BHO CAMP #7: The Moonlight

By MsButterfly

1.9M 55.5K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... More

PROLOGUE
Chapter 1: Nostalgia
Chapter 2: Play
Chapter 3: Light
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Void
Chapter 6: Beat
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 13: Inspiration
Chapter 14: Haunt
Chapter 15: Warm
Chapter 16: Soldier
Chapter 17: Breathe
Chapter 18: Taint
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 22: Stitch
Chapter 23: Chase
Chapter 24: Done
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 29: Dance
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 7: Indulge

57.4K 1.6K 240
By MsButterfly

A/N: Let's thank Starbucks and Coffee Project sa pagtanggap sa insekto-self ko na makigamit ng kuryente at wifi nila sa bago kong trip sa pagsusulat <3 Thank you for their comfy seats dahil kusang lumalabas ang mga idea sa utak ko na akala ko eh barado na.

AIERE'S POV

Sunod-sunod na napakurap ako habang nakatingin sa establishimento sa harapan ko rito sa loob ng Serin Ayala Mall sa Tagaytay kung saan ako dinala ni Archer. Ineexpect ko na sa inuman kami pupunta dahil dadalin niya daw ako sa lugar na 'makakalimot' ako. Well, actually may isa pa akong unang naisip na gagawin niya para makalimot ako. Talk about lumot-filled brain, right?

"Anong ginagawa natin dito?"

"Gusto mo makalimot diba? You need comfort. And you can start with comfort food because I'm just helping you find that...not exactly giving you comfort." Nang mapansin niyang nagtataka ako sa sinabi niya ay napapabuntong-hiningang nag explain siya. "Do you really think I can comfort a broken hearted person?"

He can. He actually did a couple of times. Pero wala akong balak aminin sa kaniya 'yon kaya iningusan ko na lang siya.

I looked up again at the establishment in front of me. Ilang mga tao ang napapatingin samin at alam kong hindi iyon dahil lang sa nakatunganga kami sa mismong tapat pa ng pintuan kundi malamang sa hindi ay dahil sa katabi ko.

"Hindi comfort food ang milk tea." Or is it? Ay ewan! Ang alam kong comfort food ay fast food. Lahat ng hindi healthy.

"Uso 'yan ngayon." sabi ni Archer na nakakunot-noo. Itinaas niya ang phone niya at pinakita sakin ang message na nasa cellphone niya. "Tinanong ko si Harmony, 'yan ang una sa listahan niya."

Nilapit ko ang mukha ko sa cellphone at binasa ang mga nakalagay do'n na listahan daw ng mahahanapan ng comfort. Naningkit ang mga mata ko ng makita ko na listahan lang 'yon ng mga pagkain. Kung sabagay naman, what more can give you comfort than food?

"Hindi ako naniniwala sa lahat ng nilista niya kasi pakiramdam ko nagugutom lang siya. She's on a hunger strike because she refuse on eating Craige's food. But I think we can buy some things on the list right?"

"Lactose intolerant ako."

Napanganga siya sa sinabi ko dahilan para hindi ko mapigilan ang tawa na kumawala mula sa akin. He looks so dumbfounded. Nilagpasan ko na lang siya at tatawa-tawa parin na pumasok na ako sa loob ng Dakasi.

Dumiretso ako sa counter at tumingin sa menu sa harapan ko. Mukhang masarap lahat. Kung hindi ko lang alam kung gaano ako magdudusa kapag uminom ako ng bawal sakin baka ginawa ko na.

"May almond milk kayo?" tanong ko sa lalaking empleyado sa harapan ko.

"Ay ma'am cherry flavor lang po ang meron."

Seriously? Cherry flavor? Limited na nga ang choices ginawa pang flavored. I can't imagine. Hindi ako mahilig sa cherry at sa kahit na anong may berry. "Fruit tea na lang."

"Ano pong flavor-"

"Lychee-"

"Percent-"

Pinutol ko ulit ang sasabihin ng lalaki at itinaas ko ang kamay ko. I hate being interrupted. Hindi sa kung ano pa man kundi dahil nabubulilig ang utak ko kapag maraming tinatanong sakin. Kaya kadalasan kapag nasa isang food place ako sinesesearch ko na agad ang menu nila para alam ko na kung ano ang i-e-expect ko. Nagkataon lang na pamilyar na ako sa mga milk tea place, hindi man dito sa partikular na store na ito.

"Lychee, thirty percent sugar, green tea, light press, and with pearls."

Halatang nag a-alangan na ang tao sa harapan ko na malamang sa hindi ay nasungitan sa akin at hindi magkandatuto sa pag punch ng order ko. Naramdaman kong may humawak sa balikat ko dahilan para manigas ang katawan ko.

