Dearest Hazel

Da GabrielaTimog

11.3K 403 39

Nananatiling isang misteryo ang trahedyang sinapit ng magkasintahan, ganun din ang kinaroroonan ni Hazel. Sa... Altro

Dearest Hazel
INTRODUCTION
14th of March 2013, 11:36 PM
PROLOGUE
Part 1 Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Part 2 Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Part 3 Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 (EPILOGUE)
ACKNOWLEDGMENTS

Chapter 6

341 13 0
Da GabrielaTimog

Chapter 6

Gwapo ba ako?

Pumasok ako sa school na naka-civilian dahil hindi laba ang uniform ko. OJT na rin naman yung iba, pwede namang sabihin kong OJT din ako para makapasok. Hindi pa ako makapag-OJT, namamayagpag kasi ang singko sa grades ko. Tatlong major subject ata yun, tas isang drop sa isa pang major subject. Saya no?

"Gael!" napatingin ako sa tumawag sakin at nakita ko si Mark na papalapit sa akin. Naka-corpo attire sya, mag-o-OJT na ang loko eh.

"Oh, Mark." bati ko nang makalapit sya sa akin.

"Lakas mo maka-civilian ah! Buti pinapasok ka!" sambit nya.

"Anak ata to ng may-ari ng school na inaapakan mo ngayon!" pagmamayabang ko.

"Seryoso pre, hindi ka ba makakapag-OJT?" tanong nya sa akin.

Umiling ako bilang sagot. Ayoko nang sabihin na madami akong bagsak, kasi alam nya yun. Hindi na kailangang paulit ulitin.

"May chance ka pa naman eh. Kailangan mong makagraduate men! Ayusin mo lang pag-aaral mo."

"Wow, pinangaralan ako ni Mark! Grabe!" napatawa ako sa sinabi ko, ganun din sya.

"Pero di nga pre. May binigay si sir Dimaano para sa mga babagsakin para makapag-OJT. Alam mo naman yun, ayaw nya na may maiiwan sa graduation." suhestyon nya.

"Tss, wag na. Kung hindi gagraduate, edi hindi. Problema ba yun?"

"Oo problema yun gago. Sige na. Una na ako." tinapik nya ang balikat ko at umalis na.

Sino bang may gustong bumagsak?

Hindi naman talaga ako babagsaking tao. Hindi sa pagmamayabang pero mas matalino pa ako kay Hiro. Actually, ako nakakuha ng talino ni daddy, tapos ako din nakakuha ng kalokohan nya. Si Hiro kasi mukhang disente, nagsasalita nang disente pero hanggang salita lang yan. Sya lang talaga ang napaupo sa pwesto ngayon dahil sya ang nakakatanda. Pero hindi naman talaga itong school ang gusto nyang imanage. Gusto nya yung Shiratori Kingdom, which is yung company namin.

And yun din ang rason kung bakit sobra nya akong kinamumuhian.

Why? Ako ang paborito ni daddy kaya sakin nakaplanong ipamana ang Shiratori Kingdom. Pero kailangan ko daw muna mag-asawa bago ko makuha ang company. Pero ayun nga, nagkaroon ng conflict, kaya ayan, sinasamantala ni Hiro ang pagkakataon para makuha ang loob ni daddy para sa kanya na ibigay ang Shiratori Kingdom. Pero hindi ako papayag. Alam ko ang mga bagay na deserve ko, at kung ano yun, yun na yun. Hindi pwedeng mawala, hindi pwedeng maagaw. Ang akin ay akin.

Kaya nga nagtataka din ako sa sarili ko kung bakit kailangan ko pang mag-aral kung pwede namang humigit ako ng kahit sinong babae dyan para pakasalan ako at makuha ang Shiratori Kingdom. Pero mukhang hindi pa kaloob sakin kasi wala pa akong nagiging girlfriend, ni-isa. Sa tingin ko din ay hindi pa ako handa sa isang seryosong relasyon.

"Gael!" seryoso, anong trip ng mga tao ngayon? Bakit tinatawag nila ako nang tinatawag? Pagkalingon ko, nakita ko si Hazel na tumatakbo palapit sa staircase kung saan ako nakatayo.

"Hazel,"

"Akala ko hindi ka na papasok." sambit nya nang makalapit sya sa akin.

I pursed my lips and grinned, "Bakit? Miss mo ako 'no?"

"Hindi, kasi may inutos sakin si maam Gonzales."

"Ako pagagawin mo?" tanong ko.

"Hindi naman, tulungan mo na lang ako." ngumiti sya na kitang kita pa yung mapuputing ngipin nya.

"Ayoko, tinatamad ako." tutuloy na sana ako sa pag-akyat pero tumakbo sya sakin at hinarang ako sa unahan.

