Obey Him

By JFstories

26.8M 1M 351K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... More

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 7

435K 16.9K 4.6K
By JFstories

I WOKE UP EARLY because today was my first day as a college student in DEMU, or Don Eusebio Mariano University. A prestigious university in Quezon City. Unang pagkakataon na papasok ako sa isang normal school. Sa sobrang excitement ko, hindi ako gaanong nakatulog.


"Goodluck sa school!" ani Ate Minda nang sumilip siya sa kuwarto ko. "Magkwento ka mamaya tungkol sa bodyguard mo, ah!"


Akala ko pa naman about sa school ang ipapakuwento ni Ate Minda sa akin. Ngumiti na lang ako sa kanya at nagpaalam na. Nasa sala na rin kasi si Uncle Jackson, at mukhang bago ako pumasok ay may sasabihin siya sa akin. Ano kaya? 


Nakauniform na ako nang bumaba ako sa sala. One-inch above the knee dark green pencil cut skirt na tinernuhan ng white long sleeve blouse na may necktie na kakulay ng pang-ibaba ko ang aking suot. Sa mga paa ko ay flat black semi dollshoes naman. Isang leather shoulder bag ang kinalalagyan ng ilang notebooks ko ang aking natatanging bitbit. Dahil sa sobrang excitement ay ipinonytail ko lang ang buhok ko. Wala na akong suot na accessories maliban sa suot kong simpleng silver watch.


Nasa gitna ng sala ko natagpuan si Uncle Jackson. Para siyang diyos na nakatayo ron at naghihintay ng aalipinin niya. Ganoong pakiramdam talaga ang dala ng aura niya lalo kapag ganitong wala siyang kangiti-ngiti. Hindi siguro maganda ang gising.


Okay lang. Sanay naman na ako na parang araw-araw yata ay hindi maganda ang gising niya. Kung di salubong ang kilay niya, wala siyang reaksyon. Siguro mas mash-shock pa ako kung salubungin niya ako ng ngiti at wide open arms.


Guwapo pa rin naman si Uncle ko kahit kapresyo yata ng Microsoft ang ngiti niya.


Nakapamulsa siya sa suot na sweatpants na kulay itim. Muscle shirt na kulay gray naman ang pang-itaas niya at basang-basa iyon ng pawis na nagmumula sa kanyang pawisang leeg, maskuladong likod at mga balikat. Gulo-gulo pa ang kanyang buhok. Mukhang galing siya sa pagwo-workout dahil pati ang mga balahibo niya sa braso ay basa ng pawis.


Tumaas ang isang kilay niya dahil sa tagal ko na palang nakatitig sa kanya. Napayuko tuloy ako.


Sa pagyuko ko ay nagawi ang aking mga mata sa center table kung saan may nakalagay na rectangular box na kulay puti. Nang tingalain ko si Uncle Jackson ay nakatingin siya sa akin at ang mga mata niya ay nag-uutos na kunin ko raw ang box.


Sa maiksing panahon na nakasama ko siya, parang natutunan ko na ring malaman ang mga gusto niyang iparating gamit lang ang tingin kapag tinatamad siyang magsalita.


Kinuha ko ang box at sinipat. "A phone?"


Bukas na ang box. Gusto kong klaruhin kung para nga ba ito sa akin. Baka umasa ako 'tapos iuutos niya lang pala na ibigay ko kung kanino itong CP, mabo-brokenheart talaga ako pag ganon. Matagal ko na kasing pinapangarap magkaroon ng ganito.


"You need that," aniya at hinawi ang ilang pirasong bangs na bumagsak sa kanyang noo.


Pagkasabi niya'y kinuha ko agad mula sa box ang phone. Kandatulo ang laway ko nang mahawakan ko ang manipis na gadget.


"My number is already there." Hindi na siya sa akin nakatingin ng sabihin iyon.


Tiningnan ko agad ang phonebook. Naka-saved na nga ang numero niya rito.


Jackson – +6349-3906-46


Ang pormal masyado. Saka ko na lang siguro ie-edit ang name niya para lagyan ng "uncle".


"I also saved Calder's number in your phone book. You can give him a ring in times of emergency." May diin ang huling salita niya. So ibig sabihin kahit kanino ay hindi ako pwedeng magtext o tumawag kung hindi lang emergency?


Nasa phonebook ko nga ang number ni Kuya Calder. Nakasaved ito sa pangalang "Bodyguard Knight". Napakapormal.


"Nakaline na iyan. Kung sakaling mawawala, just tell me para maipa-cut at macheck natin ang location. Everything can be checked, just so you know."


Bakit parang sinasabi niya na pati messages and calls ay ich-check niya? Hindi naman siguro.


"Señorita."


