Obey Him

By JFstories

26.9M 1M 352K

He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's leg... More

Prologue
Jackson Cole
...
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
The Final Chapter
Epilogue
RNS
OH Uncut Collection

Chapter 4

486K 19.1K 7.5K
By JFstories

HINDI AKO MAPAGKAKATIWALAAN?


Maybe like my mom, iniisip niya na hindi ako pwedeng pagkatiwalaan. Dahil kahit bago na ang panahon, hindi pa rin nagbabago ang paniniwalang kung ano ang puno ay siya rin ang bunga. Sa huli, makakagawa rin ako ng bagay na ikasisira ko at ikasisira niya.


"I understand..." Nalulungkot na tumango ako. Kung ganoon, hindi ako matutuloy sa university. Hindi ako makakapag-aral ng college.


Nakatingin pa rin siya sa akin. Ako naman ay hindi makagalaw sa kinatatayuan ko. Dapat umalis na ako, ang kaso parang tanga ang katawan ko na ayaw gumalaw.


Napagod siguro siya sa kakatingin sa akin kaya bahagya siyang umiling. "Fran."


Yes, that's right. Mas gusto ko na "Fran" o "Frantiska" na lang ang itawag mo sa akin kaysa kung ano pa man. Hindi naman ako espesyal.


"Are you mad?"


"Ha?" Napatingin ako sa kanya. Wala siyang emosyon.


"You looked mad."


Kandailing ako. "H-hindi po." Ano naman ang karapatan kong magalit? Meron ba? Kahit nga magtampo, wala.


Pinisil niya ang ilong ko na aking ikinagulat. "I want you to go to your room now and sleep."


Kailan pa siya naging touchy. At bakit ang ilong ko?


...


Naging magaan naman ang buhay ko sa bago kong tirahan. Mabait ang mga kasambahay, maliban kay Mrs. Cruz na palaging tila problemado sa buhay. Pero so far, okay ako rito. Nami-miss ko nga lang ang aking yaya na si Manang Nora sa Davao.


Alas-sinco na ng hapon, gusto ko sanang mamasyal sa hardin nitong mansiyon ang kaso, pinagbawalan ako ni Mrs. Cruz na lumabas ng kabahayan. Okay lang naman. Hindi naman ako nabo-bored dahil sanay naman ako na nasa kuwarto lang, kahit noong nasa Davao pa ako.


Kung hindi ako mag-aaral ng college, malamang na dito na nga lang talaga sa kuwartong ito ako mabubulok. Wala naman akong magagawa, hindi ko kaya ang sarili ko. Hindi ko kaya si Uncle Jackson.


Tumayo ako sa tapat ng salamin. Hawak ko sa kamay ko ang lip tint na bigay sa akin ng isa sa mga batang kasambahay na si Ate Minda. Nahuli ko kasi siya kanina na nagbebenta ng lip tint sa ibang kasambahay, kaya ito, binigyan niya ako ng isa. Libre ito dahil alam naman niyang wala akong pambayad.


Dalaga na ako. Hindi na masama kung magsisimula na akong magpaganda, di ba?


Naglagay ako nang kaunti sa pisngi at sa mga labi ko. Agad iyong kumulay kahit kaunti lang ang inilagay ko, natural lang ang dating kaya okay lang. Mukhang safe naman itong lip tint dahil organic ito.


Natigil lang ako nang biglang bumukas ang pinto. Hindi ko nga pala iyon nai-lock kanina. Sumilip sa pinto ang seryosong mukha ng mayordoma ng mansiyon na si Mrs. Cruz. Agad kong itinago sa likuran ko ang lip tint.


"Wala ka bang balak na lumabas?" tanong niya na walang kangiti-ngiti.


"Ah, palabas na po ako. Tutulong po ako sa pagluluto niyo ng dinner natin."


"Hindi ko kailangan ang tulong, kaya kong magluto mag-isa."


