You're My HOPE, I'm Your ANGE...

Від queenEyJ13

6.6K 218 508

"You're my Hope, I'm your hope, I'm JHOPE" - "Yes you're my Hope, but I'm not your hope because I'm your Ang... Більше

*DISCLAIMER*
Oh my God my hearteu (1)
I love hamburger (2)
And SPRITE (3)
Only Englisheu (4)
A big sufrise (5)
You Dirty water (6)
Don't touch my faceu (7)
I hate snakeu (8)
Very no fun (9)
Important businesseu (10)
JHOPEEEEEEEEE (11)
JHOPEEEEEEE (12)
JHOPEEEEEEEEE (13)
JHOPEEEEEEEEEE (14)
JHOPEEEEEEEEEE (15)
JHOPEEEEEEEEEEE (16)
JHOPEEEEEEEEEE (18)
JHOPEEEEEEEEEE (19)
JHOPEEEEEEEEEE (20)
JHOPEEEEEEEEEE (21)
JHOPEEEEEEEEEE (22)
JHOPEEEEEEEEEE (23)
JHOPEEEEEEEEEE (24)
JHOPEEEEEEEEEE (25)
JHOPEEEEEEEEEE (26)
JHOPEEEEEEEEEE (27)
JHOPEEEEEEEEEE (28)
JHOPEEEEEEEEEE (29)
JHOPEEEEEEEEEE (30)
JHOPEEEEEEEEEE (31)
JHOPEEEEEEEEEE (32)
JHOPEEEEEEEEEE (33)
JHOPEEEEEEEEEE (34)
JHOPEEEEEEEEEE (35)
JHOPEEEEEEEEEE (36)
JHOPEEEEEEEEEE (37)
JHOPEEEEEEEEEE (38)
JHOPEEEEEEEEEE (39)
ANGEL
JHOPEEEEEEEEEE (40)
JHOPEEEEEEEEEE (41)
JHOPEEEEEEEEEE (42)
JHOPEEEEEEEEEE (43)
JHOPEEEEEEEEEE (44)
JHOPEEEEEEEEEE (45)
JHOPEEEEEEEEEE (46)
JHOPEEEEEEEEEE (47)
JHOPEEEEEEEEEE (48)
JHOPEEEEEEEEEE (49)
JHOPEEEEEEEEEE (50)
JHOPEEEEEEEEEE (51)
JHOPEEEEEEEEEE (52)
JHOPEEEEEEEEEE (53)
JHOPEEEEEEEEEE (54)
JHOPEEEEEEEEEE (55)
JHOPEEEEEEEEEE (56)
JHOPEEEEEEEEEE (57)
JHOPEEEEEEEEEE (58)
JHOPEEEEEEEEEE (59)
JHOPEEEEEEEEEE (60)
JHOPEEEEEEEEEE (61)
JHOPEEEEEEEEEE (62)
JHOPEEEEEEEEEE (63)
JHOPEEEEEEEEEE (64)
JHOPEEEEEEEEEE (65)
JHOPEEEEEEEEEE (66)
JHOPEEEEEEEEEE (67)
JHOPEEEEEEEEEE (68)
JHOPEEEEEEEEEE (69)
JHOPEEEEEEEEEE (70)
Special Chapter Pt. 1
Special Chapter Pt. 2
EPILOGUE
ANGEL 🖤

JHOPEEEEEEEEEE (17)

89 3 1
Від queenEyJ13

"I think I should go", paalam ko kay Cynth saka ako tumalikod,

Di ko kayang makita siya, ayoko ng makita pa siya-

"Wait, huy where are you going? Kakaumpisa lang ah. What's your problem?", tanong ni Cynth saka ako hinawakan at hinila papuntang pwesto namin,

"Why didn't you tell me?", seryosong tanong ko, pero di ako tumitingin sa stage, kay Cynth lang ako nakatingin,

"Remember when I messaged you? That's why I'm going to tell you but I didn't recieved any respond from you", sagot niya pero focus pa rin siya sa stage,

B-Bakit hindi man lang binanggit sakin ni Jimin?

