Nakaayos na ako at inaantay ko nalang si Zeus. Nandito ako sa salas namin at nanunuod ng tv. Si Vhon naman may ginagawang plano ng bahay kaya busy si Nanay naman kausap si Tita.
"San ka punta Ate?" Tanong ni Vhon sakin. Napangiti naman ako. Tiningnan niya kasi yung suot ko. Nakashortshorts ako ng flesh tapos nakablack na longsleeve ako na chiffon ang tela at manipis. Hindi naman sobrang nipis. Enough lang then nagstiletto ako ng black. Yung buhok ko naman itinaas ko at nilagyan ko ng malaking clip na may design na butterfly na itim tapos nag black earings ako. Tapos plain make up.
"Hmmm reunion nina Zeus, Vhon kaya sinama niya ako." Sabi ko naman dito saka nilapitan ko siya at pinanuod ang ginagawa niya.
"Ahhh ingat kayo ni Kuya Zeus ate. Kapag lasing na si Kuya at hindi kana maihatid tawagan mo lang ako, ako na ang susundo sayo ha?" Sabi ni Vhon. Inakap ko naman si Vhon habang nakaupo ito.
"Opo. Basta galingan mo yan ok?" Sabi ko sakanya sabay ngiti.
"Oo naman ate. Promise ko sayo diba ako ang magpaparenovate ng bahay na to at bibigyan kita ng magandang room. Para magkasya ang gamit mo." Simula kasi ng maging manager ako ng Printing Press madami na din akong natatanggap mula sa mga clients namin. Shoes, clothes, may mga jewelries pa. Kaloka at hindi na magkasya sa attic sama mo pa yung bigay ni Shine.
"Salamat Vhon. Pero mag-ipon ka din ok?" Sabi ko sakanya sabay kiss sa noo niya.
"Naks ang sweet naman ng babe ko at ng bayaw ko." Si Zeus pala nakapasok na sa loob ng bahay. Nilapitan ko siya. Napakagwapo nito sa khaki pants at red poloshirt na suot nito dagdag ang gulogulong buhok nito at precious smile. Grabe define na define ang muscles niya halatang batak sa sports.
"Gwapo ng Babe ko ah." Sabi ko sa kanya ng makalapit ako sa kanya and umakap ako sa kanya.
"Hahaha lagi naman akong gwapo lalo na sa mata ng nanay ko at sa mata mo babe." Then he gave me a peck on my lips.
"Asus talaga naman ang dalawang ito oo." Narinig kong sabi ni Nanay sa likod namin.
"Kuya kailan ulit game niyo? Sana makapanuod na ako ng live." Nahilig si Vhon sa football dahil kay Zeus minsan naglalaro silang dalawa.
"Sasabihan kita bro. At bibigyan ko kayo ng front seat access sa Madrid game ko. Nanay sama ka?" Tanong ni Zeus kay nanay habang nakakapit pa sa bewang ko.
"Naku kayo nalang. Hahaha masyado na akong matanda para sa mga ganyang laro." Sabi ni Nanay na tawa ng tawa.
"Pangako yan Kuya Zeus ha!" Sabi pa ni Vhon kay Zeus.
"Oo bro. Syempre pagkakataon ko na rin yun magpasikat dito sa ate mo." Ehdi baliw na to papasikat pa talaga weh. Hahaha ewan ko ba dito.
"Hay naku tigilan na natin to. Alis na tayo babe nakakahiya sa mga kaibigan mo." Sabi ko sakanya sabay dampot ko sa pouch ko na black.
"Ingat kayo ate Kuya." Sabi ni Vhon at bumalik na sa trabaho niya. Nagmano na kami kay nanay at umalis nadin.
"Hmmmm wala kang dadalin for them babe?" Tanong ko sakanya habang nagdridrive na siya.
"Wala nga ako maisip babe weh." Sabi nito sabay sulyap sa akin. Tapos bigla kaming huminto sa isang wine shop.
"Seryoso alak?" Sabi ko sakanya. Nginisihan lang ako ng loko. Haha bumaba kami. Oo medyo nasasanay na ako makihalubilo sa mga socialite dahil sa mga client namin nina Warren. Pero hindi ako familiar sa mga alak talaga. Pagpasok namin sa Winery.
