TORTURING HER INNOCENCE °[Kat...

By MadamKlara

308K 7.7K 1.7K

[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then... More

Prologue
Advisory
1. Gabbi
2. Danni
3. The Lacsamanas
4. Condo
5. The Palmers
6. Boys and Boys
7. Punishment
8. Birthday
9. Broken Hearts & Egg
10. Love, Gab
11. Lil Sister
12. Happy Birthday
13. No Other Guys
14. Soft N Fragile
15. Scandal
16. Set-Up
17. No More-
18. Flirtations
19. Morning
21. Last Virgin
22. Missing You
23. Sissums
24. Friends
25. Songs
26. Gig
27. Gifts
28. Jillian
29. Survival
30. Work
31. Losing
32. Breaking
33. Tears
34. Love at First Sight
35. Far Away
36. The Return
37. Decade
38. Babies
39. Thank You
40. The Come Back
41. Once Again
42. Missing
Author's Note
43. Give Up
44. End
45. Happy Smiles
Happy Author
Epilogue
PLEASE READ
THE PALMER BROTHER Series

20. Hunger Game

5.2K 116 18
By MadamKlara

The self-proclaimed righteous Uno did not let me stay home for the rest of the day. Hinatid niya ako sa academy para pumasok sa natitira kong subjects. Kung sa bagay, hindi naman dapat ako nag-absent.

"Hi there woman." Bati ni Audrey na humarang sa daan. "You know that you aren't pretty, Gabbi, right?" Binigyan ko siya ng blankong expression sa mukha. Hindi ko kasi alam kung saan papunta ang usapan. "Boys are only head over heels about you because you are Uno Palmer's woman."

"Ano? Audrey, hindi kita maintindihan. Tsaka, may klase pa ako."

"Wag mo kaming talikuran!" Sigaw ni Trinity nang umakma akong aalis.

"Ano ba kasi ang kailangan niyo?"

"Gusto lang naming malaman mo ang totoo, Gabbi." Nakangising tugon ni Audrey. "Hindi ka magugustuhan ng Palmer brothers kung hindi ka lang virgin." Pahayag niyang nagpalunok sa'kin ng wala sa oras. "The same reason why Carter Andrews and Donny Montemayor want you. Ayaw lang namin na nagfe-feeling kang maganda."

"Wag kayong mag-aalala. Hindi ko naman feel na maganda ako." Sabi ko sa kanila. "Nakikita ko 'yon." Tumawa ako nang makalayo sa kanila. Hindi yata inexpect nila Audrey na sasagutin ko sila. Nakakaasar din naman kasi.

Ngunit napaisip ako ngayon na sana hindi ko nalang 'yon ginawa dahil mukhang na-trigger sila sa sinabi ko. May nag-lock sa'kin ngayon sa isa sa mga classrooms na nire-rennovate. Walang dumadaan nito. Sigurado naman akong si Audrey ang may pakana nito.

"Hello! May tao ba diyan! Hello! Tulong! May tao po rito sa loob!!!"

Kanina pa ako sigaw ng sigaw pero wala talagang dumadaan. Kung sana kasi hindi ako naniwala sa note na iniwan sa upuan ko e. Ang sabi naman kasi dito ko matatagpuan ang bag ko. Malay ko ba prank? E desperada akong hanapin ang bag ko na may laman lahat ng gamit ko. Pero malamang wala 'yon dito kasi entrapment 'to. Minsan talaga hindi ako nag-iisip e. Nakakaasar.

Ano'ng gagawin ko ngayon e wala akong dalang phone dito? Wala namang nakakarinig sa'kin.

"May tao ba diyan! Please, tulungan niyo 'ko dito!" Nananakit na ang kamay ko sa kakahampas sa pinto. Ayan na. Ayan na ang luha ko. Lalabas na! Bakit ba ang iyakin ko? Hindi naman bubukas 'tong pinto kung iiyak ako. Pero gabi na kasi e. Baka nag-aalala na si Uno sa'kin

Napasandal ako sa pader nang maramdamang naninikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Not now please. May claustrophobia kasi ako. Minsan pa, nagpapanic-attack.