Lumipad ang paningin ko mula sa phone patungo sa lalaking nagsalita sa tagiliran ko. Narito na pala ang aking bodyguard/driver. Katulad ng amo ay pormal na pormal ang mukha nito.


Kagaya kahapon ay naka all-white na naman ito. White long sleeve polo na itinupi hanggang siko, white pants at white shoes. Mabuti naman at walang nakasabit na holster ng baril sa katawan nito ngayon.


"Use the red Camaro." Inihagis ni Uncle Jackson ang susi ng sasakyan sa aking bodyguard na agad naman nitong nasalo nang walang kahirap-hirap.


"Copy that, Sir."


"Always be contacted, Fran." At tumalikod na sa amin si Uncle Jackson.


Nang maiwan ako kay Calder Raegan Knight ay wala akong nadamang pagkailang dahil kasabay ng pag-alis ni Uncle Jackson ay ang pagngiti niya sa akin. Ang plastic talaga nitong lalaking 'to. Di ko napigilang matawa.


"What's funny, Señorita?" mapaglaro ang mga matang tanong niya.


"Wag na lang ganyan ang itawag mo sa akin." Lumabi ako. Feeling ko kasi kapanahunan pa ng lolo at lola ko kapag naririnig ko ang ganong tawag.


"Sure, Milady."


Napairap ako. "Baka gusto mo pa mademoiselle?"


Nagulat ako ng bigla siyang humalakhak. Halos mag-isang guhit ang mga mata niya sa galak.


Nakakatuwa makakita ng mga taong tumatawa sa bahay na ito. Alam kaya ni Uncle Jackson na mababaw ang kaligayahan ng itinalaga niya sa aking bodyguard?


"Pwede magtanong?"


Ngising-ngisi siya nang sumagot. "Walang time."


"Walang time saan? Sa itatanong ko?"


"No time for a relationship."


"Ha?"


"Di ba itatanong mo if I'm already taken?" Lalong ngumisi ang lalaki. "The answer is no, Milady."


"Hindi, ah!" Kandaluwa ang mga mata ko. "Hindi iyon ang itatanong ko!"


Tumawa na naman siya. Seriously? May problema yata siya?


"Okay. Ano ba iyon?" Humalukipkip siya at sumeryoso nang mapansing nakasimangot na ako.


"Itatanong ko lang kung may batas ba ang uncle ko na bawal ngumiti ang mga taong nasa paligid niya. 'Pansin ko kasi lahat ng tauhan niya ay parang pasan ang mundo."


"Mukha bang pasan ko ang mundo?"


"Actually, oo. Kapag nandiyan na siya, nagta-transform ka na. Nagiging robot ka."


Umiling siya at ginulo ang buhok ko gamit ang malapad niyang palad at mahahabang mga daliri sa kanyang malaking kamay. "Akala ko naman kung anong importante 'yang tanong mo."


"As if kaya mong sumagot nang seryoso sa importanteng tanong."


"So, let's go?"


"Let's go!" masayang sambit ko at nauna na ako sa garahe.


And the whole drive to school was fun! Di ko alam pero palagay na agad ang loob ko sa kanya. Parang pwede ko na siyang biru-biruin at barahin since tila maloko at makulit talaga ang kanyang personality. At least my bodyguard is not boring.


...



But the first day of school was so boring...


May iilang nakikipagkilala at nakikipagkaibigan. Isa na roon si Olly Bernice Ong. Same course. Bachelor of Science in Business Administration. Olly was jolly and nice. Hindi pa lang talaga siguro ako sanay makihalubilo, kaya naninibago ako sa pagiging madikit ng babae. 


Naaaliw raw sa akin si Olly dahil ang bata ko pa para mag-college. Maaga kasi akong nagsimulang mag-aral. Marami pa kaming napagkuwentuhan dahil hindi niya talaga ako tinigilan. Ganito yata talaga kapag college, maraming taong friendly. I was so glad that I met Olly.


After school ay nakareceived agad ako ng text from Kuya Calder. Yes, I'm calling him "kuya" sa ayaw man at sa gusto niya. He's ten years older than me kahit para lang kaming magka-edad dahil sa ugali niya na maypagka childish. I gave him my number bago ako pumasok sa gate ng Don Eusebio Mariano University.


KUYA C

Parking lot na, Milady.


Talagang pinangatawanan niya na ang pagtawag sa akin nang ganoon. Iyong isa, "Doll", ito naman "Milady". Dagdag pa si Ate Minda na "Ganda" naman ang tawag sa akin.


"Merienda, Milady?"


"Libre mo ba?"


"Ikaw 'to diyang may credit card at may libuhing cash," aniya na nasa daan ang mga mata. Kahit naman medyo madaldal at maharot si Kuya Calder ay masasabi kong maingat at maasahan talaga siyang driver.


"Ikaw nagyaya, dapat po libre mo."


"Bente lang ang cash ko rito."


