Diary ni Faphrodite: Ang Diyo...

Bởi RedLonelyRanger

4.4K 89 16

"Life is as to fap. Sometimes it's hard, sometimes not. But no matter what happens, you have to stick it in."... Xem Thêm

Diary ni Faphrodite: Ang Diyosa ng Fap
DNF: Entry 1
DNF: Entry 2
DNF: Entry 3
DNF: Entry 4
DNF: Entry 6
-- DNF 6.2 Aphrodite's Entry
-- DNF 6.3 Alexia's POV
DNF: Entry 7
DNF: Entry 8
DNF: Entry 9
DNF: Entry 10
Intermission
DNF: Entry 11
DNF: Entry 11.1 (Haruka-sensei's POV)
Special Otor's Note
Untitled Part 19
fap

-- DNF: 6.1 Niccolo's POV

119 4 0
Bởi RedLonelyRanger

DNF – 6.1 (Niccolo’s POV)

                            

           

            Pasimple kong tinitingnan ngayon ‘tong babaeng to. Pasulat-sulat lang siya sa notebook niyang may picture ng isang anime na lalaki. Black Butler ba to? Ewan. Hindi naman ako interesado. Akala mo naman importante yung mga pinagsususulat niya. Ang hina-hina na nga sa klase, ito pa ang inaatupag. Napa-facepalm naman agad ako. Tiningnan ko naman siya ng masama tsaka napatingin naman siya sakin. Kumunot ang noo niya saka sinamaan ko lang din naman siya ng tingin.

Natapos na ang Math. Yung asungot kong kapatid, patuloy parin sa panggugulo sakaniya. Hindi naman ako ganito kadaldal pero pag talagang nakikita ko ‘tong babaeng to, lumalabas nalang ng kusa ang mga salita sa utak at bibig ko.

Naalala ko pa. Ilang taon na rin ang nakakalipas. Umuwing umiiyak nun si Cark. Grade 5 palang siya nun at highschool na ako. Ako naman bilang kuya, nag-alala din sakanya. Di naman niya talaga nakikita yun o ng iba pero nararamdaman niya.

“Napano ka?” tanong ko sakanya.

“Kuya, she don’t like me.” Sagot naman niya sabay pasok sa cabinet.

“Ah teka lumabas ka nga diyan.”

 

Binuksan naman niya kaagad yung pinto ng cabinet saka umupo sa harap ko. Umiiyak at nagpupunas ng luha at sipon.

“My heart is broken this Valentine’s Day. Ayaw niya sakin kuya. Ayaw niya sakin.” Sumbong niya sakin. Lumapit naman ako saka ko siya tinapik sa balikat.

“Gwapo ka Cark. I’m sure she’ll like you someday. Mana ka kaya kay kuya” Nakangiti kong sabi sabay pogi pose.

 

“Really kuya?”

 

“Hayaan mo. Kausapin natin siya bukas.”

 

“Pero..”

 

“Ano?”

 

“Pupunta na daw ako ng London…”

Nung mga oras na yun, hindi ko alam ang irereact ko. Tama. Iiwan pala nila akong lahat. Napakasaya lang.

Parating ang kapakanan ni Cark ang iniisip. Siya ang parating nauuna. Siya ang mas nilalapitan. Siya kasi yung mas malapit sakanila. Kay Dad lang naman ako malapit. Pero nagbago na ang lahat nung mawala siya. Ang lahat ng emotional support na’kay Cark. Pero hindi naman ako nainggit sakanya. Hindi rin ako nainis. Mahal ko lang ang kapatid ko kaya ganun.

Gusto naman akong pasamahin ni Mommy sa London. Pero ayaw ko. Dito lang ako. Ba’t pa ba ako makikisiksik dun eh kung dito nga masikip na?

Nung araw na paalis na siya papuntang London, binigyan niya ako ng litrato ng isang batang babae na nakaupo sa swing at may hawak na teddy bear.

“Kuya!”

 

“Hmm bakit?”

 

“Hanapin mo siya ha? Sabihin mo, babalikan ko siya. Magpapakasal pa kami hihihi.” Tsch tong batang to talaga. Kung anu-ano ang iniisip.

