ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 65: APOCALYPSE

352 26 14
By angelodc035

Nakakailang hakbang pa lamang si Odessa pagpasok niya sa Pilunlualan ng bigla itong makaramdam ng napakalakas na pagyanig. Wala siyang mahawakan sa palivid at hindi niya maihakbang ang kanyang mga paa dahil sa lakas ng paggalaw ng lupa. Ibinuka niya ang kanyang mga paa at ibinaluktot ang kanyang mga tuhod para ibalanse ang kanyang katawan upang maiwasang bumagsak sa sahig ng Pilunlualan. Nakaramdam ng sobrang takot si Odessa dahil sa nangyayaring pagyanig. Kailangan niyang makalabas sa lagusan bago ito tuluyang magsara, kundi ay maiipit siya dito at magiging dahilan ng malagim niyang kamatayan.

Tuluyan ng nawawala ang balanse ng tatlong mundo dahil sa pagkawala ni Bathala. Unang mawawasak ang Sansinukop dahil nakapagitan ito sa dalawang mundo; ang Kalangitan at ang Sinukluban. Magbabanggahan ang dalawang mundo at maiipit sa gitna ang mundo ng mga tao. Kailangan na niyang bilisin ang pagkilos bago pa man tuluyang mawasak ang mundong kumalinga sa kanya. Sinubukang kumilos patungo sa dulo ng Pilunlualan ni Odessa, ngunit sa di inaasahan ay biglang nawala ang liwanag at bumalot ang kadiliman sa lagusang tinatahak niya. Gumapang ang matinding takot sa kanya ng mapagtanto niyang nagsasara na nga ang Pilunlualan at mapipisak siya kapag hindi siya nakagawa ng paraan para makaalis dito. Pero paano pa siya makakalabas sa Pilunlualan kung nagsara na ang labasan maging ang pinasukan niyang bahagi nito?

Hindi malaman ni Odessa kung ano ang kanyang gagawin. Paano niya malulusutan ang Pilunlualan na unti-unti ng sumisikip?

"Hindi sa lugar na ito ka mamamatay lang Odessa, hindi sa ganitong pagkakataon..." ang sabi nito sa sarili at saka huminga ng malalim. " ..hindi ka mamamatay dito Odessa, maraming umaasa sa'yo. Kailangan ka nila para mailigtas sila kaya hindi ka mamamatay." ang muling sabi nito sa sarili.

Kailangang makaisip ng mabilis na paraan si Odessa para matakasan niya ang kamatayang maipit sa loob ng Pilanlualan. Sa pagkakataong ito ay walang makakatulong sa kanya kundi ang kanyang sarili. Sa loob lamang ng ilang minuto ay tuluyan ng magsasara ang buong lagusan. Huminga siya ng malalim at saka ipinikit ang kanyang mga mata. Dinig na dinig niya ang mga malulutong na tunog ng mga bato na tila ginigiling isa-isa sa gilingan. Sa pagkakataong iyon unti-unti ng tumitila ang mga pagyanig sa paligid.

Patuloy sa pagconcentrate si Odessa para makaisip ng paraan upang makaalis sa loob ng nagsasarang Pilunlualan. Ramdam niya ang unti-unting pagbaba ng pinakakisame ng lagusan sa kanyang ulo na lalong nagbigay ng takot at pangamba sa kanya.

"...Odessa kailangan mong mag-isip..."

Lalong bumibigat ang mga paghinga niya habang pababa ng pababa ang pinakakisame ng lagusan sa kanya. Sa pagkakataong ito ay kailangan na niyang iyuko ang kanyang ulo.

"...tama. tama baka sakaling uubra. Ito lang ang tanging paraan..." ang muling sabi ni Odessa sa kanyang isip.

