The Hittite Empire

By CharitoAlviz

226 4 0

Plot: Charlie is a normal 15 years old highschool girl in the 21st century. She was suddenly drag by an evil... More

Anatolia Story Chapter 1 (Tagalog)

Anatolia Story Chapter 2

72 2 0
By CharitoAlviz

CHAPTER 2

"Tugisin ang babaeng yan!" Sigaw ng isang kawal at itinuro ng mga kawal sa kanya ang mga sibat at pana nilang dala. 

Agad na nilingon ni Charlie and likuran. Hindi nya inaasahang matutunton sya roon ng mga kawal. Napalibutan sya ng mga ito at sabay sabay na lumapit. 

"A-anong gagawin nyo? Saan nyo ako dadalhin ha?" Hinawakan sya sa dalawang braso at saka pwersadong kinaladkad papunta sa isang madilim at tagong lugar "A-ano ba? bitiwan nyo ako! mga walang hiya kayo! Bitiwan nyo ako!!!" Nagpumiglas syang makawala ngunit mahina talaga sya upang tumakas at tumakbo. Sa madilim na lugar kung saan sya kinulong ay may pumasok na babae. Magara at marangya ang suot nitong balabal at maraming suot na makukulay na kwintas at purselas sa katawan at pati ang baston nito ay may makulay ring palamuti. Tumatawa itong lumapit sa kanya at tuwang tuwa ito ng makita sya ng husay.

Hinaplos nito ang kanyang mukha at saka hinila ang buhok, "Sa wakas, nasa akin ka na rin. Maligayang pagdating sa ciudad ng Hattusa" Sa boses nito ay alam ni Charlie na ito ang narinig nya noon sa bathtub noong lumabas ang dalawang malahiganteng kamay. 

"S-sino ka? Pakawalan mo ako rito." nanginginig na sabi nya sa babae habang nakagapos.

Humalakhak ng maklakas ang babae at saka sinampal sya, "Nahihibang na ba ako? Bakit kita papakawalan, iha. Ikaw ang solusyon sa mga problema ko. Ipinatawag kita sa ngalan ng panginoong kong Teshub* (Teshub was a weather God in Hittite Mythology). Kailangan kita bilang isang sakripisyong birhen sa templo ng panginoong Teshub upang makamit ko ang aking hinihiling. Ikaw ang naging kasagutan na ibinigay sa akin ng panginoong Teshub sa aking mga katanungan."

Nagpumiglas sya at dinuraan nya sa mukha ang babae, "Ché, wala akong alam sa Teshub na iyan at wala akong pakialam sa katanungan mo! Ano bang gusto mo sa akin? bakit mo ba ito ginagawa"

Pinunasan ng babae ang dura na nasa kanyang mukha at saka sya hinampas ng baston. Pumutok ang mga labi ni Charlie at nagdugo ang mga iyon ngunit pa-angil syang tumingin muli sa babae. Hinila naman ng babae ang kanyang buhok at lumapit, "Malakas ang loob mo, Ang gusto ko, mamatay ang mga unang limang prinsipe na nakatakda sa trono bilang hari ng sa gayon pag namatay sila, wala ng magiging problema ang anak ko na sya naman ang pinaka bunso sa mga prinsipe." kumuha ito ng kutsilyo sa di kalayuan at itinutok iyon sa kanyang leeg. Nagtulo ang pawis sa nerbyos ni Charlie ng mga sandaling iyon at puno ng kalituhan ang kanyang utak.

"Alam mo ba na kapag naging sakripisyo ka na bilang birhen na babae mamaya sa templo ni Teshub ay isa-isa ng mamamatay ang mga naunang prinsipe, ikaw ang ipinakita sa akin kasagutan ni Teshub bilang sakripisyo at wala akong pakialam kung saang lupalop ka man ng galing. Mamaya maya lang ay matatapos ng paghihirap mo. Kailangan ko ng freskong dugo mo na unti-unting dumadaloy sa leeg pababa ng katawan. H'wag kang mag-alala, mabilis lang iyon. Ngunit kailangan ay hindi malaman ng Hari na nilalagyan ko ng sumpang kamatayan ang kanyang mga anak na nauna." biglang humalakhak ang babae ng malakas na ikinabahala naman nya, "Hindi mangyayari na malalaman iyon ng napaka-stupidong Haring si Suppiluliuma I" at saka tumalikod ang babae pagkasabi noon.

Namalagi ang takot at nanlamig ang buong katawan ni Charlie ng marinig ang lahat ng sinabi ng babae.  Gusto nyang pumikit at maniwalang isang panaginip lang lahat ng mga nangyayari sa kanya at hiling nya na sa pagmulat nya ay naroon na uli sya sa kanyang tahanan at kasama ang kanyang pamilya. 

