Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
011
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
047
048
Epilogue

046

25.5K 369 2
By Kass-iopeia

046


K A T H


Nagising akong nakaunan na ako sa dibdib ni Callum. Hindi ko alam kung paano ako nakatulog at kung bakit nakaunan na ako ngayon sa dibdib ni Callum. Hindi muna ako gumalaw o bumangon. Ewan ko ba pero parang ayoko nang bumangon at kumawala sa yakap ni Callum. Nakakamiss pala yung ganito. Nakakamiss gumising sa yakap niya. Sobrang sarap sa pakiramdam lalo pa ngayon na malaya na akong yakapin siya ng mahigpit nang walang inaalalang ibang tao. Pakiramdam ko malayang malaya na kami ni Callum mag mahalan.


Humigpit ang yakap ni Callum sa akin at naramdaman ko ang pag halik niya sa tuktok ng ulo ko. Biglang nag init ang magkabilang pisnge ko. Gusto ko pa sana may kunwaring tulog para manatili sa dibdib ni Callum kaya lang biglang bumukas yung pinto at pumasok si Meg habang hawak hawak sa kanang kamay si Nicholas at karga karga si Katherine sa kaliwang braso. Naipakilala ko na si Meg kay Katherine at madalas na siyang dumalaw dito sa bahay.


Agad akong napabangon sa pagkakahiga. Nakita ko ang pag taas ng kilay ni Meg sa naabutan niyang ayos namin ni Callum. Tumayo na ako ng tuluyan habang nanatiling nakahiga lang si Callum sa kama.


"Meg! Andito ka pala." Tarantang sabi ko sabay lapit sa pwesto niya para kunin si Katherine.


"Mom-my!" Nakangiting sabi ni Katherine nang buhatin ko siya.


"Yes baby?"


"Mom-my hug dada." Nagulat kami nang sabihin iyon ni Katherine. Ngayon lang siya nakapag salita ng ganun kahaba. Madalas kasi ay isang salita lang ang nasasabi niya kaya nagulat talaga kaming lahat ng sabihin niya iyon.


"Anong sabi ng baby ko? Ang galing galing naman niyan." Sabi ko sabay halik sa pisnge niya. Lumapit sa amin si Callum at nakangiting hinalikan din si Katherine sa pisnge.


"Ang galing naman ng little angel ko." Aniya sabay pugpog ng halik kay Katherine. Napangiti na lang ako.


"Ehem!" Napatingin kami kay Meg nang mag peke ito ng ubo.


"Kath, pwede ba kitang makausap?" Aniya. Tumango ako at ibinigay si Katherine kay Callum.


Lumabas kami ng kwarto ni Meg at nag punta sa kusina para duon mag usap. Alam ko naman kung ano ang pag uusapan namin eh.


"At anong teleserye yung naabutan ko kanina?" tanong niya kaagad.


"Meg, hahayaan ko na ulit ang sarili kong mahalin si Callum." Nakangiting sabi ko.


"Nasisiraan ka na ba?"


"Hindi Meg. Wala na silang relasyon ni Pauline. Hiwalay na sila matagal na pwede na kaming dalawa. Wala nang nag babawal na mahalin ko siya ulit."


"Kung ganun naman pala ang sitwasyon edi go! Go girl, deserve mo yan. Sana lang hindi ka na ulit masaktan. Ayokong nasasaktan ka girl alam mo yan."


"Salamat Meg. Sobrang salamat. Hindi mangyayari to kung hindi dahil sayo. Nag papasalamat talaga ako sayo." Nakangiting sabi ko.


"Kaya ko ba naman kayong pabayaan ni Nicholas? Para ko na kayong pamilya eh. Basta wag niyo kong kakalimutan ah. Kayo na lang ang pamilya ko."


"Oo naman. Paano namin makakalimutan ang taong tumulong sa amin ng walang kapalit. Sobrang buti mong tao."


Nag yakap kami ng mahigpit ni Meg.


"I'm happy for you girl." Aniya.



"Ubusin mo yang kinakain mo Nicholas." Sabi ko kay Nicholas nang makitang parang hindi nababawasan ang laman ng pinggan niya. Namimihasa na kasi siya kakalaro kaya wala ng ganang kumain.


"Ayoko na nanay!"


"Tignan mo yang anak mo, Cal. Ayaw na kumain. Puro kasi laruan ang ibinibigay mo kaya namimihasa. Dati naman kumakain yan ng gulay." baling ko kay Callum. Kumakain kami ngayon ng hapunan. Naisipan kong mag luto ng gulay dahil nitong nakakaraang araw ay puro na manok ang kinakain ng mga bata.


"Nicholas, ubusin mo na yan. Lagot ako sa nanay mo kapag di mo inubos yan."


"Eh ayoko na daddy."


"Ubusin mo yan, Nicholas."


"Sir nasa labas po si mam Pauline." Anang isang katulong na kakapasok lang sa kusina.  Agad namang tumayo si Callum kahit na hindi pa niya natatapos ang kinakain niya. Nag paalam siya sandali bago lumabas ng kusina para puntahan si Pauline.


