My Diary

By yourmnlgirl

57 0 0

THIS DIARY WILL BE DELETED IF MY CRUSH HAVE NOTICED ME More

Diary 1

56 0 0
By yourmnlgirl

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang school, alas syete na kaya late na ko, so why bother na tumakbo kung late na din naman.

Nalate kasi ako dahil sobrang kupad ko talaga kumilos, well baka pinaglihi ako ng mama ko sa pagong. Hindi mo talaga ako mapapamadali kapag may gagawin ako. Idagdag mo pa yung traffic kaya late na late talaga ko. Ang ganda talaga mabuhay.

Habang naglalakad ay may suot akong earphones at nagbabasa ng wattpad. Hindi ko talaga maialis sa sistema ko yung wattpad. Pinanganak ata ako para magbasa ng wattpad eh.

"Aray" biglang sabi ko ng mabunggo ako at matumba.

Saglit akong napapikit at lumanghap ng sariwang hangin baka mamaya maging dragon ako dito..

Ang sakit sa p'wet eh. Lalo na kung wala ka naman talagang laman, yung puro buto lang. Puta diretso buto eh, yung pakiramdam na nabunggo ng ano mo yung gilid ng lamesa, ganun yung pakiramdam, boiiii..

Pagkatapos kung mahimasmasan ay tumayo agad ako. Habang pinapagpag ko yung palda ko ay tinignan ko iyong nakabunggo sakin..

L-A-L-A-K-I at G-W-A-P-O

Mukhang baguhan lang ito ah, ngayon ko lang kasi sya nakita eh. Pero focc ang gwapo boi, mukhang anghel na binagsak sa lupa dahil demonyo pala talaga..

Nakatingin sya sakin at biglang ngumisi.. Napakunot naman ako ng noo. Aalis na dapat sya ng sumigaw ako.

*Turn on: Masungit mode.*

"Hoy!! Lalake. Wala ka bang balak magsorry ha?" singhal ko at tsaka lumapit sa kanya. Tumingkayad ako para magkapantay ng konti yung mukha namin kahit walang effect dahil hindi ko talaga sya maabot kaya dinuro ko nalang sya.

" Alam mo bang ang sakit-sakit ng pwetan ko tapos  di ka manlang magsosorry kahit konti lang?" dagdag ko pa.

Nagulat ako ng bigla syang nagtaas ng kilay at yumuko  para magkapantay kami..

"O-oy. Ang lapit mo." kinakabahan kong sabi sa kanya.. Kaya umatras ako, at nakapameywang na hinarap ulit sya.

Rule no. 1: Wag marupok.

" Bakit ako magsosorry? Hindi ka tumitingin sa dinadaanan mo. Ikaw ang makabangga sakin." sabi nya.

Ang bango ng hiniga nyaaaaa.. Bakit ganun? Ang lamig ng boses nya. Ang ganda pa ng labi nya, tapos yung ilong nya, talo yung ilong ko. Yung kilay nya pangbabae, kumpara sakin.

"Done, checking me out?"

Bumalik ako sa wisyo ng natanong nya yun. Shocks! Tumalikod ako at simpleng pinunasan yung labi ko kung may laway bang tumulo, buti naman wala kaya hinarap ko ulit sya.

"Ang lakas naman ng apog mo, mister.. tsaka kung hindi ako tumitingin sa daanan ko. Bakit ikaw? Dapat iniwasan mo ko." matapang na sabi ko sa kanya at tinaasan din sya ng kilay pero yung akin dalawa yung nakataas, di ako marunong kapag isa eh.

" Ang swerte mo nga dahil nabangga mo ko. Ang daming babaeng naghahangad na madikit sila sakin."

Wow! Sobrang lakas naman pala ng hangin ng isang ito. Ekis ka sakin, boi.

" Alam mo ikaw, gwapo ka sana eh pero ang lakas ng apog mo..  Dyan ka na nga!." sigaw ko sa kanya at nilagpasan nalang sya..

Andito na pala ako sa school namin, hindi ko napansin. Bwiset yung lalaking yun, nasayang ang limang minuto ko dahil sa kanya.

Nang makita ko na yung room na papasukan ko ay huminga muna ako at dahan-dahang pinihit yung pinto. Sigurado patay na naman ako kay Sir, dakila.

Sumilip ako ng konti at nakikita kong nagtuturo na sya. Tinignan ko yung mga tropa ko sa likod kaya napatingin din sila sakin. Tumawa lang ang mga ugok at tinuro ang likurang pintuan para dun nalang ako papasok. Nag likezone naman ako sa kanila.