Nabigo sya ng pagmulat ng kanyang mga mata ay naroon pa rin sya sa nakakatakot na lugar kung saan sya nadala ng mangkukulam na babae. May nabuhay na pag-asa sa kaibuturan ng kanyang puso ng maisip ang sinabi ng babae na hindi dapat malaman ng hari ang mangyayari sa mga prinsipe. Naisip nyang baka pwede syang mailigtas kapag nakita sya ng hari at sabihin ang totoo. 

Nagbalik ang tingin nya sa babaeng kanina pa pala sya tinititigan na nakangiti. "Hmmp!!! H'wag mo ng isipin na makakatakas ka sa mga kamay ko. Dahil hindi mangyayari ang iniisip mo! at tuloy ang bitay mo mamaya."

Matinding irap ang ipinukol nya sa babae, "Impossible yang sinasabi mo! Paano ito mangyayari, Halos mag-i-ika 21 siglo na. Sa ganitong 21st century, hindi pinapahintulutan ang mga ganitong uri ng bagay!" Tugon nya dito na hindi pa rin nalalaman kung nasaan nga talaga sya.

"21st Century? Doon ka ba nangaling? Well This is the Hittite Empire, I am the Queen of Suppiluliumas at isa akong Priestess na tagapagsilbi ng templo ng tubig sa ngalan ng kapangyarihan ng tubig." Sabad naman ng babae. Biglang may pumasok na isang kawal sa silid na iyon at lumuhod upang magbigay ng galang.

"Kagalang-galang na reyna Nakia, ang Emperor Suppiluliuma ay parating ho rito. Gusto raw po kayong makausap tungkol sa bihag na babae" Nababahala na sabi ng isang kawal sa babae.

Tumango naman ang reyna, "Takpan nyo ng mabuti ang bibig ng babaeng iyan upang walang sabihin. Hihintayin ko dito mismo ang Hari at ipapaliwanag ang gusto kong mangyari." utos nya sa isang kawal na agad naman nitong ginawa.

Sa hindi katagalan ay pumasok ang isang may edad na lalaki at may dala-dala rin itong baston. Nakabalabal ito ng puti at marangya ang suot nitong itim na magayad na damit, may malalaking gintong sing-sing rin ito sa kamay at lubid na kulay ginto ang sinturon nitong nakatali sa damit. sa harapan ay nagsipag luhod ang mga kawal upang mabigay ng galang. "Queen Nakia, Maari mo bang ipaliwanag kung bakit narito ang babaeng iyan na nakita sa bukal kaninang umaga?"

Matamis na ngiti naman ang isinagot ng reyna, "Nakalimutan mo na ba, aking Hari na hindi lamang ako isang Reyna, isa rin akong priestess na namamahala sa templo ni Teshub. Ang babaeng ito ay nangaling kay Teshub kaya kung isasauli natin ang babaeng ito bilang isang sakripisyo ay baka pwede syang magdala sa ating Imperyo ng isang magandang kasaganaan!"

Sumang-ayon naman ang Emperor at saka bumaling ng tingin kay Charlie, "Mukhang tama ka, Sige mamayang pahapon bago lumubog ang araw ay ihahanda na natin ang ritual na pagsasakripisyo." 

Nabahala si Charlie at hindi nakatakas sa paningin nya ang pag-ngiti ng reyna. Tiyak na nagbubunyi ang kalooban nito. Gustong sumigaw ni Charlie at isumbog sa Hari ang tunay na intensyon ng reyna Nakia ngunit hindi sya makapagsalita dahil nakasupapal sa kanyang bibig ang puting panyo.

Patuloy ang paghagulhol nya hanggang sa mayroong dalawang kawal na may dala-dalang malalaking itak ang lumapit sa kanya at damputin sya. Doon sya dinala sa harap ng isang malaking templo, at sa paligid noon ay puno ng tao na nag-sasaya rin at naroon upang hantungan ang kanyang kamatayan. Nakita nya roon sa royal seat ang lalaking kanina ay humalik sa kanya sa ilalim ng puno. Umiinom ito ng mamahaling red wine at saka kumakain ng ubas ng magtama ang kanilang mga mata. 

"Mahal na Prinsipe Mursili II, buti po ay nakarating kayo ngayon ng maaga. Ayaw ng Emperor na ma late kayo sa pagdating ngayon dahil bago lumubog ang araw ay kailagan daw natin magbigay ng rispeto sa panginoong Teshub at sakrispisyong gagawin ang reyna Nakia." sabi ng isang tagapaglingkod ni Kail Mursilis sa kanya.

