TORTURING HER INNOCENCE °[Kat...

By MadamKlara

308K 7.7K 1.7K

[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then... More

Prologue
Advisory
1. Gabbi
2. Danni
3. The Lacsamanas
4. Condo
5. The Palmers
6. Boys and Boys
7. Punishment
8. Birthday
9. Broken Hearts & Egg
11. Lil Sister
12. Happy Birthday
13. No Other Guys
14. Soft N Fragile
15. Scandal
16. Set-Up
17. No More-
18. Flirtations
19. Morning
20. Hunger Game
21. Last Virgin
22. Missing You
23. Sissums
24. Friends
25. Songs
26. Gig
27. Gifts
28. Jillian
29. Survival
30. Work
31. Losing
32. Breaking
33. Tears
34. Love at First Sight
35. Far Away
36. The Return
37. Decade
38. Babies
39. Thank You
40. The Come Back
41. Once Again
42. Missing
Author's Note
43. Give Up
44. End
45. Happy Smiles
Happy Author
Epilogue
PLEASE READ
THE PALMER BROTHER Series

10. Love, Gab

6.3K 173 31
By MadamKlara

Kanina pa ako nakahiga sa kama pero hindi parin ako dinadalaw ng antok. Palibhasa kasi, nakokonsensiya akong nasa sahig si Uno. Hindi niya naman kailangang do'n matulog kasi siya naman ang may-ari ng condo.

"Gabriella, are you still awake?"

Nang marinig ko ang boses niya, pumikit agad ako at nagkunwaring tulog. Nararamdaman kong bumangon si Uno at tinitingnan ako. Ang hirap pala maging artista. Haha.

"Gabbi, I know you're not sleeping."

"Uno, magpatulog ka nga ng tao!" Pagda-drama ko saka bumalikwas ng higa patalikod sa kanya. Hindi ko kasi mapigilang ngumiti at hindi niya dapat makita 'yon.

Ang gago, tinutusok-tusok niya ng hintuturo niya ang gilid ko.

"Uno, ano ba?"

"I know you're not sleeping." Tumatawang sabi niya habang pinapatuloy ang pagkiliti sa'kin.

Nang hindi ko na matiis ang ginagawa niya, humarap ako para hulihin ang kamay niya. Ilang minuto naming ginagawa 'yon na parang mga timang. Nang mapatitig ako ng hindi sinasadya sa mukha ni Uno, na-paralyzed ako. Tuwang-tuwa siya kasi. Ngayon ko palang siya nakitang tumatawa tulad ngayon, walang kapilyuhan. Talagang masaya lang.

"Unoooooo!" Napasigaw nalang ako nang hilahin niya ako pabagsak sa sahig. Akala ko ay mabubugbog na naman ang puwet ko do'n, buti nalang sa katawan niya ako bumagsak. Niyakap pa nga niya ako.

"Kwentuhan muna tayo Gab."

Itinulak ko siya at umayos ng higa sa tabi niya. Tumagilid si Uno at tumitig sa'kin. Inirapan ko siya bago ako tumagilid para magkaharap kaming dalawa.

"Wala akong magandang kwentong baon rito. Hindi mo naman sinabing kailangan mo ng bedtime stories para makatulog ka," Panunudyo kong nagpatawa sa kanya. "Ikaw nalang, kwentuhan mo 'ko."

"What do you want me to tell you?"

"Kahit ano... pero 'yong masaya lang ha? Ayokong nalulungkot e." Pag-amin ko. Kaya ako nagtatapang-tapangan kasi iniinda ko lang kapag sobrang sakit na. Ayokong maramdaman ang sakit at lungkot kaya niloloko ko ang sarili ko. Tinitiis ko ang sakit.

"I don't like that too."

"Ha? Ang alin?"

"Ang malungkot ka." Saad niyang nagpangiti sa'kin.

