Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
Epilogue

048

29.6K 411 14
By Kass-iopeia

048

K A T H


Kumunot ang nuo ni Callum sa sinabi ko pero nanatili lang siyang tahimik at hinihintay ang susunod kong sasabihin.


"Nung araw na iniwan kita, umuwi ako sa hacienda. Ipinag tapat ko kay Chris ang totoo na nagkaruon tayo ng relasyon. Sinabi ko dinsa kanya nuon na gusto ko nang taposin ang ano mang namamagitan sa amin pero nagalit siya..."


Hindi ko alam kung kaya ko pang ipag patuloy yung kwento para kasing bumabalik ang lahat ng takot ko nuon habang kinukwento ko sa kanya ang totoo.


"Hindi siya pumayag na umalis ako. Ikinulong niya ako sa kwarto at sinaktan. Minaltrato niya ako kagaya ng pag mamaltrato na ginawa sa akin nuon ng ama ko. Ipinaramdam niya sa akin uli yung impyernong pinanggalingan ko. Hindi lumipas ang araw na hindi niya ako sinasaktan. Ilang beses akong nag makaawa sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan. Pinahirapan niya ako.." Sunod sunod na nagsipag landasan ang mga luha sa mga mata ko.


"Hanggang sa unti unti din akong manghina. Di ko alam kung anong gagawin ko. Wala akong magawa. Hindi ako makahingi ng tulong dahil hindi niya ako pinapabayaang makalabas ng kwartong yun. Akala ko duon na matatapos yung buhay ko.. Unti unti na akong nawalan ng pag asa. Hanggang sa malaman kong buntis ako. Pinilit kong mag pakatatag para sa bata, para sa anak natin. Hindi ako pwedeng sumuko para sa baby natin kaya tiniis ko lahat iyon Callum. Tiniis ko ang mga pananakit na natanggap ko sa kanya. Hanggang sa magkaruon ako ng pag kakataong tumakas. Pinilit kong tumakbo ng mabilis kahit ang sakit sakit na ng tiyan ko. Takot na takot ako nun kasi akala ko nakunan na ako pero gaya ko lumalaban din ang anak natin. Kumakapit din siya Callum. Nang isilang ko siya ay nag pakalayo layo na ako. Sinadya ko ding mag palit ng pangalan para masigurong hindi na kami masusundan ng iyong ama. Binuhay ko si Nicholas nang mag isa kahit walang wala ako. Siya ang nag bigay ng munting pag asa sa puso ko Callum. Sobrang saya ko nung unang beses ko siyang makita."


"Sabi ko sa sarili ko, mabuti na lang hindi ako sumuko. Dahil kung sumuko ako nun, wala si Nicholas ngayon. Inilaan ko sa kanya ang buong buhay ko. Binuhay ko siya mag isa at binigay sa kanya ang lahat ng makakaya ko. Sorry hindi ko na naisip na ipakilala siya sayo dahil nilamon na din ako ng takot ko nun."

"Kaya lang bigla siyang nagkasakit kaya kahit natatakot lumuwas ako ng maynila para duon siya ipagamot. Nag hanap din ako ng trabaho para may maipambili ako ng gamot ni Nicholas at pambayad na din sa doktor. Hanggang sa mapasok ako sa isang club kung saan muli kitang nakita."


Tumutulo ang mga luha niya habang nakikinig sa kwento ko. Nanatili siyang kalmado kahit alam kong gusto na niyang mag wala. Tumikom ang mga palad niya hinawakan ko ang mga iyon upang pakalmahin siya.


"Naisip kong sabihin sayo ang tungkol kay Nicholas kaya lang natakot din ako. Natakot ako na baka kunin mo siya sa akin. Hindi ko kayang mawala ang anak ko. Hindi ko kayang mahiwalay sa kanya. Siya lang ang mayroon ako nuong mga oras na yun kaya hindi ko kakayanin kung pati siya mawawala sa akin. Nung inalok mo ko ng milyon kapalit ang mag karuon ng anak puamyag agad ako dahil kailangan na kailangan ko talaga ng pera para sa pag papaopera ni Nicholas. Isa pa wala namang kaso sa akin ang maging ina ng magiging anak mo. Ikaw lang ang tanging lalaki na minahal ko at ang tanging lalaki na pag aalayan ko ng sarili ko kaya pumayag ako kaagad. Kaya lang nung okay na ang lahat. Nung napa opera ko na si Nicholas biglang bumalik yung bangungot ko. Biglang nag balik si Chris. Pinag bantaan niya akong muli kaya napilitan nanaman akong lumayo. Tyaka ko lang nalaman na buntis na pala ako ulit. Tumupad ako sa usapan, ibinigay ko sayo si Katherine. Akala ko kasi nuon yun lang talaga ang gusto mo. Hindi ko alam na mahal mo pa pala ako nun. Kung alam ko lang Callum, hindi na sana kita iniwan ulit. I'm so sorry Callum. Sobra kong pinag sisihan ang lahat. Sana pala nuon ko pa sinabi sayo itong lahat."