"Gabbi??? Gabbiiii! Gabriella, are you here?"

Teka! May naghahanap sa'kin. Sumilip ako sa bintana pero hindi ko maaninag ang mukha.

"Nandito ako!" Sigaw ko sabay katok ng pinto.

Ilang minuto lang ay bumukas ang pinto. Si Carter ang nakita ko na bitbit ang aking mga gamit. Nang hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko, lumapit siya at niyakap ako.

"It's okay, Gabbi. I'm  here."

"Kailangan ko ng umuwi. Baka nag-aalala na sa'kin si Uno." Kinuha ko sa kanya ang mga gamit ko at nagpasalamat. "Salamat Carter. Kailan ko na talagang umuwi."

Aalis na sana ako ngunit hinawakan niya ako sa balikat.

"Ihahatid na kita."

"Hindi na."

"Gab? Come on. Ihahatid na kita."

Gusto ko siyang sungitan pero pinigilan ko dahil siya naman ang nagligtas sa'kin. Sa huli, hinayaan ko siyang ihatid nalang ako. Sasabihin ko nalang din kay Uno lahat ng nangyari para hindi siya magalit kaysa may kung anong marinig pa siya sa iba.

"Paano mo nalamang nando'n ako?" Tanong ko habang nasa biyahe.

"I went to see you. I didn't know that Prof. Lagman's absent. I was about to leave when I noticed your things. Kaya nilapitan ko and I saw the note."

"I see. Wala do'n 'yong gamit ko kanina. Lumabas lang naman kasi ako saglit sa klase kanina before Prof. Lagman's subject. Pagbalik ko wala na ang bag ko. Hindi ko talaga maintindihan ang Audrey na 'yon. Wala akong maalalang atraso sa kanya pero lagi nalang siyang nambu-bwiset sa buhay ko." Paglalahad ko ng saloobin ko. Naiinis na talaga kasi ako sa babaeng 'yon e.

"She's maybe just insecure—"

"Wag ka ngang patawa. Insecure? Nasa kanya na naman lahat."

"Gabbi, you're so innocent. That's something that those girls want to be but they just can't. You, you are naturally yourself. Your face screams meekness and innocence. That's absolutely the reason why my heart breaks seeing you cry."

Ngumiti ako ng pilit sa sinabi niya. Tumahimik ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko.

"I'm sorry about what Donny did, Gabbi. He deserved what happened to him. Mabuti nalang hindi 'yon pinalagpas ni Uno."

"Okay na 'yon."

"Oo nga pala. I have an exclusive party tomorrow tonight at my place. Sana makapunta ka."

"Naku. Imposibleng mangyari 'yan. Hindi rin ako mahilig sa party." Sagot ko kaagad.

"Gabbi, I just want you to be there. Parang christmas party na din. I promise, walang magpe-pressure sa'yong uminom o gawin ang hindi mo gusto."

"Sorry Carter. Hindi talaga pwede."

"Ah. Okay. Sayang, pupunta pa naman ang kaibigan mo." Kumunot ang noo ko.

"Kaibigan?"

"Yeah. Sydney Zaragosa?"

"Okay."

"Is that a yes?" Nakangiting tanong niya. Hindi ko siya nasagot dahil nasa tapat na kami ng condominium.

"Salamat sa paghatid."

"I'll take it as a yes Gabbi." Sabi pa nito bago ako tuluyang makababa.

Hindi ko na pinansin si Carter kasi naiisip ko si Sydney. Masama kasi ang kutob ko sa party na 'yon e. Hindi siya pwedeng pumunta do'n.

"Gabriella, where have you been?" Bungad ni Uno na nagpagulat sa'kin. "Kanina pa kita tinatawagan, hindi ka sumasagot. I went to the academy, wala ka naman do'n. Where were you? Gab naman, why do you always do things that make me worry?"

Naglakad ako papalapit sa kanya. Hindi niya yata inaasahan ang ginawa ko. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. It took him seconds to hug me back.

