TORTURING HER INNOCENCE °[Kat...

De MadamKlara

306K 7.7K 1.7K

[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then... Mais

Prologue
Advisory
1. Gabbi
2. Danni
3. The Lacsamanas
4. Condo
5. The Palmers
6. Boys and Boys
7. Punishment
8. Birthday
9. Broken Hearts & Egg
10. Love, Gab
11. Lil Sister
12. Happy Birthday
13. No Other Guys
14. Soft N Fragile
15. Scandal
16. Set-Up
17. No More-
18. Flirtations
19. Morning
20. Hunger Game
21. Last Virgin
22. Missing You
23. Sissums
24. Friends
25. Songs
26. Gig
27. Gifts
28. Jillian
29. Survival
30. Work
31. Losing
32. Breaking
33. Tears
34. Love at First Sight
35. Far Away
36. The Return
37. Decade
39. Thank You
40. The Come Back
41. Once Again
42. Missing
Author's Note
43. Give Up
44. End
45. Happy Smiles
Happy Author
Epilogue
PLEASE READ
THE PALMER BROTHER Series

38. Babies

5.1K 138 66
De MadamKlara

May kung anong kumikiliti sa paa ko kaya ako nagising mula sa malambing na tulog. Ano ba kasi 'tong gumagalaw sa may paa ko? Wait— Naglalakad 'yon paakyat sa hita ko. Dumilat na ako ng mata. At mas nagulat pa ako nang makita ang mukhang kinasusuklaman ko.

"Panaginip." Bulong ko sa sarili ko. Kinusot ko ang mata ko hanggang sa dumilat na din ang gago. Nang ngumiti ito sa'kin at napatunayan kong hindi ako nananaginip, sumigaw ako't itinulak siya. Pero gaya ng nangyari noon. Ako ang nahulog!

"Aw! Awr! Awr!"

Ang sakit na nga ng puwet ko, tatakutin pa ako ng asong 'to? Dahil hindi ko naman maigalaw ang puwet kong bagsak na bagsak sa sahig, pumikit nalang ako. Tinanggap ko na ang tadhana kong mamamatay ako dahil sa kagat ng aso. Pero wala namang kumagat sa'kin. Tumahimik narin ang asong kumakahol kanina. Pagdilat ko ng mata ko, mukha ni Uno ang sumalubong sa'kin, ang lapit ng mukha niya sa'kin kaya iniwas ko ang mukha ko.

"Ouch!" Hiyaw ko ng tumama ang noo ko sa paa ng bedside table niya. "Aray ko."

"Gabriella, sorry." Sambit niya saka umambang hawakan ako. "Sorry Gab. Sorry."

"Wag mo 'kong hawakan!"

Sinubukan kong tumayo mag-isa pero takte, ang sakit din pala ng likod ko. Nakakainis talaga 'tong tao na 'to! Kahit talaga kailan, pahamak siya sa buhay!

"Hindi mo naman kaya e." Talak niya saka diretso akong binuhat at pinaupo sa kama.

"Gabriella, Gabbi, Gab, Ella, Gabriel! Out! Out!" Sigaw niyang nagpakunot ng noo ko. I looked past behind him and I saw five dogs heading out of the room.

"Seriously Uno?"Nanggagalaiti sa inis na singhal ko.

"Seriously what? Gabriella?" Sasagot na sana ako pero napakamot siya. "Gabriella, it's not you. I'm not talking to you." Sabi niya sa asong karga-karga niya palabas. Ni-lock niya ang pinto at nilapitan ako. "What were we talking about Gabriella?"

"You are a moron." I told him with emphasis and a glare.

"I know that. Okay? I know Gab."

"But seriously? Ipinangalan mo sa'kin ang mga aso mo? Gago ka ba?"

"Gabriella, hindi lang ikaw ang Gabriella sa mundo."

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Sigaw ko sabay hampas sa kanya ng unan. Nakakainis dahil tumawa lang siya. Hindi na talaga ako nakapagtimpi, inabot ko ang maliit niyang alarm clock at 'yon ang hinagis sa mukha niya. Woah.

"Aw!" He groaned. Tumakbo agad siya sa salamin para tingnan ang natamaang parte ng pisngi niya.  "Gabriella, bakit ang bayolente mo?" Sita niya sa'kin nang harapin ulit ako.

"Kasi ang gago mo!" Walang kiming sigaw ko.

"Ano ba'ng ginawa ng mukha ko sa'yo? Gabriella naman, aso na nga lang ang nagmamahal sa'kin ngayon e pinagseselosan mo pa."

