She's Back In His Life

By supmyloves

20.2K 690 367

Ngayong magkasama na ulit ang magkababatang si Kyouko Yukito at Ren Austort. Anong mangyayari? Manatili kaya... More

Prologue
#1: Park Siblings
#2: The Beauty of New York
#3: Her New Friend
#4: The Bitches
#5: Finding Out
#6: They Meet Again
#7: Hate
#8: Her Love
#9: No Choice
#10: Engagement Party
#11: Austort Mansion
#12: Back to School
#13: The Great Kryslin Brandelli
#14: The Transferee Guy
#16: Jealousy Attacks
#17: To be loved
#18: Asking for forgiveness
#19: She did it!
#20: She is on the move
#21: Secrets
#22: Suspicions
#23: Anger
#24: Lifeless
#25: Bring It On
#26: Truth Hurts
#27: Blame
#28: Unbelievable
#29: Nightmare
#30: Who Is The Real You?
#31: Heartless
#32: Getting Back To Life
#33: Ren's Heart
#34: Kei
#35: Pretending
#36: Sudden Kiss
#37: Catching Up
#38: Sweets
#39: Confused
#40: The Voice Inside Her
#41: Game On
#42: Stay By My Side
#43: Birthday
#44: Expectations
#45: Ren vs. Kei
#46: The Pendant
#47: Starting All Over Again
#48: In Love

#15: I Miss Her

417 13 7
By supmyloves

Author's Narration (November, 2008) Philippines

Ang mga mababasa niyo pong mga pangalan dito ay mga characters po sa So This Is Love na story ko. Makikita niyo ulit sila sa mga susunod na chapters. :)

"Bakit kasi hindi ka pumasok-pasok? Ayan tuloy, nahihirapan kang makahabol."

"Tuturuan mo ba ko o sesermunan?" naiinis na sabi ni Mara kay Princess. Nagbuntong-hininga na lang ang huli. Nagtataka kasi sila Princess kung bakit ngayon lang ulit pumasok ang kaibigan nilang si Mara. After mawala ng kaibigan nila na si Kyouko, ngayon na lang ulit nagpakita si Mara sakanila. Umaasa nga rin sila na sana pati ang kaibigan nilang si Kyouko ay magpakita na lang bigla.

"Tingin mo, bakit ngayon lang pumasok si Mara?" tanong ni Kyla kay Faye na katabi niya na naglalaptop.

Tumigil muna sa ginagawa niya si Faye at tumingin sa kaibigan na si Mara sandali, "hindi ko alam. Pero may kutob ako na dahil sa ginawa ni Ren ang dahilan niya."

"Ginawa ni Ren?" nagtatakang tanong ni Kyla.

Tumango si Faye, "oo. Hindi ko pa ba nakukwento na ginamit lang ni Ren si Mike? Inutusan niya si Mike na ligawan si Mara para makakuha ng impormasyon tungkol kay Kyouko. So, ang resulta. Pati kay Kyouko nagalit si Mara. Kahit na wala naman talaga siyang kasalanan. Hindi naman niya gusto ang lahat, diba?"

"Uhm. Kamusta na kaya siya?"

Napatingin ang apat sa bumukas na pintuan ng classroom. At doon nilabas si Kei Sandoval na kaklase rin nila. Na isa rin sa mga matagal na nawala sa klase.

"Isa pa yan, saan ba yan nagpupupunta at ngayon lang din nagpakita?" bulong ni Kyla.

"Who knows?" sabay kibit-balikat ni Faye at binalik na ang tingin sa laptop niya.

Lumakad si Kei papunta sa kinaroroonan ng magkakaibigan. Napansin naman siya ni Princess na kanina lang ay busy sa pagtuturo kay Mara. Kinalabit niya ang dalawang kaibigan na nasa harap na kaagad namang tumingin. Tinuro niya si Kei na nakatingin sakanila. Nagtinginan sila bago tumingin kay Kei.

"Oh, long time no see, Kei! Saan ka galing?" bati ni Faye. Imbis na sagutin siya nito, lumingon-lingon lang ito na tila may hinahanap. Nagtaka naman ang magkakaibigan. Iniisip nila kung anong ginagawa ni Kei at kung sino ang hinahanap nito.

"Kei, bakit? Sinong hinahanap mo?" tanong ni Princess.

Tumingin sakanya si Kei. "Nasaan yung babaeng yun?"

"Ha?" naguguluhang tanong ni Princess.

"Where is Kyouko?!" nanlaki ang mga mata nila dahil sa pagsigaw ni Kei. Nagtataka sila kung bakit ganito ang inaakto niya ngayon. Ngayon na kakabalik niya lang.

