T R I C K E D (NGS #2)

Por Ineryss

5.5M 134K 27.7K

The "cold" Irah Buenaventura is having a crush with a snob Delafuente that will push her to trick him in orde... Más

Tricked
P R O L O G U E
1st TRICKED
2nd TRICKED
3rd TRICKED
4th Tricked
5th Tricked
6th TRICKED
8th TRICKED
9th TRICKED
10th TRICKED
11th TRICKED
12th TRICKED
13th TRICKED
14th TRICKED
15th TRICKED
16th TRICKED
17th TRICKED
18th TRICKED
19th TRICKED
20th TRICKED
21st TRICKED
22nd TRICKED
23rd TRICKED
24th TRICKED
25th TRICKED
26th TRICKED
27th TRICKED
28th TRICKED
29th TRICKED
30th TRICKED
31st TRICKED
32nd TRICKED
33rd TRICKED
34th TRICKED
35th TRICKED
36th TRICKED
37th TRICKED
38th TRICKED
39th TRICKED
40th TRICKED
41st TRICKED
42nd TRICKED
43rd TRICKED
44th TRICKED
45th TRICKED
46th TRICKED
47th TRICKED
48th TRICKED
49th TRICKED
50th TRICKED
51st TRICKED
52nd TRICKED
53rd TRICKED
54th TRICKED
55th TRICKED
Special Chapter
Special Chapter
E P I L O G U E

7th TRICKED

80.8K 2.6K 503
Por Ineryss

T R I C K E D

This chapter is dedicated to Renalyn Laniton. Happy reading!
------------

Cliffdiving

I sat on the couch while Daddy is infront of me. Nasa baywany ang dalawang kamay at nakatingin na naman ang mga misteryosong mata sa akin. It's like he's peeping me through those deep gaze...

Nag-iwas ako. I got cornered, alright!

"So tell me-

"Daddy, he's years order than me!" agaran kong deklara, inunahan na ito kaysa marinig ang pangalan ng lalakeng iyon.

Tinikom niya ang bibig at tumaas ang kilay.

"I am too young for him! Kung ano man iyong mga tinginan namin, wala iyon... And he's not my type," sabi ko, siguradong sigurado sa sinasabi pero hindi makatingin ng direkta sa kanya.

"Don't fool me, Irah. Baka bukas naghahabol kana..." pang-aakusa niya na ikinalaglag ng aking panga.

Ganoon ba talaga ang tingin niya sa akin? Na maghahabol ako?

"What?" My eyes widened, "that's absurd Daddy!" I scoffed.

Nagkibit siya ng balikat. Ngumuso naman ako. Ilang sigundong katahimikan ang nanaig sa aming pagitan. Hindi ba bababa si Mommy rito?

"Your Mom was just fifteen when she started chasing me..." sabi niya pa na ikinatingala ko sa kanya. Nagulat ako roon pero hindi na umabot ang ekspresyon sa aking mukha.

Humalukipkip ako sa sofa at sumimangot. "That's Mommy..." sabi ko pa.

"And you're her daughter."

"But we're different," I wrinkled my nose. "I am mature, Daddy. Look at me? 'Di ba hinihiwalayan ko naman agad? At baka katulad lang din ito ng mga nauna. Eh 'di ba... you want me to learn from my mistakes..."

Umangat lamang ang kanyang kilay, hindi ko alam kung naniniwala ba siya sa aking pinagsasabi o puno na talaga iyon ng pangdududa.

"I'll just watch you eat your words," may pinal sa kanyang tinig at sinenyasan akong pumanhik na ako sa kuwarto.

"Good night..." Tumayo ako at hinalikan ito sa pisngi.

Tumango lamang ito, tiningnan akong naglalakad paakyat. I smiled a bit when I glanced at him saka rin nagpatuloy sa pag-akyat. It's like he's really sure... Oo inlove ako, fine. Pero never akong naghabol! Ako ang hinahabol. That's beyond my imagination.

"Anong nangyari diyan?" tanong sa akin ni North kinaumagahan nang sunduin ako nito sa bahay at napansin ang paika ika kong lakad. Si South ay mukhang si Franca ang sinundo.