Nagsimulang umusal ng mga dasal si Odessa. Mas mabibilis ang kanyang mga salita at kumpas ng kamay habang bumibilis din ang pagsikip ng lagusan. Pababa ng pababa hanggang kailangan na nitong tumayo ng nakaluhod sa napakadilim na lagusan. Pababa ng pababa pero wala pa ring Pilunlualan ang bumubukas para makaalis na siya sa lagusang iyon. May mabubuksan pa kaya siyang Pilunlualan sa loob mismo ng nagsasarang Pilunlualan?
---------------------
Naglalakad na si Caren paakyat sa kalsada nang mapadako ang kanyang tingin sa tila pagkabulabog ng mga ibon sa mga sanga ng mga puno. Pagkatapos ay biglang nag-uunahan sa pag-ahon ang mga naglalakihang mga daga at napakakapal na mga ipis mula sa maruming ilog. Natigilan si Caren pagkakita sa kakaibang pangyayari at minasdan ang buong paligid. Pinakiramdaman niya ang katahimikan ng buong paligid at doon niya napagtanto ang tila tunog ng mga daan-daang nagtatakbuang kabayo mula sa ilalim ng lupa. Hindi iyon maintindihan ni Caren at wala siyang ideya sa kanyang naririnig. Pero iisa lamang ang nararamdaman niya sa kanyang naririnig...kundi isang napakalaking panganib.

Biglang sumagi sa kanyang isipan ang mga iniwan niya sa CCP Complex. Si Margaux, si Mexo...
Biglang kinutuban ng masama ang babaeng pulis dahil nararamdaman niya ang namumuong panganib.

Kailangan niyang bumalik...

Papalakas ng papalakas ang naririnig niyang tila pagragasa ng mga nag--uunahang mga kabayo...palapit ng palapit...

Kailangan niyang bumalik...

Si Margaux....

Si Mexo...

Kailangan niyang bumalik para sa kanila...

Hindi na nagdalawang-isip na tumakbo ni Caren pabalik sa iniwanan niyang mga kasama. Pero paghakbang niya ay bigla siyang nadapa sa magaspang na konkretong kalsada. Doon niya namalayan ang unti-unting lumalakas na pagyanig sa paligid.

Binalutan ng sobrang takot si Caren dahil makailang ulit siyang sumubok na tumayo pero hindi niya magawang mabalanse man lang ang kanyang katawan para gawin ito. Unti-unting nagbagsakan ang mga gusaling nakapaligid sa kanya at naramdaman niya na tila isang papel na umaalon-alon ang kalsadang kanyang kinaroroonan.

"Diyos ko po...kaawaan niyo po kami..." ang namutawing dasal sa mga labi ni Caren habang tila lumalakas pa ang mga pagyanig.

Biglang bumagsak ang tulay sa mga nagsasalpukang mga alon sa maruming ilog na di kalayuan sa kanya. Napasigaw sa takot si Caren dahil sa tingin niya na ito na ang sinasabi ni Odessa na pagkawasak ng mundo ng dahil sa tuluyan na pagkawala ng balanse nito. Naalala niya si Odessa na hindi man lang siya nakahingi ng paumanhin sa babaeng Sangre sa ginawa nitong hindi maganda sa kanya.

Sumunod na nagbagsakan ang mga linya ng kuryente at telepono sa kalsadang kinaroroonan niya. Napansin niya ang unti-unting pagbagsak ng napakalaki at matandang puno sa kinaroroonan niya kaya itinodo niya ang kanyang lakas para maiwasan ang pagbagsak sa kanya nito. Lumundag siya sa pamamagitan ng pagsikad niya ng buong puwersa ang kanyang mga paa. Eksakto sa kanyang paglundag ang tuluyang pagbigay ng napakalaking katawan ng puno sa kung saan siya naroroon.

Lumapag siya sa kalsada na nakatayo pero muli siyang bumagsak sa konkretong kalsada dahil sa lakas pa rin ng pagyanig sa paligid. Sinubukan niyang tumayo sa kanyang pagkakabagsak. Pero hindi pa man siya nakakatayo ay biglang natibag ang kalsadang kinaroroonan niya dahil lumikha ng napakalaking sinkhole ang napakalakas na lindol kung saan siya naroroon. Tuluyang nalaglag sa butas ng napakalalim na sinkhole si Caren.

---------------------
Unti-unting humina ang mga pagyanig kasabay ng paglabas ng mga tao sa gusali ng CCP na bahagyang nasira ng lindol. Di gaya ng mga katabing istruktura ay nanatiling nakatayo pa rin ang gusali kaya marami sa mga tao ang nakaligtas sa mga pagyanig. Balot sa takot ang mga taong patuloy sa paglabas sa gusali, lahat ay humahagulgol sa pag-iyak habang inaalalayan sila ng mga sundalo kasama si Fr. Mexo. Akay-akay naman ni lola Luming si Margaux na panay ang iyak dahil sa sobrang takot sa nangyari.

