You're My HOPE, I'm Your ANGE...

By queenEyJ13

6.7K 218 508

"You're my Hope, I'm your hope, I'm JHOPE" - "Yes you're my Hope, but I'm not your hope because I'm your Ang... More

*DISCLAIMER*
Oh my God my hearteu (1)
I love hamburger (2)
And SPRITE (3)
Only Englisheu (4)
A big sufrise (5)
You Dirty water (6)
Don't touch my faceu (7)
I hate snakeu (8)
Very no fun (9)
Important businesseu (10)
JHOPEEEEEEEEE (11)
JHOPEEEEEEE (12)
JHOPEEEEEEEEE (13)
JHOPEEEEEEEEEE (14)
JHOPEEEEEEEEEE (15)
JHOPEEEEEEEEEEE (16)
JHOPEEEEEEEEEE (17)
JHOPEEEEEEEEEE (18)
JHOPEEEEEEEEEE (19)
JHOPEEEEEEEEEE (20)
JHOPEEEEEEEEEE (21)
JHOPEEEEEEEEEE (22)
JHOPEEEEEEEEEE (24)
JHOPEEEEEEEEEE (25)
JHOPEEEEEEEEEE (26)
JHOPEEEEEEEEEE (27)
JHOPEEEEEEEEEE (28)
JHOPEEEEEEEEEE (29)
JHOPEEEEEEEEEE (30)
JHOPEEEEEEEEEE (31)
JHOPEEEEEEEEEE (32)
JHOPEEEEEEEEEE (33)
JHOPEEEEEEEEEE (34)
JHOPEEEEEEEEEE (35)
JHOPEEEEEEEEEE (36)
JHOPEEEEEEEEEE (37)
JHOPEEEEEEEEEE (38)
JHOPEEEEEEEEEE (39)
ANGEL
JHOPEEEEEEEEEE (40)
JHOPEEEEEEEEEE (41)
JHOPEEEEEEEEEE (42)
JHOPEEEEEEEEEE (43)
JHOPEEEEEEEEEE (44)
JHOPEEEEEEEEEE (45)
JHOPEEEEEEEEEE (46)
JHOPEEEEEEEEEE (47)
JHOPEEEEEEEEEE (48)
JHOPEEEEEEEEEE (49)
JHOPEEEEEEEEEE (50)
JHOPEEEEEEEEEE (51)
JHOPEEEEEEEEEE (52)
JHOPEEEEEEEEEE (53)
JHOPEEEEEEEEEE (54)
JHOPEEEEEEEEEE (55)
JHOPEEEEEEEEEE (56)
JHOPEEEEEEEEEE (57)
JHOPEEEEEEEEEE (58)
JHOPEEEEEEEEEE (59)
JHOPEEEEEEEEEE (60)
JHOPEEEEEEEEEE (61)
JHOPEEEEEEEEEE (62)
JHOPEEEEEEEEEE (63)
JHOPEEEEEEEEEE (64)
JHOPEEEEEEEEEE (65)
JHOPEEEEEEEEEE (66)
JHOPEEEEEEEEEE (67)
JHOPEEEEEEEEEE (68)
JHOPEEEEEEEEEE (69)
JHOPEEEEEEEEEE (70)
Special Chapter Pt. 1
Special Chapter Pt. 2
EPILOGUE
ANGEL 🖤

JHOPEEEEEEEEEE (23)

100 3 1
By queenEyJ13

"Huy love birds gumising na kaya kayo no! Napupuno na ng langgam ang bahay", nagising ako sa lakas boses ni Ran,

Nakaupo siya sa sofa sa gilid kandong kandong si Janeah,

Nahihirapan akong makatayo dahil ang bigat ni Hoseok, nakadantay sakin yung isang paa niya tapos nakayakap naman yung isang braso niya,

At naiilang din ako kay Ran dahil topless si Hoseok, baka mamaya ano pa isipin ng madumi niyang utak,