Lumingon ako sa likod ko at bahagya akong napa hakbang palayo kay Archer na nakatayo doon dahil sa sobrang lapit niya sa akin. Mukhang hindi naman niya napansin ang iginawi ko dahil kasalukuyan na din niyang sinasabi sa lalaking empleyado ang order niya at pagkatapos ay nagbayad.

I continued looking at him. He's so at ease being near me, touching me, and holding my hand. Kahit hindi naman kami sobrang magkakilala. I don't even know his favorite color for goodness sake.

Napapitlag ako nang magbaba siya ng tingin sa akin. Kinunutan niya lang ako ng noo na parang nagtataka siya kung bakit ako nakatingin sa kaniya pero hindi naman siya umimik na at hinawakan lang ang kamay ko para hilahin ako paalis sa counter.

I should chastise him from being too comfortable with me but for some reason, I can't find the strength to stop him. Because I'm being honest, I really need him now. I need the distraction.

"Here's your order ma'am, sir."

Kinuha ni Archer ang mga iyon at nilagyan na ng mga straw bago ibinigay sakin ang isa at pagkatapos niyon ay hinawakan niya ulit ang kamay ko at iginaya ako palabas ng lugar. Sandaling napatingin ako sa grupo ng kababaihan sa kanan ko nang mamataan ko silang titig na titig sa amin na para bang sinisino kami. O si Archer.

"We should get some pizza." Archer muttered when we were finally outside.

Akmang hihilahin niya ako papunta kung saan pero inikot ko ang kamay ko para ako naman ngayon ang may hawak sa kaniya. I pulled him towards the bazaar but of course I didn't budge him a bit. One, he's strong. Pangalawa, ang liit ko di hamak sa higanteng 'to.

"Samahan mo ko sa bazaar." sabi ko sa kaniya at hinila siya ulit at sa pagkakataon na ito ay sumama na siya sa akin.

Nakisiksik kami sa mga tao pero hindi ko na kailangan mag tingin-tingin dahil alam ko na kung ano ang kailangan ko. Ang problema nga lang ng makalapit ako sa partikular na tindahan ay may nakauha na sa plan na cap na nakita ko. Napapabuntong hininga na inabot ko na lang ang kulay blue na panda hat na namataan ko at hinigit ko din ang black mask sa harapan ko at ibinigay ko 'yon sa nagtitinda na hindi na magawang makapag alok man lang dahil sa bilis ko. I paid for it and turned to Archer so I can shove my purchases to him.

"Ano 'to?" tanong niya.

"Suotin mo bago pa magulo ang mundo kapag narealize ng mga tao kung sino ka."

Halatang hindi ineexpect ni Archer ang sinabi ko. Kung sabagay tahimik na lugar kasi ang Tagaytay. Lalo na sa parte kung saan nandoon ang BHO CAMP. Iyon nga lang, madami na rin kasing dayo dahil isa sa mga paboritong tourist spot ang Tagaytay sa Pilipinas. Kaya hindi na nakakapagtaka na may makakilala sa kaniya.

Walang salitang sinuot niya ang panda cap at mask. Napakagat labi ako para mapigilan ang ngiti ko. Ang weird niya kasing tignan. He looks cute...but weird. Ang laki-laki kasi niyang mama pero naka panda cap.

Akmang maglalakad na ako paalis pero hinawakan niya lang ang kamay ko para pigilan ako pagkatapos ay kinuha niya ang pink na panda cap at ibinigay iyon sa tindera na ngiting-ngiti na at mukhang naaaliw sa amin. Binayaran din iyon ni Archer at pagkatapos ay isinuot sa akin.

"Ma'am ang gwapo po ng boyfriend niyo. Bagay na bagay kayo." kinikilig na sabi ng tindera.

"Hindi-"

Umakbay sa akin ang lalaki at tinakpan ang bibig ko at nagpasalamat kay ateng nagtitinda bago ako iginaya na paalis sa lugar na iyon. Sinubukan kong tanggalin ang kamay niya pero hindi niya iyon inalis. Let's see kung sino ang mas makulit sa ating dalawa.

"Yuck! What the hell!" Napahagalpak ako ng tawa nang makita ko ang lukot na lukot niyang mukha habang pinapahid niya ang kamay niya sa t-shirt niya. "You're so gross."

"Serves you right."

"Alam mo ba kung saan ko huling hinawak ang kamay ko at basta ka na lang nandidila?"

A devilishly emotion cross his eyes while I lost the smile on my lips. Nangaligkig ang katawan ko nang kung ano-anong senaryo ang pumasok sa isip ko. "Kadiri ka!"

