Huling Hiling

By meemyiesh

304 15 2

Ang pagbabago sa buhay ni Sittie. More

Huling Hiling

304 15 2
By meemyiesh

Halos tatlong oras siyang nakadungaw sa kanilang bintana. Tahimik na nakamasid sa labas ng kanilang bahay. Ginugunita ang mga masasayang araw na kanyang iiwan roon. Plano ng kanyang mga magulang na pag-aralin si Sittie na malayo sa kanila. Plano nilang patirahin ang kanilang anak sa kanilang mga kamag-anak upang makilalang lubusan ni Sittie ang kanilang mga kamag-anak na minsan lang niyang nakita at nakasama. Para na rin sa kapakanan ni Sittie, kaya nila papaaralin ang kanilang anak na malayo sa kanila. 

Si Sittie ay lumaki sa lungsod na kung saan hindi niya nadala ang pagiging isang dalagang Muslim. Lumaki siya na salungat sa kanilang paniniwala na halos hindi maipinta na isa pala itong Muslim. Si Sittie ay may labingwalong edad na. Sapat na ang kanyang edad upang suyuin ng mga kalalakihan ngunit ipinagbabawal ng kanyang mga magulang na mapalapit si Sittie sa sinumang lalaki. Madaming lalaki na rin ang pumanhik sa bahay nila Sittie, ngunit walang sinang-ayunan ang kanyang mga magulang sa mga lalaking pumapanhik sa kanilang bahay sapagkat salungat ang mga ito sa relihiyong kanilang pianapaniwalaan. Hindi naman maitatanggi na kaya maraming nagkakandarapang lalaki kay Sittie dahil isa siyang magandang dalaga, na may balingkinitang katawan, may matangos na ilong na parang isang Indian, may makinis na kutis na kasimputi ng gulay na upo, may kalakihang mata na nababagay rin naman sa kanyang bilugang mukha, may mapupulang labi na kasimpula ng dugo na hindi na kelangan pang lagyan ng pangkulay sa labi at may katangkarang 5'5. Masasabing isa siyang perpektong dalaga, ngunit ang kulang lamang sa kanya ay ang paniniwala sa kanyang Panginoon. May ugali rin kasi si Sittie na may pagkamabait na kung minsan ay nagiging mataray na, masunurin siyang bata pagdating sa kanyang mga magulang ngunit isang bagay lang ang hindi nasusunod ni Sittie sa mga payong sinasabi sa kanya ng kanyang mga magulang at 'yun ay ang kanilang paniniwala. Hindi ito nasusunod ni Sittie dahil na rin sa impluwensiya ng lipunang kanyang kinalakhan. 

Araw ng Sabado at ito na rin ang araw ng paglipat lungsod ni Sittie. Inihatid ng kanyang mga magulang si Sittie sa terminal. Hindi kabisado ni Sittie ang lugar na kanyang pupuntahan ngunit, may susundo naman sa kanya sa terminal at 'yun ay ang kanyang pinsang babae. Mag-isang nagbibyahe si Sittie. Napansin ni Sittie na hindi pala lungsod ang kanyang pupuntahan kundi isang probinsya. Ang akala niya ang lilipatan niyang lugar ay gaya rin sa kanyang kinalakhan ngunit salungat ito. Nakarating na si Sittie sa terminal at hinanap niya ang kanyang pinsan ngunit hindi niya ito makita. Hinagilap ng kanyang dalawang mata ang mga sulok sa terminal ngunit wala naman roon ang kanyang pinsan. Nangamba si Sittie baka nakalimutan ng kanyang pinsan na susunduin niya ito. Akmang tatawagan na ni Sittie ang kanyang mga magulang ngunit nagulat siya sa isang babaeng balot na balot na halos wala ng makita sa kanyang katawan kundi ang kanyang mata lamang. Panay titig naman si Sittie sa babaeng nasa harap niya. Napansin din niya na nakatitig rin pala ang babae sa kanya. Nang biglang nagsalita ang babae, 

"Tara na! Uwi na tayo." ang wika ng babae na nasa harap niya. 

