The Jerk Next Door

By ScribblerMia

877K 19K 5.1K

"Tangina. Sa 7 bilyon na tao sa mundo, sa 105 milyon na tao sa Pilipinas, bakit ikaw pa? Bakit sa'yo pa?" © S... More

The Jerk Next Door
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 10

10.8K 436 223
By ScribblerMia

OST: How Long- Paper Kites


"Hi, guys! Sorry, we're late," nakangiting bati ni Nikos habang papalapit at isa-isang kinakamayan ang mga ka-miyembro niya sa basketball.

Kumaway naman si Brienne, dahilan kung bakit sumipol ang mga lalaki. Maganda, mestiza, matangkad, at sexy si Brienne. Maliit ang kanyang mukha at mahaba ang umaalon nitong buhok, your typical cheerleader. Masakit man aminin pero wala akong laban sa kanya.

"Ayos ka talaga, Pare," sabi ni Ringo, malapit na kaibigan at ka-teammate ni Nikos. He smiled mischievously and slapped Nikos' back.

Nakatingin lang ako sa kanila. I didn't know how to react. Naririnig kong nagsasalita si Rufus sa tabi ko subalit walang rumerehistro sa utak ko.

"Anton!"

Biglang napatingin sa pwesto namin si Nikos at ngumiti.

I've always wanted to see him smile at me like that. Yet right at this moment, it just pains me.

Kumaway si Nikos at nagsimulang humakbang papalit sa pwesto namin.

Napako lamang ako sa kinauupuan ko habang nakatingin sa kanya. I didn't know how I looked, but I made sure not to show my emotions by giving him my fakest smile, and I was sure as heck that I looked ridiculous.

Kinulbit ako ni Rufus. "Hoy, Antonina. Okay ka lang? Bakit ganyan ang mukha mo? Naiihi ka ba?"

I ignored him and continued with my act. Kaya mo 'yan, Anton. Galingan mo pa ang plastic mong smile.

"Padaan nga. Tabi nga kayo diyan! Tabi! Anton!"

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa unti-unting paglapit ni Nikos. Hindi nawawala ang kanyang ngiti. Kulang na lang ay mahulog ang puso ko sa mga oras na ito. Dang it. What should I do?

Napupuno ng mga kwentuhan at halakhak ang paligid, at palapit na ng palapit si Nikos. Pakiramdam ko ay dahan-dahan ang pag-ikot ng mundo dahil dahan-dahan ang mga nangyayaring galaw sa paligid ko.

"Antonina, it's good to see—" Before Nikos could finish his sentence, someone cut him. Bigla itong sumulpot sa harapan ko out of nowhere.

"Anton! Samahan mo ako sa labas. Ngayon na," malamig na sabi ni Rafaela, sabay hawak sa kamay ko kaya bigla akong napatayo.

Rafaela didn't even give me a chance to react. Hinila na niya ako palabas mula sa lugar na iyon.

"Hoy! Saan kayo pupunta?" Narinig kong sigaw ni Nipol mula sa 'di kalayuan.

Dire-diretso lang si Rafaela at walang pakialam sa mga nakakasalubong, ni hindi niya binabati pabalik ang mga taong nagtangka siyang batiin.

I barely see him like this. Rafaela is the typical cool and relaxed guy. You don't often see him look annoyed or mad for real because he is usually the cause of someone's annoyance and anger. That's why seeing him this serious and forbidding is new to me. 

Napakamot ako sa noo. "Rafaela, saan ba tayo pupun—"

"Let's play," Rafaela suddenly said in a playful tone. Hinarap ako nito nang tuluyan kaming makalabas sa restaurant.

Napanganga ako sa sinabi ni Rafaela. Hindi ko alam kung nagbibiro ba ito o ano.

Kung gaano kabilis ang pagiging seryoso at malamig niya ay siyang bilis din kung paanong biglang bumalik siya sa makulit at masayahing personalidad niya.

Bumitaw ako mula sa pagkakahawak niya at tiningnan siya ng matalim. "Ano'ng pakulo na naman ba ito, Rafaela? I'm not in the mood to play in your stupid game, so drop it."