"Jagi, gising na", sabi ko saka tinusok tusok yung pisngi ni Hoseok,

"Hmm", gumalaw lang siya ng konti pero hindi parin natinag,

"Anong oras na ba?", tanong ko kay Ran,

"10 o'clock na po kaya, anong oras ba kayo natulog ha? Kayo ha hindi pa nakakaisang taon si Ja- hehe joke lang to naman", hindi niya natapos ang pagbibiro niya dahil sinamaan ko siya ng tingin,

"Hoseok-ah gising na", sabi ko ulit saka inuga yung braso niya,

Unti unti niyang iminulat ang mata niya saka ako nginitian,

"Hmm goodmorning Jagi", sabi niya sabay hila sakin papalapit sakanya at niyakap ako at isinubsob sa dibdib niya,

Hmmmm ang bango talaga nito, mas mabango pa yata kay Janeah,

"Ehem!", napabitaw si Hoseok ng mapansing may nanunuod samin,

"Goodmorning Ran, goodmorning janeah", sabi ni Hoseok saka bumangon na,

"Magdamit ka huy", bulong ko sakanya,

Sinunod naman niya ako kaya kinuha niya yung tshirt niya kagabi saka isinabit sa balikat niya saka siya dumirecho sa kwarto para siguro kumuha ng panibagong damit,

"Anong nangyari sa lips nun? Ay ikaw Angel ah ikaw may kagagawan nun no?", biglang sabi ni Ran,

Anong ako?

"Hoy babae ako ba sumapak dun ha?", sagot ko sakanya sabay irap,

"Ay sa sapak ba niya nakuha yan? Akala ko sa ano eh hihi", kinikilig na sabi niya,

"Hays ewan ko sayo Ran kung ano ano naiisip mo, kumain ka na ba? Si Janeah nakadede na?", tanong ko sakanya habang nililigpit yung hinigaan namin,

"Oo kumain na ko, kayo kumain na rin dun, si Janeah kanina pa dumede pagkagising", sagot niya,

Pagkatapos kong magligpit pumasok na ko sa kwarto para magbihis at para din ayain ng kumain si Hoseok,

"Jagi kakain-", hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang lumabas siya sa cr na tumutulo pa ang buhok at nakatapis lang ng towel sa baba,

Hoseok-ah bakit ganyan ka ka-hot? Natutukso ako ano ba?!

Nagakyatan yata lahat ng dugo ko sa mukha ko, tangin-

"Sige Jagi kainin mo na ko", sabi niya saka lumakad palapit sakin,

Kung ano ang hakbang niya palapit yun naman ang hakbang ko paatras,

"Waaaah tigilan mo ko Hoseok!", sabi ko, itutulak ko dapat siya palayo sakin pero parang nanghina ako nang dumikit sa stoned abs niya ang mga palad ko,

"Uuuuy", pang iinis niya pero nung bibitaw na sana ako ay wala na kong maatrasan dahil nasa likod ko na yung kama dahilan para ma out of balance ako kaya nahila ko siya,

So ang ending, napahiga ako sa kama tapos tapos- he is now on top of me,

Kyaaaaaaaaaah!

"Binitin mo ko kagabe eh diba? C'mon pay me!", sabi niya saka tinitigan ako ng nakakaloko at unti unting nilalapit sakin yung mukha niya,

Napapikit nalang ako at hinihintay ang pagdampi ng labi niya nang biglang-

"Yah! You two what are you doing?!", napatayo kami at sabay na napatingin sa sumigaw na yun,

At nakita ko si Jk kasama si V na animong nagtatakip pa ng mata,

"Yah why don't you knock first?", inis na tanong ni Hoseok saka umayos ng tayo at inalalayan din akong makatayo,

"Tapos na ba? Pwede ko na alisin yung takip sa mata ko?", parang batang tanong ni V,

"Oo Taetae wala naman kaming ginagawa eh", sagot ko,

"May gagawin palang?", tanong niya saka unti unting inalis yung mga kamay niyang tumatakip sa mata niya,

"Aaaarggh! Ano ba kasing ginagawa niyo dito?", naaasar na tanong ni Hoseok,

"Pupunta kase kaming mall ni V hyung so we want to make sama si baby", sagot ni Jk,

