SEASONS of LOVE 1 The Series...

By quosmelito

30.6K 1.4K 85

Haru is an ordinary person living his ordinary life with a loving mother and two abnoxious younger brothers... More

Read
Episode 1 - A Blessing in Dangerous Disguise
Episode 2 - My Boo
Episode 3 - His Highness
Episode 5 - A Drunken Request
Episode 6 - Just Like In The Movies
Episode 7 - The Other Side
Episode 8 - Not All Darklords Tell A Joke
Episode 9 - Lucky Spoon
Episode 10 - Confused
Episode 11 - Morning Surprises
Episode 12 - Almost A Kiss
Episode 13 - A Lovely Villainess
Episode 14 - Sparks Fly
Episode 15 - Date
Episode 16 - What Happened?
Episode 17 - Jealous Heart
Episode 18 - Magic Soup And Warm Cuddles
Episode 19 - I'm Here For you
Episode 20 - Giggles
Episode 21 - In The Name Of Love
Episode 22 - A Feeling So Strong It Makes You Weak
Episode 23 - Sunset
Episode 24 - Beginnings and Endings
Epilogue - Stand By You

Episode 4 - Hello and Goodbye

1.1K 61 11
By quosmelito

*Haru*

•••

"Kaya ayon. Tuwang-tuwa ako noong nakaalis ako." Saka ko sinabayan ng tawa.

"Psss. Kapag nakita ko yung Rain na 'yon yari sa akin 'yon." Ani Ethan saka gigil na kumagat ng mangga.

"Bakit naman? Saka kailan ka pa naging bayolente? Isawsaw mo kasi." Tukoy ko sa mangga nang malukot ang mukha niya.

"Eh kasi," Ngumuya muna siya saglit saka nilunok ang nasa bibig bago nagpatuloy. "Pinahirapan niya ang bestfriend ko. Ang cute-cute pa naman ng boo ko." Sabay pisil sa pisngi ko.

"Yuck!"

"Eww!"

Panabay na reaksyon ng kambal. Isinama namin sila. O mas tamang sabihing nagpumilit silang sumama.

Hindi naman kalayuan ang kubo na pinwestuhan namin. Dito namamahinga ang mga magsasaka sa panahon ng gawaan sa bukid. Sa 'di kalayuan naman ay mayroon fish pond na may nakahilerang mga puno ng mangga sa paligid.

Paborito ng kambal ang hilaw na mangga kaya naman nang mapansin nilang nagluluto si Mama ng bagoong na alamang ay hindi na sila lumayo sa tabi namin ni Ethan.

Kinagatan ko lang sila ng labi at hindi pinansin.

"Hmm. Ewan ko ba sa Dark Lord na 'yon. Parang pasan niya ang mundo."

"Ikaw naman kasi, ayaw mo pang tanggapin yung inaalok kong trabaho sayo. Eh 'di sana hindi mo na kailangang magpakahirap sa paghahanap ng trabaho. Saka, magkasama pa sana tayo sa America." Ani Ethan na umani ng masamang tingin mula sa kambal.

"Alam mo namang hindi ko kayang iwan sina Mama," saka ako bumaling sa kambal. "At ang dalawang makulit na 'to." Nakangiti kong ginulo ang buhok ni Junno dahil siya ang mas malapit sa akin.

Nakita ko pang palihim na dinilaan ni Jin si Ethan na ginantihan ni Ethan ng sundot sa tagiliran ng kapatid ko.

"Sana nga may kapatid din ako." Tila may lungkot na sabi ni Ethan. "Si Mommy busy sa kompanya. Si Daddy naman ayaw pang magretiro sa serbisyo."

"Kami." Sabi ko saka siya nginitian. "Di ba Kuya rin ang turing niyo kay Ethan?" Baling ko sa kambal na nagkibit-balikat lang at nagpatuloy sa pagkain ng mangga.

"Basta 'wag ka lang aagawin ni Kuya Ethan sa amin." Ani Junno na sinang-ayunan ni Jin ng pagtango.

"Yieee. So, love niyo ba si Kuya?" Tuksong tanong ko sa kanila.

Nagkunwari silang hindi ako narinig saka iniabot sa akin ang mangga. "Balat."

"Hmm." Kinuha ko ang dala naming kutsilyo at binalatan iyon. "Pwede mo naman kaming maging kapatid, Boo. Lalo na ako."