Kaagad naman ginawaran ng agarang lunas ang iilang nasugatan at napinsala ng mga gumuhong konkreto mula sa mga pader at kisame ng gusali. Laking pasasalamat nila na hindi ito tuluyang gumuho, dahil kung nagkataon ay karamihan sa kanila ay matatabunan ng buhay sa konkretong gusali.

Napadasal ng taimtim si Fr. Mexo ng makitang nakaligtas lahat ang mga taong kasama nilang dumating sa CCP. Hindi niya inaasahan ang tindi ng pagyanig na naranasan nila. Kitang-kita niya ang mga nagbagsakang mga gusali, mga nabiyak na kalsada at ang tila bumubulwak na tubig sa halos buong paligid ng CCP. Magkagayon man ay malaking pasasalamat na rin nila na walang nasawi sa kanila kahit na may mga nasugatan pero hindi naman malubha.

Kalunos-lunos ang sinapit ng lugar at halos hindi na ito makilala. May iilang gusali ang hindi tuluyang bumagsak pero hindi na rin ito ligtas sa mga taong gustong pumasok dito. Pumasok sa isipan ni Fr. Mexo sina Odessa, Demetria, Randy, Ceasar, Caren at Sagaway. Hinahanap ng kanyang mga mata ang kanyang mga kasama na sana ay naroroon na rin sila dahil sa pagkakataong iyon ay higit silang kailangan ng mga tao. Pero nagkalat sa lugar ang mahigit isang daang sibilyan at limampung sundalo at mga doktor. Karamihan sa kanila ay nakaupo sa kalsada at sa damuhang bahagi ng harapan ng CCP. Napaupo na rin sa damuhan si Fr. Mexo at sa pagkakataong iyon ay pansamantalang nakahinga ito ng maluwag.

"Salamat po Diyos ko at ligtas kami sa isang napakalakas na lindol..." ang mahinang dasal ni Fr. Mexo.

Iniyuko ng pari ang kanyang ulo at saka ipinikit ang kanyang mga mata. Huminga siya ng malalim at hinayaan niyang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Akala niya kanina ay katapusan na ng lahat dito sa mundo. Akala niya ay mamamatay na siya sa loob ng gusali ng CCP theater. Kitang-kita niya ang takot sa mga mata ng mga tao, ang kanilang sigawan at pag-iyak ng dahil sa sobrang takot.

Isang batang babae ang yumakap kay Fr. Mexo. Umiiyak ito at pamilyar sa kanya ang boses nito. Tumingin siya sa bata at saka hinagod nito ang likod ng bata.

"Maragaux, tahan na. Tapos na ang lindol ligtas na tayo." ang pag-aro nito kay Margaux na na-trauma sa pangyayari.

Mahigpit ang yakap sa kanya ng bata at sa tabi nila ay ang humahagulgol din si lola Luming.

"Nasaktan po ba kayo lola?" Ang tanong ni Fr. Mexo pagkakita sa matanda.

"Hindi naman po among, okay lang po ako." ang tugon ni lola Luming na namumutla ng dahil sa takot.

"Buti naman po kung ganun. Magpahinga na lang po muna kayo dito at pagkatapos nito ay aalis na tayo para sa mas ligtas na...." biglang natigilan si Fr. Mexo. Mula sa kanyang paa ay napansin niya ang patuloy na pagbulwak ng tubig sa lupang kinatatayuan nila.

"...Diyos ko..." ang biglang namutawi sa bibig ng pari ng may maalala. Biglang napatingin sa dagat ang pari at natulala sa nakita. Nanlaki ang mga mata ni Fr. Mexo kasunod ng tila pagtigil ng oras sa kanyang paligid. Kitang-kita ng kanyang mga mata ang napakalaking-umbok sa karagatan.

Napakabilis...

...malakas ang puwersa...

...mga naglalakihang mga alon sa dagat na nilikha ng napakalakas na pagyanig.

Kaagad na binuhat ni Fr. Mexo ang batang si Margaux at iniabot ang kamay nito kay lola Luming.

