ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 63: MOTIVES

360 30 1
By angelodc035

Sa pagdating ng mga sasakyang militar ay kaagad na nagbigay ng makakain ang mga sundalo sa mga tao. May mga kasama rin ang mga ito na iilang mga doktor para tingnan ang kalagayan at kalusugan ng mahigit sa isang-daang mamamayan na hapong-hapo na rin sa haba ng nilakad. Tatlo sa mga babaeng doktor ang kumukuha ng dugo sa mga ito para makasiguro na wala sa kanila  ang nahawaan ng mga anak ng buwan o nilalang ng kadiliman.

Laking pasasalamat naman nina Odessa na wala pa sa mga kasama nilang mga tao ang nagsusumbong sa mga sundalo tungkol sa katauhan nila. Pero ang nagiging problema nila ngayon ay kung anong gagawin nilang dahilan para makaiwas silang hindi makuhanan ng dugo ng mga babaeng doktor.

Ipinatawag ni Odessa ang mga kasama nila at nagusap-usap ng patago sa ilalim ng mga di kalakihang mga puno sa paligid ng Cultural Center of the Philippines Complex para mapagplanuhan kung ano ang kanilang gagawin upang maiwasang malaman ng mga miltar ang kanilang pagkatao. Ayaw nilang  makapanakit pa ng tao lalo na ang kaguluhan na puwedeng makapagpahamak pa sa mga taong matagal ng nakaranas ng sobrang takot at hinagpis simula ng lumusob ang mga anak ng Buwan. Kaya kailangan nilang maging maingat at mapagmasid sa lahat ng posibleng mangyari kung saka-sakaling may magsumbong sa mga militar na isa sila sa mga anak ng buwan.

"Nasaan ba si Caren?" Ang tanong ni Demetria kay Ceasar habang nakamasid sa mga grupo ng mga sundalong nagpapatrol sa paligid ng CCP Complex.

"Kanina ko pa siya ipinahahanap sa isa sa mga kasama, hindi nila ito makita." ang tugon ni Ceasar kay Demetria.

"Hindi naman kaya kasama niya si Fr. Mexo sa loob ng CCP theater at tumutulong sa mga doktor sa kanilang mga pasyente?" ang biglang sabi ni Randy sa dalawang kasama.

"Hindi eh, galing na ako kanina sa loob, tanging si Fr. Mexo lamang naroroon kasama yung Opisyal na sundalo na si Lt. Eilbert Samartino." ang mabilis na sagot naman ni Ceasar kay Randy.

"Hayaan na muna natin siya. Baka nandiyan lang siya sa paligid, sasabihan na lang natin siya kung ano ang magiging mapagkakasunduan natin sa pagpupulong ngayon." Ang wika naman ni Odessa sa mga kasama.

Tumango naman sina Demetria, Randy at Ceasar sa tinurang iyon ni Odessa. "Ano sa tingin ninyo ang magandang gawin para maiwasan nilang malaman na kauri natin ang mga anak ng buwan na dahilan ng kanilang paghihirap ngayon?" ang tanong ni Odessa.

Napaisip ang mga kasama ni Odessa sa kanyang tanong. Lalo na ay iniiwasan nilang malaman ng mga sundalo kung anong nilalang sila. Hindi lahat kasi ng mga taong nakasama nila ay natutuwa sa kanila kahit na ilang ulit na rin nila itong nailigtas sa kamay ng mga alagad ng kadiliman. Mabuti na rin na makapaghanda para kung ano man ang mangyari, masama man o mabuti ay nakahanda pa rin sila.

"Ang sa akin, Odessa ay sinabihan ko na ang mga kasamahan ko na kailangang isa-isa silang hihiwalay sa grupo para hindi ito basta-basta mapapansin ng mga sundalo na umaalis ang mga kasamahan kong taong-lobo. Pagkatapos ay magtitipon-tipon kami sa iisang lugar para magkakasama muli." ang pagbabahagi naman ni Ceasar sa kaniyang ginawa para umiwas sa mga mata ng mga sundalo.

"Pero hindi natin basta-basta maiiwanan ang mga taong ito ng ganun-ganun lang mga kasama. Nakita na natin kung gaano kabilis nalipol ang mga tao sa buong mundo ng mga anak ng buwan. Hindi na rin natin alam kung gaano na lang karami ang natitirang mga tao dito sa Pilipinas. Kung iiwan natin sila sa ganitong sitwasyon, sino ang tutulong sa kanila?" Ang sabi naman ni Demetria.

