Unmasking The Waves Deception

By heartlessnostalgia

9.4M 118K 58.3K

(CURRENTLY UNDER MAJOR REVISION) Lost Island Series #1: Unmasking the Waves Deception "He was like that of th... More

Lost Island #1: Unmasking the Waves Deception
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9

Kabanata 3

235K 10.5K 8.2K
By heartlessnostalgia

Kabanata 3

I closed my eyes, humilig ako sa kanyang dibdib habang patuloy siyang naglalakad paalis sa kumpol ng mga tao.

I remained silent, still half shaking from the blood from my knees and catching my breath.

"Wave, where are you bringing her?" I heard the manager asking. He didn't answer and held me tighter on his chest.

Because we were close, I had the chance to smell his natural scent. It's tropical. Like moist leaves from a fog in the morning. Refreshing.

Mas kumalma ako.

"Wave! I am talking to you, saan mo-"

"Let's talk later," he cut him off.

I checked where we were going and saw us approaching a room. A cabana. The manager opened the door for us.

Marahang inilapag niya ako sa sofa kaya bumitaw ako sa batok niya. Nagkatitigan kami, ako na namumungay pa ang mata dahil sa mga luha at ang seryosong kanya.

Hindi ko siya mabasa, 'di maipaliwanag ang kanyang ekspresyon. Before I could tru and interpret, he was kneeling in front of me to check my wound.

It made my heart jump in awe. I bit my lip, watching him as I dry my tears with my fingers, refusing to see the blood.

Ayoko...

"Medicine kit," aniya. Tumayo siya at sinundan ko lang siya ng tingin. I sniffed, pinigilan ko ang sariling sumulyap sa sugat ko at nakitang nakatitig sa akin ang kanyang manager.

"Water?" he offered.

I slightly nodded. Nang umalis siya'y do'n na ako nakakuha ng tiyansang ikutin ang paningin sa lugar.

It wasn't massive, enough for a family, I think but it's so refreshing in the eyes. There is a rattan chair, couch in the small living area. There is a division separating the bed and the small kitchen.

To where I was sitting, there was a wooden round table with a vase at the top, may flat screen na T.V. rin.

"Here." Napaayos ako upo no'ng bumalik ang manager at inabot sa 'kin ang tubig.

"Salamat,"

He nodded. He went to sit on the other side of the sofa and spoke.

"Please don't tell anyone out there what this place looks like," aniya.

'Di ako kaagad nakasagot.

So, this is Wave's private place? He stays here?

"Wave values his privacy so much kaya sana, pakiusap na lang. Sana ay h'wag makakalabas ang makikita mo rito, kahit pasalamat na lang sa tulong ni Wave," his tone was calm.

I slowly nodded, smiling at him. "Okay, makakaasa ka," I assured.

Wave went out of the bathroom with the kit in his hand. Napasulyap siyang saglit sa 'kin bago bumaling sa manager.

"Ako na ang maglilinis ng sugat niya, Wave," his manager said kaya napawi ang saya ko.

Humaba ang nguso ko.

Gusto ko si Wave! Si Wave ang maglilinis ng sugat ko!

Halos mapasipa ako nang tumayo siya para kunin ang hawak ni Wave at dumiretso sa akin. I hope I'm not frowning because my face felt like doing one. Suminghot ako at kinagat ang dila, iritado.

Si Wave na sana, e! 'Yon na 'yon!

Pakialamero!

He knelt in front of me. He took my feet and I froze, I couldn't even explain why. Ayaw ko. Gusto ko si...

Pero mag-iinarte pa ba 'ko? Sama naman ng ugali ko tinulungan na nga ako no'ng tao!

I glanced at Wave, nakita ko namang mariin ang tingin niya sa lalaki sa harapan ko at nang sumulyap siya sa akin ay ngumuso lang ako at nag-iwas, nag-iinit ang mukha.

Ayaw ko magmukhang ungrateful! Tinulungan na nga 'ko!

