Long Distance II

By riiisz

132 2 5

Isa po itong kwento ng aking "TUNAY NA BUHAY NG AKING KABATAAN" non-fiction story po ito na aking ginawa para... More

I
III
IV
v
VI
VII

II

35 1 3
By riiisz

Ang we-weird nila!!

Wala naman akong ginawa pero tinitignan nila ako sa Toilet tapos nung paharap na ako sa kanila umalis sila.

Anong mga problema nila??

Hindi ko na pinoblema yun at lumabas narin ako ng Toilet. Ang Problema ko naman ngayon ay kung saan ako pupunta.. Ayoko na namang bumalik sa canteen at makisama sa table nila Jenica dahil for sure hanggang ngayon ay pinagtitinginan parin sila ng mga tao dun, kung bakit naman kasi masyado silang PDA. Asar!!!

Naglakad-lakad nlang ako at nag hanap ng mapupuntahan.. Sakto naman sa hindi kalayuan may natanaw akong parang Canteen infareness naman sa sobrang laki ng University meron itong 3 pwesto ng canteen.. Don ako pumunta at maghihintay sana ng oras pero ng makarating ako ay puro college ang nandon nahiya naman ako kaya naisip ko nalang na bumalik at maghintay nalang sa labas ng lab.

Nang biglang may tumawag sa akin..

Risz!!

Nagulat ako dahil tinignan ko pa talaga ang buong canteen kanina at puro college ang nandon. Takang taka ko itong nilingon.. Nakita ko naman ang Isang matangkad na lalaking naglalakad papalapit sa akin. Gulat na gulat ako dahil college uniform ang suot nito at hindi ko talaga ito kilala. Huminto lang ako at hinintay ko siyang makalapit.

Hi Risz!! ako nga pala si Nick. at inilahad ang kamay.

Pano mo nalaman pangalan ko?

Kapit bahay mo ako hindi mo lang siguro ako nakikita, pero kaibigan ko sila Jk.

Ha? Talaga? Pasensya kana parang ngayon nga lang kita nakita..Hindi ka siguro lumalabas sa inyo..

Ikaw ang hindi masyadong lumalabas.. Lagi ka kasing nag kukulong sa inyo e. Bat ka pala napadaan dito?

Ah kasi dami tao dun sa isang canteen malapit sa comp. lab. e. Hindi ko alam na para pala sa mga college tong Canteen dito.

Hindi naman. Nagkataon lang na puro college ung mga naka tambay now, maaga kasi kami denismissed ng prof. namin. Tara dito ka nalang muna pakilala kita sa mga kaibigan ko.

Naku wag nalang nahihiya ako eh.. isa pa puro kayo college jan eh..

Wag ka ng mahiya kasi wala din namang hiya yang mga yan..

(Inakbayan ako nito papunta sa canteen, tinignan ko ang relo ko at sinabing oras ko na para pumasok sa susunod kong subject para kumawala dito.)

Tumakbo nalang ako papalayo.

Nang malapit na ako sa Building namin ay naglakad nalang ako ang totoo noy mayroon pang 10 mins. bago ang susunod naming klase. Binagalan ko nalang ang lakad ko, balak ko noon ay pipila nalang ako sa labas ng comp. lab. Pero ng huminto ako sa labas ng Lab. ay may tumapik sa balikat ko. Si Nick sinundan pala niya ako. Gulat na gulat ako at wala na akong nasabi.

Risz bawal tumambay dito dahil pag nalaman ng next subj. Teacher niyo na maaga kayong pinalabas ng last subj. niyo malalagot siya.

Ha? Pano mo nalaman na maaga kaming pinalabas?

After 12 kasi wala ng nagbbreak. chaka oviously parang yung mga classmates mo nasa canteen pa. Alam mo tara dun nalang tayo sa canteen sa mga classmates mo.

Nag punta na kami sa canteen ang awkward nga lang kasi naiisip ko na nalaman niyang nagsinungaling ako sa kanya kanina..Mabuti nalang at may nabakanteng 1 table pag dating namin sa canteen. Pag upo namin ay tense na tense ako dahil nahihiya talaga ako sa kanya.

Tahimik ka pala? Sabi ni Jk madaldal ka daw at bungisngis pero parang hindi naman.Nakangiting basag ni Nick sa katahimikan namin. Sabay abot ng juice na binili nito.

Salamat, ah ganito lang talaga ako sa una lalo na pag hindi ko pa kilalang masyado mga kasama ko. Pasensya kana pala kanina ah kasi nahihiya ako sa mga kasama mo isa pa kung sumama ako sayo kanina magisa lang akong highschool don mas lalong nakakahiya.

Wala yon. Ano ka ba naiintindihan ko. Kaya nga sinundan nalang kita e.Any way Risz mag tatime narin kasi babalik nako dun, iniwan ko kasi yung mga gamit ko sa canteen. Una na ako ha.

Sige ingat ka, Salamat dito ah. See you again.

(Ngumiti lang ito at nagmamadali ng tumungo sa kabilang building..)

Pumila nadin naman kami sa pintuan ng Lab. pumunta sa likod ko si Jenica tinanong niya ako kung paano ko nakilala yung lalaking kasama ko kanina at kung boyfriend ko ba daw ito. Sinagot ko lang itong hindi at pumasok na kami.