"Tama si Demetria. Hindi natin sila iiwanan bagkus ay magiging tagaprotekta tayo ng mga natitirang lahi ng mga tao dito sa Pilipinas." ang pagsang-ayon ni Odessa. " Pero, mga kasama..." biglang nag-iba ang tono ni Odessa. Tumingin ang lahat sa kanya upang pakinggan ang ibig nitong sabihin sa kanila. "...tulad ng napag-usapan natin kahapon, kailangan kong tapusin ang puno't-dulo ng pinagmulan ng kaguluhang ito. Kailangan kong tuparin ang sinasabi ng propesiya tungkol sa akin, tungkol sa pagpigil sa paglaganap ng lagim ng mga anak ng buwan at paghahari nito hindi lamang dito sa mundo ng mga tao maging sa ikatlong mundo at ng kalangitan." ang malungkot na paliwanag ni Odessa. Hinawakan naman ni Randy ang kamay ng kasintahan at saka pinisil iyon. Tinitigan naman ni Odessa ang mga mata ni Randy at saka pinilit na ngumiti.

"Nauunawaan namin Odessa ang iyong papel na dapat mong gampanan hindi lamang sa mundong ito. Napakabigat ng responsibilidad na nakaatang sa iyong mga balikat. At kung ang pagpunta mo sa ikatlong mundo ang tatapos lahat ng kaguluhang ito, huwag mo kaming alalaanin kaibigang Odessa. Hindi namin pababayaan ang mga tao, hinding-hindi kailan man." ang emosyonal na wika ni Demetria kay Odessa.

"Salamat Demetria. Magiging panatag ang aking pag-alis dahil naniniwala ako sa sinabi mo, salamat." Niyakap niya ng mahigpit si Demetria pagkasabi nito sa kanya.

"Ang tanong ay kung ano ang pinakamainam nating gawin para makaiwas muna sa kanila?" ang tanong naman ni Randy sa grupo.

"Sa tingin ko mabisa yung paraang ginawa nina Ceasar. Paunti-unti ang pag-takas para hindi mahahalata ng mga sundalo ang pag-iwas natin sa kanila, pero hindi naman talaga tayo aalis at iiwanan sila. Mananatili tayo sa paligid nila para maipagtanggol pa rin sila sa oras ng kailangan na nila ang ating tulong sa muling paglusob ng mga anak ng buwan." ang tugon naman ni Demetria.

"Kung gayon, kailangan na nating madaliin ang pag-alis dito sa lalong madaling panahon." ang wika naman ni Randy.

"Sa aming dalawa ni Odessa, madali para sa amin gawin iyon dahil kaya naming kumilos na sinbilis ng kidlat." ang sabi ni Demetria na ipinagmamalaki ang kanilang kakayahan  bilang bampira.

"Kami din." ang sabi ni  Ceasar.

"Eh, pa'no naman ako?" ang problemadong tanong ni Randy.

"Eh di, gawin mo ang ginawa ni Ceasar yung disappearing act na tinatawag." ang pabirong wika ni Odessa.

Tumingin si Randy sa kasintahan. "Ang sweet naman sa akin ng mahal ko." ang pabirong tugon ni Randy at saka kunwari natawa sa sinabi ni Odessa.

"Eh paano na si Caren?" ang tanong ni Demetria sa mga kasama.

"Yan ang problema. Hindi natin alam kung masasabi natin ang plano nating ito sa kanya ng hindi maririnig at malalaman ng iba." ang tugon naman ni Ceasar sa tanong ni Demetria.

"Ihahabilin ko na muna siya kay Fr. Mexo at ipapaalam ko sa kanya ang naging plano natin." ang suhestiyon naman ni Randy sa grupo. "Ako na ang gagawa nun para mas ligtas dahil isa pa rin akong tao."

"Tama si Randy." ang pagsang-ayon ni Ceasar. "Iyan ang pinakaligtas na paraan na magagawa natin para kay Caren.

"Kung gayon ay kumilos na tayo!" ang sabi naman ni Demetria.

Pero hindi pa man sila nakakakilos ay papalapit na sa kanila ang isang grupo ng sundalo na armado ng malalakas na armas. Kinabahan si Randy sa kanyang nakitang paglapit ng limang sundalo sa kanila. Nagkatinginan ang apat at tahimik na hinintay sa paglapit ang mga armadong sundalo.

Limang sundalo ang mabilis na lumapit  kina Odessa, Demetria, Randy at Ceasar. Armado sila ng mga baril na nakasabit sa kanilang mga balikat. Tikas na tikas ang mga ito sa suot nilang type B fatigue uniform at mabibigat ang bawat hakbang sa makikintab nilang combat shoes. May isa sa kanila ang nakasuot ng type A fatigue uniform na maaaring pinaka leader sa kanilang lima. Sa tingin ni Odessa may edad mula labing-pito hanggang dalawampung-taong gulang ang mga ito at bagito pa lamang sa pinasukan nilang propesyon.