Oo nga pala. Sa dinig ko sa kwentuhan ng mga kasambahay ukol kay Mrs. Cruz, pagdating daw sa pagluluto ay ayaw nitong may nakikialam dito.


"Tulungan mo na lang si Minda na maglinis-linis para naman may magawa kang makabuluhan."


Sa second floor ko natagpuan si Ate Minda, twenty-three daw siya. Panganay sa apat at breadwinner ng pamilya. Tubong Leyte siya. Chubby, kikay at palangiti. "Hi, Ate Minda. Saan po ako makakauha ng dust cloth?"


"O, Miss Fran. Bakit ka andito? Saka bakit ka naman naghahanap ng basahan?"


"Tutulungan ko po kayong maglinis dito."


"Naku, ano ka ba naman?" Natatawang ikinumpas niya sa hangin ang kanyang kamay. "Bakit mo naman ako tutulungan? Trabaho ko ito, ano?"


"Pero wala naman po kasi akong ginagawa..."


"Alam ko na." Nagkamot siya ng pisngi. "Puntahan mo na lang sa kusina iyong mga kape na pinatimpla ko kay Ate Vicky, 'tapos ikaw na ang magdala don sa study room ni Sir Jackson."


Tumango ako.


"Sayang."


"Ha?" Nagtatakang nilingon ko siya. "Anong sayang?"


"Sayang 'kako. Ako sana ang magdadala nong mga kape ron sa study room e, ito naman kasing si Mrs. Cruz, minadali ako na maglinis dito sa second floor," nakangusong sumbong niya.


"Ako na lang ang magdadala ng mga kape. May bisita po ba si Uncle?"


"Oo! Mga kaibigan niya!" Nagliwanag ang bilugang mukha ni Minda. "Mga guwapo!"


"Talaga?" May mga kaibigan pala si Uncle Jackson.


"Oo. Mga kasosyo niya rin yata sa negosyo dahil puro pera ang naririnig kong pinag-uusapan nila."


Kung ganoon ay mayayaman ang mga kaibigan na iyon ni Uncle Jackson. Sabagay, hindi naman siya ang klase na makikipag-kaibigan lang kahit kanino. Parang namimili siya, o mas tamang sabihin na mailap siya.


"Sila iyong may ari nong dalawang sportscar sa ibaba. At ang babango nila, Fran!" Naninirik ang mga mata ni Ate Minda. "Minsan lang magawi ang mga iyon dito, pero sulit. Wala akong tulak-kabigin! Lahat subo-kain-lulon!"


Napahagikhik ako. Mukhang makulit at masayahin talaga si Ate Minda.


"Dalawa lang iyong ngayon e, pero minsan kompleto sila. Ang paborito ko sa kanila ay si Sir Acid, may ari siya ng Thunderwood Homes, Thunderwood Subdivision at Thunderwood Land! Meron din siyang mga condo na pagmamay-ari. Ang kaso, may asawa na."


Kilig na kilig si Ate Minda habang nagpapagpag ng mga sofa at nagkukuwento.


"Pangalawa naman sa crush ko ay si Sir Ala. Kaso sobrang madalang pa sa bluemoon kung magpakita dito. Pumupunta lang 'pag magpapa-areglo ng kung ano sa daddy ni Sir Jackson. Pero guwapo rin iyon, sobra. Bad boy looking nga lang kasi maraming tattoo."


"Kahit gaano sila kaguwapo, wala namang mas guguwapo pa sa uncle ko."


"Ay, sabagay, bias tayo!" Hagikhik na naman ang babae. "Basta lima silang lahat na kaibigan ni Sir Jackson, lahat sila guwapo. 'Kaso mga tahimik. Pero mas okay naman sa lalaki ang tahimik kaysa madaldal, di ba? Like Sir Jackson, bilang din sa daliri ang mga salita."


Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko ang madaldal na lalaki. Iyong palabiro. Iyong hindi ako mapapanisan ng laway at hindi kakabahan sa kakaisip kung ano ang tumatakbo sa isip niya.


Mukhang marami pang kwento si Ate Minda pero nagpaalam na ako at baka lumamig na ang kape. Kumaway na ako sa kanya para magtungo sa kusina.


"Bakit wala ka sa second floor?" sita sa akin ni Mrs. Cruz nang makasalubong ko siya. May bitbit siyang malaking kaserola. "Ngayon mo pa talaga naisipang maglibot-libot kung kailan may bisita si Jackson."


Hindi na ako nakapangatwiran dahil tinalikuran niya na agad ako.


"Bumalik ka sa second floor at maglinis ka ron!"


Nang makita ko ang tray ng mga kape sa ibabaw ng kitchen table ay pasimple ko na agad iyong kinuha. Hindi ko na hinintay na lumingon si Mrs. Cruz, umalis na agad ako. Sa study room ako pumunta.


Dahil bitbit ko ang tray na may lamang dalawang tasa ng kape at mga kutsarita ay hindi ko na nagawang kumatok. Good thing dahil nakabukas naman ang pinto. Pumasok na agad ako sa loob.


Si Uncle Jackson agad ang nakita ko. Nakatayo siya sa tabi ng bintana at may hawak na goblet sa kaliwa niyang kamay. Lumingon siya sa akin at agad na nangunot ang kanyang noo.


"Whoa! And who are you?"


Napalingon ako sa lalaking nakaupo sa swivel chair. Nakataas ang kilay nitong may ahit sa gitna. Guwapo ito, may hikaw sa kaliwang bahagi ng matangos na ilong, makakapal ang kilay at pilik-mata, mukhang may lahi dahil sa tingkad ng pagkakulay itim at abo ng mga mata nito.


Sa sofa naman ay may isa pang lalaking nakaupo. Kulay berde naman ang mga mata nito at katulad ng naunang lalaki, guwapo rin ito. Ngunit mas mabait ang bukas ng mukha kaysa sa isa. Kapansin-pansin din ang malabong pilat na guhit ekis sa kaliwa nitong pisngi.


Inipag ko sa harapan ng sofa ang tray ng mga kape. Sila pala ang mga bisita ni Uncle Jackson. Sa tingin ko ay hindi nagkakalayo ang mga edad nila, mid twenties or early thirties.


"Who's she, Jackson?" tanong muli ng lalaki sa swivel chair na may ahit sa gitna ng kaliwa at kanang kilay. Simpatiko ito ngunit sa maangas na paraan.


"My stepdaughter," salat sa emosyong sagot ni Uncle.


Napapalatak ang lalaki. "Your what?"


"She's the daughter of my late wife."


"Nah!" Inikot nito ang swivel chair at ipinatong ang mga paa sa ibabaw ng study desk. "Are you fucking with me, man?"


Nagkadaubo sa pag-inom sa hawak na goblet si Uncle Jackson. "Why should I fuck with you?! You asshole!" Pulado ang mukha niya sa asar.


"Because she could pass as your lover, man."


"Shut up!"


"Or your sex slave perhaps—"


Binato ito ng kutsarita ng lalaking nasa sofa, iyong may ari ng berdeng mga mata.


"What the fuck, X?!" Nasalo nito ang kutsarita sa ere.


"Your filthy tongue, Sanvictores."


"This filthy tongue is in demand, Xerxes Batalier." Tumayo ang lalaki at lumapit sa akin bitbit ang sinalong kutsarita. "Hi, Señorita."


Nakakagulat. Alam ko naman na matatangkad sila, pero hindi ko akalain na halos kasinglaki niya si Uncle Jackson. Hanggang dibdib niya lang din ako at tingin ko ay kakasya ang buong mukha ko sa palad niya.


Saka ko lang napansin na may hikaw rin siya sa dila. Naiilang na nginitian ko siya. "H-hello..."


