THE WRONG MR. RIGHT By RJ NU...

By arjaynuevas

34.9K 803 318

THE WRONG MR RIGHT By rj nuevas They say, looking for Mr Right is hard. But not for Welcome (the girl na ipin... More

CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER TWENTY ONE
CHAPTER 22
CHAPTER 23

CHAPTER 10

1K 32 22
By arjaynuevas

THE WRONG MR RIGHT

By rj nuevas

 

CHAPTER TEN

Ano ba itong nagawa ko? Bakit ako nanghalik ng taong hindi ko kilala?

            Pero akala ko kasi talaga, si Ward siya. Pero si Ward, nasa labas, nakikipag-usap sa isa naming kaklase. Bakit siya may kamukha? May kakambal ba siya? Bakit hindi niya ikinukuwento sa amin?

            Nakakahiya. Mabuti na lang tulog ang lalaking ito na hinalikan ko!

            Makatakas na nga bago siya magising.

            Pero may kamay na humawak sa kamay ko. Napalingon ako sa kanya.

            Gising na siya!

            “Where are you going?”

            “Ha? A…e…out. I’m going out. Para…para hindi ka maabala sa pagtulog mo,” sagot ko sabay hila sa kamay ko na hawak pa rin niya.

            Tinitigan lang niya ako. Pareho sila ng mga mata ni Ward, mapungay, malamlam dahil mahahaba ang pilit-mata. Pero may iba sa tingin niya. Hindi ganito tumingin si Ward. Mas pumapasok sa kaloob-looban ko ang tingin niya. Lalo na nang mapangiti siya. Yung ngiti niya, iba rin sa ngiti ni Ward. Sweet ang smile ni Ward. Itong sa lalaking ito, mas lopsided ang ngiti. Hindi pantay. Nakataas ang kaliwang side. Kaya parang may halong kapilyuhan ang ngiti. Parang may naiisip siyang nakakatawa na siya lang ang nakakaalam.

            Nakaka-conscious ang tingin niya. Kaya tumalikod na ulit ako para umalis.

            “Why did you kiss me?” pahabol niyang tanong.

            Lumingon ulit ako. Nakangiti pa rin siya. Hindi ngiti ang tawag do’n. Ngisi.

            Sana lumindol. Sana bumuka ang lupa at lamunin na lang ako. Dahil hiyang-hiya ako sa guy na ito.

            “Is it good kissing me?” tanong ulit niya.

            Ano ang isasagot ko sa tanong na yon?

            Wala!

Hinila ko na lang ang kamay ko. Sabay takbo palabas ng classroom.

* * * * *

            May mga tao sa hallway pero parang hindi ko sila nakikita.

            “Welcome, pakopya ng assignment!”

            “Saan ka pupunta, Welcome?”

            Pero parang wala akong narinig. Gusto kong magpunta sa washroom. Gusto kong magkulong. Doon sa walang makakakita sa akin. Dahil nakakahiya ang ginawa ko. It’s bad enough na pinagplanuhan kong halikan si Ward, pero mas worse yung may hinalikan akong akala ko siya. Kamukha pala niya. Kakambal?

            Bakit may kakambal si Ward?

            I mean, may mga taong may kakambal, kaya hindi naman nakakapagtakang may kakambal si Ward. Ang tanong, bakit walang naikukuwento si Ward?

            Oh my God! Nakakahiya ang ginawa ko! At ang mas nakakahiya, alam nung guy na yon. At nakangisi siya sa akin. Pinagtatawanan niya ako sa ginawa ko. Nachi-cheap-an siya sa akin. Pero cheap naman talaga ako! Cheap! Cheap! Cheap!

            Tumunog ang bell. Start na ng class.

            Pero ayokong lumabas dito sa cubicle.

            Diyos ko, sana talaga lumindol at gumuho ang school at lamunin na lang ako. Ay, teka, nasa C.R. ako. Nasa inidoro. Lapag lumindol, septic tank ang bagsak ko. Baka pag na-rescue ako, puno ako ng….yeeeew! Kadiri!

            “Welcome? Welcome! Are you here?”

            Boses ni Karen.

            “Wala! Wala ako rito,” sagot ko.

            Hindi sumagot si Karen for a while. Siguro, inisip niya kung naroon nga ako o wala. Pero siguro inisip din niya, kung wala ako roon, bakit ako sumasagot. Itong babaeng ito rin kung minsan, oo.

            “Ano’ng  ginagawa mo riyan?” katok niya sa cubicle ko.

            “Ano ba’ng ginagawa sa cubicle no?” sarcastic kong sagot.

            “May nakakita sa iyo kanina, namumula ka raw. Saka ka tumakbo rito. Bakit? Ano’ng nangyari?”   

            “Wala,” sagot ko. Maaamin ko ba kay Karen na may hinalikan akong guy na hindi ko naman kilala? Nung sina-suggest ni Karen na ikiss ko si Ward, kung makatanggi ako, wagas na wagas, parang kalalabas ko pa lang sa kumbento. Yun pala, susundin ko rin siya. At nagkamali pa ako ng guy na hinalikan. Nakakahiya!!!