"Cynth, kailan pa? Kailan pa siya bumalik?", tanong ko ulit, saka niya lang ako hinarap,

"Sis let's talk about that later, c'mon let's focus on them, oh wait look why may bandage sa kamay si Hoseok", biglang sabi niya kaya napatingin na ako sa stage,

Oo nga may bandage siya sa kamay, teka,

Hindi kaya-

"Baka malusaw mo sa tingin si Hoseok nyan, as well as malusaw ka sa titig ni Jimin", hindi ko napansing natulala pala ko kay Hoseok dahil sa pag iisip ko,

Waaaah Angel wag mo na kasi siyang isipin, diba sabi mo kay Jimin ka na magfofocus,

Bigla akong tumingin kay Jimin, nakatingin nga siya sakin,

Ang lungkot ng mata niya, may problema ba siya?

Nginitian ko siya, para makita ko din yung ngiti niya pero matamlay na ngiti lang yung binigay niya,

"Ayos lang ba si Jimin?", bulong ko kay Cynth,

"I don't know pero kapansin pansin yung katamlayan niya", sagot niya,

As of now 5 songs na yung napeperform ng bangtan,

And now their solo stage,

Nauna si Jk, then Yoongi, V and now si Jimin,

Malungkot yung melody ng song niya, isama mo pa yung expression niya kaya damang-dama mo,

Minsan titingin siya sa part ko, pero babawiin din niya agad,

Bago matapos yung solo performance niya tumingin siya sakin at ngumiti, yung ngiting kanina ko pa hinihintay na gawin niya,

Nagtilian ang armys after ng solo stage niya,

"Myghad sis ang gwapo ni Jimin", kinikilig na sabi ni Cynth,

"Lalo na nung ngumiti siya", sagot ko,

"Yieeee kinikilig ka no?", pang iinis niya,

Tinawanan ko nalang siya,

Next namang nagperform si Jin kaya etong katabi ko di mapakali, kanina pa kilig na kilig sa boyfriend niya lalo na pag tumitingin sa side namin si Jin,

"ILOVEYOU MY JINNIE OPPA!", sigaw nung nasa likod namin kaya napatingin si Cynth,

"He's not your oppa-", di niya natuloy yung sasabihin niya nung sawayin ko siya,

Mamaya ano pa isipin sakanya ng ibang makarinig,

"I mean he's not your oppa ONLY, because he's everybodys' oppa", sabi ni Cynth saka nginitian yung babae,

"I know! Yes maybe now he's everybody's oppa but someday he'll be mine. So sige share share muna tayo", mataray na sabi nung babae,

Nakita kong tumaas yung kilay ni Cynth kaya hinawakan ko siya sa braso para mapigilan kung ano man yung tumatakbo sa isip niya,

"Hayaan mo na, manuod nalang tayo", bulong ko, saka siya iniharap na sa stage,

"Naloka ko sa babaeng yon, ang hirap talaga kapag-", di niya na natuloy yung sasabihin niya nung nagkatulakan,

"Aray ano ba?!", sigaw ni Cynth,

May dalawang babae palang nag aaway, as in nagsasabunutan,

At yung babaeng yun yung kausap ni Cynth, myghad warfreak,

At dahil walang umaawat sakanila, kami na ni Cynth yung umawat,

"Guys respeto naman, we're here to support the boys then you're here making a scene", sabi ko saka inaalis yung kamay nung babae sa buhok nung kausap ni Cynth kanina,

"Eto kase eh narinig ko yung usapan nila kanina tapos sinabi ko lang naman na imposibleng maging sakanya si Jin kase imposibleng magkagusto ang idol sa fan, dahil ang nababagay lang naman sakanila eh yung mga tulad nilang sikat din, yung kagaya ng estado nila sa buhay, tama naman ako diba? Hanggang pangangarap at pagpapantasya lang tayo", sagot nung babae inaawat ko,