Paglapit sa kanila ng limang sundalo ay tinitigan muna sila ng mga ito, marahil ay naguguluhan sa mga kasuotang kakaiba nina Odessa at Demetria na wala man lang sa nakita nilang nausong kasuotan bago pa man lumusob ang mga anak ng buwan sa mundo. Pinilit na ngumiti ang limang sundalo kina Odessa at tumango bilang pagbibigay ng respeto sa mga nadatnan nila.

"Ma'am and sirs, kumain na po kayo ng almusal ninyo para na rin matingnan na kayo ng mga doktor natin sa loob ng gusali. Mga isang oras lang po tayong maglalagi dito at pagkatapos po ay ibibyahe na po kayo sa may La Vista sa Quezon City. Doon po ay naghihintay ang iba pang mga evacuees mula sa iba't-ibang lugar dito sa Maynila." Ang wika ng magalang na batang sundalo.

"Evacuation center?" ang tila hindi makapaniwalang naitanong ni Randy at saka humakbang papalapit sa mga sundalo.

"Opo, sa awa po ng Diyos ay nagawa naming ligtas ang halos kabuuan ng subdivision. Mayroon kaming sapat na tao at malalakas na armas para panlaban sa mga nilalang ng mga kadiliman, kaya napanatili naming ligtas ang lugar sa loob ng apat na buwan. Kada pamilya ay mayroong kani-kaniyang bahay doon na matitirhan tulad ng normal na buhay na tinatamasa natin bago pa man ang pag-atake ng mga alagad ng dilim. May mga eskwelahan ang mga kabataan at hospital para sa mga may-sakit. Kumbaga po ito ang magsisilbing bagong Pilipinas na babangon mula sa pagbagsak nito mula sa mga nilalang ng kadiliman." Ang paliwanag ng batang sundalo na may nakasulat na R.A. Angeles sa kanyang nameplate sa suot niyang type A militaty uniform.

Tila nakaramdam naman ng pagkatuwa sina Odessa pagkarinig sa mga sinabi ng isa sa mga batang sundalo. Kung totoo ang sinasabi nito sa kanila ay magaan sa kalooban ni Odessa na iiwan ang mga kasamang sina Demetria, Ceasar, Caren, Fr. Mexo, siyempre lalo na kay Randy na pinakamamahal niya at sa kaibigan nitong si Sagaway.

"Paano naman po ang pagkain ng mga tao sa araw-araw? Nagiging sapat po ba ito sa pangangailangan ng mga tao sa loob ng La Vista?" ang usisa naman ni Randy.

"Wala po tayong problema pagdating sa pagkain. May isang malaking bodega po sa subdivision na imbakan ng mga pagkaing nakuha ng mga namumuno sa subdivision sa mga malls at supermarket dito sa Maynila. Sa dami po ng pagkaing nakaimbak ay tatagal po ito ng limang-taon para sa mahigit isang-libong katao. Mayroon din pinagkukuhanan ng malinis na tubig para sa pangaraw-araw na pangangailangan ng mga tao." ang pagpapatuloy na kuwento ng sundalo.

Manghang-mangha naman si Randy at Ceasar sa mga narinig mula sa sundalo. Marahil panahon na rin para mapanatag ang kaniyang kalooban sa mga taong nakasama nila sa Bulacan. Pero, nang maisip ang pamilya sa Tarlac ay nakaramdam ng kalungkutan si Randy dahil hindi na rin niya alam kung buhay pa o nakasama na sa mga namatay sa pag-atake ng mga anak ng buwan ang mga ito. Pero umaasa siya na sana ligtas ang kanyang pamilya sa probinsya.

"Tara na po, sumama na po kayo sa amin para makapag-almusal na rin kayo." ang paanyaya ng isa pa rin sa limang sundalo sa kanilang harapan.

Akmang sasama sana sila ng may maalala si Odessa. Hindi dapat sila sasama papunta sa may gusali ng CCP dahil malalaman nila kung sino at anong klaseng nilalang sila.

"Sandali!" ang halos pasigaw na wika ni Odessa. Napatingin ang lahat sa kanya lalo na ang limang sundalong sumusundo sa kanila.

"May mga kasamahan pa kaming naiwan sa isang hotel sa may Roxas Boulevard. Ang ilan sa kanila ay may mga sugat sa katawan kaya nagpaiwan muna sila sa hotel na tinuluyan namin ng ilang araw. Kailangan na naming umalis para dalhin sila dito para mabigyan ng agarang atensyong pang-mesikal." ang pagsisinungaling ni Odessa at saka makahulugan ang mga tingin niya kina Demetria, Randy at Ceasar.

Tumango-tango ang sundalong kausap nila. "Ganoon po ba? Kung ganon ay pasasamahan ko na po kayo sa mga kasama namin para hindi kayo mahihirapan sa pagsagip sa kanila. Pakikusapan po natin ang isang truck ng militar para mas mabilis ang pagkuha ninyo sa mga kasama ninyong sugatan." ang mungkahi ng sundalong naka full fatigue uniform.