"Tumakas kana naman?" Tinaasan niya ako ng kilay, yumuko lalo para makalebel ang aking tuhod.

"Don't touch it!" Umatras ako pero hinila niya lang ang aking paa. Sinimulan niyang iangat ang suot kong leggings hanggang sa makita ang tuhod kong naka patch band aid. Malapit na rin namang gumaling.

"Where did you get this?" seryoso niyang tanong nang tiningala na ako.

"Motocross," sambit ko na ipinagsalubong ng kanyang kilay.

"Sumasali ka sa drag race?" naging marahas na ang kanyang boses. "Kung gusto mo naman palang magpakamatay, ba't di mo ako sinabihan? I can do better than this."

Ginulungan ko siya ng mga mata at umatras. Bwesit rin talaga ang lalakeng ito.

"I got carried away from riding it so nawalan ako ng kontrol," sabi ko pa at umirap.

Tumayo siya ng tuwid at sinamaan ako ng tingin.

"Palagi ka naman talagang wala sa kontrol. Dahil kung meron pa, sa umpisa palang hindi ka tatakas."

I made faces. Kalaunan ay nauwi rin iyon sa pagsigaw dahil inakbayan niya na ako at ginulo ang aking buhok.

"Napakawild mo," sabi niya sa akin habang nagpupumiglas ako.

"Ang boring niyo kasing kasama! Kung sinasali niyo sana ako diyan sa basketball niyo ay mag-eenjoy pa ako," sabi ko habang natatangay na sa kanyang paglalakad palabas ng bahay.

"Gusto mong sumali? Ano? Ikaw ang ishoot ko sa ring ganoon ba?"

Mas lalo akong nainis at itinulak siya palayo sa akin. Ako na nga itong may sugat ako pa ang inaagrabyado.

Tumawa siya at inakbayan ako lalo.

"Lumayo ka nga! H'wag ako ng pestihin mo!"

"Peste ka rin," pang-aasar niya na ikinabusangot ko nalang.

Nakasalubong namin ang dalawa at nasa akin agad ang tingin ni Franca, nangingilatis na naman ang mga mata sa suot niyang dress at nakaponytail na buhok. Syempre, hindi ako nagpakita ng isang araw, macucurious talaga ang gaga na iyan dahil lahat nalang ata ng bagay ay binabantayan niya. Ganoon siya kabored.

"Pumayag kang makipagkita kay Bryce?" tanong niya sa akin nang lumebel siya sa paglalakad at nalalaglag pa ang tingin sa aking paa na medyo paika ika.

Tiningnan ko sa likod namin ang kambal na mukhang wala namang narinig saka ko ibinalik sa kanya ang tingin.

"Shut it."

"Anong ginawa niyo? Ba't ganyan kana maglakad? Pinasukan kana?" kalmado niyang tanong sa malambing na boses na ikinalaki ng aking mga mata.

"Of course not!" I hissed, "nadisgrasya ako sa motocross namin."

"Ah..." tumango tango siya saka ulit nalaglag ang tingin sa aking gitna. Naasiwa ako roon at matalim siyang tiningnan.

"Do you want an evidence?" akma kong itataas ang isa kong leggings pero umiling na ito at tumawa.

"Naniniwala na ako. Eh alam ko naman kung sino ang gusto mo..."

Ang demonyitang ito!

Tumuwid ako sa pagkakatayo at iniarko ang kilay.

"Hindi purket marami na akong karanasan sa mga make-outs ay ganoon na ako kasakim sa sex. Wala pa iyon sa utak ko." paliwanag ko sa kanya.

"Weh?"

I glared at her. Ang hilig talaga nitong magpainit ng ulo. Parehas sila ni North, ang hilig hilig mang-asar at talagang nakakapikon!

"Eh kung makatitig ka nga parang nanghuhubad na." bulong niya pa, sapat lamang na marinig ko.

Sinasabi ko na nga ba at binabantayan ako ng babaeng ito. She's really nosy! Pinapakialaman niya lahat ng bagay na pwede namang hindi nalang pansinin.