Nagtaka naman si Sittie sa sinabi ng babaeng balot na balot. 

"Huh?! Hindi po pwede, di ko po kayo kilala at isa pa may hinihintay ako rito", ang sagot ni Sittie sa babaeng nasa harap niya.  

Bigla namang tumawa ang babaeng nasa harap niya, 

"Pinsan, ako toh! Si Airah," patuloy pa ring tawa ng babae.  

"Ikaw na ba talaga 'yan?," pagtatakang sabi ni Sittie, "bakit parang balot na balot ka sa kasuotan mong 'yan? Hindi ka ba naiinitan?" 

"Hay naku pinsan! Mahabang storya, basta ikwento ko lang sa'yo pagdating natin sa bahay kung bakit ako nagtransform bigla sa ganito. Tsaka, isa pa, bakit ang ikli-ikli nang pananamit mong 'yan? Nakulangan ba ng tela insan? Hahaha!" ang tawa nito. 

Nang makarating na sila sa bahay nila Airah, ay mainit na sinalubong naman sila ng kanilang mga kamag-anak. Hinananap ni Sittie ang kanyang Lola saan mang sulok ng kanilang bahay ngunit, hindi niya ito mahanap. Dali-daling pinuntahan ni Sittie ang silid ng kanyang Lola at doon ay nakita niya ang kanyang Lola na nakaratay sa kama. Nilapitan niya agad-agad at niyakap.  

"Ina, kamusta na po kayo?" 

"Sino ka?" ang sagot ng kanyang Lola. 

"Ina, si Sittie po ito anak nila Kadi." 

Malamig na simoy ng hangin ang naramdaman ni Sittie, dali-dali siyang nagising sapagkat may pasok pala ito. Pagmamadaling naligo ito at nagbihis.  

"Naku! Unang araw ng pasukan pala ngayon, hindi ko alam kung saang building ako pupunta sapagkat di ko naman kabisado ang lugar na ito." 

Habang nagsasalita siyang mag-isa, narinig pala ito ng kanyang pinsan. 

"Wag kang mag-alala Sit, sasamahan ka ni Jalil, doon rin siya nag-aaral." ang wika ni Airah. 

"Jalil? Sino naman 'yun?" pagtatakang tanong ni Sittie sa kanyang pinsan. 

"Kamag-anak din natin 'yun, basta bilisan mo jan, inaantay ka na niya sa baba." 

Si Jalil ay may pagka-relihiyosong lalaki. Strikto ito pagdating sa mga kababaihang Muslim. Lage niyang pinapayohan ang mga kababaihang Muslim tungkol sa kanilang pananamit. Umismid si Jalil nang makita niya si Sittie na papanaog na. 

"Astagfirullah! Anong klaseng babae ba ito? Ang ikli-ikli ng damit!" kausap ang sarili niya.  

Nilapitan ni Sittie si Jalil ngunit nabigla si Sittie sa ginawang paglayo ni Jalil.  

"Anong problema ng lalaking 'yun?" nasabi niya sa sarili. 

"Huwag kang lumapit sakin!" galit na wika ni Jalil habang sila'y naglalakad "baka sabihin pa ng mga taong naririto na kilala kita." 

"Bakit? Ano bang problema mo sakin? Hindi mo pa naman ako kilala ah?" pagtatakang tanong ni Sittie.  

"Ah basta! Tanongin mo sarili mo. Basta, 'wag na 'wag kang lumapit sakin." 

"Ngunit, di ko alam saang building ko ito mahahanap."  

"Sumunod ka na lang sakin, 'wag mo lang ako lalapitan." 

Habang sila'y naglalakad, may napansin si Sittie sa mga taong kanilang nadadaanan. 

"Hoy Jalil! Bakit ganyan kong makatingin 'yung mga tao dito? Dahil ba bagong mukha ang kanilang nakikita? Bakit parang galit sila sakin?" ang pagtatanong ni Sittie. 

"Tanongin mo na lang sarili mo at 'wag na 'wag mo rin akong kakausapin!" paggalit na sagot ni Jalil. 

