TORTURING HER INNOCENCE °[Kat...

By MadamKlara

306K 7.7K 1.7K

[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then... More

Prologue
Advisory
1. Gabbi
2. Danni
3. The Lacsamanas
4. Condo
5. The Palmers
6. Boys and Boys
7. Punishment
9. Broken Hearts & Egg
10. Love, Gab
11. Lil Sister
12. Happy Birthday
13. No Other Guys
14. Soft N Fragile
15. Scandal
16. Set-Up
17. No More-
18. Flirtations
19. Morning
20. Hunger Game
21. Last Virgin
22. Missing You
23. Sissums
24. Friends
25. Songs
26. Gig
27. Gifts
28. Jillian
29. Survival
30. Work
31. Losing
32. Breaking
33. Tears
34. Love at First Sight
35. Far Away
36. The Return
37. Decade
38. Babies
39. Thank You
40. The Come Back
41. Once Again
42. Missing
Author's Note
43. Give Up
44. End
45. Happy Smiles
Happy Author
Epilogue
PLEASE READ
THE PALMER BROTHER Series

8. Birthday

6.4K 164 66
By MadamKlara

Buti nalang talaga walang pasok, hindi ko kailangang problemahin ang iniwan niyang marka sa leeg ko. May pagkapraning talaga mag-isip ang Uno na 'yon ano? Napaka-ewan! Nakakaasar.

"Ilang araw kaya siya sa Singapore?" Naitanong ko nalang habang inaayos ang mga damit niya sa closet. "Sana 'wag na siyang bumalik."

Natapos ang gabi ng walang gulo. Siyempre, mag-isa lang naman ako sa condo. Nag-general cleaning ako sa buong lugar dahil ganyan kami sa'min e, dapat malinis palagi. Pero in fairness, napaka-neat ng mga gamit ni Uno. Oo nga, napakalinis niya physically pero ang dumi ng budhi. Nakakainis siyang isipin.

Ba't mo naman kasi iniisip Gabbi?

Makapag-aral na nga lang! Klase ko pa naman bukas at marami akong quizzes. Pero ang nangyari, tinulugan ko ang mga aklat at notebooks ko. Buti nalang maaga akong nagising dahil wala nga pala si Uno. Walang maghahatid sa'kin.

"Good morning, Gabbi." Bati ni Carter nang magkrus ang landas namin sa hallway.

"Good morning." Mahinang bigkas ko saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Iniiwasan mo ba ako, Gabriella?" Tanong niyang nagpaurong sa mga paa ko.

My gosh, Carter! Hindi pa ba halata? Kailangan ko bang sabihin 'yon para malaman niya? Ugh. Ang sama mo naman Gabriella. Wala namang masamang intensiyon sa'yo 'yong tao.

"Carter, hindi sa iniiwasan kita. Ayoko lang ng gulo. Alam mo namang ang dami mong fangirls sa paligid. Baka kung ano na namang prank ang gagawin nila sa'kin." Pagdadahilan ko.

"I will keep you safe from them. Gabbi, I like you."

Pagkasabi niya no'n, si Sydney agad ang nakita ko. She is just behind Carter. Ngumiti siya sa'kin, ngiting malungkot at nasasaktan, ngiting nanunumbat.

"Sydney!"

Iniwan ko si Carter para habulin si Syd. Matulin ang takbo niya papunta sa female CR.

"Syd—"

"What's not clear to you, Gabbi? I don't want to be friends with you anymore. I don't want you talking to me!" Sigaw niya sa'kin na nagpakirot sa puso ko.

"Syd—"

"Alam kong hindi mo siya gusto o pilit mo lang pinipigilan ang sarili mo. That's what makes it more annoying Gab! You're always trying to be the good friend. But whatever you do, hindi no'n maaalis dito ang sakit na nararamdaman ko. He rejected me Gabbi because of you!" She cried out. "Kapag nakikita kita, lalo lang akong nasasaktan. So will you just please stay away from me?"

Kahit masakit, kahit panay ang pagtutol ng luha ko, tumango ako at lumabas. Bago pa may makahuli sa'king umiiyak, pinunasan ko na ang sarili ko. Mabuti talaga 'yon ang ginawa ko dahil nakasalubong ko papuntang library ang kapatid ni Uno na si Five. Tumango lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Hay naku.

Pag-uwi ko ng condo sa araw na 'yon, mga pictures namin ni Sydney ang tinitingnan ko. Nakalagay lahat 'yon sa isang box.

