TORTURING HER INNOCENCE °[Kat...

By MadamKlara

306K 7.7K 1.7K

[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then... More

Prologue
Advisory
1. Gabbi
3. The Lacsamanas
4. Condo
5. The Palmers
6. Boys and Boys
7. Punishment
8. Birthday
9. Broken Hearts & Egg
10. Love, Gab
11. Lil Sister
12. Happy Birthday
13. No Other Guys
14. Soft N Fragile
15. Scandal
16. Set-Up
17. No More-
18. Flirtations
19. Morning
20. Hunger Game
21. Last Virgin
22. Missing You
23. Sissums
24. Friends
25. Songs
26. Gig
27. Gifts
28. Jillian
29. Survival
30. Work
31. Losing
32. Breaking
33. Tears
34. Love at First Sight
35. Far Away
36. The Return
37. Decade
38. Babies
39. Thank You
40. The Come Back
41. Once Again
42. Missing
Author's Note
43. Give Up
44. End
45. Happy Smiles
Happy Author
Epilogue
PLEASE READ
THE PALMER BROTHER Series

2. Danni

8.4K 202 21
By MadamKlara

Sinalubong ako ng Dormitory-manager pagkapasok ko sa building. Walang lingon-likod nga akong naglakad kasi nahihiya ako sa mokong na naghatid sa'kin. Napapaisip kasi ako, talaga bang may nangyari sa'min? Anak ka ng kambing, Gabriella! Ang tanga mo! Tapos, wala ka pang maalala. Ang tanga mong bata ka.

"Sir Philip! Good morning!" Bati ko sa kanya. Dati paman, strikto na siya at hindi niya ugali ang ngumiti. Pero iba ang pakoramdam ko ngayon sa mukha niyang walang kangiti-ngiti.

"Marami akong natanggap na sumbong ng mga kasama mo rito sa dorm lalo na sa mga roomates mo." Panimula niyang nagpalakas ng pintig ng puso ko. Ano na naman 'to? Hindi ba ako titigilan  ng problema? "Isa sa mga female occupants ang nawalan ng mamahaling kwentas. Mga gamit mo nalang ang hindi pa nacheck, Ms. Lacsamana."

Tsk. Kahit naman na aayaw pa ako, wala na akong magagawa. Una, alam ko kung sino ang may pakana nito e. Kung hindi si Audrey, malamang si Trinity.

"Sigurado ako, nandiyan sa mga gamit ko ang hinahanap niyo." Hindi ko mapigilang sabihin. "Sir Philip, ilang ulit na nila 'tong ginawa sa'kin. Papatulan na naman ba natin 'to?"

"Lacsamana, please open your closet."

Naiiyak akong sumunod sa utos niya. Hindi ko na sila pinanood na hinalughog ang mga gamit ko. Naupo nalang ako sa kama ko at do'n nagpipigil na huwag umiyak.

"Sabi ko na nga ba e! I am so right! Napakakati niyang kamay mo, Gabriella!" Sigaw ni Audrey sa'kin. Hindi ko siya pinansin.

"Lacsamana, follow me to my office."

Wow. It's okay Gabbi. Okay lang 'yan. Nangyari na 'to dati, 'di naman umobra sa kanila e. Sige na, sumunod ka na do'n sa panot na manager ng dorm.

"Kung sumbong lang ng mga kasamahan mo, Gabbi, okay lang. Kaya lang, it's really your behavior. Ilang ulit ka ng sumuway sa house rules ng dormitory. Naka-ilang demerit card ka na. Alam mo namang kaya ka nakakapasok ng libre sa dormitory na 'to ay dahil sa scholarship mo. I am so sorry. We have to let you go."

Nangingilid na 'yong luha ko at alam kong kapag nagsalita pa ako ay tuluyan ng babagsak 'yon.

"I'm so sorry, Gabriella. You know the rules. And last night, hindi ka pa umuwi. That is a major violation—" Hindi ko na siya pinatapos, tumakbo na kaagad ako pabalik sa room ko. Niligpit ko ang mga gamit ko. Nakakabwiset nga e, pinapalibutan ako ng mga bruhildang kasamahan ko sa lintek na dormitory'ng 'to.