Nagulat ako nang mapasuntok siya sa manibelang nasa harap niya. Napahagulgol na ako sa iyak nang makita kung gaano siya nasaktan sa mga sinabi ko. Pinaghalong sakit at galit ang nakikita ko sa mga mata niya ngayon. Hindi ko alam kung paano ko pa siya pakakalmahin.


"Bakit hindi mo sinabi agad Kath! Bakit ngayon lang?!" Puno nang pag sisising sabi niya. Niyakap ko siya habang umiiyak pa din. Ramdam kong sobra siyang nasaktan sa sinabi ko.


"I'm sorry. Naisip ko kasing kalimutan na lang ang lahat dahil hindi naman na maibabalik kung ano man ang nangyari nuon."


"Pero Kath dapat sinabi mo pa din. Para may nagawa man lang ako para maipag tanggol ka sa sarili kong ama. Wala man lang akong nagawa." Aniya na panay ang suntok sa manibela.


"Tama na Callum, please. Nakaraan na yun. Kalimutan na lang natin."


"Kalimutan? Kalimutan na lang Kath? Pagkatapos kang ituring na parang hayop ng sarili kong ama? Muntik mamatay ang anak ko dahil sa kanya tapos sasabihin mong kalimutan na lang? Hindi ko magagawa yun Kath! Lalo pat alam kong ako ang dahilan kung bakit dinanas mo yun! Kasalan ko itong lahat.. Kung nalaman ko lang agad Kath."


"Nakalimutan ko na yun, Callum."


"Kinamuhian kita ng matagal na panahon. Nagalit ako sayo dahil akala ko niloko mo lang ako. Kung ano anong masasakit na salita ang sinabi ko sayo. Paulit ulit kitang minaliit pagkatapos sasabihin mo sa aking nakalimutan mo na yun. Kath! Bakit ba ganyan ka? Bakit hindi mo magawang mag tanim ng galit? Bakit di mo magawang lumaban? Bakit palagi mo na lang pinag bibigyan yung mga taong umaapi sayo?! Bakit di mo subukang labanan sila!"


"Wala naman akong kakayahang lumaban Callum eh. Mahirap lang ako. Hindi ako tulad niyo na mayron ng lahat ng bagay. Tanggap ko na yun Callum."


"Kath! Magalit ka sa akin! Ayos lang! Mas matatanggap ko kung magagalit ka sa akin ngayon! Napaka walang kwentang tao ko! Hindi man lang kita nagawang protektahan, minaliit pa kita! Ang sama sama kong tao! Wala na akong mukhang maiharap sayo ngayon! Hiyang hiya ako sa mga nagawa ko sayo. I'm so sorry Kath. Hindi ko alam... Hindi ko alam." Aniya. Muli ko siyang niyakap ng mahigpit upang pakalmahin.


"Wala kang kasalanan Callum. Hindi mo alam ang totoo kaya mo nagawa yun pero wala kang kasalanan. Minahal mo ako ng totoo at nag papasalamat ako sayo dun. Kalimutan na natin ang lahat. Mag simula tayo ulit. Please?"


Umiling iling siya at inalis ang pagkakayakap ko sa kanya.


"Saktan mo ko Kath please. Saktan mo ko! Hindi ko matatanggap yung nangyari sayo! Hindi ko kayang tanggapin yun Kath! Habang buhay ko yun dadalhin. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kung may nangyaring masama sa inyo ni Nicholas. Hindi ko mapapatawad si Daddy at ang sarili ko."


"Callum, tumingin ka sa akin. Tumingin ka sa akin please Callum."


Pinaharap ko siya sa akin at pinilit na pakalmahin.


"Makinig ka please." Hinalikan ko ang mga luhang nag lalandas mula sa kanyang mga mata.