"Ako gusto ko ng malungkot ka."Pagbibiro ko para alisin ang napakaseryosong atmosphere. "Para mabawasan naman ang pagka-gwapo mo."

Nagulat ako dahil ngumiti siya ng malapad sa sinabi ko. Masaya pa siya no'n? Na gusto ko siyang malungkot? Tsk. Para talagang ewan 'tong si Uno.

"Gwapo ako, Gabriella? Is that what you mean?"

"Ha? Akala ko ba alam mo na 'yon." Sagot ko, umaaktong normal kahit ang totoo ay kinakabahan.

"Yes, I know that. Akala ko lang hindi mo napansin."

"Matulog ka na nga lang, Uno."

Tumango siya. "Can I have a goodnight hug?"

"Ano? Walang gano'n Uno—" Natahimik ako dahil niyakap na niya ako. He even kissed my forehead.

"Goodnight, Gabriella."

He-He. Goodnight? Goodnight Uno? Paano ako magkakaroon ng good na night kung kinukulong mo 'ko sa bisig mo? Hindi nga ako makagalaw! Hala siya, walang pakialam. Umidlip na yata.

"Uno?" Hindi siya sumagot. "Uno?"Tawag ko ulit.

Baka tulog na talaga Gabbi. Wag ka ngang nanggigising! Para kang timang diyan e.

"Ang perfect mo Uno. Para kang hindi totoo. Nakakatakot kang kasama." Bulong ko bago ipinikit ang mga mata.

Sa pagkakaalala ko, sa sahig ako nakatulog dahil nakakulong ako sa yakap ni Uno. Pero nagising ako sa kama. Sumilip ako sa baba para i-check kung nando'n pa siya. Wala na siya do'n pati ang comforter na hinigaan namin kagabi.

"Are you awake, Gabriella? You'll be late for school!" Sigaw niya mula sa labas na nagpagising sa'kin, mentally.

Oo nga pala, may klase nga pala! Tumakbo ako papunta sa shower at naligo sa loob lang ng limang minuto. Haha. Ang galing ko sa mga ganito e, mga rush-hour moves.

"Ang tagal mo." Komento niya nang makababa na ako.

"Ba't hindi mo 'ko ginising?"

"Gusto ko 'tong ganito. 'Yong nagpapanic ka." Nakangising sagot niya. Ano namang ibig sabihin niya no'n?

"At bakit, Palmer?"

"So I'll become your hero again. I'll be your only chance of not getting late."

"Para kang timang. Ewan ko sa'yo. Kung makapag-isip ka... Tsk. Tara na."

"I made you a tuna sandwich for breakfast. Who says you can go to school with an empty stomach?" Inirapan ko siya. Kumuha ako ng table napkin at inilagay do'n ang sandwich na tinutukoy niya.

"Kakainin ko sa biyahe."

"At least drink the milk." Utos niya.

"Fine! Para kang si tatay talaga."

May naalala ako bago makababa ng kotse pagdating namin sa academy. Humarap ako kay Uno samantalang tinaasan niya ako ng kilay.

"Gabriella? What are you doing? You're already late!" Panenermon niya.

"Kausapin natin ang mommy mo mamaya. Okay?" Kumunot ang noo ni Uno. "Okay! Bye. Ingat ka po!"

Humihingal akong dumating sa classroom dahil tumakbo ako papunta do'n e. Nakakainis dahil absent pala ang professor namin. Nag-effort pa akong tumakbo. Tsaka, ang sakit ng tiyan ko a. Busog na busog ako tapos pinapatakbo ako para sa wala.

"Si Uno Palmer ba 'yong naghatid sa'yo?" Tanong ng isang babaeng hindi ko kilala. Naglalakad akong mag-isa sa hallway. Wala kasi si Sydney. Nag-absent dahil gusto niya raw bantayan ang lola niya. Nagtext siya sa'kin this morning.

"Boyfriend mo si Uno?" Hirit naman ng isa.