"Ano na naman bang pakulo ang gagawin ni reyna Nakia, Tiyak na isa na naman itong malaking kabalbalan." sabi ni Kail habang naawang nakatingin sa nakaluhod at madungis na babaeng isasakripisyo kay Teshub. Kung hindi sya nagkakamali ay ito ang hinalikan nya kanina sa ilalim ng puno na hinahabol ng mga kawal. Hayun at biktima pala ni Nakia. Ang sakim na bagong reyna ng kanyang Ama. 

Nagsimula ng idaos ang ritual at nagsitaasan na ang palakol na mamaya lang ay babagsak na sa ulo ng dalaga.

"oh, mahal na panginoong Teshub, ihahatid namin sa inyo ang malinis at birheng babaeng ito upang bigyan kami ng kasaganaan sa aming Impero. Ngayon sa dugong dadaloy mula sa kanyang leeg ay sabuyan nyo kami ng marangyang buhay sa lahat ng mga Anatoliana." sabay hiyawan naman ang mga tao. Sabay rin na pumatak ang mga luha ni Charlie.

Oh Diyos ko! Ito na ang katapusan ko! Ina, Ama, Ate! Sorry. Hindi ko na ata kayang bumalik pa sa piling ninyo. Patak ang mga luha ni Charlie na akma namang ibababa na ang mga palakol.

Nagtigil ang serimonya ng itinapon ni Kail Mursilis ang Marangyang kopa sa palakol na ibababa na sana upang hatulan ng kamatayan si Charlie. 

"Kail! Anong ginagawa mo?  Hindi mo ba alam na isang insulto ang ginagawa mo sa harap ng ating panginoong Teshub?!" Hiyaw ni Nakia ng magambala ang serimonya. 

"Mahal kong Amang Suppiluliuma, pag-galang ang aking ginawa sa harap ni Teshub! Ang sabi nyo kagalang galang na reyna Nakia, kailangan birhen ang isakripisyo kay Teshub. Malamang hindi na pala birhen ang babaeng iyan ay hindi sya karapat dapat na isakripisyo!" angas ni Kail Mursilis sa reyna at sa amang Emperor.

"Anong ibig mong sabihin Kail?" litong nagtanong ang Emperor. 

"Inangkin ko na ang babaeng ito kanina sa ilalim ng puno ng acaccia. hindi ko naman alam na isa pala syang isasakripisyo. Kung alam ko ay di sana hindi ko na sya ginalaw. Humuhingi ako ng paumanhin" matapang na naging kasagutan ni Kail sa harap ng kanyang ama at saka dali-daling nagtungo sa babae.

"A-anong, P-pinuwersa mo akong makipag hali-" napigil sa pagsasalita si Charlie ng yakapin sya ni Kail at may binulong sa tainga.

"Kung gusto mo pang mabuhay, matuto kang makipaglaro sa akin ngayon." Natahimik si Charlie at nag- isip ng mabuti. Ito na ang pagkakataon nyang makaligtas mula sa kamatayan, bakit kailangan nyang maging tanga?

"Babae, Totoo ba ang sinasabi ng anak kong si Kail, sabihin mo?" paniniguradong tanong ng Emperor Suppiluliuma.

Tumango lang si Charlie, ubod ang kaba at nerbyos nya ng mga oras na iyon. Sa sobrang kaba nya ay hindi nya napansin na binuhat na sya ni Kail at nagsimula na silang umalis palayo.

"Hindi yan totoo! Sinungaling ka, kahapon ko lang ipinatawag ang babaeng iyan, paano mo-" naputol ang dapat na sasabihin ng reyna ng magsalita si Kail Mursilis II.

"Kung hindi ka naniniwala ay bakit hindi mo tanungin mismo sa babaeng ito." at saka tumingin si Kail sa babaeng buhat-buhat. "Hindi ba't pati ikaw ay naalala mo ang mainit na pinagsamahan natin sa ilalim ng acaccia kahapon?"

Hindi magawang makapagsalita ni Charlie at tanging tango lang ang nakaya nyang isagot sa kausap kahit alam nyang halik lang naman ang pinagsaluhan nila ay wala syang magagawa kundi ang tumango na lang upang makaligtas lamang sya sa kapahamakan. Nakangiting ibinaling muli ni Kail ang tingin sa reyna. "H'wag kang mag-alala reyna Nakia, magpapadala ako ng isang daang birheng kambing at birheng baka bilang paumanhin kay Teshub!"   

Continue Reading