"Hindi pala gano'n katibay ang pagkakaibigan natin, Syd. Sabi mo dati, walang iwanan kahit anong mangyari. Pero tingnan mo o, lalaki lang ang dahilan, kinalimutan mo na lahat."

Matutulog na dapat ako no'n nang tumunog ang phone ko. Nang makitang si Uno ang tumatawag, tiniyak ko munang hindi basag ang boses ko.

"Uno?"

"Are you home?" Tanong niya sa kabilang linya.

"Oo. Ba't mo naitanong?"

"I'm just checking if Gabriella's now a good girl."

"Ah. Don't worry. Ayaw ko ng makagat ng lamok. Hindi na po kita susuwayin." Pagbibiro ko para di niya mapansin ang boses ko.

"Gabbi?"

"Uno?"

"Are you crying?"

"Ha? No. Hindi. Ba't naman ako iiyak?"

"What would Daniella say if she hears you right now Gab? Ah, honesty is the best policy." Wika niyang nagpangiti sa'kin. Pakiramdam ko nakangiti rin si Uno ngayon. Ang sarap pakinggan bigla ng boses niya e. "Have you taken your dinner, Gab?"

"Oo naman. Nagluto ako ng beef steak."

"That's my favorite. You should cook that for me when I get home."

"Sure. Basta 'wag ka lang asungot."

"What does that even mean, Gabriella?"

Gabriella. Ang sexy talaga sa pandinig kapag galing kay Uno. Takte Gabbi, ano'ng kalandian 'yan?

"Kailan ka ba uuwi, Uno?"

"Why? Do you miss me already? Tsk."

"Ang yabang nito! Nagtatanong lang e, miss na agad?" Sagot ko sa kanya. "Hoy Palmer? Kailan ka nga uuwi?"

"Two days before your birthday."

"That's after three days."

Ang tagal pa. Hoy Gabbi, ano 'yon? Ano 'yon?

"Gabriella."

Ayan na naman. Ang ganda na naman bigla ng pangalan ko.

"Hmm?"

"I miss you."

Ha? Ano'ng sabi niya?

Napakapa ako sa dibdib kong napakabilis ng pagtibok. Uminit 'yong pisngi ko at hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Yong feeling na para kang matatae na hindi?

"Don't be funny, Gab!" Aniya't humalakhak ng malakas na nagpainis sa'kin. Sarap talagang gulpihin ng gago! "Do you really believe I'd miss you?"

"Shut up! Wag ka na ngang tumawag! Wag ka naring bumalik! Nakakainis ka! Gago!"

"Haha. It's okay Gab. You know what, just sleep. Malay mo sa panaginip mo totoong miss kita."

"Ang kapal ng mukha mo! Heee!"

Binabaan ko na siya dahil sa sobrang inis. Tumawag pa nga siya ulit pero hindi ko na sinagot. Bahala siya.

Hindi ko alam kung ano ang dahilan pero good mood akong pumasok sa klase kinabukasan. Hindi ko nga pinansin ang mga maaarteng member ng Palaaway club ni Audrey. Bahala sila. Masaya ako at ayokong may sumira no'n. Sumisipol pa akong umalis sa building ng college namin.

"Gabbi."

Damn. Hindi ba talaga titigil 'tong Carter na 'to?

"Look, I understand now why you're avoiding me. But that is so unfair on my side, Gabbi. Don't you see?" Pahayag niyang nagpainit ng tenga ko.

Sasagot na sana ako pero may biglang umakbay sa'king lalaki na mas matangkad sa'kin. Pamilyar din ang perfume. Lumingon ako at napangisi.

"Stay away from my sister, Andrews." Utos ni Six kay Carter.

"Palmer, you don't know what mess you're putting yourself in."

"Sinong tinatakot mo, Carter?"

"Six, tama na 'yan. Tara na." Sita ko rito. "Please Carter, stay away. Please."

Hinila ko na si Six at ang awkward lang na hila-hila ko ang batang mas matangkad pa sa'kin. Para akong manunungkit na may dalang patpat. Haha.

"Manliligaw mo si Carter ate Gabbi?" Tanong ni Six nang makalayo na kami.

"Hi—hindi."

"Okay lang 'yan ate. Di ko naman sasabihin kay kuya." Sagot pa niya at saka tumawa.

"Ikaw talagang bata ka."

"Sinadya nga pala kitang hanapin kasi utos ni mommy e. She wants to see you. She's planning something for kuya Uno's birthday." Salaysay niyang nagpaalala sa'kin sa first breakfast with their family. Nabanggit nga 'yon ni tita Demi.