Hindi na ako nakipagtalo pa at tumahimik nalang. Iba ang takbo ng isip niyan at parang sinusulsulan ng kung anong demonyo kaya ganyan nalang kadumi ang iniisip.

Pagdating sa clubhouse, nagkalat na naman ang magpipinsan. Mabilis kong nahuli ang pasimpleng paglingon sa akin ni Toshi, ang mga mata ay may pinapahiwatig agad. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon sa bleachers kung nasaan ang magpinsang Fortalejo. Zera and her cousins are here too.

Tumabi ako kay Cassey habang si Franca naman ay tumabi kay Nana. May kung ano ano nang binubulong ang aking pinsan sa kanya na hindi ko na pinagtuunan ng pansin.

"Go Toshi!" sigaw ni Chey, ipinapangalandakan na naman ang kalandian.

Nag-ikot ako ng mata at saktong nakita niya iyon. Nag-angat siya sa akin ng kilay kaya mas inarko ko rin ang aking kilay.

Si Cassey ang nakapansin sa titigan namin lalo na't siya ang nasa gitna.

"Anong problema niyong dalawa?" tanong nito, palipat lipat na.

"Alam mo bang mas ate ako sa'yo?" tanong sa akin ni Chey. Anong pakialam ko doon?

"Hindi," hinawi ko ang aking buhok papuntang likuran. Umawang ang kanyang bibig kaya inunahan ko agad. "Hindi ako interesado," saka ko iniwas ang tingin at itinuon sa harap.

May kung ano ano na siyang binubulong na hindi ko na pinagtuunan ng pansin. What's wrong with her? Nagseselos agad eh hindi naman sila ah? Nagkakamabutihan ba sila? Pero napapansin ko si Chey ang humahabol sa kanya. Hindi ko lang alam kung bakit hindi siya gusto ni Toshi. Kumpara doon sa ex niyang si Carmella, mas maganda pa nga si Chey. What's wrong then?

"Sasama ka sa amin sa bahay?" tanong sa akin ni Cassey pagkatapos noong laro ng mga lalake.

Umiling ako. Mas prefer kong sumama sa mga pinsan ko.

Humihiwalay sila sa amin ang mga babae at kami lamang ni Franca at Nana ang madalas na sumasama roon sa bahay nila Kuya Trey. Si Franca at Nana ang nagdadaldalan ng kung ano habang nasa sofa ako, mag-isa at katext lamang si Bryce.

Tumayo ako at paika ikang naglakad sa kusina para kumuha ng tubig. Pagbalik ko, napansin ko agad ang magkasalubong na kilay ni Toshi, masama ang tingin sa akin lalo na sa aking paglalakad. Umirap ako at umupo ulit sa sofa. Naririnig ko iyong topic nilang outing. My cousins are suggesting some cliffdiving.

Inabala ko ang aking sarili sa pagreply sa text ni Bryce.

Bryce:
Where are you?

Ako:
Nasa bahay ng pinsan ko.

Ramdam ko ang pares ng mga matang malalim na naman ang titig sa akin, na pag lilingon ako ay doon ko siya mahuhuling iiwas. Ano bang pinaparating ng lalakeng ito sa akin? If he likes me then he needs to say it hindi iyong dinadaan niya sa mapanlinlang niyang mga mata.

Lumabas ako sa veranda at doon umupo. The cold wind blew my hair as I stroke them backwards. Ang kanilang planong magbeach ay mukhang kasama kaming mga babae. Nakakaya ko namang mag-enjoy kung ako lang. Bakit ba kung bakuran ako ay parang tigreng magwawala agad pag hindi natutukan ng husto?

"Bumigay agad..." pagpaparinig ng kung sinong pamilyar na boses sa aking likuran. Lumingon ako at nadatnan itong nakatayo roon, nasa malayo ang tingin habang ang dalawang kamay ay nasa magkabilang gilid ng kanyang beywang.

Ang kanyang presensya ang nagbigay ng kung anong kakaibang pakiramdam sa aking tiyan. Para iyong punupulupot na kahit ako ay napapalunok nalang.

Iniwas ko ang aking tingin at itinuon sa harap. My hands clutched as I tried to maintain my cool, sinisikap iblangko ang mukha.