"Tapos na yun. Ang mahalaga yung ngayon. Masaya na ako ngayon Callum, kompleto na tayo at wala na akong ibang hinihiling pa. Kalimutan na natin ang nangyari nuon, hindi na natin mababalik ang mga nangyari dati. Wala na tayong magagawa duon ang tanging magagawa na lang natin ngayon ay ang maging masaya. Wala na sa akin yun. Napatawad ko na si Chris sa ginawa niya. Mula ngayon Callum, hindi na ako aalis sa tabi mo at mag lilihim sayo. Kaya please, kalimutan na natin 'to. Mahal na mahal kita Callum." Hinila ako ni Callum at mahigpit na niyakap.


"Hinding hindi ko na hahayaang may mangyaring masama pa sayo. Mula ngayon poprotektahan kita, kayo ng mga anak ko. Walang sino mang makakapanakit sa inyo. Hinding hindi mo na mararanasan ang mga naranasan mo nuon. Basta kumapit ka lang sa akin. Wag ka lang mawawala sa tabi ko at akong bahala sayo. Aalagaan kita angel, kahit may mga anak na tayo ipaparamdam ko pa din sayo na ikaw ang unang naging prinsesa ng buhay ko. Ibibigay ko sayo ang lahat, iingatan kita kasi ikaw ang pinaka mahalagang bagay sa buhay ko. Hinding hindi na ako papayag na magkalayo pa tayo. Mahal na mahal kita Katharina Perez."


Muling pumatak ang mga luha sa mga mata ko pero ngayon dahil na iyon sa saya. Ang saya saya ko dahil hindi na ako ngayon umiiyak dahil nasasaktan ako kundi dahil sobra kong saya. Ilang taon kong inasam ang maramdaman itong ganitong saya. Totoo nga ang sabi nila, makakamtam mo lang ang labis labis na kasiyahan pag nalampasan mo lahat ng pag subok sa buhay mo. Hindi ako nag sisisi na nangyari sa amin ito ni Callum. Hindi ako nag sisisi na naging mahirap para sa akin ang buhay. Hindi ako nag sisisi na puro sakit yung dinanas ko nuon dahil kung hindi ko naranasan lahat yun hindi ako magiging ganito kasaya.


"Hinding hindi na kita iiwan kahit ano pa man ang mangyari."


"Wala nang makakapanakit sayo angel. Wala na si Dad."


Medyo nagulat ako ng sabihin niya iyon pero hindi na lang din ako kumibo. Niyakap ko siya ng mahigpit.




C A L L U M

"Callum!!!" Napasugod ako sa kwarto namin nang marinig ko ang sigaw ni Kath. Inaayusan ko si Nicholas dahil papasok na siya sa school niya habang kapapaligo ko lang kay Katherine.


"Yes babe?" Natatarantang tanong ko pag pasok ko sa kwarto naming mag asawa.


"Nasan na yung pinapabili ko sayong mangga!" Mainit ang ulong tanong niya sa akin. Napakamot ako sa batok ko. Shit! Paanong nakalimutan ko yun? Naku lagot na.


"Ah babe, dadaan ako mamaya sa palengke pagkahatid ko kay Nicholas sa school."


"Ano?! Hindi ka pa din nakakabili?! Kagabi ko pa sinabi sayo yun ah!"


"Sorry na babe nakalimutan ko kasi eh."


"I hate you! Bahala ka dyan!" Aniya sabay talukbong ng kumot.


Hay naku. Ito nanaman po kami. Ganito ba talaga ang mga babae kaabnormal kapag nag bubuntis? Ang hirap pala. Di ko na alam kung anong uunahin ko. Ihahatid ko pa si Nicholas sa school niya. First day pa naman ngayon.


Lumapit ako sa asawa ko at nahiga sa tabi niya. Niyakap ko siya mula sa likod. Gusto kasi nito lagi siyang nilalambing kapag nag tatampo siya. Ewan ko ba. Ako yata ang pinag lilihian ng asawa ko. Minsan sobrang lambing pero madalas lagi akong inaaway. Ang hirap din pala.


"Anong mahirap?!" Nagulat ako nang bigla siyang bumangon at masamang tumitig sa akin.


Putek narinig pa niya yun? Napasapo na lang ako sa nuo ko. Jusko po, bigyan niyo po ako ng lakas ng loob para mapag tangumpayan ang panibagong topak ng asawa ko. Paniguradong hanggang mamaya na yan ganyan. Kung hindi ko lang talaga to mahal eh.