Dahan-dahan at nakayuko akong pumasok para hindi ako mahalata ni Sir, daks. Nang malapit na ako sa upuan ko ay may nakita akong dalawang pares ng sapatos na nakatayo sa harapan ko.

P-A-T-A-Y

"You're late again, Ms. Montes."

Naramdaman ko na unti-unting yumuko ang nasa harapan ko, kaya napatingin ako sa kanya. Pinakitaan ko sya ng pinakamatamis kong ngiti pero mukhang walang effect sa kanya..

"Ar-aay! ara-aay! Sir. Daks. naman ang sakit na." sigaw ko ng bigla nya kong pingutin at hinila papunta sa harapan..

"Tigil-tigilan mo yang kakatawag mo sakin ah. Ikaw lang ang nagiisang babaeng laging nagpapastress sakin." banggit nya.

Wala nalang akong nagawa nang pag squatin nya ko sa harapan. Puro tawa naman yung mga kaibigan ko sa likod kaya pinakyuhan ko sila.

"Mga bobo!" sabi ko sa kanila ng walang tunog..

"Wag nyong gagayahin itong kaklase nyong ito ah. Bad influence to' sainyo." banggit ni Sir. Daks sa mga kaklase ko.

Nagmamakeface lang ako ng sinasabi nya yun.

Ilang minuto ang nakalipas ng napatingin ako sa bintana ng classroom namin kung saan nakikita ang mga studyanteng naglalakad.

Napangiti ako ng napadaan ang mga kaibigan ko na nasa ibang section. Napatingin sila sakin at tsaka kinawayan ako, kumaway din naman ako pabalik. Nakangiti ako sa kanila habang sila parang naawa pa sakin. Parang sinasabi nila na dapat kasi ay wag na kong magpupuyat at pumasok ng maaga. Napailing nalang ako.

" Okay. Class dismissed."anunsyo ni Sir. Daks.

"Yeeeeessss.." sabi ko at nagunat-unat.. Ang sakit sa likod nun ah.

Nagsilapitan yung mga kaibigan kong ugok sakin at isa-isa akong inapiran. Mga matagal ko na silang kaibigan, simula pa noung una akong nakapasok dito. Sobrang saya nila kasama, kahit na minsan ay ang sarap nilan bugbugin, at OO, halos lahat sila lalaki, dalawa lang kaming babae sa grupo namin. Bale sampu kaming lahat. Walong lalaki at dalawang babae. Si kim, sya yung babaeng sobrang bait, matalino, maganda kumpara sakin.

"Ayos ka lang ba, Sesa?"

Speaking of kim. Napatingin ako sa kanya at nginitian sya.

"Ayos na ayos ako, kim." sambit ko.

" Hindi ka pa ba nasanay sa kanya, kim. Laging ganyan naman yan eh." natatawang sabi ni troy.

Tumawa naman silang lahat kaya ako, sinungitan ko sya tsaka binatukan. Sanay na kong laging inaasar ng mga ugok na kaibigan ko, pero hindi namin naasar si kim. Masyado syang precious samin. Ako naman yung pinakaclose sa kanilang lahat dahil ako yung mastermind nila.

B-O-I  yan ang tawagan namin lahat. Maliban kay kim, kim lang tawag namin sa kanya at yung pangalan naman namin ang tawag nya samin. Gets nyo ba?

" Tara na, guys. Punta na tayo sa canteen." yaya ni kim.

"Oo nga. Gutom na gutom ako eh. Ito kasing babaeng ito. Hindi pumasok ng maaga kaya wala akong nakain kanina."

Napatingin ako kay josh ng sabihin nya yun.

"So kasalanan ko pa. Ako ba kakainin mo ha?" natatawang sabi ko sa kanya.

"Oww."

"Kainan."

"Yuck."

"HAHAHAHA."

"Eww, boi.. Kadiri mga iniisip mo." sambit ni josh. Tinawanan ko lang sya tsaka kami nagpunta sa canteen.

Habang naglalakad kami ay madaming napapatingin sa amin. Yung iba puno ng paghanga, pero mas madami padin ang may galit samin or should i say sakin.

"Ako na bibili ng pagkain natin. Ano bang gusto nyo?" tanong ko sa kanila. Inaaninag ko kung mahaba ba yung pila, buti nalang ay maikli lang yung pila. Makakakain kami ng maaga.

"Naks! Libre mo boi?"

"Yayamanin kana pala, boi."