"Ano?"

"Ano'ng ano?"

"Alam mo, ikuha mo 'ko ng icepack do'n at nang maibsan man lang 'tong sakit ng puwet at likod ko. Wala ka talagang kwenta ano?"

"Fine. Ikaw naman lagi ang masusunod." Napahiga ako sa kama at tinakpan ng unan ang mukha ko. Sumigaw ako sa sobrang inis. Bakit ba kasi ako napunta dito in the first place? Nakakabwiset! Kasalanan 'to ng driver na 'yon e! Kung hindi niya sana binanggit ang salitang sunog, hindi na sana ako concern sa kanya! Peste talaga! Ang kapal ng mukha ng Uno na 'to! Ipinangalan pa sa'kin ang mga aso niya! Iyon ba 'yong nangingiliti sa'kin kanina kaya ako nagising? Nakakainis.

"Let me check your forehead." Biglang sabi niya. Hindi ko man lang siya namalayang bumalik. "Gabriella. Move that pillow. I'll check your forehead." Sumunod nalang ako dahil medyo masakit din kasi 'yon. Baka namaga na nga e. "May bukol, pero mawawala din 'yan after a few minutes. Sa'n pa nga 'yong masakit sa'yo?" Tanong niyang nagpalaki ng mata ko. "Gabriella, tinatanong kita."

"Naririnig ko, Palmer. Ayaw ko lang sabihin sa'yo. Tsk. Akala ko ba matalino ka, ba't hindi mo man lang makita kung ano ang obvious?"

"Matalino ako na may malabong paningin."

"Pati pag-iisip." Bara ko sa pagyayabang niya. "Ba't ba kasi hindi mo 'ko sa'min inuwi?"

"Paano ko malalaman? Ilang ulit kitang ginising e ayaw mo namang sumagot."

"Gago ka talaga. Paano sasagot e tulog nga? At saka, 'wag mong madahilan na hindi mo alam kung sa'n ang bahay namin dahil palaging pumupunta do'n ang mga kapatid mo."

"Sorry Gabriella but I really don't know. Matagal na akong wala sa'min."

Natahimik ako sa sinabi niya. Tsk. Bakit naman siya magsasarili? Hala. Baka may asawa na 'tong gunggong na 'to!

"Teka, nasaan ang asawa mo?"

"Huh?"

"Baka sugurin ako dito at magkapasa pa ulit ako."

Tumawa siya't kinuha ulit sa'kin ang icepack. Siya ang nagdampi no'n sa noo ko.

"Wala akong asawa Gabriella. At wala akong balak mag-asawa. Okay na 'yong lima kong anak."

"What the hell? May mga anak ka?" Hindi makapaniwalang bulalas ko.

"Kanina mo lang nakilala, nakalimutan mo agad? Si Gabriella, Gabriel, Gabbi, Gab at Ella? Babies ko." Nakangiting saad niya patungkol sa mga aso niya. "Ikaw Gabriella, kumusta ka na?"

Inilayo ko sa noo ko ang icepack na dinadampi niya do'n. Sinubukan kong tumayo pero takte, ang lakas talaga siguro ng pagkakabagsak ko. Ang sakit talaga ng katawan ko. Hindi ko man lang magawang mag-unat, ang sakit e.

"Wag mo muna kasing pilitin. Iche-check ko nga kasi—"

"Subukan mo Uno! Mapapatay kita!"

"Para i-check lang e." He even murmured. "Humiga ka muna diyan, ipagluluto kita ng breakfast."

"Hindi na. Uuwi na ako."

"Sige. Go, umuwi ka. Hindi kita tutulungang tumayo o lumabas. Umuwi ka." Nakangising wika niya bago ako iniwan sa kwarto.

Ack. Ang sakit talaga ng likod ko. Yong  puwetan ko talaga ang mas malala. Ba't ba kasi ang OA ko at nanunulak ako? Letche talaga e. Wala akong nagawa dahil hindi ko naman talaga kayang tumayo, humiga nalang ako ng maayos. Inikot ko ang mata ko sa kabuoan ng kwarto. Walang nagbago. Parang kung ano ang hitsura nong huli akong nandito, gano'ng-gano'n parin. Nang mapalingon ako sa bedside table, nando'n parin ang picture namin na ginuhit ni Daniella. Napahawak ako ng mahigpit sa picture frame. Bago pa 'yon madurog o mabasag sa kamay ko, isinauli ko na ito sa mesa. Tumagilid ako ng higa at tuluyang tumulo ang luha ko. Bakit nararamdaman ko parin ang sakit? The doesn't even ease a bit. It even intensified this time. Nahihirapan akong huminga.

