A/n : Thanks sa nagcomment and thanks for the support and super thanks sa lahat lahat ng nagbasa at nagbigay ng magndang comento . Who wants dedication ? COmment your name .
Please do read , PALABAN Girl meet PALABAN boy kimxi FanFic , Please lang po . Thanks :))
Kimberly Sue Yap Chiu Lim P.O.V
Hindi na ako umabot sa kotse ko at nagblack-out na ang paligid ko . Naramdaman ko may nakasalo sa akin , kasi hindi ako nasaktan . Hinimatay ako pero naririnig ko paren ang mga tunog sa paligid ko . Hindi ko lang madilat mata ko . Ang bigat ng pakiramdam ko at hindi ko mapaliwanag o masabi kung alin talaga ang masakit sa akin .
Pero teka , malala ko lang bakit nga ba madalas na akong nahihilo . Kung hindi masama pakiramdam ko , timpla ng mood ko ang nag-iiba at sumasama ? Kakaiba na talaga ang nangyayari sa akin . Ibang iba sa dating ako , ang alam ko hindi mahina pangangatawan ko at malakas akong tao . Kaya laking gulat ko na lang netong week napapadalas ang pagsama ng pakiramdam ko .
Kimmy ? Kimmy ... kim ? - tawag ng boses sa akin . Malamang siguro ay ginigising ako . Gusto ko man dumilat pero ang talukap ng mata ko ay hindi ko mabuksan . Gustong gusto kung dumilat pero wala akong magawa , gusto kung magsalita pero walang salitang lumalabas sa bibig ko . Kaya mapagod sila sa kagigising sa akin . Joke .
Naku , Em . Anong gagawin natin . Wala naman lagnat ang babaeng to , pero bakit siya nahimatay . - sabi pa ng boses sa paligid ko . Ay , ang mga kaibigan ko lang pala to .
Diretso mo hospital para mapa check-up natin . Buti na lang pala at napansin kong hindi maganda pakiramdam niya . Kundi , naku nakahandusay na siya dun . Sa parking lot . - ay , salamat Empress hah ! My honored na niligtas mo ako salamat , salamat . Haha . Dibale sa susunod hindi ko lang ipapahalata ipag sisigawan ko pang masama pakiramdam ko para malaman rin ng buong mundo . Anong buti na lang , aba dapat lang niyo ako sundan lalo kana Em. baka nakakalimutan mo na may kasalanan ka pa sa akin ? Aba , baka lang naman nakalimutan niya ang ginawang pangangaladkad at pagtulak sa akin kay Alexander . Naku , pagdilat ko dito makakatikim ka talaga sa akin .
Sige . Ako na magmamaniho . - sagot naman ng boses na sa tingin ko ay si Erich .
Hoy ! Kimmy ! Dumilat ka nga . Wag kang ganyan hah ! Tinatakot mo kami . Kim , gising pwede ? - tinatapik-tapik ako ng kung sino man sa kanila . Panu nga ako gigising eh , hindi ako tulog . Sira to .
Mel . Dumadalas ang pagsama ng pakiramdam niya nitong huli . Naiisip mo ba naiisip ko ? - mapanuksong tanong ni Empress . Teka anong naiisip mo ? Kailan pa naging doctor itong si Empress at alam ang condition ko hah ! Paki explain nga !
OMGeeeee ! Baka naman buntis . - Ano ? I'm what ? Buntis ako ? Hindi ah . TangIna , ang o over niyo mag-isip kung hindi lang ako nahimatay paghahampasin ko kayo . Nahimatay lang buntis na agad . Tignan , niyo pag gising ko HUMANDA KAYO Sa-kin .
Aaaay ! Pwede ba . Em , Mel mongTanga lang ? Nahimatay ang tao yan pa iniisip niyo . Alam niyo sa lahat ng nakakita sa at nakasaksi ng nahimatay tayo ant napaka cool at hindi man lang natataranta . Tapos nagagawa niyo pant mag-isip ng kung ano ano ! Bakit hindi na lang niyo paamoyin ng vicks or white flower baka magkamalay kesa kung ano ano ang iniisip at pinagsasabi niyo . - galit na sabi ng aming driver na si Erich . Go , Erich pagsabihan mo ang mga green minded na yan . Sarap pagbabatukan eh . Akala ko naman ang matino talaga sa amin ay si empress siya kasi laging seryoso at ngayon si Erich na ang nakakapag isip pa ng tama sa kanilang tatlo . Samantalang kung tutuusin ay si Erich ang isa ren baliw baliwan sa aming apat . Numiro uno kasi si Mel . Malay ko ba na , mas baliw pa si Empress kay Melissa . Jusko , LORD .
Magfocus ka na lang sa pag dadrive Erich, just pretend na wala kang naririnig . Humm ? - pagsusupladang sagot ni Mel . Sige unahin niyo mya issues niyo kesa sa akin . Pag ako natuluyan mumultuhin ko kayo . Nyhaha .