"Masaya ka na Audrey?" Singhal ko sa kanya. "Aalis na ako kasi 'yan naman ang gusto mo diba?"

"Hindi lang gusto, Gabriella. Gustong-gusto." Nakangising tugon niya. Napakuyom ako ng palad. Kung hindi ko lang napapaalahanan ang sarili kong 'wag magpadala sa emosyon, matagal na sigurong basag ang pagmumukha ng maarteng palaka na 'to.

"Hindi kita maintindihan kung ba't ganyan ka sa'kin! Hindi ba nga ikaw na mismo ang nagsabi? Maganda ka, mayaman, samantalang ako dugyot at mahirap. Ano ba'ng problema mo at pilit mong sinisira ang buhay ko?"

"Trip ko lang. Bored ako e." Sagot niyang nagpainit ng tenga ko sa sobrang galit. "Anyway, Gabbi. Hindi ko kasalanan na mas naniniwala si Sydney sa'kin kaysa sa traydor niyang bestfriend."

Tama na Gabbi. Wag mo na silang pansinin. Nilakasan ko ang loob kong umalis sa building nang walang luhang papatak sa mata ko. Nagtagumpay ako. Tumulo lang ang mga luha ko nang nasa labas na ako mismo ng gate. Nanininikip ang dibdib ko kaya napakapa ako do'n.

"Nay. Ang hirap. Ang hirap-hirap nay." Umiiyak na bulalas ko sa hangin. "Sana nandito ka pa. Kailangan ko ang yakap mo 'nay. Ang sakit sa puso..."

Matapos ang ilang minuto ng pag-iyak, tumahan narin ako at nakakahinga narin ako ng maayos. Nagpapanic-attack kasi ako kapag umiiyak. Naninikip ang dibdib ko at nahihirapan akong huminga. Kanina pa ako para ng para ng nagdadaanang tricycle pero ayaw naman akong hintuan. Ang sarap ngang batuhin e. Nagulat nalang ako nang may magarang kotse na huminto sa tapat ko.

"Hi? Do you need help?" Tanong ng lalaking nasa driver seat ng mismong kotse matapos niyang ibaba ang salamin ng sasakyan. Lumingon pa ako sa likuran ko para matiyak na ako ang kinakausap niya.

"Ah—Hindi. Hindi na." Sagot tsaka tumingin sa kabilang direksiyon para maiwasan ang mapanuri niyang mga mata.

"Sige na miss, ihahatid na kita."

"Hindi na po. Okay lang ako."

"Look. I am not what you think of me." Gago pala 'to e. Alam niya ba kung ano ang tingin ko sa kanya? Timang! 'Yon siya. Napalunok na lamang ako nang maramdaman siyang nasa tabi ko na at umakmang bubuhatin ang maleta ko.

"Naku. Okay lang. Sabi ko diba? Okay lang? Hindi ko kailangan ng tulong mo."

"Gabriella Lacsamana. Bakit ba ang sungit-sungit mo?" Tanong niyang nagpaangat sa'kin ng tingin. Bakit ako kilala ng mayamang lalaki na 'to? "Oh please. Don't tell me you don't know me. I'm Carter Andrews."

Tiningnan ko siya ng masama at saka inirapan. Gago. Ito pala 'yong crush na crush ni Sydney na point guard ng basketball varsity namin e. Nag-iwas ako ng tingin lalo na't marinig ko ang bulongan ng mga tsismosang ex-dormmates ko. Nagsilabasan pa talaga sila. Ano bang meron kung ino-offer-an akong ihatid ng isang Carter Andrews? Artista ba 'to? Presidente ng Pinas? Tsk.

"Ba't mo 'ko kilala?"

"Why not? You're the girl who dumped my teammate, Donny. Remember him?"

"No."

"Seriously?" Anas niya saka tumawa ng marahan. "You're really savage. Ikaw ang nag-iisang babae na bumasted kay Donny. You're like number one trending that month." Aniya pa.

"Andrew, pwede ba—"

"Carter."