Nang hindi sumagot si Ethan ay nag-angat ako ng tingin. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko nabasa dahil nag-iwas agad siya ng tingin.

•••

*Ethan*

Kapatid.

Sana lang higit pa roon ang kayang i-offer sa akin ni Haru.

Sa isang taon kong pananatili sa America ay wala akong nakilalang kagaya niya. Ang alam ni Haru ay tinulungan ko si Mommy sa kompanya namin. Pero hindi.

Hindi kailangan ng tulong ni Mommy dahil marami siyang business associates. Isa pa ay hindi ko hilig ang pagnenegosyo.

Lumayo lang ako dahil gusto kong burahin ang nararamdaman ko para sa kaibigan ko.

Ayokong masira ang matagal na naming pagkakaibigan kaya itinuon ko sa iba ang atensiyon ko. Kung kani-kanino ako nakipag-date.

Pero sa tuwing gagawin ko iyon ay si Haru pa rin ang nasa isip ko at pakiramdam ko ay nagtataksil ako sa kanya.

"Hoy boo!"

"Ha?"

"Tulala ka diyan. Sabi ko kumusta ang Mommy mo."

Nagkibit-balikat ako. "Ayon. Walang tigil sa trabaho."

Tumango tango siya at nasundan iyon ng katahimikan. Mayamaya ay tumayo ang kambal at tuwang tuwang nanghuli ng tutubi.

"'Wag kayong magtakbuhan!" Sigaw ni Haru sa kambal.

Sino ba kasi ang hindi mahuhulog kay Haru? Siya na yata ang may pinakabusilak na puso na nakilala ko. Mapagpakumbaba at hindi makasarili. Mabuting anak at kapatid.

And his smiles. Sa tuwing ngingiti siya ay nawawala ang kanyang mga mata at napapalitan ng dalawang linya.

Ang mga ngiting una kong naaalala sa paggising ko sa umaga at huli kong naiisip bago matulog sa gabi.

Alam kong mali na magkagusto ako sa kaibigan ko.

Pero... kailan ba maling magmahal?

"Boo." Kuha ko sa atensyon niya.

"Hmm?"

"Ah. N-na in love ka na ba?"

•••

*Haru*

Nagtataka akong napatingin kay Ethan dahil sa biglaan niyang pagtatanong.

"Bakit mo naman natanong?"

"Wala lang. 'Yaan mo na." Saka siya alanganing ngumiti.

"Teka. Mmm." Saglit akong nag-isip. "May nagustuhan ako noong high school pero sa tingin ko hindi naman ako na-in love."

"Talaga? Babae? Di mo yata naikwento sa akin yan ah!" Kunot-noong tanong niya.

"Crush lang naman yon. Saka nawala rin agad kasi nalaman kong may boyfriend na pala siya."

"Sino ba yon?"

"Si Alisson, yung cheerleader."

"Eh. Ahm. Sa, sa lalaki?"

"Sa lalaki? Meron din."

"Sino? Naging kayo ba? Sinaktan ka ba niya? Niloko? Ano? Iharap mo sa akin, uupakan ko yan."

Natawa ako sa reaksiyon niya. "Para kang timang Ethan boo. Matagal na rin yon. Pero mas focus ako sa pamilya ko kaya nawala rin iyong paghanga ko kay Bryne. At walang lokohang nangyari dahil hindi naman naging kami. Maliit na paghanga lang ganon.

"Kung di ko lang alam na may pagka-overprotective ka, iisipin kong may gusto ka sa akin." Dagdag ko na hindi nag iisip.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang ma-realize ang sinabi ko. Stupid kid. Parang naririnig kong sabi ni Mrs. Cruz.

Ilang saglit ng awkward na sandali ang dumaan sa pagitan namin.

Ano ba kasing pinagsasabi ko? Nakakahiya naman kay Ethan, baka akala niya ay nagpapahiwatig ako sa kanya.

Alam kong straight si Ethan, kaya natatakot akong baka layuan niya ako dahil sa sinabi ko. Siya pa naman ang pinakamatalik kong kaibigan.

"Actually, may nagugustuhan ako." Mayamaya ay basag niya sa katahimikan. Nakatingin siya sa malayo habang bahagyang namumula ang pisngi.

Nagba-blush ba siya? Tutuksuhin ko sana siya pero muli siyang nagsalita at ngayon ay may bahid na ng kalungkutan. "Kaso, pakiramdam ko, hindi niya ako gusto."