Mahiya naman kayo kay Kim , kung ano ano pinag-iisip niyo't pinagsasabi . Nahimatay lang pero hindi pa patay ang tao . Naririnig niya kayo . Kaya kung ako sa inyo . Mananahimik na lang at manalangin kasi paggising ni Kim , humanda na kayo . - pananakot pa ni erich sa dalawa .
Kung ganun . Edi iparinig ang dapat iparinig . Total , its my time to say anything I want to say na hindi niya ako kinukontra . - sagot pa ni Mel . Ang babaeng to talaga . mapapatay ko . O baka naman ako ang matuluyan sa mga pinagsasabi . Aba ! Natuwa pa ang gaga dahil may freedom na siya magsalita , kapag ako nakabangon dito umasa ka may batok ka sa akin . Nahimatay na nga ang tao nagagawa pa nilang magdaldalan at magbiruan . Tunay na kaibigan huh ? Mabuting kaibigan . Tsssh .
Bahala kayo . Basta ako hindi ako kasama jan . - sagot pa ni Erich . Isa ren to . Ipagtanggol mo ko . Gooo !
Talaga . - sagot ni Em.
Pero alam mo Em . Tingin ko buntis talaga siya . - anak ng tokwa ! Tigilan niyo yan hindi magandang biro yan . Naalala ko tuloy mga nangyari weeks ago sa singapore . Grrrh . Buti na lang pala hindi ko kinunwento yun .
Sira . Ang tanong may nangyari ba sa kanila ni Xian ? Eh , diba nga magkahiwakay ng rooms ? Shunga ka ren eh nuh ? - Oo nga naman . May nangyari ba sa amin ? Diba wala , wala ! tsssh . Kaasar talaga ang mga toooooo .
Hoy ! Malay natin diba ? Isa pa ikaw nga itong nag-open up na baka nga buntis siya tapos sasabihin mong paano mabubuntis ? Eh . Tanga ka pala eh . - sagot naman ni Mel , oo nga naman may point siya .
SHUNGA .. Teka , sinabi ko ba yun ? Ako ba eh , ikaw nga nagsabi nun ? - tanggi pa ni Em . Ay sus ! Takot na sakin si Em. Thaha .
Anak ng ! Empress . Naman eh . Nilalaglag mo ako . Ikaw ang nag suggest hah , Hindi ko nga naisip yun until you say so , tapos sa akin mo ibibintang . LAGOT KA ! - sabi pa ni mel kay Em . Magturuan kayo , hala ! As if hindi ko alam . Naku , Em , namumuro kana talaga .
Oh . andito na tayo . Tama na muna yan . - singit pa ni Erich . Haaay ! Nakaka asar lang . LAGOOOOT kayong dalawa sa akin . Mel at Em .
Alam niyo ba yung feeling na gustong gusto mo makisabat sa usapan sa paligid mo pero hindi pwede ? Kasi wala kang malay . Ang saklap nuh . Wala ka na ngang malay pagtitripan ka pa ! Kaya pag ako bumalik sa katawang lupa ko . Mapapatay ko sila . TALAGA ^___^
-
Unti - unti kung sinubukan idilat ang mata ko . Baka this time may makita na ako at magkamalay ng makapangbatok at makaganti sa oanghuhusga ng mga kaibigan ko . Na keso , ano ako . Aba !
Puting kisami ang unang nakita ko , inikot ko mata ko . Puting pader naman ang ulit na nakita ko . Pag ganito talagang puro puti dalawang choice lang yan . Either nasa lagit ka o sa hospital . Pero in my case , tingin ko sa hospital ako . Kasi , sa langit hindi naman makaka akyat ang mga makasalanan tao ( Em , Mel ). Haha .
Nakita ko kasi ang mga bruha .
Pagdilat ko , agad akong bumalikwas ng upo . Hala ! Nagulat yata sila . Oo , buhay pa ako at narinig ko lahat ng pinag usapan niyo . Humanda kayo .
Gising ka na pala , kumusta pakiramdam mo ? - nag-aalalang tanong ni Erich . Ang dalawa sumabay rin kay Erich sa paglapit sa akin .
Nauuhaw ako . Penge tubig . - sinong hindi matutuyuan ng lalamunan sa mga narinig ko yabang walang malay . Kahit nga maraming tubig sa katawan ko mawawalan sa pinagsasabi nila . Tsh .
Sige sige . Ikukuha kita . - buluntaryo ni Empress . Hindi ko paren nakakalimutan ang mga pinagsasai niyo ni Mel kaya , maghanda ka . Tsk .
Anong nangyari sayo ? May sakit ka ba ? - tanong ni Erich . Wala nga akong sakit . Na stress lang ako kay Empress . Talagang nanisi nuh ?
