BHO CAMP #7: The Moonlight

By MsButterfly

1.9M 55.3K 4.6K

It was so tiring to hope for the constant moon only to get a dying and burning satellite in the end. I wanted... More

PROLOGUE
Chapter 1: Nostalgia
Chapter 2: Play
Chapter 3: Light
Chapter 4: Mission
Chapter 5: Void
Chapter 7: Indulge
Chapter 8: Demons
Chapter 9: Solace
Chapter 10: Use
Chapter 11: Heroic
Chapter 12: Ride
Chapter 13: Inspiration
Chapter 14: Haunt
Chapter 15: Warm
Chapter 16: Soldier
Chapter 17: Breathe
Chapter 18: Taint
Chapter 19: Fly
Chapter 20: Revenge
Chapter 21: Detach
Chapter 22: Stitch
Chapter 23: Chase
Chapter 24: Done
Chapter 25: Dream
Chapter 26: Arrow
Chapter 27: Ask
Chapter 28: Fear
Chapter 29: Dance
Chapter 30: Moonlight
EPILOGUE
Author's Note
Up Next

Chapter 6: Beat

47.7K 1.3K 53
By MsButterfly

AIERE'S POV

"Baka sa iba na mauwi 'yang pagtingin-tingin mo."'

Napakurap ako mula sa pagkakatulala at napalingon ako sa nagsalita. Pinaikot ko ang mga mata ko nang makita ko ro'n si Hera na hawak ang wala namang laman niyang tray. Kahit kasi gabi na at dapat dinner time na ay wala paring masyadong tao dito ngayon sa Craige's restaurant. Bukod kasi sa Wednesday ngayon ay hindi din masyadong marami ang guest na nag check-in para sa linggong ito.

"Guni-guni mo na naman." sabi ko sa kaniya at pagkatapos ay itinaas ko ang mga paa ko sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Sus itanggi pa."

"Marami lang akong iniisip."

Totoo naman ang sinasabi ko. Well, half truth. Marami talaga akong iniisip dahil walang laman ang utak ko kundi ang mga nabasa ko sa file ni Archer pati na ang mga video na napanood ko. At oo talagang tinitignan ko siya. Dahil siya naman talaga ang pokus ng utak ko ngayon dahil sa mission na 'to.

The file said that the group that kidnapped Archer's sister and hostage her might still be looking for Archer. Hindi kasi iilang mga sulat ng pagbabanta ang ipinapadala dito sa BHO CAMP kung saan laging naglalagi si Archer dahil may villa na siya dito. Iyon nga lang hindi nakakarating sa kaniya 'yon dahil nang dumaan sa screening 'yon katulad ng ginagawa sa lahat ng bagay na ipinapasok dito sa BHO CAMP ay nakita na hindi lang 'yon ordinaryong sulat. Dawn did instruct someone to trace where they're coming from pero dead end palagi. Sinundan din ang courier at tinginan pati sa system nila pero iba-ibang tao ang nagpapadala at hindi din mahanap ang mga tao na 'yon na para bang inimbento lang ang pangalan.

"Marami nga. Punong-puno ang isip mo ni fafa Archer." kinikilig na sabi ng babae na napairit pa.

Kung alam lang niya kung gaano kalapit ang sinasabi niya sa katotohanan. Hindi nga lang sa paraan na iniisip niya. "Ewan ko sa'yo. Ang sabihin mo, kaya mo lang ako napapansin na nakatingin sa kanila dahil nakatitig ka din sa direksyon nila."

Natigilan si Hera sa sinabi ko at bahagyang nanlaki ang mga mata niya pero hindi din nagtagal iyon dahil nginitian niya lang ako. "Oo eh. Pinagmamasdan ko din ang hunkalicious na si fafa Archer. Napana niya kasi ata ang puso ko."

Pakiramdam ko ay umangat ang kilay ko lagpas sa bubong ng Craige sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o totoo na ang sinasabi niya. Malay ko ba sa utak nila ng kaibigan niyang si Athena. Parehong pareho kasi sila. Ang hirap mga espellingin.

"Wow. Congrats." walang ganang bati ko sa kaniya.

"Okay lang sa'yo?"

Nag-kibit balikat ako. Tinatanong pa ba 'yon? Wala namang kahit na anong namamagitan samin ni Archer. Distansiya pa pwede. "Oo naman. Invite niyo pa ako sa kasal niyo kung gusto mo eh."

Napangiwi si Hera sa sinabi ko. Kung may pinaka-allergic ata sa salitang commitment siya na ang mag re-reyna do'n. Masyado kasing YOLO ang taong 'yan. Ayaw sa sakit ng ulo, ayaw mahirapan, at ayaw ng komplikasyon. Buhay prinsesa in short.