"Pleaaaaaase! Hindi ko kaya tong pinapagawa ni maam sakin, please!!" pagmamakaawa nya.

"Ano bang pinapagawa nya sayo?" tanong ko.

"May pinapabili kasi sya sakin sa hardware shop. Eh kailangan ko ng kasama kasi medyo malayo yun."

Hinanggit ko sa kanya ang dala nyang one-fourth na papel, "Masking tape, cable ties, rope... seryoso? Dominant ba si maam Gonzales? Anong trip nya at nagpapabili sya ng mga ganito?"

She shrugged.

"May binigay syang pera sayo?" tanong ko.

"Oo, binigay nya card nya sakin." sagot nya.

Ayoko talaga sumama pero nung malaman kong binigay sa kanya ang card, I grinned, "sige, tara."

---

Lumabas kami ng school. Pansin kong dumadami ang tumitingin samin habang dumadaan kami sa hallway palabas ng school. Hindi kasi ako madalas makitang may kasamang babae, lalo na sa school. Nang tuluyan na kaming makalabas, naghintay na kami ng jeep para pumunta sa hardware shop.

Mula sa aking peripheral vision, nakita ko si Hazel na tinitignan ako kaya naman nilingon ko sya.

"Bakit?" tanong ko.

"Kaya pala," bulong nya saka iniwas ang tingin sa akin.

"Bakit? Anong meron?" tanong ko.

"Nagtitinginan kasi ang mga babae kanina sayo nung palabas tayo ng school. Ngayong natitigan na kita, alam ko na ang rason kung bakit ka pinagtitinginan." sagot nya.

Kinagat ko ang ibabang labi ko sa pagpipigil ng ngiti, "bakit?"

"Ikaw kasi yung tipo ng lalaking nakakapanghabol talaga ng tingin, nakakaagaw pansin. Yung dadaan ka lang, grabe na agad ang atmosphere mo sa mga girls. Yung kulang na lang malaglag na ang panty nila kakatitig sayo. Ayun, ganun." pagpapaliwanag nya, diretso pa rin syang nakatingin, pero hindi sa akin.

"Sa madaling sabi, gwapo ako, tama ba?" I grinned.

"Uhm, pwede rin. Pero hindi eh," nawala ang ngisi ko sa sinabi nya, "malakas talaga appeal mo."

"Ikaw ba?" napatingin sya sa inuntag ko, "may epekto ba ako sayo?" tanong ko habang nakatingin nang diretso sa mga mata nya.

"Anong epekto?"

"Yung dadaan lang ako, naiiba ko ang atmosphere mo. Yung kulang na lang malaglag ang panty mo kakatitig sa akin." sagot ko.

Bahagya syang napatawa, "Mahigpit ang garter ng panty ko para malaglag sayo, wag mong itulad sa ibang babaeng chipangga ang panty." malakas muli syang napatawa.

Nasira tuloy ang atmosphere dahil sa tawa nya. Tsk.

"Malay ko ba kung so-en yang panty mo." pang-aasar ko.

"Excuse me, VS ang panty ko huh!" pagdidipensa nya sa sarili nya.

"Weh? Talaga?"

"Oo 'no!"

"Patingin nga!"

"MANYAK!" tumalikod sya sakin.

"Oy, joke lang. Ito naman, hindi na mabiro. Oo na, hindi na malalaglag ang panty mo sakin dahil VS ang panty mo. Joke lang talaga." sabi ko.

"Grabe Gael, hindi ko akalain."

"Sorry na nga. Nagjojoke lang ako eh."

Humarap sya sakin, "Hindi ko akalaing naiinsecure ka sa panty ko at gusto mong tingnan pa ito. Gusto mo bang bigyan kita?" pinigilan nya ang tawa nya, pero napatawa din sya sa dulo.

Nawala tuloy ang atmosphere ko sa pagsosorry dahil sa pang-aasar nya sakin, "Oo, bigyan mo naman ako mamaya. Nauubusan na kasi ako ng panty!" sarcastic kong sambit.

"Osige ba! Ayan na ang jeep!" pumara na sya at sumakay kami doon.

---

"Good morning, maam, sir. What can I help you with?" Pagkapasok na pagkapasok namin sa hardware shop ay binati agad kami ng salesman na naka-apron na black tas polo shirt na puti. Madami akong napansin mula sa kanyang baduy na pananamit hanggang sa titig nya kay Hazel.

Seriously?

"Uhm, meron po ba kayong-" bago pa matapos ni Hazel ang sasabihin nya, ako na ang nagtapos nito.

"Masking tape." sambit ko. Dahil sa pagsasalita kong iyon ay mukhang narealize nung lalaki na nandito ako ngayon at napatingin sa akin. Kitang kita ko ang unti-unting pagkabura ng ngiti nya sa kanyang labi.