"Stop Gab. Stop." Bulong ko sa sarili ko. Pero ayaw na tumigil sa pagtulo ang luha ko. Lalo na nang  marinig ko ang boses ni Uno.

"Breakfast's ready, sungit—Gabriella?" Naramdaman ko siyang lumapit dahil hinawakan niya ako sa braso. "Gab? Why are you crying?"

"Ang sakit Uno..."Parang batang sumbong ko. "Ang sakit ng noo ko... ng likod ko. Ang sakit ng katawan ko."

"Sorry. Sorry, Gab. What can I do to help?" He panicked, sounding so concern. It felt real like as if he still cared and my heart is hurting again.

"Wala."

Pinunasan ni Uno ang pisngi ko at inalalayan akong bumangon.

"Kumain ka muna, Gab. Ihahatid kita after breakfast." Malambing niyang sabi. "Let me feed you."

"No. Kaya ko, Uno. Okay lang. Ako na." Sabi ko't ngumiti. Inilagay ni Uno ng maayos ang bed table na may nakalapag na mga pagkain. "Samahan mo na ako."Yaya ko sa kanya.

"Okay lang?"

"Ano ka ba? Sinabi ko na nga e."

"Thank you." Seryosong sambit niya.

"Kain na tayo." I just said to shove the awkwardness between us.

Nangako siyang ihahatid niya ako pagkatapos kumain pero ang kumag nagpapunta pala ng masseuse sa condo. Pero lihim kong ipinagpasalamat 'yon dahil kailangang-kailangan pala ng masahe ng katawan ko. Sa sobrang relaxing ng feeling nakatulog nga ako. Ginising nalang ako ni Uno para sa tanghalian. Nagulat ako dahil hindi niya ako tinitingnan. Ano'ng problema? Sa pader siya nakatingin e kanina wagas makatitig sa'kin. Then, I remembered that I had my massage hours ago. Napalunok ako habang sinisilip ang sarili ko sa ilalim ng kumot. Wala akong damit.

"Kain na ulit tayo." Natatawang sabi niya para basagin ang katahimikan sa silid.

"Sorry. Nakatulog ako." Tinampal ko ang noo ko. "Ah. Pwedeng? Pakikuha ng phone ko? Kailangan kong tawagan sila tatay e."

"Sure. Anyway, binilhan din kita  ng damit. Lalabas lang ako saglit. Mukhang naiwan ang phone mo sa kotse."

"Thank you."

Nagmamadali akong magbihis. Medyo masakit parin ang puwetan ko pero in fairness, nakakatayo na ako at hindi narin masakit ang likod ko. Takteng Uno na 'to. Ba't kailangang dress ang ipasuot sa'kin?

"It fits."

Napalingon ako sa biglaang pagsasalita niya. Nakangiti si Unong nakatitig sa'kin kaya nailang ako. Kinuha ko nalang ang phone kong inabot niya. At wow lang, lowbat. Chinarge ko muna 'yon saka sinabayan si Uno sa pagkain.

"Gab."Tawag niya sa kalagitnaan ng tanghalian namin. Nag-angat ako ng tingin. "I've been thinking if I should say this or not." He paused and stared at me. "I'm happy to see you, Gabriella."

Hindi ko alam ang sasabihin ko. Parang sasabog 'yong puso ko sa sobrang kaba at sa kirot na dala ng sinabi niya.

"Ilang taon na kitang hindi nakita. It felt hood to see you doing fine with your life. I know you hate me and I deserve it. I'm just happy to see you."

"Uno... I-"

"Wala kang kailangang sabihin Gab. Alam ko namang ayaw mo na akong bumalik sa buhay mo."

"Forget it. Ang tagal na no'n Uno. Okay na ako." Saad ko para 'wag ng mapag-usapan ang nangyari. "Okay na ako." I iterated. "Okay ako."Dugtong kong muntik magpaiyak sa'kin sa harap niya.

"Sige. Kumain ka na. Para maihatid na kita. Sigurado akong nag-aalala sila sa'yo."

Nagpatuloy kami sa pagkain. Nang biglang sumilip si Uno sa ilalim ng mesa, nagtaka ako kaya pinanood ko siya.

"Gabriella, napaka-clingy mo."

What? Clingy? Sumilip ako kaya nakita kong ang aso pala ang tinutukoy niya. Natawa ako ng bahagya. Nakakailang na magkapangalan kami ng aso. In fairness, maganda naman 'yong aso. Ang cute-cute.