"No! Baka mamaya maiwala niyo pa yung anak ko", sagot ni Hoseok,

"Waaaah edi igagawa namin kayo ng bago", gulat ako sa sagot ni V,

Paano naman kaya sila makakagawa ng bago eh pareho silang may-

"Huy feeling mo may mattress ka ah", natatawang sabi ni Hoseok sakanya,

"Di ka naman mabiro hyung. Kayo ni Angel makakagawa naman kayo bago diba?" Sabi niya habang tinataas taas pa pareho ang kilay,

"Oo kung di kayo nanggulo baka nakagawa na kami! Panira kayo ng moment eh", sabi ni Hoseok kaya feeling ko namula nanaman yung mukha ko sa hiya,

"A-Ah tama na yan, jagi magbihis ka na para makakain na tayo, kayo naman JK and V sige papasamahin ko sainyo si Janeah basta ingatan niyo yung anak ko ah", bilin ko sakanila,

"No jagi, hindi pwede!", reklamo ni Hoseok,

"Hyung wag kang KJ pumayag na nga si Angel eh, saka ayaw mo nun solo niyo yung bahay", sabi ni Jk saka kumindat kay Hobi,

Ahhhhh! Bakit sila ganto? Nakakaloka,

"Nandito yung kaibigan ko kaya hindi namin masosolo yung bahay", sagot ko sakanya,

"Ang rinig ko sa usapan nila nung lalaki, may lakad daw sila", sabi ni V,

Talaga? Sinong lalaki? Si Paul siguro, pero- ANDWAEEEE hindi namin pwedeng masolo ang bahay,

"Talaga? Osige hiramin niyo yung anak ko kahit bukas niyo na ibalik", sabi ni Hoseok na kala mo nanalo sa lotto,

"Aish ewan ko sainyo, sige na kumain na muna tayo magbihis ka na maghahanda na ko, tara JK and V kumain na din muna kayo", aya ko sakanila saka lumakad na palabas,

"Kakakain lang namin eh, sige maghanda ka na jan, hintayin nalang namin kayo sa sala", sabi ni JK saka sila dumirecho sa sala at naupo sa sofa.

"Bes may lakad daw kayo?" Tanong ko nung makasalubong ko si Ran papuntang kwarto niya,

"Ah oo bes nag aya si Paul eh, anyways nandun kay V si Janeah ah magbibihis muna ko" sabi niya saka pumasok na sa kwarto,

So masosolo nga naming dalawa ni Hoseok ang bahay? Hindi pwede! Masyado pang bata si Janeah para masundan siya,

Pero bakit ba pati isip ko nahawa na sa kadumihan ng isip ni Ran,

Hays wag ko na nga lang isipin yun.

Naghanda na ko ng pagkain at maya maya lang din lumabas na ng kusina si Hoseok,

Naka printed blue shirt siya saka sports short, ang gwapo ng hobi ko kahit ang simple lang ng suot niya,

Pagkatapos naming kumain, binihisan ko na si Janeah, hinanda ko na din ang mga bote ng gatas niya na dadalhin nila JK,

"Hoy ingatan niyo yung anak ko ah!" Bilin ni Hoseok nung papaalis na sila,

Buhat ni V si Ja, then si Jk naman ang may dala ng bag, naka cap and mask din sila para hindi sila makilala ng mga makakasalubong nila,

Ang cute nila, kung hindi lang sila parehong lalaki mapagkakamalan mong mag asawa sila, si V ang nanay then si JK ang tatay tapos anak nila si Janeah,

Ang sarap sigurong mamasyal na buo kayo no? May tatay, may nanay at anak,

"Anong iniisip mo mahal ko? Bakit nakatulala ka jan?", nagulat ako ng yumakap siya sakin mula sa likod,

"Iniisip ko lang kung ano kaya ang pakiramdam na mamamasyal kayo na kumpleto ang pamilya ganon", sagot ko sakanya saka ko isinandal ang ulo ko sa dibdib niya at ikinapit yung kamay ko sa braso niya,

"Hayaan mo jagi, bukas ipaparamdam ko sayo, pero ngayon tayong dalawa muna", nagulat ako sa sinabi niya,

Eto na ba yung sosolohin niya ko?