"Mahilig ang mga yun sa mamahaling drinks babe. So I guess sa mga oras na to nakapila na ang alak dun. Dagdagan nalang natin." Natatawang sabi ni Zeus habang pumipili.
"5 jack daniels and 5 of your most expensive sparkling wine." Sabi ni Zeus sa cashier.
"Dami naman niyan babe. Baka hindi na tayo makauwi." Sabi ko sakanya. Inakbayan niya ako.
"Babe marami tayo mamaya. And dont worry sa guys ang JD inyo yung sparkling." Sabi nito sabay kiss sa buhok ko. Sweet gesture that make my head spin.
"Am I allowed to drink?" Tanong ko kay Zeus habang pabalik na kami sa kotse. Tumingin muna siya sakin.
"Ill think about it." Eh seryoso siya? Labo nito kakaasar. Hmp. Pumasok kami sa isang sikat na pangmayamang executive village. Umikot kami kasi wala kaming maparkingan. Puro nakasasakyan mga bisita nakakaloka ang daming tao. Nagpapark kami ng magring ang phone ni Zeus. Nakita ko si Warren. Sinagot niya ito niloud speaker na lang
"Hoy! Asan na kayo?" Bungad ni Warren. Parang hindi ko boss to weh. Nagkatawanan kami ni Zeus tuloy.
"Pare masyado mo naman ako namimiss. Hahaha nandito na kami sa labas nagpapark." Sabi ni Zeus habang hinihinto ang kotse.
"Bilisan niyo. Masyado kayong paimportanteng magjowa. Kayo nalang ang wala aba naman!" Sigaw ni Warren. Naririnig na din namin ang maingay na background.
"Oo na eto na oh. Pababa na kami ng sasakyan. Stop yelling pare." Sabi ni Zeus sabay baba at kuha ng dala namin. Inayos ko naman ang sarili ko.
"Hey Babe nervous?" Tanong ni Zeus sakin sabay akbay pa.
"A lil." Tipid na sagot ko. Anung klase kaya ang mga kaibigan ni Zeus. Pagpasok namin sa malaking gate sinalubong kami ng mga katulong. Inabot ni Zeus yung dala namin.
"Nasa may garden po sila Master Zeus." Ngumiti lang si Zeus saka ako inakbayan ulit at ako naman inakap ko yung kamay ko sa waist niya. Naririnig namin ang sigawan sa garden. Ang ganda ng garden ang luwag grabe. Pagbungad namin. May mga bumati agad kay Zeus.
"Naks ang football player!" Bati nung isang lalaki tumayo pa at binigyan ng bro hug si Zeus.
"Hahaha loko ka pare." Sabi ni Zeus sabay hawak sa kamay ko.
"Ayun oh! What take you so long ha??" Sigaw ni Warren at palapit na kami sa kanila. Halos manlaki ang mata ko. Katabi ni Art si Shine! Sa tabi ni Shine si Sir Dave may kasama to na babae tapos si Zia then si Duke. Nakatingin din sila sakin. Lalo na si Duke titig na titig sakin. Anung nangyayari?
"Sorry na pare. May meeting pa ako kanina alam mo naman ang mga sikat ganun talaga." Sabi ni Zeus kay Warren.
"Hi Vani na culture shock kaba? Ganyan talaga kami." Sabi ni Art at nagbeso pa sakin pati si Warren. Ngumiti lang ako kay Art. Naguguluhan pa din ako. Binati din ni Zeus sina Dave and Duke. Anyayare guys. Nakatingin lang naman sakin si Zia. Masama ang tingin niya sakin at kamay namin ni Zeus.
"Hoy Bakla anung ibig sabihin nito ha!" Salubong ni Shine sakin pero ngiting ngiti.
"Anu...." Anu bang sasabihin ko sa kanya.
"Thats why you ditch me its because may iba kang lakad." Parang nagtatampong sabi ni Shine sakin. Inakap ko naman siya.
"Actually naguguluhan ako sa nangyayari. Hindi ko alam na dito kami pupunta." Bulong ko kay Shine. Tinawanan niya lang ako.
"Zeus mind to introduce samin sino tong nagayuma mong babae." Sabi nung isang nandun na may kaakbay na babae.
