Obey Him

By JFstories

26.9M 1M 352K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... More

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 5

453K 16.4K 3K
By JFstories

HINDI AKO MAKATULOG.


"You should sleep. That's the best thing that you can do instead of staring at me."


Bakit niya alam?


That's exactly what he said to me. E kasi para akong shunga na nakatitig sa likod niya. Hindi naman sa umaasa ako na lilingon siya. Pero kung lumingon siya e di...


Pero hindi siya lumingon. Pero parang ganon na din, kasi para naman siyang may mata sa likod dahil alam niya na nakatitig nga ako sa kanya. O malakas lang talaga ang pakiramdam niya.


"Go, my doll. Take a rest now."


"S-sorry. Sige." Napahiya na ako kaya kahit nanginginig ang mga tuhod at pinilit kong makalayo sa kanya.


Bakit kasi sumunod pa ako hanggang sa balcony? Ano pa ba ang kailangan ko? Pumayag na nga siya e.


Hindi lang kasi ako makapaniwala na pumayag na siya. Na mag-aaral na ako sa isang university, na magkakaroon na ako ng mga kaibigan, na malalasap ko na ang mundo. Na pinagkakatiwalaan niya na ako.


Ang resulta, alas onse na ako ng umaga nagising kinabukasan. Bumaba na ako at kumain ng diretso brunch na dahil sa lipas gutom ko nong nagdaang gabi. Wala si Uncle Jackson kaya mabilis at magaan ang mga pagkilos ko.


Maagang umalis si Uncle Jackson. Sinundo siya ni Vice. Magpapasa siya ng application para sa pagtakbo sa paparating na eleksyon. Narinig ko na nag-uusap si Mrs. Cruz at iyong guwardiya sa patio at pinag-uusapan ang nalalapit na halalan, hindi daw malabo na manalo si Uncle Jackson dahil kilala ito sa buong Quezon City at kahit sa buong Pilipinas.


Kilala pala ang late mother niya sa mga foundation na itinayo nito noong nabubuhay pa. At hanggang ngayon, existing pa rin ang mga foundation na iyon. At dagdag pa sa popularidad niya na ang daddy niya ang bise presidente ng Pilipinas. At matagal na ring inaabangan ang pagpasok ni Uncle Jackson sa pulitika.


Kapag may party na ina-attend-an si Vice, palagi nitong bukambibig ang anak. Kung minsan ay isinasama pa nito. Kahit tahimik at mailap sa camera si Uncle Jackson, hindi iyon naging dahilan para makalimutan siya. Sa halip ay lalo pang na-curious at natuwa sa kanya ang mga tao. Lalo na ang mga kababaihan, matanda man, may asawa, dalaga o kabataan.


Kapag nanalo siya, mas magiging busy siya. Tapos ako naman, magiging busy sa eskwela. Lalo akong napangiti.


"Uy, masaya yata ngayon si Ganda, ah?"


Sinalubong ako ni Ate Minda sa daan. "Hi, Ate. Good morning po."


"Pag tayo lang, Ganda na lang tawag ko sa 'yo. Mas bagay sa 'yo kasya sa pangalan mo."


Dumadami na ang pangalan ko sa mansiyon na ito. Si Mrs. Cruz kailan kaya makakaisip ng itatawag sa akin?


"Masaya ka nga. Anong meron?" Lumapit siya sa akin habang bitbit ang dusting board. "Hanga rin ako sa'yo, Ganda. Nakukuha mo pa ring maging masaya kahit pa nandito ka lang at di ka nakakalabas, ano? Happy ka pa rin kahit wala kang friends."


Lumabi ako. "Friends ko po kayo, di ba? Lahat kayo."


"Maliban malamang kay Mrs. Cruz!" Humina ang boses niya at saka humagikhik. "Walang friends iyon!"


"Ate Minda talaga!"


"O di ba? Hindi ba? Pero balik tayo sa 'yo, bakit ang saya mo, ha?"


"Kasi po pinayagan na ako ni Uncle na mag-aral sa university."