Wow. Talaga bang kilala ng lahat si Uno? Celebrity ba 'tong pekeng boyfriend ko? Tsk. Ba't ba kasi ang epal ko noon at wala akong pakialam sa mga campus celebs. Puro aklat at pag-aaral lang ang inaatupag ko no'n. Ang boring ko sigurong tao ano?

"Girl? Don't space out on us. We're talking to you." Pukaw ng isa pang babae na kasama sa grupo.

"He's not her boyfriend." Someone answered the question for me. Kilala ko ang boses na 'yon. Isa pa, wala namang ibang kontrabida sa buhay ko maliban kay Audrey and friends. "Ba't naman magkakaroon ng jowang palaka si Uno?"

"He's spotted driving her to school for so many times na kaya." Sagot ng babae. "And yesterday, that was so heroic and romantic. Sinalo niya 'yong egg for her."

"Gano'n lang? Girlfriend na siya agad?"

Hala sige, mag-away pa kayo. Habang nagsasagutan sila, hinay-hinay akong lumayo sa kumpol. Hay naku! Mga babae talaga.

Pasipol-sipol na naglakad ako palabas ng campus after a tiring day. Ang daming quizzes at reporting sa araw na 'to. Nahihirapan na ang utak kong limited lang ang storage capacity. Hahaha. Building namin sa college of business ang malapit sa building ng senior highschool kaya naman palagi kaming nagkakasalubong o nagkakasabay sa hallway ni Seven at ni Six. Si Seven ang kasabay ko ngayon palabas ng campus.

"Ate Gabbi? Mukha kang pagod?"

"Halata ba? Haggard ba mukha ko?" Natatarantang tanong ko.

"Medyo."

Ha? Medyo? So haggard nga? Inayos ko ang pagkatali ng buhok ko pero hindi ako kumportableng nakabagsak lang ang mahaba kong buhok kaya sa huli tinali ko parin 'yon ng magulo, ng naka-bun na magulo. Nangawit ang braso ko do'n a.

"Ate sasabay nalang ako sa'yo. Susunduin ka ni kuya diba?"

"Ha? Hindi niya sinabi—"

"Tumingin ka ng diretso ate Gabbi." Utos ni Seven na nagpatigil sa'kin sa paglalakad. Mga babae ang nakikita ko at hindi ko alam kung sino o ano ang pinagkakaguluhan nila. "Ay oo nga pala. May height deficiency ka pala ate Gabbi." Nanlaki ang mata ko nang itaas ako ni Seven. "Can you see him?"

"Seven, ibaba mo 'ko. Nakikita ko na ang kuya mo. Sige na, ibaba mo 'ko."

Ngumiti lang ang mokong. Pero infairness, ang lakas niyang bata.

"Excuse me girls. Padaan kami." Anas ni Seven sa mga babaeng nakaharang sa daan papunta sa kotse ni Uno. "Kuya!" Nakangiting tawag ni Seven sa kapatid niya. Imbis na matuwa, nakatingin si Uno ng masama. Nasagot ang bakit sa utak ko nang tingnan ni Uno ang kamay ni Seven na nakahawak sa wrist ko.

"Ate, sakay ka na. Do'n tayo sa likod para kwentuhan tayo." Yaya ni Seven.

"At pagmumukhain niyo 'kong driver?" Singit ng suplado.

"Ay. Sige ate. Sa harap ka nalang maupo ate Gabbi."

Panay ang pag-irap ni Uno sa'kin habang bumibiyahe. Ano'ng problema niya? Sinisilip ko si Seven sa rearview mirror, chicheck kung okay lang siya. Ang tahimik kasi. Walang nagsasalita. Ngumiti si Seven kaya nginitian ko din.

"Galit si kuya." He mouthed in the mirror.

"Hindi ko alam." Sagot kong mukhang naintindihan naman niya. Pero nahuli ako ni Uno kaya napakagat ako ng labi. "Sev, nakita ko nga pala si Anastacia in person kaninang umaga." Kwento ko para basagin ang katahimikan.