"Yes sir, meron po kami nun. Dito po." Nauna syang maglakad at sinundan namin sya. Pero bago iyon, hinawakan ni Hazel ang braso ko.

"Pansin mo ba?" pabulong na tanong nya.

"Na ano?"

"Natingin sa akin si kuya! Di kaya interesado sya sakin?"

"Seriously? Kinikilig ka dyan?" tanong ko.

"Bakit? Gwapo naman ah. Clean cut, expressive eyes, pointed nose and kissable lips! Total package, Gael. Can you imagine that? Yung napakaganda nyang mga mata ay tinitignan ako kanina." may tinatagong harot din pala ang babaeng ito.

"Ganyan ba ang depinisyon ng gwapo sayo?" di makapaniwalang tanong ko.

"Oo."

"Yang mga gwapong ganyan, hindi ka mapagtatanggol! Ang patpatin naman. Mas may muscle pa ako. Tsaka hindi naman gwapo, mas gwapo pa ako. Ni-hindi nga nya kayang mapalaglag ang VS na panty mo eh." nauna akong maglakad sa kanya.

"Hoy!"

Seryoso? Ganun ba ang mga babae? Hinahanap yung malinis na lalaki? Yung patpatin at mukhang hindi ka mapagtatanggol? Grabe naman. Maganda naman ang mata ko ah. Sabi sakin ni mommy noon kapag natingin sya sa mga mata ko, parang nahihypnotize sya. Tsaka matangos din ang ilong ko. Tsaka lalong mas kissable ang lips ko, natural yan, hindi ako naglilpgloss di tulad ng lalaking yun na mukhang kumain ng lechon.

"Masking tape, sir." inabot sakin ng lalaki yung 2-inches na masking tape, nang makalapit ako.

Kinuha ko naman ito, "Cable ties din." sambit ko.

"Okay. This way po." nauna ulit maglakad yung lalaki.

"Hoy," hinawakan ni Hazel ang braso ko.

"Yes?"

"Yung sa napagusapan natin, bakit kailangan mong ikumpara ang sarili mo sa lalaking yun?" tanong nya.

Naglakad ako at sumunod naman sya sa akin, "Kasi lalaki ako. Alangan namang ikumpara ko sya sayo." sagot ko.

"Ganun ba kayong mga lalaki? Kapag nakakakita ng mas angat senyo, hindi kayo nagpapatalo?" tanong nya.

"Eh bakit, kapag ba sinabi kong maganda yung babaeng nasa counter, hindi ka magpapatalo?" tanong ko.

Tumingin sya sa babaeng nasa counter, "hindi. Maganda kasi yung babae. Mahilig ako umappreciate ng magagandang bagay."

"Eh bakit ako hindi mo maappreciate?" tanong ko.

"Maganda ka ba? Babae ka ba?"

Tumigil ako kaya napatigil din sya. "So kung babae ako, maaappreciate mo ako?"

"Ikaw? Bilang babae?" napatawa sya. "Not a good idea." nauna syang maglakad.

What? Compliment ba yun? Dapat ba akong magpasalamat sa sinabi nya? Not a good idea? Ano, dahil pangit talaga ako? Lalo akong papangit kapag naging babae ako? So hindi ako gwapo?

Habang namimili si Hazel ay tahimik lang ako. Hinahayaan ko syang makipagusap dun sa labing-lechon na salesman. Nung mapadaan kami sa isang salamin, tumigil ako sa tapat nito at tinitigan ang aking sarili.

Bakit ba hindi nya masabing gwapo ako? Baka naman hindi nya matanggap na gwapo talaga ako. Pero kahit naman sabihin nya man lang pangpa-lubag loob ay hindi nya magawa. Talaga bang hindi ako gwapo? Grabe naman. Lahat ng nakikilala ko, nagagwapuhan sakin. Pero sya, hindi?

Sakto pa nga namang tumugtog sa radyo ang I Want It That Way ng Backstreet Boys.

"You are my fire
The one desire
Believe when I say
I want it that way


But we are two worlds apart
Can't reach to your heart
When you say
That I want it that way"

Bakit ba parang natapakan ang ego ko nung hindi marealize ko yung fact na hindi nya maamin sa akin na nagagwapuhan sya sakin? Paanong way ba ang gusto nya? What the heck.

"Tell me why

Ain't nothin' but a heartache
Tell me why
Ain't nothin' but a mistake
Tell me why
I never wanna hear you say
I want it that way"

Ang liit liit na bagay, nagiging big deal sa akin. Eh ano naman kung hindi sya nagagwapuhan sa akin? Hindi lang naman sya ang babae sa mundo. Alam ko namang mas madaming nagagwapuhan sakin kesa napapangitan. Bahala sya, tatawanan ko na lang ang mababang standards nya sa lalaki.