"Hay huwag na po. Kaya na po naming gawin iyon lalo na hindi naman po lahat ay sugatan. Saka kung saka-sakaling magkaroon ng emergency dito mas magagamit po ninyo ang truck sa dami ng mga taong naririto ngayon." ang sabi naman ni Randy.

"Kahit na, para masigurado po natin ang kaligtasan ninyo sa pagliligtas sa kanila." ang tugon pa rin ng batang sundalo.

"Ha eh, isa na pong malaking bagay na tinanggap po ninyo kami sa inyong evacuation center, pero hindi po makakabuti para sa mga kasama namin ang makakita ng mga sundalo sa ngayon." ang biglang sabad naman ni Ceasar. Napatingin naman kay Ceasar  ang mga sundalo sa tinuran nito.

"Ha? Bakit?" ang usisa ng mga sundalo sa sinabi ni Ceasar.

"Kasi ganito po iyon chief. Kahapon kasi ay may kasama kaming mga sundalo na..." Tumingin si Demetria kay Odessa.

"Mga sundalo, na kasama ninyo kahapon?" ang usisa ng batang sundalo na may katungkulan sa apat na kasama.

"...opo mga sir, yung tatlo pong sundalo ay bigla na lamang nag-amok dahil po sa naranasang trauma sa mga paglusob ng mga anak ng buwan sa loob ng hotel. Bigla po silang namaril ng namaril sa loob ng hotel at may mga nasugatan po dahil sa tama ng bala mula sa mga sundalo. Kaya kapag nakakakita sila ng mga sundalo ay nginginig na po sila sa sobrang takot." ang pagsisinungaling din ni Randy sa mga sundalo.

"Kaya kung maaari po sana ay kami na po muna pupunta sa kanila para madala namin dito ng maayos ang mga sugatan naming kasama." ang may kalungkutang wika ni Odessa.

Nagkatinginan ang mga sundalo at tila nagdedesisyon kung paniniwalaan ba nila ang sinabi sa kanila ng mga ito para madala sa kanila ang mga sugatan nilang mga kasama na lingid sa kanila ay pawang inimbento lamang nina Odessa.

"Naku ma'am trabaho po namin yan bilang mga sundalo. Pero kung hindi po kayo papipigil ay sige, hihintayin na lang po namin kayo dito. Baka kasi hindi sasama ang mga sugatan ninyong kasama kapag nakita nila kami na kasama po ninyo. Nakakalungkot man isipin na ang naging sanhi ng kanilang mga sugat ay sa amin pang tulad na sundalo ang naging dahilan ng kanilang hindi magandang kalagayan. Ako na po ang humihingi ng pasensya para sa aming kasama na marahil hindi rin nila intensyong gawin ang pamamaril. Kayo na rin ang nagsabi na baka natrauma din sila sa pakikipaglaban nila sa mga nilalang ng dilim." Ang magalang na pagsang-ayon ng batang sundalo.

Kinalabit  ng isa sa mga kasamang sundalo ang batang sundalo at binulungan niya ito. "Bakit ka pumayag? Baka mapahamak tayo kay Leutenant niyan." ang pabulong na wika ng isa sa mga kasama nito.

"Bobo ka ba?Hindi tayo nakakasigurado sa kaligtasan natin kung sasamahan pa natin sila. Marami pa ring nagkalat na mga aswang sa lugar kung saan natin sila natagpuan." ang pabulong din na tugon ng batang sundalo sa kasama.

"Sir, may problema po ba?" ang tanong ni Randy ng mapansing nagbubulungan ang dalawa..

Biglang napatingin ang dalawa kay Randy at bahagyang nataranta. "Ha wala naman pasensya na, may importante lamang naitanong itong kasama ko na kailangan ko munang sagutin." Ang mabilis na sagot ng sundalo.

Tumango si Randy at pakunwaring ngumiti at saka tumingin sa mga kasama. "Ganun po ba?" ang sarkastikong tanong nito.

"Ganun nga po." ang wika ng sundalo at saka ngingisi-ngisi na nagbigay ng kilabot kina Randy at Ceasar.

"Kung okay lang po sa inyo, para hindi po kami gagabihin, maaari na po ba kaming lumakad para kaagad na naming maidala rito mga sugatan naming kasama?" ang tanong ni Ceasar na halatang kinakabahan.

Nagkatinginan ang limang sundalo sa pakiusap ni Ceasar sa kanila. Dalawa sa kanila ang iniyugyog ang ulo tanda ng di nila pagsang-ayon sa desisyon ng kasamahan nilang sundalo. Tatlo naman sa kanila ang pumayag kaya halos lumundag sa kagalakan si Ceasar sa nakita sa pagsang-ayon ng mga ito. Pinigilan ni Ceasar ang sarili at minabuti na lamang niyang umarte ng normal katulad sa ginagawa ng kanyang mga kasama.