"Anong tayong dalawa muna?" Tanong ko,

"Aalis tayong dalawa mahal ko, kaya maligo ka na dun ako na ang magliligpit ng pinagkainan natin" sabi niya,

"Talaga?", gulat kong tanong kaya napaharap ako sakanya,

"Opo, kaya sige na maligo ka na dun, hiniram ko din yung kotse para wala ng eeksenang kuya Felix sating dalawa", sabi niya kaya natawa nalang kami pareho.

At gaya nga ng sinabi niya, pumunta na kong kwarto para maligo.

Nagsuot lang ako ng jeans and white v neck shirt. Saka ko ibinuhol sa laylayan dahil medyo mahaba and pinartneran ko na flats, and ofcourse white cap.

Nagpowder lang ako and konting blush on saka liptint.

Kinuha ko din yung sling bag ko para may mapaglagyan ako ng wallet and phone then konting pisik lang ng bvlgari amethyst perfume tapos lumabas na ko ng kwarto,

Nadatnan ko si Hoseok na nakaupo sa sala at tutok na tutok sa cellphone niya,

"Jagi, di ka pa ba magbibihis?", tanong ko saka umupo ako sa tabi niya,

"Ah minomonitor ko lang sila JK baka mamaya ano na ginagawa nila sa anak ko", sabi niya habang patuloy ang pag tatype sa phone niya,

"Ano ka ba jagi? Di naman siguro pababayaan nila V si baby, sige na magbihis ka na dun", sabi ko sakanya,

Tumingin siya sakin at ngumiti,

"Okay, anjan na din pala yung kotse. So wait me 10 mins lang jagi", sabi niya saka tumayo na at dumirecho na sa kwarto,

Habang hinihintay ko siya, nagbukas muna ako ng tv, pero biglang tumunog yung phone ko,

"Hello? Bakit napatawag ka?", tanong ko sa nasa kabilang linya,

"Wala namimiss lang kita! Gusto kitang makita pero alam kong kasama mo si hyung", ramdam ko ang lungkot sa boses niya,

"J-Jimin wag ka namang ganyan nakokonsensya ko eh", sabi ko sakanya,

Ayokong ganyan ka,

"Sorry hindi ko lang kase maiwasan eh, pero wag kang mag alala pipilitin ko", sabi niya saka biglang inend yung call,

Paano ko makukuhang maging masaya kung sa kabila nila may nalulungkot na taong mahalaga sakin,

"Tara na?", bigla akong napatingin kay Hoseok paglabas niya ng kwarto,

Naka white v neck shirt din siya at jeans na pinarisan ng black na sneakers nakacap siya na black at may hawak na black mask,

At kahit medyo malayo siya sakin ay abot sa kinauupuan ko ang humahalimuyak niyang amoy,

Mahilig siya sa mga hindi ganong kasang sang na pabango pero ngayon ang tapang ng amoy niya, ang tapang pero ang sarap sa ilong,

"Jagi? Alam kong gwapo ko pero wag mo kong titigan ng ganyan dahil baka hindi tayo matuloy umalis at magkulong nalang tayo sa kwarto", bumalik ako sa katinuan ng magsalita siya,

A-Anong sabi niya?

"A-Ah sabi ko nga tara na", sabi ko at nauna ng lumabas ng pinto, ayokong magkulong sa kwarto noh dahil- wala ayoko lang.

Inalalayan niya muna akong sumakay sa passenger seat bago siya sumakay sa driver seat,

"Jagi san tayo pupunta?", tanong ko sakanya habang focus siya sa pagmamaneho,

"I've researched any famous amusement park here in the Philippines and napili ko ang Enchanted Kingdom so we're now heading there", nakangiting sagot niya saka lumingon sakin,

Tumango nalang ako at nagfocus sa daan,

"Malapit ng bumalik ang members sa SoKor noh?", tanong ko sakanya para magkaroon kami ng topic dahil naaawkward ako sa katahimikang bumabalot samin,

"Hmm, bakit mo natanong?", tanong niya habang focus pa din sa pagdadrive,

"Wala bigla ko lang naisip itanong, ikaw di ba maiiwan ka?", tanong ko sakanya,

"Yes mag stay ako ng 1 week pa, gusto niyo bang sumama sakin sa Korea?", gulat akong napatingin sakanya,