Parang gusto kong malungkot sa mapait na ngiti sa kanya labi nang sabihin niya iyon habang nakatingin sa araw na nagsisimula nang lumubog.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

Nagkibit-balikat lang siya saka tumayo.

"Dapat pala ay nagdala ako ng canvas at pintura." Ngayon ay nakangiti na niyang sabi. "Kung alam ko lang na aabutin tayo rito ng hapon ay dinala ko sana ang gamit ko sa pagpipinta."

Tumayo rin ako at tumabi sa kanya saka tumanaw sa sunset. Napakaganda nga niyon. Iba't ibang kulay ang ulap na nasa paligid ng araw. Parang isinabog na pintura. Orange, purple, at pink.

"Eh 'di bumalik tayo rito bukas. Para makita kitang mag-paint." Tumingala ako sa kanya at ngumiti.

"Talaga? Sige, gusto ko 'yan." This time, matamis na ang ngiti niya.

Gusto kong maalangan nang akbayan niya ako. Pero nang muli ko siyang tingalain ay nakatanaw lang siya sa araw at banayad na nakangiti.

Hindi ko na lang binigyan ng pansin ang kamay niya sa balikat ko at muling tumanaw sa papalubog na araw.

Tahimik lang kaming nakamasid sa kalangitan nang maagaw ang atensyon ko ng dalawang pigura sa tabi ko na magkaakbay rin at seryosong nakatanaw sa araw.

Nang tumingin sa akin si Junno ay nakangiti ko siyang pinaningkitan ng mga mata. "Ginagaya niyo na naman ba kami?" Sita ko sa kambal.

"Papagabi na. Uwi na tayo. Puro kayo labing-labing dyan."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jin saka balewalang naglakad palayo kasabay si Junno.

Nahihiya akong humiwalay kay Ethan na ngingisi-ngisi lang. Siniko ko siya saka dinampot ang mga ginamit namin at sinundan ang pasaway na kambal. "Tara na nga."

"Uy, hintayin mo 'ko, boo!"

•••

Lumipas ang ilang araw at matiyaga pa rin akong nagsilbi kay Mrs. Monteclaro. Ang pagmamaneho ko ay nadagdag na ngayon sa pang-araw-araw kong routine. Ang ihatid ang kambal sa eskwelahan, magdeliver ng dyaryo, at ang ipag-drive si Mrs. Monteclaro.

Hindi ko naman maramdaman na trabahador ako ng ginang dahil hindi niya ako itinuring ni minsan na driver lang.

Kahit sinuswelduhan niya ako ay iniiwanan pa niya ako ng pambili ng pagkain bago pumasok sa opisina niya. Minsan nga ay isinama niya akong mag-shopping at kahit todo tanggi ko ay ibinili pa rin niya ako ng ilang gamit.

Kung minsan din ay isinasabay niya ako sa pananghalian kapag lunch break. Napakaswerte ko na nakatagpo ako ng isang mabuting amo. Kaya naman ginagawa ko nang mabuti at maingat ang trabaho ko para naman masuklian ang kabutihan niya sa akin.

At ngayong labag man sa kalooban kong sundin ang gusto niya ay hindi ko siya matanggihan.

"Pansamantala lang naman iyon, hijo."

"P-pero paano ho kayo? Sino na ho ang magmamaneho para sa inyo?" Inabot ko ang kapeng dala ni Ada saka nagpasalamat. Kinindatan pa niya ako bago kumekendeng na pumasok sa kusina ng mansyon.

Kung de-turnilyo lang ang beywang ay malamang na humiwalay na iyon sa katawan niya dahil sa lakas ng palo ng balakang niya.

"Naku, 'wag kang mag-alala sa akin. Nandyan naman si Kando. Saka wag mong iispin na sisisantehin kita. Pwede ka pa ring bumalik sa akin kapag kaya nang mag-drive ni Rain." Humigop siya sa maliit na tasa ng paborito niyang Chamomile tea.

Yup!

Iyon ang request sa akin ni Mrs. Monteclaro. Ang maging chauffer ng napiling sugo ng mga diablo.

Isipin ko pa lang na makakasama ko ulit ang Dark Lord ay parang gusto ko nang maglumuhod kay Mrs. Monteclaro at si Kando na lang ang pakiusapan niya.

But then again, hindi ko siya kayang tanggihan dahil kahit minsan ay wala siyang ipinakitang hindi maganda sa akin o itinuring akong mas mababa kaysa sa kanya.