Rafaela sighed, and his face softened. "I'm not joking, Anton. Niyayaya talaga kitang maglaro." He jerked his head towards the street.

Tiningnan ko ang paligid. High-way na ang nasa labas ng restaurant. Tabi-tabi ang mga maliliit na kainan. Monday's Grill was probably the biggest food establishment around the area. Malaki rin ang parking lot nito. May mga street vendors sa gilid na nagbebenta ng fish balls, kwek-kwek, at kung anu-ano pa.

"Seryoso ka ba? Dito talaga?" Muli kong hinarap si Rafaela. "Maglaro ng ano?"

"Ng hide-and-seek," walang kagatol-gatol na sabi nito.

I looked at him incredulously. Seryoso ang mga mata nito. Rafaela avoided my gaze and looked down. I continued to stare at him. He was wearing a simple orange shirt, black maong pants, and white Converse sneakers. Gusto ko sana itong biruin na mukha siyang ponkan subalit wala ako sa mood makipagbiruan ngayon at mukhang ganoon din siya.

I crossed my arms. "Ayoko," mariin akong umiling.

Muli itong tumingin sa akin at sumimangot. "Arte mo. Hindi bagay sa'yo ang maging KJ, Anton."

"Wala akong pake."

Lumapit si Rafaela at humawak sa magkabilang balikat ko. "KJ talaga. Dali na," parang batang pagmamaktol nito.

I stared at Rafaela. For a moment, I thought of our childhood days. I knew exactly why he wanted to play hide-and-seek.

Ever since we were kids, we would always play this game whenever someone was feeling down and lonely. This game was and still is our escape from everything. We are allowed to get lost. We are allowed to hide. We are allowed to be alone for a moment.

Tumalikod ito at nilagay ang mga kamay sa magkabilang bulsa. "Sige na, Anton. Go hide somewhere."

I stood there, frozen. I didn't know what to do. Should I go along and play with him?

"What are you waiting for? I'm giving you a minute to find a place to hide, Anton. Kaya bilisan mo na. Magtago ka na," bakas ang kaseryosohan sa boses ni Rafaela.

I guess I was just waiting for Rafaela's go signal after all. Parang may sariling isip ang mga paa ko nang bigla akong tumakbo palayo kay Rafaela. I kept running and running. Hindi rumerehistro sa isip ko ang mga nadadaanan ko. The ground blurred below me. I kept running for what seemed like longer than it should have.

Hindi ko alam kung ilang minuto na akong tumatakbo. I darted past people, houses, trees, and cars. The wind was whipping my face. Tammy's effort to fix my hair and make-up was wasted. Siguradong magagalit iyon kung makikita niya ako ngayon.

Tumawa ako ng mapakla. I bet I looked stupid sa mga taong nakakasalubong ko. Nagmumukha akong baliw sigurado sa ginagawa ko ngayon.

Bigla kong naramdaman ang unti-unting pananakit ng mga paa ko. That's when I slowly decided to stop running. I felt a bead of sweat rolled down my forehead and splattered to my chin. My breathing quickened. Napayuko ako at napahawak sa mga tuhod ko habang habol ang aking hininga.

I couldn't exactly describe what I was feeling, but my chest hurt so bad. Mabilis ang pintig ng puso ko at nahihirapan akong huminga. Parang sinusuntok at iniipit ang sikmura ko. Isabay pa ang pakiramdam na parang binibiyak ang ulo ko sa sakit.

Hinawakan ko ang dibdib ko. Hindi ako makasigaw, ni walang boses na lumalabas sa akin. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha. Hindi ko alam kung dala ba ito ng pagod mula sa pagkakatakbo ko o kakaiba talaga itong nararamdaman ko ngayon. Bago ito sa akin at ngayon ko lang naramdaman.

I couldn't feel the excitement I had earlier. Lahat ng iyon ay biglang naglaho.

I closed my eyes and thought that it would hurt too much to open them.