"Fine. Ayaw ko ng gulo. Hindi ko alam kung ano 'yang sinasabi mo kaya please... umalis ka nalang. Hindi ko kailangan ng tulong." Pagtataboy ko sa kanya. Ayaw ko lang namang lumala pa ang kamalasan ko ngayong araw. Isa pa, gusto kong mag-isa.

"Carter Andrews? Are you here for someone?" Maharot na bati ni Audrey. Dito siya magaling e. Tsk.

Sinenyasan ko ang mokong na 'wag magsalita at 'wag nalang pansinin ang bruhilda pero iba din ang katigasan ng ulo niya.

"Yes. I'm here for Gabbi. She's moving out, right? I just need to help her move out." Nakangiting sagot niya sa mga babaeng naglalaway sa kanya ngayon. Ew. Kadiri ang mga babaeng 'to.

"Gabbi? Gabbi who?" Maarteng tanong ni Audrey na siyang dahilan para tumubo ang sungay ko. Imbis na ayokong sumakay sa kotse nitong walang magawa sa buhay na si Carter, nagpatiuna na ako sa loob ng kotse at hinayaan siyang ipasok mag-isa ang mga gamit ko. Bahala siya. Ginusto niya 'yan.

Kahit papaano, gumaan ang pakiramdam ko na makita ang naiinis na mukha ni Audrey.

"My parents own dormitories nearby. I can help you—"

"No. Hindi na Carter. Okay lang. Uuwi nalang siguro ako sa'min."

"Okay. But if you change your mind, the offer will always stand." Nakangiting sagot niya. "Sa'n ba sa inyo? Ihahatid na kita."

"Sigurado ka diyan? Dalawang oras ang biyahe papunta sa'min, wala pang traffic niyan."

"Seryoso?"

"Mukha ba akong nagbibiro?"

Hindi ko alam kung bakit, pero ang timang, tumawa nalang. Anong nakakatawa?

"Ang cute mo ano? Ang liit-liit mong tao tapos ang sungit-sungit mo. I mean, ang tapang mo." Aniya.

"Ano'ng pinagsasabi mo diyan? Alam mo, salamat sa tulong. Sa bus terminal mo nalang ako ihatid."

"Can't I really drive you home?"

"Ang kulit mo. Hindi nga pwede."

Tumawag si tatay sa'kin mayamaya na sobrang ikinatuwa ko. Sa wakas, makakaiwas ako sa kadaldalan ng Carter na 'to. Hindi ko alam kung bakit siya ganito e ang sabi naman ni Sydney, napakasuplado daw nito.

"Tay, okay po ako. Tsaka, may surpresa po ako sa inyo. Hulaan niyo po." Magiliw na sambit ko.

"May boyfriend na ang anak ko?"

Dati, tinatawanan ko 'yang biro na 'yan ni tatay. Pero ngayon, nalulungkot, natatakot at naiiyak ako. Naaalala ko na naman ang asungot na Uno na 'yon.

"Gab? Anak? Andiyan ka pa?" Pukaw ni tatay sa naglalakbay kong diwa.

"Sorry po, nawala po yata ang signal e." Pagsisinungaling ko. "Yong surpresa ko po 'tay. Uuwi po ako diyan. Baka diyan na po ako kakain ng tanghalian. Tay, ipagluto mo 'ko ng gulay. Miss ko na pong kumain ng ginataang monggo."

"Oo ba. Ba't biglaan yata ang pag-uwi mo anak?"

"Sembreak po." Pagsisinungaling ko kaagad. Hindi ko nilingon si Carter dahil alam kong hinuhusgahan na ako nito ngayon. "Pero babalik din naman po ako kaagad. Na-miss ko lang po kayo ni Danni. Nandiyan ba siya 'tay?"

"Daniella!" Narinig kong tawag niya sa 14-years old kong kapatid. "Daniella, gusto kang makausap ng ate mo."

"Coming tatay Pogi!"

Ang kulit lang talaga ng Daniella'ng 'to. Hindi ko mapigilang huwag ngumiti.