"O sige, ibinibigay ko na sa inyo ang pahintulot at maaari na kayong umalis para kaagad din kayong makakabalik dito sa sa CCP complex Hihintayin namin kayo at ako na ang bahalang magpapaliwanag kay Lt. Samartino. Pero pakiusap lang na huwag na lang ninyong sasabihin kahit kanino na pinayagan ko kayo sa pag-alis ninyo na hindi man lang namin kayo sinamahan." ang pakiusap ng nakafull fatigue uniform na sundalo. Hindi maalis-alis ni Odessa ang kanyang mga mata sa kanya dahil kanina pa ito nayayabangan sa mga ikinikilos at pagsasalita nito sa kanila.

"Makakaasa kayo sir. Pero may hihilingin po sana kami bago kami aalis." ang wika ni Randy. Nakahinga ng maluwag sina Odessa at ang mga kasama nila dahil sa pagkakataong iyon ay hindi na nila kailangang tumakas para makaiwas sa mga sundalo.

"Aano 'yon?" ang tanong ng lalakeng sundalo kay Randy.

"Puwede po ba na makausap muna namin si Fr. Mexo para makapagpaalam kami sa aming pag-alis. Siya kasi ang nagsisilbing leader ng grupo namin at para hindi siya mag-aalala kapag nalaman niyang umalis kami dito sa lugar na ito." ang tugon ni Demetria sa batang sundalo habang sinusubukang basahin kung ano ang nasa isip nito.

Tiningnan ng sundalo sina Demetria at Odessa mula ulo hanggang paa. Nakatingin naman at inihahanda naman ni Randy ang sarili kung saka-sakaling may gustong gawing masama ang mga ito sa kasama nilang dalawang babae. Inilipat ng batang sundalo ang kanyang tingin sa kanyang mga kasama.

"Pvt. Romulo, pakitawag mo sandali ang kasama nilang pari, pakibilisan mo na lang para hindi sila gagabihin sa kanilang pupuntahan." ang utos nito sa isa sa kanyang kasama.

Mabilis namang tumugon ang sundalo sa utos ng kasama na lalong nagpapatunay na siya ang leader sa grupo nila. Patakbo nitong binaybay ang daan patungo sa CCP Building para puntahan si Fr. Mexo.

"Siya nga pala, pasensya na at nakalimutan namin ipakilala ang aming mga sarili sa inyo, ako nga pala si Pvt. 1st Class Ramil Angeles, yung inutusan ko si ay si Pvt.  James Romulo, tapos heto naman si Pvt. Romille Torres..." sabay turo sa matangkad at payat na lalake sa kanyang kaliwa. "...heto naman si Reserve Army Officer Danilo Borja, ang pinakabata sa aming grupo at Reserve Army Officer Albert Jomino." ang pagpapakilala ni Pvt. Ramil Angeles sa kanyang mga kasama.

Nagkatinginan naman sina Randy at Odessa at nakikiramdam kung magpapakilala rin ba sila o hindi na sa batang sundalo. Nakikiramdam sila sa isa't-isa habang nakamasid at naghihintay ang apat na sundalo sa kanilang pagpapakilala. Akmang magpapakilala na sana si Randy ng biglang napatingin siya sa may gusali ng CCP at nakita niya ang paparating na sina Fr. Mexo at ang sundalong inutusan ni Pvt. Angeles. Napatingin din ang apat na sundalo sa direksiyon kung saan tumingin si Randy.

"O andiyan na pala sila." ang nakangiting wika ng sundalo at lahat ay napatingin sa paparating na pari at ng kasamahan nilang sundalo.

Mabilis namang sinalubong nina Odessa si Father Mexo para makaiwas na rin sa mga sundalong pinamumunuan ni Pvt. Angeles. Duda si Odessa sa ipinapakitang kabaitan ng mga ito sa kanila.

Tila nakahalata rin ang batang sundalo sa ikinikilos nina Odessa at mga kasama nito kaya nanatili munang pinagmasdan muna ang mga ito. Naging maingat din si Demetria sa kanyang mga ikinikilos at mga salita dahil nararamdaman niyang may binabalak ang limang sundalo na nasa paligid nila.

"Gusto niyo raw ako maka-usap?" ang tanong ni Fr. Mexo sa mga kasama.

"Father, hinay-hinay lang po at may importante kaming sasabihin sa inyo. Kaso ay nakikinig sa ating usapan ang limang sundalong kasama natin dito ngayon." ang pakikipag-usap ni Odessa gamit ang isip. Ito ay para pangunahan na ang pari sa binabalak ng limang sundalo sa kanila.