I don't know much about heartbreaks. I'm not even sure if what I'm feeling right now is a heartbreak. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nag-effort ako sa lalaki ng todo-todo para mapansin to the extent na inayos kong mabuti ang sarili ko.

I opened my eyes and suddenly felt the pain again.

I sat on the cold cement and watched as cars sped by and slowed down. I could hear the sounds of honking and tires screeching. Sa 'di kalayuan ay maririnig din ang sigawan, usapan, at tawanan ng mga tao sa paligid. I was sitting in front of a sari-sari store. I didn't know where I was, but I was sure that I was still in town.

Pinatong ko ang dalawang kamay ko sa tuhod ko.

Pumainlang ang isang musika mula sa mga nakatambay na mga binata na nagjajamming sa kabilang tindahan.

"How long does it take

For a taker not to take

Any more than what he needs to make it work

How long will it be

Till those seeing eyes will see

Just enough to try and be a little more"

I saw two small stray dogs playing just across the road.

I sighed in exhaustion. "Ano ba'ng gusto kong mapala? Why am I doing these stupid things?" I absentmindedly held my hair and twisted it.

"And how long were wishing

That the talkers would just listen

You can hear a further distance in the quiet"

I could smell the food from corner vendors nearby. I was hungry earlier, pero sa ngayon ay wala akong ganang kumain.

"And how long did the sky

Make the dreamers wonder why

Only birds had wings to fly away"

I clicked my tongue. "Nakakainis naman ang kanta. Bakit ang depressing niya?" Naiinis kong sabi habang dinampot ang maliit na bato sa harapan ko at tinapon sa kalsada. Bwisit itong mga tambay na ito.

Lumipas ang ilang sandali. Ilang kanta na ang natugtog ng mga binatang nakatambay. Ilang sasakyan at mga tao na ang lumampas sa harapan ko.

"Found you," I heard someone say. He was breathing hard, probably tired from all the running. Hindi ko na kailangan lumingon para alamin kung sino ito dahil kilalang kilala ko ang boses niya.

Naramdaman ko siyang naupo sa tabi ko.

"Grabe. Akala ko mahihimatay na ako sa pagod," humihingal na sabi nito habang nakatingala sa langit. "Pambihira ka naman, Anton. Ang sabi ko hide-and-seek ang laruin natin, hindi marathon. Langya ka naman, e."

"Leave me alone," walang ganang sabi ko.

"Sira ka ba? Ikaw na ang taya. Nakita na kita, e."

"Bakit ba ang kulit mo?" I huffed in annoyance.

"Makulit talaga ako kasi alam mo namang hindi kita papabayaang mag-isa."

"I'm okay."

"Well, you don't look like you are."

Hinarap ko si Rafaela. "It's none of your damn business, Rafaela. Just leave me alone. Wala akong time makipag-away sa'yo ngayon. Not now, please lang."

"Hindi rin ako nandito para makipag-away sa'yo. Sana naiintindihan mo rin iyon, please lang."

I rolled my eyes. "How did you find me anyway?" I groaned in exasperation.

"Well, that's easy." Rafaela met my gaze. "You can never ever hide from me, Anton. I can always find you. It's not because you're not good at hiding, it's because I never give up finding you. I always believe that I can find you. I will find you, and I'm sure as hell that I always will."

Napanganga ako sa sinabi ni Rafaela. I was trying to find any signs of hilarity in his tone but was unsuccessful. Whoa. Seryoso ba 'to?

I took deep breaths and found the courage to open my mouth. "Do you really have to go that far, Rafaela?"

"It's not a question of how far. When it comes to you, nothing is ever far enough, Anton," Rafaela smiled. 

It was a smile that warmed my heart. Madalas ay walang magandang lumalabas sa bibig ni Rafaela kundi puros kalokohan. Makulit siya, maingay, at magulo. Kabaliktaran ng mga perfect na lalaki na nasa mga istorya at pelikula. Well, he isn't a perfect guy, but to me, he is a perfect best friend.

I rolled my eyes playfully as my mouth slowly lifted to a smile. "Talaga ba?"