"Takboooo!!!" ang napakalakas na sigaw ni Fr. Mexo at kasabay din ng kanyang pagtakbo.

Napatingin ang mga tao kay Fr. Mexo at nabahala rin sa kanilang nakita. Tumingin sila sa karagatan at kinilabutan sa nakitang nag-uunahan at mala-higanteng mga alon sa dagat. Sunod-sunod na nagsitakbuan ang mga tao at sabay-sabay na nagsigawan para marinig pa ng ibang mga taong naroroon ang tungkol sa Tsunami.

Napuno ng sigawan ang buong paligid ng CCP. Mga bata na hindi malaman ang gagawin at natulala sa mga nangyayari, mga matatanda na nagkasya na lamang sa pag-iyak at tumayo na lamang sa kalsada at nakaharap sa karagatan. Tila isinuko na nila ang lahat at hinihintay na lamang nila ang kamatayan lalo na't matagal na rin silang namalagi sa mundo. May mga sundalo ang pinaandar ang kanilang mga sasakyan at pilit na pinasasakay ang mga taong nakikita nila pero hindi alintana ang mga nagkalat na tipak ng mga pader na galing sa mga gumuhong gusali na magiging dahilan ng hindi rin magamit na mga sasakyan.

Mula sa himpapawid ay mabilis na ibinaba ni Randy sina Ceasar, at Demetria para tulungan ang mga tao na makaligtas sa paparating na Tsunami o Tidal wave. Kasabay ng kanilang pagbaba ay ang mabilis na pagtakbo ng mga nakaligtas na mga taong-lobo na tumutulong din sa pagliligtas sa mga tao. Isinasakay nila sa kanilang mga balikat ang mga tao para mapabilis na maialis sila sa panganib mula sa ga-higanteng alon ng dagat.

Hinahanap naman ni Demetria si Fr. Mexo sa mga taong nag-uunahan sa pagtakbo. Hindi niya alintana ang mabilis na paglapit ng mga higanteng alon na ilang saglit lang ay hahampas na sa dalampasigan ng Maynila. Kani-kanina lamang ay nakita niya si Fr. Mexo na kasamang inaalalayan ang mga tao na nasa loob ng CCP theater. Napunta ang tingin niya sa unang alon na sumalpok sa dalampasigan na lumikha ng sunod-sunod na pagtilamsik ng tubig dagat sa paligid. Mabilis na gumapang ang hanggang tuhod na tubig dagat na mapuwersang binabaybay ang bahaging mababa sa paligid.

"Fr. Mexo!" ang sigaw ng labis na nag-aalala na si Fr. Demetria.

Muli ay pinagmasdan niya ang mga taong labis na natakot sa pagragasa ng tubig sa paligid.

"Fr. Mexo! Nasaan ka?!" ang muling sigaw ni Demetria. Wala pa ring tugon na nagmumula sa pari kaya minabuti niyang tulungan ang mga tao para tumakas at humanap ng mataas na lugar sa paligid.

Sin-bilis ng kidlat sa pagkilos si Demetria kaya madali siyang nakatakbo at nakatanaw ng isang mataas na gusali na hindi napabagsak ng malakas na lindol di kalayuan sa Star City. Hinabol niya ang dalawang kabataang lalake at hinawakan ang kanilang bewang at mabilis na hinila papunta sa kanya. Hinawakan niya sa balikat ang dalawang kabataan na hindi na nakapalag pa dahil sa pagkabigla. Hindi makapaniwala ang dalawang kabataang lalake ng tila binuhat sila at itinakbo ng napakabilis ni Demetria papunta sa mataas ng gusali. Para silang lumilipad sa sobrang bilis at ilang saglit lang ay nakarating na sa gusali.

"Tulungan ninyo ang mga tao sa pag-akyat sa pinakatuktok na bahagi ng gusali!" ang matigas na wika ni Demetria na kaagad na nakalis hindi pa man nakuhang tumugon ng dalawang kabataang lalake.

Awang-awa naman si Randy at halos napaiyak sa kanyang nakikita sa mga taong tulad niya, mga taong labis na minahal ng kanyang kasintahan na si Odessa. Kailangang mayroon siyang gagawin para maisalba ang mga taong hinabilin sa kanila ni Odessa bago pa man ito umalis papunta sa ikatlong mundo.