Akala ko ba wala na silang relasyon? Bakit nagkikita pa din sila? At bakit ba kung ano anong iniisip ko. Siyempre may pinag samahan pa din naman sila ano. Anong masama kung nagkikita pa din sila.


Natapos na kaming kumain ng mga bata pero hindi pa din bumabalik si Callum kaya tinakpan ko na lamang ang pagkain niya at niligpit na ang mga pinagkainan. Ibinilin ko ang mga bata sa yaya nila para patulugin na habang hinuhugasan ko ang mga pinagkainan namin. Nang matapos ako ay nag tungo ako sa sala at natigilan ako nang makitang andun pa din sina Pauline at Callum. May pinag uusapan sila na para bang importanteng importante.


Hindi kaya pinag uusapan nila ang tungkol sa relasyon nila? May balak ba silang mag balikan? Bigla akong nakaramdam ng takot sa dibdib ko. Paano kung tama ang mga nasa isip ko. Kaya ko ba?


Aalis na sana ako agad kaya lang bigla akong tinawag ni Pauline.


"Katharina!"


Dahan dahan akong lumingon sa pwesto nila at ngumiti. Lumapit ako sa kanila.


"Ikaw pala Pauline. Napadalaw ka." Nakangiting sabi ko.


"Oo may importante lang kasi akong kailangan sabihin kay Callum." Nakangiting sabi ni Pauline.


"I'm pregnant." aniya.


"And he's the father." Aniya sabay turo kay Callum. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Parang biglang may kumurot sa dibdib ko nang marinig ko yun mula kay Pauline.


Wala na sila? Pero magkakaanak na sila ngayon? Paano nangyari yun? Sabi ko na nga ba eh. Dapat hindi ako naniwala kaagad. Ito nanaman tuloy ako. Parang biglang bumigat yung dibdib ko. Kanina lang ang saya saya ko pero parang bigla na lang naglaho iyon dahil lang sa mga salitang iyon.


"G-Ganun ba? Congrats." Sabi ko na pinipilit wag mapaiyak. Ayokong umiyaksa harap nilang dalawa.


"Pau what are you saying?" Anas ni Callum na napapailing pa.


"Kidding!" Tumatawang sabi ni Pauline na dahilan para mapakunot ang mga nuo ko.


"Hindi ako buntis at kung buntis man ako imposibleng si Callum ang maging ama nun. Wala na kaming relasyon." Ani Pau.


"You brat. Wag mo ngang binibiro si Kath ng ganun. Baka maniwala yan." Nakangiting sabi ni Callum.


Sandali kaming nag kwentuhang tatlo bago nagpaalam na si Pauline. Ikakasal na siya sa boyfriend niya. Isang taon pa lang sila pero ikakasal na kaagad sila. Pero sa bagay hindi naman na sila kasi mga bata. Hays. Kailan kaya ako ikakasal? Ikakasal pa kaya ako?


Papasok na sana ako sa sarili kong kwarto nang mapansing nakasunod pala sa akin si Callum. Humarap ako sa kanya at nag tatakang tinignan siya.


"Bakit?" Tanong ko.


Ngunit imbis na sagutin ang tanong ko ay pumasok na lang siya basta sa kwarto ko. Siyempre ako naman itong sumunod sa kanya sa loob. Nakahilata na agad siya sa kama ko na para bang pagod na pagod. Wala naman siyang ginawa buong mag hapon kundi ang matulog.


"Callum gusto mo bang dito matulog?" Tanong ko. Tumango tango siya nang nakangiti pa.


"Sige sa guest room na lang ako matutulog." Sabi ko. Wala naman kasi akong karapatang mag reklamo dahil bahay niya pa din naman ito.


"What?" Gulat na anas niya.


"Bakit?"


"Bakit duon ka matutulog?"


"Eh saan ba ako dapat matulog? Akala ko ba gusto mong dito ka matulog?"


"I do. I want to sleep here with you."


Parang hi-tech na automatic uminit yung pisnge ko sa sinabi niyang iyon. Bakit ka naman ganyan Callum. Alam mo bang hulog na hulog nanaman ako sayo at gusto mo pa talagang lalo akong mahulog sayo eh. Napakagat ako sa ibabang labi ko.


"Come here angel." Aniya sabay tapik sa tabi niya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa akin at tila naging sunod sunuran na lang ako sa kanya. Lumapit ako sa pwesto niya at naupo sa tabi niya.


Bumangon siya sa pagkakahiga at humarap sa akin. Hinaplos ng mga palad niya ang mukha ko habang ako naman ay nakatitig lang sa kanya. Dahan dahang lumapit ang mukha niya sa akin at dahan dahan ding nag dikit ang aming mga labi. Kusang pumikit ang mga mata ko at ang mga braso ko naman ay pumulupot sa batok niya. Mahinahon ang pag halik niya sa akin at mabagal. Ito yung halik na napaka daming ibig sabihin. Ito yung halik na matagal tagal ko ding hindi natikman. Habang patagal ng patagal ay pabilis ng pabilis ang pag halik niya at palalim iyon ng palalim. Hanggang sa mag simula na ding mag lakbay ang mga kamay niya mula sa aking bewang papunta sa aking dibdib.