"Ay, siya nga? Naku, congrats! Mags-school ka na talaga for real! Excited ka na siguro. Dapat paghandaan mo 'yan. Malamang na maninibago ka sa buhay kolehiyala."


"Paano po bang pagbabago?" Kung sa pakikisama, magagawa ko naman siguro nang maayos. Basta maging approachable lang ako sa lahat.


"Sa porma, syempre!"


"Porma po?"


"Oo. Syempre sa college, mga binata at dalaga ang makakasalamuha mo. Syempre dapat presentable ka."


"Kailangan ko pa bang mag-shopping?" Nag-alala ako dahil hindi ko pa iyon nagagawa kahit kailan. Sa Davao ay may tagabili lang ng aking pangangailangan.


"Hindi lang iyon. Kailangan mo ring mag-ayos!"


"Mag-ayos? Maglalagay ng liptint?"


"At magkukulot ng buhok. Teka saglit." Nanakbo siya papunta sa kusina.


Nagtatakang nakasunod lang ako ng tingin. Makaplipas ang ilang minuto ay humahangos na bumalik si Ate Minda, hindi na dusting board ang bitbit kundi isang kahon na mas mahaba lang nang onti sa kahon ng sapatos.


"Ano 'yan, Ate?"


"Iron hair curler!" Inabot niya sa akin ang kahon. Saka ko nakita ang nakadrawing sa labas niyon. "Marunong ka bang gumamit niyan, Fran?"


"Napapanood ko po sa cable."


"Madali lang 'yan. Instinct lang. Saka para alam mo at makontrol mo kung anong kulot ang gusto mo."


"Salamat, Ate." Nayakap ko sa tuwa ang karton.


"Tiyak ko lalo kang magmumukhang manika kapag kulot na ang buhok mo. Maraming lalaki malamang ang manliligaw sa 'yo."


Manliligaw? Handa na nga ba ako para sa ganoon?


Umakyat na ako sa itaas ng saktong ala-una. Dahil nalibang ako sa pakikipagkuwentuhan kay Ate Minda ay hindi ko na napansin ang oras. Pagkapasok sa kuwarto ay naligo na ako. Suot ko ang kulay pink kong bathrobe ng lumabas ako ng banyo. Tinuyo ko ang buhok ko gamit ang blower saka ko kinuha ang iron curler sa ibabang ng vanity table.


"What are you doing?"


Muntik na akong mahulog sa upuan ng biglang bumukas ang pinto. "Uncle Jackson!"


"Kanina pa ako kumakatok."


"Ha? Kanina pa?" Bakit hindi ko man lang narinig? Dahil ba sa sobrang excitement ko sa pangkulot ni Ate Minda?


Saka bakit ang bilis niyang bumalik?


"We're going to the mall." Kumunot ang noo niya ng makita ang hawak kong plantsa. "What's that?"


"Ahm..." Napatingin din ako sa hawak-hawak ko, saka ko napansin na may scotchtape ang dulo ng pangkulot. "Iron curler..."


Nagulat ako ng lumapit siya at kunin iyon sa akin. "How to use this thing?"


"Pinapainit tapos ipupulupot diyan ang buhok para makulot."


"Are you sure this is safe?" Sa scotchtape siya nakatingin.


"S-safe naman..."


Napakurap ako habang nakatingin sa kanya. Nakakatuwa siyang pagmasdan habang nakakunot ang noo, salubong ang mga kilay at nagtatagis ang mga ngipin niya habang sinusuri ang iron curler ni Ate Minda.


"'Yan ang laging gamit ni Ate Minda, nilagyan niya lang siguro ng scotchtape para mas tumibay."


Nakatitig pa rin siya sa curler.


"Ah, bakit pala tayo pupunta sa mall?" tanong ko.


"To buy school supplies." Napapalatak siya bigla. "This thing is fake."


"Ha? Hindi, ah! Ginagamit nga 'yan ni Ate Minda—"


"Low quality."


"Pero nagagamit!"


"Do you reall want to want to use this?"