“Sige na. Kung ano-ano pa’ng sinasabi mo eh.”

 

“Basta kuya ha? Kuya ha?”

 

“Promise.” Sabi ko sabay brofist sakanya.

Napatingin naman si Mommy sakin at ngumiti sabay lapit sakin at yakap ng mahigpit. Hinalikaan niya ang noo ko saka hinawakan ng magkabilaan ang pisngi ko.

“Anak, you’ll be good here. Okay?”

 

“Opo.”

 

“Malaki ka na anak.”

 

“I know.”

 

“Are you going to be okay? ”

“How can be okay if you’re leaving?”

            Napayuko nalang si Mommy nun. Nakakainis. Bakit kasi nagtatanong pa siya kung magiging okay lang ba ako kung aalis sila? Sino ba ang hindi malulungkot dun?

            “Hurry now. The plane is leaving.” Sabi ko. Niyakap niya ulit ako sa huling pagkakataon saka hinawakan ang kamay ni Cark saka umalis.

“Bye kuya!” sigaw niya sakin. Kumaway naman ako bilang tugon sa sinabi niya. Dahan-dahan ko silang tiningnan na naglakad papalayo sakin.

Umuwi na agad ako ng bahay saka gumawa ng assignment. Kinuha ko sa bulsa ko yung litrato nung batang babae saka inilagay yun sa notebook nun saka pinikit ko ang mga mata ko at natulog.

Kinabukasan nun ay napabangon ako saka nag-ayos. Haft day lang kami ngayon gawang Foundation day ng school namin. Kaya pagkatapos ng klase namin, dali-dali akong pumunta sa school ni Cark at hinanap yung babae.

Papunta pa lamang ako ay napadaan ako sa isang maliit na park. May isang batang babae na nakaupo sa swing, may hawak na teddy bear at umiiyak. Teka… Parang siya yun ah?

Lumapit naman agad ako saka tiningnan ko siya. Napatingin siya sakin nun. Sabay punas ng mga luha sa mata niya.

Nung mga oras nay un, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Hindi naman sa nagiging pedo na ako o ano pero…

Yung kulay brown niyang buhok, maputi niyang kutis, mapupungay niyang mata… Nagmuka siyang manika sa mga mata ko. Napakaganda niya. Mala-anghel talaga ang ganda niya @#%&

 

“Ah..”

 

“Sabi ni Mama no talking to strangers!” sabi niya sakin sabay talikod.

Humarap naman ako sakanya at nakipag kamay.

 

“Well, I’m Nick. Hindi na tayo strangers.”

Napatingin siya sakin. Kahit na ang taray ng dating niya eh nandun parin yung mukang napaka-inosente. Para siyang manika talaga.

Hindi ko namalayang tumulo na ang mga luha ko sa mga mata ko. Kaya naman laking gulat ko nalang nang bigyan niya ako ng pink na panyo na may design na rabbit.

“Eto po kuya. Mas kelangan niyo po kesa sakin. Sige po. Aalis na po ako.” Sabi niya sabay tayo sa swing at naglakad papalayo sakin.

Hindi ko maintindihan bakit…

Simula nun, hindi ko na siya nakita ulit. Bumabalik parin ako sa park para tingnan kung nandun siya pero wala na siya dun sa tuwing pumupunta ako.

Pero ang alam ko, hindi ko siya malilimutan.

College na ako. 1st year college na nung bumalik si Cark ng Pilipinas. At ako naman, hindi ko maipasa-pasa ang ilang subjects kaya pauli-ulit kong tintetake ito. Ngayon magka-year level lang kami.

 Sabi niya may bago na raw na pamilya si Mommy. Ilang taon rin ang nakalipas. Di man lang siya tumawag o nagsulat o nangamusta sakin.

Ganun pala. May bago na palang pamilya.

“How have you been kuya? It’s been a long time.” Sabi niya sakin.

“Ah oo.”

Sinama ko siya sa McDo para kumain ng kunti. Ilang taon na rin kasi ang nakakalipas simula nung umalis ang maid namin. Kaya hindi na ako nakakapagluto.

“What are you taking nga pala kuya?”