Mas lalong lumaki ang ngiti ni Rafaela. "Why do you think I ran all around town for almost two hours while frantically asking random strangers about your whereabouts?"

Tuluyan na akong napangiti sa sinabi ni Rafaela. This guy really has some superpower to make me smile in the most difficult situations. "You're the best-est best, Rafaela." I suddenly hugged him tightly. "Ikaw talaga ang pambansang best friend."

Rafaela laughed and hugged me in return. "Wow. Namnam na namnam ko talaga ang papuri mo, Anton. Parang ulan sa tag-araw at init sa tag-ulan, minsan lang."

Humalakhak ako at hinampas ng malakas ang likod niya na siyang kinatayo niya.

"Aray! Grabe ka talaga," reklamo ni Rafaela habang hawak hawak ang likod niya. Saglit kaming nagtawanan bago siya nagsalitang muli at naupo sa tabi ko. "Ano? Do you feel better now?"

I shrugged and looked at the road. "I think so. Well, somehow. Hindi ako familiar sa pain ng heartbreak. All I know is that, a while ago, I was feeling so much pain, and the one who is causing the pain has no idea at all," pagmamaktol ko.

"Oo nga. Masakit. Masakit isiping nakakapag-English ka pa sa lagay na iyan."

Dinampot ko ang maliit na bato sa harapan ko para ibato sa lalaking katabi ko.

"Aray, aray," reklamo ni Rafaela.

"Sira ulo ka ha."

"Joke lang! Pikunin ka na naman diyan, Picunin."

"Seryoso ako rito na nagdadrama pero ginagago mo ako."

"Hindi kaya! Hindi lang naman ako makapaniwala na nagkakaganyan ka dahil sa lalaki. E, ang buong akala ko nga, tomboy ka!" Dinuro ako ni Rafaela kasabay ng panlalaki ng ilong nito.

"Ano?!" Napatayo ako at hinawakan sa kwelyo si Rafaela na halos ikatumba nito. "Hoy! Gago ka! Hindi ako tomboy! Ano? Suntukan na lang?!" Nanggigigil na sabi ko kay Rafaela.

"Hindi na po. Joke lang po iyon," natatawang sabi ni Rafaela at mabilis na kumawala mula sa hawak ko. Tumakbo ito at kumembot kembot na parang bata.

Napailing na lang ako sa inis. I seriously wanted to beat the shit out of that guy. I don't think he will ever mature.

Naupo akong muli at tumingin sa mga sasakyang nagdaraan.

I didn't know how many minutes or probably hours I was there. Ilang minutong katahimikan din ang lumipas sa aming dalawa.

"Ano ba naman 'yan, Anton. May dila ka ba? Bakit hindi mo gamitin?" Nakakunot-noong tanong ni Rafaela na nakalapit na pala sa tabi ko.

"May kamao ako. Gusto mong gamitin ko sa'yo?" Nakairap kong tanong.

"Sungit," narinig kong bulong ni Rafaela.

"Tse."

"Tse ka rin. Siya nga pala, Anton, nakita ko sa bahay itong notebook mo. Nakalimutan mo na naman," nakangusong binigay ni Rafaela sa akin ang maliit na notebook na nakaipit sa likod ng pantalon nito.

Napapitik ako sa hangin nang maalala na iniwan ko nga pala ito saglit sa lamesa niya habang inaayusan ako ni Tammy.

I skimmed through my notebook when a piece of paper fell from it. Nang dinampot ko ito ay bahagya akong nagulat sa aking nakita.

I wrote this two years ago.

Bucket List:

1. Win a marathon race.

2. Do something outrageous in a public place.

3. Join a singing contest.

4. Plant a flower.

5. Write a poem.

6. Climb a mountain.

7. Go to Paris.

8.  Go to a festival.

9.  Fly in a hot air balloon.

10. Find the right one.

I secretly smiled bitterly.

"I guess number 10 is probably the hardest to achieve and impossible to come true," I whispered to myself.  

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 134K 34
What Sidra Everleigh wants, Sidra Everleigh gets-or at least that was the rule before she found herself trapped and alone with a shy Japanese guy in...