"Pwede kong hawakan?" I requested and bit my lower lip, feeling embarrassed for asking.

"Sure. Wait." Kinarga niya 'yong aso saka lumapit sila sa'kin.

"Ang cute niya." Natutuwang anas ko habang hinahaplos ang furs nito. "Ano'ng breed niya?"

"Shih Tzu. Look at her, she likes you."

"Or maybe clingy lang talaga siya." Ang ganda ng furs niya tapos ang bango pa. "Wait. Is this normal? Her eyes are reddish."

"Talaga ba?" May pag-aalalang rumehistro sa mga mata niya. "She's not well. I have to take her to her doctor."

"Tara. Sasamahan kita."

"Are you sure? Okay lang?"

"Kaya siguro nagiging clingy kasi 'di maganda ang pakiramdam niya." Pahayag ko habang nasa biyahe. "Eh? Yong mga naiwan sa bahay, sinong nagbabantay do'n?"

"Si Baste." Sagot niya. "Anak ng dati naming katulong sa bahay. Scholar ko. Agriculture ang kinukuha niya ngayon. Magpo-proceed for Vet in two years."

"Eh pag may klase? Di ba hindi pwedeng walang kasama sa bahay ang aso?"

"May kaibigan ako sa kabilang unit. May aso din siya. Tapos nagvolunteer siya minsan kaya kapag kailangan, iniiwan ko nalang ang mga babies ko sa kanya."

Nasa clinic  na kami at naghihintay lang ako sa waiting area. Si Uno naman, kasama do'n sa loob kung saan chinecheck ang alaga niyang aso. Mukhang magkakilala sila ng doctor e. Mayamaya ay sinamahan niya rin ako sa waiting area. Tahimik lang kami dahil wala rin naman akong sasabihin.

"Uno?" Tawag ng isang babaeng nagpalingon sa'ming pareho. "Why are you here?"

"Ah. Si Gabriella. Mukhang may sakit." Tumingin sa'kin ang babae kaya napatingin rin si Uno sa'kin. "Ah. Gab, ito pala si Loisa, 'yong naikuwento kong taga-kabilang unit." Oh. Babae pala ang iniiwanan niya ng mga alaga niya. "Loisa, si... Gabriella."

"Uno, of course. I know her. I still remember her actually. I'm happy to see you together again." Nakangiting pahayag nito. "Iba talaga kapag true love."

I smiled awkwardly at her statement. Hindi ko rin alam ang sasabihin ko kaya nginitian ko nalang siya. Kinailangang iwan si Gabriella sa clinic for further observation. Magpapahatid na sana ako pauwi ngunit naalala kong naiwan sa condo ang phone ko.

"Okay na ako. Magtataxi nalang ako." I told him when he walked me to the door.

"It's a few minutes before seven. Maybe, you should have dinner first."

"Hindi na— Wait. Yong tagiliran mo? It's bleeding."Natatarantang sambit ko. Automatically, my hand slid up his shirt. "Uno?"

"Gab." Hinawakan niya ang kamay kong nakahawak kanina sa shirt niya. "I'm okay. Ako na ang bahala dito."

"You don't look okay, Palmer! You have a stitch that's bleeding! What have you been doing with your life anyway? Ba't may tahi kang ganyan kahaba?" Naiinis na sumbat ko.

What annoyed him more is seeing him staring at me with a smile plastered on his lips. I can no longer feel my heart. I am so scared looking at that bleeding stitch. Thinking of the possibilities of how he got it, I didn't see coming when Uno pulled me close and wrapped me inside his arms.

"I miss you Gabriella. I miss you and it hurts so bad. It hurts so bad."




Continue lendo

Você também vai gostar

6.7M 90.3K 62
First of all wag kayong mag expect sa story ko na to ha. First time nga kaya d pa gaano ka perfect hihi. Appreciate niyo nalang at kung wit niyo bet...
496K 10.1K 56
FOREVER is a battle between LOVE, SACRIFICES and PAIN.. Reached: #11 in Fanfiction ©TheBestDamnThingxx Start: 12/21/2014 End: 10 /21/2015 ~Alyssa
1.2M 4.7K 11
Paano kung na buntis ka ng isang lalaking sikat? anong gagawin mo? And What if one day nalaman niyang anak niya ang dinadala mo? Sasabihin mo ba ang...
70.5K 1.6K 45
Dare: 10 nights with a stranger. Will you fall in love or not? Iyan ang nai-post ni Heizel, matapos siyang masaktan ni Denver. Isang lalaki ang sumag...