Nag-iinat na tumayo ako mula sa pagkakaupo at pagkatapos ay tinapik ko sa balikat ang baba. "Tayo pa naman dalawa ang may sumpa ng maid-of-honor. Thank you sa pagsagip sakin."

"H-Hoy. Bad joke ka."

"Best wishes!"

Nakangising kinuha ko ang paper bag sa lamesa at nilagpasan ko na siya. Alam ko namang hindi si Archer ang gusto niya. Halata naman kasi kung sino ang tinitignan niya. Pero kung sakali namang si Archer talaga ang gusto niya ay wala naman akong pakielam talaga.

Lumapit ako sa kinaroroonan ng lalaking kanina ko pa iniisip, not by choice, na ngayon ay kasama ang mga kabanda niya. Tila nararamdaman niya ang presensiya ko na nag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata namin.

May kung anong damdamin ang sumipa sa puso ko nang makita ko ang mga mata niya pero hindi ko ikinabahala 'yon. Alam ko namang awa lang ang nararamdaman ko. I pity the boy he once was. That's all.

Padabog na ibinaba ko sa table ang dala kong paper bag na ikinapitlag ng iba pang mga miyembro ng Royalty na ngayon lang ako napansin.

"Mainit na naman po ang ulo ni Hangin." napapakamot sa ulo na sabi ni Thunder.

Pinaningkitan ko siya ng mga mata na ikinatawa niya lang pati na ng iba pang miyembro, maliban kay Archer na nanatiling sakin lang nakatingin, kay Harmony na nasa cellphone niya lang ang atensyon at kay King na sinisilip ang laman ng paperbag. Nang hindi siya makuntento ay inilabas niya ang laman niyon.

Kunot-noong niladlad ni King ang hawak niya. "Binibigyan mo kami ng merchandise ng...sarili naming banda?"

Inagaw ko sa kaniya 'yon at inihagis ko 'yon kay Archer na nasalo naman agad 'yon. Binalingan ko ang vocalist na si King. "Unang correction, hindi kita binibigyan dahil kay Archer 'yan. Pangalawang correction, sinasauli ko hindi binibigay."

Si King naman ngayon ang napakamot sa ulo niya sa katarayan ko. Binalingan niya ang pinsan ko na si Thunder, "Bakit mas malamig ang ulo ni Fiere kesa dito sa kapatid niya eh Aiere naman ang pangalan niya?"

Binatukan ng pinsan ko si King at nilagay ang hintuturo sa labi niya na parang pinapatahimik ang lalaki nang makitang masama na ang pagkakatingin ko sa kanila. Bilib na ako kay Freezale sa tatag ng loob at haba ng pasensya niya. Asawa niya na nga 'tong si Kuya King tapos kapatid niya pa si Kuya Thunder.

Binalingan ko si Archer na mukhang naghihintay lang sa sasabihin ko, "Binabalik ko na 'yan."

"Hindi ko naman binabawi. It's the band's merch. Madami kami nito."

"Hindi ako fan kaya hindi ko kailangan."

Napasinghap si kuya Thunder na parang hindi siya makapaniwala at sinapo niya pa ang dibdib niya. Tinuro niya ako at ekseheradong pinanginig pa ang kamay niya na para bang umaarte siya sa pelikula. "H-How dare you!"

Pinaikot ko ang mga mata ko at tinalikuran ko na sila. Wala akong planong makalbo dahil sa kalokohan nila. Mabuti na lang talaga at immune si Harmony sa kanila dahil kaawa-awa ang isang 'yon kapag bigla na lang siyang nakalbo dahil sa kunsumisyon.

Tuloy-tuloy akong nag-lakad palabas ng Craige at tinahak ko ang daan pabalik ng headquarters. Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ko ang pag-ihip ng hangin. Dahil napapadalas ang pag-ulan mas lalong lumalamig dito sa Tagaytay. Kapag gabi nga napakahirap ng magmaneho sa sobrang foggy na sa labas. Kaya kapag mga gano'ng oras ina-advise na namin ang mga guest na wg ng lumayo. Masyado kasing tago ang kinaroroonan ng BHO CAMP at hindi naman maliwanag ang daan na tatahakin papunta dito kaya baka mag cause pa ng aksidente kapag maulan o mahamog.

"Miss excuse me. Is this the way to the tent lodging?" I heard a voice asked behind me. "I'm really sorry for the bother but I think we're heading the wrong way."

Napatigil ako sa paglalakad at pinaskil ko ang simpleng ngiti sa labi ko ko para sagutin ang nagtanong. Base sa accent na narinig ko mukhang iba ang nationality. "You're actually on the opposite-"

The smile on my lips froze when I saw who are standing behind me. Halata din ang gulat sa lalaking katabi ng babae, na siyang nagtanong, nang makita ako. Habang ang babae ay mukhang walang kahit na anong rekognasyon na bumalatay sa mga mata.

"Aiere..."