Lumayo ako sa kaniya at nandidiring tinignan siya pero tinawanan lang ako ng hudyo at hinatak ng bahagya ang buhok ko. Pinalo ko ang kamay niya pero hinuli niya lang 'yon at iginaya na ako kung saan. Umakyat kami sa second floor kung saan nandoon ang pizza na sinasabi niya.

Hinayaan ko na lang na siya ang umorder at naghanap na lang ako ng pupuwestuhan namin. Hindi naman ako nagtagal sa paghihintay dahil maya-maya lang ay lumapit na siya na may dalang pagkain.

Napanganga ako ng makita kong isang box ng pizza ang dala niya, meron pang churros, at maliit na tub ng ice cream. Wow dairy overload. Wala rin saysay ang pag-iinarte ko kanina.

Nang buksan niya ang pizza ay nakita kong anim lang ang cut niyon.

"Hindi ko kayang ubusin 'yan." nanlalaki ang mga matang sabi ko sa kaniya ng umupo siya sa harap ko.

"Kakain din naman ako."

"Let me rephrase. Hindi natin kayang ubusin 'yan. Ang laki-laki ng mga slice ng pizza dito."

Kasing laki na ata ng mukha ko ang pizza dito eh. Hindi naman gano'ng kalaki ang bituka ko para ma-digest ang lahat ng 'to. Nakakatakam dahil hindi lang pepperoni at cheese flavor ang meron do'n kundi pati shrimp flavor. Pero paniguradong busog ako isang slice pa lang.

Akmang kukuha na ako ng isang slice pero napairit ako ng pitikin bigla ni Archer ang kamay ko. "Ano ba?!"

Imbis na sagutin ako ay inalis niya ang mask niya at sa panggigilalas ko ay inirolyo niya ang pizza para ipatong sa isa pang pizza at pagkatapos ay iniikot niya pa ulit iyon ng isa bago niya inilagay 'yon sa plato ko. Tatlong magkakapatong na pizza ngayon ang nasa harapan ko.

"Aminin mo nga sakin..." bulong ko. "Tinutulungan mo ba ako na makalimot o pinapatay mo ako para makalimutan na ako ng mundo?"

"Silly. That's the best way to eat a pizza."

Pinagmasdan ko siya habang inuulit niya ang ginawa niya kanina sa natitirang mga pizza at ngumisi pa sa akin bago siya kumagat ng malaki do'n. Ngumunguyang tinaasan niya ako ng kilay na parang sinasabi na subukan ko.

Naiiling na iniangat ko ang pizza at kumagat do'n. Archer smiled triumphantly and I just shake my head at him. I probably look like a hamster right now with chubby cheeks.

Napuno ng katahimikan ang table namin dahil panay kain lang kami habang paminsan-minsan ay nagkakatinginan. Siya tinataasan ako ng kilay habang ako naman ay pinaniningkitan ko siya ng mga mata.

After awhile when we're almost half way on finishing the pizza, he opened the tub of ice cream and put two spoon inside.

"Wow. Share talaga tayo? Close na tayo para mag share ng kinakain?" sarkastikong tanong ko sa kaniya.

"Bakit? Kaya mong ubusin kapag inorder kita ng isa pa?"

Inirapan ko siya dahil alam namin pareho na malapit na akong makarating sa limit ko dahil sa sobrang busog. Padaskol na inabot ko ang kutsara at kumuha ako ng ice cream. Nakangiting napailing-iling na lang siya.

"Ang hirap sa inyong mga babae ang arte niyo pagdating sa pagkain. Ayaw niyo ka-share ang iba kasi nalawayan na. Pero kapag laway ng boyfriend niyo okay lang."

Nasamid ako sa sinabi niya at sunod-sunod akong napaubo. Mukhang hindi naman niya inaasahan ang reaksyon ko at kaagad niyang binuksan ang binili niyang tubig at ibinigay sakin 'yon. Kaagad kong tinungga 'yon at ng matiyak kong hindi na ako parang sinasakal ay ibinaba ko iyon sa table at pinukol ang lalaki ng masamang tingin.

"May balak ka talagang masama sakin no?" asik ko sa kaniya.

"Nagsasabi naman ako ng totoo ah."

"For your information inosente ang relasyon namin ni Mateo."

He raise his eyebrow again. "So you mean to say that you didn't even kiss at least?"

Humalukipkip ako habang nakatingin sa kaniya. I don't have a come back to that. Dahil malamang nahalikan na ako ni Mateo. Because aside from the fact that I love him, hindi din naman ako konserbatibong tao.

Nag ngingitngit na nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko habang si Archer naman ay napangisi na naman dahil alam niyang tama siya. Paminsan-minsan ay nagtatama ang mga kamay namin kapag nagkakasabay kami sa pagkuha ng ice cream pero hindi kami nagkakailangan at sa halip ay nag aagawan pa kaming dalawa at nagtutulakan ng kamay para maunahan ang isa't-isa.