"Ni-lock ako nina Audrey." Kwento ko na nakayakap parin sa kanya. Ayokong makita ang galit sa mukha niya kaya hindi ako kumawala. "Buti nalang nahanap ako ni Carter."

"Oh! Seriously??? Come on!" He exclaimed. Kumalas siya sa pagkakayakap ko para tingnan ako sa mata. "You really believe that it's not him who set you up?"

"Uno naman e. Yong tao na nga ang tumulong sa'kin pag-iisipan mo pa ng masama?"

"It's not just a person, Gabriella! It's him, it's Andrews!" Singhal niyang nagpainis sa'kin.

"Bakit ba Uno? Ano ba'ng meron sa kanya at takot na takot kang makalapit ako sa kanya? Tungkol parin ba 'to sa mga kayabangan niyo? Kasi kung pagseselos ang dahilan, hindi pa ba sapat na lahat ng gusto mo sinusunod ko kasi mahal kita?"

"Gab, you don't understand. I just don't want you to get hurt or—"

"Or what? Uno, minsan napaparanoid ka e. O baka naman, may mas malalim na dahilan kaya hindi ko maintindihan? Why don't you tell me?"

Humugot siya ng malalim na hininga saka ako nilapitan. Uno pulled me by the waist and embraced me.

"I'm sorry. Maybe, you're right. I'm just paranoid." Hinalikan niya ako sa noo kaya tuluyan ng nawala ang inis ko sa kanya. "I'm sorry baby. When it comes to you, I really can't help but be paranoid. Ayoko lang ng napapahamak ka." Tumango ako para ipaabot sa kanya  na naiintindihan ko.

Nagpahatid ako ng maaga kay Uno kinabukasan para kausapin si Sydney tungkol sa party mamayang gabi sa bahay ni Carter. Inabangan ko siya sa main entrance ng campus.

"Hey girlfriend? Ang aga mo yata?" Bati niya nang lapitan ako.

"Oo. Maaga akong nagising e." Pagsisinungaling ko saka sinabayan siya sa paglalakad.

"Oh! I remembered. Mabuti at nandito ka. You know what happened yesterday? Carter invited me to his party." Magiliw na kwento ni Sydney.

"Honestly Syd, inabangan talaga kita dahil diyan." Tumigil siya sa paglalakad para harapin ako. Dahan-dahang kumupas ang  ngiti niya. "Ayokong pumunta ka do'n."

"What? Gabriella? Ano 'to? It's just a party—"

"Syd, masama ang kutob ko e. Ayoko lang mapahamak ka."

"Come on Gabbi. Why don't you just say it? You're trying to tell me that Carter is just using me to get you, right? Oo na Gab, ikaw na ang gusto ng lahat!"

"Sydney, hindi 'yan ang ibig kong sabihin—"

"Whatever Gab. Thank you sa concern mo. Pero sorry. You're not my mother. You can't stop me from going."

Siguro pupunta nalang din ako para mabantayan ko siya. Alam kong hindi papayag si Uno. Nagkasagutan nga kami kagabi na tinulungan ako ni Carter, ito pa kayang pupunta ako sa party na hino-host niya?

"Lacsamana?"

Sinipa ni Vien ang upuan ko. Kaklase ko siya na nakaupo sa may likuran ko.

"Tinatawag ka ni Prof." Narinig kong bulong niya. Nag-angat ako ng tingin. Nakatutok nga ang mga mata ni prof sa'kin.

"Ah? Prof?"

"Are you not feeling well, Lacsamana? You know my rules in this classroom. I don't want my students to be mentally absent. If you are not feeling well, you can just go to the clinic." Professor Pilapil scolded.

"Ah—Sorry po. Medyo masama nga po 'yong pakiramdam ko. Okay lang po bang pumunta ng clinic?"

"Lacsamana, I just said that."

"Ah. Oo nga po. Thank you po ma'am."

Parang wala sa sarili na naglakad ako sa kung saan-saan sa campus.  Nag-iisip parin ako kung pupunta ba ako o hindi? Kapag pupunta ako, mag-aaway kami ni Uno. Ayoko no'n. Pero ayoko namang mapahamak si Sydney. Minsan talaga kasi, sa sobrang bait ng kaibigan ko, tingin niya sa lahat mabuting tao. Mabait o naive?