Kaagad namang naunawaan ni Fr. Mexo ang pakikipag-usap ni Odessa sa kanya gamit ang kanyang isip. Pinagmasdan ni Fr. Mexo ang limang mga sundalo na kunwari ay nagkukwentuhan ang mga ito para hindi mapansin ang kanilang paniniktik sa kanilang pag-uusapan. Ipinaliwanag ni Odessa sa pari ang kanilang sitwasyon na baka malaman ng mga sundalo na hindi sila mga tao kaya kailangan muna nilang umiwas sa kanila para maiwasan ang kaguluhan.

"Ano ba ang sa atin mga kaibigan?" ang malakas na boses na tanong ni Fr. Mexo.

"Magpapaalam po muna kami para balikan ang mga sugatan nating mga kasama sa tinuluyan nating gusali kagabi." Ang wika ni Ceasar.

"Hindi kami puwedeng makuhanan ng dugo Father. Umiiwas kami na baka magkaroon ng kaguluhan kapag nalaman nila ang aming katauhan." ang paliwanag ni Odessa sa pari gamit ang isip nito.

"Naiintindihan ko mga kasama, kailangan na ninyong umalis na at matulungan ang iba pa nating kasama." Ang tugon ni Fr. Mexo kina Odessa.

"Duda ako sa kanila Father. May nararamdaman akong kakaiba sa kanila." ang muling wika ni odessa sa pamamagitan ng mental telepathy.

"Huwag kayo mag-aalala. Magmamasid ako dito at hindi ko pababayaan ang mga kasma natin." ang tugon ng pari gamit na rin ang kanyang  isip na nababasa ni Odessa.

"O paano po among kailangan na po naming bumalik para maisama dito ang mga sugatan nating mga kasama at mabigyan ng agarang lunas sa kanilang naging pinsala." ang wika ni Odessa ma nakangiti.

"O siya na. Pagpalain nawa kayo ng panginoong diyos. Hangga't maari ay bumalik kayo dito habang may liwanag pa. Sasabihan ko si Lt. Samartino na hintayin namin  kayo bago magtungo sa may La Vista sa Quezon City." ang tugon ni Fr. Mexo na maya't-maya ay tumitingin sa limang sundalo na napapansin din niyang tila nakikinig ang mga ito sa kanila.

"Sige po father, pero kung hindi pa po kami dumarating sa loob ng tatlong oras ay mauna na po kayo sa La Vista at doon na rin kami didiretso kung saka-sakali." ang wika naman ni Ceasar sa pari.

" Mga chief, kailangan na naming umalis na para kung saka-sakali ay kaagad kaming makabalik dito at makakahabol pa sa pagtungo ninyo sa La Vista." ang sabi naman ni Randy sa mga sundalo.

"Sige, sana kaagad kayong makabalik at maging ligtas kayo sa inyong paglalakbay." ang tugon ni Pvt. Angeles sa kanila.

Nagkatinginan sina Odessa, Demetria, Ceasar, Randy at Fr. Mexo at pilit na nakikiramdam sa mga sundalo sa kanilang harapan.

"Salamat mga chief. Sana ay maging ligtas din kayo." ang sabi ni Ceasar, at sinumulan na nila ang paglisan sa lugar. Bago umalis si Odessa ay nginitian niya si Fr. Mexo at nagbigay pugay sa kanya.

"Maging mapagmatyag at alerto ka among dahil may nararamdaman akong kakaiba sa mga sundalong naririto. Mag-iingat kayo at pakisabi kay Caren na alam niya kung saan niya kami pupuntahan, hihintayin namin siya." ang wika ni Odessa sa pamamagitan ng mental telepathy.

Nanatiling nakatingin sa kanila ang limang sundalo at masasalamin sa kanilang mga mukha ang pilit na mga ngiti. Nang masigurong nakakalayo na sina Odessa at ang kanyang mga kasama ay sinenyasan ni Pvt. Angeles ang kanyang mga kasama para sundan sila sa kanilang pupuntahan. Hindi naman nagpahalata ang tatlo sa mga sundalo kay Fr. Mexo sa pagsunod nila kina Odessa.

"Among, mas makabubuti po siguro na bumalik na po tayo sa CCP building, medyo umiinit na ang sikat ng araw sa paligid." ang paanyaya ni Pvt. Angeles sa pari na kaagad namang pinaunlakan iyon ni Fr. Mexo.

Tulad ng sinabi ni Odessa ay hindi nagpapakampante si Fr. Mexo sa magandang ipinapakita ng mga sundalo. Sa mga oras na iyon ay naramdaman din niya ang tinutukoy sa kanya ni Odessa. Ngayon ay tila napaisip si Fr. Mexo tungkol sa naging desisyon niyang sumama sa mga sundalo na nagsabing kaya silang protektahan ng mga ito laban sa mga kampon ng mga kadiliman.