Maaga kaming natapos noon dahil ang dalawa pa naming subject ay maaga kaming pina pasok at dinismissed. Grabe ang daming tao naglalakad kami papuntang gate pero parang hindi umuusad ang pila namin sa dami ng nag aaral dun. mula elementary hanggang college. Pag labas naman ng gate maraming nakapilang jeep pero halos puno na lahat. Tinamad narin akong maglakad ng maglakad kaya naghintay nalang akong makasakay na ung mga tao at naghintay nalang ako ng hindi punong jeep. Siguro'y 30 mins. din akong naghintay bago maka sakay. Nastress ako sa dami ng tao pag sakay ko ng jeep ay salo ko ang aking ulo. Sumakit ang ulo ko sa sobrang dami ng tao at sa sobrang init siguro ay hindi lang ako sanay ng ganon.. Hindi ko naman namalayan na nakatulog na pala ako, nagising nalang ako ng biglang nagsalita ang kundokdor na nasa Astro na kami bigla naman akong humugot ng pang bayad sa aking bulsa, Ngunit pinigilan nang aking katabi ang kamay ko sa pag abot ng bayad.

Binayaran na kita.

(Tinignan ko ito. Si Nick iyon at nakatawa pa.) Pilit kong ibinibigay ang pera ko sa kanya kapalit ng ibinayad nito sa Jeep pero hindi niya iyon tinanggap. Naglalakad kami papuntang terminal papauwi sa amin nang may tumatawag nanaman sa akin. Si Dessa. sabay-sabay na kaming umuwing tatlo. Pero nauna na kaming bumaba ni Nick dahil bago mag terminal ay kanto namin. Habang naglalakad kami ni Nick ng nakipag kwentuhan siya sa akin at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong namin si Jm at ang girlfriend niya. Hindi ko na itatanggi na sa twing nakikita ko sila ay nandon parin ang sakit at lungkot na nararamdaman ko. Malayo pa sila ay alam ko ng sila na iyon dahil kabisado ko na ang porma at ang tipo ng paglalakad ni Jm. Nang malapit na kami biglang natigilan ako sa pagsasalita, buti nalang sinave ako dun ni Nick...

Risz ako na ang magdadala niyan. Kasabay ng pag kuwa nito sa yakap kong Folder mga pamplete iyon ng mga clubs na ibinigay sa amin...

Hindi Nick kaya ko na to hindi naman mabigat sabay natawa nalng ako sa kanya kasi para siyang sira na pilit akong pinapatawa sa pag kulobot ng muka nito na parang bata.

Saktong iginilid niya dahil sa dumaang sasakyan. Sa dako naman namin ay may tindahan at nagpahintay ito dahil magpapaload daw siya. Sa pagkakataong iyon akala ko ay ok na dahil akala ko pag tapos na magpaload si Nick ay nakalayo narin sila Jm at hindi ko na makikita ang mga ito. Ngunit pag lingon ko ay saktong nasa likuran ko lang si Jm. Na tense na nanaman ako kaya tinabihan ko nalang si Nick at tinanong kung hindi pa siya tapos.

Teka lang wala pa yung text eh.

Ang tagal naman.. sabay pagilid ko ng mata kay Nick at muka namang nagets niya.

Inakbayan ako nito at sinabing "itext mo ako mamaya ha? Hihintayin ko sabay ipit ng ilong ko."

Oo na...

Umalis na kami kahit wala pa ang load niya..Habang naglalakad kami ay kinausap ko siya at nag pasalamat dito..

Nick Thank you ha, your my savior... Hindi ko kasi talaga alam kung paano ako magiging natural pag nakakasalubong ko siya o pag nakakasabay.. Minsan kasi feeling ko parang tinititigan ko siya, kung minsan naman parang nafefeel ko na parang nagiiba ung expression ng muka ko pag nakikita ko sila. Ewan ko ba basta ganun..

Ok, lang yon Risz pero may utang ka sakin kaya kailangan mo magbayad.

Ha? e kanina binibigay ko na kasi sayo yung binayad mo sa jeep e, Ayaw mo pa kunin.

(Kinapa ko ang bulsa ko para kumuha ng ibabayad ko sa kanya pero pinigilan ako nito.)

Hindi pera kailangan ko.Here! (Abot ang cellphone niya) Gusto ko sanang makuwa number mo kung ok lang sayo...

(Kinuwa ko na ang cellphone nito at sinave ang number ko.)

Oh! eto na ha.. Salamat ulit! Una na ako sayo ha baka pag nakita tayong magkasabay nag lalakad ng mga kapit bahay pag chismisan pa tayo. Pag nagkataon patay ako sa Lolo ko. Ganito nalang bagalan mo lang ha! Mauuna na ako sayo ha. Thank you ulit. bye!

Sige, Thank you din Bye!!

Continue Reading

You'll Also Like

421 34 8
JHAMIA KIT NAVARRO bente sinco edad na at may sarili ng kompanya na ipinamana sakaniya ng kaniyang lolo at lola na magulang ng kaniyang ina Sa labas...
2.5K 174 9
An Austen-themed book club for aspiring Filipino writers. O P E N : currently in need of members
40 0 15
This story is about Carl Santillan.The best man in the wedding of his two bestfriends that will be soon to be husband's and wife.
27K 1.5K 76
In her past life, Samantha died at the hands of the person she trusted the most. Though he didn't kill her directly, he was the reason for her early...