"Pero, di po ba, sira po yung kotse niya?"

Huling hirit. Sa loob-loob ko.

"You can use my car for the meantime, habang inaayos ko na ang car insurance ni Rain. So, maaasahan ba kita?"

Puno ng pagsuyo ang ngiting ibinigay sa akin ni Mrs. Monteclaro.

Alanganin akong tumango habang pilit na nakangiti.

Bakit ako pa?

"Alright. I'll inform Rain. Bukas ka na magsisimula dahil kailangan na siya sa opisina."

Nang araw na iyon ay ipinagmaneho ko si Mrs. Monteclaro at sinamahang mag-ayos ng papel. May mga dokumento pang kailangang pirmahan ng Dark Lord at dadalhin ko iyon sa kanya bukas.

I guess, tapos na ang maliligayang araw ko.

•••

"Talaga? Wow naman. I'm sure makukuha ka, boo. Kahit hindi ko pa nakikita ang lahat ng mga gawa mo." Pasimple pahaging ko kay Ethan dahil gustong-gusto kong makita ang mga pinta niya.

Ilang beses ko nang kinulit si Ethan na ipakita sa akin ang lahat ng artworks niya, pero ang lagi niyang sinasabi ay kapag kumpleto na. May ilan siyang ipinakita sa akin at kahit wala akong alam sa art ay napahanga ako.

"Sana nga."

Kumunot ang noo ko nang mapansin kong parang malungkot siya.

"May problema ba?"

Ibinaba ko ang gitara sa tabi ko at tumingin sa kanya.

Nakaupo kami ngayon sa kawayang upuan sa gilid ng bahay at nagpapatay ng oras habang hinihintay makaluto si Mama ng hapunan.

Nakailang kanta na rin ako habang naggigitara at bahagya na akong nakakaramdam ng pangangati ng lalamunan.

"Kapag napili kasi ako, ibig sabihin no'n kailangan kong makipag-compete sa ibang bansa." Sumandal siya saka ipinatong ang kamay sa sandalan.

"Oh? Eh di maganda nga 'yon. Matutupad mo na yung pangarap mong makilala bilang artist. Sisikat ka na. Naks!" Bahagya ko siyang binunggo at nginitian.

"Malalayo na naman ako sayo."

Nang maramdaman ko ang pagbaba ng kamay niya sa balikat ko ay bahagya akong naalangan.

Ano bang problema ko? Dati naman niya akong inaakbayan? Kahit nga yakap ay komportable ako. Pero bakit ngayon?

"Alam mo, boo, mas mahalagang tuparin mo 'yong mga pangarap mo. Saka gusto ko ring makita na pinag-aagawan sa exhibit ang paintings mo ng mga bigating tao. 'Pag nangyari 'yon, ako ang pinakaunang magiging proud para sayo." Tinaas-taas ko ang dalawa kong kilay saka siya nginitian.

"Hindi mo ba ako masasamahan bukas sa Manila? You know, pampalakas loob." Nakatitig na tanong niya sa akin.

"Gusto ko nga rin kaso, kailangan ako sa trabaho ko bukas. Nakakompromiso na ako eh."

Napakagat labi ako. Pakiramdam ko ay ang sama kong kaibigan. Heto, kailangan niya ng suporta pero hindi ko maibigay. I'm such a horrible friend.

Bumuntong hininga siya bago ngumiti.

"Ayos lang. Dadaan na lang ako rito bukas bago ako umalis."

I really feel bad na hindi ko siya masasamahan bukas. Naimbitahan siyang dumalo sa isang exhibit para sa amateur artists. Dadaluhan iyon ng mga kilalang pintor mula sa iba't ibang bansa, at mamimili sila ng magiging apprentice nila na isasama nila sa abroad at ite-train para makipag-compete internationally.

Pwede naman akong hindi pumasok bukas pero baka masisante ako. Paano na sina Mama at ang kambal? Sa halip na nakakaluwag-luwag na kami ngayon ay baka bumalik na naman kami sa mas mahirap na pamumuhay.

"Ahm, kung gusto mo, ihahatid na lang kita sa airport."

Tumawa siya saka bahagyang hinigpitan ang pagkakaakbay sa akin.

"Di na kailangan. 'Di naman ako mag-e-eroplano. Isasakay ko lang sa van na nirentahan ko iyong paintings ko saka ako magko-kotse."