Naririnig ni Sittie ang mga bulong-bulongan ng mga tao roon. Sa palagay niya'y siya ang pinag-uusapan. Hanggang sa makarating na sila sa kanilang Campus ay panay pag-uusap tungkol sa kanyang ang kanyang naririnig. Malungkot na tiningnan ni Sittie ang kanyang sarili sa salamin na kanilang nadaanan. Ibang-iba ito sa taong nasa paligid niya. Marami siyang nakikitang mga taong balot na balot. Nang bigla-bigla'y may lumapit sa kanya na isang babae.  

"Assalamo Alaicom, ikaw ba 'yung bagong lipat dito sa paaralan? Nais ko sanang ipaalala sa'yo na kung pupwede ay 'wag kang magsuot na ganyang damit kasi pinagpipiyestahan ka ng tingin ng mga kalalakihan. Hindi mo ba napapansin na halos lahat sila'y nakatingin sa'yo? Oo nga pala, ako nga pala si Jannah." wika ng babae. 

"Maraming salamat sa pagpayo mo sakin, bago lang kasi ako dito sa probinsya, tsaka hindi ako lumaki kagaya niyo na nagsusuot ng mga ganyan. Kaya naman pala panay 'yung bulungan ng mga babae rito. Sige, papahabain ko na ang aking kasuotan simula bukas. Ako nga pala si Sittie." 

Simula nun, ay nagbago na ang pananamit ni Sittie. Ang Sittie na nagsusuot ng mga maiiksing damit ay nagbago na, napalitan na ang mga damit na iyon sa mahahaba. Hanggang sa nagsuot na rin siya ng Hijab (isang kasuotan ng mga babaeng Muslim upang matakpan ang kanilang buhok). Nakikipagsalamuha na rin siya sa mga taong nakapaligid sa kanya. Dahilan na rin sa pagsuot niya ng Hijab ay nagbago na rin ang pakikitungo ni Jalil sa kanya. Kinakausap na rin siya ni Jalil at sila'y naging matalik na magkaibigan. Lage silang magkasama, nagkukwentuhan, nagtatawanan at nagpapalitan ng kwento. Napag-isip-isip na rin niya na magbago habang may oras pa. 

"Sittie, sana'y maipagpatuloy mo ang pagsuot ng Hijab upang malaman ng mga tao na ikaw ay isang Muslim at hindi isang Christian. Alam na ba ng mga magulang mo na malaki ang pinagbago mo nagmula nung napadpad ka rito? Tiyak, 'pag nalaman nila'y matutuwa sila." masayang wika ni Jalil.  

"Hindi pa nila nalalaman Jalil, gusto ko kasi silang supresahin pag-uwi ko roon sa amin." 

Habang sila'y naglalakad ay may isang matandang babae na biglang nagsalita  

"Ikaw babae, dapat ay takpan mo iyang mukha mo dahil napakalaking fitna (napapaibig ang isang lalaki sa kanya ito'y isang kasalanan) sa mga kalalakihan ang iyong napupukaw." ang wika nito. Nagtaka si Sittie sa sinabi ng matanda. 

Nang makauwi na si Sittie sa kanilang bahay ay agad-agad itong nagtungo sa silid ng kanyang Lola.  

"Ina, may isang matanda na pinayuhan ako at sinabing takpan ko raw ang mukha ko dahil malaking fitna sa mga kalalakihan ang aking napupukaw. Ina? Ano po ang ibig sabihin ng sinabi ng matanda?" ang pagtatanong nito sa kanyang Lola. 