            “Magsisimula na ang class. Halika na,” pangungulit ni Karen.

            Wala na akong nagawa kundi ang lumabas ng cubicle. At harapin si Karen. At harapin ang kahihiyang ginawa ko.

            “Namumula ka. Pinagpapawisan,” puna ni Karen. “Ano ba talaga ang nangyari?”

            “Wala nga. Halika na nga.”

            Ako na ang humila sa kanya palabas ng washroom, pabalik ng classroom.

            Pagpasok namin ng classroom, ang una ko pang nakita ay si Ward, nakaupo sa seat katabi ng chair ko. Naka-smile sa akin.

            Teka, si Ward ba ito? Baka ito yung kamukha niya?

            Ah, there is his nunal sa left eye. And his smile…his innocent smile.

            Si Ward nga ito.

Pero paano ko gagantihan ang innocent smile niya knowing what I did?

* * * * *

The logical thing to do is ask him kung may kakambal siya. Pero paano mo naman biglang tatanungin iyon? Iisipin niya, paano ko nalaman? E, di kailangang ikuwento ko na may nakita akong kamukha niya…na hinalikan ko. Oh no!

Kaya all through our class, tahimik lang ako. Ni hindi ko makuhang tumingin sa kanya. Alumpihit ako na parang nanay ko kapag malapit na ang bayaran ng tuition dahil hindi alam kung saan kukuha ng pambayad.

At nahalata naman niya iyon dahil lagi ko siyang nahuhuling nakatingin sa akin, nakakunot-noo. Nagtataka.

One time pa, bumulong siya sa akin. “Welcome, what’s wrong? Parang you’re not okay. You’re not your usual bubbly self?”

“Wala. Wala. I’m okay,” nakangiti kong sagot. Pero yung ngiti ko, parang binabatak sa magkabilang dulo. Yung pilit na pilit.

Recess. Pero hinatak ako ni Ward pabalik sa classroom habang ang mga kaklase namin ay nagpupuntahan sa canteen. Gusto raw niya akong makausap nang sarilinan.

“Something is wrong, Welcome. Hindi ka ganito. Something is bothering you,“ pangungulit ni Ward. C’mon, tell me. Hindi ako sanay na ganito ka.”

Pero paano mo ba sasabihin na: nakakita ako ng kamukha mo, natutulog, hinalikan ko.

Hinawakan pa niya ang kamay ko. “Look, pati ang hands mo, pinagpapawisan. Ninenerbiyos ka ba?”

Dati, iniimagine ko, pag hinawakan niya ang kamay ko, kikiligin ako nang todo. Pero ngayon, hindi. Pinagpapawisan nga ang kamay ko. Nasaan ang sweet don?

“Please, Welcome, tell me. I’m you’re friend.”

A friend. So finally, lumabas din. I’m just a friend to Ward. Kaya pala hindi niya ako nililigawan. And after all what I’ve been through. Hinalikan ko pa mandin ang kamukha niya sa pagbabakasakaling maglakas na siya ng loob na magtapat sa akin. Yun pala, I’m just a friend.

“Now, you’re sad,” pahabol niya.

Yes, I’m sad. I’m really sad, dahil kaibigan lang pala ako.

“C’mon tell me, Welcome.”

“Wala, pagod lang ako dahil marami akong work sa bahay,” sabi ko with a sad smile. “Sige, pupunta na ako sa canteen. Nagugutom na ako.”

“I’ll go with you,” sabi niya sabay sunod sa akin.

            Pero noon may pumasok sa classroom. Yung kamukha niya. Yung hinalikan ko habang natutulog.

“There you are, bro!”

“What are you doing here?” takang tanong ni Ward.

Hindi sumagot ang lalaki. Tumingin lang sa akin.

“By the way, Welcome, this is my twin, si Edge.”

So it’s true! May kakambal siya! Oh my God!

“And Edge, this is Welcome. My classmate.”

“So that’s her name,” nakangiti nitong sagot. “Unique name. Unique girl. Unique mag-greet.”

Taka si Ward sa sinabi ng kakambal niya.

“We’ve already met,” parang pagpapaliwanag nung Edge.

At dumagundong ang dibdib ko.

Si Ward naman ay napatingin sa kanya. Taka. “How? Kailan?”

Ngumisi lang si Edge habang nakatingin sa akin. That naughty and bad-boy-smile of his.

“This morning…in this classroom…”

Oh my God! Oh my God! Palindulin mo na talaga, Lord! Para lamunin na ako rito ng lupa! Matabunan na ako ng building.

            “She kissed me when she thought I was sleeping,” nakangisi niyang dugtong.

            “What?” gulat na sabi ni Ward.

            Hindi lumindol noon, pero gumuho ang aking perfect little world!

Continue Reading

You'll Also Like

767K 27K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
66.5K 1.2K 75
(SLOW UPDATE) Donna Jean V. Lodivero, a lovely woman deprived of the ability to see beautiful scenery in the world. A young lady who has her unlucky...
780K 37.9K 24
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...