"Gago! KKB tayo dito mga ugok." sambit ko tsaka sila isa-isang siningil. May balak pa silang hindi magbayad pero dahil sinusunod nila ako, nagbayad nadin sila.

Wala akong masyadong pera kaya hindi ko sila nalilibre. Simpleng buhay lang naman ang meron ako. Hindi mayaman, pero hindi naman mahirap. Nagigipit din minsan dahil sobrang daming schoolworks na kailangang bayaran.

"Samahan na kita, boi."

"Ako din, boi. Sama ko."

Tinanguan ko lang sina jasper at clark. Sinennyasan ko naman yung iba na maghanap na ng pweston mapapagkainan.

Alam ko na yung mga paborito ng mga tropa ko kaya hindi ko na hiningi kung ano bang kakainin nila dahil lagi naman nilang binibili yung mga gusto nila. Halos lahat naman kami puro chicken at coke yung binibili, depende nalang sa iba kung gusto pa ng panghimagas.

Habang nasa pila ay nakita ko ang mga kaibigan ko sa kabilang section. Napatingin sila sa banda namin kaya nginitian ko sila saka sinenyasan na lumapit samin.

"Sesaaaaaa!!"

"Beeee."

" Sessssss!"

Iyan agad ang bumungad sakin at dinamba nila ako ng yakap. Mga babae sila, tatlo. Sina abby, amor at nicole. Hindi ko na sila nakakasama dahil magkaiba nga kami ng section at  
masyado na ding busy kaya minsan nalang kaming magbonding.

"Uy, 'di ako makahinga." sambit ko sa kanila at isa-isa naman silang kumalas. Hayyyy. Salamat.

"Kamusta, bakasyon?" tanong ni abby.

"Ayos lang. Nilibot ko lang buong bahay namin."simpleng sagot ko. Nagtawanan naman silang tatlo.

Napatingin sila sa gawi ng dalawa kong kasamang lalaki at napatingin ulit sa akin.

"Ahh. Guys, si jasper at clark. Single silang dalawa." nakangiting pakilala ko sa kanila.

"Ang gwapo, beshywap." bulong sakin ni Amor. Napatango-tango ako at tumingin sa dalawang ugok na kasama ko. Ang sama ng tingin nila sakin, siguro alam nilang ibubugaw ko sila.

" Nga pala. Si abby may bagong bebe." sabi ni Nicole. Saglit akong huminto at napatingin kay Abby na nakayuko at mukhang nahihiya. Shookt!

"Hinayyyy!! Sino?" tanong ko sa kanila.

"Yung isa sa mga kaklase namin. Transferree lang sya eh." banggit ni Amor habang nakatingin kay Clark. Mukhang nagugustuhan ng kaibigan ko, kung sino pa yung pinakaplayboy sa mga tropa ko ah.

"At alam mo ba, Sesa. Si abby ang muse at si Mhac sya yung escort. O' diba bongga." dagdag ni Nicole habang kinikiliti si Abby.

"So Mhac is his name? Hmm. Pangalan pa lang alam ko ng magugustuhan ni Abby." sambit ko at tinignan si Abby. Namumula talaga sya ah.

"Ano pong order nyo?"

Natigilan ako tsaka humarap sa tindera. Hindi ko napansin na kami na pala oorder.

" Sige, Sesa. Next time nalang ulit tayo magchikahan. Babush." sabi nila. Tumango naman ako tsaka tuluyan na silang umalis.

Humarap ulit ako sa tindera tsaka sinimulan ng magorder. Pagkatapos ay sila jasper na ang pinagbuhat ko ng mga pagkain.

" Sa wakas andyan na."

"Bakit parang ang tagal nyo naman?",

"Oo nga. Kanina pa kami gutom."

Bungad na tanong nila samin.. Isa-isa ko silang tinaasan ng kilay. " Sa susunod, kayo nalang bumili." sabi ko.

"Joke lang, boi. Ikaw naman."

"Hehehe nagbibiro lang boss."

"Tara na nga at kumain na tayo." Sa wakas ay nagsalita si Kim kaya inumpisahan na naming lumamon.

Makalipas ang tatlumpung minuto ay natapos na din kami.. Sobrang solid ng pagkain, ang sarap talaga kaya pala parang ginto mga bilihin dito eh.

"Aaaaaaahhhhhhh..."

Napadighay ako ng wala sa oras kaya napatingin silang lahat sakin. Taka naman akong tumingin sa kanila.

" Lagi kang ganyan. Iwas iwasan mo nga iyang kagaganyan mo. Parang 'di babae." sambit ni Amil.