"Pupunasan ko muna 'yong–" I saw Wave marching closer to us and my eyes widened when he took the kit from the man's hand.

"I can do it, Just," he said coldly.

"Huh? Ako na," ani Just. "Magpahinga ka na roon, may gagawin pa tayo bukas."

But Wave was unwavering. He remained staring at him pointedly.

"I don't care, stand up. Ako na r'yan." I could sense the irritation in his tone. Sumulyap sa akin si Just.

Bago pabalik sa kanya. He smirked, thrilled about something he realized before standing.

"Oh, ayan." He laughed. "Seloso."

Napakurap ako. Sumimangot si Wave, hinablot ang kit na hawak nito bago lumuhod sa harapan ko.

Tumriple ang pagwawala ng puso ko nang inabot niya ang paa ko. His calloused palm brushed my calf, making me shiver. I saw Just leaving. Nag-angat ng tingin ang brown niyang mga mata't parang nalulunod ata ako.

"Can I?" he asked.

I nodded like a fool, still avoiding to look at my knees. He took some cotton and wiped the blood off. Napaigtad ako sa hapdi sa pagtama no'n.

"Masakit?" he asked lowly kaya dagli akong sumulyap sa kanya, umiiling-iling para ipakitang strong ako. I smiled a little.

"I-I'm good," I said then when I glanced at my knees and saw the blood's gone, napalunok ako. "S-salamat pala."

He nodded. Muli siyang bumaling sa kit, 'di na nagsasalita at ako 'yong tipong 'di sanay sa tahimik kaya dumaldal na naman.

"Uh, ano, ako nga pala si Zirena," I introduced. Hindi siya umimik kaya muli akong nagsalita.

"Uhm, Zirena Nieves Buenavides Sandejas, twenty-four years old, I live in Makati City. Pangatlong anak ng mga gorgeous kong parents, kita naman sa face ko tapos, uhm... pangarap kong maging bird!" I chirped.

He stiffened, looked up at me and when he saw my face, ended up chuckling. Nagliwanang ang mukha ko.

Did he just laugh?!

Umiling siyang may multo ng ngiti.

"Why the fuck do you want to be a bird?" He asked ridiculously.

"Uh, para hindi sayang sa pamasahe," mabilis kong sagot kasi real namang dream ko talaga 'yon. "Kasi 'di ba, focus ako as travel vlogger? Minsan food critique! Pero masarap sa 'kin lahat."

He shot his brow up. Shit, naiba na naman ang topic!

"I mean, bird kasi minsan, gusto kong pumunta sa mga lugar tapos kapag bird ka s'yempre lilipad ka lang papunta do'n."

"Marami ka naman atang pera," he commented, amused.

"Di 'no, short kasi ako sa budget ngayon,"

His lips curved for a ghost smile again. Oh, I am making him laugh! Halos mangisay-ngisay naman ako at muling nagdaldal para more topic!

"Ano pang gusto mong malaman? Uhm, galing ako sa angkan ng mga gwapo't-maganda," I said. "Uh, maganda ang genes ko! Pak na pak! Tapos ano pa ba? Vital stats? Cap size ng bra?"

"What the fuck?" Tumaas ang kilay niya. He eyed me as if I was an alien, ngumisi naman ako at sinundot ang pisngi niya.

"Ayiee, interested sa size ng boobs ko!" Tumawa ako. "Uh, ano naman siya, hindi malaki pero handy–"

"Shut up." Hinawi niya ang kamay ko at nag-iwas ng tingin. Nahuli ko ang pula sa mukha niya. Humagikhik ako.

"Kunwari ka lang pala masungit, e, mabait ka naman!" I chirped. I tried teasing him again pero umiwas siya at lumayo sa kamay ko.

"Sshh, I hate noisy people." Ngiwi niya.

Akala ba niya matatahimik ako sa nagsusungit? Naku, sanay na 'ko niyan sa bahay! 'Di matahimik ang bibig ko.