“BSED.” Matipid kong sagot.

“Majors in?”

“Math.”

“AHA! Amazing! Hahahaha anong year na kuya?”

“1st year.”

“HA? Pe-“

“Wag na makulit. Basta yun na.”

“Eh—kuya naman. Pero hehe wag na nga. Ah! Naalala mo pa ba yung babaeng pinapuntahan ko sayo kuya?”

“Hindi.”

“EH?”

“Di nga.”

“Yung binigay kong picture? Kuya didn’t you talk to her?”

“Nah.”

“EHHH? Tsk.” Sabi niya

“Bakit?”

“Hehe wala lang. Malapit lang sa school ang bahay niya. Nalalakad lang, mga 15 minute walk lang then we’ll reach it.”

“Okay.”

“How have you been?”

“Good.”

*ring ring ring*

“Oh wait kuya sasagutin ko lang.”

“Okay.”

“Hello? Okay malapit ka na ba? Ah okay.. Sige okay.. ingat ka ha? Bilisan mo.. Papakilala kita kay kuya.. Hahaha sige ingat. Love you.”

“Gf?”

“HAHAHA yes! Pinapunta ko siya dito para naman makilala mo siya kuya.”

“Okay.”

“GIANT!” sigaw nung isang babae sa malayo. Nagtinginan ang iba mga tao sakanya. Lalo na ako. Nak ng.. Ang ganda.

“Kuya, meet my girlfriend, Alexia. Alexia, this is Kuya Niccolo.”

“Hi po kuya! Nice to meet you.” Sabi niya sabay abot ng kanyang kamay para makipagkamay sakin.

“Ah.. Nick.. Please call me Nick..”

“Ah sige po kuya Nick teehee”

P R E S E N T

“Ah—sh—ah..” Bulong ko sa sarili ko. Nasa banyo ako ng mga lalaki at tinitingnan ko ang mga pasa sa katawan ko. Kung hindi dahil sa nangyari kagabi di sana… Pero, ngayon lang ulit ako nakatulog ng mahimbing. Bakit kaya?

Inayos ko na ang uniform ko saka lumabas ng banyo. Napatingin ako. Kaliwa’t kanan pero hindi nagugustuhan ng mga mata ko ang nakikita ko. Parati naming ganun eh.

“Ahahaha you’re so crazy! You know it’s hard to make him fall. Senpai yan girl. Wag ka ng umasa pa.” sabi nung isang babae sa may table.

 

“Ang gwapo ni Niccolo-senpai. Pero wala pa talaga akong nakikitang babae sa tabi niya. I guess wala talagang magkakagusto sakanya. Sayang.” Sagot naman nung isang babae.

“But I wonder if he likes someone.”

 

“Yeah. Me too.”

Nag-bubulong-bulungan. As if di ko rinig ang mga pinagsasabi nila.

“AHAHAHAHAHA EH—AH!” naramdaman ko ang dibdib niyang tumama sa dibdib ko. Bakit ba kelangang paramdaman at pakitaan ako ng mga ganto ng babaeng to?

“Pwede ba? Tingnan mo naman ang mga dinadaanan mo.” Sabi ko sakanya.

“Eh pasensya. OJ lang.” sagot niya sakin. Di ko naman siya pinansin at naglakad naman ako papalayo sakanya. Baka kung ano pang mangyare.

“Problema nun?” dagdag pa niya. Para namang di ko rin narinig. Tsk

Di ko nga alam kung ba’t dinidikitan pa ng kapitid ko ang mga gantong tipo ng babae. Dahil ba muka siyang maganda? EH—ba’t  ko ba sinabi yun? Di ko talaga maintindihan ang taste niya.

“Kuya Nick!” tawag niya sakin.

“Ah! Alexia! Hahaha” napaurong naman kaagad ako.

“Kuya Nick, nakita mo ba si Aphrodite?” tanong niya sakin.

“Ah.. Eh.. Nandun siya.. Sa may park.”

“Ooooh ganun ba? Eh si Carkie? Kasama ba niya?”

“Ha? Ah.. eh.. Di ko napansin.”

“Hmmm! Sige kuya Nick! Salamat! Una na muna ako ah?” nakangiti niyang sabi saakin.