Pagkaraan ay itinaas ni Archer ang mga kamay niya ng isubot na niya ang last bite ng pizza niya. Pinaikot ko ang mga mata ko at nagpatuloy sa pagkain. Nagpalingon-lingon ako nang maramdaman ko na may nakatingin sa amin at nakita kong marami ng mga tao ang napapatingin sa gawi namin. Ang iba ay mukhang naaaliw lang pero may iba naman na nakalabas na ang mga cellphone.

Mabilis na isinubot ko ang huling kagat ng pizza ko at kinuha ko ang ice cream at itinulak ko sa kaniya iyon habang ako naman ay binitbit ang churros pagkatapos ay tumayo na ako. Hinila ko ang kwelyo ng t-shirt ng lalaki para mapilitan siyang tumayo at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas na kami mula sa lugar na 'yon.

Habang naglalakad ay kumutsara siya ng ice cream at isinubo 'yon. Mukhang busog narin siya dahil nang muli siyang kumuha do'n ay inumang na niya sa akin ang kutsara. Isinumpal ko sa bibig niya ang piraso ng churros kasabay ng pagsubo ko sa ice cream.

Nang matapat kami sa trash can ay mabilis na inubos namin ang mga hawak namin at tinapon namina ng mga iyon doon.

We both sighed in relief. Sinuot niya ang mask niya at nag-inat siya habang ako naman ay napahawak sa tiyan ko na pakiramdam ko ay sobrang bloated na dahil sa kabusugan.

Sa pagtataka ko ay iniangat ni Archer ang isa niyang kamay sa tapat ko habang ang palad niya ay nakaharap sa akin. I looked at him, confused. Pinaikot niya ang mga mata niya at kinuha ang isa kong kamay at idinampi 'yon sa sarili niyang kamay in a gesture of high-five.

"Where to next?" I asked him.

"May dala kang pera?"

Inilabas ko ang wallet ko. "May one thousand pa ko. Bakit?"

"Wow. Sa'n makakarating ang one thousand mo?"

Pinameywangan ko siya. Aba't ang mayabang na 'to. "FYI, mayaman kami. Itanong mo pa sa mama at papa ko. Wala lang akong dalang cash." Inisa-isa kong ilabas ang mga debit at credit card ko at itinapat ko 'yon sa mukha niya na sa sobrang lapit ay napalayo siya. "Mayaman ako. Taandaan mo 'yan."

"Good." sabi niya at kinuha sa akin ang mga iyon. Tinignan niya isa-isa ang mga card ko na para bang may hawak lang siyang baraha at pagkatapos ay kumuha lang ng isa at ibinalik sa akin ang iba pa. Inilabas niya ang sarili niyang wallet at kumuha ng card do'n bago niya ako hinawakan sa kamay at hinila sa unang store na nakita niya.

It's a shoe store.

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang employee ng shop na bumati samin at sa halip ay kunot noong tinignan ko si Archer. "Anong meron dito?"

"Bilin mo lahat ng nagagandahan ka. Wag kang mamimili. Basta lahat ng guto mo."

Napamulagat ako. "What?"

"Splurge all you want."

"Sira ka ba? Hindi ko naman kailangan 'yan-"

"Madami kang pera di ba? We both know that there's no possibility that you can drain all the money you have even if you buy the entire store. So buy everything you want."

"Pero-"

Pinutol niya ulit ang sasabihin ko. "Bakit ka ba nag iipon? For the future? For a new car? A dream house perhaps? Or to be exact, those you dream to buy with him?"

He hit a nerve with that. Dahil tama siya, halos lahat ng pera na meron ay may nakatakda ng mapuntahan sa isip ko. Pambili ng bahay, bagong kotse, para sa kasal, kapag gusto naming mag bakasyon, and for our future children. Even with all that, I'm pretty sure that I won't be able to spend all of my money.

Malaki ang kinikita ko sa BHO CAMP. Idagdag pa ang trust funds namin ni kuya na ibinigay samin nila Mama at Papa. Hindi pa kasama do'n ang trust fund from the Greene's because of grand father Ethen Greene, Nueva's trust fund from my grandmother Maries, Von's from my grandmother Katerina, and Roqas' trust fund from my grandfather PJ.

"Don't get me wrong. There's nothing wrong from saving for the future. But you need to let go sometimes." he said and gently pushed me forward. "Let go."

I looked at him for a moment and he met my eyes. It's as if he's challenging me to contradict what he said knowing that he's right. I sighed in surrender and walked towards the nearest shoe stand. Pinagkukuha ko ang mga nakita kong maganda at sa tingin kong magagandahan ang mga kasamahan ko. Malayo pa ang pasko pero who cares?