"Ako gusto ko 'yung tahimik tapos masungit kunwari," I whispered.

His brow shot up. His jaw ticked as he finished putting a plaster to cover my wound before standing.

"Go home now," he dismissed.

Nahulog ang puso ko.

Ang bilis! 'Yon na 'yon?!

"Hatid mo 'ko?" I asked hopefully. He combed his hair with his fingers and shook his head.

"Why would I?" He asked coldly, his eyes empty.

"Kasi, I'm pretty?" I even teased and placed my palms on my cheeks.

His lip twitched.

"Go home," taboy niya at inayos ang kit.

Hindi! 'Di ako papayag na 'yon na 'yon!

"Sige na, friends naman tayo, 'di ba?" I asked.

"Walang magkaibigan na nag-wawarakan," he commented.

Nalaglag ang panga ko. Sumabog ang init sa ko sa gulantang.

He... fuck, he remembered!

"B-bastos nito!" I scoffed. He met with my gaze, a glint of naughtiness can be seen.

"Oh, am I?" He smirked. "Who do you think screamed that the moment I ripped my shirt?"

Gumapang ang init hanggang tainga ko kaya nahulog ang likod ko sa sofa, napatili at tinakpan ang mukha sa kahihiyan.

"K-kalimutan mo na 'yon!" I hissed. "N-nadala lang ako ng damdamin, forget that! Wala kasi akong nakain kaninang umaga kaya medyo natanggal ang turnilyo! Temporary insanity! 'Di naman ako gano'n sa real life!" I babbled.

"Oh, is it? 'Di ba 'yon totoong buhay kanina?"

"Commercial 'yon! Glitch!" I exclaimed but he was just staring.

"Is it?" he asked. "Could we try again?"

"Huh?" I asked dumbly.

"Kung 'di ka talaga gano'n sa totoong buhay?" I was very confused until he reached for his shirt's button in an attempt to unbutton it.

Napatili ako, suminghap at tinakpan ang mata.

"Uuwi na 'ko! Bye!" I said and stood abruptly. Paika-ikang naglakad ako patungo sa pintuan, sinusubok na mabilis ang lakad pero mahapdi ang tuhod.

I can do it!

I almost hopped on my way out kaya bumunggo ang paa ko sa lamesa. I groaned but it didn't stop me. 'Di pa 'ko tuluyang nakakaalis ay may humigit sa braso ko kaya natigil ako sa pagkabigla.

It's Wave.

"Why?" I asked. His forehead's creasing. Hawak pa rin niya ang braso ko'y lumabas siya at nauna pa sa 'kin.

"You're so careless," he said seriously.

"Hindi naman..."

"Stop being clumsy," he reminded. "Ihahatid kita."

I was so stunned I literally swooned. My knees wobbled, probably not because of my wound. He noticed it and frowned.

"Tss..." He tsk-ed and held my arm. "Napapahamak ka sa mga ginagawa mo,"

"I can handle myself," I said quietly. "'Di naman ako clumsy."

"Oh?" He watched me with those sexy eyes and smirked. "Alright, you go home alone," aniya at akmang tatalikod kaya nag-panic ako at hinawakan ang muscles niya.

"Joke lang!" I stopped him. "Sobrang sakit ng tuhod ko. Ouch!" Ngiwi ko at eksaheradang yumakap sa biceps niya.

"Clumsy," he snickered and shook his head. Humawak siya sa baywang ko, nangingisi naman ako roon at dinama ng bongga ang ginagawa niya.

Got ya, Wave!

Nang lingunin niya ako ay bigla akong ngumiwi at humawak sa braso niya pa.

"Aww! Aray! Ouch!" Inarte ko.

He stared unbelievably, shaking his head. "You're a bad actress,"

"Luh?" Umayos ako ng tayo. "Excuse me but my Mom is a great actress!"

"Uh-huh." Nang mag-umpisa akong maglakad na parang pilay roon ay inabot niya ako at inalalayan. "You must got it bad from your Dad,"

Ngumuso ako at sinamaan siya ng tingin.