"I'm Roosevelt Sanvictores."


"Nice meeting you. I'm Frantiska—" Bigla niyang hinila ang isang kamay ko at ikinulong sa malaki niyang palad.


"Let go of her hand, Bullet." Tila kulog ang boses na nagpapitlag sa akin. Agad kong nahila ang aking kamay palayo sa may hawak nito.


"It's Volets, man." Nakasimangot ang lalaki sa harapan ko.


Tumikhim si Xerxes. "Onti na lang, Voltes V na."


"Fuck you, psycho!" Gigil na lingon dito ni Roosevelt Sanvictores.


"Psycho?" Umismid si Xerxes sa kanya. "As far I remember, ako lang ang matino sa atin, Volets Man."


"Whatever!"


Inilapag ni Uncle Jackson sa mesita ang goblet na hawak-hawak. "Pwede na kayong umalis."


"All right. Just inform us when will you be available for the site visit," malumanay ang tinig na tumayo na si Xerxes. Pero hindi si Roosevelt.


"Try visiting the RNS Underground nextweek, Jackson. Ilang meeting ang wala ka. Wala kang kamalay-malay na inuubos na namin ang pera mo sa stocks."


"I trust Acid. As long as he's there, hindi niyo ako malalamangan."


"Sinalvage ko na si Acid, di mo ba nabalitaan?"


"Gago. Tara na nga." Tumayo si Xerxes at hinila sa kwelyo si Roosevelt Sanvictores o Volets o Bullet. Itinulak niya ito palabas ng pinto.


"Welcome back again, Xerxes."


"Thanks, man. I'm planning to stay here in the country for good."


"Good for you."


"And goodluck to your candidacy."


Tumango si Uncle Jackson sa dalawa. Mukhang hindi lang sila ang kaibigan at kasosyo ni Uncle Jackson, mukhang marami sila. Mukha silang hindi basta-basta. Mukhang hindi lang milyon ang pera nila, parang higit pa. At tingin ko, mukha lang maloko iyong Voletz, pero mabait naman ito.


Nang kami na lang sa loob ng studyroom ay isang malamig na tingin ang ipinagkaloob niya sa akin. "That's one of the reasons why. You can't just trust people you just met, you shouldn't just smile at anyone, or even make eye contact with them."


Napayuko ako nang magsimula siyang lumakad. Bigla ang ahon ng rebelyon sa dibdib ko.


"You're too naïve for your own good."


Naikuyom ko ang mga palad ko. Bakit ganito niya ako pagsalitaan? Bakit parang sa simpleng pagkausap ko sa kaibigan niya ay napakasama ko na?


Huminto siya isang hakbang mula sa kinatatayuan ko. Dama ko ang mainit niyang tingin sa akin, at ang pagtama sa ulo ko ng kanyang paghinga. Nanginig ako sa galit na hindi ko alam kung saan nagmula.


Umiwas ako ng akma niya akong aabutin. Umatras ako palayo sa kanya.


Natigilan siya. "Fran—"


"Sana hindi na lang namatay si Mama... sana hindi na lang siya namatay at sana hindi ka na lang niya pinakasalan. Di bale nang maghirap ang pamilya namin, basta hindi ako parang presong nakakulong! You're a selfish man!" Nang tingnan ko siya ay nasa mukha niya ang pagkagulat.


Kahit naman ako ay nagulat din sa mga nasabi ko. Dahil tanging ngayon lang ako nakapagsalita sa kanya nang ganito.


Mabilis akong tumalikod at nanakbo palabas ng study room. Dumiretso ako sa kuwarto ko at agad na nagkandado ng pinto.Takut na takot ako. Hindi ko siya nakitang nagalit subalit alam kong kasunod na iyon ng kanyang pagkagulat.


"B-bakit ko ba nasabi iyon?" Napalingon ako sa salamin na nasa tabi ng aking kama.