I can feel my self slowly unfolding from the ball I was tightly curled on and I found myself smiling...and enjoying myself.

Dalawang empleyado na ng store ang lumapit samin na mukhang hindi alam kung tatawag ba ng gwardiya dahil nagugulo ko ang mga dekorasyon nila o mamangha dahil mukhang kikita sila ng sobra ngayong araw na 'to.

Inabot ko sa dalawang empleyado ang mga kinukuha ko at tinuro ko ang inilagay ko sa sofa malapit sa akin at ngumiti. "Size 7 and a half for this pile. Dito sa kabila, get me 2 size 8, 2 size 6 and a half, and 2 size 9."

"Kukunin niyo po lahat ng ito?" tanong ng babaeng empleyado habang ang katabi niyang lalaking employee ay nakanganga lang.

"Yes." Magkasabay na sagot namin ni Archer at nakatinginan pa kami. Sinundan namin ng tingin ang mga empleyado na nagkukumahog kunin ang stocks ng mga pinamili ko.

Hindi naman sila natagalan dahil ilang sandali lang ay bitbit na nila sa counter ang mga iyon kasama pa ang dalawa pang empleyado na tinutulungan na sila. Ikinahon nila ang mga iyon at inilagay sa tatlong paper bag na malalaki.

"May free po kayong special designer bag ng store na ito dahil po sa purchases ninyo." nakangiting sabi ng isa sa mga empleyado.

Lumingon ako kay archer para kunin sa kaniya ang credit card ko pero imbis na i-abot sa akin iyon ay iniharap niya sa cashier ang dalawang credit card. Nakataob iyon para hindi makita ang pangalan at pagkatapos ay nagsalita siya, "Pick a card."

Napamata ang babae ngunit pagkaraan ay napapakamot sa ulo na kumuha siya ng isa do'n. Nanlaki ang mga mata ko ng hindi sa akin na-card ang napili kundi ang card ni Archer.

"Arch-"

"Don't question fate."

Hindi naman niya kailangan gawin 'to. Hindi din biro ang inabot ng mga pinamili ko. Pero alam ko din na mas matigas pa ang ulo ni Archer kesa sakin kaya hinayaan ko na lang siya. Ako pa ba ang aarte eh ako na nga ang nalibre ng fifteen thousand.

Nang maiayos na ang mga pinamilli namin ay kinuha ko ang mga iyon pero isa lang ang paper bag na hinayaan ako ni Archer bitbitin. Masayang hinatid naman kami ng gma empleyado sa establishimento na 'yon na para bang mga anghel kami na bumaba sa langit. Kumakaway pa sila habang naglalakad kami paalis.

Nagpatuloy kami sa shopping galore ni Archer at ilang store pa ang pinasok namin. Dalawang beses pang napili ang card niya at isang beses pa lang napipili ang akin. Hindi ko na alam kung ilang oras na kami inaabot sa pag-iikot namin pero kahit isang beses ay hindi ko siya kinakitaan ng pagkainip at nananatili lang siyang naghihintay.

Hindi iilang beses na sa pag-iikot namin ay may napapatingin sa amin dahil malapit na kaming magmukhang Christmas tree ng shopping bags sa dami niyon. Sa tagal kong naging babae sa mundong 'to, ngayon lang ako nakaranas na magmukhang shopaholic na parang eksaktong cut our mula sa magazine.

Nang makarating kami sa dulong bahagi ng Serin ay akmang papasok kami sa isang pambabaeng store nang mamataan ko ang Vanz di kalayuan sa amin. Sa kabila ng dami nang bitbit namin ay nagawa kong kumapit sa dulo ng t-shirt ni Archer at hinila ko siya papunta sa direksyon niyon.

Pagkapasok sa loob ay napangisi ako. "Anong size ng paa mo?"

His lips quirked with a smile. "You don't need to buy me anything."

"Ang sabi mo I should buy everything I want. Don't question fate, Archer."

Hindi siya nakasagot sa sinabi ko at nanatiling nakatingin lang sa akin. I raise my eyebrow at him while I tap my feet while waiting impatiently for his reply.

"Twelve."

Nagbaba ako ng tingin sa mga paa niya. Umangat ang mga mata ko at tumigil sa lugar kung saan hindi ko dapat tinitignan. There's a saying that a giant feet equals a giant...pen- Erase erase!

Ipinilig ko ng sunod-sunod ang ulo ko na para bang maalis no'n ang tinatakbo ng utak ko. Itinagilid ko pa ang ulo ko at bahagyang itinaktak 'yon. Seriously self get a grip!