Kami? Sasama sakanya sa Korea? Parang hindi magandang idea yun dahil pagbalik nilang Korea ang dami nanaman nilang aasikasuhin for sure,

"Ahm diba may mga tour kayo? Kaya pag sumama kami sayo hindi rin tayo magkakasama dahil nagpupunta kayo overseas, saka hihintayin ka nalang namin bumalik, diba babalik ka naman?", tanong ko sakanya,

"Ofcourse I am, syempre babalik-balikan ko ang mag ina ko dito every month! Saka remember ikakasal pa tayo diba?", sabi niya sabay kindat,

Napangiti ako bigla, sarap sa ears,

Dati kinikwestyon ko pa yung posibilidad na pwede bang ikasal ang tulad ko sakanya, pero ngayon mukhang magkakatotoo na,

"Sigurado ka ba?", bigla siyang napatingin sakin at kumunot ang noo,

"Anong sigurado?", nagtatakang tanong niya,

"Are you sure you're going to marry me? Di kase ako makapaniwala", sagot ko sakanya,

"Honey, do you think sasabihin ko yun if hindi ako sigurado? Lahat ng bagay na gagawin kong may kinalaman sayo lahat yun sigurado ako. How many times do I need to tell you na maniwala ka na because it's really happening and you're not dreaming", nakangiting sabi niya sabay hawak sa kamay ko,

"Di lang ako makapaniwalang ang isang tulad mo ay papatol sa isang tulad ko", sagot ko sakanya,

"Why not? There are no boundaries when it comes to love. And I love you whoever you are and whatever your status are", sabi niya saka itinaas ang kamay ko at hinalikan,

Ang swerte ko talaga sa lalaking to,

Almost 3 hours din ang byahe, nakarating na rin kami sa Enchanted Kingdom,

Nagsuot muna siya ng mask bago lumabas ng kotse at pagbuksan ako ng pinto,

Hinawakan niya ang kamay ko at inaya na kong pumasok sa loob,

Maraming tao ngayon dito, kaya rin medyo nakakaramdam ako ng kaba na baka may kung sinumang makakilala kay Hoseok kahit na nakamask siya, hard stan can relate XD

Bumili siya ng dalawang ride all you can ticket.

Aba mukhang malakas na loob niya ah, dati dun sa mga run bts nila ang duwag niya sa mga rides,

Bigla akong natawa sa naalala ko,

"Jagi? Bakit ka tumatawa jan?", tanong niya kaya umiling nalang ako,

Ayoko ng sabihin yun sakanya baka mamaya sabihin pa iniinis ko siya,

Bumungad samin ang naglalakihang rides dito sa enchanted,

Nakuha agad ng attention ko yung Loop roller coaster,

"Jagi dun tayoooo", sabi ko saka ko siya hinila para pumila,

"H-Ha jan?", biglang tanong niya,

"Oo bakit ayaw mo ba? Di mo kaya? Gusto ko sumakay dito eh", tanong ko saka ko siya binigyan ng 'sige na' look with beautiful eyes pa,

"A-Ah kaya syempre saka gusto mo diba bakit ako aayaw. Sige tara na,", kaunti lang yung nakapila kaya saglit lang turn na namin,

Ang higpit ng hawak niya sa kamay ko pagkasakay namin,

"Jagi okay ka lang ba?" Tanong ko dahil parang hindi siya kumportable,

"Yes ofcourse", sagot niya saka parang kinakalma yung sarili niya pero halata mong kabado siya dahil napapalunok siya ng napapalunok,

Nang umandar na,
"WAAAAAAAAH! AYOKO NAAAAA! STOP IT JEBAL JEBAL!", Sigaw niya kaya natawa ko at napatingin sakanya,

Ang loko nakapikit pa, Ano akala ko kaya mo?

