Every Beast Needs A Beauty (G...

By jonaxx

151M 3.3M 1.7M

Bata pa lang ay namulat na si Sunny na tatlong bagay lang ang kailangan niya sa buhay: bahay, pera, at pamily... More

Every Beast Needs A Beauty
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 59
Kabanata 60
Wakas
Notes

Kabanata 58

1.8M 46.3K 14.8K
By jonaxx

Kabanata 58

Coron

Hindi ko maaalala kung paano ako nakawala sa mga kamay ng security. Hiningal ako sa kakatakbo palayo sa building. Nasa gilid na ako ng kalsada ngayon, mabilis ang pintig ng aking puso at sobrang sakit nito.

Tinukod ko ang aking kamay sa aking tuhod at hinabol ang aking hininga. Dinig ko ang mga yapak na sumusunod sa akin.

"Sunny, asan na ang pera?" Ani Uncle habang pumipikit pikit pa ako sa kakahingal. "Wa'g mo na kaming paghintayin! Pwede nang lumabas ang Auntie mo! At kapag di ka magbibigay ng pera ngayon ay mas lalong lalaki ang bayarin sa ospital!"

Halos mahilo ako sa kakahingal ko ngunit pinilit kong maging maayos. Kabado parin ako sa kahihinatnan ng mga ito. Ayaw kong maapektuhan ang baby ngunit pakiramdam ko ay kapag nandito pa ako ay mas lalo lang itong lalala.

"Ano?" Ani Uncle.

Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera.

"Ibenta na kasi 'yang singsing mo!" Ani Patricia, tinitingnan ang singsing ko sa daliri.

Itinago ko ang aking daliri. Kahit na alam kong sa ngayon ay wala na itong halaga, hindi ko parin kayang isuko ito.

"Manghingi ka na lang ulit sa mayaman mong asawa!" Ani Patricia.

Kasabay nito ang pagkakakita ko kay Ezra sa kanyang likod. Tinagilid ni Ezra ang kanyang ulo at ngumisi siya sa akin. Kumalabog ng husto ang puso ko. Bakit siya sumunod? Ang buhok niya ay medyo naayos na galing sa pagkakasabunot ko.

"May pera siya, ayaw niya lang kayong bigyan." Malamig na sambit nang nakangiting si Ezra.

Nilingon ni Uncle at Patricia si Ezra. Hindi ko mawari kung ano ang pinaplano ni Ezra. Ngunit nang ihagis niya sa harap ko ang isang bag na kulay itim at naglakad siya palapit sa amin ay napagtanto ko rin.

"This is your last chance, Sunny." Ani Ezra at humalukipkip. "Your mother's money in cold cash at ang pag layo mo, o baka naman gusto mong makita 'yong kasal namin ni Rage? Wala ka nang magagawa. This is a business and family thing. This is what's more important, keeping the legacy. Hindi ikaw at hindi kailanman 'yong nararamdaman mo."

Dinampot ni Uncle ang bag na nasa baba. Mas lalong lumaki ang ngiti ni Ezra habang tinitingnan si Uncle na binubuksan ang bag. May lalaking naka itim na lumapit kay Ezra. Sa tikas nong lalaki ay alam ko na agad na isa ito sa mga security ng kompanya nina Rage.

"Ma'am, 3 minutes at tatawagin ka na sa loob para sa announcement ng engagement niyo ni Mr. Del Fierro." Aniya.

Pinanood ko ang pagngiti at pag tango ni Ezra.

Sumikip pa lalo ang dibdib ko. Hindi ko yata kakayanin ito. Umikot ang paningin ko at biglang nag dilim. Pumikit ako at nanatiling nakatayo kahit na gustong gusto ko na lang manghina at humandusay.

Blanko ang pandinig ko. Para bang nabibingi ako. Ilang sandali pa bago nagbalik sa dati ang pandinig at paningin ko at kasabay non ang pagdedesisyon ko. This is not good. This is not good for my baby.

"Sunny! Ang daming pera nito!" Sabi ni Uncle habang kinakalkal ang loob ng maliit na bag na agad kong hinablot.

Sabay nila akong tiningnan ni Patricia. Parehong nakakunot ang noo nila.

"Puntahan na natin si Auntie." Sabi ko habang nakatingin kay Ezra.