My head snapped up when I heard a low chuckle. Nanlaki ang mga mata ko nang magtama ang mga mata namin ni Archer. Kitang-kita sa kaniya na alam niya kung ano ang iniisip ko. Napalunok ako at inismidad ko siya.

Tinalikuran ko siya at naglakad ako papunta sa mga estante. Naramdaman kong nakasunod siya pero hindi ko siya nilingon. Inabala ko ang sarili ko sa pagpili ng mga panlalaking sapatos sa harapan ko pero muli akong napalunok nang maramdaman ko ang lapit ni Archer sa likod ko.

I saw him raise his hand and reach for the shoe just on top of my head. "You know...you're not totally wrong."

"W-What?"

"About the rumor. A big feet means a big-"

Humarap ako sa kaniya at tinakpan ko ang bibig niya bago nagpalingon-lingon sa paligid. "Bastos! 'Wag ka ngang maingay!"

Inalis niya ang kamay ko at nginisihan ako. "I was about to say 'a big heart'. Ano ba ang iniisip mo?"

Pinaikot ko ang mga mata ko at bahagya kong sinipa ang binti niya na ikinatawa niya lang. Tinalikuran ko na siya ulit at binaba ko ang mga pinili ko sa isang tabi para makapili ako ng maayos. Thankfully, the employee approached us so I can stopped my emotions that are stating to go haywire.

Pinagkukuha ko ang mga gusto ko at sa tingin kong bagay kay Archer. Katulad ng mga staff sa mga pinupuntaha naming shops kanina ay mukhang natutuliro din sila sa dami ng bibilin ko. Lumapit na din sa amin ang iba pa ng makita na batalyong ang bibilin namin. Hindi lang kasi sapatos ang kinuha ko kundi mga t-shirt.

Nang matapos ay akmang lalapit na ako sa counter ng may mamataan akong sapatos. I made a bee line and went to it. It's a simple black and white shoes pero may moon print iyon. The tag said it's an era 59 moon shoes. Kumuha ako ng isa no'n at binigay ko sa empleyado na nakaantabay na sakin.

Bago ko pa mapigilana ng sarili ko ay nagsalita na ako, "Do you have a 7 and a half for that?"

"Yes, ma'am."

"I want one of that too." sabi ko sa empleyado na tumango at nagmamadaling lumapit sa mga kasamahan niya. Nilingon ko si Archer na tahimik lang na nag-iintay sa tabi ko. "You don't mind do you?"

"I don't."

Sandaling nakatingin lang ako sa kaniya at pagkatapos ay nagkibit-balikat ako. Lumapit na ako sa counter at dinala ko ang dalawang card. To my delight, the man on the counter chose my own card. Sandaling naghintay lang kami doon habang inaayos ang mga pinamili namin at pagkaraan lang ay lumalabas na kami ng lugar na 'yon na halos hindi na makalakad ng maayos sa dami ng dala namin.

"I'm done shopping." I said to him.

"Good." he looked at his wristwatch. My guess is, it's nearly seven oclock in the evening. "We have another stop to go to."







SINISINOK na tinungga ko ang laman ng shot glass ko at nakangiting humiyaw ako habang itinataas ko 'yon at wine-wave sa itaas ng ulo ko. Hindi ko na mabilang kung ilang shot na ang nainom ko. Basta ang alam ko lang, ang saya ng feeling ko ngayon. Pakiramdam ko nasa ulap ako at lumulutang-lutang sa sobrang gaan ng nararamdaman ko.

"Inom kha din, fareng Achir." nakangising sabi ko sa lalaki sa harapan ko na tahimik na nakaupo lang at nakahalukipkip. Hindi na niya suot ang mask niya dahil kumakain siya. Mula ng umupo kami dito kanina ay pinapanood lang niya ako at hindi umiinom. Ang dami ko naring nakuwento sa kaniya nang maka-ilang inom na ako at paminsan-minsan ay nagkokomento siya. Pero bukod doon ay kumakain lang siya at hindi man lang uminom kahit isang beses.

"Don't mind me. Uminom ka lang diyan dahil hindi ako pwedeng uminom."

"BAKHET?!" napatigil ako nang mapatingin samin ang tao sa kabilang table. Napahagikhik ako at inilagay ko ang kamay ko sa gilid ng labi ko at malakas na bumulong kay Archer. "Bakit?"

"Because I'm driving."

I waved my hand in front of me and scoffed. "Sus. Isha lang eh. Come on! Drink mahmen!"

Umiling siya at sa halip ay sinalinan ng tubig ang katabing baso ng shot glass ko. Ilang beses niya na 'yong ginagawa ngayong gabi. Lagi niya akong pinapainom ng tubig para hindi puro alak ang iniinom ko. Pero syempre magpapatalo ba ako? Syempre dapat mas marami ang alcohol na inumin ko.