"WOOOOOOH!" Habang ako enjoy na enjoy etong katabi ko nanlalamig na yung kamay,

Hinigpitan ko yung hawak sa kamay niya,

Pero hindi na siya katulad kanina na sigaw ng sigaw, emotionless na siya,

Paghinto ng rides agad agad siyang bumaba ni hindi na nga ako hinintay eh,

"Huy okay ka lang?", tanong ko sakanya kase tahimik at namumutla siya,

"Ayokong magsalita jagi kase parang masusuka ko", sagot niya kaya inaya ko muna siyang maupo sa isang bench para mahimasmasan,

Bumili din ako ng bottled water para sakanya,

"Hindi mo naman pala kase kaya pinilit mo pa", sabi ko sakanya habang binubuksan yung tubig,

"Eh sabi mo gusto mo eh", sabi niya saka kinuha sakin yung bote ng tubig at uminom,

Bakit parang nakonsensya pa ko dahil pinilit niyang sumakay dun kahit di niya kaya dahil lang gusto ko,

"Ano okay na ba pakiramdam mo?", tanong ko sakanya saka ako umupo sa tabi niya,

"Hmm ayos na, tara kain muna tayo" aya niya saka biglang tumayo at hinawakan yung kamay ko,

Naglakad lakad lang kami dun hanggang sa may makita kaming kainan, hindi siya yung mga sosyaling kainan dahil dito lang to sa loob ng enchanted, sa sizzling house to be specific,

"What do you want?", tanong niya,

Alam kong okay lang sakanyang kumain sa hindi ganong kamahal na resto dahil kumain na kami noon sa turo turo,

"Kung ano yung order mo, yun nalang din", sagot ko sakanya,

Lumapit samin yung babaeng crew,

"Ahm miss can we have 2 sizzling sisig and 2 spicy beef and 2 sprite please", sabi niya sa crew,

Dami naman?

Tapos na siyang umorder pero yung crew, na animo'y sinisipat ang mukha ni Hoseok,

Ibinaba niya kase yung mask niya nung umorder siya tapos nakalimutan niyang ibalik, pero nang maramdaman niya yung titig ng crew ibinalik niya din to agad agad sa pagtakip ng lips and nose niya,

Nahalata kong hindi komportable si Hoseok sa ginagawang pagtitig ni ate girl,

"Ahm excuse me miss? Bakit?", tanong ko,

"May kamukha mo kase siya eh, pero baka kamukha lang, sige po sorry for making you uncomfortable" sabi ng crew saka umalis na,

"Akala ko marerecognize niya ko", kabadong sabi ni Hoseok,

"We can talk to her naman eh if ever na makilala ka niya", sabi ko sakanya,

Maya maya lang dumating na yung food, so kailangan ulit magtanggal ng mask ni Hoseok,

Malagkit pa din yung titig ng crew pero dahil may mga nagdatingan pang customer nawala kay Hoseok yung attention niya,

"Dami mo namang inorder?", tanong ko sakanya,

"Para if ano gusto mo sa dalawa", nakangiting sagot niya.

After naming kumain, nagbayad na siya, ibang crew na yung nag assist samin, buti nalang.

"San mo gustong sumakay?", tanong ko sakanya,

Ayoko na magdecide ng kung anong sasakyan namin dahil alam kong hindi siya tatanggi pag ako ang nagsabi kahit pa ayaw niya,

Pero halos magkanda samid samid ako sa pagtawa ng ituro niya yung carousel,

"Jagi!", saway niya sakin,

"Sorry hahahaha seryoso ka ba dun talaga?", tanong ko habang nagpipigil ng tawa,

"Oo!" Sagot niya,

"Okay", sabi ko saka hinila siya dun,

Pang carousel lang ang powers ng anpanman ko hahahahaha,

Ng makasakay ako sa isang kabayo dun, hinihintay ko ding sumakay siya sa katabing kabayo ng sinasakyan ko pero instead na sumakay dun ay tumayo lang siya sa gilid ko na parang nakaalalay,

"Oh kala ko gusto mo dito?", nagtatakang tanong ko sakanya,

"Yes but I didn't say na sasakay din ako sa horse, dito lang ako sa tabi mo", nakangiting sabi niya,