Ewan ko pero parang sampal sakin yung sinabi niya,

"Hajimaaaaa! C'mon stop this scene, irespeto natin sila, ang babaw ng dahilan niyo psh", sabi ni Cynth saka binitawan na yung babae at inaya na kong magfocus sa panunuod kaya binitawan ko na din yung babae,

"Actually she has a point, no I mean she's right, it's really impossible to-", naputol yung sasabihin ko nung lumabas ng stage si Hoseok,

He looks stunning with his white suit,

Napuno nanaman ng tilian ang arena,

Nag umpisa na siyang magperform,

Yung mga galaw niya, yung boses niya, yung stage presence niya, yung mga ngiti niya, di talaga ko magtataka kung bakit nagustuhan ko ang lalaking to,

At ang ugali niyang minahal ko pero kailangan ko ng bitawan ang pagmamahal na yon, lalo na't may iba na rin siyang pinag aalayan ng pagmamahal at pipilitin ko namang suklian ang ginagawa ni Jimin, kahit mahirap Hoseok, di na ko kakapit pa at bibitawan na talaga kita dahil wala na kong nakikitang pag asa, bakit kase kailangan mo pang magpanggap na mahal mo parin ako gayong may mahal ka ng iba,

Napayuko ako ng biglang tumulo yung luha ko,

Eto nanaman ako, nanghihina pagdating sayo,

"Sis are you okay?", tanong ni Cynth saka ako hinawakan sa likod,

"Hmm I'm okay", sabi ko saka ako nagpunas ng luha at tumingin ulit sa stage, sakto namang nakatingin si Hoseok,

Yung tingin niyang parang tumatagos sa pagkatao ko,

Akmang lalapit siya sa pwesto namin kaya, tumalikod ako at nakipagsiksikan makaalis lang sa pwesto ko, narinig kong tinawag ako ni Cynth pero diko na siya pinansin,

Dumerecho ako sa may cr dto sa arena,

At pumasok ako sa isang cubicle para ilabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan,

Ang sakit, ang sakit na makita siya, makita siya at maiisip mong hindi na siya sayo,hindi mo na siya pag aari, wala na yung pagkaoverwhelmed ng puso ko sa tuwing nagpeperform siya na parang proud na proud ako because that's my man, akin siya, but now sumisikip lang yung dibdib ko habang pinapanuod siya dahil sa nananariwang mga ala-ala,

Lalabas na sana ako ng cubicle ng may marinig akong nagkekwentuhan,

"Ang gwapo talaga ni Hoseok no?", sabi nung babae,

"Oo nga eh, ang swerte ng girlfriend niya no? Sabagay maganda rin naman at talented yung girlfriend niya kaya swerte din siya, bagay talaga sila para sa isa't isa", sabi naman nung kausap niya,

Oo na mga bes wag niyo ng ipamukha pa sakin jusko durog na durog na nga ako eh,

"Oo guys tama kayo bagay na bagay sila, idol para sa idol at wala tayong pag asang mga dakilang fans lang", singit ko sakanila pagkalabas ko ng cubicle,

"Tama ka jan, t-teka miss bakit namamaga mata mo? Umiyak ka?", tanong nung isa,

"Hindi napuwing lang ako", sagot ko,

"Weh? May napuwing bang ganyan?" Tanong nung isa,

"Oo naman, napuwing ako ng mga gamo gamo, mga lima silang pumasok sa mata ko kaya ayan kinalabasan, tagal din bago ko sila matanggal ah, osige maiwan ko na kayo jan", sagot ko saka ako nag wave sakanila, nagwave din naman sila, saka ako lumabas ng cr,

"Hoy gaga ka, bakit mo ko iniwan dun? T-teka umiyak ka ba?", tanong niya pagkapansin sa mata ko,

"Allergy lang siguro sis", sagot ko,

"Allergy saan? May nakain ka ba? Saka bakit mata lang?", nagtatakang tanong niya?