Mas lalong lumaki ang ngiti ni Ezra a bago ako tinalikuran ay nagsalita pa... "Good girl. Don't worry, di na manggugulo si Rage sayo. Tsaka, magpapabuntis na rin ako para di ka na niya hanapin at 'yong baby."

Nalaglag ang panga ko at nangilid ang luha sa aking mga mata. Hindi ako makapagsalita kahit na ilang beses akong matigas na tinanong ni Uncle kung buntis ba ako at saan nanggaling ang perang ito.

Halos ayaw kong galawin ang perang iyon. Hindi ko kayang buksan kahit nasa harapan ko na nong nag taxi kami patungong ospital.

"Huy, Sunny, sumagot ka kasi tinatanong kita! Buntis ka ba?" Tanong ni Uncle.

Lumandas ang luha sa aking mga mata. Nakapag desisyon na ako. Lalayo ako. Lalayo ako ng tuluyan. Hindi ko alam saan ako patungo dahil sa totoo lang, wala akong patutunguhan dito.

"Trenta mil, hindi ba, Uncle?" Tanong ko pagkalabas namin sa taxi.

Hinahabol ako ni Uncle dahil sa bilis ng lakad ko patungo sa room ni Auntie. Hindi siya makasagot. Para bang nag aalinlangan siya sa isasagot niya sa akin. Nilingon ko siya at nagkamot siya ng ulo. Nang nasa tapat na kami ng pintuan ay si Patricia ang nag bukas nito. Nakaupo si Auntie, mukhang mahina parin ngunit natanggal na ang mga tube sa kanyang katawan.

"Sunny!" Umaliwalas ang kanyang mukha nang nakita niya ako.

Niyakap ko siya at niyakap niya ako pabalik. Halos hawig nito ang pakiramdam ng yakap ko kay mama at hindi ko magawang hindi maiyak. Miss na miss ko na si mama. Miss na miss ko na ang magkaroon ng pamilya. 'Yong pakiramdam na alam mong kahit saan ka mapunta ay alam mong may uuwian ka. Kasi sa ngayon, pakiramdam ko wala akong mapuntahan.

"Auntie!" Sabi ko habang yakap yakap ko siya, umiiyak.

"Sunny, a-ayos ka lang?" Haplos ni Auntie sa buhok ko.

Pinunasan ko ang mga luha ko at kumalas sa yakap sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko at ramdam ko ang lamig ng kanyang kamay.

"May problema 'yan, ma. Nabuntis. Akala ko pa naman maprinsipyo ito, 'yon pala, nabibilog din." Bahagyang tumawa si Patricia sa gilid.

Nanlaki ang mga mata ni Auntie at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. Hindi ako makatingin sa kanya.

"Sunny, totoo ba 'yon?" Ani Auntie.

Dahan dahan akong tumango. Humalakhak pa si Patricia.

"Saan ka tumitira ngayon? Bumalik ka na sa bahay." Sabi ni Auntie at nagulat ako dahil walang imik si Uncle at Patricia.

Umiling ako at tinanggal ko ang kamay ni Auntie sa aking pisngi. Kinuha ko ang itim na bag at habang umiiyak ay nagbilang ako ng pera.

"Ano 'yan, Sunny?" Tanong ni Auntie.

"Auntie, para sa gastusin mo dito sa ospital." Sabi ko.

Pinigilan ni Auntie ang aking kamay. "Saan mo nakuha ang perang iyan?"

"Kay mama. Sa kay tito Marco Del Fierro." Sabi ko at nakita ko kaagad ang panlalaki ng mga mata ni Auntie.

"Kung ganon, nagkita na kayo?"

Tumango ako at kinuha ang forty thousand pesos at nilagay sa palad ni Auntie. "Tulong ko po 'yan sa inyo."

Humakbang si Uncle para tingnan ang perang nasa kamay ni Auntie. Nakita ko ang pamumula ng mata ni Auntie. Niyakap niya ulit ako at hinaplos niya ang aking likod. Nahabag ulit ako at hindi ko mapigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Umuwi ka na muna sa amin. Alagaan natin 'yang baby mo." Sabi ni Auntie.

Umiling ulit ako. "Hindi pwede, Auntie. Kailangan kong lumayo." Sabi ko.