So, nagkita kami ni tita. Sa labas na nga rin kami nakapag-dinner. Kami lang dalawa. Inilahad niya sa'kin lahat ng plano niya for Uno's birthday. Ayaw ni Uno ng maraming tao kaya family celebration lang ang gusto niyang gawin  but she wants it to be a surprise celebration.

"Kailan po ba 'yon tita?"

"Ngayong December 3." Sagot ni titang nagpahilaw ng ngiti ko.

Hinintay kong tumawag si Uno no'ng gabing 'yon pero namuti nalang ang mata ko, hindi siya tumawag. Naghintay ako maging sa mga sumunod na araw pero wala pa din. Wala akong choice kundi ang maghintay na makauwi siya.

"Gabriella? Are you okay?" Patakbong lumapit sa'kin si Uno na kakapasok lang ng kwarto.  Hindi ako kumibo. "Ba't ka nakahiga e tanghaling tapat? Are you not feeling well?"

"Wag mo nga akong kausapin!" Pagmamasungit ko sa kanya. Tinakwil ko ang kamay niyang inilapat sa noo ko.

"Gab? What's this? I just got home. Come on!"

"Uno, you promised Daniella that we're coming home for my birthday—"

"So what? What's the problem? Uuwi naman talaga tayo." Sagot niya na talagang ang seryosong pakinggan.

"Nakakainis ka talagang tao ka. Sira ulo ka ba? Pupunta ka sa'min? Sa araw ng birthday mo?"

"Birthday mo." Pagtatama niya kunwari na ngumiti pa. Umirap ako. Akala niya ba hindi ko alam. Grabe! Sa dami ba naman ng tao sa mundo, magka-birthday pa talaga kami. Tsk.

"Gabbi? Are you crying?" Tanong niya sabay hawak ng baba ko.

"Ano'ng gusto mong gawin ko? Agawin ka namin sa pamilya mo? Hindi mo ba naisip na gusto ka nilang makasama sa araw na 'yan? Hindi ka talaga marunong mag-isip e."

"I don't know if I should be sad or happy." Nakangiting anas niya. "Gabriella, you're so cute. You don't have to cry."

"Ayokong pumunta ka sa'min sa birthday natin." Deklara kong nagpaatras sa kanya.

"That's not your decision to make Gab. It's your 18th birthday. I can't miss it." Tugon pa niya nang nakangisi. 'Yon ang nakakainis sa kanya, para bang wala siyang sineseryoso sa mga sinabi ko.

"Hindi ako nagbibiro dito Uno. Hindi ka pupunta sa'min. Ako lang ang uuwi."

"Nope. Hindi naman ako sa'yo nangako e. Kay Daniella at sa tatay mo. Sila naman ang nag-invite sa'kin at hindi ikaw."

Nakakainis talaga siya. E ano'ng gagawin ko? Naka-oo na ako sa mommy niya na tulungan siyang ihanda 'yong party. Gabbi naman kasi, hindi mo muna inalam kung kailan 'yon! Nananalaytay talaga diyan sa dugo mo ang pagiging tanga. Nakakainis!

"Gabriella, where are you going?" Tanong niya sabay hablot ng braso ko. Kinunotan niya ako ng noo samantalang naniningkit ang mga mata niya.

"Masama bang lumanghap ng sariwang hangin, Uno? Bawal na ba 'yon?" Pang-iinis ko sa kanya.

"Oo. Bawal. You're not getting out of that door." Deklara niya sa maotoridad na tono. "I want to be there, Gab! Don't you see, I like your family—"

"Para sa'n? Hindi naman totoong tayo e!"

"Does it still matter to you Gabriella? What are you thinking? Do you plan leaving me one of these days?" Tanong niyang nagpatikom ng bibig ko. "I will not fail Daniella. I will go home with you and that is final."

Nagmumuni ako sa sala habang nasa kwarto naman siya. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Wala rin akong pakialam. Kailangan kong gawan ng paraan ngayon ay ang surprise na gustong mangyari ni tita Demi. No'ng magkasama kami the other day, sinubukan kong mag-open up tungkol sa'min ni Uno. Ipagtatapat ko sana ang totoo pero hindi niya ako binibigyan ng chance na tapusin ang sasabihin ko.

I cannot solve this alone. Hindi ako mapapasok sa gulong 'to kung hindi dahil kay Uno kaya dapat naming ayusin 'tong  dalawa. Kumatok muna ako bago pumasok sa kwarto. Hindi siya sumagot kaya napaisip akong baka tulog. Kumulo na naman ang dugo ko dahil ayon siya, nakaupo sa kama, naglalaro ng video game.