I need a quiet place to think. Ah. Sa locker room nalang dahil siguradong walang tao do'n ngayon dahil class hours. Nakasandal ako sa locker habang nag-iisip ng malalim. Suddenly, may narinig akong mga yapak na papalapit.

"Come on dude, you really think that Gabbi is still a virgin? It's Uno Palmer, man. Siya ang nagpasimula niyang ubusan ng virgin dito sa campus." Wika ng lalaki na nagpasikip agad ng dibdib ko. Nagtago ako sa maliit na sulok habang patuloy sa pakikinig.

"Do you really think that Gabriella will easily give it up? She's Gabriella. She's always hard to get." That's Carter's voice. "Pero mamayang gabi, everything will happen as planned."

"Are you sure she's going?" Another voice asked.

"Sigurado akong pupunta siya. My fangirl's going to be there. Hindi matitiis ni Gabbi si Sydney. I asked Sydney na isama si Gabriella. And she said they'll both be going."

"But Carter come on, what if she's really not as innocent as we thought? What if naunahan ka na ni Uno?"

"Then it's payback. Hindi naman mahalaga kung ako ang nauna. Have you seen Palmer when he's around Gabriella? He's weak. She is his weakness. Kaya mamayang gabi, it's both winning. If I get her to bed and proved she's a virgin, I'm the man. Pero kung hindi, I can imagine Uno Palmer's reaction."

"Yeah. That's right dude. At least, makabawi man lang tayo sa ginawa nila ng kapatid niya kay Donny."

Napakuyom ako ng mga kamay samantalang tahimik akong umiyak. Hinintay ko silang makaalis saka lumabas. Umuwi ako sa condo at do'n nagmukmok, naghihintay na dumating si Uno.

"Hi baby—" Bati niyang binara ko agad. Hahalikan niya kasi sana ako pero umiwas ako sa kanya. "Gabriella, what's wrong?"

"Uno, ano'ng laro ang sinimulan mo sa campus na pinagpapatuloy ngayon ng mga gago na 'yon?"

"I don't know what you're talking about—"

"Hindi mo alam? Kagabi kasi, alam na alam mo e! Alam na alam mong may masamang balak si Carter kaya ayaw mo 'kong lumapit sa kanya. Well surprise Uno, it turned out you are right! Ako lang naman ang sinusuyo ng mga gago na 'yon para ikama ako! Alam kong hindi mo kasalanan na gago sila pero Uno... hindi ko alam, nasasaktan ako." Tumalikod ako sa kanya nang pakawalan ko ang hikbi ko.

"I will kill those jerks. Did they try to hurt you Gabriella—"

"Hindi iyan ang gusto ko! Hindi iyan ang kailangan ko! Ayokong ipagtanggol mo 'ko. Ang gusto ko lang ngayon Uno, malaman mula sa'yo kung ano 'yon kasi hindi ko maintindihan. Hindi ko makuha kung bakit galit na galit silang lahat sa'yo. Hindi ko maiwasang isipin na baka nangyari sa'tin 'yong gabing 'yon dahil sa takteng laro na 'to!"

"Gabriella, I told you! What happened that night was a mistake because we're both drunk!"

"Talaga? Then tell me what is this damn game?" Sigaw ko sa kanya.

"I will tell you. Please, come here Gab. Don't hate me." Lumapit siya sa'kin para punasan ang luha ko. "Kung alam kong darating ka sa buhay ko, hindi na sana ako nagpakagago. Look Gab, what I did during my stay in the academy is purely me being immature and a jerk. I'm sorry. Hindi ko alam na madadamay ka sa larong 'yon."

Uno offered me the comfort of his arms and my heart just melted that quickly. Ang bilis humupa ng galit at sakit na nararamdaman ko, isang yakap lang mula sa kanya.

"Stop crying now, Gabriella. I will fix this. And like I promised, I will not let anyone lay a hand on you. Baby, I love you. I love you so much, Gabriella. I need you to trust me."