"Ate, may kwento ako sa'yo!" Tili niyang nagpakaba bigla sa'kin. Huli siyang naging ganito nang dumalaw sa bahay namin ang anak ng mayor namin na kababata ko. Hindi naman kami close no'n. Kaklase ko lang mula kindergarten hanggang sa elementary.

"Ano na naman 'yan Daniella? Baka ano-anong kalokohan na naman 'yan a!"

"Ate, dito ko na sasabihin kapag uuwi ka o kapag hahayaan mo 'kong lumuwas diyan."

"Ewan ko sa'yo."

"Ate naman e. Seryoso 'to. This is about your future."

"Hoy Daniella! Kung ano-ano nalang talaga lumalabas diyan sa bibig mo. Magtoothbrush ka nga lang at nang may lumabas namang maganda diyan sa malaking bunganga mo."

"Ang harsh nito. Kung 'di lang gwapo ang nagchat, naku talaga." Anas niyang nagpakunot ng noo ko. Hindi sinasadyang napalingon ako kay Carter. Nakangiti siyang nakatitig sa'kin na nagparealize sa'king nasa bus terminal na kami.

"Sige na Danni, ibababa ko na. Ha? K. Dot."

"Ate saglit lang!" Pahabol ng makulit kong kapatid.

"Ano na naman?"

"Di mo sinabing may boyfriend ka na! Ate, ang gwapoooooo!"

Hindi ko sinasadya pero nang banggitin ni Daniella ang salitang boyfriend, sumagi sa isip ko ang asungot na si Uno. Ugh!

"Daniella, sa'n mo naman nalaman 'yan ha? Yan na nga ba ang napapala  mo sa palaging pagpe-facebook, instagram, twitter at kung ano-ano pa." Pangaral ko sa kanya.

"Duh. Kung di rin naman dahil dito, 'di ko makikilala ang boyfriend mo."

Ano ba kasi ang pinagsasabi niya. Naaatat tuloy akong umuwi.

"Bahala ka diyan. Papatayin ko na'tong tawag. Hoy Danni, 'wag kang pasaway kay tatay!" Bilin ko bago pinatay ang tawag.

Ano'ng pinagsasabi ng timang kong kapatid? Ano'ng boyfriend? Dapat talaga bawiin ko na 'yong phone niya. Tutal, akin din naman 'yon. Ibinigay ko lang sa kanya 'yon dahil lagi siyang top sa klase niya.

"I can imagine what your family is like, Gabbi. Ang saya niyo siguro." Wika ni Carter na nagpabalik sa'kin sa katinuan.

"Huh? A—Oo. Masaya sa bahay. Lalo na 'yong kapatid kong si Daniella, napakakulit at mas madaldal pa sa'kin."

"Hindi ka naman madaldal. Nakakatuwa ngang kinakausap mo ako. Kapag nasa campus ka, tingin ko, si Sydney lang ang kinakausap mo."

Woah. Kilala niya si Sydney! Nawala ang tuwang naramdaman ko nang maalalang nag-away nga pala kami so hindi ko rin maikukwento sa kanya na binanggit ni Carter ang pangalan niya.

"Hindi naman. Ah—Carter. Salamat sa paghatid. Dito nalang ako, nandiyan narin naman ang bus na sasakyan ko."

Makulit ang crush ni Sydney kaya napapaisip akong hindi sila bagay dalawa. Napaka-pormal ni Syd e tapos ayaw no'n sa makulit at matigas ang ulo. Tapos itong Carter na 'to, kanina ko pa sinasabihang kaya ko na ngang buhatin ang maleta, ayun kinuha niya parin sa'kin at inakyat hanggang sa loob ng bus. Parang timang nga e. Hindi siya umalis hangga't di bumibiyahe ang bus na sinakyan ko.

Pero nang makalayo na ako, napangiti ako sa ginawa niya. Hindi naman pala talaga lahat ng lalaking may hitsura ay gago. Napakaganda ng mukha ng Carter na 'yon, kung babae 'yon mas maganda pa 'yon sa'kin. Kahit papaano, may natutunan ako sa ginawa niyang pagtulong. Nawaksi ko sa isip ko si Carter nang makatanggap ako ng text message mula sa kapatid ko.