Ilang sandali lang ay naamoy ko na siya at nakita ang presensya nito sa aking gilid. Yumuko siya at ipinatong ang mga kamay sa gilid ng aking inuupuan. Ang kanyang mga kamay ay nakasalikop, nasa harap parin ang tingin. Crap...

"Wala ka kahapon..." banayad niyang sabi na ikinalingon ko sa kanya. Ang kalahati ng seryoso niyang mukha ay lubusang nagpamangha sa akin.

"Gumala ako," sagot ko.

He nodded. "With Bryce?"

Imbes sumagot ay napatitig ako sa kanya. Ba't iyon ang pumasok sa utak niya? Kung babasahin ko siya, dalawa lang ang dahilan kaya siya ganyan. Tsismoso siya o interesado talaga siya sa akin kaya alam niya ang pinaggagawa ko.

"Oo, nagdate kami." sagot ko pa, hindi inaalis ang tingin sa kanya na baka ay may mabasa ako at makitang senyales na tama lang na mag-assume ako.

He glanced at me, ang mga mata ay tila bumibigat kaya ganoon nalang iyon kalamya. He placed his hand on his chin as he stared at me.

"Did you enjoyed it?" tanong niya, mas malalim na ang boses.

"Enjoyed what?" itinagilid ko ang aking ulo sanhi para magsilaglagan ang iilang hibla ng aking buhok. Ang kanyang mga mata ay sandaling natangay roon pero ibinalik rin sa akin lalo na't sinuklay ko iyon paatras.

"Ang nangyari,"

Ang aking mga kilay ay nagkasalubong na talaga. Ano bang iniisip niyang nangyari sa date? Is he thinking dirty stuff? Ganoon ba talaga ako ka easy to get sa kanyang paningin? This bastard...

"Oo naman," I said flatly.

His deep glares were now intense. Iyong kahit wala siyang sabihin ay may panghuhusga na akong nakikita sa kanyang mga mata. Iyon ang nagpasindak sa akin para iwasan ang kanyang tingin.

"You said you don't like younger girls..." nakagat ko ang aking pang-ibabang labi at hindi na makontrol ang sumasabog na damdamin. "then why are you like that to me? Am I not allowed to date the guys I like? Bakit may komento ka?" Nilingon ko siya. "Kung ipagpapatuloy mo iyan, mag-iilusyon talaga akong may gusto ka sa'kin."

Sa sobrang kyuryusidad ay gusto ko nang ilabas iyon lahat at makakuha ng sagot sa kanya. Gusto kong malaman kung meron bang patutunguhan para matigil ko na ang pag-iilusyon at makawala sa panglilinlang ng kanyang mga kilos.

Hindi agad siya nakasagot at tila may iniisip pa. Tumayo siya ng tuwid na nagpalunok sa akin ng laway. Ang kanyang kilos ay masyadong nakakadala na nagbibigay iyon ng kakaibang dulot sa aking puso.

Inihakbang niya ang mahaba niyang biyas sa gilid at isinunod naman iyong isa hanggang sa makatabi ko na ito. May natitira pa namang espasyo sa aming gilid pero ganoon nalang ang pagbilis ng aking dibdib. Kahit wala pa namang nangyayari, para na akong nalulunod sa labis labis na emosyon.

Yumuko siya at itinukod ang mga kamay braso sa kanyang hita. Ipinagsalikop niyang muli ang kanyang mga daliri sa isa't isa na akala mo ay dinadasalan ito.

"Young girls are not yet ready for a serious relationship. Nasa stage pa sila ng pagtuklas at paglalaro."

Ang kanyang sagot ang nagpakirot sa aking puso. Ang laki ng epekto noon na kahit ako ay nadismaya.

"So you don't like me?" matabang ko ng tanong.

"Hindi sa ganoon-"

"Ganoon iyon. Kung tingnan mo ako ay para akong paslit na bata." may diin kong sabi.

He sighed.

"Si Tita Aly at Tito Uno nga, five years ang gap nila." sabi ko sa klarong tinig at puno ng pag-asa. Ang aking ginigiit sa aking sarili na malaki ang aming agwat ay parang nakaharang na lubid na pinutol ko at handa ng tumawid sa lugar na ayokong puntahan.