"Pwede na 'yan!" Itinuro ko ang nadaanan naming stand ng fishball sa gilid ng kalsada.


"Seryoso ka?" Pati ang mga mata niya ang nakangiti nang lingunin niya ako.


"Oo naman. Dream ko pong kumain niyan, baka di mo alam."


"Then tuparin natin 'yang dream mo na 'yan." Ipinark niya sa tabi ang red Camaro.


"Kuya tigsampu."


"Kinse na sa 'yo, sa'kin lima," aniya.


"Sus. Dapat pantay." Binigyan ko siya ng stick niya at nagsimula na akong tumuhog ng fishball at kikiam na worth ten pesos. Gumaya na rin siya.


May mga babaeng estudyanteng naglalakad na napapatingin sa amin, partikular kay Kuya Calder. Pati iyong mga nakakotse na napapalingon sa kanya kapag nadadaan na sa kinatatayuan namin. Well, I can't blame them. Ang pogi ng bodyguard ko at ang lakas ng dating.


Siniko ko siya. "Sikat ka o."


Ngisi lang ang tugon niya sa akin. Busy ang loko sa pag-ubos ng fishball. Nangangalahati palang ako ay ubos niya na iyong kanya at masama na ang tingin niya sa natitira kong fishball sa stick ko.


Tiningnan ko siya nang masama. "Huy! Akin 'to."


"May kadamutan ka, Milady."


"Ngayon na lang kasi ako nakakain nito. Last time ko pa ay iyong Grade two ako. Buhay pa non iyong lolo ko sa Davao."


Nagulat ako nang bumunot siya ng wallet sa bulsa. Naglabas siya ng buong limang-daang piso at inabot sa vendor ng fishball. "Manong, tag two-fifty kami nitong babaeng madamot na kasama ko."


Ang lakas ng tawa ko. Halos makalimutan ko nang ngayong araw palang kaming nagkasamang dalawa.


Kalahating oras din kaming nagfoodtrip doon. Ang natira sa five-hundred niya ay hindi niya na kinuha kaya pati si Manong Vendor ay maligaya rin.


Pagkauwi sa mansion ay back to being robot na naman si Kuya Calder. Pa-mysterious na naman siya.


Ako naman ay naging busy sa pag-iinstall ng Facebook app at Messenger sa bago kong phone. Tinuruan ako ng new friend kong si Olly. Actually, siya na rin ang gumawa ng account ko kanina na ila-log in ko na lang ngayon. She's really nice. Hindi niya ako hinusgahan kahit pa weird na pala sa panahon ngayon ang isang teen-ager na walang social media account.


I spent my two hours browsing the Internet. Masaya, nakakalibang at nakakaaliw pala ang Social Media. And I must admit na toxic din ito.


Pagabi na nang lumabas ako ng mansiyon para hanapin si Ate Minda. Siguradong may FB din siya. I will add her.


Nakarating ako sa garden kakahanap sa kanya pero wala siya. Baka may inutos si Mrs. Cruz sa kanya. Pabalik na sana ako nang madaanan ko ang puno ng sampaloc. Natatakam na kusang huminto ang mga paa ko.


May ganito rin palang puno sa hardin dito. Sa Davao kasi ay ito ang paborito ko kapag nagagawi ako sa hardin doon.


Luminga-linga ako sa paligid at nang makitang walang tao, walang Uncle Jackson at Mrs. Cruz na tiyak na sasaway sa akin ay sinamantala ko na ang pagkakataon. Naghubad ako ng tsinelas at inakyat ang hindi naman kataasang puno.


Pagkarating ko sa sanga na kinaroroonan ng sampaloc ay umabot na agad ako ng isa at sinimulang upakan iyon. God, I really missed this!


May pumalakpak sa likuran ko sanhi para ako'y mapalingon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Kuya Calder na nakatayo sa ibaba ng puno. Nakapamulsa siya sa suot na fitted jeans at bagong paligo dahil basa-basa pa ang kanyang magulong buhok. Hindi pa siya nagsusuklay!


"What a tough girl you are, milady." Nakangisi siya habang nakatingala sa akin.


Sa pagkabigla ko ay muntik na akong makabitiw.


"A-anong ginagawa mo?" manghang tanong ko. "Umalis ka nga diyan!"


Umiling siya at lumapit pa lalo. Inihain niya ang kanyang braso sa akin. "Don't worry, I'll catch you if you fall."


jfstories

Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 111K 33
He's a lazy billionaire. She's called a devil in the office. As time goes by she can't help but be tamed, either by hate or by heart. League of Billi...
46.2M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
493K 23.4K 60
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
11.6M 473K 65
(Game Series # 7) Jersey thought that her life's already as good as it's gonna get... Wala naman siyang karapatang magreklamo-pasalamat pa nga raw si...