From: Danni

Ate Gab, mag-online ka sa messenger mo. May sinend akong screenshots sa'yo. ^^

Ang engot talaga ng Danni na 'to. E alam na nga niyang keypad 'tong phone ko. Paano ako magme-messenger. Wait. Teka, bakit parang may dalaw ako? Lagot. Ang haba pa ng biyahe! Nabadtrip akong dumating ng bahay dahil maliban sa sobrang init, nakumpirma kong may red tide nga. Tss. Buti nalang ang sariwa ng hangin pagbaba ko ng barge. Ang ganda na pala ng seawall namin, tapos ang linis pa. May mabuti ring nagawa ang city government sa maliit naming lugar.

"Ate Gab!??" Parang 'di makapaniwalang bungad ni Danni matapos akong pagbuksan ng pinto. "Tay! Si ate, nandito!"

"Oh? Anak! Ang bilis mo yatang dumating. Di man lang umabot ng dalawang oras ang biyahe mo." Natutuwang pahayag ni tatay matapos akong yakapin at tulungan sa dala kong gamit. Binigyan niya ako ng makahulugang tingin. Nginitian ko lang siya. Kahit nga kasi hindi ko sabihin, malalaman ni tatay e. Tinapik na niya ako sa balikat at nginitian. "Nagluto ako ng paborito mong ginataang munggo. Maiwan ko muna kayong dalawa. Babalikan ko lang ang niluluto ko. 'Yang kapatid mo Gabriella, kanina pa 'yan may gustong sabihin."

"Sige po 'tay."

Nang makatalikod na ang tatay namin, bigla akong niyakap ni Daniella saka tumili. Sweet na dati pa sa'kin ang kapatid kong 'to pero iba talaga ang kahulugan ng yakap niya ngayon. Tapos, tumili pa siyang animo'y kinikilig.

"Daniella, 'wag mong sabihin sa'king may boyfriend ka na!"

"Ate naman! Katorse pa ako! Anong boyfriend ang pinagsasabi mo? Di ba sabi mo nga? Kritikal na period ang katorse kasi maraming naisukong bataan?" Tumatawang wika niya na nagpahilaw ng ngiti ko. Pashnea. Naiisip ko na naman ang mokong. "Tsaka ate, sinabi ko na sa'yo kanina. Tungkol 'to sa boyfriend mo."

"Danni, hindi ka na nakakatuwa. Diyan ka na nga muna. Magpapalit lang. May red tide."

Ang kulit! Sumunod pa talaga hanggang sa kwarto namin. Humiga siya sa kama namin ng nakangiti. Pilit kong binalewala 'yon at inasikaso ang paglalagay ng napkin sa underwear ko. Matapos magbanyo at makapagpalit, binalikan ko si Daniella na ngayon ay nanlaki ang mata habang nakaupo sa kama. Ano na namang drama 'to?

"Hoy Daniella—"

"Oh my gosh ate!" Tili niya matapos i-lock ang pinto ng kwarto namin. "May first kiss ka na! Ba't hindi mo agad sinabi sa'kin!" Maktol pa niya. Parang timang 'to. Ano'ng first kiss—Shit! First kiss!

"Ano? Ano—Paano mo nalaman?"

Ngumiti ng peke si Daniella sabay pakita sa'kin ng screen ng phone niya. Nasa screen ng phone ang picture kung saan hinalikan ako ng gonggong na si Uno!

Anak ng kabayong baog! Ano na naman 'to? Ayoko na talaga sa earth.

Continue Reading

You'll Also Like

110K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
542K 2K 5
Lumaki sa bruhang tita at malditang pinsan si Felice nang yumao ang ina niya. Lumaon ay inabandona din siya ng mga ito. Sinikap niyang maghanap ng tr...
25.4K 860 46
Rona Serene or Rose is a daughter of a famous business tycoon in the country. Despite being the rich girl everyone envies and wants to be, she remain...
523K 1.7K 153
Complete story Tagalog / English