Dalawang taon na mula ng ikasal kami ni Kath at ngayon masusundan na din sa wakas ang bunso naming si Katherine. Nga pala nakakapag salita na si Katherine, sobrang daldal na nga niya ngayon eh. Okay naman ang buhay namin kahit minsan.. I mean araw araw akong inaaway nitong asawa kong buntis. Okay lang naman sa akin yun ang mahalaga masaya ang pamilya namin at buo. Wala na yatang mas sasaya pa sa ganitong klaseng buhay. Yung sa gabi siya ang huli mong makikita at pag gising sa umaga siya pa din ang una mong makikita. Napaka swerte ko kay Katharina. Isa siyang anghel.


She's my angel.


K A T H


"Babe sorry kanina ah. Nasigawan kita." Niyakap ko si Callum mula sa kanyang likod habang dinadampian ng maliliit na halik ang balikat niya.


Ewan ko ba sa sarili ko. Nitong mga nakakaraang araw parang ang bilis bilis uminit ng ulo ko lalo na kay Callum. Baka nga tama sila na pinag lilihian ko si Callum. Naiirita ako sa kanya pero naiinis din ako kapag hindi ko siya makita ng kahit sandali. Kahit sa trabaho niya lagi ako nakabuntot sa kanya kasi hindi ko talaga matiis na hindi siya makita ng kahit ilang minuto lang. Sobra naman kung pag lihian ko ang asawa ko.


Humarap sa akin si Callum at ipinulupot ang mga braso niya sa bewang ko.


"It's okay babe. Alam ko namang dahil lang yun sa pag bubuntis mo eh." inayos niya ang buhok ko at inipit sa tenga ko ang ilang hibla ng buhok na nasa mukha ko.


"Ang understanding naman ng mister ko." Biro ko sabay pisil sa pisnge niya.


"Siyempre naman."


"I love you."


"And I love you too."


Tumingkayad ako upang mahalikan siya sa kanyang labi. Ikinawit ko ang braso ko sa batok niya habang ang mga kamay naman niya ay nanatiling nasa bewang ko. Hinaplos haplos niya ang parteng iyon ng katawan ko habang kami'y nag hahalikan. Inilapit ko pa masyado ang katawan ko sa kanya upang mas dumiin ang aming halikan.


Hinding hindi ako mag sasawa sa ganitong pakiramdam na tanging si Callum lang ang may kakayahang magparamdam sa akin. Hindi ako mag sasawang ibigay sa lalaking ito ang sarili ko at ang puso ko. Siya lang ang mamahalin ko hanggang sa huli.


Dahan dahan niya akong hiniga sa kama at maingat na pumatong sa akin. Bumaba ang labi niya mula sa labi ko papunta sa aking leeg. Binigyan niya ng maliliit na halik ang aking leeg pababa sa taas ng aking dibdib. Kinalas niya ang pagkakatali ng roba ko upang tuluyang mahalikan ang aking dibdib. Napapikit ako dahil sa matinding sensasyong naramdaman ko. Ito nanaman yung pakiramdam na siya lang ang nakakapag paramdam. Sinagot ko ng ungol ang bawat hawak at halik niya. Naramdaman kong mas naging mapusok ang pag halik ni Callum sa tuktok ng dibdib ko. Hindi ko tuloy malaman kung saan ko ipapaling ang ulo ko sa sobrang sarap ng ginagawa niya. Unti unting bumaba ang kamay niya na kaninay nag lalaro lang sa dibdib ko pababa sa aking pagkababae. Hinawakan niya ako duon at ang tanging nasagot ko lang ay ungol.


"I love you, Mrs. Montemayor." Aniya bago muling sakupin ang labi ko.



Continue Reading

You'll Also Like

965K 16.7K 51
Oh boy, Zarrick is a forbidden one. Erriah knows that. At such a young age, she shall not think of any kind of obscene things pero masarap talaga ang...
241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
5.4K 248 44
Hindi sang-ayon si Kelsie sa idelohiyang karapatan ng lalaki ang maghanap ng babae na magbibigay ng kaligayahan bukod sa asawa. She was fascinating...
972K 28.3K 52
Liliveth Castellano already set her goals in life. Finish her studies, have a good and decent job, buy house and a car. So when she got a scholarshi...