"Uno." Tawag ko. Hindi ko alam kung hindi ba niya talaga ako naririnig o sadyang ayaw niya akong kausapin. "Uno, itigil mo muna 'yan!"

Hindi parin niya ako pinansin kaya in-unplug ko 'yong play station niya. Galit na tinanggal niya ang headset at hinarap ako.

"What your problem?"

"Ikaw. Ikaw ang problema ko at 'yang katigasan ng ulo mo." Matapang na sagot ko sa kanya.

"Is this going to be the same discussion, Gabriella? Because baby, I'm not interested."

"Gusto ko ng sabihin sa mga magulang mo ang totoo para matigil na 'to." Wika kong nagpadilim ng mukha niya. "Uno, gusto ko lang naman ng tahimik na buhay—"

"So you're saying that you're life's a mess because of me?"

"Hindi ko sinabi 'yan! Pwede ba Uno, ito 'yong tama—"

"Okay. If that's what you like, then do it. But don't count me in because I'm not going to do that, not for you."

Paano ba manalo ng argument sa kanya? Paano ko ba ipaintindi sa kanya na kailangan na naming itigil ang panloloko namin? Paano ko ba  siya aalisin sa buhay ko?

"Uno—"

"Stop talking to me, okay?" Singhal niya sa'kin. Napaatras ako sa sobrang gulat dahil  sa pagtaas ng boses niya. "That's your idea, then do it. Huwag mo akong idamay."

"Gusto mo ba 'to? You hated me for ruining your life, diba? Then this is the answer. Tapusin natin 'to—"

"You're delusional. Gabriella, I'm not going to do that. Trust me Gab, hindi nakakatuwa kapag nagalit ako. So stop insisting your delusions to me because none of them is going to happen!"

Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng dibdib ko. Gustong-gusto kong umiyak. Sa pagkakataong 'yon, isa lang ang malinaw. Ayoko siyang kasama. Gusto ko siyang mawala sa buhay ko. Kaya naman, kinuha ko ang mga gamit ko at inilagay sa maleta.

"What's this Gab?"

"Ayoko sa'yo. Ayokong kasama ka! Ayokong nakikita ka! Ayokong naririnig ang boses mo! Hindi mo ba nakikita? Ayoko sa'yo!"

Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makita ang pagkuyom ng palad niya. Nagtitimpi lang siya ng galit pero hindi niya 'yon naitago. Namumula ang buong mukha niya.

"Do you think I like you?" Tanong niya sabay hawak ng mahigpit sa pisngi ko.  Ramdam ko nga ang pagbaon ng kuko niya sa pisngi ko. "I hate you, Gabriella. I'm doing all these because I hate you. You hate being with me? I'm sorry but you're stuck forever with me! You don't want to see me? Well, Gabriella, stare at me because this is the face that will haunt you forever. You don't want to hear my voice? I'm sorry but I am not going to stop telling you all these over and over again!"

"Ano'ng kasalanan ko sa'yo! Bakit mo ginagawa sa'kin 'to?" Umiiyak na singhal ko sabay hampas ng malakas sa dibdib niya. "Ano'ng ginawa ko para parusahan mo 'ko ng ganito?"

Hindi siya sumagot. Habang napaupo ako sa sahig at umiiyak, nakatayo lang siya na parang bato. Wala siyang pakialam. Siguro, hindi siya tao. Mayamaya pa ay kinuha niya ang mga gamit kong nasa maleta at ibinalik 'yon sa closet.

"I'm leaving if that is what you want." Wika niyang nagpakirot ng puso ko sa di ko malamang dahilan. "Stay here, Gab. And don't even try to disobey me this time."

"Please Uno. Ayoko na dito." Pakiusap ko.

"Don't be stupid! I only wanted you to be safe! Gabriella, I want  you to reach your dreams so you could help your family! So you could give them a much better life than the one you have! So you could save Daniella from the likes of me! Stay here or I will ruin your life like how you ruined mine."


Continue Reading

You'll Also Like

158K 5K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
9.2K 393 38
Highest rank achieved: #1 "Giving up doesn't always mean you are weak, sometimes it means that you are strong enough to let go." - Kyth Sandoval All...
496K 10.1K 56
FOREVER is a battle between LOVE, SACRIFICES and PAIN.. Reached: #11 in Fanfiction ©TheBestDamnThingxx Start: 12/21/2014 End: 10 /21/2015 ~Alyssa
135K 4.2K 96
•Not edited so expect Typo and Grammatical errors ahead• Ang bawat tao ay mga kaniya-kaniyang kwento. Malungkot. Masaya. At masasabi kong minsan ang...