Ayaw ko nang sabihin kung bakit gusto ko nang lumayo doon. Iniisip ko na baka maubos ko ang pera sa kakatago kaya kailangan ko ng lugar kung saan malayo dito sa Maynila. Wala akong maisip. Baka kailangan kong pumunta sa probinsya, ngunit saan?

"Saan ka titira, Sunny?" Tanong niya.

"Ewan ko po pero basta lalayo ako. Sa Aurora o kahit saan basta malayo dito. Kailangan ko pong lumayo."

Tinitigan ako ni Auntie. Alam kong marami siyang gustong itanong pero sa ngayon ay wala akong lakas na sagutin ang lahat ng iyon. Gusto ko na lang lumayo agad at huwag ng magpakita. Mag iisip ako ngayon ng para sa aking anak dahil alam kong kahit anong gawin ko ay hinding hindi ako pwede kay Rage.

Kung totoo ngang magpapakasal na sila ni Ezra ay sobrang sakit nito at hindi ko yata kayang tanggapin. At kung ipaglaban niya man ako ay hindi ko rin kayang makihalubilo sa kanyang pamilya. Hindi ko rin siya pwedeng papiliin. Pamilya niya iyon at wala akong karapatang papiliin siya sa isang bagay na sa kanya.

"Kailangan kong lumayo. Kailangan kong umiwas. Aalis na po ako ngayon." Sabi ko kay Auntie.

"Hindi ko alam kung bakit kailangan mong lumayo o umiwas, Sunny. Pero gusto kong malaman mo na may maliit na bahay si Amelia sa Coron. Sa Palawan, Sunny."

Nanlaki ang mga mata ko. Palawan? Malayo 'yon.

"Patricia." Sabi ni Auntie at nilingon ang anak niya.

Tumikhim si Patricia at may kinuha sa kanyang bulsa.

"Pasensya ka na, Sunny. Ito 'yong huling naisip kong paraan para makabayad dito sa ospital. Dapat sana ay isasangla na lang namin 'yong titulo ng lupa ni Amelia. Titulo niya ito sa lupa niya sa Coron."

Ang nalukot na mga papel ay inilahad ni Auntie sa harap ko at kitang kita ko ang dokumentong nagpapatunay na may bahay at lupa si mama sa Coron, Palawan.

"Binili niya ito nong nagka pera siya sa kakainvest sa kompanya ni Marco. Para dapat ito sa inyo. Gusto niya manirahan sa isang payapang lugar, siguro dahil gusto niya ring lumayo kay Marco. Ayaw niya ng gulo. Ngunit bago pa kayo nakalipat ay nagkasakit siya." Ani Auntie habang inaalala si mama.

Nanikip ang dibdib ko. Magkahalong galit, awa, at panghihinayang ang nararamdaman ko. Galit sa lahat ng nangyari, awa kay mama dahil hindi na namin naranasan ang buhay na gusto niya, panghihinayang sa galit ko noong buhay pa siya, ni hindi ko inisip kung gaano siya nahirapan.

"Pasensya ka na, Sunny. Wala kasi talaga kaming pera kaya ito ang naisip naming isangla. Ayaw ko sana ngunit wala akong magagawa. Tutubusin ko rin naman."

"Wa'g na, Auntie. May pera na kayo ngayon. Wa'g na kayong mag alala."

Tumango si Auntie at nakita ko sa kanyang anggulo ang mukha ni mama. Hindi ko kayang hindi maiyak ulit ngunit agad kong inayos ang sarili ko.

There's no time left. I need to go.

"Sana po ay huwag niyo sabihin kahit kanino kung nasaan ako. Kokontakin ko kayo sa susunod na linggo, Auntie. Sana maging maayos ka na. Gusto kong malaman ang kalagayan niyo. Pasensya na po talaga." Sabi ko.

Umiling si Auntie. "Pwede ka naman sa bahay pero kung gusto mo talagang umalis ay di kita pipigilan."

Tumango ako at hinilamos ang palad ko. Kailngan ko nang umalis. Isang beses kong niyakap si Auntie. Nilingon ko si Uncle na walang ginawa kundi manood. Nilingon naman ni Auntie si Patricia.

"Patricia, tulungan mo ang pinsan mo." Sabi ni Auntie.

