Anj's Point of View.
*Next Day!*
*BANGBANG!*
"AY LECHE KA!" nagising ako sa kalampag ng pinto ng kwarto ni Rj.
"*yawns* Ano ba naman yan!!"-Therese. Ayos na pala si Reese kagabi, hindi kasi sya natunawan sa dami ng chocolates na NILAMON. Oo, nilamon! Kulang pa ang word na KINAIN dun eh.
"UGH. Malaman ko lang kung sino yan! Nako, nako."-Ishie. Lahat kami nakatayo na.
Paano nga kami nagkasya dito sa kwarto ni Rj? Malamang malaki ang room nya, gray and apple green yung combination. Sa guest room nga pala natulog yung iba (Vmigs, Rj, Jay, Lenz, Rovi at Janu). Umuwi naman yung iba.
"Anong oras na ba?"-Ciabelle. Nakakunot na rin ang noo ng loka.
"7 palang!?"-Ann. Napatingin naman kami sa wallclock.
Dali-dali na naming binuksan yung pinto at hinanap ang mga leche. Nakita namin sila sa Living Room na humahagikhik. Nagkatinginan kaming 5, lamnadis. Pumunta kami sa kusina at naghanap ng
.
.
.
.
.
.
WHIP CREAM.
=========
Ciabelle's Point of view.
"Ako na nga nagpakain, ako pa maghuhugas!?"-Vmigs. Kakatapos lang namin kumain, kaya nga pala sya nagpakain ng breakfast samin kasi sya pala ang kumatok sa pinto namin ng pagkalakas-lakas tho lahat sila nilagyan namin ng whipcream.
"Your fault." sinamaan nya naman ako ng tingin. Eh bakit ba?
*phonerings*
09********* calling....
"HELLO?" ang ingay kasi dito kaya kinakailangan kong lakasan.
("Ciabelle....") kailangan may pabitin effect ganern? Yung boses nya parang pilit na ewan eh, parang tumatae. HAHAHA!
"Yes?" lumayo-layo na ako bale nasa veranda ako ng kwarto ni Rj.
("This is Paula, C-Ciabelle. I just wanna tell you something.") napakunot naman ang noo ko do'n. Problema nento?
"What? Another lie again? C'mon! I've had enough! He's all yours, I don't freaking need him anymore. I'm not that DESPERATE and PATHETIC like YOU!" binabaan ko na sya. Pambwiseeeeett eh. Well NAGING desperada naman ako. Oo, inaamin ko yun pero natauhan nako.
Tawag naman nang tawag si Paula, patay naman ako nang patay.
"Bakit di mo kaya sagutin? Hindi naman natin malalaman kung hindi susubukan, aight?"-Rovi. Napalingon naman ako sakanya. May point sya. Kaso ewan ko.
"I don't want to." tungkol nga pala sa deal chuchu namin na REBOUND chuvanesszxc, hindi nako pumayag dahil mahirap na baka masaktan ko sya and WORSE masaktan ulit ako.
"What the hell!?" hinablot nya kasi yung phone kk at may sinagot na tawag.
"Oh."-Rovi. Binibigay na nya sakin, hinablot ko naman agad.
"Ano bang problema mo, Paula!? Hindi na nga ako nanggugulo ---"
("Belle.....") narinig kong familiar na boses sa kabilang linya. Napatingin ako kay Rovi, at nagkibit balikat lang sya. Haynako.
"What?" naiirita nako. Eto na yun eh, eto na yung time na kakalimutan ko na sya kaso babalik na naman sya. Hutena, ang saya dibuuuuh?
("Ciabelle, I m-m-missed....... you.") taksil na mga luha. Fishtea kayo.
"Okay." trying not to sound affected. Narinig kong may umagaw sa kabilang linya.
("Belle, can we meet?") pa-special? Ayaw pa sa phone? Choosy?
"When and where?" para matapos na rin tong kahibangan na to.
("Coldstone sa MOA, mamayang 3.")
"Kdot." binabaan ko na sya.
---
"Thank God, you came."-Paula. K? Pake ko? Tumingin ako kay Carlos at inirapan sya.
"Stop. Sabihin mo na kung ano gusto mong sabihin!" mukha naman silang nabigla. Kung akala nya na di ko sya kayang kalabanin, well ngayon hindi nako papaapi.
"Uhmm, I don't know where to start. But first, I just want to say sorry sa mga bagay na nagawa ko sayo."-Paula. Tumayo si Carlos, salamat naman at naisipan nyang bilhan kami ng ice cream, eh ano?
"Bakit? Kinukuha ka na ba ng pinsan mong si Satanas?" inirapan ko na naman sya. Nako, baka mabanlag ako nento. Chosszxc.
"Ciabelle, please? Please, patawarin mo ko sa nagawa ko."-Paula. Ano ba kasing meron!?
======
PAULA'S POINT OF VIEW.
Alam kong lahat kayo galit sakin, kasi ang SAMA-SAMA ko. Pero hindi nyo alam na hindi talaga totoo ang mga nangyayari.
"Ano ba kasing meron!?"-Ciabelle. I can't blame her kung bakit galit na galit sya sakin.