"Anong pinagsasasabi mo? She's not here. Umalis siya," sabi ni Kyla.

"What? Tinuloy niya yung pag-alis?!" sigaw ni Kei. Ngayon, gulong-gulo na talaga ang lahat para sa magkakaibigan. Bakit parang may alam si Kei sa ginawang pag-alis ni Kyouko? Sinabihan ba siya nito bago umalis? Habang sila, hindi? Anong nangyari?

Sinara ni Faye ang laptop niya at pumunta malapit kay Kei. "Meron kang di sinasabi samin, Kei. Bakit mo yun alam? Nagpaalam ba siya sayo?" seryosong tanong nito.

"O-oo. Bakit? Hindi ba siya nagpaalam sainyo?"

Napa-gasp sila Faye maliban kay Mara na parang hindi interesado sa pinag-uusapan ng apat. "W-what? Are you serious? Sinabi niya sayo na aalis siya?!" sabay hawak ni Faye sa balikat ni Kei. Nagulat naman si Kei dahil kitang kita niya ang pagkagulat sa mata nito.

"Pinuntahan niya ko sa bahay, humingi siya sakin ng tawad. Pinigilan ko siya, sinabi ko na wag siyang umalis. I never thought na itutuloy niya pa rin yon. Kakabalik ko lang from Singapore, tumulong ako sa pag-aayos ng company namin. Hindi ko akalain na pagbalik ko, wala siya dito."

Tila nanghina ang tuhod ni Faye dahil sa narinig. Hindi siya makapaniwala na kay Kei nagpaalam ang kanilang kaibigan pero sakanila hindi. Ang alam lang nila sasama ito kay Ren na hindi natuloy dahil sa buong panahon ng pagkawala ng dalaga, inumpisahan ni Ren ang panggugulo sakanila. Lagi sila nitong tinatanong kung nasaan ang kanilang kaibigan na obvious naman na hindi nila alam.

"Wait. Sinabi ba niya sayo kung saan siya pupunta?" si Princess ang nagtanong.

"Sinabi niya lang sakin na sasama siya kay Ren para daw matapos na ang lahat."

"Pero...yun din ang alam namin."

Kumunot ang noo ni Kei, "anong ibig mong sabihin?"

"Hindi sumama si Kyouko kay Ren sa Paris. Kalagitnaan ng September umalis si Ren dito nang wala siyang makuhang impormasyon samin tungkol sa kinaroroonan ni Kyouko. Sa isa't kalahating buwan na pamamalagi ni Ren matapos mawala ni Kyouko, hindi niya kami tinigilan tungkol sa kinaroroonan ng aming kaibigan. Mabuti na lang at dumating sila Sean at Will na lagi na naming kasama, pinrotektahan nila kami laban kay Ren. Pero, bigla na lang silang umalis nung October."

"Hindi rin sila nagpaalam?" Tumango ang tatlo.

"Ibig sabihin, totoo ang balita."

"Anong balita?" Tinignan lang ni Kei ang tatlo. Alam niya na sobrang na silang nag-aalala para sa kaibigan pero ayaw niyang mas lalo pa silang mag-alala pag nalaman nila ang balita na engaged na ang dalawa. Dahil alam nila na sasaktan lang ni Ren ang kanilang kaibigan.

"Ahh, wala. Wala. Kung may matanggap kayong impormasyon kung nasaan siya, pwedeng pakisabihan ako?"

Nagtinginan ang tatlo dahil sa sinabi ni Keiq. "Bakit naman? Wala ka namang pakialam kay Kyouko, diba? Mas pabor pa nga sayo na wala na siya dito eh, para wala ka nang kaaway," pang-aasar ni Princess. Alam kasi nito ang totoong nararamdaman ni Kei para sa kaibigan. Alam niya na dinadaan lang ni Kei ang lahat sa pang-aasar at pakikipag-away kay Kyouko dahil isa siyang torpe; hindi niya kayang aminin na gusto niya ito.

"Because..." inilapit ng tatlo ang mukha nila para marinig nang malinaw ang sasabihin ni Kei. Bigla na lang silang naging interesado sa sasabihin nito.

"Because?" pangungulit ni Princess.

Tinignan lang siya ni Kei habang nginitian lang siya ng pang-asar ni Princess sabay belat at ngiti ulit, "tuloy mo na, Kei. Pabitin ka pa eh."

Napasigaw sa isip niya ang binata. Parang sasabihin na niya sa buong mundo na gusto niya si Kyouko sa sasabihin niya ngayon. Masyado siyang napaparanoid, lalo pa dahil alam niya na alam ni Princess na may gusto siya sa kaibigan nito. Ginulo niya ang buhok sabay yuko, "because...I miss her."