"Sa tingin mo gwafu may ari nitong lugar na 'to?" tanong ko kay Archer pagkaraan.

"Ewan ko. Bakit?"

"Eh kasi Papa Doms ang pangalan eh. Baka fafang-fafa si Papa Doms." sabi ko na ang tinutukoy ay ang pangalan ng bar na kinaroroonan namin. Archer lips turned up in a small smile. Kahit talaga pangiti-ngiti at pangisi-ngisi siya kakikitaan parin ng kasupladuhan ang mukha niya. Parang Christian Grey lang.

Natigilan ako sa naisip at nanlalaki ang mga matang napatakip ako sa bibig ko bago ko hinataw ang nakakuyom kong kamay sa table dahilan para matapon ang baso ko na may tubig na buti na lang ay nasalo ni Archer agad. "Alam ko na!"

"What is it, little miss trouble?" Archer asked as he wiped the table using the tissue paper in front of us.

Dumukwang ako sa table para malapit ko ang mukha ko sa kaniya. Nakita kong nagbaba siya ng tingin sa dibdib ko pero hindi ko iyon pinansin at mas lalo lang akong lumapit. Akmang sasabihin ko na sa kaniya ang state secret na natuklasan ko ng maramdaman kong hinawakan niya ang collar ng damit ko at itinaas 'yon.

Natigilan ako pero pagkaraan ay hindi ko na siya pinansin dahil mas importante ang na-discover ko. "Alam ko na kung bakit Papa Doms."

"Bakit?" tanong ni Archer na hawak parin ang damit ko.

"Kasi..." pambibitin kong bulong. "Mahilig siguro sa BDSM iyong nakaisip ng pangalan."

Sunod-sunod na napakurap si Archer na parang hindi niya alam kung tatawa siya o ihahagis ako sa bangin. Itinulak niya ang noo ko gamit ng hintuturo niya para makabalik ako sa pagkakaupo ko at nakangiti at masunurin naman akong bumalik.

"Galing ko no?" proud na sabi ko sa kaniya.

"Oo."

"Yey!" Pumapalakpak na tumayo ako pero hindi pala madali 'yon dahil biglang bumuway ang tayo ko. Napasinghap ako dahil sa nanlalaki kong mga mata ay nakita kong papalapit na ang mukha ko sa table. Pero siguro mabait talaga ako kaya hindi ako pinapabayaan ng langit dahil may kaagad humawak sa akin para mapigilan ang pakikipag face to face ko sa lamesa.

Nag-angat ako ng tingin at napangiti ako nang makita ko si Archer na nandoon at hawak ako. Iniangat ko ang kamay ko at tinapik ko ang pisngi niya. "Thank you. You really are my hero."

Mukhang natigilan siya sa sinabi ko pero hindi na siya umimik pa. Tinulungan niya akong makatayo at pagkatapos ay habang hawak sa isang kamay ang bewang ko ay naglabas siya ng ilang bills mula sa bulsa niya at inilagay 'yon sa table. May sinenyasan siya at pagkatapos ay iginaya na ako para maglakad paalis. "Let's go."

"Wait lang!" awat ko sa kaniya.

"What?"

"I need to pee!"

He looked around us and chuckled. Narinig kong hindi lang din siya ang tumawa sa sinabi ko pero hindi na magawang pagtuunan pa iyon ng pansin ng isip ko. "Fine. Hold on to me."

Nakangiting ipinalibot ko din ang braso ko sa bewang niya at hinayaan kong saluhin niya ang buong bigat ko. Naglakad kami papasok sa establishimento at tumigil lang kami nang makarating kami sa tapat ng comfort room.

Humiwalay ako sa kaniya at bahagya ko pang tinapik ang braso niya biglang pagpapasalamat at akmang hahakbang na sana ako papasok sa cofort room pero may humarang sa mga paa ko. Inulit ko ulit 'yon pero walang nangyari.

I looked up at Archer, my face scrunching up as if I'm about to cry. "May password ba? Bakit hindi ako makapasok?"

He almost guffawed with laughter but he bit his lip to stop it. Imbis na sagutin pa ang tanong ko ay hinawakan niya ako sa magkabilang bewang at iniangat ako sa maliit na baitang. Nag thumbs up ako sa kaniya at nakangiting hinawi ko ang kurtina para makapasok ako sa loob.

Humawak ako sa pader habang naglalakad papasok hanggang sa marating ko ang pinakamalapit na pintuan ng cubicle. After I relieved myself and washed my hands, I happily walked towards the door. Mukhang hindi na nagagawang makapag imbak ng impormasyon ang utak ko dahil nakalimutan na ang tungkol sa baitang dahilan para halos lumipad ako palabas nang matisod ako.