*Flashback!*
"MOM! DAD! ANO PO BA KASI TALAGA ANG MERON SAKIN!?" ilang araw na kasi simula nang mahimatay ako nang mahimatay at lagi akong namumutla, nagpa-check naman kami ngayon kaso hindi sinasabi nina Mom and Dad ang results sakin. Umiiyak na sila ngayon.
"Anak *sniffs* We don't want you to get hurt. I'm sorry."-Mom. I. DONT. UNDERSTAND. WHAT. THE. HELL. IS. HAPPENING.
"Nung araw rin nayun, napag-alaman kong may butas ako sa puso tumakas kasi ako nun sa kwarto sa ospital para malaman kung anong meron. Curiousity kills. Pero ang nakakamatay pala ay yung laging pag-aalala sa kalagayan ko." nakita kong gulong gulo parin si Ciabelle sa mga nangyayari.
"Paula....."
"Carlos...."
Pinakiusapan kasi ako ni Carlos na magmeet daw kami ngayong araw. Sakto naman ang paglabas ko galing ospital. Plano ko na rin kasing sabihin sa kanya.
"Sige ikaw na muna, Paula."-Carlos. Nagulat ako kasi hindi na yung kadalasang tawag na sakin ang ginagamit nya ngayon.
"No, ikaw na." nginitian ko sya. Mukhang importante kasi sasabihin nya sakin.
"Uhmm, Paula...... Maghiwalay na tayo."-Carlos. Bakit ngayon? Bakit ngayon pa?
"P-pero bakit?"
"Nalaman ko rin na meron pala kayong relasyon. *hik* Sana Ciabelle sinabi mo sakin *hik* kasi bestfriend kita diba? Pero bakit ginawa mo kong TANGA? *hik* Kung sa simula palang ikaw pala nililigawan nya? Bakit kailangan ipilit mo ako sakanya? *hik* Ang sakit, Ciabelle. Ang sakit!" umiyak na rin sya. Alam kong ngayon, awang awa na sya. Pero hindi, ayoko nang kinaaawaan ako.
"Carlos.. may sakit ako. May taning na ang buhay ko..." nabigla sya sa mga sinabi ko.
"Hinimatay ako, siguro dala ng sobrang pagod. Sinugod ako sa ospital."
Puti. Puti na naman nakikita ko.
"IKAW! IKAW ANG MAY DAHILAN NITO!" narinig kong sigaw ni dad. Ano bang nangyayari.
"M-mom? Dad?" naaninag ko naman mga mukha nila.
"Bakit, anak?" nakita kong naiyak sina Mom and dad.
"Asan po si Carlos? Pwede ko ba syang makausap?" pinilit kong maging okay.
"Sorry sya nang sorry nun. Siguro naggulity sya, dahil sya sinisi nina Dad sa pangyayari. Pinangako nya sakin nun na hindi na nya ulit ako sasaktan. Syempre eto naman ako, tatanga tanga, pumayag ako. Kahit alam kong hindi naman sya masaya kapag makapaligid sakin. Nasakin nga sya, pero nasayo sya. Alam mo ba? Inggit na inggit ako sayo."
"Carlos? Anong nangyayari sayo?" nakita ko kasi sya sa isang corner na iyak nang iyak. Ang alam ko kakagaling lang nila sa Batangas..... kakagaling lang nya kina Belle. Napangiwi ako sa naiisip ko.
"NAKIPAGBREAK NA AKO SAKANYA!" napaabante ako sa pagsigaw nya.
"C-Carlos I'm sorry......"
"Dun ko napatunayan na mahal na mahal ka nya, na hindi naman talaga AKO nung simula pa lang. Narealize ko na kailangan ko na syang ibalik sayo."
"Dad, makikipagbreak na ako kay Carlos." alam ko kasi na eto ang pinaka-ayaw ni Dad na mangyari kasi close sila ng Daddy ni Carlos.
"What the hell were thinking, anak? Bakit?" what. ano bang meron?
"It's no biggie, dad. I just want to spend my life with my parents and friends. I don't want Carlos to be left behind. Gusto ko walang malulungkot sa pagalis ko."
"But, anak. Napagusapan na namin to ng Daddy ni Carlos, na magpapakasal kayo sa ibang bansa. Gusto kong maging masaya ka, Paula. Kinakailangan mong maging masaya, para mabuhay ka pa, anak."
"Pero hindi nila maintindihan na mas nasasaktan ako kapag nakikita ko ang pagiging miserable ni Carlos nang dahil sakin. Kaya ako nakikipagusap sayo dahil...... gusto ko na syang ibalik sayo."
========
Ciabelle's Point of View.
"Pero hindi nila maintindihan na mas nasasaktan ako kapag nakikita ko ang pagiging miserable ni Carlos nang dahil sakin. Kaya ako nakikipagusap sayo dahil...... gusto ko na syang ibalik sayo."-Paula.
"Ha? Nagpapatawa ka ba? Ibabalik sakin? Ano ba, ganun nalang kadali yun?"
"I’m begging you, Ciabelle. Pwedeng tanggapin mo ulit sya? Aalis nako sa isang araw para sana magpa-opera sa US, ayokong iwanan syang mag dala dala paring responsibilidad. Kaya, please? Just let him in again."
===========
A/n: Sorry sa late late late UD. XD ✌✌✌