"Ganon ba?" Nakayukong sabi ko. "Nahihiya kasi ako sayo."

"Bakit naman?"

"Kasi, hindi kita masasamahan sa unang hakbang mo sa pagtupad ng pangarap mo. Hay! Anong klase akong kaibigan?" Napu-frustrate na napabuga ako ng hangin.

•••

*Ethan*

Hindi ko napigilang mapangiti sa nakikita kong itsura ni Haru. Parang sobra siyang disappointed sa sarili niya habang nakasimangot. Tila ba ang laki-laki ng problema niya which made him look very cute.

Ginulo ko ang malambot niyang buhok na hanggang tenga. Itim na itim iyon at makintab gaya ng panggabing langit at makinang na mga bituin.

Pinigilan ko ang sarili kong isubsob ang mukha ko sa buhok niya at samyuin iyon.

Kahit gustong gusto ko.

"Gusto mo bang makabawi?" Tanong ko sa kanya.

"Paano?" Nakatingalang tanong niya. And right at this moment, I wanted to kiss those pouty lips 'til my heart's content.

"Sing for me."

"Oh sige. Pero wag kang tatawa 'pag pumiyok ako. Medyo garalgal na 'yong boses ko eh. Ano bang gusto mong kanta?"

Kunwari ay saglit akong nag-isip. Pero kanina pa talaga ako may naisip na kanta. Actually ay paborito ko iyon.

"Lucky."

"Hmm? Lucky? Okay, kaya ko 'yan."

Nakangiti niyang kinuha ang gitara sa tabi niya at nagsimulang tumipa.

Matagal ko nang marinig na kantahin niya para sa akin ang kantang iyon. At ngayong nagsisimula na siya ay parang siya lang ang tanging nakikita ko.

"Do you hear me,
I'm talking to you
Across the water across the deep blue ocean
Under the open sky, oh my, baby I'm tryin
Boy I hear you in my dreams
I feel your whisper across the sea
I keep you with me in my heart
You make it easier when life gets hard

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Oh oh oh oh oh oh oh oh

They don't know how long it takes
Waiting for a love like this
Every time we say goodbye
I wish we had one more kiss
I'll wait for you I promise you, I will.

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

Lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday

And so I'm sailing through the sea
To an island where we'll meet
You'll hear the music fill the air
I'll put a flower in your hair
Though the breezes through the trees
Move so pretty you're all I see
As the world keeps spinning round
You hold me right here right now

I'm lucky I'm in love with my best friend
Lucky to have been where I have been
Lucky to be coming home again

I'm lucky we're in love in every way
Lucky to have stayed where we have stayed
Lucky to be coming home someday

Oh oh oh oh oh oh oh"

Matapos niyang kumanta ay niyakap ko siya, gumanti naman siya ng yakap na ikinagalak ng puso ko.

Nito kasing nakakaraang araw sa tuwing aakbayan ko siya ay bahagya siyang nagugulat. Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabi ng kambal na may gusto ako sa kanya.

Pero parang kinukurot ang puso ko na may pag-aalinlangan na ngayon sa kanya tuwing magkakadikit kami. Paano pa kaya kung magtapat ako? Baka lumayo na siya sa akin.

Hindi ko kaya.

"Haru, Ethan, handa na ang hapunan, pumasok na kayo." Tawag ng Mama ni Haru mula sa bintana.

"Tara, boo." Masigla niyang sabi saka nagpatiunang pumasok.

•••

Pag-uwi ko nang gabing iyon ay dumiretso ako sa dating bakanteng guest room na ngayon ay ginawa kong studio para sa pagpipinta ko.

Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang bawat painting na nakasandal sa dingding at ang iba ay nakasabit.

Si Haru mismo ang dahilan kung bakit hindi ko ipinapakita sa kanya ang mga gawa ko. Or at least, ang mga gawa ko na siya ang subject.

Dahil majority ng paintings ko ay siya ang laman. Ang kanyang ngiti, simangot, pagkagulat, tuwa, ang kanyang kainosentehan at pagmamahal, lahat ng iyon ay isa-isa kong ipininta.

Nilapitan ko ang canvas na nasa stand at naupo sa stool sa harap niyon.

Upper side view iyon ng mukha ni Haru habang nakatingin sa sunset.

Naaalala ko pa ang ganda ng kalangitan nang hapong iyon sa bukid kasama sina Haru at ang kambal.

At napakaganda ng tama ng liwanag ng sunset sa mukha ng kaibigan ko. Kaya naman tinandaan ko ang bawat detalye.