Nakikita ko ang sarili ko na tumango sa kanya. Bago siya umuwi ng gabing 'yon, ikinuwento sa'kin ni Uno ang tungkol sa laro na sinimulan niya kasama ang mga varsity players. Highschool palang siya no'n. Fourth year high school. Ang laro ay purely paramihan ng babaeng ma-devirginize nila. May pipiliin silang babae na paunahan sila sa pagkuha bilang final round ng laro, the last virgin of the game. I guess it's what I am sa laro nina Carter at Donny. Napakawalang kwentang laro. Laro nga ng mga gago—mga taong wala nga din naman palang kwenta. They even called the game as Hunger Game. Can you believe those monsters!?

The heat between Carter and Uno began with Carter's ex-girlfriend. Hindi siya ang last virgin sa laro pero naging issue dahil nakuha ni Uno ang pagkababae nito. Naiisip ko, kung ganito ka-gago si Uno hanggang ngayon, mamahalin ko kaya siya? Nandidiri kasi ako sa mga kagaguhang ginawa niya noon.

"Oh damn. Si Sydney!" Naibulalas ko nalang nang maalala ko ang kaibigan ko.

Oh my gosh! Tinawagan ko si Uno ng ilang beses pero hindi siya sumasagot. Narealize kong naiwan ang phone niya sa sala nang bumaba na ako ng kwarto para umalis. Takte naman o! Tres. Si Tres! Kailangan ko siyang tawagan.

"Ba't ba ayaw niyong sumagot!" Reklamo ko nang hindi rin sinagot ni Tres ang tawag ko. Alas nuwebe pa naman. Hindi pa gano'n kalalim ang gabi so imposibleng tulog na sila. Iniwanan ko nalang ng text message si Tres na kailangan ko ang tulong niya at pumunta agad sa place ni Carter kapag natanggap niya ang message ko. Hindi ako pwedeng mahuli kaya nauna na ako sa lugar.

"Oh meeeeen! Gabriella is in the house!" Sigaw ng lalaking natatandaan kong teammate ni Carter sa basketball. Walang kiming lumapit ako rito at kinuwelyuhan 'to.

"Nasa'an si Sydney!?"

"Relax Gabbi. For sure, nasa langit na ngayon ang kaibigan mo—" Hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya. Sinuntok ko siya sa mukha. Damn. Ang sakit ng kamay ko. Tumakbo agad ako sa ikalawang palapag ng malaking bahay ni Carter. Isa-isa kong tiningnan ang bawat kwarto pero hindi ko makita si Sydney.

"Oh Gabriella, you came." Pabulong na anas ni Carter mula sa likuran ko. Kinilabutan ako sa ginawa niya lalo na ng itulak niya ako papunta sa kwarto na nilabasan ko para i-check si Sydney.

"Nasa'n ang kaibigan ko?" Pagtatapang-tapangan ko.

"Shh. Don't mind her. Let's do something fun." I can smell the alcohol in his breath. This is not right! Kailangan kong makaalis!

Tumakbo agad ako papunta sa may pintuan. Nagulat nalang ako nang hindi ko 'yon mabuksan. It's locked! Nanginginig bigla ang tuhod ko. Hindi ako makahinga.

"Gabbi, you don't deserve a jerk like Uno Palmer." Lumapit si Carter sa'kin. Hindi ako makagalaw sa sobrang takot at dahil narin sa paninikip ng dibdib ko. Iyak lang ang tanging nagawa ko ng sandaling 'yon.

"Don't cry Gabbi. I promise, you will not remember him anymore after tonight."

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 9.9K 70
5 years ago, si Althea Alvarez-Gonzales ay ikinasal kay Carlo Gonzales. She was 18 then and Carlo was 19. . but unfortunately, they were only married...
58.4K 8K 63
Ang Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yo...
352K 4.6K 31
Try to get in to the flow of the story. This story is not suitable for young ages. It is a typical story which can be found out there. A story of mov...
108K 2.4K 52
❝ I didn't expect that I will be in love once again. ❞ TPMMM Sequel: Lyron Shin and Yassi Jhae