"Apo, tama ang sinabi ng matandang iyong nakasalubong. Maraming fitna ang iyong napupukaw, sapagkat isa kang magandang dalaga. Tayong mga babaeng Muslim ay madali tayong nakakakuha ng kasalanan dahil 'pag may nagkakagusto sa atin na kalalakihan ay kasalanan na 'yun dahil napupukaw natin ang natutulog nilang fitna. Kapag may isang lalaki na panay titig sayo ay napukaw mo na 'yung natutulog niyang fitna. Naaalala mo pa ba 'yung sinabi sayo ng iyong Abie (Ama/Tatay) na iwasan mo ang pakikisalamuha sa mga kalalakihan dito sa atin. Dahil alam niyang makakabuo ka ng kasalanan kapag may makakasama kang isang lalaki dahil napupukaw mo ang kanyang fitna." ang paalala sa kanya ng kanyang Lola.  

Ang unang naisip ni Sittie ay si Jalil na matalik niyang kaibigan. 

Kinabukasan ay nakita ni Sittie si Jalil, bigla na lang ito iniwasan ni Sittie at napansin ito ni Jalil.  

"Sittie, may nagawa ba akong kasalanan? Bakit bigla-bigla mo nalang akong iniiwasan? Diba kahapon lang ay magkasama pa tayo. Bakit bigla-bigla ka na lang nagkakaganyan?" pagtatakang tanong ni Jalil. 

"Hindi bat sinabi mo sa akin nung una na itanong ko sa sarili ko kung anong kasalanan ko sa'yo? Jalil, marami na akong kasalanan at ayaw kong madagdagan. Naalala mo rin ba 'nung kahapon na magkasama tayo 'yung sinabi ng matanda. Ngayon at naintindihan ko na 'yung sinabi niya. Alam mo naman siguro kung bakit ko 'to ginagawa hindi ba? At alam mo rin naman siguro na gusto ko ng magbagong buhay. Ayoko nang gumawa ng kasalanan Jalil. Ayokong ibalik 'yung dating Sittie na nakilala mo noon na ang gusto niya'y maraming kalalakihan ang magkakagusto sa kanya. Ayoko na ng ganung pamumuhay. Diba nung una'y iniiwasan mo ako. Kaya sana ngayo'y gawin mo 'yung pag-iwas sakin dati. Gusto ko ng magbago Jalil. Sana'y maintindihan mo ang aking disesyon."  

Nalungkot si Jalil sa sinabi ni Sittie, ngunit mas mabuti na rin iyon sapagkat na buksan na ni Sittie ang kanyang puso na yakapin ang relihiyong mayroon sila. Ang pagiging isang dalagang Muslim. 'Yun na rin ang huling pag-uusap ni Jalil at Sittie. Naputol ang kanilang samahan. 

Sa paglayo ni Sittie kay Jalil ay maraming nagbago sa kanya. Nagbago na ang pakikitungo ni Sittie sa mga kalalakihan na lage niyang nakakasalubong. Para bagang isang hangin lang na napadaan si Sittie sa mga kalalakihan dahil hindi niya ito pinapansin, ang dating Sittie na palakaibigan ay naging isang tahimik na.  

Simula noon ay nagsuot na ng Abaya (mahabang damit na kulay itim; sinusuot ng mga babaeng Muslim) si Sittie. 'Yung mga damit niya noon na maiikli ay sinunog niya ito lahat, upang makalimutan ang buhay na mayroon siya noon. Nagsuot rin siya ng Niqab (isang kasuotan ng mga babaeng Muslim na ang tanging nakikita lamang ay ang mata) upang maiwasan niya ang magkaFitna sa mga kalalakihang kanyang nakakasalamuha araw-araw. 

Sa halip na maging malungkot si Sittie dahil sa pag-iwas niya sa kanyang mga naging kaibigan at sa kanyang matalik na kaibigan na si Jalil ay mas nagpursige itong mag-aral. Desisyon na rin niya ang pag-iwas sa kanyang matalik na kaibigan upang hindi na madagdagan pa ang kanyang mga kasalanan. 

Lumipas ang isang taon ay umuwi si Sittie sa kanila. Hindi alam ng kanyang mga magulang na malaki ang ipinagbago ng kanilang anak nang ito'y kanilang pinatira sa probinsya. 

"Assalamo Alaicom." ang unang bati ni Sittie nang siya'y kumakatok sa kanilang pintuan. 