Matapos naming bumili ay dumaldal sya nang dumaldal. Naiilang tuloy ako sa kanya. Feeling ko kapag kasama ko sya ang pangit pangit ko. Parang ayoko na syang makasama. Parang natatapakan nang paulit ulit ang ego ko. Nag-aya sya kumain sa karinderya dahil lunch na rin naman. Sya na rin ang umorder ng kakainin habang ako naman ay lutang pa rin.

"Okay ka lang ba?" napatingin ako sa kanya nang magsalita sya.

"Ha? Oo."

"Kanina ka pa kasi tahimik. Oh ayan na pala ang pagkain." nilagay nung waiter ng karinderya yung pagkain sa lamesa.

Nagsimula kaming kumain, tahimik pa rin ako. Pipiliin ko na lang hindi umimik. Kasi pakiramdam ko pati pananalita ko ay pangit para kay Hazel. Nagtataka lang ako, dati-rati naman hindi ako nagkakaganito, pero bakit ngayon, sobra akong nababahala? In the first place, hindi naman kawalan yung opinyon nya. Tulad nga ng sinabi ko kanina, mas madami ang nagagwapuhan sa akin.

Pero bakit ba kasi hindi nya masabi? Simpleng, "oo, ang gwapo mo nga." hindi pa nya masabi. Ano bang mahirap dun? Hindi naman ako maooffend kasi katotohanan naman yun. Gustong gusto kong itanong sa kanya,

"Pangit ba ako?" napatingin sya sa sinabi ko. Puta! Seryoso? Nasabi ko yun nang malakas?

"Tinatanong mo kung pangit ka?" napangiti sya at tinitigan ako. Halos malaglag na ako sa kinauupuan ko dahil sa titig nya. "Hmmmm..." habang pinagmamasdan nya ang mukha ko ay napagmamasdan ko din ang kanya.

Puta, bakit ang ganda nya?

"Okay naman." inalis nya ang pagkakatitig sa akin at sumubo ng kanin na may kasamang ulam.

"Okay naman? Ano yan, oo na medyo alanganin?"

Uminom sya ng tubig bago magsalita, "Ano bang gusto mong sagot? Oo, gwapo ka?" tanong nya.

Hindi ako sumagot.

"Tatanggapin mo ang ganung sagot bilang pangpalubag loob?"

"So pangit nga ako?" pagkukumpirma ko.

"Hindi sa pangit ka. Pakiramdam ko kasi may dapat baguhin sayo."

"Ano?" tanong ko.

"Ewan ko. Pakiramdam ko lang naman. Wag ka nang malungkot, hindi ka pangit." ngumiti pa sya. "Kung ba ako, kapag nagtanong ng ganyan din, diba hindi mo rin agad sasabihin na maganda a-"

"Maganda ka." napatigil sya sa sinabi ko. Direkta akong tumingin sa kanyang mga mata. "Oo, Hazel. Maganda ka lalo na para sakin."

"Sus, ikaw ha. Gusto mong sabihin ko din na gwapo ka." natatawang sambit nya.

"Hazel, sinabi ko iyon dahil yun ang nakikita ko. Wala naman akong rason para itanggi ko sa sarili ko na maganda ka dahil maganda ka naman talaga. Tsaka, ano bang mahirap dun? Oo at hindi lang naman ang hinihingi kong sagot, pero bakit 'okay lang'?"

"Ano ba yun sayo? Bakit parang big deal sayo?"

"Because you are hurting my ego." direkta kong sambit, "sa lahat ng babaeng kilala ko, ikaw lang ang nagsabi ng 'okay lang' na sagot kapag tinatanong ang kagwapuhan ko. Ano ba kasing mahirap dun?"

Ngumiti sya sakin, "Gael, hindi ako katulad ng mga babaeng yun. Do not make a big deal about it. Kung mas maraming nagagwapuhan sayo, bakit mo pa papansinin ang opinyon ko?"

"Ayun na nga eh, bakit ko ba pinapansin ang opinyon mo? Tell me, what are you doing to me?" tanong ko.

"Wala akong ginagawa sayo. Siguro, nagooverthink ka lang. Wag mo na lang pansinin ang opinyon ko. It will ruin your mood. Tara na." nauna syang tumayo at naglakad palabas ng karinderya.

Hazel, Hazel, Hazel. What are you doing to me? Tell me. I wanna know.

_______________________

Continua a leggere

Ti piacerà anche

50.3K 355 74
Bored? Nothing to do or read? WELL YOU BETTER CHECK THIS OUT!
1.8K 38 2
Parallel Series #1 Allyssa Marie Nicole Ybañez is a timid 17-year-old highschool student who wants to enjoy her youth with her friends. But one day...
224 56 9
Goal: Make your crush fall for you while proving that love potions really serve their purpose. © 2021, MajCreations