Wala , wala akong sakit . Uuwi na ako . tinawagan niyo ba si Xander . wag niyo na ipaalam baka hindi makapagfocus sa game niya . - tanong ko pa sa kanila . Baka kasi tinawagan nila , umalis sa school at pumunta reto . Hindi naman tama na masira ang game niya just because of me , again .
Hindi na . Pero kung gusto mo tawagan natin .? - sagit ni Mel .
Ay . bingi ? Wag na . Baka masira ang laro nila . Gusto ko ng umuwi . Ayaw ko dito . - sabi ko pa sa kanila .
Sige , mamaya . Antayin na natin ang doctor para sa findings ng test mo . - sagot pa ni Erich .
Eeeh ! Wag na . Gusto ng umuwi . - gusto ko na talaga umuwi . Ayaw ko dito sa hospital at may bumabalik na mga alaala . Ang sakit lang .
Pero..... - ku-kontra pa sana si erich pero agad na ako tumayo . Hinanap ang bag ko at lumabas .
Kim , uy . Wait lang . - pigil pa nila pero hindi ako nagpapigil tuloy tuloy pa rin ang lakad ko .
Please lang gusto ng umuwi . Wala naman akong sakit bakit dito niyo ako dinala ? Sana inuwi niyo na kang ako . Napagod lang ako kanina kaya ako hinimatay . Uuwi na ako . - sabi ko matapos nila ako abutan .
Saglit lang naman , aalamin lang natin ang results ng mga ginawa nilang test sayo . - sabi pa ni Mel . Ayaw ko nga malaman yun . Baka , magkatotoo ang sinasabi nila ,natatakot ako . Ayaw ko pa malaman kung ano ba ang problema sa akin .
Nope . Uuwi na ako . Kung gusto niyo kayo na lang umalam , pero magkalimutan na tayo after hah ! - taray ko pa kay Mel .
Kim , naman . - sabi ni Mel . Joke lang naman eh . Gusto ko lang talaga umuwi at magpahinga .
Excuse me ? Maam , ito na po ang results ng test niyo . Tara sa loob ng room mo or if you want sa office ko na kang tayo mag usap . - sabi ng nakaputing uniform I guess the doctor .
Aaaah . Okay lang po ba kung saka na lang yan . Nagmamadali kasi ako . - paki usap ko sa doctor . I'm not ready to know my condition .
But are you sure . Mrs. Lim ? - ang kulit ng doctor na to . gusto niya ma fire at mawalan ng trabaho forever . Tsh . ang kulit ah .
Yes . I'm sure . - sagot ko sabay smile ng fake syempre .
Oh . If that what you want wala na akong magagawa . Kung handa ka ng malaman , heres the findings . Kung may tanong ka . I'm just in my office . - inabot sa akin ng doctor ang results pero hindi ko pa inaabot. Nakaka kaba talaga . Paano to ?
Sige . salamat po doc . - pasalamat pa ni Erich . At siya na ren ang kumuha ng files . Hindi kasi gumalaw kamay ko para abutin yun eh . Pagkatapos nun ay umalis na kami ng hospital at tinungo ang aking kotse para umuwi .
Are sure your okay ? - tanong ni em .
Yeah . i'm fine . Ako na lang ang magmamaniho , paano na yung mga kotse niyo ? - tanong ko sa kanila .
Ako na lang muna mag dadrive . - suggest pa ni erich .
Hatid ka namin sa bahay niyo at I think sasamahan ka na lang namin dun until dumating ang asawa mo , OkAy ba :)) - sabi pa ni em . Mabuti yan ng ma corner ko kayo .
Teka , hindi kayo babalik ng school. Diba hindi pa tapos ang game ? - tanong ko sa kanila . Baka naman mga boyfies pa nila mawala sa focus . dahil wala sila .
Yup . Hindi pa nga tapos pero wala kang kasama sa inyo . Isa pa , bago ka namin sundan ay nagpaalam na kami sa kanila . Kaya , sasamahan ka muna namin . - sagot ni erich . Oh , they are so sweet . Teka baka makalimutan ko may kasalanan pa si em at mel sa akin ,
Your so sweet girls . Thanks - sabi ko sa kanila . Saka sumakay ng kotse at humarurot pauwi sa bahay . Sa totoo lang , hindi ko alam kung okay ba talaga ako . kinakabahan ako sa maari kong makita na findings ng doctor . Mabuti na lang at may makakasama ako kahit sandali para hindi mabagot sa bahay at hindi muna mag-isip ng kung ano ano .
□
□
□
□
●
●
●
●
A/n : Ito lang muna . Sorry , for the error . Mahaba sana to . Pero pag uwi ko na ang kasunod . Dumating na prof . namin . Kaya , hanggang dito lang muna .
Hindi ko na rin naartihan ang update ko ngayon . CP lang ginamit ko eh .
Please read . PALABAN GIRL meet PALABAN BOY - kimxi fanfic
VOTE AND COMMENT