Tuluyan ng nawala ang ngiti sa labi ko nang marinig ko ang boses niya. Nang taong akala ko hindi ko na magagawang lapitan ng ganito. I thought the last time that I will hear his voice will be that time when he told me that he no longer loves me.

When he told me that, I just want to stop feeling. Gusto ko siyang burahin agad sa systema ko. Because the moment he said those words, the rush of every emotion hit me. Embarrassment, disappointment, anger, pain, and the worst of all...regret.

Lahat kasi ng taong nagmamahal, sa umpisa laging sinasabi na mabuti ng magmahal kahit walang kasiguraduhan. Ang mahalaga nagmahal ka kesa magsisi ka sa huli. Ang mahalaga daw masabi mo sa sarili mo na nagawa mo na lahat. Na binigay mo na lahat ng kaya mo. Pero kahit anong gawin mo naman magsisisi ka parin. You'll regret it if you don't give your all to the person you love because what if he's the one? On the other hand if things don't go well, you'll regret investing on the wrong person.

Kasi pakiramdam mo talong-talo ka na. Kapag nasa gano'ng pagkakataon ka...pakiramdam mo pinagkaisahan ka. Pero hindi ka naman natalo dahil nagmahal ka. Natalo ka kasi maling tao ang minahal mo.

"Mateo." I said in barely above a whisper.

"You know each other?" the woman asked Mateo then turned to me again. "Hi. I'm Shona. Are you a friend of his? Wait...you look familiar."

Tila nag-iisip pa ang babae kung saan niya ako nakita. Imposible na makilala niya ako dahil lahat ng pinagsamahan namin ni Mateo ay ikinahon niya na at ibinigay sakin. Kung sa social media naman madali lang dahil halos wala naman akong pinopost. At kay Mateo naman wala pang isang araw kaming naghihiwalay burado na ako agad-agad.

"Oh! I saw a picture of you and Mat! You're his friend right? In highschool?"

Dumako ang tingin ko kay Mateo na hindi magawang makatingin sa akin ng diretso. May natitira pa pala. Pero sigurado hindi lang sinasadiya. Hindi sinasadiyang naiwan at hindi naisama sa 'kami' na basta na lang niyang dinispatsa. Katulad ng hindi niya sinasadiya na magmahal ng iba katulad ng sabi niya.

I'm still looking at Mateo when I answered the woman, "I guess I am."

"Wow! What a small world!" Shona said with delight. "We just got back from a three day trip in Taiwan because we want to make our engagement formal by telling my parents personally and we decided to have a vacation when we come back here. I found this place on the internet since everybody's been saying that this is not only beautiful but also magical."

Engagement. I can feel it in my heart. The same thing I felt when Mateo asked to see me that day he broke up me. A feeling where my whole being just want to shut down and protect me from the pain that's about to consume me. Pero pakiramdam ko...pakiramdam ko hindi pa tapos.

Nananatiling hindi makatingin sakin ang lalaki. Bumaling siya sa fiance' niya na ngayon ay mukhang enoy na enjoy pa sa pagkuwento. "Love, why don't we just go? We can just go at the reception again to ask for direction."

Love. Ilang beses ko na ba iyong narinig? Ilang beses ba na kinikilig ako kapag tinatawag niya ako ng gano'n. Pero ngayon pakiramdam ko ay tali 'yon na sumasakal sa leeg ko.

"Right!" Shona said with a smile and turned to me. "I'm sorry again for bothering you. I'm just really excited to see the place. Not that we need the 'magic' of the place anymore because...well...we already got the magic . Anyway, nice meeting you!"

Pakiramdam ko ay binuhusa ako ng malamig na tubig sa narinig. Alam ko kung anong 'magic' ang tinutukoy ng mga taong pumupunta dito. Bata pa lang ako ay naririnig ko na ang tungkol do'n. I know it too well. They said that this place is so magical that not only love can be created here. But also a life.

It was as if a hand struck a hole on my chest to clutch on my heart, gripping it on it tight, and pulling at it slowly to torture me. Making me feel every bit of the pain as my heart is being ripped out of me. Masyado naman atang mabilis. Madali na nga niya akong pinalitan. Ang dali na nga niyang bumitaw na parang hindi man lang siya nahirapan kahit kaunti. Ang dali niyang naging pag-aari ng iba.

"Congratulations on the engagement." I forced the word through my teeth. "And the baby."

Kita sa mga mata ni Mateo ang guilt na tuluyan nang sinalubong ang tingin ko. But he don't need to be. Kasi tapos naman na. Ano bang magagawa ko kung para sa kaniya...gano'n na lang kadali kalimutan ang lahat ng meron kami noon.

Gano'n naman siguro talaga. Wala naman talaga sigurong patas. Araw-araw mo siyang iniisip kahit na alam mo ang katotohanan na nakalimutan ka na niya. Araw-araw umaasa ka na baka naman...baka isang araw bumalik siya.