Para akong napapaso sa mga hawak niya. Bumitiw siya sa halik at dahan dahan akong inihiga. Pumaibabaw siya sa akin at muling sinakop ang aking mga labi. Nang mag sawa siya duon ay humiwalay siya sandali para hubarin ang suot suot kong damit pati na din ang sa kanya. Nang mahubad na niya ang lahat ng mga saplot namin ay muli siyang pumaibabaw sa akin. Dumapo ang mga labi niya sa leeg ko pababa sa aking dibdib. Nag tagal ang kanyang halik sa bahaging iyon ng katawan ko. Napahawak ako sa buhok niya at hindi alam kung saan ipapaling ang aking ulo sa sobrang sarap sa pakiramdam ng ginagawa niya sa akin.


Wala akong ibang nararamdaman sa mga oras na iyon kundi saya. Ramdam na ramdam ko sa mga haplos at halik niya na mahal pa nga niya ako. Ingat na ingat siya habang ginagawa namin iyon na para bang isa akong mamahaling pigurin na isang maling galaw niya lang ay maaring mabasag. Wala akong ibang maramdaman sa mga oras na iyon kundi pag mamahal. Hindi ko na napigilan ang sarili kong mga luha na sunod sunod na nag landas mula sa mga mata ko. Ang tagal kong hinintay ito. Ang tagal kong inasam na mangyari ito. Ang tagal tagal kong hiniling na dumating yung araw na ito na sa wakas maging tama din ang lahat. Tinupad ni Callum ang pangako niya nuon na gagawin niyang tama ang lahat. Ako lang 'tong gaga na bigla na lang sumuko. Sana pala ipinag laban ko din siya. Sana pala hindi ko na lang siya isinuko nuon. Hindi na sana umabot pa sa ganito ang lahat. Hindi sana ko nahiwalay kay Katherine at hindi sana nahiwalay si Callum sa anak namin. Sobrang laki ng panghihinayang ko pero ngayon unti unti nang umaayon sa akin ang tadhana. Unti unti niya na akong pinapaboran. Natatakot tuloy ako na baka bawiin niya lang din ulit sa akin ito. Ayoko na. Ayoko na bumalik sa madilim at mala impyernong mundo. Gusto ko na sumaya. Gusto ko nang sumaya kasama si Callum at ang mga anak namin.


Hingal na hingal na nahiga si Callum sa tabi ko habang nakatitig sa kisame tulad ko at tila malalim din ang iniisip.


"Anong iniisip mo?" Tanong niya makaraan ang ilang minutong katahimikan.


"Natatakot ako Callum." Sabi ko.


"Natatakot saan?"


"Sa posibilidad na bigla na lang bawiin sa akin itong lahat. Ayoko na maranasan yung mga madidilim na nakaraan ko. Natatakot ako Callum. Ayoko na bumalik duon."


"Hindi ko hahayaang mangyari yun." Aniya.


Ikinulong niya ako sa mga bisig niya at isinubsob ko naman ang mukha ko sa dibdib niya. Si Callum lang at ang mga bata ang pinaka magandang nangyari sa buhay ko kaya wala na akong ibang hihilingin pa kundi ang makasama sila ng matagal.


"Mag pakasal na tayo."


Agad na nag taas ako ng tingin sa kanya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Nananaginip lang ba ako? Totoo ba yung narinig ko o nabingi na ako? Matagal akong tumitig sa mukha niya nag hihintay na sabihin niya yung salitang 'joke' pero hindi. Nanatiling seryoso ang hilatsa ng mukha niya. Napabangon ako sa pagkakahiga at malakas na sinampal ang sarili ko. Madali din namang bumangon si Callum at nag tatakang tumitig sa akin. Tuloy pa din ako sa pag sampal sa sarili ko.


"What are you doing?" Takang tanong niya habang pinipigilan akong saktan ang sarili ko.


"Nananaginip lang ba ako Callum? Totoo ka ba?" Tanong ko sabay haplos sa mukha niya upang masigurong tunay siya.


"Hindi ka nananaginip Kath. I love you and I want you to marry me. Please marry me Kath."


"Oh my god!" Napahawak ako sa bibig ko at sunod sunod na tumulo ang mga luha sa mga mata ko.


"Oo Callum, mag papakasal ako sayo. Mahal na mahal din kita." Sabi ko. Lumawak ang ngiti niya at mabilis na hinila ako upang yakapin.

Bumitaw ako sa yakap niya at mabilis na siniil siya ng halik.

Continue Reading

You'll Also Like

348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2.9M 179K 59
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2M 24.7K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
34.9K 1K 26
Just an ordinary story of an ordinary girl, and her life as a college student but what if that's not all this story is about? What if she's hiding a...