Pero mukhang inaasahan na ni Archer ang mangyayari dahil nagawa niya akong saluhin at tuluyan na akong binuhat. Nakangiting pumalakpak ako bago ako kumapit sa balikat niya. "I'm like a bride!"

"Whatever you say, babe."

"Okay!"

Kinarga niya ako hangggang palabas ng lugar na iyon at naglakad papunta sa parking lot. I can hear him grunting while trying to fish out his keys from his pocket habang karga parin ako. At dahil matulungin ako ay ibinaba ko ang ang kamay ko at kumapa-kapa ako para hanapin ang bulsa niya. Nang maramdaman kong may matigas na bagay na nadaanan ang kamay ko ay mahigpit ko iyong hinawakan pero bago ko pa mahila iyon ay napatili ako nang muntik akong mabitawan ng lalaki.

"Shit!" he cursed under his breath.

Nagtatakang tinignan ko siya. "Bakit?"

Ibinaba niya ako at hinawakan sa balikat para tulungan akong makatayo. Pagkatapos ay isinandal niya ako sa sasakyan. "Don't move and please keep your hands to yourself. Can you do that for me?"

"Tinutulungan lang naman kita para mahanap ang susi mo eh." malungkot kong sabi. Bakit ba ang sungit niya? Ako na nga tong nagmamagandang loob.

"I get that. But let's keep your hand from accidentally making another huge mistake, okay?"

"But I found your keys! I felt something hard on my hand-"

Tinakpan niya ang bibig ko at lumingon sa kanan namin kung saan may napadaan na mga tao. Kinuha niya ang susi sa bulsa niya at binuksan ang pintuan at pagkatapos ay tinulungan akong makapasok sa loob. Sinarado niya ang pinto at umikot para makasakay siya sa driver's seat.

"I was just trying to help you. Nahawakan ko na kaya ang susi mo. I told you, I felt something hard-" nakahalukipkip na sabi ko.

Dumukwang siya at hinila niya ang seatbelt para maikabit sakin yon. Pagkatapos no'n ay itinulak niya ng marahan ang ulo ko para makasandal ako. "Do me a favor, babe. Forget about the hard thing you just touched because it isn't my keys."

Tumingin ako sa bubong ng sasakyan na para bang iniisip kung ano pa ang maaaring nahawakan ng kamay ko. Pero dahil mukhang hindi kayang iproseso iyon ng utak ko ay nakangiting tumango na lang ako sa kaniya. "Okay!"

Inistart niya ang sasakyan pero hindi kami agad umandar dahil puno ng moist ang windshield ng sasakyan. Sinubukan niyang gamitan iyon ng wiper pero hindi parin nawawala ang moist. Being my helpful self, I clutch on the hem of my shirt and tried to lift it but Archer hurried stopped me.

"What are you doing?"

"You need to get out there and wipe the windshield." I said to him and tried to lift my shirt again. "Hello? Pa'no tayo makakaalis dito kung hindi mo pupunasan?"

Itinuro niya ang jacket na pinahiram niya sakin na naka palibot lang sa bewang ko. "Bakit hindi na lang 'yan?"

"Ayoko nga. Bigay mo sakin 'to eh."

Natigilan siya sa sinabi ko at bago pa siya makapagsalita ay walang sabi-sabing hinubad ko ang damit ko at ibinato ko 'yon sa kaniya. He cursed under his breath and run his hand on his face. Mabilis na kinuha niya ang jacket sa bewang ko at isinuot 'yon sakin. Iniangat niya ang hood no'n sa ulo ko at hinila ang tali dahilan para maipit ang mukha ko sa loob ng hood pero ngumiti lang ako imbis na magalit.

He looked at me for a moment, as if thinking what to do with me while his eyes are twinkling with laughter. "You're so gonna regret all of these when you remember everything tomorrow."

And because of my alcohol-filled brain, I just beamed at him and raise my hands above me and scream as if I'm in a concert.

"Woohoo! Come on, vamonos!"

__________________Chapter 7.

Continue Reading

You'll Also Like

475K 9.9K 73
Fight your own battle. Anu ang gagawin mo para magwagi sa laro ng pag-ibig? Magdadaya? O maglaro ng patas? Ang ang kaya mong isugal? Hanggang saan mo...
22.5K 589 31
R18 (Taglish) A powerful family, equally powerful enemies, and a dark past that refused to be buried. Introvert Ram Romualdez finds himself dead drun...
394K 6.2K 35
Nina has an attention deficit hyperactivity disorder or ADHD. Symptoms: Impulsivity She's been trying so hard to control herself and maintain a norma...
56.8M 1.2M 127
Mikazuki convinces Bullet to meet his birth parents after being taken away by the former leader of the most powerful mafia group, Black Organization...