Nakita kong pinanood ako ni Patricia bago tumango at lumabas ng kwarto. Ngumiti ako kay Auntie at sumunod na rin sa labas.

Umirap si Patricia at pinasadahan niya ng daliri ang kanyang buhok. "Anong gagawin natin?" Tanong niya.

"Kukunin ko ang damit ko sa condo ng kaibigan ko."

Tiningnan ko ang cellphone kong walang ni isang text. Pinatay ko ito at tinanggal ko ang battery at kinuha ang sim. Pagkalabas namin ng ospital ay tinapon ko ang sim nito sa basurahan. Pumara ako ng taxi at sabay kaming pumunta sa condo ni Kid.

Pagkarating namin doon ay abandonado ang buong kwarto. Naka pack na ang gamit ko kaya hindi na ako nahirapan. Naka balot na ito kasi nagplano akong kina Rage na nga tutuloy pero ngayon ay wala na ang planong iyon. Parang ang tagal na non. Parang hindi ko na maaabot iyon.

"Bilhan ba kita ng bagong sim? Saan ka kukuha ng ticket para sa eroplano?" Tanong ni Patricia habang tinutulungan ako sa maleta ko.

"Sa airport na." Sagot ko.

Pagkatapos kong kumuha ng plane ticket sa ticketing office ay dumiretso na ako sa terminal ng airport. Nilingon ko si Patricia nang ibigay niya sa akin ang aking maleta.

Ngumiti siya at hindi ko maipagkakaila na may pagkakapareho kami sa mukha. Nakita kong bahagya siyang kumaway. Tumango ako at tinalikuran ko siya para pumila sa mga pasaherong aalis din, tulad ko.

Itinago ko ang cellphone ko at nakisali na sa dagat ng mga taong nagmamadali para maabutan ang flight nila. Hindi ako nahirapan. Iniisip kong pagkadating ko ng Coron ay maghahanap agad ako ng ospital at magpapacheck up sa lagay ng aking baby.

Yakap ko ang jacket sa isang mainit ngunit mahanging araw sa Busuanga. Bumili ako ng mapa para mas madali ang byahe. Nilingon ko ang paligid at punong puno ng bakasyunista ang naroon. May mga foreigner at mga pinoy na parehong mukhang magbabakasyon dito. Sa tanawin pa lang na ito ay gumaan na ang pakiramdam ko.

"Saan po sasakay patungong Bogtong?" Tanong ko sa isang security guard sa airport.

Tinuro niya sa akin kung saan. Tiningnan ko rin sa mapa at alam kong medyo malayo pa iyon dito ngunit na eengganyo ako tuwing nakikita kong malapit ito sa dagat.

Sa byahe ay pinilit kong isipin ang tanawin ng lugar at ang buhay ko simula ngayon. Gusto ko nang kalimutan 'yong dati. Gusto ko nang tigilan ang pangangarap at alam kong makakaya kong tigilan ito balang araw, para sa anak ko. Simula ngayon ay kaming dalawa ang mamumuhay. Mamahalin ko siya ng husto at lubos. Hinding hindi ko kayang makitang maramdaman niyang may mga taong ayaw sa kanya. Na may mga taong hinihingi na sana ay mawala na siya. Gusto kong ibalot siya sa pagmamahal. Sana ay maintindihan niya kung bakit ko siya inilayo. Sana ay hindi siya magalit. Inilayo ko lang siya para maprotektahan ko siya dahil ang nararapat lang sa kanya ay pagmamahal, hindi ang pagtatakwil na kayang iparamdam ng pamilya ni Rage sa kanya.

If losing Rage would mean better things for my child, then I'm willing to lose him. This isn't about me and Rage anymore. This is for my child and what he/she deserves. I love you, baby. Hinawakan ko ang tiyan ko. Poprotektahan kita kahit anong mangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

119M 2.7M 65
Portia Cecilia Ignacio is a model daughter. Siya na ang mahal na mahal ang kanyang mga magulang. Gagawin niya ang lahat para lang sa ikakasaya ng pam...
64.1M 1.3M 54
If you hate something, would you change it? And if you change it, will you like it? Hindi alam ni Charity kung bakit ayaw na ayaw sa kanya ni Jayden...
3.4K 306 53
LSU Series #1 Lee State University is a fictional school located in Tanay, Rizal. This story is also the first installment of Lee State University se...