Magulo ang buhok ko at namumula ang aking ilong. Nasa mukha ko ang pagsisisi ngunit nasa mga mata ko pa rin ang inis at pagrerebelde. Napapitlag ako ng makarinig ako katok sa pinto.


Siya ba iyon?


Pero mahihinang katok lang ang aking naririnig. Hindi mabibigat, hindi galit.


"Fran."


Napaurong ako.


"Fran, open this." Kasunod ay mga katok.


Hindi ko binuksan. Nakatitig lang ako sa pinto hanggang sa tumigil na ang mga katok.


Hinintay ko na maulit ang mga katok pero wala na akong narinig pa na kasunod. Lumipas ang isang oras, na boses ni Mrs. Cruz naman ang narinig ko mula sa labas ng pinto.


"Hindi ka kakain ng hapunan?"


Lumapit ako sa pinto pero hindi ko iyon binuksan. "H-hindi po ako nagugutom..."


"Bahala ka sa buhay mo! Papansin!" Kasunod niyon ay mga yabag na papalayo.


Kumakalam ang tiyan ko pero ayaw kong lumabas dahil alam ko na makakasalo ko sa hapag si Uncle Jackson. Nahihiya ako sa kanya. Sumapit ang alas onse ng gabi, gutom na gutom na ako. Tumayo ako mula sa kama at lumapit sa pinto. Idinikit ko ang tainga ko ron para makiramdam.


Umalis kaya si Uncle Jackson? O tulog na kaya siya?


Bahala na. Nagugutom na talaga ako. Lalabas na ako.


Pipihitin ko palang sana nang biglang may kumatok mula sa labas. Nanigas ang katawan ko ng kasunod ay marinig ko ang mababang boses ni Uncle Jackson.


"Are you still mad, Fran?"


Hindi ako makasagot.


"Can you open the door? I want to see you."


Muli siyang kumatok.


"I know you're there. Can you open the door for me?"


"M-matutulog na ako..."


Bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit ba gusto niya akong makita? Para ano? Para mapagalitan niya ako?


"You can go to college. Now open the door."


Natulala ako sa pinto. Tama ba ang narinig ko?


Seryoso ba siya? O niloloko niya lang ako? Pinapasakay niya lang ako?


Tila nababasa niya ang isip ko na sumagot siya. "I'm serious, Fran. And I honor my word."


Naluluha akong lumapit sa pinto at marahang binuksan iyon. "Thank you."


Hindi ko na napigilan ang sarili ko, inilang hakbang ko ang pagitan namin saka ko siya niyakap sa bewang. Huli na para marealize ko na kahit kailan ay hindi ko pa nagawa sa kanya ang bagay na ito.


Maski si Uncle ay nanigas dahil sa nagawa ko. Naiwan sa ere ang mga kamay niya.


I bowed my head; I couldn't look at him. "S-sorry. M-masaya kasi ako at hindi ko—" hindi ko natapos ang pagsasalita nang higitin niya ako.


He pulled me back in and just held me.


Ako naman ang natulala. Ngunit sandali lang ay gumanti ako ng yakap sa kanya. Napakasaya ko. Sa wakas, mararanasan ko na ang mabuhay nang normal.


"I'm giving you a chance to prove yourself. Don't disappoint me, doll," bulong niya sa akin habang hinahagod niya ang likod ko.


Naiiyak akong tumango. Magpapakabait ako. Mag-aaral ako nang mabuti. Hindi ko sasayangin ang tiwala niya sa akin.


"Thank you..." Nang tingalain ko siya ay seryoso ang kanyang mga mata habang nakatingin siya sa akin.


"Just be a good girl. Obey my rules and I'll give you everything you want."  


JF

Continue Reading

You'll Also Like

19.1M 225K 36
Meg is a bitch--and she continues to be one upon knowing that Daniel only married her for his wealthy grandfather's inheritance. But when secrets fro...