Si Caren? Nasaan nga ba si Caren? Ito ang naging tanong ni Fr. Mexo ng di nga niya napapansin kanina pang umaga ang dalaga. Ni hindi na niya ito nakita pagkatapos ng pakikipag-usap nito kay Lt. Eilbert Samartino. Hindi siya mapapanatag hangga't hindi niya nalalaman kung nasaan at nasa mabuting kalagayan ang babaeng pulis na si Caren.

Iginala ni Father Mexo ang kanyang mga mata sa dalawang sundalo na sumusunod sa kanyang likuran. Tila pinagmamasdan ng mga ito ang kanyang mga ikinikilos na labis niyang ikinababahala pero pilit pa rin niyang  sinubukang iwaksi ang lahat ng kanyang pagdududa sa mga militar. Baka naman siguro nagkakamali lang sina Odesaa sa kanilang kutob sa mga sundalo. Dala na rin marahil ng mga napagdaanan nila sa pakikidigma sa mga kampon ng kadiliman kaya nagiging mapagmatyag ang mga ito at naninigurado lamang sa kaligtasan ng mga nakararaming tao na pinoprotektahan din nila. Naguguluhan man ay sinusubukan pa ring maging positibo ni Fr. Mexo. Ano man ang mangyayari ay nakahanda siya para protektahan ang mga taong kasa-kasama nila mula pa ng nasa Bulacan sila hanggang nandito na sila sa Maynila. Hindi rin naman mawawala sina Demetria at alam niyang makikiramdam lamang sila sa paligid at nakahandang sumaklolo pag nagkaroon na ng kaguluhan.
-----------------------

Mag-isang naglalakad si Caren pabalik kung saan sila nanggaling bago pa sila natunton ng mga militar na nagliligtas ng mga taong nabiktima ng mga anak ng kadiliman. Alam niyang magagalit sa kanya ang kanyang mga kasama dahil sa kanyang ginawa na hindi man lang nagpaalam sa kanyang paglisan. Pero anong magavawa niya? Kailangan niyang hanapin si Alex. Naniniwala pa rin siya na buhay pa ang lalake na naging importante sa kanya kahit man lamang sa maikling panahon na nakasama niya ito. Kailangan siya ni Alex, kailangan nito ang tulong niya. Hindi siya susuko, hindi niya susukuan si Alex. Ngayon niya napagtanto na mahal pala niya ang lalake. Habang tumatagal ang mga araw at buwan na hindi niya ito nakikita ay lalo ang pagnanais ng kanyang puso na hanapin si Alex.

Halos patakbo siyang lumapit sa tulay na kung saan kasamang nahulog ng babaeng taong-lobo ang pinakamamahal niyang si Alex. Paglapit niya sa tulay ay kaagad niyang tinungo ang pinakalalim na bahagi nito at mula sa mga bato ay muli siyang naupo sa para ipahinga ang mga pagod niyang paa. Iginala niya ang kanyang mga mata at sinusubukang pagmasdan ang buong paligid. Baka kasi naroroon lamang si Alex at tinataguan lamang siya nito. Nang hindi nakuntento sa kanyang kinauupuan ay tumayo ito tinitigan ang itim na tubig ng ilog. Pumulot siya ng maliit na bato at saka niya mapuwersang ibinato sa ilog na tumalbog ng tatlong ulit bago tuluyang lumubog sa tubig. Muli ay pinagmasdan niya ang buong paligid at pinakiramdaman ang nakakabinging katahimikan ng lugar.

Bumaba si Caren sa pampang ng maruming ilog at saka muling umupo sa isang malaking bato. Ang dati'y napakaingay na kalsada ay nakakabinging katahimikan ang namamayani dito na nagbibigay lalo sa kanyan ng kalungkutan. Tanging mga huni ng ibon na lamang ang maririnig sa paligid at ang maya't-mayang pag-ihip ng hangin sa makakapal na dahon ng mga puno sa paligid. Dumako ang kanyang mga mata sa maitim na tubig sa ilog na kung saan nakalutang ang tone-toneladang basura at patay na hayop.

"Alex...nasaan ka na?" ang mahinang wika ni Caren kasabay ng pagdaloy ng mga luha sa kanyang mga mata.
--------------------

Mahahaba ang kanilang mga hakbang para mabilis nilang marating ang sasakyang Balanday na nakadaong sa karagatang sakop ng Isla ng Labuad. Sa sobrang kapal ng mga dahon sa mga sanga ng mga puno ay halos hindi na lumulusot ang sikat ng araw sa loob ng kagubatan. Tinatahak nila ang pusod ng  Timog-Kanlurang bahagi ng kagubatan ng Tenacsan, na kung saan isa sa itinuturing na pinakamapanganib na kagubatan sa buong ikatlong mundo o Sinukluban.