"Really? Does she look like Dandan in person?"

"Dandan?" Sabay na utal namin ni Uno.

"Si Daniella."Pasimpleng sagot niya.

"I know, moron. Why are you giving her an endearment?" Sita ni Uno na parang galit. Galit nga ba siya?

"Eh siya naman 'yong makulit. She gave me a nickname first so gumanti lang ako." Sagot niyang nagpanganga sa'kin. Teka? Hindi naman sila magkakilala e!

Kinailangan naming huminto dahil sa traffic na siyang dahilan kung bakit nagkaroon si Uno ng pagkakataong harapin ang kapatid niya. Lumingon narin ako para tingnan si Seven.

"Are you chatting with her, Seven?"

"Kuya. It's normal."

"Tumigil ka Seven ha? Kapag narinig ko pa ulit na babanggitin mo ang pangalan ni Daniella, lagot ka sa'kin."

"Uno. That's too much." Saway ko sabay hawak sa braso niya. "I think it's okay. Magkaibigan lang naman sila. Right, Sev?"

"O—of course, ate Gab."

Nang makarating na kami sa bahay nila, pinauna ni Unong bumaba si Seven dahil may pag-uusapan pa kami. Tungkol parin ba 'to kay Danni?

"Ano'ng pag-uusapan natin?"  Nakatingin kasi siya sa malayo at hindi nagsasalita. "Uno?" Kailangan ko pa talaga siyang tapikin bago niya ako mapansin. Ano'ng problema nito?

"Gabriella, it's Seven! He doesn't talk to girls for friendship."

"Grabe ka naman maka-judge sa kapatid mo. Uno, wala namang masama kung magkaibigan sila, parang tayo—"

"Excuse me?" Napasinghap ako sa biglaang pagtaas ng boses niya. "You are not my friend, Gabriella."

"Ouch ha!"

"You're my girlfriend."

"Uno, you know what I mean."

"I really don't feel right about Seven chatting your sister. Gabbi, kung umuwi kaya tayo ngayon sa inyo?" Napataas ako ng kilay ng wala sa oras sa sinabi niya. Ano? Timang ba 'tong taong 'to?

"Stop overthinking things, Uno. Seven seems to be a good boy. At saka, your brother likes me at sigurado akong may respeto sa'kin ang kapatid mo—"

"Kaya pala hinayaan mo siyang hawakan ang kamay mo." Mahinang sambit niya.

"Ano'ng sinabi mo?"

"Ewan ko sa'yo." Anas niya saka umambang lalabas na ng kotse. Siyempre pinigilan ko siya e kasi naman parang abnormal.

"Hinila lang ako ni Seven para makadaan kami. Ikaw naman kasi, bakit mo idinisplay ang pagmumukha mo? Pwede ka namang maghintay sa loob ng kotse. Tsk."

"It's still not a valid reason Gabriella. Ako lang ang pwedeng humawak sa'yo."

Pashnea. Bakit biglang may mga dagang naghahabulan sa dibdib ko?

"Tara na nga."Padabog na saad niya.

Sumunod na lamang ako. Naghihintay si tita Demi sa entertaining area sa tapat ng swimming pool nila.

"Good afternoon po." Bati ko rito. Tumayo si tita para yakapin ako.

"Mabuti naman at napasyal kayo."

"Mom. This is important. We're honestly leaving in a while for our date. Dumaan lang kami para pag-usapan ang tungkol sa birthday ko." Paliwanag ni Uno na nagpabigla sa'kin sa part ng banggitin niya ang date.

"You told him, Gabbi?"

"Mom. It's not that she meant to spoil your plans. I have everything planned out for that day. Sasama ako kay Gabbi na umuwi sa kanila. It's her birthday too."

Kumislap ang mga mata ni tita matapos marinig 'yon.