"Hoy, gwapo ang Daddy ko!" I said and stopped. "But anyway, baka oo nga, ganda ko lang naman ang naipamana niya sa akin na matino." I nodded.

"You're crazy," he whispered. Kumapit naman ako sa braso niya habang naglalakad kaming dalawa.

"Oo, s'yempre. Ano, friends na ba tayo?" I asked.

"I hate friends," aniya at bumaling sa daan.

"Bakit?" He shrugged and stared at our feet. "Basta, I don't want anyone talking to me kapag hindi ko naman kilala."

"Oh, so why are you talking to me right now?" I asked. Sumulyap siya sa 'king may multo pa ng ngiti.

"Kasi ang ingay mo, ayoko ng maingay kaya kinakausap kita para manahimik 'yang bibig mo."

"Woy! Grabe ka!" I smacked his arm. "Binigay sa atin ni God ang mouth to talk and eat, kaya aanhin mo ang bibig mo kapag 'di ka magsasalita?"

"Makapalo 'to, are we close?" Masungit niyang sabi at kumunot ang noo.

"Oo, close!" Tawa ko. "Friend na kita, e, ang bait mo. Dalawang beses mo akong tinulungan."

"Bakit dalawa?" aniya at tinuro ko ang isang cabin roon na may number na assigned para sa akin kaya lumapit kami roon.

"Hmm, una 'yong sa gummies ko tapos 'yung natumba ako,"

Tumapat naman kami sa cabin ko at dinukot ko ang key card ko para mabuksan.

"Salamat sa paghatid," I said sincerely. He nodded. Ipinasok niya ang kamay sa bulsa at sinuklay ng daliri ang kanyang buhok kaya mas nagmukha iyong magulo at parang bagong gising.

Pumasok ako sa cabin pero bago ko pa maisara ay ngumiti ako sa kanya at kumaway.

"Thanks, Wave!"

"Tatlo," he said out of nowhere. My forehead creased.

"Tatlong ano?"

He swallowed and avoided my gaze. "Tatlo ang nunal mo sa mukha."

"Oh!" Nagulat ako pero napangisi. "Correct! Observer ka, huh!"

He moistened his lip.

"I gotta go," paalam niya bago ako talikuran.

"Wave!" I called. Humarap siya at nang magtagpo ang mata namin ay kumindat ako at nag-flying kiss bago humahagikhik na sinarado ang pinto at ika-ikang nagtatatakbo sa aking kwarto.

Nangingiti akong naglinis ng katawan at nagpalit ng damit. Ideas began rushing inside my head. I can be this excited, right?!

Nang makalabas ako ng banyo ay mabilis kong kinuha ang bag at inilabas ang laptop.

The moment I opened it ay kaagad akong naupo sa kama habang binubuksan ang Word at nag-umpisang mag-type.

Wave Aeden Nievarez Files

I typed the document's title with a playful smile on my face, beaming with excitement. Let's get this game started, shall we?

Let's play hide and seek, Wave. You could hide, be in disguise but I'm sure I could find you. No matter what. I know, I could unmask your secrets.

Continue Reading

You'll Also Like

13.9M 389K 36
Sandejas Siblings First Installment (2023 EDITION) I Ñ I G O "The best way to not get burned is to never play with fire..." Thallia Josephine Raymund...
4M 164K 45
Sandejas Legacy Series #4: Raindrop's Tears **Wattys 2022 Winner** "Sandejas Legacy continues..." How far would you go for your family? For Varsha Ro...
9.2M 298K 36
Sandejas Siblings Third Installment: Z E I J A N "Let him pull the trigger and it will aim straight to your heart..." Alyx Riadna Alarcon feels perf...
Withered Roses By HN🥀

General Fiction

847K 22.8K 66
Sandejas Legacy #7: Withered Roses "Sandejas Legacy continues..." Tasked to find evidence to free her father in jail, Zahrah Ortega pretends to be th...