Napangiti ako nang matagumpay ko naman siyang naipinta. Finishing touches na lang at okay na ito.

May isa pa akong sinisimulan. Sketch pa lang iyon ng dalawang tao na nakaharap sa papalubog na araw.

Ang kaibahan lang, kung nang hapong iyon ay nakaakbay ako kay Haru, sa sketch ko ay magkahawak-amay kaming nakatanaw sa langit.

Sana ay ganoon lang din kadaling ipinta ang mga gusto kong manyari sa hinaharap namin ni Haru.

Sana.

•••

*Haru*

"Payakap. Pampaswerte."

Yumakap ako kay Ethan kahit may ibang kapitbahay na nakakakita. Sanay naman na sila sa ganitong tagpo dahil noon pa man ay ganito na kami kapalapit ni Ethan sa isa't isa. Kaya hindi ako nag-aalala na baka ma-chismis kami.

"Sige na. Baka mahuli ka pa, sayang ang opportunity." Wika ko habang nakayakap sa kanya.

"Saglit lang. Five minutes pa."

"Ang weird mo, boo." Natatawa kong komento pero hinayaan lang siyang yakapin ako. "Babalik ka pa naman dito after ng event eh."

Hindi siya sumagot at mayamaya lang ay kumalas na rin siya.

"Ingat ka sa pagmamaneho ah?"

"Ikaw rin, boo." Sagot niya saka tumungo sa kanyang kotse.

Tumango ako at ngumiti. "You got this. Alam kong ikaw ang makukuha."

Bago siya sumakay ay kumaway pa siya habang nakangiti.

"Goodluck, Ethan boo!" Kaway ko sa kanya.

Malayo na ang kanyang sasakyan ay nakatanaw pa ako.

Masaya ako para sa kanya at malakas ang pakiramdam ko na siya ang makukuha.

Ang hindi ko lang maintindihan ay parang nalulungkot ako na kung sakaling siya ang mapili ay magkakalayo kami. Pero ayoko namang maging makasarili dahil gaya ko, may sarili ring pangarap si Ethan. At hindi ko gustong maging hadlang sa pagtupad niya ng mga iyon.

Nagpaalam lang ako saglit kay Mama at sinakyan ko na ang bike ko nang mapansin kong malapit na akong ma-late.

Medyo malayo nga pala ang condo ni Dark Lord Rain kaysa sa mansyon ni Mrs. Monteclaro.

Pinaspasan ko ang pagmamaneho hanggang sa makarating ako sa mansyon para kuhanin ang kotse ng ginang.

•••

"You're fifteen minutes late."

Iyon ang bungad sa akin ni Rain nang maabutan ko siya sa lobby na naghihintay sa pagdating ko.

"Sorry."

Ni hindi siya nag-abalang tapunan ako ng tingin at diretsong lumakad patungo sa kotse. Agad naman akong sumunod at ipinagbukas siya sa backseat.

Huminga ako nang malalim at nagdasal na sana ay maging maganda ang araw na ito bago ko paandarin ang sasakyan.

"Saan ho tayo, Sir?" Nakangiting tanong ko. Baka sakaling mahawa siya sa ngiti ko dahil kay aga-aga ay nakasimangot siya.

"RS Furnishing." Maikling sagot niya.

"Okay."

"Hindi mo man lang tatanungin kung saan iyon?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya mula sa rear view mirror.

"Alam ko ho kung saan iyon." Nakangiti ko pa ring sagot. Walang emosyong bumaling siya sa bintana at tila mas interesado pa siya sa daan kaysa sa pakikipag-usap sa akin.

"Kumusta na ang braso mo, Sir?"

Tanong ko habang binabagtas namin ang kahabaan ng highway.

"Just drive. Late na ako nang dahil sa iyo."

Gusto kong itirik ang mga mata ko dahil sa kaarogantehan niya. I mean, nag-eeffort na nga akong magbukas ng usapan para naman kahit paano ay gumaan ang atmosphere sa loob ng kotse, tapos 'eto siya at nagsusungit.

Saka humingi naman na ako ng tawad.

Nang makarating kami sa anim na palapag na building na tinutukoy niya ay agad na siyang lumabas ng kotse nang walang kibo.

"Pfft."

Pumasok ako sa parking lot at ipinarada ang sasakyan. At least ngayon ay wala na ako sa itim niyang presensiya. Kailangan ko na lang maghintay sa paglabas niya at ihatid siya sa imperyo niya, and voila, makakauwi na ako.