"Ahm oo sa mata lang talaga sumusumpong allergy ko, ahm sa ano, sa ilaw, allergy ako sa ilaw, may shades ka ba jan?", tanong ko,

Iiling iling nalang siya saka may kinuha sa bag niya,

"Oh ayan, allergy sa ilaw, you can't fool me, mahal mo pa ba? Diba may Jimin ka na?", tanong niya sabay abot ng shades,

"Ano bang sinasabi mo jan sis? Halika na bumalik na tayo dun", sabi ko sabay suot ng shades,

"Sana may balikan pa tayo", sabi niya saka nagsimula ng maglakad,

"Oo meron pa yan. Siya lang naman ang wala ng babalikan", bulong ko kaya hindi na niya narinig,

Sinundan ko na siya hanggang sa makabalik kami sa pwesto,

Panay lang sila pasasalamat sa ending ment nila, pero parang may mali, parang feeling ko ilag sa isa't isa si Jimin at Hoseok,

Or baka feeling ko lang yon,

Encore stage na nila kaya they come closer to the fans, at may pa roses pa sila ngayon ah,

Each members having 1 rose para ibigay sa army,

Si Jin halos nagstay na sa part namin pagkaabot ng rose kay Cynth kaya kilig na kilig tong katabi ko,

"Kyaaah be palapit si Jimin", bulong ni Cynth,

At oo nga lumapit nga siya sa part namin at naupo pa sa edge ng stage,

Inilahad niya yung kamay niya kaya inabot ko,

Hinila niya ko papalapit sakanya at iniabot yung rose na hawak niya,

"Thankyou", sabi ko, lalayo na sana ako dahil naiilang ako ng bigla niya nanaman akong hilahin palapit saka-

"Grabe honey, gabi na pero parang mataas pa din ang sikat ng araw jan sa pa shades mo, ang cute mo eh noh, mukha kang tanga,", tatawa tawang bulong niya,

Argh Jiminssi kung wala lang mag iissue sakin dito, binatukan na kita, sarap mong sampolan,

Nginitian ko siya ng peke saka din ako bumulong,
"Bwiset ka", saka ako lumayo sakanya,
Sakto namang napatingin ako sa part ni Hoseok, and shoot he's looking at us,

Pero bigla din niyang iniwas yung, tingin niya kaya di ko nalang pinansin,

"Ayieeeee", rinig kong pang aasar ni Cynth,

Napailing nalang ako,

Nung natapos na ang encore, nag paalam na ang boys at lumabas na sa backstage,

"Let's go", aya ni Cynth saka ako hinila,

I thought hihilahin niya ko palabas ng arena pero hindi, hinila niya ko papuntang backstage,

"Teka san mo ko dadalhin? Uuwi na ko huy, Sis we're not allowed here", saway ko sakanya pero hindi man lang siya nagpatinag,

"Jin gave me 2 backstage passes ano ba, trust me", sabi niya habang patuloy akong hinihila,

Grabe yung tibok ng puso ko nang tumapat kami sa pintuan ng waiting room nila,

Kumatok si Cynth, kaya agad naman kaming pinagbuksan ng pinto ng isang staff,

"Hello", bati ni Cynth sabay bow sakanila kaya nakibow na din ako,

At bumungad samin ang mukha ng isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim- anim na naggagandahang lalaki,

Teka nasan si Hoseok?
Sshhh Angel, wag mo ng hanapin ang wala, ang matagal ng wala, matagal ng wala sa buhay mo, be thankful dahil di mo siya makakaharap-

"Annyeong Hoseok-ah", bati ni Cynth sa nasa likod namin, kaya para akong naestatwa sa kinatatayuan ko,