He wet his lowerlip as I saw the frustration on his face. Sa bawat reaksyon niya, mas bumibigat lamang ang aking pakiramdam. Taliwas sa mga gusto ko ang sinasabi ng aking bibig. Na handa ako nitong traydurin sa oras na si Toshi ang aking kaharap. Ang sinasabi ko sa aking sarili na hindi dapat ay ginagawa ko ng dapat. Iyon dapat.

"You're still playing..." sabi niya sa dismayadong boses, pinapalabas na dapat ay itigil ko itong pinaglalaban ko dahil taliwas iyon sa gusto niya.

Tangina ka.

"Infatuation lamang ang ganyan. You're just curious with the things around you. Susubukan mo dahil interesado ka pero hindi mo iniisip kung ano ang nasa dulo. Baka nga pag nasa kalahati kana ng pagtuklas ay hihinto ka rin. You just want to feed your curiousity that's why you're interested."

My eyes became blurry as I absurbed his words. Ba't ang sakit naman ata? Akala niya ba hindi ko nagegets ang pinupunto niya? Ano ako paslit na bata na kahit iligaw mo sa salita ay hindi mahahanap ang tunay na ibig niyang sabihin? He's a jerk! Kung hindi niya naman pala ako gusto edi h'wag siyang makatitig sa akin na parang ako ang pinakamagandang babae sa paningin niya!

Inihulog ko ang aking sarili sa lupa hanggang sa makaapak ang aking mga paa roon. His eyes followed me. Sa gilid ng nanlalabo kong mga mata, nakatitig ang lalakeng paasa.

"Paasa," sambit ko, may diin na at may galit nang nilingon ko siya. I eyed him bitterly.

His lips parted a bit when he saw my eyes. Kinuyom ko ang aking mga kamay at umalis rin sa kanyang harapan. Ang mga matang nanlalabo ay pilit kong kinaklaro paalis sa lugar na iyon. I never been this hurt. Hindi ako makapaniwala na sa simpleng pag-uusap lamang namin ay masasaktan na ako ng husto. Don't cry, Irah! Sinong pinagluluksaan mo?

Sinaktan niya ako. Iyon ang tumatak sa aking isip. Gago siya at paasa. Kasalanan mo rin naman, Irah! Kung hindi ka nagpapalinlang sa paninitig niya ay hindi ka masasaktan ng ganyan ngayon! Kung hindi mo lang nilagyan ng ibig sabihin at binalewala nalang iyon...

He doesn't like young girls. In other words, he doesn't like me. Ano bang panama ng isang kinse anyos sa mga babae niyang kaedad niya. Sakim siguro iyon sa kama kaya iniisip niyang boring ako pagdating sa ganoong bagay dahil masyado pang bata. Na ang katulad kong limang taon ang agwat sa kanya ay hindi mabibigay ang seryosong relasyon na gusto niya. He didn't even say he likes me! Kung tuldukan niya akala mo naman ay sinabi ko ring mahal ko siya!

Iyon ang naging rason para hindi ako sumabay sa mga pagbabasketball ng aking mga pinsan. Nagmumukmok ako sa aking kwarto at lutang ang isipan. Nawawalan ako ng ganang lumabas. So this is what they called brokenhearted huh? Kinse anyos, nabrokenhearted sa paasang lalake na wala namang sila. Funny isn't it? Di naman sana kami pero nasasaktan ako. Anong klaseng kahibangan ba ito?

Ang bastardong iyon... pag nakabangon ako sa sakit na ito, magsisisi siya. Ako naman ang mananakit.

Paglabas ko ng kotse ay ang boses agad ni Nana ang pumaibabaw.

"Franca!" Kumaway ito sa aking pinsan, suot ang longsleeve sa gitna ng tirik na tirik na araw. Baliktad talaga ang utak ng mga Delafuente.

Si Franca naman ay kumaway sa kanya pabalik. Ang suot kong seethrough ay nakikita ang panloob ko maliban sa suot kong itim na sunglasses at tinatago ang aking mga matang may galit sa isang lalake na sumulyap sa akin. Anong karapatan mong tumingin ng ganyan? Pagmamay-ari mo ba ako?