Pero ako ba ang may mali na pakiramdam ko masyadong maaga? Masyadong mabilis? Ang unfair. Sobrang unfair. Kasi pakiramdam ko parang walang halaga ang pinagsamahan namin. Pakiramdam ko ako lang ang nagmahal.

"Aiere..." a pained utter escape his lips.

"Aiere!"

Hindi ko pa nagagawang lingunin ang pamilyar na boses na tumawag sakin ay naramdaman ko na ang mga kamay na humawak sa magkabila kong balikat at iniikot ako. Turning my body on the opposite direction of the couple.

I felt warmth suddenly enveloped my body and then my vision was obstructed by a hood. Iniangat ko ang tingin ko at ang mukha ni Archer ang bumungad sa akin. I'm wearing his hoodie again.

Hindi siya nakatingin sakin at sa halip ay may maliit na ngiti sa labi niya na nakatingin siya sa gawi ni Mateo at ni Shona. Umakbay sakin si Archer at bahagya niya akong hinapit palapit sa kaniya dahilan para mapaharap ako ulit ng bahagya sa dalawa hindi sapat para makita nila ang ekspresyon sa mukha ko hindi lang dahil sa hoodie kundi dahil halos nakasubsob na ako kay Archer.

I whispered at him, "Archer-"

"Do you know them babe?"

I hate Archer's guts. Pero hindi ko maitatanggi na katulad ng ilang beses ay muli niya akong sinasagip sa sarili kong emosyon. I am barely holding on.

I clasp my left hand on the shirt on his back tight when I looked up at Mateo and his woman. Kita ang gulat sa mga mata ni Mateo habang papalit-palit ang tingin niya sa amin ni Archer.

"Yes. I know them." My voice still lacks the life it should have. It sound so robotic even to me. "We should go."

Sa pagkakataon na ito ay ako na ang unang tumalikod. Hinawakan ko ang kamay ni Archer at hinila ko siya palayo, papunta sa direksyon ng headquarters. I felt him gently squeezed my hand but I can't find even an ounce of strength to return it.

Hindi ko alam kung ga'no kalayo na ang nilalakad namin. Hindi ko alam kung natatanaw pa nila kami. Pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi ako bumitaw. I only stopped when I felt Archer pulling on my hand, giving me no choice but to halt on my step.

"They're gone." Archer said.

I let go of his hand, knowing that he wouldn't like if I keep on holding on to him when there's no reason to. Umupo ako sa pinakamalapit na bench at nahahapong sumandal ako roon.

Sa pagkagulat ko ay umupo sa tabi ko si Archer at walang salita na kinuha ang isa kong kamay at pinagsalikop iyon sa kaniya. I didn't say anything on what he's doing. Hindi ko siya kinontra at hindi ako bumitaw.

I feel so beaten up. I feel so dispensable.

I raise my hand and covered my mouth when a sob finally broke free from it. A single tear fell from my eyes that cue the others to follow...bursting through me like water that can't be contained inside a dam anymore. The rush of wet cascade down my cheeks as if it's never going to stop.

I tried to swallow the sob but it just won't stop. Kahit anong gawin kong pigil ay tila wala na akong kontrol sa pagkawala ng emosyon na pilit kong kinikimkim. Crying should help alleviate the pain but it's not. Hindi natatapos. Parang dagat ang emosyon ko na hindi magawang mapigilan ang paghampas ng alon, ang bigat ng bawat agos na humihila sa akin pailalim ng pailalim.

"Let's go."

With my eyes streak with tears and my body heaving with sob, I looked at him and sob. "S-Saan?"

"Saan mo ba gustong pumunta?"

Pinahid ko ang luhang namalibis sa pisngi ko na parang hindi na maampat-ampat. "Ikaw kaya ang nagtanong." Tumayo siya at hindi parin binibitawan ang kamay ko. Tinaasan niya ako ng kilay na parang nagtatanong kung wala ba akong balak gawin pero nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. "S-Saan tao pupunta?"

"Ano bang gusto mo ngayon?"

"Makalimot."

His smile curved up into a smile. "Let's go."



__________End of Chapter 6.

Continue Reading

You'll Also Like

5.6M 107K 33
Lucas Darryl King; he's loud, he's an easy go lucky person and he's a rock star. Me? I'm Freezale Night. I'm an agent, I kick butts and they say that...
3.6M 89.8K 35
Ako si Snow Night, ang baby agent ng BHO CAMP. But they don't spoil me...well not much, unlike my best friend Phoenix Martins. Dahil doon ay lagi kam...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...
854K 17.8K 10
A novelette created for Storm Reynolds. Bakit nga ba humantong ang lahat sa isang malagim na pangyayari? Ano ba talaga ang pinagdaanan niya sa kamay...