Sumalpok ang ikalawang higanteng alon na may sampomg metro ang taas. Sinira nito ang mga halaman sa paligid at ang pamosong Coconut Palace na nag-iisa lamang sa buong mundo. Rumaragasa ang mahigit anim na metrong tubig sa lahat ng nadadaanan nito. May mangilan-ngilang mga tao ang tuluyan ng inanod ng tubig na pilit na sinusubukang isalba ang kanilang mga sarili, pero walang magawa sa lakas ng puwersa ng tubig.

Hirap naman sa pagtakbo si Fr. Mexo habang karga-karga nito si Margaux at inaalalayan si lola Luming sa hanggang tuhod na taas na tubig. Pilit siyang naghahanap ng mataas na lugar para hindi abutan ng napakalaking alon na sa tingin niya ay halos o mahigit sa tatlumpung metro ang taas. Punong-puno ng takot at kaba ang kanyang dibdib hindi para sa kanyang sarili kundi sa batang karga-karga niya at sa matandang hirap na hirap sa paglusong sa tubig.

"Kumapit po kayong mabuti lola Luming! Kapit lang!" ang sigaw ni Fr. Mexo sa matanda na pagod na pagod na sa ginagawang pagtakbo at paglusong sa tubig.

Pakiramdam ni lola Luming ay puputok na ang kanyang puso sa sobrang pagod. Matanda na siya at hindi na kakayanin pa ang mahabang pagtakbo at maaaring pag-akyat. Gusto ng sumuko ng kanyang katawan at ayaw pa niyang mamatay dahil kailangan pa siya ni Margaux.

Ramdam ni lola Luring ang lamig ng tubig at paghapdi ng kanyang mga paa dahil sa mga sugat na nakuha niya sa mga bagay na dala-dala ng pagragasa ng tubig. Mabagal ang kanilang pag-usad dahil sa kanya. Nag-aalala siya na baka siya pa ang magiging dahilan ng pagkapahamak ng pari at ng alaga niyang si Margaux. Napamahal na siyang husto sa bata kaya labis na ang ibinibigay na pagmamahal nito sa kanya. Dinig na dinig niya ang tila rumaragasang mga kabayo sa lakas ng pag-agos ng tubig sa buong paligid. Pero natigilan siya ng makita ang paghampas ng mahigit sa tatlumpung metrong tubig sa gusali ng CCP na walang ano mang tinakpan nito at tuluyan ng nawala sa kanyang paningin.

Pilit na hinihila ni Fr. Mexo ang kamay ng matanda, ngunit tila kusang binibitawan na ng matanda ang kamay nito.

"Lola Luming, tara na! Huwag po kayong susuko." ang wika ni Fr. Mexo sa matanda. Humarap ang matanda sa kaniya at pilit na ngumiti.

"Among ikaw na po bahala Kay Margaux. Matanda na ako at ayokong maging dahilan ako ng pagkapahamak ninyong dalawa. Umalis na kayo father iligtas na po ninyo si Margaux at sarili po ninyo! Mas kailangan po kayo ng mga tao!" ang sigaw ng matanda sa pari.

" Lola Luming!" ang tawag naman ni Margaux pagkakita sa matanda na bumitiw sa mga kamay ng pari.

"Lola, hindi ko kayo pwedeng iwan. Tara na, sama-sama tayo ililigtas tayo ng Diyos!" ang halos namaos na sigaw ng pari sa matanda habang nakatingin sa paparating na malaking alon.

"Magiging pabigat lang ako sa inyo, paalam..." pagkasabi ay tumalikod na ang matanda at tuluyan ng lumayo kina Fr. Mexo.

"Lola Luming, huwag naman pong ganyan, lola!!!" ang muling sigaw ni Fr. Mexo kay lola Luming, ngunit tila hindi na siya naririnig nito.

"Lola Luming! Lola! huwag po ninyo akong iwan!" ang malakas na sigaw ng umiiyak pa ring si Maragaux.

Kailangan ng umalis ng pari dahil kitang-kita niya ang mabilis na paparating na napakalaki at mapuwersang tubig mula sa higanteng alon. Kailangan nilang makaakyat sa mataas na lugar para mailigtas nila ang isa't-isa. Marahil isinakripisyo na lamang ng matanda ang kanyang buhay para hindi na mahirapan pa si Fr. Mexo sa pagliligtas kay Margaux.