•••

*Rain*

"Talk."

Umagapay si Eve, ang aking assistant, sa paglalakad ko patungong office bitbit ang tab niya.

"Okay, Sir. You have a conference meeting with the COO of Nigasco Corporation regarding our Indonesian Project. A meeting with the board at eleven this morning. And you need to sign these papers."

Inabot niya sa akin ang isang folder nang makapasok kami sa opisina ko.

"What are these?"

"Renewing contracts from Bella Homes."

"Aren't they supposed to have a meeting with us?"

"Well, you have a competetive secretary." Pabirong kibit-balikat ni Eve na sinundan ng mahinang tawa.

"What about Architect Leon? Handa na ba ang presentation niya for the bidding?" Naupo ako sa swivel chair at pinasadahan ang mga dokumento bago ko iyon pirmahan.

Good thing na kaliwete ako. Kung hindi ay hindi ko ito mapipirmahan.

"Yes, sir. He called earlier to set up a meeting with you, so he can show you his presentation."

"What time?"

"Your call."

"Alright, schedule it today, three PM."

"Okay. And.. here's your coffee. Don't stress yourself, Rain. Kagagaling mo lang sa aksidente. I got your back." She winked.

Ngayon ko lang napansin na may bitbit pala siyang isang cup ng Espresso na ibinaba niya sa sulok ng table ko.

I gave her a smile and mumbled a simple "thanks" before she exited the room.

Hulog ng langit sa akin si Eve. Hindi lang siya secretary, but also a friend na pwede kong asahan sa lahat ng oras.

Dahil ilang araw akong nawala ay tambak ang mga dokumentong kailangan kong i-review.

Owning and, at the same time, running a furnishing company was not a walk in the park. Kabi-kabilang meetings at biddings sa iba't ibang kumpanya at korporasyon.

Projects here and abroad.

House and office furnishing ang ino-offer ng kumpanya ko sa iba't ibang panig ng Pilipinas. Pero habang tumatagal at nakikilala ang RS Furnishing Co ay nagkakaroon na rin kami ng foreign clients. Meaning, dagdag sa trabaho.

I wasn't complaining though. Masaya ako na ang hilig ko sa paglililok noong bata pa ako ay dinala ako sa posisyong ito. And I only had one inspiration.

Itinaas ko ang braso kong nasusuotan ng bracelet. I had it retouched para mapreserve ang kulay niyon at hindi kumupas. It was the only thing that reminded me of Summer. And I wanted to keep it with me forever.

Napapailing na tinapunan ko ng tingin ang patung-patong na papeles sa mesa.

This is gonna be a long day.

•••

*Haru*

"Pfft. Di man lang magsabi na mag-o-overtime pala siya."

Bumaba ako mula sa kotse at tumingin sa oras sa cellphone ko.

6:37 pm.

Hay. Baka nag-aalala na akin si Mama at ang kambal. Dapat kasi binilhan ko ng cellphone si Mama kahit iyong mumurahin lang para sa mga ganitong pagkakataon ay natatawagan ko siya.

Di bale. Magpapahanap ako kay Marie kahit secondhand lang. Maraming kakilala iyon dahil marami siya laging customer sa internet shop na pinapasukan niya.

Sa pagkabagot ko ay naupo na lang akong muli sa driver's seat at hindi na nag-abalang isara ang bintana. Sayang din kasi sa gas kung mag-e-aircon pa ako habang naghihintay.

Dinukot ko sa sling bag ko ang earphones at nakinig sa kanta ni Avril Lavigne.

Pumikit ako at dinama ang kanta. Mayamaya pa ay sumasabay na ako.

"When you're gone
The pieces of my heart are missing you
When you're gone
The face I came to know is missing too

When you're gone
All the words I need to hear
To always get me through the day
And make it okay
I miss you

We were made for each---"

Napadilat ako nang matanggal ang kaliwang earpiece at awtomatiko akong napatigil sa pagkanta.

"Shut up. You're very annoying."

Oh. Sino pa nga ba ang maninira sa payapa kong mundo kundi ang Dark Lord?

At ako pa ang nakakainis ha? Siya nga itong wala man lang pasabi na aabutin ako ng ganitong oras sa paghihintay sa kanya.

Kung hindi lang dahil kay Mrs. Monteclaro, nungkang magtiis ako sa kasungitan ng diablong to.