"Hindi naman kasi babae yan eh." birong sabi ni Troy tsaka sila nagtawanan.

"Eh kung sapakin kaya kita dyan?" hamon ko kay Troy. Nagpeacesign lang sya at kinausap na si Josh.

Pagtapos naming magpahinga ay naisipan naming pumunta sa Main Campus at duon tumambay.

Nakaupo lang kami sa isang hagdanan na kung saan malakas ang hangin kaya presko dito. May kanya-kanyang ginagawa ang mga ugok. Ako naman ay nagdadrawing lang.

Matagal na kong mahilig magdrawing. Lagi kong ginuguhit yung mga bagay na nangyayari sakin. Natuto din kasi ako, simula noong turuan ako ng Erpats ko. Magaling syang magdrawing eh, gusto nyang magengineering nun kaso lang hindi nya natupad dahil sa hirap ng buhay.

Simula nang mawala ang Erpats ko ay mas lalo kong nagustuhan ang pagdrawing, para bang ito na yung nagbibigay buhay sa akin.

"Ayos ka lang ba?"

Napatingin ako kay Kim. Mukha syang nagaalala sakin. Nginitian ko naman sya tsaka tumango.

"Para kasing kanina ka pa walang gana eh." dagdag pa nya.

Hindi ko alam kung paano namin naging kaibigan itong si Kim. Masyadong mabait, maalalahanin at higit sa lahat maganda. Nasa kanya na nga ang lahat eh pero thankful padin kami dahil sa kanya parang may angel na nagbabantay sa amin.

"Kilala mo ba yung dalawang babae dun na laging kasama nung mga lalaki sa Grade 11?"

"Oo nga. Ang ganda nung mahaba yung buhok na may pagkabrown.Si kim ba yun."

"Tama. Ang ganda ganda. Yung short hair kasi mukhang masungit eh."

" Ang ganda kaya ni Sesa, pre. Sobra. Kung baga ang fierce nya tignan. Ganun yung mga type ko eh."

"Sus! Hindi ko sya type. Masungit."

Lahat kami napahinto nang may narinig kaming naguusap. Mukhang padaan sila samin ah. Sanay na akong pinaguusapan lagi, hindi naman sa pagmamayabang.

"Hoy!"

Napatingin ako kay Ash ng sumigaw sya. Tinatawag nya yung tatlong lalaking naguusap. Gulat na napaharap silang tatlo sa banda namin. Naramdaman ko yung tension sa mga kaibigan ko, mukhang nagalit sila ah. Si Kim naman ay parang wala lang sa kanya. Hindi nya hilig ang pakikipagaway, never ko pa siyang nakitang magalit eh.

"Alam nyo bang hindi maganda na pagusapan ng masama ang isang tao ah?" tanong naman ni Mike.

Tahimik lang ako habang pinagmamasdan sila. Ayoko munang makigulo. Mukha pa namang kinakabahan yung tatlo.

"S-sorry."

"Pasensya na, pre."

"Sorry."

Kanya-kanya nilang sabi habang nagsosorry kay Mike. Paalis na dapat sila ng magsalita naman ako.

"Yah! Bakit kayo nagsosorry sa kanya? Hindi ba dapat sakin kayo magsorry?" sambit ko habang nakatingin sa kanilang tatlo. Mukhang lalo ata silang kinabahan. Tsk! Tsk!

"Sorry." sabay-sabay nilang sabi habang nakayuko pa ng konti.

Napangisi ako tsaka tumayo na. Pinagpagan ko muna ang palda ko bago tuluyang lumapit sa kanila. Tinignan ko yung lalaking nagsabi na hindi daw nya ako type.

"Hindi din kita type." bulong ko sa kanya tsaka ko sya tinapik sa balikat bago tuluyang umalis. Sinenyasan ko nalang sila Josh na sumunod sa akin.

























Continue Reading

You'll Also Like

39.1K 1.7K 18
"Show me somethin' different once, I come from where there's no love." COPYRIGHT 23. #1 ATLANTA 05/01/2024 🏆
1.4M 41.8K 52
It only took one night to completely change my life. Jace Hetcher is a rich badboy and a total player. Now I, Chrysanthemum Everston, am having his b...
350K 9.9K 52
what happened when the biggest mafia in the world hid his real identity and married an innocent, sweet girl?
7.3M 205K 22
It's not everyday that you get asked by a multi-billionaire man to marry his son. One day when Abrielle Caldwell was having the worst day of her life...