"Fine." Inakbayan ako ni Zues bago ngumiti sakin. "Everyone meet Vani my partner in crime, my better half, my light through darkness, my angel, my saviour, my heart and my future. Babe meet everyone." Nag-asaran naman sina Warren ar Art.
"Putek ka Zeus ang corny mo. Nawala ang playboy image." Sigaw ni Warren kay Zeus.
"Pare taob kay Vani yan weh." Sagot naman ni Art lakas talaga mang-asar ng mga yan. Natatawa akong hindi ko maintindihan.
"Shut up pare. As I was saying meet Shine, asawa siya ni Art." Aba ang loka tinawanan ako. All this time siya pala ang asawa ni Shine pambihira. "Dave, Zia, Duke. Magkapatid sina Dave and Duke with Shine." Ok alam ko na yun. "Queen, Elain, Ishi, Wade, Hunter, Red, King and lastly Tristan. Madami ba masyado hindi ko na nga sinama yung mga asawa nila." Bulong niya sakin nung bandang huli. Natawa ako sa sinabi niya. Naupo na kami ni Zeus. Tinabihan ako ni Shine at talagang hinila niya pa ako.
"Hoy bakla madami ka saking ipapaliwanag." Sabi ni Shine na nanliliit ang mata.
"Peace Shine. Wag ka ng magalit sakin. I love you!" Halos bestfriend na ang turing namin sa isat-isa.
"Halika na nga at ipapakilala kita sa mga pinsan ko. Zeus can I barrow Vanica for awhile." Sabi ni Shine. Tumingin muna sakin si Zeus saka tumayo at lumapit sakin.
"Babe, kilala ko si Shine. Its a long story and im sure your going to be interested with it." Sabi ko sakanya at hinawakan ko pa ang pisngi niya. Napahinga na lang siya ng malalim saka ngumiti.
"Ok but remember your mine Vani." Tapos bigla niya ako hinalikan sa harap ng mga kaibigan niya. It was a deep passionate kiss.
"Pare naman. Dyan lang si Vani o. Wag kang possessive." Sabi ni Warren.
"Pare kilala mo naman ang halos lahat ng nandito. Almost bachelor at matitinik sa babae. Minamarkahan ko lang ang akin sa harap ng lahat." Malakas na sabi ni Zeus na parang may pinaparinggan. Napailing na lang ako.
"Ikaw bakla sobra naman pala si Zeus. Kelan pa kayo ha?" Sabi ni Shine sakin habang papasok kami ng bahay nila.
"Two months palang kami Shine. Ikwekwento ko din sayo dapat nakalimutan ko lang." Sagot ko sa kanya sabay ngiti.
"Do I hear wedding bells soon?" Tanong ni Shine habang nilalagyan ako ng food sa plate ko.
"Hala agad agad?" Sabi kay Shine. Masyado advance magisip ang isang to.
"Hahaha hindi naman. But you deserve to be happy. Graduate na si Vhon you hava a stable job." Sabi nito sakin.
"Dahil sa tulong mo yun Shine. Kaya maraming salamat." Sabi ko sa kanya. Inirapan lang ako ng loka.
"Isa pang pasalamat itatakwil kita as my bestfriend." Sabi ni Shine at inuupo ako sa isang table at siya kumakain din.
"Oo na hindi na. Kamusta na si Duke." Syempre kailangan ko itanong un. Makikibalita ako agad.
"He left the country nung nagresign ka. Nagpunta siya sa Paris he stayed there for 8 months." Kwento ni Shine sakin ako naman kumakain.
"Pero bakit? Business trip?" Usisera talaga ako weh. Curious ako.
"Hindi niya sinabi. Pero nung bumalik siya para namang walang nangyari pareho pa rin siya." Kwento ni Shine habang kumakain naman ito ng salad.
"Weh bakit nandito si Zia? Sila na ba?" Tanong ko ulit kay Shine. Tumingin siya sakin na nakataas ang kilay.
"You really dont know who Zia is do you?" Sabi niya sabay titig sakin. Umiling nalang ako.
"Siya ang bunsong kapatid ni Zeus." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Shine.
"Seryoso ka ba talaga Shine???" Halos sumigaw na ako sa kanya.