Marahan akong tumango. Inabot ko sa kanya ang curler at isinaksak. Sinimulang kulutin ang buhok ko ng mainit na ang plantsa. Gusto kong makita niya na gumagana itong curler, na hindi ito peke. Napangiti ako sa resulta dahil nagcurl na ang dulo ng buhok ko sa unang pagpapainit palang.


Sa buong proseso ay nakatanga lang siya sa akin. Parang hindi makapaniwala na kulot na ako.


"Ouch!" Nabitiwan ko ang plantsa nang mapaso ako sa daliri.


"Hey! Are you okay?" Agad siyang yumuko to check on me. "I told you, that thing is fake!" Kulang na lang ay durugin niya iyon.


"Hindi fake. Hindi ko lang kasi maabot nang maayos iyong likuran ko kaya napaso ako."


"Whatever. Stop this nonsense."


Lumabi ako. "Pero hindi pantay. Hindi kulot iyong likod..."


"Is that really necessary?"


Kagat-labi akong tumango. I want to finish it. Ang ganda ng kulot ko sa harapan.


"Geez." Nagulat ako nang bigla siyang yumukod para kunin sa sahig ang curler.


"A-ano gagawin mo?" Natatakot ako na baka itapon niya iyon sa bintana.


Pero hindi. Muli niya iyong isinaksak at pinainit, pagkatapos ay pumuwesto siya sa likuran ko. "Tell me if I'm doing it wrong."


Hindi ko alam kung magugulat ako o mangingiti.


Sa salamin ay kitang-kita ang ekspresyon niya. Panay palatak siya habang tinitingnan ang curler. Ayoko naman siyang pigilan dahil baka maoffend siya kaya kahit nahihiya ay tinuruan ko na lang siya kung ano ang gagawin.


"Kumuha ka ng isang bungkos ng buhok, ipulupot mo sa curler at hayaang uminit. After ay hilahin mo nang marahan."


Mayamaya lang ay kinukulot niya na ang buhok ko. Magaan ang bawat hawak niya, na para bang nananantiya. Takot na baka mahila niya ang buhok ko o mapaso niya ako. Kahit malamig ang aircon sa kuwarto ko ay pinagpapawisan siya sa noo, hindi maitatatwa na tensiyonado siya sa ginagawa. At ang mukha niya, seryosong-seryoso. He's cute. So cute.


Too cute. Paanong ang isang seryosong katulad niya, isang iginagalang pagdating sa business industry, isang tumatakbong mayor ay naging tagakulot ng buhok ko?


Mas pinapanood ko siya kaysa sa ginagawa niya sa buhok ko. Sa bawat pag-igting ng panga niya, pagkibot ng mapulang mga labi, pagkunot ng noo at pagsasalubong ng kilay ay nakabantay ako. Kahit ultimo pagtulo ng pawis niya mula sa kanyang pisngi patungo sa gilid ng kanyang leeg ay nakamasid ako.


Nagtaka ako nang bigla siyang huminto. "Tapos na ba?"


"Y-yeah..." Nasa sahig na ang iron curler na hindi ko namalayang nabagsak niya.


Nang muli akong tumingin sa salamin ay sa iba na nakatingin si Uncle. Nanlalaki ang mga mata niya. At nang sundan ko ang tinitingnan niya ay windang na napanganga ako. Nakabukas na pala ang suot kong bathrobe!


Nang magtama ang paningin namin ay mabilis akong tumayo at inayos ang harapan ng bathroble. "A—ah, m-magbibihis na ako..."


Nag-iwas siya ng paningin saka pormal na tumango. "Yeah. I'll wait for you outside."


"S-sige. Saglit lang ako."


"Take your time." Paghakbang niya ay may narinig akong nawarak.


Nakalabas na siya ng pinto ay hiyang-hiya pa rin ako. 


Nakalitaw na kanina ang dibdib ko sa pagkakabuka ng suot kong bathrobe. Nipples na lang ang kulang, halos nakahubad na ako. At nakita iyon ni Uncle! Nakakahiya!


Pagbaba ng paningin ko sa sahig ay natilihan ako. Iyong nawarak kanina, iyon palang iron curler ni Ate Minda!


JF

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...