Endless Reality (SERIES 2) [...

By PecheaL

257K 7.7K 817

[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone... More

Authors Note:
Prologue
Endless~[01]
Endless~[02]
Endless~[03]
Endless~[04]
Endless~[05]
Endless~[06]
Endless~[07]
Endless~[08]
Endless~[09]
Endless~[10]
Endless~[11]
Endless~[12]
Endless~[13]
Endless~[14]
Endless~[15]
Endless~[16]
Endless~[17]
Endless~[18]
Endless~[19]
Endless~[21]
Endless~[22]
Endless~[23]
Endless~[24]
Endless~[25]
Endless~[26]
Endless~[27]
Endless~[28]
Endless~[29]
Endless~[30]
Endless~[31]
Endless~[32]
Endless~[33]
Endless~[34]
Endless~[35]
Endless~[36]
Endless~[37]
Endless~[38]
Endless~[39]
Endless~[40]
Endless~[41]
Endless~[42]
Endless~[43]
Endless~[44]
Endless~[45]
Endless~[46]
Endless~[47]
Endless~[48]
Endless~[49]
Endless~[50]
Endless~[51]
Endless~[52]
Endless~[53]
Endless~[54]
Endless~[55]
Endless~[56]
Endless~[57]
Endless~[58]
Endless~[59]
Endless~[60]
WAKAS?
OUR ENDLESS HAPPY ENDING
OUR FOREVER REALITY ENDING
EPILOGUE
Authors Note: [MUST READ]
Series 3

Endless~[20]

3.5K 112 0
By PecheaL


◇CHAINED HEARTS◇

Hazelle's POV,

Halos isang buwan narin ang nakalipas simula ng umalis si Lia dito sa pilipinas. Nung una ay nagulat kami sa biglaan nyang pag alis pero sinabi nya na dati pa ino offer sakanya ng school ang pagiging exchange student sa New York. Ayaw nya itong tanggapin dahil sa ayaw nyang mawalay sa mga magulang nya, at kay Kuya Evan.

Pero ng nalaman namin ang nangyari sa kanilang dalawa ay hindi na kami nagtaka. Kilala ko si Kuya Evan, hindi nya magagawang saktan ng ganoon si Lia. Sa ilang taon nilang pagsasama, ay nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa.

Malaki ang pinagbago ni Kuya Evan simula ng umalis si Lia. Ang dating masigla at masiyahing tao na kilala namin noon, parang binaksakan na ng langit at lupa ang buong pagkatao nya.

Hindi ko na nasilayan ang ngiti sa mukha ni Kuya mula ng umalis ang babaeng mahal na mahal nya. Nag resign narin sya sa Mythx na naiintindihan naman nila Dylan at pinalipat nalang sya sa ibang kompanya.

"Hoy, bat nakabusangot yang mukha mo? Lalo ka tuloy pumapanget?" Biglang sabi sakin ni Lincoln kaya agad ko syang sinamaan ng tingin pero tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Edi panget pala ang mga tipo mo? Diba sabi mo kahawig ko si Delaney?" Sagot ko sakanya na nakita ko namang agad nagpabago ng awra nya.

"Kahawig ka lang nya, hindi ka nya kamukha" sagot nya.

"Parehas lang din yon noh. Kung alam mo lang talagang kapatid ko yung Delaney mo"  Pabulong kong sinabi yung huli kong salita.

"Anong sabi mo?" Agad nyang tanong kaya nanlaki agad ang mata ko.

"H..ha? Wala ang sabi ko mauna na ko. May klase pa ko" Pagpatay malisya ko.

"Dito kita hihintayin. Ako maghahatid sayo" aniya kaya umirap ako at naglakad na palayo.

"Totoo ba talagang sila na ni Lincoln? Anong nangyari sakanila ni Dylan?" Rinig kong sabi ng isang babaeng nadaanan ko kanina.

"Mukhang inosente, may tinatago naman palang kalandian sa katawan"

"Dalawang mortal na mag kaaway pa talaga ang nilandi nya? Gusto nya ba talagang magkapatayan pa ang dalawa para sakanya?"

Napapikit nalang ako at hindi nalang pinansin ang mga naririnig. Wala silang alam.

Habang patuloy lang ako sa paglalakad ay may bumanga ng balikat ko.

"Ano ba? Tumingin ka nga sa dinadaanan mo? Ang landi kasi ng mata mo kaya kung saan saan nakatingin" Iritado nyang sabi dahilan para mag init din ang dugo ko. Magtimpi ka lang Hazelle.

"Pasensya na miss ha? Pero ikaw kasi itong hindi tumitingin sa dinadaanan mo, nanalamin ka kasi habang naglalakad" mahinahon kong sagot.

Totoo naman talaga ang sinabi ko, nanalamin naman talaga sya habang naglalagay pa ng lipstick sa labi, kaya mukha ng clown yung mukha nya dahil sa kapal ng make up nya.

Nakita ko naman na agad syang nairita sa sinabi ko.

"Alam mo ba na halos lahat ng babae sa school na 'to ay kinaiinisan ka? Hindi ka pa nakuntento kay Dylan at pati si Lincoln ngayon nilalandi mo? Sino na isusunod mo? Isa sa mga kaibigan nila? Oh baka naman may balak kang makakuha ng award na most polyamorous girl in the history of the philippines?" Sagot nya.