Gwapong diablo. Anang maliit na parte ng isip ko. Ssshh.

"Saan ho tayo, Sir?" Tanong ko matapos niyang maupo sa backseat.

"Sa condo saan pa nga ba?"

Umangat ang sulok ng labi ko sa kasupladuhan ng sagot niya.

Gusto ko lang namang malaman kung may social life siya bukod sa boring niyang buhay bahay-opisina.

Saka minsan ko na siyang nakita sa bar, malay ko ba kung gusto rin niyang maglibang muna bago umuwi. Kaya nga nagtatanong eh.

"Sungit."

"May sinasabi ka, midget?"

Midget? Huh!

"Wala po." Maikling sagot ko. "Dark Lord." Pabulong na dagdag ko.

Nang makarating kami sa condo niya ay hindi ko na siya ipinagbukas ng pinto dahil agad na siyang lumabas na wala man lang iniwang isang salita.

"Hmp." Itinaas ko ang nakaikom kong kamao habang gigil na nakakagat sa labi sa direksyon niya.

Sakto namang lumingon siya. Buti na lang ay tinted ang salamin.

Kumatok siya sa bintana at binuksan ko iyon.

"Give me your number."

What? Para saan? Wait, wag mong sabihing gusto niya akong textmate/callmate gaya ng nauuso ngayon sa mga kabataan. Ugh. Baduy.

"Ano? Bingi ka ba?" Salubong ang kilay na tanong niya.

"Ah. Ahm. P-para saan?"

"Para matawagan kita kapag kailangan ko ng mauutusan."

Wow!

"Excuse me, Mr. Dark Lord. Magkalinawan lang ho tayo, driver ako, hindi alila. Saka ipinahiram lang ako sayo ni Mrs. Monteclaro, so technically hindi mo ako empleyado." Dire-diretso kong sagot.

Nakakairita naman kasi talaga ang isang to. Tatawagan lang niya ako pag may kailangan siyang iutos? Pfft.

Bakit anong gusto mo? Tatawagan ka niya at sasabihan ng "goodnight bhe, sleep well."

Kinastigo ko ang intrimitidong parte ng utak ko.

Not the point. Ang point ko, hindi niya ako alila. Period.

"Just give me your damn number para kapag kailangan ko ng magda-drive ay may matatawagan ako agad!"

Hindi makapaniwalang nanlaki ang mga mata ko sa bahagyang pagtaas ng boses niya.

"And did you just call me 'Mr. Dark Lord?'"

Uh oh. Tinawag ko ba siya non?

Yep.

Well, so what? Tinawag niya rin akong Midget kanina. At mas masakit yon kaysa sa bansag ko sa kanya kaya hindi ko na sinagot ang tanong niya.

Dahil hindi naman likas sa akin ang makipagmatigasan at isa pa ay gabi na at gusto ko nang makauwi dahil tiyak na nag-aalala na si Mama, ay walang kibo ko na lang na ibinigay ang number ko.

May sense naman ang dahilan niya.

"Basta kapag kailangan mo ako, Sir. Mas maaga niyo ho akong tawagan, dahil nagbi-bisikleta pa po ako papunta sa bahay ng amo ko na si Mrs. Cecilia Monteclaro." Pagdidiin ko na hindi siya ang amo ko.

"Andami mong satsat." Iyon lang at tumalikod na siya.

Pfft. Arogante!

Bago ako umuwi ay bumili ako ng pansit sa isang bukas na karenderya at tinapay sa nadaanan kong bakery. Tiyak na gising pa ang kambal niyan dahil wala namang pasok bukas.

At mabuti na lang ay may ilaw sa kahabaan ng savana. Kung wala ay baka hinimatay na ako sa takot.

Salamat sa Dark Lord.

•••

Continue Reading

You'll Also Like

1M 32.1K 85
Aminado naman ang bading na si Maya na attracted na siya noong una pa lamang silang magkita ng gwapo ngunit supladong binata na si Kevin. Ngunit gugu...
4.2M 246K 64
She may be beautiful, but she is aware that she's quite the airhead and is pretty dense. As such, Vivi masks her weaknesses behind a snobby and haugh...
61.4K 3.8K 37
Ating tunghayan ang kwento ni Keil at ang kanyang 10 years na unrequited love sa kanyang kababatang si Davien. Mauwi kaya ito sa isang masayang pagm...
400K 20.9K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.