akong reader ang name. SILENT READER. Baka gustong puntahan ni Lucci. XD Ayoko na nga. Di ko nalang talaga sya lalagyan ng character para mas masaya. LOL.

Siguro hanggang chapter 13 lang ito. Short Story lang kasi. BAKA lang naman, di ko pa sure. May kakatwang nangyari. Birthday ni GD (Lucci) taz ang ROL VI ay nakabuo ng 666. 6parts-16pages-aug16. Tapos yung TBYD ay nagkaroon ng 1,666,745 reads. Laging may 666. XD uuuy si Lucci ang nagpaparamdam. Halaaa.. >0<

Anyway. Vote. Comment. Fan. Danke.

XOXO

Alesana Marie

Continue Reading

You'll Also Like

217K 9.9K 26
Maine Mendoza as CHESKA "ISKA" ESPIRITU Alden Richards as JOHN MARC DE VERA Raketera si Iska at nang mangailangan ng malaking halaga ang kanyang pami...
1.5M 23.6K 41
Ang kwento ni Ekang, ang kanyang no-gart panty, pustiso at ang kanyang tatlong prinsepe!
789K 40.7K 61
• BOOK LAUNCH on April 25-28 at the Philippine Book Fest • Featured in WattpadRomancePH's Official Reading List! •Highest Ranking: #1 Savior *** One...
371M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...