Binuksan naman ito agad-agad ng kanyang Omie. Nang mabuksan ito ng kanyang Omie ay dali-dali namang niyakap ni Sittie ang kanyang Omie na hindi niya nakasama sa mahigit isang taon. 

"Omie Kulay (Ina Ko)," ang unang bungad ni Sittie habang niyayakap ang kanyang Omie "Omie Kulay, miss na miss ko na kayo." paiyak niyang sabi. 

"Masha ALLAH Sittie, anlaki na ng pinagbago mo. Miss na Miss ka rin namin, tara, pasok muna tayo. Sigurado akong matutuwa ang iyong Abie sa kanyang makikita." wika ng kanyang Omie. 

Nang sila'y pumasok na sa kanilang tahanan ay napansin ni Sittie na ang tahimik ng kanilang tahanan. Ang dating masayang tahanan ay para bagang isang tahanang walang katao-tao. 

"Omie, bakit parang ang tahimik ata dito sa bahay? Saan sila Abie, si Kaka Mamad (Kuya Mamad)? Si Mos-ab? Saan sila?" pagtatakang tanong niya sa kanyang Omie. 

"Sittie, mas mabuti pang pumasok ka muna sa silid ng iyong Abie. Upang makita ka na niya agad." 

Nang pumasok na si Sittie sa silid ng kanyang Abie ay ang unang-una niyang nakita ay ang kanyang Abie na nakaratay sa kanyang kama. Malubha na ang sakit ng kanyang Abie, ngunit hindi pa ito nalalaman ni Sittie kung ano ang nangyari sa kanyang Abie. 

"Abie kulay," paiyak niyang nilapitan ang kanyang Abie "Abie kulay, si Sittie po ito, anong nangyari sa inyo? Bakit wala akong kaalam-alam sa nangyayari sa inyo?" tiningnan ang kanyang Abie at Omie "Omie, bakit? Anong nangyari kay Abie?" 

"Sittie, patawad kung hindi namin sinabi sa iyo ang nangyayari sa amin rito. Ayaw lang namin na makasagabal sa iyong pag-aaral kaya hindi na lang muna namin sinabi sa'yo. Maglilimang buwan ng nagkakasakit ang iyong Abie dahil sa hindi maipaliwanag na sakit, kumbaga isa itong malubhang sakit patawad Sittie." malungkot na pagpapaliwanag ng kanyang Omie . 

Naiintindihan naman ito ni Sittie kung bakit nila ito sinekreto sa kanya. Nang bigla-bigla'y nagising ang kanyang Abie sa pagkakatulog nito. 

"Sittie, anak ko... Sittie, anak ko.." ang unang bulalas ng kanyang Abie "Sittie, anak ko.... Iiii...ikaw naaa ba yan? Miss na miss ka namin anak. Halika.. Lapit ka rito..." paputol-putol na wika ng kanyang Abie. 

"Abie kulay, Miss na miss ko rin po kayo," paiyak niyang sabi sa kanyang Abie "magpagaling po kayo ha." 

"Masaya na ako Sitt, at nabuksan mo na rin ang iyong puso na yakapin ang pagiging isang dalagang Muslim. Hindi ako nagsisisi na pinatira kita sa probinsya. At ayan nga at malaki ang iyong ipinagbago. Nagpapasalamat ako sa mga taong nag-udyok sa'yo na magbago at lalong-lalo na sa ating panginoon na ipinabukas sa iyo ang iyong puso upang makita ang relihiyong mayroon ka. Ipagpatuloy mo iyan anak. Masaya na ako sa aking nakikita na ika'y nagbago na nga." tahimik na naisara ang mga mata nito. 

1

Continue Reading

You'll Also Like

18K 346 18
[Completed, 2022] Les Tendres Series #1 || Tender Love Series "When you don't have money, how far away are you willing to go just to earn it?" An unl...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
64.8K 3.3K 25
Porcia Era Hart x Chrisen
2M 32.4K 32
Psychopath Series #1 She has a genuine smile, her heart is fragile, kindness is her appearance and love is what she gives. But people take advantage...