“Ah.. Oo.. Sige. Ingat.” Saka tinapik niya ako sa balikat saka tumakbo papalayo sakin. Rason kung bakit walang babaeng nakapaligid sakin? Alexia Gotham Carter. Siya lang yung babaeng gusto kong makita.

Heaven na pagkausap niya ako. Masakit lang pag may ‘kuya’ sa Nick. Tsk. Banas. Di ko alam kung dapat ko bang ikatuwa yun o hindi pero kapag naririnig ko yun ewan lang.

Pero buti na ang ganun kesa sa wala diba?

Naupo ako sa ilalim ng puno saka nilabas ko ang notebook ko at nahulog ang isang litrato. Ah.. yung litrato ng batang babae.

Tiningnan ko siya ulit. Asan na kaya siya ngayon? Mas maganda kaya siya ngayong matanda na siya? Haaay kung ano-ano pa ang naiisip ko.

Nung mga panahong yun hindi ko parin maintindihan kung bakit… bakit hindi ko sinabi kay Cark na nakita at nakausap ko tong babaeng to. Dahil ba umiyak ako sa harapan niya? Nilabas ko ang panyong ibinigay niya sakin. Nasakin parin talaga yun.

Ewan ko pero parang nahihiwagaan talaga ako sa batang yun. Pedophile na ata ako eh. Pero parang hindi naman siguro. Ewan ko lang.

“You kept it.”

“Fu— Cark?”

“HAHAHA gugulatin sana kita. But I failed hehe”

“Anong kailangan mo?”

“Do you remember what I told you before?”

“Ano?”

“I’ll—marry her.”

Napatingin ako sa picture. Nakaramdam ako ng pagkairita sa sinabi ni Cark. Hindi ko alam kung bakit pero—ewan ko lang.

“Hmmm okay.”

“Aphrodite. She’s unique isn’t she?” sabi niya sabay tingin sa mga ulap.

“Anong unique sa babaeng yun?”

“I don’t know. I also cannot explain. Hahaha”

“Ang gulo mo. Akala ko ba itong babae tapos si Alexia… Tapos yung babaeng yun?”

“Hahahaha you like her.”

“Ha—“

“You like Alexia don’t you?”

Nabaling ang tingin ko sa malayo. Hndi ko kasi inaasahang sasabihin yun ni Cark. Siguro napansin niya o ano pero hindi lang ako kumibo nun sa sinabi niya.

“HAHAHA it’s too obvious. You know I can tell.”

“Tsch…”

“Sakanya ka lang naman tumatawa eh. And when you talk to her, you statter a lot.”

“Ha.”

“Amazing isn’t it?”

“Ano?”

“I like her too but she’s confusing me.”

“Bakit?”

“Nililigawan niya kasi si Aphrodite.”

“HA?” Fu— yung babae yun? Nililigawan? HA?

“I got that reaction too.”

“Gusto ka niya. Pano mangyayare yun?”

“Well, I don’t know.” Sabi niya sabay upo sa tabi ko. Tiningnan ko nalang siya na may gulat sa loob. Pero ewan ko sa taong to, parang wala lang naman sakanya.

“Hahaha it’s crazy. Even she likes Aphrodite now.”

“Ah.”

“I wonder sino pa kayang magkakagusto sakanya?” sabi niya sabay tingin at ngiti sakin. Kinuha niya yung litrato nung batang babae sakin saka ibinalik ulit.

“Akin to kuya—but di mo binalik.”

“Ah sorry. Eto—“

“Hahaha no. Itago mo na yan. Binibigay ko na yan sayo.”

“Ah—“

“You worry much. Be happy sometimes kuya. Well, I have to go.” Sabi niya sabay tayo.

“Hmmm..” sabi ko sabay tango.

“Alis na ako kuya. Kita nalang tayo mamaya sa bahay.” Sabay lakad papalayo sakin.

Haha. Malaki ka na Cark. 

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

763K 26.4K 36
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
124K 5.5K 71
The Oleander Woman is a paradox of beauty and danger, her allure and strength mask a potent inner fire. Her delicate blooms and graceful form inspire...