"Annyeong", sagot ni Hoseok saka naupo sa sofa katabi ni Jin,

"San ka galing hyung?", tanong ni Jk,

"Staff noona changed my bandage", sabi niya sabay pakita ng kamay niya,

"What happened to your hand?", tanong ni Cynth, saka naupo sa tabi ni Hoseok,

"A long story, don't worry it's not that serious", sagot niya,

"Ya Angel-ah come here", tawag ni Jimin, kaya pumunta ko sakanya at umupo sa tabi niya,

"Hobi, switch kayo ng pwesto ni Cynth, I need my baby girl, I'm so tired I need my strength", sabi ni Jin, kaya nag palit ng pwesto si Cynth and Hoseok,

Kaya nakatabi ko si Hoseok, napapagitnaan nila ko ni Jimin,

"Harot mo hyung", sabi ni V kay Jin,

"Oo nga sakit sa niyo sa mata, let's go V hyung kumain nalang tayo", aya ni JK saka lumabas kaya sumunod sakanya si V,

"Mga bitter", sabi ni Jimin saka umakbay sakin,

Nabunggo ng kamay niya si Hoseok kaya napatingin to samin, pero agad din namang binawi yung tingin niya at lumipat ng upuan sa tabi ni Yoongi,

Bale nasa harapan namin sila,

"Jimin, anong meron sainyo ah?", panunukso ni Jin,

"Baby as if naman di mo alam", sabi ni Cynth,

"Oo nga hyung, umalis pa kase yung dalawa eh formal ko sanang papakilala sainyo tong girlfriend ko eh", sabi ni Jimin,

Napansin kong kumunot yung noo ni Hoseok,

"We already know her", sabi ni Yoongi,

"But not as my girlfriend, so now kilala niyo na siya, AS MY GIRLFRIEND", Talagang inemphasized niya yung word na yun.

"Yieeee landi mo Jimin", pang iinis ulit ni Jin,

"Mas malandi ka hyung wag kang papalamang", sagot naman ni Jimin,

"Hobi ah why you're so quiet?", sabi naman ni Rm, di siya nakikisali kanina sa usapan dahil focus siya sa phone niya,

"I'm just tired", sagot nito,

"Oh I see, Angel what happened to your arm?", tanong ni RM,

So ayun kinwento ko sakanila yung nangyari,

"Woaw, that's ridiculous", sagot ni RM,

"Wait you said may tumulong sayo at yung kamay niya ang mas napuruhan?", sabi ni Yoongi saka tinignan yung kamay ni Hoseok,

"Wae? Ano iniisip mo hyung?", tanong ni Jimin,

"I'm just thinking if hindi kaya si Hoseok ang tumulong sayo-", naputol ang sasabihin niya ng magsalita si Hoseok,

"No I'm not", cold na sagot niya,

"Arasso", sabi ni Yoongi,

Napatingin sila sakin lahat ng magring ang phone ko,

I checked it, Ran calling me,

"Excuse me, I just take this call", paalam ko sakanila saka ako lumabas ng waiting room,

"Hello Ran, bakit ka napatawag?", tanong ko,

"Bes, san ka na? Papasundo ka ba kay Paul?" Tanong niya,

"I'm andito pa ko eh, baka hindi na sasabay nalang ako kay Cynth", sagot ko,

"Oh okay so kamusta ang concert? Anjan ba si ano?", panunukso niya,

"Kwento ko nalang sayo mamaya, kamusta si Janeah?" Tanong ko,

"Ayon na sa dreamland na ang prinsesa mo", sagot niya,

"Okay sige na ibaba ko na yung tawag ah, bye" sabi ko nung marinig kong bumukas ang pinto,

"Okay ingat ka sa pag uwi bes bye", sabi niya sabay end ng call,

Sakto namang pagtalikod ko, may nabunggo ako,

As in nasubsob yung mukha ko sa kung sino man to, ang bangoooo,

T-teka

"Can we talk?", seryosong tanong niya kaya napatingala ako sakanya,

"H-Hoseok?", yun nalang nasabi ko,

"C'mon", sabi niya sabay hawak sa kamay ko at hinila ako papasok sa isa sa mga dressing room dun,