"Oo nga. Anu kaba Vanica! Alam ko may ugali talaga yang si Zia kaya hindi sila magkasundo ng kuya niya. Tapos yung ginawa niya pa sayo. What she did is not right." Sabi ni Shine sabay hawak sa kamay ko. Oo sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari. At isa siya sa nagsabi na tama ang desisyon ko na magresign. Dinalan ko ng Dinner si Zeus naalala ko hindi pa siya kumakain.
"Babe, hindi ka pa nagdidinner umiinom kanaba?" Hatak ko sa kanya may hawak na ito na glass na may lamang scotch. Ngumiti lang si Zeus saka tumayo at sumunod sakin. Nandito kami sa may terrace nina Shine na kita ang pool nila. Kumakain na si Zeus and ako nakasandal sa may grills.
"Babe kapatid mo pala si Zia?" Diretso kong tanong sa kanya. Tumingin naman siya sakin.
"Yes babe. Siya yung kinukwento ko sayo rem." Sabi nito sakin saka tinuloy ang pagkain.
"Pero hindi mo sinabi yung pangalan niya." Sabi ko saka ako tumingin dun sa mga nasa garden na nagkakaingay.
"May problema ba tayo babe?" Tanong niya sakin sabay tayo sa likod ko at akap.
"Babe naalala mo ba yung kinuwento ko sayo na dating boss? Yung babae?" Kunwari naman napaisip si Zeus. Humarap ako sa kanya.
"Oo babe? The reason why you resign right?" Sabi nito habang nakaakap sa waist ko.
"Yung boss ko si Duke yun and yung babae si Zia yun." Nakita ko naman na nagdilim ang mukha nito sa nalaman.
"What?" Galit na sabi ni Zeus. Hala hala galit na siya.
"Oo babe. Please dont get mad at me." Sabi ko sabay sandal sa dibdib niya. Naramdaman ko ang bilis ng tibok ng puso niya.
"Im not mad at you babe. Galit ako sa kanila dahil sinaktan ka nila. Wala silang karapatan saktan ka. Si Zia wala siyang karapatang pagsabihan ka ng masasama." Galit na sabi ni Zeus tiningnan ko siya at hinawakan ko yung pisngi niya.
"Babe,,, shhhhh ok na. Tapos na un. Saka nandito kana sakin babe. Sobrang saya ko na. Baliwala na sakin lahat yun." Sabi ko kay Zeus sabay kiss ko sa lips niya. We kissed hanggang maramdaman ko he relaxed already. I smiled at him.
"Just stay with me babe. Ill be more than ok." Sabi ko sakanya. He smiled and hug me tighter. Bumalik na kami sa mga kaibigan niya. Katabi ko si Shine at pinakilala niya ako sa mga pinsan niya. Nakasundo ko kaagad si Queen and ang iba pa.
"Vani, sasama kayo tom right?" Tanong ni Ishi sakin. Medyo madami na din kami nainom. And naririnig ko yung mga lalaki na nag-iingay. Ay lasing na.
"Yup. Pinagpaalam na ako ni Zeus kay Warren." Sabi ko naman sabay inom ng tequila ko then sip my lemon.
"Bakit kay Warren?" Tanong naman ni Elain na kumakain ng lays.
"Warren is my boss. Im working as his Manager sa printing press." Sabi ko naman ang kumuha din ng lays.
"Wow bigtime na si Warren baby. Babaero lang talaga." Sabi ni Ishi sabay simangot.
"This is going to be fun! Hindi kami nagkamaling umuwi ngaun." Sabi ni Queen na kilig na kilig. Ang alam ko ang asawa niya ay isang sikat na basketball player. Si Craig Winston.
"Hahaha yeah Queen. This is going to be one hell of a vacation." Sigaw ni Shine. Ok may tama na talaga tong isang to. Mga past 3am na ng matapos. And to be honest lasing na sila.
"Zeus dun na kayo sa guest house. May isa pang room don. Vani seems to be too drunk." Narinig ko sabi ni Shine. I was just looking at them. At umiinom ako ng kape.
"Panu nilasing niyo tong asawa ko." Malakas na sagot naman ni Zeus saka lumapit sakin.
"Babe? You ok?" Tanong niya sakin. Nginitian ko siya binuhat niya naman ako and dinala na sa room. Magkatabi lang kami natulog. Were too drunk to move.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N:
Parang team Zeus ako? What cha think yow?
Vote, comment and follow ..... Thanks!
XOXO
Ms.Pix
Shine on the side.