"Oh. Aren't you two so cute? You're really meant to be. Magka-birthday pa pala kayo. Let's just celebrate it together with your family. Gabbi, okay lang sa'kin na pumunta sa inyo. I'm sure your tito Wyatt will agree to it—"

"Mom. It's too soon for you to meet her family. Isa pa, gusto ni tatay na sila lang magpamilya ang nando'n." Lumungkot ang mukha ni tita kaya napangiwi ako. "Mom, if you really like, we can celebrate a day after that. Give this to me, mom. Please?"

"Son, it's your debut. It's your 21st birthday."

Ha? 21st birthday? Akala ko 21 na siya. So? For a few weeks, magka-edad si Uno at Dos? Ang bilis nasundan a. Gabriella, off topic ka e! May problema kang hinaharap o!

"Uno, tama ang mommy mo. You can stay. Kung gusto mo, sa susunod na araw nalang tayo uuwi."

Tinapunan ako ni Uno ng masamang tingin kaya nakagat ko ang ibabang labi ko. Ang tigas talaga ng ulo nitong kumag. Gusto niya siya ang nasusunod.

"Gabriella, we've talked about this already." Sita niya sa'kin. "Mom, I just want to spend this day with her. Please just give this to me."

Totoo ba 'yang sinasabi niya? Pinapakaba niya naman ako e. Naku! Naku Gabbi! Nagfe-feeling ka na naman diyan.

"Alright." Nakangiti si tita Demi nang hawakan niya ang tig-isang kamay namin ni Uno. "Anything that will make you happy, anak."

"Thanks mom."

Nagyakapan silang mag-ina at para akong tuod na nakatingin sa kanila. Nang balingan ako ng mommy ni Uno, ngumiti ako ng pilit. Kinabahan pa nga ako ng yumakap ito sa'kin.

"Nakakakilig ang anak ko ano? I didn't know he's sweet." Bulong ni tita habang yakap ako.

Sweet? Hindi po. Isa pong malaking scam ang anak niyo. Paasa 'yan e. Sasabihan kang maganda tapos babawiin rin lang. Sasabihan ka ng mga sweet words pero kahit pagbuksan ka ng pinto ng kotse, hindi nga magawa. Wala siyang sweet juices sa katawan.

"Mom, we have to go." Paalam niya sa mommy niya kaya pinakawalan na ako ni tita. "Let's go love."

Love? Love ba ang sinabi niya? Tumili nga si tita do'n e. Love? Baka nabingi lang ako, pwede namang Gab 'yon, right? Gab. Love. Gab. Love. Gab. Magkatunog. Gab nga 'yon.

"Gabriella, you look like you've seen a ghost."

"Love? Gab?"

"Ano'ng pinagsasabi mo?"

"Ha? Wala! Wala! Tara na, Uno! Sa'n tayo magde-date?" Sunod-sunod na utal ko.

Ang tanga mo talaga Gabbi! Ba't mo isinatinig 'yon? Napakaengot mong babae ka! Ugh.

"Love? Gab." Utal ni Uno nang nakangiti. "Mukha bang magkatunog?"

"Ha?"

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 3.5K 5
Hi! I unpublished most of the chapters of The Secret Wife here in WP. Pwed nyo pa din po sya basahin sa Dreame accnt ko. Just search for my username...
4.9K 119 42
minsan ang pag-ibig ay nararamdaman sa hindi inaasahang pagkakataon, sa hindi inaasahang tao. con-amore- 2017
179K 2.5K 37
Si Nathalie Guevera ay lumaki sa nakasanayang magandang buhay na kung saan lahat ng gusto nito ay nakukuha niya, ngunit papaano kung sa isang iglap l...
58.4K 8K 63
Ang Kaalamang wala kana at kailanman ay di ko na makikita pa ay parang palasong itinarik mo sa puso ko.... Hindi ko matatanggal dahil habang buhay yo...