-Raine's POV-
makalipas ang ilang minuto...
este ilang oras na paglalakad...
nakarating na din kami sa wakas...
alam nyo yung feeling na parang gusto mong sapakin ang kasama mo...
di mo lang magawa at baka mangyari ang nangyari sa apat na lalaki kanina...
paano ba naman ako hindi maiinis...
*30 minutes ago*
"Renz, saan ba tayo pupunta?" -tanong ko sa kanya...
tinignan nya ako at ibinalik ang tingin sa daan...
"Renz, narinig mo ba ako?"
"oo, pupunta tayo kina Lucas..."
"saan ba sina Lucas?"
"malapit lang daw dito ehh" inis na sagot nya...
'malapit lang dito? ehh kanina pa tayo naglalakad at nagpapauli uli..."
"malapit na tayo..."
"talaga?"
"oo"
"Renz, sagutin mo nga tanong ko..."
tumingin siya sa akin
"ano yun?"
"alin ang kanan at alin ang kaliwa?"
"HUH??? hindi mo alam? ang kanan ay Left ang kaliwa ay Right..."
"Renz, ano number ni Lucas?"
"bakit?"
"my itatanong lang sana ako sa kanya?"
"ano itatanong mo?"
"basta..."
binigay nya sa akin phone nya at kinuha ko number ni Lucas...
then tinawagan ko...
"hello? who is this?"
"Luke... si Raine ito..."
"ohh Raine nasaan na kayo?"
"umh... nasa may *lumingon lingon ako* malapit sa isang simbahan then sa tapat ay my mga kainan..."
"ohhh anong ginagawa ninyo jan? ang layo nyo na ahh..."
"HUH???"
"ganito, sabihin mo kay Renz, magsimba muna kayo, hintayin nyo ako, sunduin ko na lang kayo jan, wag mong sabihin na susunduin ko kayo, at mababadtrip yan...gumawa ka na lang ng excuse...pupunta na ako jan..."
"ok sige"
tinignan ko ang casanova kong kasama, at nakatingin siya sa mga babae...
tsk...
"Renz..."
"Rai-chan, saglit lang huh..."
"huh?"
"hindi ko na kasi matiis"
"o-ok..."
hindi na matiis ang puntahan ang mga babae?
tsk...
napakacasanova talaga nya...
tinitignan ko lang siya sa paglalakad nya...
nagulat ako ng nilampasan nya ang mga babae at dumiretso sa isang tindahan...
ilang minuto ang nakalipas at di pa siya nabalik...
*current time*
nakakainis naman ang lalaki na ito,
una naligaw kami
pangalawa iniwan na ata ako...
sinundan ko siya, kaso hindi ko pa din siya makita...
medyo naiiyak na ako...
iwanan ba naman ako...
ehh alam naman niyang hindi ako taga dito...
sinubukan kong makabalik kung saan kami tatagpuin ni Lucas...
pero wala...
nadala ako sa siksikan ng mga tao..
natulak ako kaya.... wala.... naligaw na ako ng tuluyan....
sinubukan kong tawagan si Lucas kaso walang signal :(
"hi miss"
biglang my sumulpot na dalawang lalaki...
inakbayan ako at pinilit sumama sa kanila...
naiiyak na ako sa sobrang takot
bumabalik na naman ang naramdaman ko noon...
please... somebody, anybody, help me... :'(
"huwag kang mag-alala miss, paliligayahin ka namin..."
"oo nga miss, saglit lang pati eto..."
nag-evil grin sila
nasa my eskinitang daan kami
tago at wala masyadong nadaan...
tinulak nila ako
dahil di din naman ako makakatakbo
dead end...
"TULONG!!!!! TULUNGAN NYO AKO!!!!"
bigla sila tumawa....
"HAHAHAHAHA kahit anong sigaw mo, walang magagawa yan, wala makakarinig sayo..."
sinubukan ko tumakbo sa direction nila at tumakas....
kaso naharang agad ako...
at sinuntok sa sikmura
kaya napaluhod ako...
lumapit silang dalawa sa akin...
tinakpan ang bibig at ilong ko para hindi ako makahinga....
at unti-unti na tinanggal ang mga damit ko...
mga walang hiya...
unti-unti nawawalan na ako ng malay...
unti-unti nila akong pinapatay sa ginaga nila...
"pare mukhang sinuswerte tayo sa isang ito..."
"ang kinis ng balat ohh..."
nawalan na ako ng malay...
biglang my sumampal sa akin...
"hoy babae!!!"
napatingin ako sa nagsasalita, nahihilo pa din ako...
bigla nyang hinagis ang jacket nya sa akin...
"suotin mo yan..."
"R-Renz???"
"sa susunod na aalis ka, magsabi ka, hindi yung pinag-aalala mo ang kasama mo!!!!"
galit na sabi nya
"a-anong nangyari?"
lumapit siya at umupo sa harap ko...
"ano sa tingin mo ang nangyari?"
napahagulhol ako ng iyak...
sige na ako na ang iyakin...
pero trauma ko na kasi ito...
dahil sa ginawa sa akin before...
"takte... Rai-chan naman wag ka ngang umiyak jan..."
"s-sorry... k-kasi... h-hinanap k-kita *sob* t-tapos *sob* b-bigla na lang... huwaaaaaaaa :'( "
bigla nya akong niyakap...
"sorry... dapat di kita iniwan kanina nung bumili ako... sorry kung natakot ka... sorry kung nagalit ako... tahan na... andito na ako... wag ka ng umiyak... Raine..."
napatingin ako sa dalawang lalaki na nakahiga sa sahig...
"Renz? gangster ka ba?"
"alam mo Rai-chan, bigla bigla ka na lang nabanat jan, bakit mo naman naitanong yan?"
"kasi kanina yung apat na lalaki, tapos ngayon itong dalawang lalaki"
"oo gangster ako, mahilig ako makipag-away, pero demonyo ako..."
napatitig ako sa kanya
demonyo?
"oo Raine, demonyo ako... yun ang isa kong katauhan... na ayaw kong ipakita sa iyo..."
demonyo?
parang hindi naman...
ayaw ipakita sa akin?
kaya ba pinapikit nya ako kanina?
hindi ko maintindihan
pero mas gusto kong huwag na alamin...
my nagsasabi sa akin
na hindi pa ito ang oras para malaman ko ang tungkol dito...
basta ang alam ko...
mabuti na lang at naging kaibigan ko siya...
naalala ko tuloy sabi ni Luke...
“ayan, hindi ka na dapat matakot sa kanya, dahil kinilala ka na nyang kaibigan ko at tinuring ka nyang kaibigan…”
medyo naiintindihan ko na ibig nyang sabihin...