"Wala tayong dapat pag usapan Hoseok", sabi ko pagkapasok namin dun,

"What are you doing? What's the meaning of this?", galit na tanong niya habang nakahawak sa magkabilang balikat ko,

Di ko siya matignan sa mata dahil natatakot ako sa kanya, at natatakot akong umiyak sa harap niya,

"What's wrong?", tanong ko,

"Ilang araw lang akong nawala then pagbalik ko kayo na ni Jimin, wow daebbak", sarcastic na sabi niya,

"Bakit? Ikaw nga umalis ka ng walang paalam then after that may lalabas na naman na article na may girlfriend ka, MAY GIRLFRIEND KA PALA PERO BAKIT PINANIWALA MO PA KONG MAHAL MO PA RIN AKO? NA YUNG "OO" KO NALANG YUNG HINIHINTAY MONG SAGOT", Sigaw ko sakanya, at ayan na yung luhang nag uunahang magsituluan habang nakatitig ako sa mata niya,

"You don't really trust me huh? Pangalawang beses mo na kong pinagdudahan, that's not what you think", iiling iling na sabi niya,

"Di ako nagdududa! Naniniwala lang ako sa kung anong nakikita ko, kase kapani-paniwala naman diba? Stop fooling around Hoseok", sabi ko sakanya,

"But have you already know what's behind that story?", tanong niya,

"No! Di ko na kailangan pang malaman. Siguro ang tanga ko para maniwala sa article, pero mas tanga naman siguro ko pag naniwala ako sayong may reason behind that kahit nakita ko na yung mga pictures niyo kung gano kayo kasaya sa isa't isa kaya di mo ko masisising isiping totoong may namamagitan sainyong dalawa" sabi ko saka nalang ako napayuko at napahagulgol,

Alam kong sisikip lang ang dibdib ko pag pinigil kong ilabas to,

Hinawakan niya ko sa mukha at iniharap sa kanya, at pinunasan niya ang mga luha ko sa pamamagitan ng thumb finger niya,

"If you just let me explain-", naputol ang sasabihin niya ng dumating si Jimin,

"Hyung!", sigaw niya saka inalis ang pagkakahawak ni Hoseok sa mukha ko,

"Jimin, we're talking so please", sabi ni Hoseok saka sinisignalan si Jimin na wag makialam,

"No, she's mine hyung, you don't have to talk to her, and oh look you made her cry again and again", sabi ni Jimin saka hinawakan yung mukha ko at pinunasan ang mga luha ko,

"I'm just explaining my side to her. Because nagulat ako biglang naging kayo, Jimin I thought di mo magagawa sakin to-", pinutol ko na ang sasabihin niya,

Ayokong magkasakitan pa sila,

"T-Tama na! Tumigil na kayo", sabi ko saka hinawi sila at lumabas na sa kwartong yun,

Narinig ko pang tinawag nila ko ng sabay pero di ko na sila pinansin, basta ang gusto ko lang makawala na sa sitwasyong to.

Ayoko na, nahihirapan na ako.

Malakas ang ulan nang makalabas ako sa arena, pero binalewala ko lang yun, basta gusto ko ng makauwi. Napapagod na ko-

*boogsh*

Продовжити читання

Вам також сподобається

1.6M 35.3K 162
A story made for Jedean Gawong Fan❤🌈
2.9K 654 138
Park Jimin- a.k.a- Jess/jass Min Yoongi- a.k.a- Red Kim taehyung- a.k.a- Fatima Jeon Jungkook-a.k.a- Luigi Kim Namjoon- a.k.a- Neil Kim Seokjin- a.k...
15.6K 868 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
20.2K 147 25
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...