Ken whistled when he saw me. Kitang kita ko ang pagsunod ng tingin ni Toshi sa kanya at tila naoffend sa ginawa ng kanyang pinsan. Pero masyado ng lutang si Ken para mapansin ang matalim na tinging iyon at tumatawa na sa mga pinsan niya.

Umismid agad ako nang ibinalik niya sa akin ang kanyang tingin. Don't own me through your gaze, Delafuente...

Nagkakagulo sila rito sa itaas ng cliff at nagbabalak tumalon sa ibaba. Binalingan naman ako ni South.

"Tatalon ka?" tanong niya na ikinatango ko, lalo na't ang mga babae ay nagsisibabaan na.

Tumango nalang siya maliban kay North na masama agad ang tingin sa akin.

"Anong tatalon? Gusto mo ihagis kita?" pagbabanta niya, sa lakas ng boses ay nakarating sa iilang magpipinsan.

"Game talaga itong si Irah sa kahit saan! Halika dito!" anyaya sa akin ni Ken, ngumingisi.

Hindi ko pinansin ang loko loko at itinuon ang tingin kay North na nakapameywang na sa aking harapan.

"Kaya nga ako sumama kasi gusto kong magsaya tapos pagbabawalan mo ako," sabi ko na ikinangiwi niya.

"Humalo ka doon sa mga babae. Kung gusto mong tumalon, h'wag dito masyadong mababa."

I rolled my eyes. Dinadaan niya sa ganyan pero ang totoo ay nag-aalala lang talaga.

"Hayaan mo siya. Iyan ang gusto niya," si South naman na umabante na sa iilan para tingnan iyong babaksakan nila.

Umiling si North at nasuklay ang buhok, "ikaw bahala. Total pag nabagok ka wala namang madadamage..." saka siya nagtungo sa grupo ng mga lalake na naghihilaan na at handa ng tumalon.

Humalukipkip ako at sumandal sa kotse. Pinanood ko silang isa isang nawawala at pumapaibabaw ang mga sigaw na susundan rin ng tunog ng tubig na kanilang binagsakan.

Nagawa pang lumingon ni North sa akin, nagbabanta ang tingin, saka ito tumalon.

Noong masigurado kong nawawala na sila isa isa, tumuwid ako ng tayo, hinubad ang suot na sunglasses at naglakad na patungo roon.

Toshi remained on his place. Wala pa ata itong balak tumalon at may ikinakagalit ang mga mata. He looks effing hot but still, paasa parin ang gagong iyan, Irah.

Ngumisi ako sa kanya. "Tumalon kana," sabi ko pa lalo na't kami nalang dalawa ang nasa itaas.

Imbes sumunod, mas naging grabe lamang ang tingin niya sa akin. Humalakhak ako.

"Are you scared?" tanong ko sa malambing at mapang-uyam na boses.

Nabasa niya ang pang-ibabang labi at mukhang may kinikimkim na mga salita at ayaw lamang ilabas. Kung ayaw niyang tumalon, edi ako ang mauuna.

"Ako na ang mauuna..." saka walang ano-anoy hinubad ko ang aking suot na seethrough. His brows furrowed as his eyes darkened.

Akma akong aabante para pumwesto na sana nang marahas niyang hinila ang aking braso, halos baliin na ata ang aking payat na braso dahil sa pagkakahawak niya roon.

"Bumaba kana," sabi niya, may pagbabanta na sa tono ng boses.

Imbes matakot ay natawa ako ng marahan. Who are you to dictate me?

"Are you worried, Kuya?" tanong ko na ikinadilim lalo ng kanyang ekspresyon sa kabila ng ngisi ko. Don't trick me...

Seguir leyendo

También te gustarán

373M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
6.3M 185K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...
285K 15.4K 28
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
4M 117K 71
Makulay ang mundo ni Tracey sa kabila ng estado ng kanilang buhay. Kontento siya sa meron sila, na ang lahat ay nagsisimula sa mababa bago umangat. M...