Kaya imbis na ihawak ko sa kapitan yung kamay ko, umakbay ako sakanya,

Matangkad siya so sakto lang kami kahit pa nakasakay ako sa horse,

Maya maya naglabas siya ng phone at ibinaba yung mask niya,

"Look here honey", sabi niya then we took 5 selcas,

Nang matapos na umikot ang carousel, naglakad lakad muna kami,

Bumili ng ice cream, cotton candy at ng iba pang madaanan namin,

Pansin kong maraming tingin ng tingin kay Hoseok dahil siguro kakaiba ang kutis niya, mahahalata mong ibang lahi siya,

Natatakot lang akong baka may makasalubong kaming hard stan army, dahil for sure kahit naka mask si Hoseok malabong hindi nila ito makilala,

"Do you want to go there?", tanong niya nang mapansing hindi maalis ang tingin ko sa horror house na nadaanan namin,

"Oo sana but it's okay if you don't-", hindi na niya ko pinatapos magsalita nang akbayan niya ko at hilahin palapit dun,

"Seryoso ka? Baka mamaya iba nanaman timpla mo paglabas natin", paninigurado ko sakanya,

"Hmm kayang kaya ko na yan jagi", natatawang sagot niya,

Rinig mo na agad ang kalampagang magpapakabog sa dibdib mo pagpasok mo palang ng entrance,

Ang higpit ng hawak namin sa kamay ng isa't isa dahil pareho kaming kinakain ng takot,

"Waaaaaaaaaa!", sabay naming sigaw ng may bumulagang multo samin,

At mas lumakas ang tili namin ng makapasok pa kami lalo, take note mas malakas ang sigaw sakin ni Hoseok, hahahahaha kaya minsan imbis na magulat ako sa mga nanggugulat na multo mas nagugulat ako sa sigaw niya, pano nauuna pa siyang sumigaw kaysa sa panggugulat ng multo,

At nung malapit na kami sa exit, kalmado na kaming naglalakad dahil alam naming wala ng manggugulat dun pero-

"BOOOOOOOO- ARAAAAAAAAY!" Napa-aray yung lalaking nakasuot ng pugot na ulo outfit na nanggulat samin dahil bigla siyang itinulak ni Hoseok sa sobrang gulat nito,

"Sorry sorry", sabi ni Hoseok. Ako naman natawa sa nangyari,

"Tangina makapagresign na nga mamaya, sakit lang ng katawan ang aabutin ko sa trabahong to", rinig kong sabi nung lalaki,

HAHAHAHAHAHAHA!

Pagkalabas namin tawa ko ng tawa,

"Jagi are laughing at me?" Pikon na tanong ni Hoseok,

"Hahahahaha Jagi naawa ako dun sa huling multo", sabi ko habang hindi mahinto sa katatawa,

"Feel sorry for him, saka di ko naman sinasadya", sabi niya saka natawa na din,

"Napamura tuloy si kuya tapos mamaya magreresign na magpapahilot pa baka napilayan!", tumatawa pa ring sabi ko,

"Teka nga what is Tangina? Is that a curse? I always heard that word pero ayokong gayahin dahil I think it's a curse, I also noticed that word when somebody comment on our vlive like "Tangina mo Hoseok, ang gwapo mo" like that so after hearing that word again ngayon lang ako nagkachance na tanungin if ano ba yun", tanong niya,

Nagulat ako sakanya, hindi niya alam na mura yon? Alam ko nasabi ko na din sa kanya yun ah, seriously Hoseok? HAHAHAHAHA

Pinigil ko yung tawa ko at pilit sinagot yung tanong ko,

"Tangina is another way of saying Mahal or Mahal Kita", pabirong sabi ko sakanya,

Halata mong nagbibiro lang talaga ko at sarcastic yung pagkakasabi ko pero-

"Kung ganon jagi, TANGINA MO!"-

A/N: If meron ako ditong reader na bata, mga baby ko, Tang*na is a bad word okay? Wag niyong gagayahin or sasabihin yung word na yun dahil mapapalo kayo ng parents niyo. :)

Continue Reading

You'll Also Like

5.2K 135 65
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!
8.6K 187 61
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
381K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...
14.1K 422 20
Jimin X Reader A solo artist (reader) and a member of BTS (Jimin) was being shipped by fans. May contain badwords sorry. PS. Please take note kung a...