(Polyamorous- "Many Loves")

Nagkuyom ang kamao ko habang pinanlilisikan sya ng mata. Hindi ko sya pwedeng patulan dahil mas lalo nilang paniniwalaan ang mga pinaniniwalaan nila tungkol sakin.

Maglalakad na sana ako palayo pero may biglang humablot ng buhok ko dahilan upang mapasigaw ako sa sakit.

"Hindi pa kami tapos sayong malandi ka. Matagal na kaming nagtitimpi sayo" sabi ng babae at mas lalo akong sinabunutan.

Nagulat ako ng may nagbato rin ng nagbato ng kung ano ano sakin, mga binayuot na papel at mga bote na ang iba ay may laman pa. Ang iba ay mga hawak nilang pagkain kaya namantsahan na ang buong uniporme ko.

Gusto ko man lumaban, hindi ko magawa. Dahil bukod sa sobrang dami nila, nanghihina na ko dahil sa patuloy na pag agos ng luha ko.

"Lumayo kayong lahat sakanya bago pa ako mismo ang kumaladkad sa inyo palayo" rinig ko na isang pamilyar na boses.

Agad naman nag si layuan ang lahat ng studyante sakin at iniwan akong nakahiga sa sahig.

Nakita ko ang paa ng lalaking papalapit sakin. Unti unti kong inangat ang ulo ko at nagulat ako ng makitang si Lincoln yon.

Umupo sya sa harap ko at tinulungan akong umupo. Nakatuon lang ang tingin ko sa sahig at patuloy umaagos ang luha sa mata ko. Hindi ko sya matignan dahil sa nahihiya ako sa itsura ko ngayon.

Nagulat naman ako ng inangat nya ang mukha ko at pinunasan ang luha sa mata ko.

"Parehas rin talaga kayo iyakin" aniya at binuhat ako.

***

Pagmulat ng mata ko ay isang hindi pamilyar na kapaligiran ang nakita ko.

Nasaan ako?

Agad akong napabangon sa malambot na kama na hindi ko alam kung kanino at kung sino ang may ari ng kwartong ito.

"Gising ka na pala. Nga pala ikaw magpalit ng bedsheet ko, tinuluan mo ng laway" aniya kaya nanlaki ang mata ko.

"Ang kapal ng mukha mo! Hindi ako tulog mantika noh" sagot ko at iniwas agad ang tingin sakanya.

Galing kasi sya sa banyo kaya wala syang damit pang itaas at nakatapis lang sya ng twalya sa may baba ng bewang nya.

Nakita ko naman na medyo tumawa sya.

"Bakit ba pati sa pagtulog, magkaparehong magkapareho kayo?" Bigla nyang tanong kaya napatigil ako.

Hindi ko pa pwedeng sabihin sayo ang totoo Lincoln. Pero huwag kang mag alala, malapit na syang magpakita sayo, konting panahon nalang.

"Kung sakaling bumalik sya, tatanggapin mo parin ba sya?" Tanong ko.

Matagal nya kong tinitigan.

"Simula ng nagkakilala kami, kinulong ko na sya. Maaaring nakawala sya sa rehas ko, pero naka kadena parin sya sa puso ko" seryoso nyang sabi at tinalikuran na ko.

Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako.

Hindi ka nagkamali ng minahal... Ate Delaney.


Agad napawi ang ngiti ko ng muling bumalik sakin ang pangyayari kanina. Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na si Lincoln ang mag sasalba sakin. Dahil si Dylan ang inaasahan kong poprotekta sakin dahil yun ang isa sa pinangako nya.

Akala ko ba ginagawa nya ang lahat ng 'to para protektahan ako? Pero bakit parang kabaliktaran ang kinalalabasan?

Lumabas ako mula sa kwarto ni Lincoln at agad ko naman nakita si Lincoln sa may kusina nya.

"S..si Dylan. Alam na nya ba yung nangyari kanina?" Tanong ko dahilan para mapatigil sya sa ginagawa nya.

"Wala syang alam. Gusto mo pa bang malaman nya?" Tanong nya kaya bigla din akong napa isip.

Dapat pa nga ba nya malaman?

"H..hindi na siguro. Baka kasi magulo ko pa ang plano nyo pag nalaman nya" sagot ko.

"Huwag kang mag alala, hindi ko na hahayaan na maulit pa uli sayo yun" aniya.

Sana nga. Pero kung mauulit man yun, sana sya na ang makikita ng mga mata ko.

Dylan...Protect me.

***

Pls vote and comment po^_^

Enjoy reading:)

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 56 83
This is Kings Of Valentine series #3- Under The Twilight Sky The sky is an infinite movie to me. I never get tired of looking at what's happening up...
11.2K 555 83
Rebecca Allison Brandt, a young fashion model and writer who suffered from an ultimate heartbreak when she broke up with her long time boyfriend. She...
8K 687 37
BOOK 2 'Hihintayin kita hanggang sa dumating na ang tamang oras para sa ating dalawa.' Date started : June 3, 2021 Date finished : August 10, 2021
79.7K 1.2K 71
"For you, a thousand times over." A Juan Gomez de Liaño epistolary novel.