Bago pa makasigaw ang tatlo at mabingi si Kei, tumakbo na siya palabas ng classroom nila at sumandal sa may pader malapit dito. "Shit, Kei. Ang bakla nang ginawa mo!" sabay gulo niya ulit sa buhok niya.

Kyouko's Narration (November, 2008) Paris

"Ha? Ako? Sasabihin ko kay Ren?" tumango-tango ang tatlong lalake na nasa harapan ko ngayon. Pabalik na sana ako sa classroom galing cr nang harangin nila akong tatlo. Mga naka-jersey sila at infairness mga gwapo't matatangkad sila.

"Oo, sige na, Kyouko. One--shit, ano yung please sa Japanese?" sabi niya sa katabi niya. Napatawa na lang ako nang mahina. Pinag-aralan pa talaga nila ang Nihonggo para sa favor nila sakin? Effort.

"It's onegai. Onegai-desu," sabi ko habang nakangiti. Napahawak naman sa batok niya yung lalakeng nagsalita kanina, nginitian ko lang siya bago ako tumingin sa dalawa. "Hmm? Pinag-aralan niyo pa talaga ang Nihonggo para makausap ako? Sugoi ne~"

Muntik na kong mapatawa ng malakas nang makita ko silang parang lutang dahil nakanganga lang sila habang nakatingin sakin. "Ahem, I mean. That's awesome! Sugoi means, awesome in Nihonggo." Sabay sabay silang nagtanguan. Napangiti na naman ako dahil don. Kawaii. (Cute)

"Ah, eh, pasensya ka na, Kyouko. Kala namin matututo kami agad ng Nihonggo eh. Pasensya na talaga."

"Iie. Ayos lang. Iie means no, by the way."

Nung una parang hindi pa nila ko naiintindihan, ilang sandali lang nag-umpisa na silang tumawa kaya tumawa na rin ako. Gusto ko nang matapos 'tong usapan na 'to kasi kanina ko pa ramdam yung masasamang tingin sakin nung mga babaeng dumadaan. Mukhang ako ang kaaway ng lahat ng babae dito, ah?

"Okay, susubukan ko siyang kausapin," sabi ko. Napa-yeah naman yung nasa gitna, siguro siya ang team captain kaya ganon. Ilang beses na ba nilang inaaya si Ren? "Hmm, matanong ko lang. Ilang beses niyo na bang naaaya si Ren?"

"Since he was 15."

"Hontou da yo?!" Napatakip ako sa bibig ko. Oops, hindi nga pala nila ko naiintindihan. "Ahehe, ang ibig kong sabihin, talaga? Since he was 15? Ibig sabihin, pati yung mga naunang members ng basketball team inaaya na siya, non-stop? Hanggang sa inyo?"

"Unfortunately, yes." Napangiwi na lang ako. Grabe naman pala. Ngayon alam ko na kung bakit hinihingi nila ang tulong ko. Siguro, alam nila na fiancee ako ni Ren at umaasa sila na mapipilit ko siya. I hope so.

"Ahehe, grabe naman pala. Anong problema niya at ayaw niyang sumali? Ahh, sige. Atashi ni makasete kudasai!" sabay bow ko. Oops, di nga pala nila alam yun. "Leave it to me 'yun! Hahaha!"

Nagpaalam na sila sakin. Kinawayan ko sila hanggang sa hindi ko na sila makita. Gambare, Kyouko! Kailangan mapapayag mo si Ren na sumali sa basketball team. Masyado na siyang pakipot, at masyado na rin niyang pinapahirapan ang mga basketball player sa pag-aaya. "Gambatte yo, Kyouko-chan!"

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 31.4K 41
Tunghayan ang istroya ng mag EX-BESTFRIENDS/EX-BOYFRIENDS na sina Josh at Ryan. Alamin kung dahil sa isang kasunduang muling maglalapit muli sakanila...
962K 12.2K 36
ESCAPING SERIES #2 Kahit sabihin ni holy na mahal na mahal pa rin niya si Peyton, ay hindi pa rin yun sapat para bumalik ang tiwala niya sa binata at...
148K 3.4K 48
Pano pag nakita kayo ulit ng taong hindi mo inasahang iiwan ka? Pero ng dahil sa mommy niya mag tatagpo ulit ang landas niyong dalawa ng taong nang i...
42.6K 1.7K 37
BTS at GFRIEND, ang dalwang grupo na sikat nung highschool hanggang college. Dalwang grupo na may maganda at maayos na samahan at relasiyon na sinubo...
Wattpad App - Unlock exclusive features