Nang masigurong hindi na sila sinusundan nina Kasanaya ay minabuti na muna nina Diyosang Tala, Laurea at Anilaokan ang magpahinga na muma sa mga nakatumbang sanga ng puno sa paligid.

"Hindi naging ligtas kailan man ang lugar na ito sa mga kagaya nating mga kalaban ni Kasanaya kaya kailangan pa rin nating maging handa sa mga kampon niya sa kagubatang ito." ang paalala ni Anilaokan sa mga kasama niya habang nakaalerto ang kanyang paningin sa paligid.

"Salamat sa'yo Anilaokan. Salamat sa pagliligtas mo sa amin." ang sabi ni diyosang Tala.

Pilit na ngiti ang isinukli ni Anilaokan sa pasasalamat sa kanya ni diyosang Tala at saka muling iginala ang kanyang mga mata sa kabuuan ng kagubatan.

"Nangangalit ang kagubatan, mahal na diyosang Tala. Nagbibigay sila ng babala sa paparating na panganib. Hindi dapat tayo naririto, ayaw nila tayo dito." ang sabi naman ni Laurea na pinakikiramdaman ang buong paligid habang damang-dama niya ang paggapang ng kilabot sa kanyang katawan.

Bilang isang diwata rin ng kagubatan ay nangungusap sa kanya ang lahat ng nilalang na may buhay sa loob ng kagubatan. Damang-dama ni Laurea ang lahat sa paligid, damang-dama niya ang bigat ng kanyang kalooban sa isinumpang kagubatan.

Sabay-sabay na lumangitngit ang mga sanga at katawan ng mga naglalakiang mga puno sa kanilang paligid na nagbigay kilabot kay diyosang Tala. Dumako ang kanyang paningin kay Laurea na nangungusap ang mga mata tungkol sa kung ano ang nangyayari sa paligid. Kasabay ng mga paglangitngit ng mga puno ay ang tila unti-unting pangangalit ng hangin sa mga makakapal na dahon ng mga puno.

Napatayo sina Laurea at diyosang Tala sa kanilang nakikita sa paligid, habang si Anilaokan ay inaamoy-amoy ang buong paligid. Maingat ang kanyang mga hakbang at tila hinahanap nito kung saan at kanino nanggagaling ang masangsang na amoy sa paligid. Isang lumilipad na maitim na hibla ng buhok ang pumukaw sa kanyang pansin.

"Kubot..." ang namutawi sa bibig ni Anilaokan ng masiguro kung anong nilalang ang nasa paligid nila.

Nagpalinga-linga ang tatlo sa gitna ng kagubatan, damang-dama nila ang itim na puwersang umaalihid sa kanila. Napansin naman ni Laurea ang maiitim na ulap na unti-unting gumagapang sa itim na sahig ng kagubatan. Lahat ng dinadaanan nito sa ibabaw ng lupa ay naglalabasan ang sari-saring mga bulate at insekto sa  itim na lupa ng kagubatan.

Inihanda ni diyosang Tala ang tungkod ni Bathala, habang si Laurea ay nilaro-laro nito ang kanyang palad hanggang ito ay mag-apoy. Iwinasiwas naman ni Anilaokan ang kanyang espada na may lason at ipinuwesto ang kanyang sarili sa posibleng pag-atake ng mga anak ng buwan.

Patuloy sa pakikiramdam sa paligid ang tatlo. Alam nilang ano mang oras ay puwedeng umatake ang mga Kubot sa paligid.

"Kailangan na nating umalis dito. Naririyan lamang sila sa paligid, naghihintay lamang ng tamang pagkakataon." ang malakas na sabi ni Anilaokan.

Wala ng inakasayang panahon pa si diyosang Tala. Ipinukol nito ang gawing puwitan ng tungkod ni Bathala at bumalot sa kanya ang mga hibla ng kuryente. Unti-unti siyang iniangat ng mga boltahe ng kuryente sa lupa habang malulutong ang paglagitik ng mga hibla ng kuryenteng bumabalot sa kanya.

Mabilis ding iniunat ni Anilaokan ang malalapad niyang papak at kaagad na hinawakan si Laurea para ilipad ito sa himpapawid. Pero hindi pa man siya umaangat sa lupa ay Tatlong Kubot ang biglang lumundag sa kanila mula sa mga nagtataasang mga puno na hindi inaasahan ng tatlo.

Continue Reading

You'll Also Like

179K 5.3K 45
Si Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin n...
37.5K 922 45
(SHINEYA BOOK 2. For further information and details, read first the FIRST BOOK!) The SEARCH is over. When the secrets are unleashed, she is revealed...
20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
369K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...