Hindi pa man sila nakakalayo ng datnan na sila ng rumaragasang  tubig dagat at anurin sila kasama ng mga sasakyan at basura. Nagsisigaw sa takot ang dalawa at pilit na iniiwasan ang mga sasakyan, pader at mga poste na puwedeng humampas sa kanila.

"Humawak ka Margaux, huwag kang bibitiw!" ang sigaw ng pari habang pilit na huwag lumubog sa tubig alat. Takot na takot na mahigpit na kumapit sa leeg ng pari habang pinipigilang lumubog sa tubig dagat.

Isang matalim na yero ang mabilis pumunit sa suot na pantalong maong ng pari at lumikha iyon ng malalim na sugat na kaagad na dumugo. Napangisngis si Fr. Mexo sa pagkakasugat niya sa kalawanging yero sa kanyang kanang paa. Pakiramdam niya ay tila malaki ang pinsalang idinulot nito sa kanyang paa.

Isang mahigit na apat-na-pung metrong alon sa dagat ang mabilis na paparating sa dalampasigan sa kahabaan ng Roxas Blvd. Kitang-kita iyon ni Randy na sa pagkakataong iyon ay nasa dalampasigan na ng Manila bay. Kailangan niyang pigilan ang higanteng alon para hindi na tumindi pa ang pinsalang maaaring idulot pa nito sa mga taong naroroon.
Nakaabang si Randy sa napakalaking alon na mabilis na lumalapit sa kinatatayuan niya. Takot ang namayani kay Randy. Alam niyang puwedeng hindi umepekto ang kanyang gagawin. Pero wala na siyang pagpipilian pa dahil nakataya na rito ang buhay ng lahat ng taong naroroon maging ang kanyang mga kaibigan.

Huminga ng malalim si Randy at inipon ang kanyang lakas at kapangyarihan. Nabuo sa kanyang harapan ang napakaliwanag na ilaw na unti-unting lumalaki habang papalapit naman ang higanteng alon sa kanya. Nararamdaman ni Randy ang patindi ng patinding init sa kanyang katawan. Init na tila hindi na niya matatagalan pa, pero kailangan siyang maghintay ng tamang hudyat para pakawalan ang enerhiyang namumuo sa kanyang harapan.

Papalapit ng papalapit...
Ilang sandali na lang at iyon na ang tamang hudyat.

Pinakawalan ni Randy ang bola ng enerhiya mula sa kanyang kamay at mapuwersa nitong ibinagsak sa halos limang metrong layo na lamang na higanteng alon. At sa isang iglap ay isang nakakasilaw na liwanag ang nabuo sa kinabagsakan ng enerhiya at lumikha iyon ng napakalakas na pagsabog na lahat ng tamaan ng liwanag ay tumilapon.

KABOOOOMMM!!!

Isang nakakabingi at dumadagundong na pagsabog ang muling nagpayanig sa buong paligid at lumukob ang nakakasilaw na liwanag sa buong paligid.

Mula sa tubig alat ay isang napakalaking kamay naman ang biglang sumalok sa kinaroroonan nina Fr. Mexo at Margaux. Mga mapagkalingang kamay na galing kay Sagaway ang sumagip sa dalawa. Nakakapit ang isang kamay ni Sagaway sa napakalaking sanga ng puno ng Balete sa tabi ng isang bumagsak na gusali. Pagkatapos niyon ay isang napakalakas na puwersa ang muntikan ng ibuwal ang punong kinakapitan niya. Kasabay nito ang nakakasilaw na liwanag ang kumalat sa buong paligid.

Continue Reading

You'll Also Like

115K 3.4K 29
Enter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you acc...
13.5K 782 65
In a world ruled by powerful gods, do you have the guts to play their games? Staying alive is the only rule to survive. Kailangang harapin na ni Odes...
726K 5.2K 33
She's Yuna Coldeft a La Orlian not so important in this society, she's a nobody, but her destiny suddenly change, and she find herself inside that ac...
79K 2.4K 39
Stone Academy. Ito ay nakatampok sa Stone World; ang mundo na binuo ng labing-dalawang gemstones. Ang Stone Academy ay ang paaralan kung saan itinutu...